Friday, February 17, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 20)



By: FUGI

---> nais ko munang humingi ng pasensya para sa chapter na ito sa kadahilang wala atang kilig moments sa pahinang ito, paano kasi kelangan ang eksena dito para ma-BUILD-UP yung momentum para sa susunod na chapter (hahaha galing ko lang mag-palusot noh! May pamomentum-momentum pa.. hahahaha, pero sana ay maintindihan nyo at parang awa nyo na intindihin nyo na.. hahahaha)

------> sa lahat po nang naglalaan ng oras para tingnan at basahin na din ang gawa ko, salamat salamat po at doon sa mga nag-iiwan ng komento salamat po, hindi ko na po kayo maiisa-isa, nagcocoment back naman po ako sa inyo (hehe)

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman




Janine: fugi si ian nga pla?

Hindi pa akong nag-iinit sa pagkakaupo nang mapatayo ako at......

BOOM si ian! Hala sasabay nga pala dapat sya... PATAY, nakalimutan ko! Ah! Ang tanga ko, sabi ko sa aking sarili

Janine: Oh! Ano nangyari sayo? Bakit hindi maipinta ang mukha mo?

Ako: wa... wala may na alala lang (sabay upo na ulit,,, kasi kasi naman... bata pa may memory gap na agad.. ahhhhhrrrrrgggggg!)

Dumating na si anthony dala ang binili nito at agad din nitong napuna ang pagkabalisa ko

Anthony: ano nangyari sayo, wag mong sabihing tinatawag ka ng kalikasan (natatawa nitong pahayag)

Tumingin lang ako sa kanya at nagpaskil ng pilit na ngiti. Hindi ko na napansin pa ang nangyayari sa paligid ko at nahimlay na lang ako sa malalim na pag-iisip.......
(kasi kasi sa daming maiilimutan si ian pa... kasi naman fugi saan mo ba iniwan ang utak mo? Sana hindi magalit yun.. sa mga ganitong panahon ko naisip ang kahalagahan ng mobile phone.... kasi kasi tsk tsk)

Nakabalik naman ako sa realidad nang...

Anthony: calling fugi... your needed in the earth (sabay tapik nito sa balikat ko)

Ako: ha! Ano yun?

Janine: hala! Wala sa sarili? (natatawang sabi nito)

Anthony: akyat na tayo malapit na mag-eight am, ano ba kasing iniisip mo?

Ako: ah.. eh... wala naman, tinitipid ko lang enerhiya ipinasa mo sa akin kanina para malakas ako mamaya pag nag-intermission (may kalakip na pilit na ngiting sabi ko)

Anthony: madami pa naman ako naka-store dito, akina ang kamay mo, hahawakan ko na ulit para maisalin ko (natatawang bulong nito sa akin)

Ako: adik! (sabay siko ko sa kanya ng mahina na ikinatawa lang niya)

Janine: ano yan? pasali naman

Anthony: bawal ang saling pusa (natatawa nitong sabi kay janine)

Janine: ang daya (natatawa na rin nitong sambit at tumingin ang dalawa sa akin na binigyan ko lang ng pilit pa uling ngiti)

Umakyat na nga kami sa Freedom hall (sa SHL Bldg. 4th floor), at pagkarating doon ay may mga table kung saan mag-aatendance by section tapos ang nag-aasist ay ang aming kanya-kanyang mga adviser

Pagkapirma namin ay itinuro sa amin ni ma’am Pasia ang pwesto ng section namin at pumasok na nga kami. Pagkaupong-pagkaupo ay itinutok ko ang aking paningin sa pinasukan namin para mabantayan ang pagpasok ni ian

Limang minuto ang nakalipas...... wala pa rin

Sampong minuto...... wala pa rin (nagpaalam ako kena anthony at janine na mag-c-C.R.)

Ako: mag-c-C.R. lang ako (sabay tayo at mabilis na naglakad palabas hindi na inantay ang sasabihin ng dalawa)

Pagkalabas ko, imbes na pumunta ng rest room, inabangan ko sa mismong tarangkahan ng hall na iyon si ian

Nasan ka na ba? Bulong ko sa aking sarili

Isang minuto, dalawa.....................................tik..tik.... sampong minuto..... labing limang minuto, hanggang sa di ko namalayan na nasalikod ko na pala si anthony, nagulat na lang ako ng akbayan niya ako at bulungan...

