Wednesday, February 15, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 18)



 By: FUGI


Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman


Bigla naman akong naalimpungatan sa ungot ni angel kaya agad kong kinuha ang tinimpla kong gatas at ibinusal sa bibig niya (hehehehe masyado bang grabe ang wordings? Dahan dahan ko naman ipinalsak sa bibig niya iyon.. hahahaha), sa puntong iyon ay hindi naman nakaligtas sa aking mga mata ang natutulog na na si ian

Bigla ko agad isinuot ang salamin ko para makita ko ng mas maigi ang itsura ni ian, siya na ata ang gwapong natutulog na nakita ko. Habang mataman ko siya ng tinitingnan biglang pumasok sa isip ko ang camera (kailangan maikulong sa mga ganoon magagandang bagay para mabalik-balikan, hehehe), kaya agad kong kinuha ang digital camera ko, dahan dahan akong kumilos na parang ninja at ng makuha ko na ito ay pumwesto na ako at nang ayos na sabat pindot ng buton ... sakto... picture perfect:]

Bigla naman gumalaw si ian kaya kinabahan ako at lumayo sabay tago ng camera buti na lang at ang pagkilos niya iyon ay ang pagpapalit pwesto lang at hindi naman talaga siya nagising

Kahit anong anggulo, walang mali sa pagkakagawa sa kanya, ang naibulalas ko sa sarili ko
Lumapit uli ako sa tayo niya at pinagmasdan siya ng malapitan

Ang gwapo talaga, ang hindi ko maipagkailang sabi ko ulit sa sarili ko

Gustong-gustong ilapat ang kamat ko sa mukha niya para mahawakan ang mga bahagi ng mukha niya kayo baka magising si ian, kaya nakontento na lang akong sa hangin ko hinahaplos ang mga daliri ko na parang mukha na rin niya at sa puntong iyon nasabi ng utak ko na.....

SANA AKIN KA NA LANG, NA SANA PWEDE, NA PWEDE YUNG IKAW AT AKO, NA PWEDENG MAHAL MO DIN AKO KATULAD NANG SIGURADO NA AKONG NARARAMDAMAN KO PARA SAYO, SANA GANOON NA LANG, SANA!

Pero sa naisip ko na iyo, lalo ko lang napatunayan na wala talagang pag-asa, hanggang PANGARAP LANG ATA AKO, hanggang SANA na lang, na kahit sabihin pang LAHAT ng BAGAY ay HINDI IMPOSIBLE bastat SUSUBUKAN na parang ang PAGKAKAINTINDI KO na sa puntong ito ng buhay ko sa kasabihang iyon ay IMPOSSIBLE LANG ANG LAHAT KUNG....... KUNG TAMA SA MATA NG MGA TAO ANG GAGAWIN AT SUSUBUKAN MO.

Magkaganoon man, WALA MAN ang KAMI , lagi lang ako sa TABI mo ian, ang nasabi ko na lang sa sarili ko at tumayo na nga ako at bumalik sa tabi ni angel para matulog na ulit.

Mahaba haba rin ang naging tulog namin ng magising nalang ako sa ingay na nagmumula sa baba, nang silipin ko ang orasa ay mag-aalas kwatro na, nakita ko namang mahimbing pa rin si ian at angel kaya naman hindi ko na inistorbo nilagyan ko na lang ng mga unan sa dalawang side ni angel para hindi mahulog kay ian o kaya ang madikit sa pader (kasi idinikit ko wall yung  bed ko), at pagkatapos maiayos ay bumaba na ako

Naabutan ko si john (ang bunso kong kapatid) sa salas nanunuod ng TV at pagtingin ko sa kusina ay nanduon si mama at nakita naman ako ni mama kaya dumiretso na ako sa kanya

Mama: may bisita pala tayo ah! (nakangiti nitong sabi)

Ako: kaklase ko po at bagong kaibigan ay nagyayaya pong magmall dahil nabobored daw po sa kanila ay hindi naman ako makakaalis kaya siya nalang ang nagpasyang pumunta dito sa atin (ang pagbibigay impormasyon sa kanya)

Mama: ah! Taga saan naman, ano nga palang pangalan niya? (tukoy niya aky ian)

Ako: ian po, malapit lang po sa Sta. Rita lang ma

Mama: ganoon ba mabuti kung ganoon, isabay na lang natin siya sa hapunan natin ok! (ang nakangiti niting sambit)

Ako: opo ma!

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng marinig ko ang boses ni ian na pababa ng hagdan kaya napatingin kami ni mama sa dako na lalabasan niya. Pagkababa niya ay buhat-buhat na niya ang gising na rin palang si angel at ng makita ni ian na hindi ako ang nanunuod ng TV sa sala ay humarap ito sa gawi ng kusina kung asan kami ni mama na may itsurang nagtatanong. 

Agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha si angel

Ako: gising na pala kayo (nakangiti kong sabi)

Ian: si... si an,,gel ang.. ang .. gumising sa a...aakin (ang nauutal nitong sabi sa akin siguro dahil nabigla ito sa nakitang ibang tao sa bahay)

Ako: gey-gey kaw pla sing sa ya nan mo (“angel ikaw pala ang gumising sa kuya ian mo”  ang boses bata kong pagkausap sa aking pamangkin na tinugunan naman niya)

Angel: la si kaw to nong ya sing ko ya nan (“wala kasi ikaw tito ninong kaya ginising ko kuya ian” ang sabi nito)

Natawa naman ako sa sinabi ni angel at nang tumingin ako kay ian ay nakangiti itong nakatingin sa amin ni angel

Ako: bakit?

Ian: nakakatuwa lang kayong pakinggang nag-uusap, talagang nagkakaintidihan kayo ah!

Ako: syempre! Sa iisang planet lang kaming pinanganak (natatawang sagot ko dito)

Bigla naman sumingit si John

John: kuya fugi sino siya (sabay turo kay ian)

Ako: oo nga pala john siya ang kuya ian mo kaklase at kaibigan ko, ian si john bunsong kapatid ko (pagpapakilala ko sa kanila)

John: kuya ian ang tangkad mo po naman (ang manghang pagpuna nito)

Ian: tatangkad ka din o baka nga mahigitan mo pa ako pag nasa edad ka na katulad ko (nakangiting sabi nito sabay hawak sa ulo ni john at gulo ng buhok)

John: talaga kuya? 

Ian: oo naman 

At bigla namang sumabat si mama sa usapan na hindi ko namalayang nakalapit na pala dahil nakatunganga ako kela ian (natutuwa kasi ako at madaling nakagaanan ng loob ang dalawa at masayang nag-uusap)

Mama: kaya dapat john lagi kang kakain ng masusustansyang pagkain at wag puro junk foods kinakain mo para tumangkad ka din tulad sa kuya ian mo (nakangiti nitong paalaala sa bunso niya)

Napalingon naman kaming tatlo kay mama

Ako: ma si ian, ian si mama

Ian: magandang hapon po ma’am! Mano po (sabay  kuha ng kamay at bless kay mama, aba magalang... hehe)

Mama: nako iho tita na lang itawag ko sa akin (nakangiti nitong sabi kay ian)

Ian: sige po tita, pasensya na po pala kung naabutan nyo po akong natutulog sa kwarto ni fugi, napadayo po ih! (nahihiya at natatawa nitong sabi kay mama)

Natawan naman si mama sa sinabi ni ian at kahit ako at hindi napigilang mapatawa

Mama: wala yon, salamat sa pagsama sa anak ko dito sa bahay ha! Nga pala  naghanda ako ng meryenda kumain na muna kayo (at nagtungo na nga ulit si mama sa kusina para kuhanin ang inihanda niya)

Ako: gey-gey nod mu-na kaw don, tu-long-an ko lowla (“angel nood muna ikaw doon, tulungan ko lola” ang sabi ko at akmang ibababa ko na si angel sa pagkakabuhat ko pero hindi ito bumitiw na nakita naman ni ian)

Ian: angel sama ka sa kuya ian (sabay pustura ng mga kamay nito na kukuhanin si angel sa akin at himala agad din itong sumama kay ian)

Ako: aba! Close na talaga kayo ah!

Ian: syempre (ang proud na proud nitong sabi sabay lapit sa akin), dami ko kayang biniling jelly ace sa kanya kanina (bulong nito na ikinatawa naming dalawa at ikinakiliti ko din naman kasi kasi ang init ng hanging lumalabas sa kanyang bibig at ilong, hehehe)

At pagkatapos non ay pumunta na ako sa kusina at tinulungan si mama habang si ian naman ay umupo sa sofa na kalong kalong si angel habang nanonood sa cartoon network ng Tom & Jerry

Narinig at nakita namin ang tawanan ng tatlo. Kami naman ni mama ay mayang pinagmamasdan sila

Mama: mukhang nakuha agad ni ian ang loob ni angel ah! (nagtataka si mama kasi hindi agad sumasama si angel ng ganoon kabilis sa taong kakikilala niya palang)

Ako: paano binilhan ni ian ng madaming jelly ace yang ai angel (natatawa kong sabi kay mama)

Mama: kaya pala (natatawa rin nasabi ni mama), pero anak nakikita ko na mabait na bata si ian at madali rin siyang makagaanan ng loob kaya siguro madali niyang nakasundo si angel

