Thursday, February 16, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 19)



 By: FUGI

-----> sa LAHAT po ng nagbabasa at nag-iiwan ng komento salamat salamat po talaga, TY PO!:] 

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman






Ian: ah! Fugi anong oras ka papasok bukas? 

Ako: mukhang alam ko na sasabihin mo (natatawa kong banat), papadaan ka dito sa kanto nyo para makalibre ka na naman no? sorry po mr. ian, coding ako bukas at dadaan ako ni anthony bukas...

Ian: ni anthony? (ang pagsingit nito sa sasabihin ko)

Ako: opo! OA sa reaksyon ah! (natatawa kong sabi)

Ian: paano ka masusundo non? (nagtataka nitong tanong)

Ako: tumawag siya di ba kanina tapos tinanong ako kung dadalhin ko ba daw itong si drey bukas ang sabi ko naman ay hindi da.... (Hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko)

Ian: bakit hindi, ayaw mo lang ata akong sumabay ah! Hahati na ako sa pagpapagasolina (ang pagsabat uli nito)

Ako: kasi kasi ayaw akong patapusin, makare-ak agad (ang natatawa kong sabi)

Ian: bakit kasi ayaw mo pang dalhin si drey, ako na pagpapagasolina bukas, full tank na natin, kung gusto mo

Ako: ayan ka na naman, ako muna kasi pwede? (at tumahimik na nga ulupong na palihim ko namang ikinangiti... nagseselos kaya siya??? Ayiieeee.........! hahaha lakas lang maka-assume! ;]), paano kasi coding ko bukas kaya hindi ko madadala, kasi naman kung anu ano agad naiisip (natatawa kong dagdag)

Ian: ah! Ok! Hindi agad kasi nililinaw (natatawa nitong sabi din)

Ako: at ako pa talaga ang malabo?

Ian: bakit hindi? (sabay hawak sa eye glass ko at tinaas baba)

Ako: malabo (ang parang bata kung sagot)

Ian: see (at tumawa ito)

Ako: makaalis na nga lang, ba-bye na! (parang bata kong maktol)

Ian: hep hep, sandali lang (sabay hawak sa manubela) ano oras ka dadaan ng anthony na iyan?

Ako: at bakit po?

Ian: anong oras, dami pang sinasabi ah! (ang may awtoridad nitong sabi)
Ako: se...seven am 

Ian: ok! Daan nyo ako dito sa kanto, sasabay din ako

Ako: ayon kaya pala! Gusto lang makalibre (biro ko)

Ian: bye na! alis na, daan nyo ako ha! 