Anthony: antagal mo namang bumalik, sino bang inaantay mo?

Natigilan na naman ako sa ginawa niya (kasi kasi, inform nyo naman ako.. hehe), pero agad kong nabawi ang sarili ko

Ako: i..ikaw pala anthony, ah... eh.. si ian wala pa kasi sya (ang naiilang kong sabi sa kanya)

Anthony: nagsisimula na ang program sa loob mo na lang intayin, baka na late lang ng gising yon o natrapik (sabay alis ng akbay niya sa akin at hawak sa kamay ko at kinaladkad niya ako ng dahan-dahan naman, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kanya)

Pagpasok namin ay nagsisimula na nga, inaawit na ang ating pambansang awit na Bayang Magiliw este Lupang Hinirang pala (hehe), kaya tumigil muna kami ni ian sa aming kinatatayuan. Nang matapos saka kami dumiretso sa pwesto namin, palinga linga parin ako at hinahanap pa rin ng mga mata ko ang anino ni ian habang kinakanta ng iba ang Lyceum Hymn (Lyceum ng Batangas, Yaman ng bawat Lakas nanananananananana Sa iyo nagmula nananana, pasensya hindi ko na saulo, hehehe)

Pagkatapos ay naupo na kami kasabay ng mga ilaw kaya lalong naging imposible ang paghahanap ko kay ian (kainis!) at yung sa mismong stage na lang ang bukas.

Para naman akong nawalan ng gana sa gagawin ko mamaya, dedicated pa naman yon sa kanya tsk tsk.....

Nagsalita na ang mga Emcee ng kanilang spiels tapos ay Inintroduce na ang Dean ng College of Nursing for the Opening Remarks (nawala akong naintindihan dahil lipad na ang utak ko), tapos  may sumunod na nagsalita na nagtakel ng history ng Lyceum, na hindi ko din naintindihan. Wala lang parang mas gusto ko nang matapos ang event na iyon para mahanap ko na si ian

Maya-maya pa ay siniko ako ni anthony

Anthony: uy! tinatawag ka na (na nagpabalik sa aking ulirat)

Ako: ano? (sabay harap sa kanya at narinig ko ang sinabi ng emcee...)

Emcee: to break the ice that starting to enter by force to your consciousness, let us proceed to intermission number, we may call on Mr. Fugi Chio from BSN I-4 (sabay noon ay ang pagbubukas ng ilaw sa buong hall)

Parang ayaw ko nang ituloy kaso no choice kaya tumayo na at kinuha ang gitara ko sa gilid ko at nang mapasilip ako sa bandang likod...... BOOM si IAN, malapit sa may pintuan, bigla na lang akong nabuhayan ng loob

Narinig ko na lang ulit na tinatawag na ng Emcee ang pangalan ko kaya lumakad na ako papunta sa stage ng nakangiti:]

Nang makaakyat na ako sa entablado ay inasist naman ako para sa pag-aayos ng mic stand, isa na nakatutok sa gitara at ang isa, syempre para sa akin, hehehe nang maayos na ay sumenyas sa akin yung emcee na ang ibig sabihin ay kung ok na daw at tumango naman ako at narinig ko itong ngsalita..

Emcee: let us give Mr. Fugi round of applause (at nagpalakpakan naman sila)

Nang tumingin ako sa harap, ang daming tao, kinabahan ako buti na lang nung tinitipa tipa ko na ang aking gitara, biglang namatay uli ang ilaw sa pwesto ng mga tagapanood at yung sa stage na lang ang natira

Kaya ko to, sabi ko sa aking sarili sabay buntong hininga
   


~Instrumental into~

Sa bawat GALAW NAPAPATINGIN
unti-unting TINUTURO KA sa AKIN
sa bawat NGITI na may LAMBING
AKO’y unti unti mong PINAPAIBIG


Chorus

Katulad KA ng isang UMAGANG may NGITI
Katulad KA ng HANGIN sa AKIy DUMADAMPI
NA AKO SAYO’Y MAGHIHINTAY
NA AKO SAYO’Y NAG-AABANG
Katulad ng isang BATA na UMIIBIG

(napapangiti naman ako ng matapos ang chorus at nagulat ako ng pumalakpak ang audience kaya nawala ang kaba, itinuon ko naman ang paningin ko sa direksyon ni ian hindi ko man siya makita, basta PARA SAYO ITO! Ayieeee!)

