-----> Nais ko muna magpasalamat
sa lahat nang nakaintindi sa rason ko sa last chapter at dahil doon dalawang
chapter na agad agad ito, masyado kasi akong nadala sa momentum kagahapon..
hahaha (sana ay magustuhan ninyo at kung hindi pasensya na lang ulit,, hehehe)
------>salamat sa lahat lahat ng
nabibigay ng oras, panahon, pera (sa pagrent sa mga computer shop para lang
mabasa ito,,, wow parang may nagawa noon eh lahat ata sila may sari sariling
laptop/// hehehe) at at syempre ke na sa mga nag-iiwan ng comments at ginagaya
yung KASI-KASI, natatawa ako ih! Promise (hehe)
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Nagulat ako ng pagharap ni ian ay walang kaekspre-ekspresyon
ang mukha nito
Ako: so..sorry? (nauutal kong sabi), nakalimu....
Ian: nakalimutan mo ang usapan natin dahil kasama mo lang
yang anthony na yan (ang malamig na may himig galit nitong pagtutuloy sa
sasabihin ko sabay ang pagtalikod nito sa akin)
Nabigla ako sa sinabi niya, napatulala sa inasta niya at
napako nalang sa kinatatayuan habang papalayo na siya sa akin:[
Nasa ganoon akong tayo ng biglang may nagsalita sa likod ko
na naging dahilan ng pagkagising ng diwa ko
Anthony: bakit ka biglang umalis? hindi ka man lang
nanghintay
Ako: ah.. may, may kinausap lang ako, pabalik na nga ako
(palusot ko nalang sabay harap sa kanya at plaster ng pekeng ngiti)
Janine: tara na maglunch (singit naman niya). Nga pala nasaan
si ian? Kanina ko pang hindi nararamdaman ang presensya niya (dagdag nito)
Natigilin naman ako sa sinabi niyang iyon, kasi kasi!
Anthony: baka naman may mga agenda si ian ngayon, tara na sa
cafeteria, naguguton na ako (sabay akbay uli sa akin nito at tinahak na nga
namin ang daan papunta sa school canteen)
Pagkadating namin doon ay nagpalinga-linga ako kung nasa
paligid si ian pero kahit hibla ng buhok, kuko o kahit balahibo ay wala:(
Nag-aalala man kay ian at naiinis sa aking sarili ay pilit kong itago
iyon para hindi mahalata nina anthony at janine, pinilit pasayahin ang sarili
sa kanilang harap kahit sa loob loob ko ay gustong gusto kong makita at
makausap ang taong napakahalaga sa buhay ko ngayon at maayos ang gusot sa pagitan
naming dalawa
Nasaan kaya ang tampurorot na iyon? Saan kaya kumain iyon? O kumain kaya
iyon? Papasok kaya siya mamaya?... SANA! (mga tanong na naglalaro sa aking
isipan)
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kaming tatlo sa unang klase
namin sa araw na iyon. Habang naglalakad ay bigla na na lang umakbay sa akin si
anthony
Anthony: kanina ka pang wala sa sarili at balisa ah! (bulong nito sa akin)
Ako: ah eh.. may iniisip lang ako (sabay ngiting pilit sa kanya)
Nakarating na nga kami sa room at nanatiling nakaakbay sa akin si
anthony, agad hinanap ng mga mata ko si ian at nang mahagilap siya ng mga mata
ko at nakatingin din pala siya sa akin na blanko pa rin ang emosyong
ipinapakita ng mukha nito
Janine: nandito na pala si ian, tara doon na tayo umupo sa tabi niya (aya
nito na naging dahilan para alisin ko ang tingin ko kay ian kasabay noon ay
naglakad na kami palapit sa kinatatayuan ni ian sa bandang likuran)
Nang makalapit na kami sa pwesto ni ian, tinanggal na rin ni anthony ang
pagkakaakbay. Kahit gustong-gusto kung tumabi sa kanya ay wala akong lakas ng
loob dahil nahihiya at naiilang ako dahil sa ako naman talaga ang may kasalanan
Nagising na lang ako sa ganoon pagmumuni ng
Janine: fugi upo na! tulala ka na naman, nakadrugs ka ba? (natatawa ito)
Ako: ah... o.. oo at nang makita ko ang bakanteng upuan ay yung sa
pagitan nina ian at anthony (bale ang naging pwesto ay si ian sa bandang dulo,
ako, si anthony at si janine)
Pagkaupo ko ay siya namang alis ni ian, pinagmasdan ko na lang siya
hanggang makalabas siya
Janine: pasan si ian?
