Thursday, February 2, 2012

Chances Chapter 17


Story Cover Created By:
Jojimar Lalusin Abarido

by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com


Pagdating talaga sa narration ni Renzell Dave nauubos ang laman ng 2mb kung utak. Ilang beses kong inulit ang chapter na ito hanggang sa masatisfied ako. Dumugo na lahat ng pweding dumugo sa akin sa chapter na ito. HAHAHA


Anonymous and Silent Readers – Guys sana ay tigilan niyo na ang pagiging anon at silent reader niyo bago matapos ang kwentong ito gusto ko kasing mapasama kayo sa mga taong pasasalamatan ko. Medyo matagal-tagal rin akong mawawala o baka nga hindi na ako muling bumalik pagkatapos nitong Chances kaya gusto ko sanang makilala kayo bago mag-end of the world. HEHEHE


Sa mga Taclobanun readers ko naman, damu na salamat han suporta niyo mga paps. Unta mag-pakilala ngin mag-paabat giyap kamo para naman masaya.


Sana ay magustohan niyo ang kinaya nang utak ko sa chapter na ito. Abangan niyo rin sana ang tatlong huling chapter ng Chances. Enjoy Reading nalang guys and keep the comments coming! Iyon lang ang hiling ko sa inyo. Hehehehe


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Kanina pa nakalaalis si Sonja sa opisina namin pero hanggang ngayon hindi parin nawawala ang inis at pagkaasar ko sa kanya. Kung alam ko lang na ang pagmamagandang loob ko sa kanya ang magiging dahilan para mawala sa akin ang taong pinili kong mahalin ay hindi na sana ako nagpaka buti pa. Minsan talaga walang naidudulot na maganda ang pagpapakabait.


Ang buong akala ko ay okey na ang lahat kay Sonja. Nang sadyain ko ito sa Manila para pormal na makipaghiwalay ay hindi naman ito tumutol kaya inakala kong okey lang sa kanya ang lahat at tulad ko rin ay wala naman talaga itong nararamdaman para sa akin. Pero nagkamali ata ako nang inakala.


Matapos ang isang lingo mula nang pormal kaming mag-hiwalay ay nakatanggap ako nang tawag mula rito na sa lugar daw namin gaganapin ang photo shoot ng iniindorso nitong bagong shampoo. Syempre dahil gusto ko namang makabawi at mag-pasalamat narin dahil sa hindi ako nito pinahirapang ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa bago kong pagibig na natagpuan ay sinamahan ko siya sa pag-stay niya sa lugar namin.


Hindi ko lang napaghandaan ang pagdating ni Alex, ang akala ko ay sa lunes pa ito papasok pero laking gulat ko nang makita ko ito sa loob ng bar. I was caught off guard at handa akong mag-paliwanag sa mga oras na iyon pero naunahan ako nang matinding galit nang makita ko siyang kausap ang dati niyang karelasyon.


Inaamin kong binalot ako nang selos sa mga oras na iyon at nawala sa aking isip na ako man ay may dapat ding ipaliwanag sa kanya. Sadya nga atang kapag ang isang tao ay naalipin ng isang negatibong pakiramdam nawawala ang kakayahan nitong mag-isip.


Nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata nito nang marinig nito ang paglalandi sa akin ni Sonja na dahilan ngayon kung bakit abot langit ang inis ko. Maski sa malayo ay ramdam ko ang mga tingin nito sa amin ni Sonja pero wala naman akong magawa dahil ayaw ko namang maging bastos sa babae lalo pa’t bisita ko ito.


“Sir Dave?” Basag sa akin ng sekretarya ni papa.


Kunot noo ko itong tinapulan ng tingin habang nakadungaw ang ulo nito sa pintuan ng opisina ko.


“Pasensiya na po sa disturbo sir.” Ang tila kinakabahan nitong wika.


“Ano ang kailangan mo?”


“Kasi sir, tumawag si Attorney Dorwin at pinapasabing tawagan mo raw siya hindi ka raw po niya ma contact.”


