Thursday, February 23, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 02


Written by: Dranski


Pauna:

Ito na po ang chapter 2 ng story ko... thanks po sa mga nagcomment sana magustuhan niyo ang chapter nato... kung may kamukha po itong story pasensya na po pero lahat po nang nandito ay sa sarili kong utak nanggaling.

Thanks po kay Eusethadeus, Yume, Master_lee#027, russ, ramy, jekjec, Lawfer at DownDLine sa comment.





Naging nakakapagod ang byahe nameng yon para sakin. Hindi dahil sa mga nangyare sa araw na to kundi dahil sa pag iisip ko kung anong sinabi ni Iris kay Sy, naalala ko tuloy ang nakaraan namin ni Iris nung mga bata pa kame halos lahat kasi ng sikreto ko alam nito maging pinakatatago kong lihim na kahit kay Sy ay hindi ko magawang sabihin ay alam nito, siguro dahil hindi na iyon mahalaga o sadyang ayaw ko lang ito maalala at alalahanin. Naging tahimik ang biyahe naming iyon walang imikan pareho kameng nakatingin sa magkabilang bintana ng taxi na hindi normal sa amin kadalasan kasi pag nasa taxi kame nakikipagkwentuhan pa kame sa driver, ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa pagtingin sa mga magagandang ilaw na nadadaanan namen habang si Sy nakapikit na at mukhang nakatulog na ito. Hindi ko na naman maiwasan siyang tignan, naisip ko tuloy ano kaya ang tumatakbo sa isip ng kolokoy na toh? Madalas kasi itong maingay kaysa tahimik at pag tumahimik ito ay siguradong malalim ang iniisip nito, sa mga oras na yon di ko maiwasang kabahan at pagpawisan.


7 o'clock ng gabi ng dumating kame sa village nila Sy. Napakaganda talaga ng kanilang bahay malaki ang gate, malawak na hardin, dalawang palapag ito at sa roof top ay mayroong jacuzzi at sa likod naman ay may pool sinalubong kame ng isa sa kanilang katulong upang pagbuksan ng gate at tumulong sa pagbubuhat. Tumuloy kame sa kusina para mag dinner pero katahimikan padin ang bumalot sa pagkain namin, pagkatapos ay inilabas ko ang mga naigrocery namin at inayos nadin ito maaga pa kasi ako gigising dahil umaga ang dating ni Tita from Cebu, ngunit hindi padin nababasag ang katahimikan na iyon patuloy lang akong nagaayos ng mga grocery habang siya nakaupo sa mesa at nakatingin sakin na para akong sinusuri habang nakasalong baba, hindi ko tuloy maiwasang mapailing.


"Zach?" pagbasag nito sa katahimikan naming dalawa..


"Anu yun? Bute naisipan mo nang magsalita akala ko naiuwi ni Iris dila mo." pagbara ko naman sa kanya


"Ah... Ah may itatanong lang san ako tungkol dun sa... sa..." umpisa nito di ko namang mapigilang mapalunok sa sobrang kaba.


"Ser! Ser!"" biglang sigaw ng katulong nila habang tumatakbo


"Ay kabayo nahulog!" ang napabulas sa bibig ni Sy, natawa naman ako dahil nahulog ang mukha nito sa pagkakasalo ng kamay nya


"Ay si Ser OA?" bara pa ng katulong na lalo ko namang ikinatawa, napaka close kasi niya sa mga kasambahay nila kaya nakakabiruan niya ito


"Tinatawa tawa mo?? Hampas kita kay manang gusto mo?" Pananakot niya


"Anu ba yon manang? Last day na ba ng mundo at makasigaw ka wagas?" dugtong pa niya


"Si Ma'am po kase nasa telepono emportante daw" paliwanag naman nito


"Ahh okay dito ko na lang sagutin manang salamat." sagot naman ni Sy at sinagot ang telepono na nasa kusina


"Hello Mom? Are you prepared for your Flight?" tanong agad nito, medyo natahimik si Sy