Ako: c-cr ata
Habang nag-iintay sa aming prof ay
abala naman ako sa pag-iisip ng paraan para magkabati kami ni ian (kasi kasi
naman ako!)
Hoy! Ano o Sino bang iniisip mo? Kanina pa yan ah! Mukhang ako ata yan,
hinihingal na kasi ako, bulong ni anthony na nagpagising sa akin mula sa malalim
kong pag-iisip
Ha? Nabigla kong bulong dito
Kasi naman kanina mo pa akong pinatatakbo dyan sa kokote mo, wag mo ako
masyadong isipin, Ok lang ako! Natatawa nitong banat na pabulong
Lakas mo din ah! Last na banat mo na yan sa araw na ito ha! Natatawa kong
bulong dito
Yan! Tumatawa ka na ulit, ano ba kasing iniisip mo? at napakalalim ata!
Babawaan mo lang kasi baka mamaya malunod ka eh! Mouth to mouth resuscitation
palang kaya kong gawin, natatawang bulong nito
Yan naman ang last joke mo sa araw na ito ha! Kumu-Quota ka na,
natatawang balik bulong ko naman
Bigla namang sumabat si janine
Janine: nagkakasayahan na naman kayo dyan ha! Bulong bulungan na naman
kayo baka lang naman gusto nyo na akong isali
Anthony: ehhhh! Bawalpa rin ang
mga saling pusa (ang natatawang sabi nito)
Janine: ang daya daya nyo naman, parang na-o-OP tuloy ako (ang tampo
tampuhang sabi nito na ikinatawa naman naming dalawa ni anthony)
Biglang lumapit sa akin si anthony at bumulong
Kunyari may sinasabi ako tas tumingin ka kay janine na kunwari
pinag-uusapan nati siya OK!, laman ng bulong ni anthony sa akin
At habang bumubulong kuno si anthony sa akin ay nakatingin naman ako kay
janine at kunyari natatawa at pagkatapos kuno ng sinabi ni anthony ay ako naman
ang bubulong sa kanya na kunyari may sinasabi tungkol kay janine at siya naman
ang titingin dito at magpaplaster ng mga ngiting mapang-asar.
