Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Ako nga pala
si Anthony, Anthony Gutierrez, pagpapakilala ni unknown guy sabay abot ng kamay
niya para makipagshakehands
Tiningnan ko
siya mula ulo hanggang paa (parang Head to toe assessment pero hindi naman
ganoon kakompresibo, nakadamit kasi.. hahhahaha biro lang), tingin na nanunuri.
Nang
mapatapat ako sa mukha niya (aba pwede! Hehehe)
--------------------------------
Nga pala Trivia ulit:
Yung Head to Toe Assessment na sinabi ko
kani kanina lang ay isang comprehensive bodily exam na ginagawa naming mga
nurses mula ulo hanggang paa na ginagamitan din nang ibat-ibang uri ng
instrumento. Ginagawa namin ito para pag nagtanong ang doktor about sa pasyente
makakasagot kami (para hindi kami mapagalitan, tama ba nurses out there??
Hehehe)
-AHA! (hehe sori kuya kim. Hahaha)
----------------------------------
Habang
nakatingin ako sa kanyang mukha....
Parang
kilala kita, sabi ko sa lalaking nag ngangalang anthony
Ngumiti siya
ay lumabas ang lumabas ang nag-iisang biloy niya sa kanang pisngi at nagwika
siya ng....
Kasi
classmates tayo, sabi ni anthony habang nakangiti paring magkatinginan kami
Para naman
may kung ano sa akin na hindi ko maintindihan bakit para nagagwapuhan din ako
sa lalaking ito. Kainis kasi si ian, may kung ano ginising sa akin.. hehehe
nanisi na. haha
Ah.. kaya
pala pamilyar ka, Fugi, Figi Chio , pagpapakilala ko sa kanya sabay abot sa
kanina pang nakalahad na kamay niya sa akin. (lambot ng kamay ah! Mukhang hindi
to gumagawa ng house hold chores, hehehe, ganoon daw kasi yon)
Ano nga pla
ginagawa mo dito sa school? Tanong niya sa akin habang hindi niya parin
binibitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko mula sa shakehands na naganap.
Ah.. eh..
yung kamay ko, ang medyo mahina at nahihiwa kong sabi sa kanya
What? Tanong
uli ni anthony, hindi niya ata narinig
Ah... kasi
(sabay nguso ko sa kamay namin na magkahawak pa din)
Tiningnan
niya ang itinuturo ng nguso ko at nangmakita niya iyon ay naintindihan naman
niya siguro ang ibig kong ipahiwatig kaya agad naman siyang kumalas sa
pagkakahawak sa akin
Sorry, sabi
sa akin ni anthony
(ang sarap
kasi hawakan ng kamay mo kaya ayaw ko na bitawan, bulong naman ni anthony)
Kinuha ko
uniform ko, biglang sabat ko sa na mumuong katahimikan
Ha? Ang
medyo nabigla niyang sagot (siguro dahil sa nahiya siya sa nangyari kanina)
Hindi ba
itinanong mo kung bakit ako nandito sa iskul, kinuha ko lang ang uniform ko,
sabay ngiti sa kanya
Ikaw bakit
ka din andito tanong ko kay anthony..
****************
-------------> Anthony Gutierrez
Nagyong araw
na napagpasyahan ko pumunta ng school para lakarin ang pagpapagawa ng sticker
para sa aking kotse para makapasok at maipark ko ito sa loob ng school (ganoon
kasi ang patakaran yung sticker ang magseserve na I.D. para makapasok ang mga
sasakyan ng mga estudyante)
Nang maipark
ko sa labas ang ang kotse ko (dahil wala pa ngang sticker), agad ako pumunta sa
JPL Bldg sa second floor, sa OSA (stands for: Office of Student Affairs)
office, ahil dun daw nagpapagawa noon.
Hindi naman
ako nagtagal at nakuha ko din ang agad ang sticker. Agad akong lumabas ng
opisina na iyon at nagtungo palabas ng gate.
Akala ko
magiging pangkaraniwan lang ang araw na ito para sa akin pero sadya talagang
may mga magagandang nangyayari sa bawat araw, at ang arw na ito ay isa sa mga
iyon
Nang-igala
ako ang mga mata ko, may nakapukaw ng pansin ng mga ito. Isang lalaki na talaga
naman nagstand-out sa lahat ng tao na nasa paligid namin. Nakatayo ito sa harap
ng isang bldg. at nag-aantay ata ng dyip na masasakyan. Simple lang ito sa suot
nitong blue v-neck shirt at style bitin na skinny faded grey jeans at white
shoes pero sobrang elegante niya, ang galing niya magdala. Ang cute niya din sa
suot niyang eye glass.
Habang
tumatagal ang pagtitig ko sa kanya, unti unti ko siyang nakikilala, kaya naman
hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tuluyan na ako naglakad patungo sa
kinaroroonan ng lalaking kumuha ng aking atensyon
Nang
makalapit na ako..
Ako: Fugi
right?
