Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Pagkatapos
maayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni ian ay masaya kaming
pumunta sa sunod at panghuling subject sa araw na iyon
Nang malapit
na kami sa room ay nagpaalam muna si ian na pupunta muna itong palikuran at ako
naman ay nauna sa kanya pumasok sa loob ng room. Napansin ko agad si janine sa
bandang likuran kaya agad akong dumiretso papunta sa kanya at umupo sa tabi
niya
Hindi naman
nakaligtas kay janine ang pagbabago sa aura ko, kaya pagkaupong pagkaupo ko
palang ay bumulong ito sa akin
Janine: aba!
Mukhang ayos ka na ah! Bumalik na ang aliwalas sa mukha mo
Ako: ha!?
(maang kong sabi sa kanya)
Janine: pati
si ian oh, ayos na din (nakangiti nitong balik sa akin sabay turo sa kapapasok
palang na si ian na may nakaplaster na ngiti habang nakatingin sa kinatatayuan
namin)
Ako: ikaw
ang dami mo ding napapansin ano?? (nakangiti kong tugon dito)
Janine:
hindi ka kasi nagsasabi nang mga nangyayari sa iyo, katulad na lang kanina
parang may something sa inyo ni ian, ano?? Tama ba ako? Kaya naman pumupuna na
lang ako (kasabay ang kakaibang ngiti nito)
Ako: mood
swings lang yung kanina ang dami ko lang iniisip (pagdadahilan ko)
Janine:
moods swing daw ah! Bakit may dalaw ka?? Buntis? (natatawang biro nito sa akin)
Ako: last na
hirit mo na yan ha! (sabay pakawala ng pekeng tawa)
Janine: kasi
ayaw pa umamin na may something sa kanila (mahinang bulong nito sa kanyang
sarili)
Ako: may
sinasabi ka pa?
Janine:
wala, nag 3:00 o’clock prayer lang
Ako: four na
kaya, adik lang?
Janine: ang
bilis naman ng relo mo, three pa lang sa akin
Ako: woooohh,
palusot ka pa!
Janine: o e
di 4:00 o’clock prayer, pwede namang i-adjust, makabawi ka lang ng hirit dyan
ih! (natatawa na nitong sabi sa akin)
Ako:
talagang nailusot mo pa yan ah! (natatawa kong balik dito)
Janine:
syempre hindi ako papayag na maisahan mo ako (ang may pagkaproud nitong sabi)
Bigla namang
singit ni ian ng makalapit na ito sa amin at umupo sa tabi ko
Ian: ano
pinag-uusapan ninyo at mukhang nagkakatawanan kayo?
Ako: ah!
Wala naman, nababaliw lang itong si janine (nakangiting sabi ko dito)
Janine:
paano kasi ian ang galing magjoke ni fugi kaya nagkakatawanan kami (humarap ako
kay janine na may nagtatanong na mukha at tinugunan naman ako nito ng
mapangasar na ngiti)
Ian: share
nyo naman sa akin (nakangiting sambit nito)
Janine: o
fugi share mo na mga jokes mo, gusto marinig ni ian o! (gatong nito sa sinabi
ni ian kasabay ang nang-aasar na ngiti, ngumiti lang din ako dito na may halong
asar)
Wala na
akong nagawa kaya nagjoke na ako mga pipz (sana ay magets nyo ang joke ko..
haha)
Ako: a..alam nyo ba yung joke na “HINDI EH!” tsaka “ME
TOO”??? (sabay harap ko kay ian)
Ian: HINDI IH! (tapos humarap naman ako kay
janine)
Janine: ME TOO....
Natawa naman
ako sa isinagot nila (hahahaha), sakto lang sa joke ko (hahaha), lalo ako
natawa nang mapansin kong naguluhan sila sa biglaan kong pagtawa
Janine:
bakit ka natawa dyan?? Wala pang joke tumatawa ka na agad, adik lang?