Janine: sige pagkaisahan niyo ako, pagbulungan nyo lang ako, pag ako
nakahanap ng kakampi, mata nyo lang ang walang latay (ang nakasimangot nitong
sabi sa amin na ikinatawa nga namin ni anthony)
Ako: joke lang, niloloko ka lang namin (natatawa ko paring sabi kay
janine), kasi naman anthony bulungan mo rin si janine para hindi nagtatampo
(dagdag ko)
Anthony: baka mausog si janine pag binulungan ko (natatawang sabi nito)
Ako: hindi yan parang may kontra usog naman si janine, o kung wala man
lawayan natin para tanggal agad usog (pagsakay ko sa biro ni anthony at
nagtawanan nga kami)
Nasa ganoon kaming biruan at tawanan ni anthony ng hindi ko namalayan na
nakabalik na pala si ian at nakaupo na sa tabi ko
Janine: sige pagkaisahan ninyo ako (nakasimangot pa ring sabi nito), ian
tulungan mo nga ako pinagtutulungan ako ng dalawang yan (ang parang batang
sumbong nito kay ian, natigilan ako noong narinig ko ang pangalan ni ian at
dahan dahan ako ng humarap dito, nakita ko siyang nakangiti kay janine bilang
tugon sa sinabi nito at nang tumingin ito sa akin ay biglang nablangko ang
emosyon nito)
Nagkatitigan kami pero siya rin ang unang bumawi ng tingin, patuloy pa
rin ako sa pagtitig sa kanya ng bigla siyang
Ehem... ehem! Pag-alis ng bara ni ian sa lalamunan niya na nagpagising sa
akin para alisin ko ang pagkakatitigko sa kanya at nang humarap na ako sa
harapan ay nandoon na pala ang prof namin
Naging tahimik na ang pagitan sa aming lahat lalong lalo na sa amin ni
ian na parang may kung anong tensyon ang nakapaligid
Habang nagkaklase ay lipad naman ang utak ko at hindi ko na naintindihan
ang itinuturo ng prof namin ang nasaisip ko lang ay matapos na ang klase at
makikipag-usap na ako at makikipag-ayos na sa kanya
Nakiayon naman ang oras sa akin at mabilis na natapos ang klase (salamat
pareng oras, :]), pagkalabas ni ma’am ay agad namang tumayo si ian
Janine: o ian saan ka pupunta?
Ian: ah! May aasikasuhin lang (maitipid nitong sabi at may pilit na
ngiti), sige mauna na ako sa inyo, kita na lang mamaya (dagdag nito at tuluyan
na nga itong naglakad palabas)
Alam ko nagdadahilan lang siya, agad din naman akong nagpaalam kela
anthony at janine
Ako: anthony, janine mauna na din muna ako sa inyo, may kakausapin lang
ako (nakangiti kong pagpapaalam sa kanila)
Anthony: sasamahan na kita
Ako: wag na! kaya ko na ito! Malaki na ako (biro ko dito), sige kita na
lang tayo mamaya (dali dali naman akong naglakad palabas)
Janine: ingat fugi (sigaw nito, humarap at nginitian ko na lang ang mga
ito tapos ay lumabas na)
Pagkalabas ko ay agad hinanap ko kung saan ang tinahak na daan ni ian,
agad ko naman siyang nakita. Sinundan ko siya ng palihim. Lakad tapos titigil
kung malapit na ang distansya ko sa kanya
Sa may kubo sa likod ng mabini bldg. siya tumigil, naupo siya paharap sa
maaliwalas paligid at patalikod sa akin. Nasa ganoon siyang lagay habang ako ay
pinagmamasdan at iniisip ang hakbang na gagawin ko at mga salitang sasabihin ko sa pakikipagusap sa kanya.
Inilabas ko si giyoy (gitara ko) sa lalagyan niya at lumapit ako sa kanya
ng makalapit ako aaaay...
Acapella:
It's too late to apologize, it's too
late
It's too late to apologize, it's too late
It's too late to apologize, it's too late
<Tinipa ko na ang stings ng gitara>
I'm holding on your rope,
Got me ten feet off the ground
I'm hearin what you say but I just can't make a sound
You tell me that you need me
Then I go and cut you down, but wait
I tell you that I’m sorry
Didn't think I'd turn around, and say... (dahan dahan kung inalis ang pagtipa sa gitara at umimik)
Got me ten feet off the ground
I'm hearin what you say but I just can't make a sound
You tell me that you need me
Then I go and cut you down, but wait
I tell you that I’m sorry
Didn't think I'd turn around, and say... (dahan dahan kung inalis ang pagtipa sa gitara at umimik)
SORRY IAN.... (ang pahina ng pahina
kong sabi)
Napatayo
naman si ian pero nanatiling nakatalikod pa rin si ian sa akin pagkatapos kung
sabihin iyon, kaya naman wala sa sariling niyakap ko na siya habang nakatalikod
pa rin siya sa akin.....