Hindi na ako sumagot rito bagkus ay agad kong tinawagan ang kambal ko.






Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa bahay ng kambal ko. Pinapunta ako sa bahay nito dahil gusto ako nitong makausap.


Naisip ko na ring humingi nang tulong sa mga ito patungkol kay Alex dahil hindi ko na alam kung anu ang gagawin ko sa isang iyon. Sinubukan ko siyang kausapin matapos ang insedenteng nangyari sa seventh bar noong nakaraang sabado ngunit lagi ako nitong iniiwasan. Wala akong nagawa kung hindi ang hintaying maging handa itong makipagusap sa akin  sa takot na lalo lamang itong lumayo kung ipipilit ko ang gusto ko. Kilala ko si Alex at hindi magandang ideya ang salubungin ang galit nito.


Sa mga  emplayado at kaibigan ko nalang nailalabas ang galit at pagkainis ko sa mga nangyari. Kahit anong pilit ko kasing mag-paliwanag kay Alex ay hindi ako nito binibigyan ng pagkakataon.


Saktong alas-syete nang dumating ako sa bahay ng kambal ko.  Seryoso ang mukha ni Red nang pagbuksan ako nito na bago sa akin. Minsan ko lang nakitang mag-seryoso ang kumag na ito at iyon ay noong biglang mawala si Dorwin para paghandaan ang birthday niya.


“Dumeretso kana sa kusina hinihintay ka ni Dorwin doon.”


Wala ako sa mood para pansinin pa ang kung ano mang masamang hangin na nasinghot nito kaya dumeretso nalang ako sa kusina gaya nang sabi nito.


“Ano ang paguusapan natin?” Ang bungad ko sa kambal ko na abalang naghahanda para sa hapunan nila.


“Natapos ko na ang kasong hinahawakan ko.”


“And?”


“I will take the company from you.” Seryoso nitong wika. “Puro reklamo na ang nakakarating kina Tita Evette patungkol sa pag-terrorize mo sa mga empleyado natin kaya habang wala pa si papa ako nalang muna ang hahawak sinabihan ko na si kuya Archie.”


“Iyon lang ba? Sige, alis na ako.” Aktong tatalikod na ako nang mag-salita ulit ito. Wala sa akin kung siya ang mamahala nang kompanya ang importante sa akin ay ang makausap ko si Alex.


“Hindi mo dapat sinuntok si Brian, Renzell Dave. Alam nating lahat kung hanggang saan ang kadaldalan ng isang iyon at sa tingin ko walang mali sa ginawa niya.”


Lalong nadagdagan ang inis ko sa araw na iyon ng maalala ang nangyari sa amin ng isa sa mga kaibigan ko. Nasuntok ko si Brian nang malaman ko mula kay Chuckie na dahil sa kadaldalan nito nasabi niya kay Sonja ang tungkol sa amin ni Alex na nagpagulo lalo sa sitwasyon.


Alam kong mali ang ginawa kong iyon kay Brian at nagi-guilty ako dahil una sa lahat alam naming lahat na may kadaldalan ang isang iyon. In fact kung tutuusin wala talaga siyang kasalanan dahil totoo naman ang sinabi nito. Kung may taong dapat mang sisihin sa mga nangyari ay ako iyon, dahil dinala-dala ko pa si Sonja sa bar.


“I will talk to him once matapos ko ang problema ko kay Alex.” Ang wika ko at muling naglakad.


“Hindi mo makikita si Alex sa bar.” Wika ni Red dahilan para muli akong mapahinto at mapatingin sa kanya na may pagtataka.


“Napagdesisyunan naming tanggalin si Alex sa seventh bar.” Seryosong wika nito.


“You what?!” Hindi makapaniwalang naisambit ko. “Hindi niyo magagawa iyon!”


“We just did. Hindi na productive sa bar si Alex kaya wala kaming choice kung hindi ang tanggalin siya sa trabaho. Ito ang naging pasya nang ibang meyembro nang seventh bar.” Sabat naman ng kambal ko.