Ako: slow mo
naman janine (sabay tawa ko at bigla ko narinig ang hagikgik ni ian kaya
napaharap ako sa kanya)
Ian: gets ko
na (natatawang sabi nito sa akin ng makaharap ako sa kanya)
Ako: salamat
naman at nagets mo (at nagtawanan kaming dalawa)
Janine: ang
alin ang nagets mo ha ian?? (ang naguguluhang singit nito)
Napaharap
kaming dalawa ni ian kay janine tapos nagkatinginan kami ulit ni ian at tumawa
dahil sa itsura ni janine (hahahaha)
Janine:
pinagtutulungan nyo na naman ako, ang daya! (pagmamaktol niyo na lalo namin
ikinatawa)
“Kasi naman
kung anu-ano sinasabi mo, may pajoke joke ka pa na sinabi ko tas nung nagjoke
nga ako, slow ka naman” natatawang bulong ko kay janine at inirapan lang ako
nito na lalo ko lang ikinatawa (kasi kasi.. hahahahaha)
Nang
mahimas-masan na ako sa kakatawa ay napansin kong wala pa rin si anthony kaya
naman
Ako: nasaan
nga pala si anthony? (tanong ko kay janine)
Janine: hindi
ako tanungan ng nawawala (ang galit galitan nitong tugon sa akin)
Natatawa
naman akong humarap kay ian para tingnan ang reaksyon nito sa inasta uli ni
janine pero seryoso na ang itsura nito, hindi ko na lang ito pinansin
Ako: seryoso
janine, hindi ba magkasama kayo ni anthony kanina noong iniwan ko kayo?
Janine: noong
nagpaalam ka naman ay sumunod din siya may titingnan lang daw, tas hindi naman
bumalik
Bigla naman
bumukas ang pintuan sa harap at hinilabas nito si anthony
Janine: ayon
oh! (sabay turo nito sa kapapasok palang na si anthony)
Agad naman
ako bumaling sa kinaroroonan nito at papalapit ito sa kinauupuan naman, medyo
seryoso ito na ikinataka ko naman dahil lagi naman itong nakangiti pag nakikita
ko
Pagkadating
nito sa pwesto namin aya agad naman nitong kinausap si ian
Anthony:
pare, pwede bang ikaw na ang umukupa nitong silya na ito (sabay turo sa silya
sa dulo malapit sa bintana), mas gusto mo naman sa tabi niyan hindi ba?
Nadi-distract lang ako (may kung ano sa tono nito na hindi ko maipaliwanag)
Ang siste
kasi, ako ang nasa gita nina ian at janine tapos bakante ang upuan sa tabi ni
ian na tapat ay bintana,
Ian: oo
naman pare (sabay pakawala ng ngiti nito kay anthony pero parang may kung ano
din sa inasta na iyon ni ian)
Agad na
kinuha ni ian ang gamit niya at tumayo at lumipat sa kabilang upuan. Pagkaalis
na pagkaalis ni ian ay sya namang upo ni anthony sa pwesto ni ian
Anthony:
salamat pare! (ang sabi nito kay ian pagkatapos ay sabay baling sa akin ni
anthony at pakawala nang isang napakagandang ngiti, ngiting lalong nagpapagwapo
sa kanya)
Ako:
sa..saan ka ba nagpunta? (nauutal kong tanong sa kanya dahil siguro sa epekto
ng maganda nitong ngiting isinalubong sa akin pagkaupong pagkaupo nito sa tabi
ko)
Anthony:
dyan lang may pinuntahan lang (sabi nito habang nakapaskil pa rin sa mukha nito
ang maganda nitong ngiti na ikinailang ko naman, kasi kasi may kung ano sa
ngiti na iyon, parang parang.. basta)
Ako: ah! (naitugon
ko na lang)
Maya maya
bigla nalang itong bumulong sa akin na ikinagulat ko na naman (kasi kasi:])
Anthony:
yung date natin bukas ha! (ang mahinang bulong nito)
Hindi ko
alam kong tama ang pagkakarinig ko
DATE ba ang
sabi ni nya? ang naitanong ko sa sarili ko
Ako: ano yon
anthony? (ang nag-aalangan kong tanong sa kanya)
Anthony:
yung usapan natin na lalabas bukas pagkatapos ng klase, natatandaan mo pa?