*************
-------> si IAN
Noong sinabi ni fugi na si anthony ang susundo sa kanya ay may kung ano
akong kakaibang naramdaman na hindi ko naman mabigyan nang kung anong paliwanag
basta wala lang talaga akong tiwala sa anthony na iyon (ewan, basta!), kaya
naman sinabi ko kay fugi na sasabay din ako
Kinabukasan ay maaga akong nagising, agad na naghanda ng sarili pati na
rin ang mga gamit na dadalahin ko. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan ng
matapos nagsipilyo lang ako at lumalis na ng bahay
Time check: 6:50am
Naglakad na ako papunta sa kanto para abangan sina fugi doon. Pagkadating
doon at tumayo ako sa madaling mapapansin para madali nila akong makita
Lumipas ang limang minuto..............
......................
Sampong minuto...........
Time check: 7:10am
On the way na siguro, sabi ko sa sarili ko
Tik...tok...tik...tok
Patuloy sa paglakad ang oras, lima, sampo, labing lima, bente
minutos..........
Time check: 7:30am
Sampong minuto pa! baka nagkaaberya lang, pagkumbinsi ko sa sarili ko
Isa....tatlo..apat...anim... pito...siyam........sampong minuto pa ang
lumipas
Limang minuto pa, sabi ko sa sarili ko
Natapos ang palugit at napilitan na akong sumakay sa jeep na tumigil sa
harap. Pasalamat na lang at hindi trapik nung panahon na iyon kaya mabilis din
naman akong nakarating sa campus
Mabilis kong tinungo ang freedom hall dahil late na na ako at nang
makapanhik na ako ay nakita ko si fugi na nakaabang sa pintuan ng hall at
halatang balisa at sa itsura pa lang ng mukha nito na kakikitaan mo ng pag-aalala
Pag-aalala para sa akin, ang nasabi ko sa aking sarili at napangiti na
lang ako sa naisip kong iyon
May tampo ako oo dahil parang nakalimutan niya ang usapan namin pero nung
makita ko ito ay nawala kaagad, napapangiti na lang ako sa itsura nito,
napaka-inosente at napakaamo. Nanatili muna ako sa pwesto ko at pinagmasdan
ito, hindi dahil sa bumabawi ako sa pag-iiwan na ginawa niya, natutuwa lang
akong pagmasdan siya
Nanglalapitan ko na sana ito ay bigla na lamang bumukas ang pinto at
iniluwa nito si anthony, panahinto ako at tiningnan sila, biglang inakbayan ni
anthony si fugi at parang may ibinulong dito na naging dahilan para pumasok na
sila sa loob ng hall
May inis at kung ano akong naramdaman sa ginawang iyon ni anthony
Ang epal talaga ng anthony na yon, nasabi ko sa aking sarili at naglakad
na nga ako papasok sa freedom hall.
Nangmakapasok ay nagsisimula na ang program, nakapatay na rin ang ilaw
kaya sa may bandang likod na lang ako umupo. Pagkaupo at mabilis kong iniikot
ang aking paningin para hanapin si fugi
Kahit medyo
madilim, nakatulong naman ang bukas na mga ilaw sa stage para kahit papaano ay
makita ko ang hinahanap ko. Ilang paling sa kaliwa, sa kanan at harap ay
nahagilap ko na din ang kinatatayuan ni fugi at katabi nito si anthony
Habang
nakatingin ako sa dako nila lagi kong napapansin ang laging pagbulong nito kay
fugi at ang lapit na ng labi nito sa tenga ng huli
Parang
hahalikan na si fugi ah! Naiinis kong sabi sa sarili ko
Maya maya
tinawag na si fugi para mag-intermission at bilang nagbukasan ang ilaw sa buong
hall, napansin kong malingalinga ito at bigla na lang itong lumalikod at parang
may hinahanap at nang mapatapat ang
tingin nito sa kinatatayuan ko bigla itong ngumiti ng pagkatamis tamis
Kahit may
inis at napangiti na rin ako ang ganda kasi ng ngiti niyang iyon
Habang
kumakanta si fugi hindi ko maiwasang mapatulala sa kanya bukod sa sobrang ganda
talaga ng pagkakakanta niya ay ang magagandang ngiti nito habang isinasambit niya ang liriko ng kanta
niya (-->si fugi to ha! Papasok lang ako hindi ko na mapigilan ih! Hahahaha
para sayo kasi yung kinanta ko ian.. ayieeeeee! Hahaha kasi kasi naman..