“At iyon rin naman ang gusto ni Alex.” Sigunda ni Red.


Ibayong galit ang naramdaman ko hindi para sa kanila kung hindi sa sarili ko. Alam kong ako ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi ito mangyayari kung hindi ko sana ginulo ang nanahimik na buhay ni Alex. Ngayon, hindi ko lang siya nasaktan ako pa ang naging dahilan kong bakit siya nawalan nang trabaho at malamang ako rin ang sinisisi ni Red base sa ekspresyon ng mukha nito.


Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka kumplikado ang lahat na dahil sa akin ay nasira ang lahat ng pinaghirapan ni Alex.


“You should always know your priority Renzell Dave. Hindi mo alam sa isang bagay  na gagawin mo may tao kang masasaktan. Kahit sabihin pa mang hindi mo sinadya iyon o hindi mo intensyon, nakasakit ka parin ng tao.” Seryoso’t malalim na wika nang kambal ko.


Hindi na ako sumagot at tuluyan ng iniwan ang mga ito. Pagkadismaya para sa sarili ko at awa para kay Alex ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari dahil kung hindi dahil sa akin hindi sana matatanggal si Alex sa pinagtratrabahuan nito at hindi sana ito masasaktan.


Ayaw kong masaktan siya pero ako pa mismo ang naging dahilan ng pasakit niya at iyon ang hindi ko matanggap. Gusto kong makausap si Alex pero hindi ko alam kong anu ang pwedi kong sabihin kapag kaharap ko na ito. Para akong natakot na kapag pinilit ko ang gusto ko ay lalo ko lang mapalala ang lahat.


Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam na para bang wala akong direksyon na mapuntahan. Hindi naman ako pweding pumunta o humingi nang tulong sa mga kaibigan ko dahil nahihiya ako sa ginawa ko kay Brian.


Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang disco bar at mag-isang umiinum. Sinusubukan kong mahanapan ng sulusyon ang mga problema ko pero kahit anong gawin ko ay wala akong maisip. Tanging pagsisisi ang umaalipin sa akin.


Alam kong si Alex ang mahal ko dahil sa kanya ko lang naramdaman ang kakaibang saya na hindi ko naramdaman sa mga girlfriends ko. Siya lamang ang tanging taong dahilan ng pagwawala nang puso ko pero ngayon hindi ko na alam kong anu pa ba ang pwedi kong gawin para lamang maayos kami. Hindi pa man nagiging kami ay problema na ang sumalubong sa amin anu pa kaya kong kami na. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang mga sinabi sa akin ni Dorwin noon.


“Kaya mo bang pangatawanan iyang nararamdaman mo?” Ang salitang paulit-ulit na tumatakbo ngayon sa isip ko. Hindi ko na alam kong kaya ko na nga bang pangatawanan ang nararamdaman ko. Masyado ata akong naging padalus-dalos at hindi inisip na hindi pala madali itong pinili kong relasyon.


Mahal ko si Alex, walang duda iyon dahil hindi ako makakaramdam ng ganitong panhihinayang ngayon kung hindi. Ang kaso, sapat ba ang pagmamahal ko sa kanya. Sapat na bang mahal mo lang ang isang tao para maging masaya kayo? Sa tingin ko ay hindi, dahil kung sapat na ang pagmamahal sa isang relasyon bakit umabot kami sa puntong ito?


“Sinuntok mo na nga ako hindi mo pa ako sinabihan na may inuman pala.” Nagulat ako nang malingunan ko si Brian. “Tinawagan ako nang kambal mo at sinabi sa akin na kailangan mo raw ako ngayon. Kaya kahit na sinuntok mo akong kumag ka heto’t narito parin ako.” Wika nito sabay hila nang upuan sa tabi ko.