"Ahhm okay Mom see you tommorrow then, take care." malungkot na sagot niya kay Tita sabany tingin sakin


"So?? Kailangan pa ba kita tanungin?" sagot ko


"You should sleep, you need to take some rest I know your tired" sabay tayo nito hawak parin ang telepeno


"Dun kana matulog sa kwarto ko sunod na lang ako I just need to make some calls" halata talaga sa boses niya na iyon ang pagkadismaya


"Ano ba nangyare? Panu yung mga lulutuin ko?" usisa ko naman sa kanya


"Zacharia we can take care of that tommorrow, delayed ang flight ni Mom so theres no point to rush bukas ng gabi pa daw sila makakarating." paliwanag nito halatang inis siya dahil tinawag ako sa buo kong pangalan kapag binuo kasi namin ang pangalan namin it means na seryoso na


"Ah Okay, hintay na lang kita sa taas" pagsang-ayon ko sa kanya, at tango lang ang sinagot ko nito



Paakyat na ako ng hagdan ng lingunin ko si Sy, nakita kong lumabas siya sa may garden at umupo sa may upuan doon. Dumiretso nako sa kwarto ni Sy as usual same scenario sa kwarto niya madume nagkalat ang maduming mga damit, pants, pati mga brief nito. Hindi kasi ugali ni Sy ang magpalinis ng kwarto sa mga katulong, kung hindi siya ang maglilinis ay ako ang gagawa nito oh si Tita Elsie. Nakita ko din doon ang mga bote ng alak at mga plato na nakalimutan na nitong ibaba, kaya ibinaba ko muna ito para mahugasan, sinilip ko si Sy nakita kong may seryosong kausap sa telepono baka isa sa chicks niya o si Iris ito. Parang may naramdaman akong kakaiba sa dibdib kinabahan akong hindi ko maintindihan, siguro dahil kausap ng bestfriend ko ang childhood crush ko.


Muli akong umakyat sa kwarto para ituloy ang paglinis ng kwarto ni Sy nakita ko din sa ilalim ng kama nya ang paborito naming Tshirt, sa kanya ang Green Lantern at sakin ay Superman. Medyo nainis ako kasi importante samin ito dahil ito ang unang gift namin bilang mag BestFriend kaya bumaba ako at pinuntahan si Sy, hawak ko ang damit na iyon pero nagulat ako sa nakita ko si Sy tumutungga na ng alak, agad ko naman siyang pinuntahan sa garden dahan dahan akong lumapit sa kanya nakatingala si Sy tila tinitignan ang mga bituin sa langit ngunit may kakaiba sa mata nya bakas dito na malungkot siya at nangingilid din ang kanyang mga luha.


"Iinom ka pala hindi ka man lang nag aya?" bungad ko sa kanya habang papalapit sa kanya


"Oh Tol ikaw pala akala ko natulog kana" sagot nito halatang medyo lasing nato dahil sa nakakaloko niyang ngiti, nakita ko din na madami na ring nainom si Sy dahil sa mga boteng nasa ibaba ng mesa


"Nakita ko to sa ilalim ng kama mo." sabay abot ng damit at umupo sa tabi niya


"All this time nandun lang pala to" pailing iling niyang sabi


kinuha ko ang hawak niyang bote ng beer sabay tungga dito


"Hindi mo kasi pinapahalagahan yang regalo ko" sabay tungga ulit ng beer


"Teka beer ko yan ibalik mo nga" pag iwas ni Sy sa sermon ko


"Aray!" sigaw pa niya dahil sinuntok ko siya sa braso


"Minsan ko pang makitang pakalat kalat yan susunugin ko buong kwarto mo" pananakot ko sa kanya at tungga ulit ng beer


"Naku tong Best Friend ko nagtampo pa, opo hindi napo mauulit" sabay akbay nito sakin at hinimas himas ang balikat ko


Nabalot nanaman ng katahimikan sa pagitan naming dalawa nakatingin na naman sa langit si Sy wari mo ay may inaabangan.