hehehe.. back to you na nga ian:])
Pagkatapos
ng kanta niya ay malakas na palakpakan ang natamo niya at may mga nagsigawan pa
ng “more! More!” at pinagbigyan naman ni fugi ang mga ito, standing ovation
naman ang ginawad kay fugi pagkatapos nitong kumanta ng mga tagapanood.
Gustong
gusto ko siyang batiin at sabihin na “ang galing ah!” pero laging nakabuntot
ang anthony na yon kay fugi na kinaiinis ko naman hindi ko alam kung bakit pero
ayaw ko lang siguro na ganoon sya kay fugi, ewan! Basta!
Pagkatapos
nga ng program ay tinipon nga kami ng adviser namin, kinausap tapos nag-elect
ng officers at pagkatapos ay dinismis na kami ng adviser namin. Agad naman
akong naglakad palabas at nang makalayo na ako sa freedom hall may narinig
akong tumawag sa akin
Ako: ian, sandali!
Napatigil ako sa paglalakad
Si fugi, bulong ko sa isip ko pero hindi ko siya hinarap
Ako: so..sorry? (nauutal nitong pabulong na sabi),
nakalimu.... (naputol nitong sasabihin
ng bigla na lang akong nagsalita)
Ian: nakalimutan mo ang usapan natin dahil kasama mo lang
yang anthony na yan (hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sinabi kong ito,
kusa na lang siyang ibinulalas ng bibig ko)
Nang maproseso ng utak ko ang mga nasabi ko, kahit ako ay
nagulat sa nasabi kong yon kaya agad na lang akong umalis na hindi man lang
tinitingnan ang naging reaksyon niya
Ano bang sinabi kong iyon, ahrgggg, naiinis kong sabi sa
sarili ko
Kailangan kong magsorry kay fugi, tama magsosorry ako mamaya
sa kanya tungkol sa nasabi ko, dagdag na sabi ko sa sarili ko
Matapos maglunch ay agad akong pumunta sa room para abangan
si fugi at makausap. Lumipas ang ilang sandali at bumukas ang pinto at iniluwa
nito si fugi at napangiti nga ako ng makita ko ito pero agad din namang nawala
ang ngiti kong iyon dahil sa sunod kong nakitang pumasok at si anthony na
nakaakbay kay fugi at inilalapit pa talaga sa kanya si fugi
Hindi ko maintindihan
ang nararamdaman ko pero ayaw ko ang nakikita ko
Nang
makalapit na sila sa kinatatayuan ko hindi alam ang magiging reaksyon at nang
makaupo na sila ay bigla na lang ako tumayo at lumabas ng room na iyon
Inis, galit
at kung anong pakiramdam na hindi ko mabigyang pangalan ang nararamdaman ko
Huminga na
lang ako ng malalim at maya maya lang ay bumalik na ako ulit ako sa loob ng
room
BOOOOOOOM, nakita kong nagbubulungan sina
anthony at fugi at masaya pa ang mga ito
Dapat hindi
muna ako pumasok, sisi ko sa sarili ko
At dahan
dahan nalang akong nagtungo sa upuan ko at nang makaupo ako bigla akong tinawag
ni janine at nagsumbong itong parang bata na pinagtutulungan daw siya nina fugi
at anthony, matipid na ngiti lang ang tinugon ko dito
Napansin ko
naman na nakatitig si fugi sa akin kaya naman tinapatan ko ito ng tingin, may
kung ano naman sa mata nito na hindi ko maipaliwanag pero gustong gusto ko
itong tingnan.