Hindi ko nakuhang tumugon dito dahil sa hiya at guilt sa ginawa ko sa kanya. Si Brian lang ang tanging taong kasundo ko sa barkada namin ito lamang ang taong nakakatiis sa kabaliwan ko. Ni minsan ay hindi pa kami nagkasagutan nito dahil sa lagi nitong nasasakyan ang sayad ko.


Um-order ito nang sarili niyang inumin habang ako ay sa hawak ko lang na bote nakatingin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya sa sobrang hiya sa ginawa ko. Alam kong mali ako sa mga nangyari at aminado ako sa bagay na iyon ang kaso hindi ko alam kung paano sisimulan ang paghingi nang tawad sa kanya.


“Sorry pala sa kadaldalan ko.” Wika nito kapag kuwan. Hindi ko inaasahan na ito pa mismo ang hihingi nang paumanhin sa akin. “Hindi ko naman kasi alam na hindi pala alam ng chikas na iyon na si Alex ang bago mong prospect. Wala naman akong intensyong sirain ang kung ano mang meron kayo ni Alex pare, alam mo naman ang kadaldalan ko minsan nawawala sa lugar.”


“Alam ko naman yon.Masyado lang akong nadala sa inis ko kaya nasuntok kita.” Tugon ko rito.


“Kamusta naman ang pakikibaka mo sa supladitong Alex na iyon?”


“Negative pare, ayaw akong kausapin ni ayaw nga akong tingnan eh. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa isang yon.” May bahid ng pagsusumbong kong wika dito.


“Talagang tinamaan ka sa isang iyon ah. Sabi na nga bang birds with the same feather are the same birds eh.” Sabay tawa nito nang nakakagago. Ito ang gusto ko kay Brian hindi ito marunong mag-kimkim ng galit lalo na kung alam nitong may kasalanan din siya.



Binato ko ito nang tissue at napatawa narin.


“Hindi ka talaga makausap ng matinong gago ka.” Tatawa-tawa kong sabi.


“Nga pala pare, ikaw ang mag-babayad ng iinumin ko. Bayad mo sa damage na ginawa mo sa mukha ko.” Nakangisi nitong wika.


“Anak ka nang ina mo! Kahit kailan talaga kuripot kang gago ka!” Tinawanan lang ako.


Kahit papaano ay nabawasan ang dinadala ko dahil sa okey na ulit kami nang best friend kong ulupong. Nagpapasalamat rin ako kay Dorwin sa ginawa nitong pag-contact kay Brian alam talaga nang kambal ko na kailangan na kailangan ko ngayon ng taong makakausap.


Pansamantala kong nakalimutan ang problema ko dahil sa kalokohan ni Brian. Tulad ng lagi naming ginagawa tuwing nagiinuman kami ay kung anu-anong kalokohan ang napagusapan namin. Hanggang sa muli itong maging seryoso.


“Ano na ngayon ang balak mo?”


Tulad ko ay bihirang maging seryoso ito.


“Hindi ko na alam pare, masyado ko atang nasaktan si Alex at sa tingin ko hindi na ako nito mapapatawad pa.”


“Kung talagang mahal ka non mapapatawad ka niya. Ikaw naman kasi, ano ba kasing pumasok sa kokote mo’t dinala-dala mo pa ang hot na chikas mo sa bar nang bayaw mo eh alam mo namang doon nagtratrabaho ang prospect mo. Mag-loloko ka naman lang nagpahuli kapa.”


“Gago! Hiwalay na kami ni Sonja noh, at hindi ako nagloko. Nagmagandang loob lang ako na samahan siya sa araw na iyon dahil sa wala daw siyang magawa sa hotel na tinutuluyan nila. Kung hindi niyo sana ako kinulit na mag-punta sa bar hindi sana nangyari ang lahat ng ito.” Paninisi ko sa kanila.


“Kami pa ang sinisi mo. Gusto ka lang naman naming surpresahin ah.”


“Yeah right! Na surpresa nga ako. Pati si Alex na surpresa sa mga kagaguhan niyo.”



