Wednesday, February 8, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 06)



By: FUGI

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
***********
---->Si IAN SETH SANDOVAL

Ian’s Sentiment


Akala ko magiging isang normal, walang kwentang araw na naman ito para sa akin tulad ng mga nakaraang araw pagkatapos umalis si Sarah (ang Girlfriend) papuntang ibang bansa. Hindi ko kasi naiisip ang mga ganitong scenario na magkakahiwalay kami kaya naman hindi ko naturuan ang sarili kong wala siya sa buhay ko. Nasanay na akong nandyan siya lagi para sa akin, na siyang naging kalahati ng buhay ko simula ng maging bahagi siya nito. Masakit man pero kailangan ko siyang hayang umalis hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil yun ang gusto ng sitwasyon na ang iniwan lang na option sa akin ay ang patuloy siyang mahalin at ang paghihintay sa muli nyang pagbabalik=’(
Pero mali pala, dahil sa hindi nating inaasahang pagkakataon merong darating sa ating buhay na MAGPAPAREALIZE sa atin na HINDI natatapos ang kagandahan ng buhay pag nakaencounter tayo ng mga problema, nang mga pagsubok na sa tingin natin hindi natin kaya o kung iwanan tayo ng taong mahalaga at pinakamamahal natin sa buhay, na ang taong yon ang pagpapaalaala sa atin na maraming paraan para malampasan ang mga iyon, kelangan lang natin buksan muli ang ating isip at puso para matanggap natin ang lahat nang mga pangyayaring iyon, na para mag move forward tayo sa buhay natin at hayaan nalang ang pagkakataon na siyang gumawa ng solusyon sa mga pagsubok na ibinigay niya sa TAMANG ORAS at PANAHON

Sinong mag-aakala na ngayon ko makikilala ang taong iyon sa katauhan ni FUGI CHIO. Akala ko katulad lang siya nang mga tao sa paligid ko na walang pakialam pero nagulat ako nung sinabi niya ang mga napuna niya sa akin..
            “Nakikita ko kasi sa mga mata mo ang lungkot mo......... lungkot na hindi mo masabi........ lungkot na hanggang ngayon bumabalot sa buong katauhan mo na dahil doon hindi mo magawang ngumuti, ngiti na totoo at walang bahid na pagpapanggap. Tungkol sa ginagawa mo naman, lagi kang nakatingin sa malayo na para bang may hinihintay ka, na may gusto kang makita, na parang ayaw mo malingat sandali at baka hindi mo sya makita. At ang huli ay base na sagot mo na “Wala naman ako ikikwento, walang kwenta ang buhay ko” na nagpaphiwatig na parang may parti sa buhay mo ang nawala, na syang nagbibigay ng kulay sa buhay mo na pinatotohan ng sagot mong ito nung magsorry ako sayo kanina “bat ka nagsosory hindi mo naman ako ginawan ng masama, hindi mo ako sinaktan?”, naparang ang lumalabas ay...ay NAIWAN KA at ang NANG-IWAN sayo ay ang TAONG mahal na mahal.... ang BUHAY mo.
Hindi pa man kami ganoon katagal na magkakilala, pero nasapol niya agad ang mga dalahin ko, na tama ang mga napansin niya. Kaya naman napatingin ako sa kanya habang mahinahon niyang sinasabi ang mga iyon habang nakatingin sa kapaligiran. Nakita ko sa kanya na CONCERN siya at natuwa akong may taong may pagmamalasakit sa akin.
Kaya naman nasabi ko sa aking sarili na MAGIGING PARTE SIYA ng BUHAY KO (yes! yan ha siya na mismo nagnarate sa iyo na I WILL BE A PART OF HIS LIFE, teka teka pag ako nakapasok sa pag mumuni-muni ni Ian? Hahahaha OK hindi na ako papasok sa pagmumuni niya, epal ko lang hahaha), alam ko magiging..... magiging KAIBIGAN ko SIYA, MALAPIT at MATALIK na KAIBIGAN (o yan napala ko may pagpasok pa ako sa pagmumuni-muni ni Ian at may pag-aasume pa, KAIBIGAN kasi FUGI. Hahhahaha OUCH naman! hehe)
Wierdo man at makulit minsan si fugi pero siya yung hindi nakakainis, natutuwa din ako sa mga kilos niyang isip bata. Parang ang light lang ng aura niya na nakakahawa kaya naman gumagaan din ang pakiramdam ko.
Hindi ko rin nakaligtas sa akin ang maamong niyang mukha habang natutulog siya sa Library, na may naguutos sa akin na pagmasdan siya, na siya namang aking ginawa (hindi ko maintindihan pero natutuwa ako tingnan siya sa ganoon kalagayan) (rebelasyon to ah! Heto na naman ako pumapasok na naman sa paglalakbay diwa ni ian. Hehehe)
Ikinagulat ko din nung dinala niya ako sa Calumpang river. Hindi ko nagets kung bakit dun hanggang sinabi niyang
            dito, dito siguro pwede mo nang itapon ang mga problema mo, para masama nang maanod sa kung san man, para makapagsimula kang bumuo uli ng magagandang alaala,para masabi mo na uli na may kwenta na uli ang buhay mo at nang maging masaya ka na ulit..
Na sa sinabi niyang yon hindi ko na napigilang sabihin sa kanya ang mga problema ko, ang mga dinadala ko. At pagsambit ko ng mga hinanakit ko, katahimikan ang pumailanglang sa pagitan namin at pagkatapos ng sandaling katahimikan, bigla siyang umimik na talaga naman pumukaw sa akin kamalayan........
“Kung ang pagkakataon, sitwasyon o tadhana man ang naghiwalay sa inyo, panigurado sila rin ang gagawa nang paraan para pagtagpuin ang landas nyo (pambasag ko sa katahimikan na namamayani, na nagpatingin naman kay ian sa aking kinaroroonan), ganoon naman daw yon, sinusubok ang tatag ng pagmamahal ninyo para sa isat isa na pagnalampasan ninyo pareho kusa kayong dalawa babalik sa piling ng isat isa. Sabi nga sa nabasa ko “Konektado ang PUSO ng isang TAO sa kanilang mga PAA, kaya hindi nakakapagtaka kung DALAHIN ka nito sa TAONG nakaTADHANA SAYO.” Kaya kung para kayo sa isat isa dadalahin kayo ng mga puso nyo gamit ang mga paa nyo sa piling ng isat isa. Kaya dapat hanggang hindi pa nangyayari yon (sabay tingin ko sa kanya at sya naman ay nananatili nakatingin sa akin), ayusin mo ang buhay mo ngayon para pagnagkita na kayo sa hinaharap isang bagong IKAW ang haharap sa kanya para ipagpatuloy ang naudlot ninyong LOVESTORY.”
Nakatitig ako kay fugi habang sinasambit niya ang mga ito, sa mga ihilahad niya nabuksan ang puso at isipan ko na kailangan kung magpatuloy para sa sarili ko, para sa buhay ko. Naging isang eye opener ang mga sinabi niya para ayusin ang buhay ko. Salamat at dumating ang taong hahawak sa akin pabalik sa realidad, ang taong nakapaloob sa katauhan ng isang Fugi Chio (yes naman ako yun hahaha, pasensya na kahit pagmumuni-muni ito ni Ian, hindi ko talaga mapigilang magside comment,,, paano ang gaganda ng sinasabi niya patungkol sa akin, hehehe.. ano kaya kung nakakapag usap ang pagmumuni-muni ko at pagmumuni-muni niya at ang pagmumuni muni ng lahat ng tao, pihado yung mga SOULMATES o yung TAONG NAKATADHANA sa ATIN ay MABILIS nating MATATAGPUAN, paano kasi mas marami tayong emosyon na hindi ipinapakita at mga salitang hindi maisatinig kaysa sa mga naipaparamdan, naipapabatid at naipapakita sa mga taong nakakasalamuha natin kaya naman lahat nang iyon ay nananatili sa ating ISIPAN at lumalabas lang PAG TAYO ay nag simula nang MAGMUNI-MUNI....... wah.. kamusta naman ang naconclude kong THEORY, ayus ba??? hehehe)
Sa lahat nagnagawa akin ni fugi ngayong araw ang pinakatumatak ay ang pagplay niya ng piano at ang pagkanta niya, na talaga namang nagpahanga sa akin. At syempre nararamdaman ko na yung kinanta niya...
Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to FIX YOU