"Kwento na" pagbasag ko sa katahimikan at naintindihan naman ako ni Sy


"Most of the invited persons for the party can't come dahil nagbago ng original time ng pagdating ni mommy" malungkot na sabi nito habang nakatingin pa din sa langit


"It's the first surprise party that I made for Mom pero eto bulilyaso pa" dugtong pa nito. napakahalaga kasi para kay Sy na mapasaya ang Tita Elsie


"Anu ka ba were going to make it special" masayang sabi ko kay Sy


Tinignan lang ako ni Sy sa mata sa mga oras na yun parag tumigil ang mundo naming dalawa ramdam ko ang kalungkutan ni Sy at alam ko ramdam din nya ang pagaalala ko. Hindi na nga napigilan ni Sy na umiyak dahil sa mga nangyare at naramdaman ko nalang bigla ang napakahigpit na yakap ni Sy sa akin habang umiiyak. Sa mga oras na yun lalo akong nagkalakas ng loob na pagandahin ang party para kay Tita Elsie.


Ilang minuto pa ay naramdaman ko nang naghihilik si Sy dahil sa kalasingan at pagiyak, nakatulog na nga itong kurimaw na to. Inalalayan ko siyang makaakyat sa kanyang kwarto, pinasan ko siya habang nakayakap siya, malakas din kasi ako. Nakapasok na kame sa kwarto niya umupo muna ako sa dulo ng kama habang nakapasan siya para kumuha ng bwelo. Dahil nakapasan si Sy sa akin ay dahan dahan akong humiga sa kama para maihiga din ito, ng maihiga ko ito ay tatayo na sana ako pero hindi ako makatayo dahil biglang humigpit ang pagkakayakap ni Sy sa akin.


Sa mga oras na yon nagpaubaya na lang ako ganito naman kasi si Sy kapag lasing siya. Hinayaan ko na lang muna ang bestfriend ko sa pagyakap niya sa akin hanggang makatulog ito. Ilang minuto pa sinubukan ko ulit tumayo dahil naramdaman kong lumuwag na ang pagkakayakap niya. Halos makakabalik na ako sa pagkakaupo pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Sy pabalik sa pagkakahiga at pagyakap niya napalakas ni Sy dahil di man lang ako nakapalag at ang mga sumunod niyang salita ang ikinagulat ko.


"Stay here..... Let me hug you..... Akin ka lang" buong lambing na sabi ni Sy


Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandaling iyon napaisip tuloy ako mula nong may sinabi si Iris sa kanya ay naging wierd ito, namalayan ko nalang ang sarili kong nakatingin sa kisame at tulala sa kawalan. Hindi ko na rin namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng ingay na galing sa banyo ni Sy naliligo na ito, alas onse na pala ng tanghali. Bumangon ako agad nang kama nang makita kong lumabas ng banyo ang loko at nakatapis lang ito ng tuwalya. Maganda talaga ang katawan ni Sy kitang kita mo ang 6 pack abs niya at walang kataba taba, ang maumbok nitong dibdib at braso na napakaganda ng hubog, sinong babae nga naman ang hindi mahuhumaling sa kanya.


"Good morning.." bungad nito sa akin at mahaba ang ngiti


"Morning." yan lang ang tanging naisagot ko sabay hablot ang tuwalyang nakatapis sa kanya at pasok ko sa banyo


"Hey!" Tanging naisigaw niya sabay lingon sakin kita namang natawa siya sa ginawa ko


"Sa ngiti mo kamukha mo na si McDonald! Magbihis kana." sagot ko at nagabot tenga ang ngiti nito


Matapos akong maligo at magbihis wala si Sy sa kwarto niya kaya agad naman akong bumaba para hanapin siya. Wala ito sa sala, pumunta ako sa kusina pero ang nakita ko lang doon ay isa sa katulong nila at hinahanda ang tanghalian at mga gagamitin para sa party mamaya. Dahil wala pa si Sy ay tinanong ko ito sa katulong at nandoon daw malapit sa pool. Pinuntahan ko si Sy at nakita ko itong may kausap sa cellphone at McDonald na naman ang ngiti, napansin niyang nakatingin ako sa kanya mula sa pintuan at sinenyasan ko itong kakain na at tumango naman ito.