Nagkatitigan
kami ng ilang sandali at ako na ang unang bumitiw sa tagisan ng tingin na iyon
at humarap nalang sa harap pero napansin kong nasa akin parin ang mga mata ni
fugi
Nasa harap
na si prof namin at pansin kong nasa akin pa din ang tingin ni fugi kaya umubo
ako na parang may inaalis na bara sa lalamunan na naging dahilan para alisin na
ni fugi ang mga mata niya sa akin
Kahit
nagkaklase na ay hindi ako makapagfocus, lipad ang isip ko dahil sa mga
nangyari at sa mga hindi maipaliwanag na mga damdaming ngayon ko lang
nararamdaman
Mabilis na tumakbo
ang oras at hindi ko namalayan na tapos na ang klase, agad akong nag-ayos ng
gamit ko at nagpaalam na hindi ako makakasabay sa kanilang magmeryenda
Agad na
akong naglakad palabas at hindi tiningnan ang mga ito, naisipan kung pumunta sa
tahimik na lugar para makapag-isip-isip at sa gilid ng mabini bldg kung saan
may kubo, maganda ang tanawin at napakapresko ng hangin ako dinala ng mga paa
ko.
Upumo ako
paharam sa magandang tanawin at mataman na pinagmasdan ang mga ito maya maya ay
narinig ko nalang ang pamilyar na boses na iyon
It's too late to apologize, it's too
late
It's too late to apologize, it's too late
It's too late to apologize, it's too late
Pagkatapos noon ay
sabay tugtog ng gitara at ipinagpatuloy niya ang pag-awit
Nangmatapos ay
napatayo ako at narinig kong umimik si fugi nang
SORRY IAN.... (ang pahina ng pahina nitong sabi)
Natutuwa
ako sa ginawa nito kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng maluwang at
dahil doon hindi ko siya maharap harap
Maya
maya may naramdaman akong mga brasong pumulupot sa bewang ko, niyakap ako ni
fugi na naghatid... naghatid nang kung anong kuryente sa buong katawan ko,
kuryenteng naging dahilan para tumibok ng mabilis ang pintig ng maliit na masel
sa loob ng dibdib ko.
Kakaiba, hindi pangkaraniwan at bago sa akin ang
pakiramdam na iyon
Nasa ganoon
akong pag-iisip ng biglang
Ian........marahan
natawag ni fugi na nagpabalik sa akin mula sa nakakalunod na kakaibang
pakiramdan na iyon
Hindi kaagad
ako nakatugon kay fugi dahil hindi pa ako ganoon nakakabawi
Uy! Uy!
Sabay yugyog ni fugi sa akin na nagpangiti sa akin
Ba.. bakit
ka ba nang yayakap dyan, sabi ko na pinipigilan ang mapatawa at umaarte na
parang naiinis kahit ang totoo ay... ay basta
Ah... eh...
