Written by: Dranski
Pauna:
Ito na po ang chapter 2 ng story ko... thanks po sa mga nagcomment sana magustuhan niyo ang chapter nato... kung may kamukha po itong story pasensya na po pero lahat po nang nandito ay sa sarili kong utak nanggaling.
Ito na po ang chapter 2 ng story ko... thanks po sa mga nagcomment sana magustuhan niyo ang chapter nato... kung may kamukha po itong story pasensya na po pero lahat po nang nandito ay sa sarili kong utak nanggaling.
Thanks po kay Eusethadeus, Yume, Master_lee#027, russ, ramy,
jekjec, Lawfer at DownDLine sa comment.
Naging nakakapagod ang byahe nameng yon para sakin. Hindi
dahil sa mga nangyare sa araw na to kundi dahil sa pag iisip ko kung anong
sinabi ni Iris kay Sy, naalala ko tuloy ang nakaraan namin ni Iris nung mga
bata pa kame halos lahat kasi ng sikreto ko alam nito maging pinakatatago kong
lihim na kahit kay Sy ay hindi ko magawang sabihin ay alam nito, siguro dahil
hindi na iyon mahalaga o sadyang ayaw ko lang ito maalala at alalahanin. Naging
tahimik ang biyahe naming iyon walang imikan pareho kameng nakatingin sa
magkabilang bintana ng taxi na hindi normal sa amin kadalasan kasi pag nasa
taxi kame nakikipagkwentuhan pa kame sa driver, ginawa ko nalang abala ang
sarili ko sa pagtingin sa mga magagandang ilaw na nadadaanan namen habang si Sy
nakapikit na at mukhang nakatulog na ito. Hindi ko na naman maiwasan siyang
tignan, naisip ko tuloy ano kaya ang tumatakbo sa isip ng kolokoy na toh?
Madalas kasi itong maingay kaysa tahimik at pag tumahimik ito ay siguradong
malalim ang iniisip nito, sa mga oras na yon di ko maiwasang kabahan at
pagpawisan.
7 o'clock ng gabi ng dumating kame sa village nila Sy.
Napakaganda talaga ng kanilang bahay malaki ang gate, malawak na hardin, dalawang palapag ito at sa roof top ay mayroong jacuzzi at sa likod naman ay may
pool sinalubong kame ng isa sa kanilang katulong upang pagbuksan ng gate at
tumulong sa pagbubuhat. Tumuloy kame sa kusina para mag dinner pero katahimikan
padin ang bumalot sa pagkain namin, pagkatapos ay inilabas ko ang mga
naigrocery namin at inayos nadin ito maaga pa kasi ako gigising dahil umaga ang
dating ni Tita from Cebu, ngunit hindi padin nababasag ang katahimikan na iyon
patuloy lang akong nagaayos ng mga grocery habang siya nakaupo sa mesa at
nakatingin sakin na para akong sinusuri habang nakasalong baba, hindi ko tuloy
maiwasang mapailing.
"Zach?" pagbasag nito sa katahimikan naming
dalawa..
"Anu yun? Bute naisipan mo nang magsalita akala ko
naiuwi ni Iris dila mo." pagbara ko naman sa kanya
"Ah... Ah may itatanong lang san ako tungkol dun sa...
sa..." umpisa nito di ko namang mapigilang mapalunok sa sobrang kaba.
"Ser! Ser!"" biglang sigaw ng katulong nila
habang tumatakbo
"Ay kabayo nahulog!" ang napabulas sa bibig ni Sy,
natawa naman ako dahil nahulog ang mukha nito sa pagkakasalo ng kamay nya
"Ay si Ser OA?" bara pa ng katulong na lalo ko
namang ikinatawa, napaka close kasi niya sa mga kasambahay nila kaya
nakakabiruan niya ito
"Tinatawa tawa mo?? Hampas kita kay manang gusto
mo?" Pananakot niya
"Anu ba yon manang? Last day na ba ng mundo at
makasigaw ka wagas?" dugtong pa niya
"Si Ma'am po kase nasa telepono emportante daw"
paliwanag naman nito
"Ahh okay dito ko na lang sagutin manang salamat."