Pinaandar ko na nga si drey, nang makalayo na ako tsaka palang ito lumakad patungo sa bahay nila
~~~~~~~
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko para mag-ensayo na. hindi naman mawala-wala ang ngiti ko habang naaalala ko ang mga nangyari sa araw na ito, kaya naman ganadong ganado akong magpraktis:]

Mag-11pm na ng matapos akong makapag-ensayo, kahit ako kinikilig sa kakantahin ko, lakas kasi makarelate sa pinagdadaan ko ngayon (hehehe). Pagkasampa ko sa higaan ko agad din akong nakatulog.
.
.
.
.
.
.
Teng teng teng.......

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Time check: 6:00 am, nagpahinga lang ng konti at bumangon na hinanda ang sarili at mga gamit na dadalahin ko pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan

Napansin naman ni mama si giyoy

Mama: anak bakit dala mo ang gitara mo

Ako: ma goodmorning (sabay halik sa kanya), ah kasi may welcome party po ay pinagkalulo ako nila ian kay mag-i-intermission ako (paglalahad ko)

Mama: bakit hindi mo agad sinabi anak, first time mo na tutugtog sa stage ah! Sayang naman hindi kami makakapanood

Ako: OA ma! Hindi pa ba kayo nagsasawa lagi nga akong nagco-concert dito (natatawa kong sabi)

Mama: o sya enjoy mo lang, wag kang kakabahan alam kong kaya mo yan (nakangiti nitong sabi)

Ako: opo ma, salamat po!

Pumunta na nga ako sa hapagkainan para mag-almusal, pagkatapos ay nag-toothbrush lang at nagpaalam na ako kay mama (tulog pa ang kapatid ko at si angel). Naglakad na akong papuntang kanto at nang makarating na ako ay nakita ko na ang kotse ni anthony, nakita rin siguro ako nito kaya binusinahan ako. Agad naman akong nagtungo sa kinapaparadahan niya ay agad sumakay sa passenger seat (binuksan niya na kasi, hehe)

Pagkaupo ko.....

Ako: kanina ka pa ba?

Anthony: good morning fugi! (bati nitong may kalakip na napakagandang ngiti)

Ako: good morning din (at gumanti din ako ng ngiti), mukhang maganda ang gising natin ah! (matamis na ngiti lang ang tinugon nito..... Gwapo din talaga ng mokong na ito! Hehehe)

Nakita na kasi kita, kaya gumanda na ang umaga ko, bulong naman ni anthony sa sarili niya

Nagulat naman ako ng bigla bigla lumapit si anthony sa akin... sobrang lapit na ng mukha namin. Kaba, kaba at marami pang kaba na siyang dahilan para bumilis ang pagpintig ng puso ko (kasi kasi, hindi man lang nang iinform.. hehe)

Ako: ba... bakit? (ang naiilang at nahihiya kong sambit habang magkatitigan kami ni anthony)

Anthony: yung seat belt mo (sabi nitong hindi inaalis ang tingin niya sa akin)

Ako: ah! Sa... salamat

Dahan dahan naman si anthony sa paglalagay ng belt sa akin at nakatitig lang ito sa akin, ako na lang ang umiwas sa titigan na iyon, nakakalusaw kasi, aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhooooooo (hehehe)

Matapos ang nakaka-ewan na eksena na iyon ay agad namang pinaandar na ni anthony ang sasakyan niya. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, nabasag nalang ng magsalita si anthony

Anthony: fugi handa ka na ba para mamaya? (tanong nito habang ang mga mata ay nasa kalsada)

Ako: hindi pa nga, kasi naman kayo turo kayo ng turo, buti hindi kayo na nono (biro ko para mawala ang ilang ko)

Pero nagulat nalang ulit ako ng hawakan ni anthony ang kamay ko at pinisil pisil (inform nyo naman ako... kasi kasi.. hahahaha)

Anthony: naniniwala ako sayo (sabay tingin nito sa akin), kaya mo yan! Ok! (sabay pisil ulit ng mga kamay ko at baling ng paningin niya sa daan)

Hindi ako nakaimik, nakakibo sa ginawa niya (kasi kasi....), nailang at kinabahan kasi hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko

Ah... anthony.... ang naiilang kong simula

Uhhhmmm, ungot nito

Yu..yung kamay ko, mahina kong sabi

Kamay pa rin naman ah! Nakangiting sambit ni anthony habang nasa daan parin ang mga mata nito

Oo nga, pa.. paano kasi ang ta.. tagal mo nang hawak, ang may pilit ko nang ngiti na may halong hiya na sabi ko sa kanya

Ah! Yun ba! Binibiyan lang kita ng enerhiya ko para naman lumakas ang loob mo para mamaya kaya hawak hawak ko yang kamay mo, ang nakangiti pa rin nitong sabi