ano kasi.. ah, ang hindi matuloy tuloy na sabi nito
Ano? Ang
medyo seryoso ko kunong tanong sa kanya pero sa loob loob ay natatawa ako dahil
sa nahihiya na ito
Ba.. bakit
ikaw kagabi basta basta ka na lang din yumakap sa akin? Ang parang batang balik
tanong nito sa akin
Hindi ba ang
nasabi ko naman ang dahilan kaya ko yun nagawa dahil sa nagpapasalamat ako sayo,
ang sagot ko sa kanya
O! bakit ka
ngayon nangyayakap basta-basta? Ang balik tanong ko dito na patuloy pa rin sa
pagpigil ng aking tawa
Ka..kasi
nga.. ano.. di ba sinabi ko na naman kanina pagkatapos ko kumanta, kasi kasi
naman hindi nakikinig, ang parang batang pagmamaktol ni fugi habang nakayakap
pa din sa akin at medyo nauuga ako
Ano ba kasi
yun?? Hindi ko narinig eh! Ang patay malisya kong tanong sa kanya pero hindi ko
na maitago ang paghagikgik ko sa inasta nito
Bakit ka
tumatawa dyan? Hirap na nga ako dito oh! Kahirap mong suyuin ih!, ang may himig
tampo nitong pagpuna sa akin
Hindi ko na
talaga napigilan ang pagtawa sa puntong iyon at naramdaman ko na lang na
kumalas na ang mga kamay sa aking bewang ni fugi kaya naman ay humarap na ako
dito
Niloloko mo
lang pala ako, aalis na nga ako, ang tampo tampohang sabi nito sabay talikod sa
akin at akmang lalakad na
Teka teka
nga fugi ikaw pa talaga ang may ganang magtampo, sino bang nang-iwan? Hindi ang
linaw naman ng usapan? Hindi mo ba alam
kung ilang oras este minuto ako naghintay dun, malamang hindi kasi sobrang saya
mo kasama si anthony na yon kaya nakalimutan mo na agad ako at ang usapan
natin, biro lang naman dapat ang mga patutsada kong iyon sa kanya pero
nagulat na lang ulit ako sa sarili ko ng maproseso na nang utak ko yung mga
huli kong nasabi
Sh!@.. Ano
yung mga nasabi ko.. bulong ko sa sarili ko
Humarap na
bigla si fugi sa akin at nang makita ko ang ang mukha nito bumakas dito ang
lungkot, lungkot na dala siguro nang mga nasabi ko, nasabi ko na hindi ko
sinasadyang masambit pero naipahamak na ako ng bibig ko
So..sorry
ian.. ang mahina nitong sabi pero tagos sa kaibuturan ko dahil sa kalakip
nitong kakaibang emosyon sabay yuko nito
Sobrang
naguilty naman ako sa nagawa ko kaya walang anu-ano’y niyakap ko na lang siya
So..sorry
fugi sa mga nasabi ko, bulong ko dito
*************
------->
dyandaradan.. ako na ulit si FUGI:]
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni ian, nasubsob ang mukha ko sa
dibdib niya, mas matinding chiduri ang pumasok sa aking katawan, nanalaytay sa
bawat arteries at veins (ugat lang po yan sa tagalog.. hehehe) ko ang matinding
boltahe ng kuryenteng idinulot ng pagkakayakap niyang iyon. Naramdaman ko ang
SAFETY & SECURITY pati na rin ang konting LOVE & BELONGINGNESS na hatid
ng yakap na iyon.
--------------
Ang TRIVIA (YES! bumalik na.. haha)
----->kilala nyo ba mga pipz si ABRAHAM MASLOW, o narinig nyo na ba
siya o kung hindi man siguro absent kayo nung itinuro siya (hahaha) o kaya
naman sa aming mga nursing students lang siya pinakilala, ok! Balik sa main
focus ng triviang ito. Si ABRAHAM MASLOW ang gumawa ng HIERARCHY of NEEDS
(familiar po?) ito ay yung mga basic at essential na pangangai langan natin sa
bawat stages ng buhay natin ito ay nakapyramid style ang presentation na hinati
sa lima baitang (yung parang food pyramid sa komersyal ng Lactum, ganoon) na
kung saan ang nasa pinakababa ng pyramid ay ang PYSIOLOGIC NEEDS natumutukoy sa
mga pagkain, damit, tubig at hangin na una nating pangangailangan, sa sasunod
na baitang ay ang SAFETY & SECURITY NEEDS, then ang LOVE & BELONGINESS
, tapos ang SELF-ESTEEM at ang pinakatuktuok ay ang SELF-ACTUALIZATION na kung
saan ito ang huli nating maaacomplish.
Ang rule po nitong model na ito ay paghindi mo nasatisfy ang sarili mo
unang baitang na physiologic needs hindi ka makakaakyat dun sa pangalawa which
is safety and security, and that means as well na hindi ka nagmamature (gets?)