“Pero mukhang in love pa sayo ang babaeng yon pare. She asked me kung kilala ko ang taong ipinalit mo sa kanya and I thought na nasabi mo na sa kanya ang lahat kaya naman walang pagaalinlangan kong sinabi sa kanya ang totoo.”


“Mukha nga. Kaya nga galit sa akin ngayon si Alex di ba? Dahil inaakala nitong syota ko  pa si Sonja. Pero seryoso pare, pasensiya na kung nasuntok kita. Sa susunod kasi i-zipper mo yang bibig mo.”


“Okey na ako basta’t bayaran mo lang ang mga iinumin ko.” Nakangisi nitong sabi. “Pero the fact na hindi mo sinabi sa chikas na yon ang tungkol kay Alex, means na ikinahihiya mo ang nararamdaman mo sa half-half na yon.”


“Hindi noh!” Depensa ko sa sarili ko.


“Ows? Alam mo pare, naiintindihan naman kita eh. Actually lahat ng problema sa mundo naiintindihan ko magaling ako eh. Ang problema mo pare ay hindi mo alam kung ano ba talaga sayo si Alex, sabi mo mahal mo siya di ba?” Napatango naman ako rito.


“Pero hindi mo mapanindigan ang nararamdaman mo. Kung mahal mo talaga siya bakit hindi mo masabi sa ibang tao na you fell to someone like him? Tingnan mo si pareng Red, kahit sinong hudyo ipinagyayabang ang relasyon nila ni Dorwin. Si Niel, na halos masira na ang eardrum kakasakay ng eroplano papuntang Manila para lang makita ang syota niyang half-half rin. You have to make some effort pare, kailangan mong iparamdam sa taong mahal mo na secured ang feelings niya sayo.” Ang mahabang litanya nito.


Nakuha ko ang ibig sabihin ni Brian at sa tingin ko tama ito. Hindi sapat na mahal ko lang si Alex, kailangan kong maipakita sa kanya ang pagmamahal na iyon kung gusto kong makuha ko ang tiwala nito. Kailangan kong ipakita sa kanya na seryoso ako sa nararamdaman ko sa kanya. Iyon ang bagay na hindi ko nagawa dahil siguro ito ang kauna-unahan kong mag-mahal ng totoo. Marahil ay ito ang ibig sabihin ni Dorwin, hindi ko alam ang priority ko na dapat ay si Alex at dahil doon hindi ko namalayan na sa mga simpleng bagay na ginagawa ko nasasaktan ko siya kahit hindi ko sinasadya.


“Do you think it’s too late for me to make up with him?” Maya-maya ay wika ko matapos kong mapagtanto ang mga kamalain ko.


“Hmmmm..” Wika nito sabay ubos nang natitirang laman ng inumin nito. “Balita ko napaalis si Alex sa bar dahil sa konsumisyon sayo eh. Siguro it’s too late na pare. Iinum mo nalang ang kabiguan mo wag kanang umasang mapapatawad kapa noon.”


Agad akong tumayo at akmang aalis na nang piligan ako nito.


“Saan ka pupunta? Walkout king kana ngayon?”


“Mag-hahanap ako nang matinong kausap.” Asar kong wika dito sabay waksi nang nakahawak nitong kamay sa akin.


“Masyado ka naman atang matampuhin ngayon. Iyan na ba ang epekto sayo ni Alex?” Ngingisi-ngisi nitong sabi halatang nangaasar ang gago marahil hindi pa nito nakakalimutan ang pagsapak ko sa kanya at gusto nitong makabawi.


“Hindi ka kasi makausap ng matinong gago ka!” Asik ko dito at muling umupo.


“Tsk! Bakit kami ang pinagbubuntunan mo nang galit mo? Hindi ba’t ikaw naman itong gumawa nang problema mo? Kung gusto mo talagang maayos ang problema kausapin mo siya.”


“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paaano hihingi nang tawad sa lahat ng pagkakamali ko sa kanya.”