sagot naman ni Sy at sinagot ang telepono na nasa kusina
"Hello Mom? Are you prepared for your Flight?"
tanong agad nito, medyo natahimik si Sy
"Ahhm okay Mom see you tommorrow then, take care."
malungkot na sagot niya kay Tita sabany tingin sakin
"So?? Kailangan pa ba kita tanungin?" sagot ko
"You should sleep, you need to take some rest I know
your tired" sabay tayo nito hawak parin ang telepeno
"Dun kana matulog sa kwarto ko sunod na lang ako I just
need to make some calls" halata talaga sa boses niya na iyon ang
pagkadismaya
"Ano ba nangyare? Panu yung mga lulutuin ko?"
usisa ko naman sa kanya
"Zacharia we can take care of that tommorrow, delayed
ang flight ni Mom so theres no point to rush bukas ng gabi pa daw sila
makakarating." paliwanag nito halatang inis siya dahil tinawag ako sa buo
kong pangalan kapag binuo kasi namin ang pangalan namin it means na seryoso na
"Ah Okay, hintay na lang kita sa taas" pagsang-ayon
ko sa kanya, at tango lang ang sinagot ko nito
Paakyat na ako ng hagdan ng lingunin ko si Sy, nakita kong
lumabas siya sa may garden at umupo sa may upuan doon. Dumiretso nako sa kwarto
ni Sy as usual same scenario sa kwarto niya madume nagkalat ang maduming mga
damit, pants, pati mga brief nito. Hindi kasi ugali ni Sy ang magpalinis ng
kwarto sa mga katulong, kung hindi siya ang maglilinis ay ako ang gagawa nito
oh si Tita Elsie. Nakita ko din doon ang mga bote ng alak at mga plato na
nakalimutan na nitong ibaba, kaya ibinaba ko muna ito para mahugasan, sinilip
ko si Sy nakita kong may seryosong kausap sa telepono baka isa sa chicks niya o
si Iris ito. Parang may naramdaman akong kakaiba sa dibdib kinabahan akong
hindi ko maintindihan, siguro dahil kausap ng bestfriend ko ang childhood crush
ko.
Muli akong umakyat sa kwarto para ituloy ang paglinis ng
kwarto ni Sy nakita ko din sa ilalim ng kama nya ang paborito naming Tshirt, sa kanya
ang Green Lantern at sakin ay Superman. Medyo nainis ako kasi importante samin
ito dahil ito ang unang gift namin bilang mag BestFriend kaya bumaba ako at
pinuntahan si Sy, hawak ko ang damit na iyon pero nagulat ako sa nakita ko si
Sy tumutungga na ng alak, agad ko naman siyang pinuntahan sa garden dahan dahan
akong lumapit sa kanya nakatingala si Sy tila tinitignan ang mga bituin sa
langit ngunit may kakaiba sa mata nya bakas dito na malungkot siya at
nangingilid din ang kanyang mga luha.
"Iinom ka pala hindi ka man lang nag aya?" bungad
ko sa kanya habang papalapit sa kanya
"Oh Tol ikaw pala akala ko natulog kana" sagot
nito halatang medyo lasing nato dahil sa nakakaloko niyang ngiti, nakita ko din
na madami na ring nainom si Sy dahil sa mga boteng nasa ibaba ng mesa
"Nakita ko to sa ilalim ng kama mo." sabay abot ng
damit at umupo sa tabi niya
"All this time nandun lang pala to" pailing iling
niyang sabi
kinuha ko ang hawak niyang bote ng beer sabay tungga dito
"Hindi mo kasi pinapahalagahan yang regalo ko"
sabay tungga ulit ng beer
"Teka beer ko yan ibalik mo nga" pag iwas ni Sy sa
sermon ko
"Aray!" sigaw pa niya dahil sinuntok ko siya sa
braso
"Minsan ko pang makitang pakalat kalat yan susunugin ko
buong kwarto mo" pananakot ko sa kanya at tungga ulit ng beer
"Naku tong Best Friend ko nagtampo pa, opo hindi napo
mauulit" sabay akbay nito sakin at hinimas himas ang balikat ko
Nabalot nanaman ng katahimikan sa pagitan naming dalawa
nakatingin na naman sa langit si Sy wari mo ay may inaabangan.