Ako: ah! Oo naman
(nakangiti ko nang tugon sa kanya)
Anthony:
susunduin kita ulit ha, bawal na tumanggi, usapan na natin iyon (ang
sunod-sunod nitong sabi na may kalakip na napakagandang ngiti kaya naman
napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya, hirap tanggihan ng ngiti na
yon.. kasi kasi)
Sa kabilang
dako hindi namin napapansin na mataman na inoobserbahan pala kami ni ian....
Ilang
sandali pa ay dumating na ang prof namin para sa huling subject na iyon. Naging
mabilis naman ang takbo nang oras at agad na natapos ang klase nang hindi namin
namamalayan
Agad kong
inayos ang gamit ko at nabigla na lang ako na may nakatayo na sa harapan ko at
nang mapatingala ako, si anthony pala
Anthony:
tara na! (nakangiting sabi nito sabay kuha ng gamit ko), ako na magbibitbit,
para hindi ka na makatanggi sa pagsabay sa akin at maihatid na kita (dagdag
nito)
Ako:
a..anthony! a...ako na magdadala niyan (nagulat ako sa ginawa niya, pero may
bahagi na natuwa ako sa kabutihang ipinapakita niya)
Anthony: ako
na! tayo na dyan ng makaalis na tayo (nakangiti paring sabi nito)
Ian: pare
(pasingit at pagtawag sa atensyon ni anthony), pasensya na hindi makakasabay
sayo si fugi, sa bahay kasi sya magdi-dinner inimbitahan kasi sya ni mama ko
(may kong ano sa tono niyo pero hindi ko na ito nabigyan pa nang pansin dahil
sa nabigla ako sa sinabi nito)
+++++++++++
Ian
Masaya ako at naayos na ang hindi
pagkakaintindihan sa pagitan namin ni fugi, kakaiba talaga ang naiidulot, alam
ko may kakaiba pero yung kakaibang pakiramdam na iyon nahindi ko mapangalanan
ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kaligayan, kaligayahan nagyon ko lang naranasan
Kakaiba talaga si fugi, nasambit ko sa
sarili ko
Balik na uli kami sa dati, nagbibiruan,
tumatawa, masaya...... masaya na SANA kaso nang mapasok sa usapan si anthony
hindi ko alam parang nag-iba ang mood ko, para kasing napaka-concern ni fugi sa
isang iyon nang mapuna nito na wala pa ito
Maya-maya nga ay pumasok na ang isang
iyon at nang magtama ang tingin namin ay napuna kong may kung ano sa tingin
niyang iyon.
Nang makalapit na ito sa aming
kinauupuan nila fugi agad itong tumingin sa akin at nagwika nang...
“Pare, pwede bang ikaw na ang umukupa
nitong silya na ito (sabay turo sa silya sa dulo malapit sa bintana), mas gusto
mo naman sa tabi niyan hindi ba? Nadi-distract lang ako”
May bahid
kung ano sa mga binitawan niya, kahit ayaw ko pumayag na rin ako dahil ang
naisip ko ay paglumipat ako ay susunod si fugi sa akin para tabi pa rin kami
pero mali pala dahil pagkalipat na pagkalipat ko siya namang pag-upo ni anthony
sa inalisan ko
Anak ng EPAL
naman.... ang nasabi ko sa sarili ko
Naiinis ako
sa hindi malaman na dahilan, lalo pang nadagdagan ito ng napuna kong masayang
nag-uusap ang dalawa tapos maya maya maya pa ay nagbubulungan na.....