“Ang dami mong hindi alam! Wala kang mapapala kung matatakot kang kausapin siya rinig ko pa namang nakikipagbalikan ang dating syota nun. Kapag naunahan ka noon wala kana. Ibaon mo nalang sa hukay iyang nararamdaman mo.”


“Saan mo narinig yan?” Nakaramdam ako nang kaba sa narinig.


Iyon ba ang dahilan kong bakit sila nagusap?


“Magaling ako sa pangungulekta ng impormasyon pare, trabaho ko yan eh.” Nakangisi nitong wika. “Pero ayon sa trusted source ko hindi pa muling naguusap ang dalawang iyon mula nang umepal ka sa bar kaya kung ako sayo aba kumilos kana.”


Walang anu-ano kong tinawagan ang number ni Alex. Isang lingo ko na rin itong tiniis na hindi tawagan dahil sa gusto kong ma miss ako nito. Balak ko kasing sa muli naming pagkikita ay mag-tatapat na ako sa kanya ang kaso naunahan naman kami ng problema.


Padabog kong naibaba ang cellphone ko sa mesa nang hindi ko ma-contact ang cellphone ni Alex.


“Wala kang load?” Nangaasar na wika ni Brian.


Pinukol ko ito nang masamang tingin.


“Hindi ko ma-contact, nakapatay ata ang cellphone.” Dismayado kong wika.


“Pa hard to get pala ang isang yon.” Wika nito sabay tayo. “Tara!”


“San tayo pupunta?”


“Susugurin natin sa tinutuluyan niya para matapos na itong kalbaryo mo.”


Hindi agad ako nakapag-react sa ideya nito paano kung ipagtabuyan kami ni Alex?


“Wag kanang tumanganga diyan. Pagdating talaga sa taong yon nawawala ka sa katinuan mo.” Wika nito at nagpatiuna nang lumabas ng disco bar.


Bahala na si Doreamon sa akin. Wika ko sa sarili ko at sumunod na sa kalugong si Brian. Pasalamat nalang ako na may katulad nitong handa akong damayan.










Itutuloy:

46 comments:

Anonymous said...

Ayiiieeee... Go dave magpaliwanag ka... Sira ulo ka din kasi eh.... Dapat tinulak mo na lang sa building niyo si sonja para nabawasan ang mga bitter na katulad niya... Haha

-jemyro

do tanig said...

eee bilisan muna Dave! mg explain kana agad kay Alex.

Anonymous said...

bitin .... but great haha :)

Anonymous said...

wahhhh bitin dear author..... go go na dave.... malamang maabutan mo sya.... naku patay ka na dave,,,, wala ng work si alex ng dahil sa u...

ramy from qatar

Zildjian said...

@Rammy From Qatar


Pasensiya na po kung nabitin kayo hehehe hanggang diyan lang ang kinaya ng 2mb kong utak eh.. wahahahaa

Almondz said...

bahala na si batman... ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao, kailangan gumawa ka ng effort para maging sa'yo siya. :)

TheLegazpiCity said...

Mahabang pakikibaka ito Dave...Goodluck..

Pero kapag di nakuha sa santong dasalan daanin sa santong paspasan..hahaha

Drew said...

Saya basahin..thanks..

ChuChi said...

kawawa naman si doraemon!!

try mo si hello kitty!!

:)

like it much!!

- ChuChi -

Anonymous said...

Sometime's Love just Ain't Enough, maraming kailangang isaalang-alang.




Beucharist...

Anonymous said...

zild. next na. next na :) haha

-kokey

Anonymous said...

wahahahahahaha.. yun lang .... hahahah
makatiboy

Anonymous said...

hahahhaha. here comes dave. alex magpakipot ka ng konti ha. hehehhehe

taga_cebu

Lyron said...

Mahaba-habang ligawan ulit! haaay nakakakilig i-imagine! Titiisin niya ang pagsusuplada ni Alex ngayon. Desperate move kaya? Ang dami kong naiimagine kasi nabitin na naman ako!