Habang kumakain kame ay hindi mawala ang ngiti nito sa labi sinu kaya ang kinausap nito at mukhang masaya ang kolokoy. Pero sa kabilang banda ng isip ko ay hindi mawala ang sinabi nya kagabi..


"Stay here, Let me hug you, Akin ka lang" pag gaya ko sa kanya pero pabulong lang


"May sinasabi ka Sy?"


"Ah sabi ko sino yung kausap mo kanina mukha ka kasing baliw kakatawa"


"Pag ba tumawa baliw agad? pwede masaya muna?"


"Pilosopo! sumagot ka ng maayos titinidorin ko mata mo eah" at inamba ko ang tinidor sa kanya


"Sunget? may dalaw ka na naman ba?" sagot niya pa


"Eah kung ilong mo dalawin ng kamao ko??"


"Biro lang.. Si Iris yun.. " paliwanag niya at tango lang ag naisagot ko sabay ngiti


"Speaking of Iris yung itatanong ko sayo kahapon kasi may sinabi si Iris sakin nung nag gogrocery tayo" simula nito na ikinakaba ko


"Yung sinabi ni Iris naalala pero yung sinabi niya kagabi hindi" mahinang sagot ko


"Ha? anu yung sinabi ko kagabi? Zach" singit nito


"Ah wala yun.. Anu nga yung tatanong mo?" dahilan ko na lang para makaiwas


"Ah kasi sabi niya nung mga bata pa kayo meron pa daw isang tao na naging malapit sayo" lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil ayoko nang balikan iyon


"Sir Zach nailabas na po namin yung mga gagamitin" sabat ng katulong nila sa likuran ko


"Yes! Save by the Bell!" sabi ko sa sarili ko


"Ayusin ko muna to, kaen ka lang jan dude" sabay sunod ko kay manang nakita ko naman siyang napabuntong hininga, na konsensiya naman ako dahil sa sandaling iyon nakita kong nawala ang mga ngiti ng Bestfriend ko


Naging abala nako sa buong maghapon na iyon dahil sa pagluluto na ihahanda, hiwa dito hiwa doon, gisa dito gisa doon, pakulo ng karne at gulay. Ang walang hiyang best friend ko naman ay walang tigil sa kakatikim at kakakiliti sakin di ko tuloy maiwasang sigawan ang loko gusto ko kasi seryoso kapag nagluluto ako. Inihanda ko ang mga paboritong pagkaen ni Tita tulad ng Kare Kare, Chicken Curry, Kaldereta, Menudo, Sinigang na Sugpo at Inihaw na Manok at Liempo para sa main Course hilig kasi ni Tita ang mga Filipino Dish. Gumawa din ako ng ibat ibang klaseng Salad may Vegetable, Fruit at Buko Salad at dinagdagan pa ng Gelatin at Leche Flan for dessert at marami pa. Siyempre dahil Birthday ito ni Tita hindi mawawala ang palaging niluluto samin ni Tita nung mga high school palang kame ni Sy ang Spaghetti, pero siyempre special ang gawa ko dahil sarili kong recipe ang ginamit ko dito, Pinagbake ko rin si Tita ng Black Forest cake at ginawa ko rin itong special dahil 3 layers ito at 10 inches ang haba. Alas singko na ng hapon ng matapos akong magluto sakto din dahil nagumpisa na din magdatingan ang mga bisita at mga kamag-anak nila Sy.