---->alam ko para sa akin ito, dahil nararamdaman ko.

Habang iniisip ko ang mga pangyayaring ito hindi ko namalayan na nangigiti na pla ako, ngiti na parang plinaster sa mukha ko hanggang sa nakarating na ako sa bahay namin. 

Sumalubong naman sa akin ang aking ina na hindi naman nakaligtas ang aking mga ngiti (ngiti na nakalimutan ko nang gawin sa pag-alis ni sarah at muling nagbalik dahil kay fugi)

Mama Gina: anak mukhang masaya tayo ah! (masayang pagpuna ng ina ni ian)

Ian: naging maganda lang po ang first day of school ko (nakangiting pagsagot naman ni ian sa kanyang ina)
Mama Gina: sana tuloy tuloy na yan anak, masaya akong nakikita kang ganya. Teka anak gusto mo na bang kumain magpapahain ako kay manang 
Ian: busog na po ako ma, kakain lang po namin sa labas
Mama Gina: namin??? (natutuwang tanong nang ina)

Ian: sige ma akyat na po ako sa kwarto, papahinga na po ako (pag-iwas sa tanong ng ina), Good night po, dagdag nito
Mama Gina: sige anak, Good night
At pumanhik na nga si ian sa silid niya. Pagkasara niya ng pinto ng kwarto niya naisip niya si Fugi kung nakauwi ba ang huli ng maayos. Kaya naisipan niyang itext si fugi, nang nakapag compose na siya ng sasabihin kay fugi tsaka naman niyang naalala na HINDI niya NAKUHA ang NUMBER ng BINATA...............
***************
Itutuloy.....

3 comments:

foxriver said...

i love your story. Continue to keep it good and be consistent.

fugi said...

@foxriver, salamat nagustuhan mo po,gagalingan ko pa po sabi mo ih! hehehe

Unknown said...

napaka ganda

Post a Comment