Full charge na ako ang dami ko nang enerhiyang nakuha, pagsakay ko sa sinabi niya

Humagalpak naman ng tawa si anthony kasabay ng dahandahan niyang pag-alis ng pagkakakapit niya dahil sa sinabi ko at nahawa naman ako kaya napuno ng tawa ang sasakyan ni anthony

Anthony: yan tumatawa kana (sabay pisil sa pisngi ko na ikinabigla ko naman pero hindi ko na lang  pinahalata), galing mo sumagot ha! (dagdag nito habang pisil parin ng isa niyang kamay ang pisngi ko na parang nanggigigil)

Ang cute mo talaga, bulong ni anthony sa kanyang sarili

Ako: ah.. aray! Ang sakit, walang pisikalan naman (pang parang bata kong pagmamaktol kunyari)

Anthony: dami mo kasing alam (ang sabi nito habang natatawa pa din)

Ako: ikaw din naman may pa enerhi-enerhiya ka pa dyan, na para masalin kuno, hala uy... pauso (ang natatawa kong biro sa kanya)

Anthony: epektib kaya kita mo na hindi ka na kinakabahan, ikaw nga dyan may pa-full charge, full change ka pang banat, bakit battery ka ba?? (natatawa naman nitong sagot sa akin)

At nagtawanan lang kami ng nagtawanan

Ako: kasi kasi ikaw.. (ang nanghihina kong sabi)

Anthony: ano ako?? Sige nga.... ahm gwapo hindi ba?? Mali pala sobrang gwapo (nakangiti nitong sabi sa akin kasabay ay mabilis na paglingon sa akin tapos bumalik ang mga mata sa daan)

Ako: wala na tapos ang ang usapan, nagkakayabangan na (biro ko dito), anthony pakipatay na nga ng aircon (dagdag kong sabi)

Anthony: bakit nilalamig ka ba? (at akmang papatayin na nga nito ang aircon sa kotse niya)
Ako: ang lakas kasi ng hanging dala mo nadaig pa ang aircon ng kotse mo (ang natatawa kong banat dito)

Anthony: bakit hindi totoo?? (ang medyo seryoso nitong sambit na ikinatigil ng pagtawa ko, PATAY! Napikon)

Ako: uy,, biro lang yun (at seryoso pa rin ang mukha niya habang nagmamaneho,, nagalit na ata)

Tumahimik na lang din ako at humarap na lang sa kalsada, maya maya pa humagalpak na sa tawa si anthony (hahahahahaha)

Ako: adik ka ba? (nagtataka kong tanong sa kanya, bigla bigla na lang kasing tumatawa)
Anthony: nakakatawa kasi ang itsura mo kanina kung makikita mo “uy,, biro lang” (panggagaya nito sa sinabi ko habang tumatawa), kala mo makakaisa ka sa akin ha (natatawa pa rin nitong sabi)

Ako: adik ka talaga (sabay suntok ko sa braso nito ng mahina)

Anthony: bakit ka namimisikal (at lalo pa itong tumawa), sabi mo kanina walang pisikalan (tawa pa din ng tawa)

Ako: wag mo nga kagayin ang mga sinasabi ko (ang parang batang sabi ko)

Anthony: hala pikon na ang isang bata (sabay pisil uli nito sa pisngi nito), iiyak na yan, kawawa naman ang bata (dagdag nito na tumatawa pa rin)

Ako: o bakit ka namimisikal din (at nagkatinginan kami at nagtawanan)

Nang matapos kami at tawanan namin na iyon

Ako: tama na nga at ang sakit na ng tiyan ko (nanghihina kong sabi dahil sa pagtawa)

Napuna ko na lang na malapit na pala kami sa campus, may kung anong pumapasok sa utak ko pero hindi ko maalala kaya hindi ko na lang pinansin. Nang pakapasok kami at maipark na ni anthony ang kotse niya at agad kami lumabas at nagtungo sa faculty room para kausapin ang adviser namin para sa gagawin ko sa welcome party na iyon

Nang makapasok kami sa faculty room agad kong nakita si ma’am Pasia kaya agad akong lumapit sa kanya

Ako: Ma’am Pasia, good morning! 

Ma’am Pasia: good morning, fugi right?

Ako: opo

Ma’am Pasia: are you prepared for the ice breaker??

Ako: opo ma’am kaya lang kelangan ko po nang (nahihiya kong sabi)

Ma’am Pasia: ano ba iyon sabihin mo na, about ba ito sa gagawin mo mamaya?

Ako: ma’am kelangan ko po para sa gagawin ko ng dalawang mic at dalawang mic stand (nahihiya kong sabi)

Ma’am Pasia: yun lang ba? Ok! Ako bahala, good luck sa mamaya ha! (nakangiti nitong sabi sa akin)

Ako: salamat po! (nakangiti kong sabi sa kanya)

At pagkatapos umalis na kami ni anthony.

Anthony: punta muna tayo sa cafeteria (aya nito)

Ako: sige doon muna tayo, maaga pa naman 

At naglakad na kami patungo doon nang makapasok na kami ay nakita namin ni anthony si janine sa isa sa mga table