Cheers!:)

Unknown said...

Ayan na...interesting na ang mangyayari.

Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nila Dave at Alex? Hmmpp..mukhang mahirap kumbinsihin ngayon si Alex. una nasaktan ulit dahil akala niya pinapagpalit na siya at dumagdag pa ngaun na nawalan pa siya ng trabaho.Hay...complicated..

Next na...excited.

politotz said...

kuya..next na nga...heheheh

Anonymous said...

napa 'Nyek' ako nung mabasa ko yung itutuloy, masyado ako nafocus sa pagbabasa. Haha!

Nice nice nice! Galing parin ng 2mb mong utak zep. Haha! Baka pwede makahiram ng 500kb? Haha!

Ang daming story ang walang update, as in ngayong gabi nagsulputan kayo lahat. Puyat na naman ako. Haha!

--ANDY

Anonymous said...

go go go renzell dave..kaya mo yan..ipaglaban mo ang nararamdaman mo..mahal ka ni alex..alam mo naman ugali nun at ang pride nun na napakatayog..guluhin mo ulit mundo niya at hatakin sa kung saan..sumusunod naman sayo yun eh..hahahaha..

good job kuya zeke..

-Jay

Anonymous said...

hindi kaya isa iyon sa mga plano nila Red at Dorwin?parang move nila na tulungan si dave at malaman kung ano talaga ang nararamdaman nya kay alex...

--janaurd

FAYENG said...

waaaaaaaaaaaaaaaaaa kaganda.... bahala na si doraemon.... lols

KUDOS! Kakilig naman.... pahirapan pa kuno.... :))

Anonymous said...

ayeeeeeeeeee bitin na naman buwisit na author toh masyadong ginagalingan nambibitin talaga grrrrrrrrrr bahala na si Doraemon ahahahahaha. Dave akin ka na lang? pede ako na lang? ako na lang Dave? wahahahaha desparada ba Mwister Awtor

- ecko

Anonymous said...

Grabe damang-dama ko iyung paghihirap ni Dave! Ang galing mo talaga sir! Pero bakit ka titigil na sa pagsusulat?

- Tam

Gerald said...

Waaahhh. Nakakainis talaga pag 2mb lang ang capacity ng brain madalas mag-hang. Paki upgrade naman kahit 1G. LOL

Unknown said...

update naman jan.. :p

fave ko tlaga ung bahala na c doraemon.. :p

anyway, ive been following this for quite some time na, at isa ako sa mga silent readers mo from the right time, after all, 9mornings at ngaun eh chances.. :p

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
jaecee said...

Go dave fight....

--makki-- said...

ni isa sa mga hula ko (namin) walang tumugma LOL! napabilib mo ako Z! ikaw na!

may pagka DORA CHIKADORA tong si Brian! LOL

bumabawi tong si Brian ah.. tama nga naman ang sinabi nitong "kung mahal ka nun mapapatawad ka niya"..

Just sway to the Rhythm of Love Dave.. wag mawalan ng pag-asa.. sigurado ako mapapatawad ka niya! ksi alam mo't alam namin na Mahal na mahal ka na ni Alex.

Go! Go! Sago! Hindi pa huli ang lahat! baka maunahan ka pa ng Ex niya!

Fantastic Job Z!

russ said...

hehehehehe galing mo tlga..author...ang bilis pa ng update..at teka anong sabi mo? matagal ka mawawala di pwde yan author...plsssss

Anonymous said...

cge alex pahirapan mo pa ng todo c dave ...

pra malaman mo kung gano ka tlga nya kamahal

Anonymous said...

waaahhhh.. bitin but still the best..

reading this completes my day...

cuteness.. kiligness.. sweetness..

God bless.. -- Roan ^^,

Jamespottt said...