~Instrumental~
Sa bawat GABI may buwan man o wala
IKAW ang nasa ISIP at sa PANAGINIP
Sa bawat ARAW nais KANG MATANAW
ang BILIS ng ORAS pag IKA’y KAPILING


Chorus

Katulad KA ng isang UMAGANG may NGITI
Katulad KA ng HANGIN sa AKIy DUMADAMPI
NA AKO SAYO’Y MAGHIHINTAY
NA AKO SAYO’Y NAG-AABANG
Katulad ng isang BATA na UMIIBIG

~Instrumental~
--->acapella: Katulad KA ng isang UMAGANG may NGITI

                  Katulad KA ng HANGIN sa AKIy DUMADAMPI

NA AKO SAYO’Y MAGHIHINTAY, NA AKO SAYO’Y NAG-AABANG

                 Katulad ng isang BATA na UMIIBIG
(sabay tipa sa gitara ng dahan-dahan bilang pagtatapos)

Hindi ko mapigilan ang aking pag ngiti habang kinakanta ko yon hanggang sa matapos at nang nag-baw na ako narinig ko ang palakas na palakas na palakpakan ng kapwa ko mag-aaral pati ang ibang taong nanduduon.

clap.... clap...... clap............. clap.....................CLAP....................CLAP.........CLAP...........

Aalis na sana ako ng stage ng may sumigaw ng “MORE” na hiniritan pa ng isa hanggang sa yung salita na yon ang nangibabaw sa buong hall bigla naman nagsalita ang Emcee

Emcee: MORE daw mr. Fugi (nakangiti nitong sabi at tumango na lang ako bilang pagpayag, ready naman ako.. hahahaha), Mr. Fugi agreed , so let us give him another round of applause (dagdag ni mr. Emcee at nagpalakpakan naman ang mga ito)

Tumungo uli ako sa ako sa gitna ng stage sabay tipa uli ng gitara na parang tini-test lang. nagulat nalang ako ng namatay na din ang ilaw sa stage ay biglang may tumapat sa akin ang spot light, nasilaw naman ako pero madali namang nakarecover ang apat kung mata (kasi kasi hindi nag-inform.. hehehe)

Huminga uli akong malalim, pagkatapos ay 
sinimulan ko na


             ~Instrumental intro~


BABY, I LOVE YOU, I NEED YOU HERE

with ME ALL the TI.....ME
BABY WE MEANT TO BE
YOU
got ME, SMILING ALL the TI....ME

You know how to give me that
You know how to pull me back
When I go runnin, runnin
Tryin' to get away from loving ya
You know how to love me hard
I WON'T LIE, I'M FALLING HARD
YEP, I'M FALLING for YA
but there's nothin WRONG with that

(kahit madilim nakita ko parang nagtatayuan ang mga tagapanood, medyo UP-BEAT kasi itong kanta at may naririnig din akong sumasabay kaya naman lubos akong nasiyahan at nagustuhan nila ang kinakanta ko:])

[Chorus]


YOU da ONE
that I DREAM about ALL DAY
YOU da ONE
that I THINK about AWAYS
YOU are da ONE so I make sure I BEHAVE!
MY LOVE
is YOUR LOVE, YOUR LOVE is MINE


BABY COME
, tear me now, HOLD ME NOW
Make ME come ALIVE
YOU got the SWEETEST TOUCH
I'M SO HAPPY
, YOU CAME in MY LIFE