Ako: aga ah!

Janine: uy! Kayo din kaya, kamusta? Ready ka na ba para mamaya? 9nakangiti nitong mga tanong)

Ako: ok lang! (nakangiti ko ding sabi at biglang sumingit si anthony)

Anthony: bili lang akong makakain, anong gusto mo fugi

Ako: busog pa ako, salamat (sabay ngiti)

Anthony: sure ka/ (at tumango lang ako pagkatapos ay umalis na si anthony papunta sa counter)

Umupo na ako at tumabi kay janine

Janine: fugi si ian nga pla?

Hindi pa akong nag-iinit sa pagkakaupo nang mapatayo ako at......

BOOM si ian! Hala sasabay nga pala dapat sya... PATAY, nakalimutan ko! Ah! Ang tanga ko



Itutuloy..............................

17 comments:

Yume said...

una aq :) hehe :) ang galing talaga ni fugi wohooo :)
naeexcitre aq s next chapter hehe :) two thumbs up :)

--makki-- said...

buti na lang may Update na dito.. sa BOL wala pa eh..

hahahaaha nakalimutan niya si Ian.. nasobrahan yata sa kaka enjoy tong si FUGI kaya ayun nkalimutan na nsi Ian..

Hmmmm... Mukhang mas masaya ka kung si Anthony ang kasama mo ah!

Go Anthony!

Anonymous said...

first?haha
nandito lang pala to.kala ko kasi sa BOL parin..
Bsa m0de.

sr143.

Anonymous said...

naku fugi.... wala na... nakalimutan si ian... kasama lang si anthony ay nawala kana sa sarili.... lagot ka sa kanya...ano ngayun ang gagawin mo fugi,,,, ha aha ha...

ramy from qatar

Anonymous said...

nku anu kya ang mangyayari?excited na ako..kasi kasi naman..fugi..may anthony lang nkalimutan na c pareng ian..nku..kylan ang next chap,author?pwd idol?..
Kasi kasi naman...

sr143.

fugi said...

pati dito nag-iiwan ka na din ng komento, kala ko dun lang sa blog ko.. hehehehe.. salmat

fugi said...

mas updated po talaga sa BOL dahil medyo ilang araw ko na rin ito naipasa doon kaso mahirap na po ata makapasok... at sila naman po ang bahala magpost doon...

yan ha c anthony naman ang nandito.. hehehe

fugi said...

nagpapasa pa rin ako kaso hindi pa po ata nila naiipost.. pangatlo ka.. hehehhe

fugi said...

yan ang dapat mong abangan sa next chapter.. hehehehe

--makki-- said...

Dagdagan mo pa ng sweetness ang moment/eksena niyo ni Anthony.. para magselos ng todo todo si Ian at mas lalong mahulog ang loob mo/FUGI kay Anthony... hahaha

Aabangan ko talaga kung anong magiging reaksyon ni Ian sa pagkalimut mong daanan siya.. (ikaw kasi enjoy na enjoy! LOL)

:)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

hala, sa sobra pagpapacute , ayan nkalimutan na c ian. kala ko ba lage lng sya sa tabi ni ian. . . paktay na. he he he

Lawfer said...

kawawang ian... :/
malamang simang un pgdting, kw b naman mghntai sa wla :/

Coffee Prince said...

ansabe ng MARATHON .?. ahaha!
ngayon ko lang naisipang basahin tong story mo kuya ..
sayang .. dapat pala noon ko pa binasa 'to ..

anyway ---
grabe! kakakilig lang mga scenes kuya aa ..
ikaw na ang TUNAY NA TALENTADO .. combination ng 'Good' at 'Looking'
nainggit naman ako sayo kuya .. sana maganda rin boses ko .. yung pwedeng pang-contest .. hindi yung pang-CR lang .. ahahah! (kumakanta kasi ako tuwing shower time ee .. SHARE LANG .. XD)

ankyut ng style mo ng pagsusulat .. i love the personality of kuya Fugi's character .. if he's you, well ...... i want to be your friend .. hehe!

kyut nung baby talk .. kyut ng KILIG MOMENTS na makatagos lang sa buto .. WAGAS! .. at ansabe ng LOVE TRIANGLE .. :D

Thanks kuya Fugi ~

fugi said...

nagtataka na ako sayo ha kanino ka ba talaga mukhang ng-aabang ka na din kay ian ha.. hahahahhaa.. napresuure tuloy ako nung kay anthony,, hahahah cge.. dahil malakas ka sa akin sa mga susunod na chapters

fugi said...

natatawa ako pag ginagaya yung "kasi kasi" hahahaha.. ipopost ko na po ngayon.. sandali po// hehehe

fugi said...

lagi naman talaga,, kasi kasi lang talaga si anthony:] wow talagang binabasa mo ang mga chapter at tanda mo pa yan.. salamat po

fugi said...

salamat salamat:] coffe prince ganoon din sa pagbisita mo sa blog ko at pag-iwan ng same comment (biro lang peace ha! hehhe) salamat din at nagustuhan mo:]

Post a Comment