"Kwento na" pagbasag ko sa katahimikan at
naintindihan naman ako ni Sy
"Most of the invited persons for the party can't come
dahil nagbago ng original time ng pagdating ni mommy" malungkot na sabi
nito habang nakatingin pa din sa langit
"It's the first surprise party that I made for Mom pero
eto bulilyaso pa" dugtong pa nito. napakahalaga kasi para kay Sy na
mapasaya ang Tita Elsie
"Anu ka ba were going to make it special" masayang
sabi ko kay Sy
Tinignan lang ako ni Sy sa mata sa mga oras na yun parag
tumigil ang mundo naming dalawa ramdam ko ang kalungkutan ni Sy at alam ko
ramdam din nya ang pagaalala ko. Hindi na nga napigilan ni Sy na umiyak dahil
sa mga nangyare at naramdaman ko nalang bigla ang napakahigpit na yakap ni Sy
sa akin habang umiiyak. Sa mga oras na yun lalo akong nagkalakas ng loob na
pagandahin ang party para kay Tita Elsie.
Ilang minuto pa ay naramdaman ko nang naghihilik si Sy dahil
sa kalasingan at pagiyak, nakatulog na nga itong kurimaw na to. Inalalayan ko
siyang makaakyat sa kanyang kwarto, pinasan ko siya habang nakayakap siya,
malakas din kasi ako. Nakapasok na kame sa kwarto niya umupo muna ako sa dulo
ng kama habang nakapasan siya para kumuha ng bwelo. Dahil nakapasan si Sy sa
akin ay dahan dahan akong humiga sa kama para maihiga din ito, ng maihiga ko
ito ay tatayo na sana ako pero hindi ako makatayo dahil biglang humigpit ang
pagkakayakap ni Sy sa akin.
Sa mga oras na yon nagpaubaya na lang ako ganito naman kasi
si Sy kapag lasing siya. Hinayaan ko na lang muna ang bestfriend ko sa pagyakap
niya sa akin hanggang makatulog ito. Ilang minuto pa sinubukan ko ulit tumayo
dahil naramdaman kong lumuwag na ang pagkakayakap niya. Halos makakabalik na
ako sa pagkakaupo pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Sy pabalik sa
pagkakahiga at pagyakap niya napalakas ni Sy dahil di man lang ako nakapalag at
ang mga sumunod niyang salita ang ikinagulat ko.
"Stay here..... Let me hug you..... Akin ka lang"
buong lambing na sabi ni Sy
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandaling iyon napaisip
tuloy ako mula nong may sinabi si Iris sa kanya ay naging wierd ito, namalayan
ko nalang ang sarili kong nakatingin sa kisame at tulala sa kawalan. Hindi ko
na rin namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng ingay na
galing sa banyo ni Sy naliligo na ito, alas onse na pala ng tanghali. Bumangon
ako agad nang kama nang makita kong lumabas ng banyo ang loko at nakatapis lang
ito ng tuwalya. Maganda talaga ang katawan ni Sy kitang kita mo ang 6 pack abs
niya at walang kataba taba, ang maumbok nitong dibdib at braso na napakaganda
ng hubog, sinong babae nga naman ang hindi mahuhumaling sa kanya.
"Good morning.." bungad nito sa akin at mahaba ang
ngiti
"Morning." yan lang ang tanging naisagot ko sabay
hablot ang tuwalyang nakatapis sa kanya at pasok ko sa banyo
"Hey!" Tanging naisigaw niya sabay lingon sakin
kita namang natawa siya sa ginawa ko
"Sa ngiti mo kamukha mo na si McDonald! Magbihis
kana." sagot ko at nagabot tenga ang ngiti nito
Matapos akong maligo at magbihis wala si Sy sa kwarto niya
kaya agad naman akong bumaba para hanapin siya. Wala ito sa sala, pumunta ako
sa kusina pero ang nakita ko lang doon ay isa sa katulong nila at hinahanda ang
tanghalian at mga gagamitin para sa party mamaya. Dahil wala pa si Sy ay
tinanong ko ito sa katulong at nandoon daw malapit sa pool. Pinuntahan ko si Sy
at nakita ko itong may kausap sa cellphone at McDonald na naman ang ngiti,
napansin niyang nakatingin ako sa kanya mula sa pintuan at sinenyasan ko itong
kakain na at tumango naman ito.