Agad naman akong naligo at nagbihis pagkatapos kong magluto ang damit na suot ko ay kay Sy dahil hindi ako nakapagbaon ng damit siya na din ang pumili nito. Pababa na ako ng hagdan para sumama sa mga bisita ng salubungin ako ni Sy nakatanggap pala ito ng tawag mula sa Mom niya at within 30 mins ay nasa bahay na daw ito kaya agad naman nag ayos ang mga bisita para makapaghanda na magsurprise kay Tita. Nandon din ang mga malalapit na kaibigan ni Tita sa village at pati na rin sa kumpanya nila, maging ang kapatid nilang babae na si Samantha ay dumating din, siya ang katulong ni Tita at Sy sa pagpapatakbo ng kumpanya nila dito sa bansa. Humabol din ang dati naming classmate noong high school na si Joaquin na naging malapit din kay tita sa ibang school kasi ito nag college kaya hindi namin nakasama ni Sy. Habang hinihintay namin ang pag dating ni Tita ay puro kwentuhan ang mga bisita at kameng tatlo ni Sy at Jaoquin ay puro tawanan lang isa na pala itong teacher sa university ku! ng saan siya nagaral ng college.


Ilang minuto pa ay dumating na ang sasakyan ni Tita Elsie, sinalubong ito ni Sy para hindi mahalata ang nangyayari sa loob ng bahay.


"SURPRISE!!!" sigaw ng lahat


"Happy Birthday Mom." Bati ni Sy at Samantha sabay halik sa magkabilang pisngi nito halata namang nasorpresa si Tita maluha luha pa nga ito.


"Happy Birthday po, para sainyo po Tita.." bati ko sabay abot ng regalo ko kay Tita


"Naku hindi ka na sana nag abala pa Zach, this surprise is more than enough." masayang pagtugon naman nito


"Tita kulang pa nga po yan kase sobrang lake na po ng naitulong niyo sakin, saka po for sure magugustuhan niyo yan" sagot ko naman sabay tingin at kindat kay Sy nakita kong nagtataka ito hindi kasi niya alam na may binili akong regalo


"Well thanks Iho" pag sangayon nito


"Mom you know what? tinupad din ni Sy pangako niya sayo" sabat ni Sy at nakita ko naman na napangiti si Tita


"You see all that food? Lahat yan gawa ni Sy, niluto niya din mga paborito mo" dugtong niya habang pinagmamalaki ang mga luto ko


"Really Zach? I'm so happy ikaw ang pinili ng anak ko" malaman na sabi ni Tita


"To be his Bestfriend I mean" dugtong nito halata namang medyo natahimik kame ni Sy dahil sa lahat ng tao si Tita lang ang hindi namen kayang pilosopohin


Naglapitan na nga ang mga bisita kay Tita para bumati, yung iba bumebeso pa at yung mga bata naman ay nagmamano. Kitang kita talaga sa mukha ni Tita ang sobrang saya. Kahit na pagod ito sa biyahe ay nakuha pa rin niyang enjoyin ang party na iyon. May inihanda ding video message si Sy para kay Tita galing ito sa panganay nila na nasa Canada dahil hindi nito nagawang umuwi dahil busy sa pagaasikaso sa business nila doon, nandoon din kasi ang pamilya nito at mga anak, nang mapanood ni tita iyon ay napaluha ito sa sobrang saya. Naging puno ng kasiyahan at tawanan ang gabing iyon.

Maghahating gabi na ng matapos ang party at nagsi uwian na ang mga bisita, sa bahay na nila Sy ulit ako pinatulog ni Tita dahil medyo nakainom na ako at hindi naman ako tumanggi. Nakahiga nako sa kama ni Sy pero si Sy nakaupo lang sa kabilang gilid ng kama at tumutungga ng bote. Heto na naman wierd na naman ang kinikilos niya.

"Zach?"


"Oh bakit? dedede ka ba?" biro ko sa kanya sabay labas ng dibdid ko sa suot kong sando


"Gago!" pikon na sagot niya


"Anu nga kasi yon?" sagot ko sabay paghimas ko sa likod niya para mawala ang pagkapikon


"Thanks pala for making Mom's birthday special kung hindi dahil sayo baka walang ganito." seryosong sabi ni Sy


"Ano kaba wala yun isa pa it's for Tita..." sagot ko


"And for you..... ayoko kasing nakikita yung best friend kong nakabusangot yung mukha panget eah" dugtong ko pa


"Thanks for being my best bud, kundi lang kita best friend nahalikan na kita sa tuwa" sagot niya ikinalaki ng mata ko yon at natawa naman ako