You know how to give me that
You know how to pull me back
When I go runnin, runnin
Tryin' to get away from loving ya
You know how to love me hard
I WON'T LIE, I'M FALLING HARD
YEP, I'M FALLING for YA
but there's nothin WRONG with that

[Chorus]


YOU da ONE
that I DREAM about ALL DAY
YOU da ONE
that I THINK about AWAYS
YOU are da ONE so I make sure I BEHAVE!
MY LOVE
is YOUR LOVE
, YOUR LOVE is MY LOVE

YOU da ONE
that I DREAM about ALL DAY
YOU da ONE
that I THINK about AWAYS
YOU are da ONE so I make sure I BEHAVE!
MY LOVE
is YOUR LOVE, YOUR LOVE is MINE

[Bridge]

YOU da ONE
that I'M FELLING
YOU da ONE that I’M LOVING
Ain't NO other quite LIKE YOU
YOU da ONE that I'M FELLING
YOU da ONE that I’M LOVING
Ain't NO other quite LIKE YOU

--->acapella part:
YOU da ONE
that I DREAM about ALL DAY
YOU da ONE
that I THINK about AWAYS
YOU are da ONE so I make sure I BEHAVE!
MY LOVE
is YOUR LOVE, YOUR LOVE is MINE

---->with guitar playing:
YOU da ONE
that I DREAM about ALL DAY
YOU da ONE
that I THINK about AWAYS
YOU are da ONE so I make sure I BEHAVE!
MY LOVE
is YOUR LOVE, YOUR LOVE is MINE

~end of instrumental~

Pagkabitiw ko sa strings ng gitara ko at nagpalakpakan naman ang tao habang nakatayo na ang mga ito ako naman ay nakangiti at nagpapasalamat habang ng ba-baw:]
May mga humihirit pa ng “ISA PA” meron namang “MORE! MORE!” at nagsalita uli si Mr. Emcee

Emcee: isa pa daw sabi nila mr. fugi (pero agad naman akong lumapit sa Emcee at bumulong...)

Ako:  yon lang po ang napraktis ko, pakisabi na lang po sorry (mahina kong sabi dito pero sapat na para marinig nito)

Emcee: sadly guys! Mr. Fugi prepared only two songs, next time na lang daw uli, at pinasasabi niya sorry (at tuluyan na nga akong bumaba ng stage)

Habang pababa ako ay pumapalakpak pa din yung iba kaya nagplaster na lang ako ng ngitii sa mga nadadaanan ko bilang pasasalamat at ng makarating na ako sa kinauupuan ko bigla akong inakbayan ni anthony at bumulong

Anthony: ang galing ah! Pwede bang pa kiss (hindi ko naman alam kung biro lang iyon)

Ako: adik! (sabay siko ko sa tagiliran nito)

Janine: wow! Fugi ang galing mo! 

Ako: hindi naman po!

Janine:  pahumble pa eh! (at nagkangitian kami)

Binati din ako ng iba naming kaklase at ngiti at pasasalamat lang ang aking tinugon
Mag-eeleven na ng matapos ang program, agad naman kaming pinuntahan ng adviser namin at tinipon kami sa isang side ng hall, nag-elect ng officers and luckily hindi kami kasali ayaw ko din kasi ng may mga intindihin (hehehe)
Pagkatapos ay nakita ko na lang si ian na nauhang lumabas agad ko namang hinababol ito. Nang makalapit na ako sa kanya ay agad ko itong tinawag
Ako: ian, sandali!
Nagulat ako ng pagharap ni ian ay walang kaekspre-ekspresyon ang mukha nito
Ako: so..sorry? (nauutal kong sabi), nakalimu....
Ian: nakalimutan mo ang usapan natin dahil kasama mo lang yang anthony na yan (ang malamig na may himig galit nitong pagtutuloy sa sasabihin ko sabay ang pagtalikod nito sa akin)
Nabigla ako sa sinabi niya, napatulala sa inasta niya at napako nalang sa kinatatayuan habang papalayo na siya sa akin:[

Itutuloy............

21 comments:

Yume said...

:)))) two thumbs up :) it made my day

--makki-- said...

pak! galit na ang mokong! ay mali! nagSESELOS pala ang mokong! LOL

HAHAHAHAHAHA!