Habang kumakain kame ay hindi mawala ang ngiti nito sa labi
sinu kaya ang kinausap nito at mukhang masaya ang kolokoy. Pero sa kabilang
banda ng isip ko ay hindi mawala ang sinabi nya kagabi..
"Stay here, Let me hug you, Akin ka lang" pag gaya
ko sa kanya pero pabulong lang
"May sinasabi ka Sy?"
"Ah sabi ko sino yung kausap mo kanina mukha ka kasing
baliw kakatawa"
"Pag ba tumawa baliw agad? pwede masaya muna?"
"Pilosopo! sumagot ka ng maayos titinidorin ko mata mo
eah" at inamba ko ang tinidor sa kanya
"Sunget? may dalaw ka na naman ba?" sagot niya pa
"Eah kung ilong mo dalawin ng kamao ko??"
"Biro lang.. Si Iris yun.. " paliwanag niya at
tango lang ag naisagot ko sabay ngiti
"Speaking of Iris yung itatanong ko sayo kahapon kasi
may sinabi si Iris sakin nung nag gogrocery tayo" simula nito na ikinakaba
ko
"Yung sinabi ni Iris naalala pero yung sinabi niya
kagabi hindi" mahinang sagot ko
"Ha? anu yung sinabi ko kagabi? Zach" singit nito
"Ah wala yun.. Anu nga yung tatanong mo?" dahilan
ko na lang para makaiwas
"Ah kasi sabi niya nung mga bata pa kayo meron pa daw
isang tao na naging malapit sayo" lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko
dahil ayoko nang balikan iyon
"Sir Zach nailabas na po namin yung mga gagamitin"
sabat ng katulong nila sa likuran ko
"Yes! Save by the Bell!" sabi ko sa sarili ko
"Ayusin ko muna to, kaen ka lang jan dude" sabay
sunod ko kay manang nakita ko naman siyang napabuntong hininga, na konsensiya
naman ako dahil sa sandaling iyon nakita kong nawala ang mga ngiti ng Bestfriend ko
Naging abala nako sa buong maghapon na iyon dahil sa
pagluluto na ihahanda, hiwa dito hiwa doon, gisa dito gisa doon, pakulo ng karne
at gulay. Ang walang hiyang best friend ko naman ay walang tigil sa kakatikim
at kakakiliti sakin di ko tuloy maiwasang sigawan ang loko gusto ko kasi seryoso
kapag nagluluto ako. Inihanda ko ang mga paboritong pagkaen ni Tita tulad ng
Kare Kare, Chicken Curry, Kaldereta, Menudo, Sinigang na Sugpo at Inihaw na
Manok at Liempo para sa main Course hilig kasi ni Tita ang mga Filipino Dish.
Gumawa din ako ng ibat ibang klaseng Salad may Vegetable, Fruit at Buko Salad
at dinagdagan pa ng Gelatin at Leche Flan for dessert at marami pa. Siyempre
dahil Birthday ito ni Tita hindi mawawala ang palaging niluluto samin ni Tita
nung mga high school palang kame ni Sy ang Spaghetti, pero siyempre special ang
gawa ko dahil sarili kong recipe ang ginamit ko dito, Pinagbake ko rin si Tita
ng Black Forest cake at ginawa ko rin itong special dahil 3 layers ito at 10
inches ang haba. Alas singko na ng hapon ng matapos akong magluto sakto din
dahil nagumpisa na din magdatingan ang mga bisita at mga kamag-anak nila Sy.