Tumango ito
sa akin at humarap sa akin (sobrang amo ng mukha niya, kaya hindi ko mapigil
ang mapatitig sa mukha nya)
Nakita ko sa
itsura niya na parang nagtatanong kung sino ako (cute nang itsura niyang iyon,
kaya hindi ko mapigilang mapangiti)
Ako:
Anthony, Anthony Gutierrez (pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko)
Tiningnan
niya lang ako mula ulo hanggang paa, na parang sinusuri ako at kinikilala. At
pagkatapos ng ilang sandali bigla siyang nagwika ng
Fugi: Parang
kilala kita (nag-aalangan niyang sabi)
Ako: Kasi
classmates tayo (nangingiti kong paglalahad sa kanya, hindi ko mapigilang hindi
mapangiti ang cute niya kasi)
Kahapon pa nakuha ni Fugi ang pansin
ko, akala ko dahil siya lang yung nakacivilian sa klase kahapon, pero habang tumatagal
ay natutuwa akong titigan siya. Nagtataka man ako sa pakiramdam na ito dahil
bago ito sa akin, hindi ko na iniitindi ito dahil nagiging masaya naman ako at
kakaiba ito at parang si fugi lang ang nagdulot nito sa akin.
Nahihiya lang ako magpakilala kahapon
at napansin ko na sa sumunod na naming mga klase ay may kasa-kasama na siya
kaklase din naming nag ngangalang ian, kaya lalong nawalan ako ng pagkakataong
magpakilala sa kanya. Nagkasya na lang akong pagmasdan siya at ang lahat ng ginagawa
niya.
Pero kita mo nga naman sa hindi
inaasahang pagkakataon, tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin ang
aming landas.
Fugi: Ah..
kaya pala pamilyar ka, Fugi, Figi Chio , pagpapakilala nito sa akin sabay abot
sa kanina ko pang nakalahad na kamay (kakaiba ang naidulot nito sa akin, ang
gaan at ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawakan, kaya naman hindi ko na
namalayan na nagtatagal na pala ang hawak ko duon)
----------------------
Nga pala madlang pipz (si fugi po ito
pumasok muna ako sa moments ni anthony kasi may gusto lang akong linawin),
Paano kasi sabi ko pagmalambot ang mga kamay hindi gumagawa ng gawaing bahay
pero exception po yung sa akin ha,, malambot kamay ko kasi inborn na yun...
hahahahahahhahaha (back to you anthony)
----------------------
Ako: Ano nga
pla ginagawa mo dito sa school? (tanong ko sa kanya habang hawak padin ang
kamay niya)
Tumimik
naman si fugi kaso hindi ko narinig dahil may kahinaan ito kaya naman sumenyas
na lang ito gamit ang kanya labi at inginuso ang aming mga kamay
(Doon ko
napansin ang kanyang may pagkapink na mga labi na tama lang ang laki at alam ko
sobrang lambot noon kaya nasabi nalang ng isip ko na “ang sarap siguro noong halikan” na talaga namang nagpangiti sa
akin)
At nang
maintindihan ko ang isinenyas niya ay agad kong tinagal ang kamay ko sa
pagkakahawak sa kanya at sa puntong iyon ay nahiya ako sa aking ginawa. Kaya
agad ako humingi ng tawad
Ako: sorry
(medyo nahihiya kong sabi), sarap kasi hawakan ng kamay mo (pabulong ko namang
sabi sa sarili ko)
Fugi: Kinuha
ko uniform ko (biglang sabat ni fugi sa na mumuong katahimikan sa pagitan
namin)
Ako: Ha?
(ang medyo nabigla kong sagot dahil sa nagawa ko kanina)
Fugi: Hindi
ba itinanong mo kung bakit ako nandito sa iskul, kinuha ko lang ang uniform ko
(sabay ngiti nito sa akin)
(grabe ang
ganda niya ngumiti bagay na bagay sa maamo niyang mukha)
Fugi: Ikaw
bakit ka din andito (kasunod tanong niya sa akin)
*****************
Itutuloy......
8 comments:
yaaaahhh, may kilig moments agad? he he he
ang saya ng kwento..enjoy aq sa mga sinasama mong inputs bowt NURSING..kakarelate..nostalgic effect..hihi sa college days ko..
sana tuloy2 update mo..
ask ko lng RN kna dn..wat batch mo...??
_niccolo'25_
opo RN na ako batch secret hahaha, pero bago pa lang po,, kw po ba mr.. NICCOLO25
batch 08 aq..ait bkt secret..daya ka no nong..:))
ngwowork kna ngaun..???
_niccolo'25_
@ niccolo'25, mas ahead kayo ng basta, nito nito lang ako (pero hindi naman bago.. wala nga po ako ngayong trabaho........ may alam ga po kayong mapapasukan ko???
@ niccolo'25, mas ahead kayo ng basta, nito nito lang ako (pero hindi naman bago.. wala nga po ako ngayong trabaho........ may alam ga po kayong mapapasukan ko???
sa RNheals aq..nagopen cla for new applicants..di mo alam un..kc endo na kmi dis feb...mhrap tlga mghnap ng work..sa mga nurses..;(
_niccolo'25_
db ikw po ung jowabels ni lantis ryt
Post a Comment