Naku! Bitin na naman. Ang galing mo talaga sa art of bitin.
pwede pa request naman. paki upgrade yung 2mb na utak kahit mga 10mb naman para hindi bitin. or better 2gb para masaya. Hehe

ezr0ck said...

ayan dave .. meron kah nman pla totoong kaibigan eh .. loko kah talaga .. hehehe next nah kuya zek .. bilis .. ♥♥♥

xoxo

Zach said...

update naman!! :P

i've been reading your stories for some time now(isa ako sa silent readers.. hehe..)... from your first story "The Right Time", "After All", "9 Mornings" and "Chances"... ang masasabi ko lang... MAGALING KANG GUMAWA NG STORIES... hehehe... pwede ka na ngang gumawa ng sarili mong pocket book series eh...

sana hindi pa ito yung huling kwento na gagawin mo... :P

Keep it up Z!! :P

JAN KURT AQUINO said...

wahhhhh bitin nanaman ako. gabi gabi ko na lang visit blog mo para sa kasunod je je je . anyways keep up tol i really like it. Just me and only me the guy who always fall in love with the story but never been in love je je je . thanks

Anonymous said...

.anu ngah klase ngah pgpaabat kuya?lolx hahah.!

taga alangalang

Anonymous said...

Super sa lahat- kaba, bitin, exitement, ganda, galing ng plot at higit sa lahat super sayad hehe next na poh!

-Philip

Migz said...

hmmm... mukhang adventure in the making ang next chapter.. sana magkaayos na silang dalawa... huwag mo nang pahirapan pa dear author... hehehe

RJ said...

kasi naman e :)

anyway, ramdam ko na na malapit na to matapos hehe :D

Anonymous said...

hoy renzell dave, kumilos k n! wag kng matakot! mkibaka! hihihi suyuin m n agd c alex!

alm m n ngang kaw ang may ksalanan, ayaw m nmng kumilos! d k lng knausap, d k lng pnansin, wla k nrn gnwa! bwisit kng ulupong k!

hay renzell dave, kung d lng kta luv, pinapatay n kta ke super z! hihihihi

kaya, kay renzell dave ng buhay k, umayos k! love u mwaah mwaah hihihi

love u super z!

akosidrew

Anonymous said...

bitin kuya Z!!...
hahaha!!...
i Love brian nah!!...
i hope i hve a frend Lyk dat...
one hu wud understand you...
khit ikaw pah ang may kasaLanan...
swerte moh tLga dave dhiL meron kang frend nah kagaya ni brian...
hehehe... :)


- edrich

ZROM60 said...

UGGHHH! KAASAR TLAGA MAMBITINNNNN. . . . GRRRRRR. NEXT! NEXT! NEXT CHAPTERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR

-ShalnarK- said...

Matatapos nba ang chances? Huhuhu wag muna extend pa po pls! Anu kya manyari pgpunta n dave s haus ni alex? Hmmm??

Jasper Paulito said...

hahaha. daming nabitin... isa na ako.
ang gaganda ng mga stories mo.
lahat nabasa ko na. sana WAG KANG TUMIGIL sa pagsulat (nakacapital letters yan para may diin, hehehe).
salamat sa mga katulad mo nagpapasaya't nagaaliw sa amin.

Chris said...

GO DAVE!!! hahaha!!! suyuin mo na sya bago pa mawala!!


galing nyo po talaga! sobrang nakakadala ang mga story nyo!!

maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming salamata po talaga sa email nyo. alam nyo ba pong pag wala akong ginagawa, binabasa ko ng binabasa paulit-ulit ang mga story nyo :) ganun ko kau iniidolo sa pagsulat :) sobrang galing nyo talaga :)

sori po ulit kung ngaun lng ako nakacomment medyo busy nga po kac kaya hindi nakakacomment pero nababasa ko nmn po :) may bago nga po dba? ung bf ko :)) hahaha!!

wastedpup said...

Go Renzell Dave. :)) love you Z!

Anonymous said...

hihihi..parang dorwin-red din!:)
nakakatuwa..haha

lagot c dave sa katarayan ni alex malamang sa malamang yan.haha

-monty

Post a Comment