"Kahit lalake ako? Bading ka?" biro ko sa kanya pero patuloy padin ang paghimas ko sa likod niya


"Sira! oo kahit lalake ka pa gagawin ko yun sobrang thankful kasi ako sayo" sagot nito


"Sige nga pakiss dude?" hamon ko sakanya sabay nguso, nagulat ako ng biglang lumapit ang mukha nito sa mukha ko hindi ko akalaing seseryosohin niya ang biro ko, halos magkadikit na ang labi namin


"Sino si Jerich Miguel?" seryosong tanong niya sakin sabay hawak sa isa kong kamay, kinabahan ako lalo dahil ipinatong niya ito sa dibdib niya sa mga sandaling iyon natulala ako tanging naririning ko ay ang tibok ng puso ko at puso niya na parehong sobrang bilis ang pagpintig.













(Itutuloy)

20 comments:

Anonymous said...

hala here comes a new challenger ..
lol! more! kinakabahan aq s susunod n mangayayre :)
yume

Anonymous said...

Ganda Ganda nmn ng story :))
Sana laging mbls ang
Update nito

Vin

Anonymous said...

naku zach.... sino un???? un ba ang sinabi ni iris sa kanya.... wahhhhhh wala ka nangb lusot....

ramy from qatar

Anonymous said...

wiii.. ayan na nga po.. hehe

i like the name Jerich Miguel.. hehe wala lang..

super nice..

God bless.. -- Roan ^^,

Master_ lee#027 said...

Wow.........ang ganda ng flow ng story simula palang kaabang abang ang mga pangyayari .........sana wag mu kami bitinin dito mr.author ahah ang ganda kasi eh.....ok takecare

--makki-- said...

" Stay here.. let ME hug you.. akin ka lang.. " aaawwww! He's deeply in love with his BESTFRIEND!

hmmm.. may laman yung sinabi ng mom ni niya ah! (wonder why ba't nasabi nya yun?)

oh em gee! si Jerich Miguel ba yung isang importanteng tao sa nakaraan ni Zach?


can't wait for the next chap!

:)

russ said...

una ba ako? nice story keep it up..siguro may di alam si zach about kay sy ganun din si zach..bilis naman ang pag.update..

luther said...

im looking forward for the next chapter! update early MR. AUTHOR..hehehehe..

THANKS

Anonymous said...

.boOm.!andun nah eh tapos ngbiglang white screEn nah.bitin aQ dun ah...uhmM

.ano po scheD mu s pgpo2st ng every chapter?

j20green said...

omg! cguro ex ni zach un.. omg. feeling ko iiwas si zach kay sy.. grabe paganda ng paganda ang story.. i love it.... next chap na pleaseeeee.. thanks (=

RJ said...

hmmm..interesting. :)

may emotion ang narration, ganun ang gusto ko hehe :)

Anonymous said...

Nice chapter mr author. keep up the good work. sana magpatuloy tuloy ung update mo at wag ka sanang tumulad sa mga ibang authors na sobrang tagal kung mag-update

Anonymous said...

wahahahaha!!! ang cute!!! XD
may mababasa nanaman ako.. sana po may ending siya hindi katulad ng ibang storya

-carlo8-

Anonymous said...

weeewwwwhhh.. nice mr. author.. hihihi.. kinilig aman ako sa last part. next chapter na!!!!


-cham-

Anonymous said...

this is really great..love the flow of d story..manly but with the touch of sweetness..ang gling ng story line plus mhba ang evry chap..thumbs up

-john el-

Anonymous said...

kulit!
galing!.
exciting!
update agad..hehe..

sr143.

Anonymous said...

SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGKOMENT.... VERY MUCH APPRICIATED PO!!! HEHEHE LOVE YOU GUYS!!


---YOUR AUTHOR
DRANSKI

Yume said...

Dranski! :) ung next na please :)

Anonymous said...

galing ni dranski ah.. hehehe

pangz..

Anonymous said...

thanks pangs

-dranski

Post a Comment