Agad naman akong naligo at nagbihis pagkatapos kong magluto
ang damit na suot ko ay kay Sy dahil hindi ako nakapagbaon ng damit siya na din
ang pumili nito. Pababa na ako ng hagdan para sumama sa mga bisita ng
salubungin ako ni Sy nakatanggap pala ito ng tawag mula sa Mom niya at within
30 mins ay nasa bahay na daw ito kaya agad naman nag ayos ang mga bisita para
makapaghanda na magsurprise kay Tita. Nandon din ang mga malalapit na kaibigan
ni Tita sa village at pati na rin sa kumpanya nila, maging ang kapatid nilang babae na si Samantha ay dumating din, siya ang katulong ni Tita at Sy sa
pagpapatakbo ng kumpanya nila dito sa bansa. Humabol din ang dati naming
classmate noong high school na si Joaquin na naging malapit din kay tita sa
ibang school kasi ito nag college kaya hindi namin nakasama ni Sy. Habang
hinihintay namin ang pag dating ni Tita ay puro kwentuhan ang mga bisita at
kameng tatlo ni Sy at Jaoquin ay puro tawanan lang isa na pala itong teacher sa university ku! ng saan siya nagaral ng college.
Ilang minuto pa ay dumating na ang sasakyan ni Tita Elsie,
sinalubong ito ni Sy para hindi mahalata ang nangyayari sa loob ng bahay.
"SURPRISE!!!" sigaw ng lahat
"Happy Birthday Mom." Bati ni Sy at Samantha sabay
halik sa magkabilang pisngi nito halata namang nasorpresa si Tita maluha luha
pa nga ito.
"Happy Birthday po, para sainyo po Tita.." bati ko
sabay abot ng regalo ko kay Tita
"Naku hindi ka na sana nag abala pa Zach, this surprise
is more than enough." masayang pagtugon naman nito
"Tita kulang pa nga po yan kase sobrang lake na po ng
naitulong niyo sakin, saka po for sure magugustuhan niyo yan" sagot ko
naman sabay tingin at kindat kay Sy nakita kong nagtataka ito hindi kasi niya
alam na may binili akong regalo
"Well thanks Iho" pag sangayon nito
"Mom you know what? tinupad din ni Sy pangako niya
sayo" sabat ni Sy at nakita ko naman na napangiti si Tita
"You see all that food? Lahat yan gawa ni Sy, niluto
niya din mga paborito mo" dugtong niya habang pinagmamalaki ang mga luto
ko
"Really Zach? I'm so happy ikaw ang pinili ng anak
ko" malaman na sabi ni Tita
"To be his Bestfriend I mean" dugtong nito halata
namang medyo natahimik kame ni Sy dahil sa lahat ng tao si Tita lang ang hindi
namen kayang pilosopohin
Naglapitan na nga ang mga bisita kay Tita para bumati, yung
iba bumebeso pa at yung mga bata naman ay nagmamano. Kitang kita talaga sa
mukha ni Tita ang sobrang saya. Kahit na pagod ito sa biyahe ay nakuha pa rin
niyang enjoyin ang party na iyon. May inihanda ding video message si Sy para
kay Tita galing ito sa panganay nila na nasa Canada dahil hindi nito nagawang
umuwi dahil busy sa pagaasikaso sa business nila doon, nandoon din kasi ang
pamilya nito at mga anak, nang mapanood ni tita iyon ay napaluha ito sa sobrang
saya. Naging puno ng kasiyahan at tawanan ang gabing iyon.
Maghahating gabi na ng matapos ang party at nagsi uwian na ang
mga bisita, sa bahay na nila Sy ulit ako pinatulog ni Tita dahil medyo nakainom
na ako at hindi naman ako tumanggi. Nakahiga nako sa kama ni Sy pero si Sy
nakaupo lang sa kabilang gilid ng kama at tumutungga ng bote. Heto na naman
wierd na naman ang kinikilos niya.
"Zach?"