If you wanna have a chance at LOVE then try it with ANTHONY! HAHAHAHAHA

GO ANTHONY!!!

Anonymous said...

fugi, ako to si mark...
Ung sinabihan mu ng 'nice name'..
Buti n lng may update si sir zephiel ng akda mu. Antagal ko kcng nag antay eh..
Alam ko na kung sinu ung naalala mu sa 'mark'..
At parang alam ko na sino pinili mu..
:D *spoiler lng*

Lawfer said...

tsk tsk tsk hayan na nga b ang cnsbi q, kht naman cguro cnu mgtatampo :/

bumawi ka nlang ky ian, kwawa naman xa... ms mbuti sna pgtalikod nia knalabit m ung gitara m at umawit ka ng sorry song, tgnan q lng kung d mpalingon sau ng nkangiti un

fugi said...

salamat,, dito ka na pala nag-iiwan ng komento.. hehehe

fugi said...

ui kamusta na??? oo nga pero nagpopost pa din ako sa BOL kaso sila na ang nagsched kung kelan nila ata ipopost.. heheh

hala sino ang mark na iyon na naalala ko???

hala,, kinabahan ako sayo.. hahaha

foxriver said...

nakow nagalit ang manok ko tsk tsk kasi naman eh...hahaha, good job Fugi kahit walang kilig good job pa rin

Anonymous said...

kasi kasi...
panu kya babawi c fugi ky pareng ian?..hmm..excited na ako sa mga magaganap..haha

sr143.

Anonymous said...

kasi kasi...
panu kya babawi c fugi ky pareng ian?..hmm..excited na ako sa mga magaganap..haha

sr143.

marL said...

nice one fugi. i'm your silent reader simula sa part 1 pero ngayon lang ako nag comment. hehehe pasensya, pero ganda tlga ng flow ng stories mu, keep it up fugi. Team ian at fugi pa din aq. sana sa next part about kay ian at fugi nmn hehehe.

Anonymous said...

kainis nga eh., tahahah. Topak na ata admin nila.,

kung magkamuztahan parang close lang ah. Kasi kasi..,
okay naman ako nurse, nurse pa din..

Ewan kung sinu ung mark na un, kaw nakaalala eh.
Parang may hinuha ako sa makakatuluyan mu dito, pero aukong mging spoiler.
Wala namang PM dito.

ZROM60 said...

ayan kc! kung makakilig lng kc. . . kinalimutan na ung love nya. . . salawahan ka ata eh. . .

ZROM60 said...

kasi . . kasi yan ang npapala , mkatabi lng ng guapo, nawawala na sa sarili.. . . panu ang gagawin mo para makabawi kay ian? . . . looks exciting ung mga susunod na update.

DownDLine said...

lagot si fugi! tskkk kinalimutan kasi yung isa

fugi said...

haha... akala ko kilala mo yung mark na kaibigan ko (mali lang pala ako ng basa.. hahaha pasensya na,, hehehe

fugi said...

salamat sa malawak na pang unawa:]

fugi said...

at dahil nararamdaman ko ang excitement mo ipopost ko na ang next chaptersssss (yes may s kasi dalawa aga).. hahahahaha)

fugi said...

wow.. salamat po sa pagsuporta at at ngayon nga ay naisatinig nyo na ang gusto nyo sabihin na kinimkim sa nagdaan na 19chapters.. (hehe biro lang po)... TY po:]

fugi said...

hahahaha natawa naman ako sa mgkasunod mo na comment.. hehehe sige mag-update na nga ako===)

Unknown said...

kasi kasi andami makakalimutan c ian pa.. kasi kasi.. :p

ramy from qatar said...

WOW THE BEST TALAGA.... WALA NA AKONG MASABI PA....HAY PANO NA YAN FUGI... BAKA MAG KASAKITAN SINA IAN AT ANTHONY YAN... NAKU MALAMANG ISA SA KANILA AY MASAKTAN MO ANG DAMDAMIN... WAHHHHH

RAMY FROMQ QATAR

Post a Comment