Marahil ay nagtataka kayo kung anong konek nito sa kwento, WALA NAMAN!
Hahaha nabanggit ko lang kasing yung SAFETY & SECURITY at LOVE &
BELONGINGNESS kaya sinabi ko nalang kung saan yun nanggaling ang mga salita
kong iyon.. oh di ba parang naglecture lang ako? (hahaha)
Ok back you na fugi.. baka magalit ang mga readers ang dami ko
sinasabi.. hahaha)
--------------------
So..sorry
fugi sa mga nasabi ko, bulong ni ian na nagdulot sa akin ng kakaibang sensasyon
at nagpabalik sa akin sa realidad
Ba...bakit
ka nangyayakap? Panggagaya ko kay ian, habang natatawa pero kinikilig sa loob
loob ko (ayiiiieeee!)
Bigla namang
inalis ni ian ang pagkakayakap sa akin
Ian: bakit
mo ginagaya ako? Script ko yan ah! (at nagtawanan nga kami)
Ako: sorry
ulit ian (nasambit ko pagkatapos ko tumawa)
Ian: sorry
din sa mga nasabi ko (at nagkatinginan na nga kami)
Ako na ang
kusang umiwas nakakatunaw na mga pipz ih! :]
So ibig bang
sabihin na..... na bati na tayo?? Ang naiilang kong tanong sa kanya habang
nakayuko dahil sa pag-iwas sa mga tingin niya
Oo na, may
payakap yakap ka pa nga eh! Ang natatawang sabi ni ian sa akin
Napatunghay
naman ako sa biro niya
Ako: kala mo
naman siya ang hindi, ye-hoy! LA LA LA! (pang-aasar ko rin sa kanya)
Ian: ikaw
nga may panghaharana ka pa sa akin, ano? Ha?
Ako: pa..
paano ka.. si. Ah.. eh ikaw kasi (ang pagkapahiya ko sa biro niya
Ian: o! ano?
(sabay tawa nito)
Ako: si
tampurorot na ito (ang nasabi ko na lang na lalo lang ikinatawa ni ian.. kasi
kasi.. talo ako.. hahahahaha)
Sobra naman
ang nararamdaman kong saya dahil nagkaayos na kami ni ian sa wakas pero ang
hindi namin namalayan ay may nakamasid pala sa amin, na nasundan pala ako
ni.... ni..
..ni Anthony
Itutuloy.........................
7 comments:
SELOSAN! SELOSAN! SELOSAN!
sa chapter na to feeling ko natalo ang MANOK ko.
uy ANTHONY!! wag na wag kang papakabog kay Ian! Galingan mo kasi! ahahahaha
sa SA PULA O SA PUTI???
ikaw Fugi ha.. parang nahahalata ko nang pag ang eksena mo kay Ian maganda.. pag kay Anthony parang may kulang.. mukhang alam ko na tuloy kung sino ang pipiliian mo.. hmmm.. tampo ako sa'yo hahahahahahaha...
Nice Chapt FUGI!!! :)
ayiie :) naman! :) like like like! :) fugi excited n me :)
-yume :)
una?.hahaha..
bilis ng update dito..d nkakabagot..galing talaga ní idol author fugi at zild..keep it up..
sr143.
una ata ako hehehe. yes! bati na c ian at fugi. hehehe pero baka umepal nanaman c anthony nian hehehe. next na part na. excited na ko.
kasi kasi...
Hindi iniintindi ang comment ko.
Peace author!
Dito na ako ng comment back,
parang alam k na tlga kung cnu pipiliin mu,. Kasi kasi...,
pero aabangan k na nga lang..
-mark.
Fugi, haba ng buhok oh, abot hanggang bulacan...ahaha basta teaM Ian ako! ahaha...
kasi kasi c ian na lang..!!
Post a Comment