"Oh bakit? dedede ka ba?" biro ko sa kanya sabay
labas ng dibdid ko sa suot kong sando
"Gago!" pikon na sagot niya
"Anu nga kasi yon?" sagot ko sabay paghimas ko sa likod niya para mawala ang pagkapikon
"Thanks pala for making Mom's birthday special kung hindi
dahil sayo baka walang ganito." seryosong sabi ni Sy
"Ano kaba wala yun isa pa it's for Tita..." sagot
ko
"And for you..... ayoko kasing nakikita yung best
friend kong nakabusangot yung mukha panget eah" dugtong ko pa
"Thanks for being my best bud, kundi lang kita best
friend nahalikan na kita sa tuwa" sagot niya ikinalaki ng mata ko yon at
natawa naman ako
"Kahit lalake ako? Bading ka?" biro ko sa kanya
pero patuloy padin ang paghimas ko sa likod niya
"Sira! oo kahit lalake ka pa gagawin ko yun sobrang
thankful kasi ako sayo" sagot nito
"Sige nga pakiss dude?" hamon ko sakanya sabay nguso, nagulat ako ng biglang lumapit ang mukha nito sa mukha ko hindi ko
akalaing seseryosohin niya ang biro ko, halos magkadikit na ang labi namin
"Sino si Jerich Miguel?" seryosong tanong niya
sakin sabay hawak sa isa kong kamay, kinabahan ako lalo dahil ipinatong niya
ito sa dibdib niya sa mga sandaling iyon natulala ako tanging naririning ko ay
ang tibok ng puso ko at puso niya na parehong sobrang bilis ang pagpintig.
(Itutuloy)
20 comments:
hala here comes a new challenger ..
lol! more! kinakabahan aq s susunod n mangayayre :)
yume
Ganda Ganda nmn ng story :))
Sana laging mbls ang
Update nito
Vin
naku zach.... sino un???? un ba ang sinabi ni iris sa kanya.... wahhhhhh wala ka nangb lusot....
ramy from qatar
wiii.. ayan na nga po.. hehe
i like the name Jerich Miguel.. hehe wala lang..
super nice..
God bless.. -- Roan ^^,
Wow.........ang ganda ng flow ng story simula palang kaabang abang ang mga pangyayari .........sana wag mu kami bitinin dito mr.author ahah ang ganda kasi eh.....ok takecare
" Stay here.. let ME hug you.. akin ka lang.. " aaawwww! He's deeply in love with his BESTFRIEND!
hmmm.. may laman yung sinabi ng mom ni niya ah! (wonder why ba't nasabi nya yun?)
oh em gee! si Jerich Miguel ba yung isang importanteng tao sa nakaraan ni Zach?
can't wait for the next chap!
:)
una ba ako? nice story keep it up..siguro may di alam si zach about kay sy ganun din si zach..bilis naman ang pag.update..
im looking forward for the next chapter! update early MR. AUTHOR..hehehehe..
THANKS
.boOm.!andun nah eh tapos ngbiglang white screEn nah.bitin aQ dun ah...uhmM
.ano po scheD mu s pgpo2st ng every chapter?
omg! cguro ex ni zach un.. omg. feeling ko iiwas si zach kay sy.. grabe paganda ng paganda ang story.. i love it.... next chap na pleaseeeee.. thanks (=
hmmm..interesting. :)
may emotion ang narration, ganun ang gusto ko hehe :)
Nice chapter mr author. keep up the good work. sana magpatuloy tuloy ung update mo at wag ka sanang tumulad sa mga ibang authors na sobrang tagal kung mag-update
wahahahaha!!! ang cute!!! XD
may mababasa nanaman ako.. sana po may ending siya hindi katulad ng ibang storya
-carlo8-
weeewwwwhhh.. nice mr. author.. hihihi.. kinilig aman ako sa last part. next chapter na!!!!
-cham-
this is really great..love the flow of d story..manly but with the touch of sweetness..ang gling ng story line plus mhba ang evry chap..thumbs up
-john el-
kulit!
galing!.
exciting!
update agad..hehe..
sr143.
SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGKOMENT.... VERY MUCH APPRICIATED PO!!! HEHEHE LOVE YOU GUYS!!
---YOUR AUTHOR
DRANSKI
Dranski! :) ung next na please :)
galing ni dranski ah.. hehehe
pangz..
thanks pangs
-dranski
Post a Comment