Aaaarrrghhhhhh...
sabi ko sa aking isipan
Sobrang
hindi ako panatag sa ikinikilos ni anthony kay fugi, ewan hindi ko maintindin
Salamat at
nakiayon sa akin ang oras at tumakbo ito ng napakabilis, mabilis sa
pangkaraniwan na para siguro ang inis na nararamdaman ko ay hindi na
magtuloy-tuloy pa sa galit
Epal kasi
itong anthony na ito, nasabi ko sa aking sarili
Nang matapos
pagpaalam ay tuluyan nang lumabas ng room ang prof namin, agad akong nag-ayos
ng gamit ko, habang ginagawa ko iyon ay narinig kong nagsalita si epal (si
anthony) kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong kausap nito si fugi
Niyaya na
nito si fugi at sa pagkakarinig ko ihahalid pa ng ungas ito sabay kuha ng gamit
ni fugi para siguro hindi na makatanggi
Sa puntong
iyon ay agad akong sumingit sa kanilang usap at nagwika nang......
Ako: pare
(pasingit at pagtawag ko sa atensyon ni anthony), pasensya na hindi
makakasabay
sayo si fugi, sa bahay kasi sya magdi-dinner inimbitahan kasi sya ni mama ko (dagdag
ko sabay pakawala ng nang-aasar na ngiti)
Nagtataka
man sa inasta ko sa puntong iyon, pero asar lang talaga ako sa anthony na yan,
basta...
Salamat at
mabilis na nakaisip nang idadahilan ang utak ko kung hindi baka maiwan na naman
ako
Akmang iimik
pa ang epal na si anthony ng bigla ulit ako akong nagsalita
Ako: pare,
akina ang gamit ni fugi para makaalis na kami, kanina pa kami inaantay ni mama
(nakaplaster pa rin sa akin ang nang-aasar na ngiti)
Agad kong
inilahad ang kamay ko para kuhanin ang gamit ni fugi kay anthony, alam ko ayaw
nitong ibigay pero alam ko din no choice sya at napangiti ako ng palihim sa
naisip ko na iyon
Kala mo ikaw
lang marunong umepal ha! Sabi ko sa utak ko (hehe)
Pagkaabot
nito ng gamit ni fugi sa akin agad ko nang hinarap si fugi at napansin ko sa
mukha nito ang pagkabigla siguro dahil sa sinabi ko, wala naman talaga kaming
usapan, pero papanindigan ko na baka makahirit pa si epal
Ako: tara na
fugi (nakangiti kong sabi dito at kita ko namang nakabawi na ito sa pagkabigla
at tinugon ako ng pilit na ngiti, siguro dahil nagtataka pa rin ito)
Nang
makatayo na ito ay agad ko itong inakbayan para makaalis na agad kami agad
akong nagpaalam kay janine at sa epal na anthony na iyon
Ako: janine
una na kami (nakangiti kong sabi dito)
Janine:
sige! Ingat kayo ni fugi (nakangiti rin ito)
Ako: ikaw
rin, ingat (sabay harap naman kay anthony)
Ako ulit:
pare una na kami ni fugi ah! Ingat ka!
Akmang
tatalikod na kami ni fugi ng hawakan ni anthony ang braso ni fugi na siya
namang naging dahilan para mapatigil si fugi ganon na din ako dahil nakaakbay
ako dito
+++++++++++++++
Itutuloy....................
5 comments:
Haba ng hair ni fugi nilakbay ang buong edsa grave!
KV
LABANAN NG MGA EPAL ang Chapter na ito!
KASI! KASI! itong si Fugi KASI! KASI! ENJOY! ENJOY! naman.. LOL
hmmm.. PAEPALAN huh! malamang sasama yang si Anthony! LOL
GO! ANTHONY! GALINGAN MONG UMEPAL!
(mukhang ako lang yata dito ang pro-Anthony ah!) BIGTIME LOL!
THANKS sa update FUGI!
ano to contest ng dalawang lalake sa buhay mo fugi.... he he he...para kang food na masarap kainin... pinag aagawan ka nilang dalawa....ang haba ng hair mo talaga fugi....
ramy from qatar
wow bilis ng update! hehehe epal tlga si anthony, cla n lng dapat ni janine mag partner, hehehehe. next na ulet fugi.
kasi kasi! Go Ian..
Post a Comment