------> nais ko munang ipabatid na baka po matagalan ang next kong update sa kadahilanan pong ako ang naatasan na bantayan ang aking KAKA (yung mga magtatanong kung ano yung kaka, parang lola, nakakatandang kapatid sya ng mama ko) na nakaadmit sa mga oras na ito. Hinihingi ko rin po sana isama nyo sya sa inyong mga dasal, salamat po!
---> pero bilang pambawi eto po ang
pahina 24, para kahit papaano, may maiwan ako sa inyo mga tagasubaybay ng gawa
ko.
-----> TY po talaga sa pagsuporta:]
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Akmang tatalikod na kami ni fugi ng hawakan ni anthony ang braso ni fugi na siya namang naging dahilan para mapatigil si fugi ganon na din ako dahil nakaakbay ako dito
+++++++++++++++
-----) Ako na ulit si FUGI ang
mag-nanarate:]
PAGTATAKA
at... at GULAT, yan ang aking nararamdaman, Pagtataka sa mga sinabi ni ian
kani-kanina lang na inimbitahan pala ako ng mama niya na sa kanila mag-dinner
eh kanina pa kami magkasama (kasi kasi lagi na lang nangbibigla, hindi tuloy
ako prepared.. hahaha) at Gulat dahil sa posisyon namin ngayon na.... na
NAKAAKBAY SA AKIN SI IAN TAPOS NAKAHAWAK NAMAN SI ANTHONY SA ISANG BRASO KO na
dahilan para mapatigil kami sa pag-exit na sana sa room namin na iyo
Sa ganoong
posisyon ay mataman naman na nagtititigan si ian at anthony, at at at sa tinginan
na iyon ay parang may kung anong tagisan sa pagitan nilang dalawa na hindi ko
naman masabi kung may problema ba silang dalawa sa isat-isa (kainis hindi
masagap ng RAY-DAR ko.. hahaha lakas makaDRAGONBALLS lang, YES! naisingit ko!
Hehe)
Nabasag
naman ang katahimikang hindi ko maiintindihan sa pagitan naming tatlo ng
biglang umimik ang asar talong si janine..
Janine: wow
lakas maka-POSTER ng pang-TELESERYE ng posisyon nyo ah! Na pinammagatang “HINDI
MO SYA MAKUKUHA SA AKIN”,,, ayieeeeeh! (ang may acting pa nitong pagsasabi na
sinabayan pa nang nakakalokong ngiti nito habang nakatingin sa akin)
Ako: imbento
ka din noh! Last mo na yan (ang medyo naiilang kong pagkakasabi sa kanya at
nagpakawala ng pilit na ngiti)
Janine:
makaalis na nga istorbo na ako sa taping nyo, ok ok.. lights...... camera ...
ac.....tion (kasabay ang paglalakad nito palayo sa kinatatayuan namin at hindi
nakawala sa paningin ko ang kakaibang ngiti nito na hindi ko nalang nabigyan pa
nang pansin nang biglang maramdam ko ang pagbitaw ni anthony sa pagkakahawak sa
braso ko)
Nang mapunta
ang paningin ko kay anthony tsaka ko lamang napuna na nasa akin narin pala ito
nakatingin at sinabayan pa ng magiliw na ngiti na wala naman kanina nung
magkasalubong ang tingin nila ni ian (basta parang may kung ano sa dalawa)
Ako: ah...
an..anthony (ang medyo naiilang kong naisatinig kasi kasi naman may kung ano
talaga sa kanya ngayon na hindi ko maintindihan, sa tingin niya at sa mga ngiti
niyang iyon.. kasi kasi), pa..pasensya ka na kung hindi ako maka...kasabay sayo
(nagbabakel kong dagdag)
Anthony: ok
lang, INGAT KA HA! (at bigla naman itong tumingin kay ian pagkatapos sabihin
ang mga katagang iyon kasabay nang pagkawala ng magandang ngiti nito)
Ako: o..OO,
i..kaw din, wag mabilis magmaneho ah! (kinakabahan kong sabi habang patuloy
parin ang pagtatama ng mga mata ng dalawang mokong)
Anthony: oo
sabi mo ih! (sabay balik ulit ng tingin nito sa akin pati ang magiliw nitong
ngiti)
Ako: u...una
na kami (sabay pakawala ko din ng ngiti bilang tugon sa ngiti niyang iyon)
Ian: oo nga
pare, una na kami ni fugi, ingat ha! (biglang pagsingit nito)
Akmang
tatalikod na sana uli kami ng bigla na namang humawak si anthony sa braso ko
Anthony:
yung usapan natin ha! Sunduin kita, bawal na ang tumanggi ok! (may himig nang
kung ano sa sinabi niya pero kaakibat noon ay andoon pa din ang napakaganda
nitong ngiti kaya tango at ngiti na lang din ang naisagot bilang pagpayag)
Pagkatapos
noon ay agad na din akong binitawan ni anthony at sa puntong iyon ay sya namang
paghigpit ng pagkakaakbay ni ian sa akin na nagtulak sa akin na mapalapit ng
husto sa kanya (na ikinagulat ko na naman, lagi nalang ako nagugulat, paano
kasi hindi nang-iinform:]) at dahil din doon nadala ako sa mabilis na paglakad
nito palabas ng room namin na iyon
Pagkalabas
na pagkalabas biglang nagsalita si ian na nagpabalik sa akin sa reyalidad
Ian: ano na
naman bang usapan yan at kelangan susunduin ka pa ulit ng mokong na iyon, di ba
dadalhin mo na si drey (yung motor ko) bukas, wala ka nang maidadahilan sa akin
na coding coding ha (ang sunod sunod na litanya nito habang patuloy pa rin
kaming naglalakad na sa puntong iyon ay bumagal na at lumuwag na rin ang
pagkakaakbay nito)
Ako: ah eh..
(ang panimula ko dahil syempre nagrerecover pa lang ako sa gulat na dinulot ng
mahigpit na pagkakaakbay niya kanina)
Ian: i, o,
u? ano ba kasi? (ang pagsabat nito)
Ako: sandali
lang tatay ha! (natatawa kong biro dito, OA makareact ih!)
Ian: tatay ka dyan, tawa pa (ang nakasimangot nitong sabi,,,
sobrang cute nya sa puntong iyon, hehe:])
Ako: paano kasi umandar na naman ang pagkaatat mo, sabat ka
agad ng sabat eh hindi pa nga ako nakakapagsalita
tapos ang dami mo na agad nasabi at natanong
Ian: ang bagal mo kasi (katwiran nito)
Ako: paano ang bilis mo (natatawa kong sabi dito)
Ian: bakit nga kasi?
Ako: anong bakit nga kasi? (maang maang kong balik sa kanya
habang nakangiti, paano super duper cute nya sa itsura niya kahit nakasimangot,
promise! Hehe,, patay na SUPER na DUPER pa.. :])
Ian: hindi ako unlimited ha! Paulit ulit na lang? (ang medyo
naaasar na nitong sagot na palihim kong ikinatawa)
Ako: abat nabanat ka ng papaganyan ha! Bakit regular load ka
lang ba? (pagsakay ko sa banat nito habang pinipigilan ang pagtawa)
Bigla na lang inalis ni ian ang pagkakaakbay sa akin at
naglakad na pauna sa akin
Patay! Napikon na ata, nasabi ko na lang sa sarili ko
Agad ko naman siyang sinundan at nang maabutan ko na siya ay
bigla ko na lang hinablot ang kamay niya
Ako: sorry na! niloloko lang (pero hindi ito umimik at pilit
na iniiwas ang tingin sa akin), hoy! Hindi na mauulit, sorry na nga (naidagdag
ko)
Ian: yung kamay ko (malamig nitong nasabi)
Ako: kamay pa din (biro ko sana para mapangiti ko siya, pero
iba ata ang naging dating sa kanya, kasi kasi ako, kainis myself.. hahaha)
Ian: sige mamilosopo ka pa (medyo may galit na nitong sagot
sa akin na ikinakaba ko, nagalit na nga ata), yung kamay ko (dagdag nito)
Ako: so....sorry na, promise last joke ko na iyon, hindi na
mauulit, sorry! (ang sunod sunod kong naibulalas dahi sa kabang nararamdaman
dahil sa tono nang pagsasalita niya)
Ian: yung kamay ko
Ako: ka..kala ko ba hindi ka unli, bakit paulit-ulit ka?
(huling hirit ko sa kanya para mapataw siya at hindi na lumala pa, baka
mag-away na naman kami eh kababati palang namin, kasi kasi myself tsk tsk..)
Sa pag-aakalang sasakay siya sa huling pagbibiro ko mukhang
nagpalala pa dahil tiningnan niya na ako ng masama (kasi kasi sabing last joke
na dapat yung kanina, may paghirit pa ako, kasi naman)
Ako: sorry na! magpapaliwanag na ako (huminga muna ako ng
malalim bago ko pinag patuloy ang pagsasalita), a.... ano kasi ma... may usapan
na kami ni anthony na lalabas bukas pagkatapos ng huling subject, half day lang
naman tayo, paano kasi hindi ako pwede
kahapon noong niyayaya niya ako dahil nga bantay bata at bahay ako, inalagaan
ko si angel este natin pala dahil asa bahay ka kagahapon di ba? Yun! tapos kaya
hindi ko madadala si drey (motor ko) dahil nga sinabi nya na rin na wag ko na
lang dalhin dahil yung kotse na lang ang gamitin... yun yung buong paliwanag,
sorry na! hindi kita bibitawan pag hindi mo ako pinatawad ngayon (ang pag-eeksplika
na may halong pagbabata ko sa kanya)
Mataman lang
akong pinapakinggan at tinitingnan ni ian na walang emosyong ipinapakita, at
nang matapos ang medyo mahaba haba kung pagpapaliwanag ay wala pa rin itong
imik at pawang nag-iisip ng malalim at sa puntong iyon ay ako na ang bumasag
ulit sa mamumuong katahimikan
Ako: uy!
(sabay paghila ko sa kamay niya na hawak ko para pansinin niya ako),
nagpaliwanag na ako ah! Bati na tayo,,, pleeeeease! (sabay hugpong ko ng mga
kamay ko kasama nung kamay niya na parang nagdadasal lang at pagplaster nang
nagmamakaawang itsura)
At sa maya
maya lang biglang gumalaw ang kamay nito na hawak ko at biglang hinawakan nang
madiin ang kamay ko sabay talikod nito at hila na sa akin palakad, wala na
akong nagawa kung hindi magpadala sa kanya (pabor din naman sa akin yon,,
hehehe, JOKE! Haha,,, salamat na lang at walang tao sa puntong iyon.. YES! SAFE!!!!!
At kung meron mang makakita sa amin sa puntong iyon, patay sya dahil
IKAKAME-HAME WAVE ko sya at gagamitin ko din sa kanya si NADARE... YES!
naisingit ko pa to!... hahaha)
Nasa ganyang
kabulastugan na naman na pag-andar ang aking utak ng sa wakas ay umimik na si
ian....
Ian: sasabay
din ako bukas, kaya itanim mo na dyan sa consciousness mo na “sasabay ako sa
inyo AT WAG NA WAG MO NA ULIT AKONG
KALILIMUTAN AT BAKA MAKALIMUTAN DIN KITA” (ang naibulalas nito habang
nakatalikod sa akin at talagang may diin sa mga huli nitong sinabi)
Ako:
si....6:30am ako da..daanan ni anthony bukas (nauutal kong pagbibigay
impormasyon sa kanya, paano kasi,, kasi kasi na nanakot.. hehe), opo! hindi na
mauulit yung kanina, takot ko lang sayo (dagdag ko)
Ian:
kelangan pang takutin ih!para lang maalala ako (ang may himig tampo tampuhan
nitong pagkakasabi at sa puntong iyon alam kong ayos na kami)
Ako: hala
ang bata may hinanakit pa din (ang pagbibiro ko na ulit, syempre baka makalusot
na sa pagkakataong ito)
Ian: kala ko ba last mo na yung kanina? at
talagang nahirit ka pa rin ha! (ang pagpuna nito)
Ako: ah eh..
(at natawa na nga lang ako dahil alam kong sa mga sandaling iyon.. OK na:]),
ian.. yung kamay ko (dahil baka may makakita kung ano pa ang isipin)
Ian: kamay
pa din naman ah! (sabay tigil nito at harap na din sa akin)
Ako: hala
gaya gaya, script ko yon ah! (at sabay kaming nangiti sa kalokohan namin..
ayiieeeeee!), bati na tayo ha! (dagdag ko)
Ian:
Pag-iisipan ko pa (sabay tawa nito pagkatapos ay bitiw nito sa kamay ko at
talikod at nagpatuloy sa paglalakad)
Ako: may na
lalaman ka pang pag-iisipan (sabay habol sa kanya), basta bati na tayo at ITANIM mo yan sa CONSCIOUSNESS
MO (panggagaya ko naman sa sinabi nito na nagpalingon sa kanya sa akin.. akala
mo ha!.. hehehe)
Ian: abat
talagang..... (ang sasabihin pa sana nito ng sumingit ako)
Ako: peace
(sabay ng peace sign:]), nga pala (pag-iiba ko sa usapan) kanina pa tayong
magkasama bakit nitong labasan mo lang sinabi yung tungkol sa pag-imbita ng
mama mo na sa inyo ako magdinner? may anuhan ba? At bakit nya ako kilala na?
(ang sunod sunod kung naitanong sa kanya)
Ian: ah..
kasi.. ganto iyon,,, tara na nga ang dami mo na mang tanong (at nagtuloy tuloy
na nga ulit sa paglalakad ang mokong,, wala na akong nagawa kung hindi ang
sundan ito)
Itutuloy...............
3 comments:
i hope ur kaka is okay. We'll be waiting for ur next chapter(make it sooner hehe pressure). Still dis chapter is still a " kasi kasi" chapter. I love the phrase " itanim mo sa conciousness". Honestly there are a lot of words in ur story that i thought were ordinary but somehow u made it extraordinary. It means ur a great author ayiiiiie hahaha. Tc.
Ikaw na! Si Daimos na lang ata hindi mo natatawag! Hahahaha! Napakakwela talaga ng story mo!:)
Cheers!:)
get well soon to your kaka, fugi!
kakilig tlga c ian at fugi hahaha,
go IAN. wag mung hayaang makuha ni anthony c fugi. hehehe
Post a Comment