Ako: tama po kayo (ang nakangiti kong tugon sa kanya at pagkatapos ay sabay kaming pumunta sa sala dala ang meryenda)

Mama: o  meryenda muna kayo (sabay lapag ni mama ng egg-ham sandwich na ginawa niya sa mesa at ako naman ay ang pitsel ng orange juice at mga baso)

Ian: salamat tita (nakangiti nitong sabi kay mama na tinugunan naman nito ng ngiti din)

Habang kumakain kaming lahat maliban kay mama na may hawak na ngayon kay angel at siyang nagsusubo dito

Mama: ian dito ka na rin maghaponan ha! Bawal tumanggi ok!

Ian: si.. sige po (ang nahihiyang sabi nito)

Pagkatapos ay iniwan na kami ni mama, maghahanda na siguro ng panghapunan. Maya maya ay nagpaalam ako kay ian na tutulungan ko si mama para maghanda nang para sa hapunan namin mamaya

Ako: ian doon muna ako sa kusina ha, aasist-san ko si mama sa pagluluto

Ian: sige ako na bahala sa mga bulingkit (nakangiting sabi nito sa akin na tinugunan ko din naman:]

Tunulong na ako kay mama sa pagluluto ng Calderetang Manok (hilig ko nga pala po ang pagluluto pero nursing ang pinakuha sa akin, in-demand eh! Hehehe pero Ok na ok naman nakilala ko kasi si ian ayiieeeeeeee!.. hehehe), hiwa dito at doon, salang ng kaldero sa kalan, lagay ng mga sangkap then halo halo, parang ako na si cooking master boy (hahaha), habang abala kami ni mama sa kusina ay masaya namang nagba-bonding si John, angel at ian, at pagnapapalingin kami ni mama sa gawi nila ay napapangiti na lang kami

Mag-aalas syete ng maiayos namin ni mama ang hapag at pagkatapos ay tinawag ko na ang mga boss namin (hehe)

Ako: kakain na po mga boss (ang nakangiti kong bungad kela Ian pero si ian lang ang pumansin sa akin at dedma si john at angel na napuna din ni ian, ah ah naman.. hehehe)

Ian: john, angel kakain na daw tara na mamaya na uli tayo manood Ok! (ang magiliw nitong sabi sa dalawa sabay buhat ni ian kay angel, aba at walang tumutol sa kanilang dalawa at sumunod ang mga ito, kaya lumapit ako kay ian at bumulong..)

Ako: galing ah at napasunod mo ang dalawa na yan ng walang tututol

Ian: ako pa, magaling ako (nangingiti nitong sabi)

Ako: aba at ang yabang mo na din ah!

Tatawa tawa na lang si ian sa sinabi ko. Pagdating namin sa may hapagkainan ay kinuha naman ni mama si angel kay ian

Mama: ian akina si angel para makakain ka ng maayos (nakangiti nitong sabi sabay kuha kay angel), mukhang nawiwili na sayo ian si angel ah! (dagdag nito at ako ang sumabat)

Ako: paano may may pansuhol yan (ang natatawa kong sabi at nagtawanan nalang kami nila mama at ian at si angel naman ay walang kamuwang muwang sa aming pinag-uusapan hehe)

Nang makaupo na kami, si mama ang nakaupo sa pinakadulo kung saan ang pwesto ni papa pagnandito at kalong-kalong si angel para subuan, si john naman ay sa tabing gilid ni mama sa kanan at ako naman sa kaliwa at katabi ko si ian, bigla umimik si mama

Mama: o magdasal muna tayo at ian ikaw na ang maglead (nakangiti nitong sabi at si ian naman at nabiglang napatingin sa akin)

Ako: Pray in english (ang biro ko kay ian na ikinangiti naman nito at nagsimula nang magdasal..)

Ian: the name of the father, the son, the holy spirit 

Amen................................................................................................................................................................................................................................................................amen

Kainan na, masiglang sabi ni john

O! ian wag kang mahihiya ah! Kain lang ng kain, nakangiti uli nitong pahayag kay ian

Opo tita, magalang na sagot nito sabay pakawala ng ngiti

Pinauna muna namin ni ian si na mama at john na kumuha ng pagkain para sa kanila bago ako bumulos at pagkatapos at iniabot ko naman kay ian, nagkakangitian na lang kami pag nagpapangtama ang aming mga mata (ayiiee! Hehe). Sa unang subo ni ian (at nguya)

Ian: ang sarap po tita(ang nasambit niyang nakangiting nakatingin sa amin ni mama pagkalunok ng kinakain niya)

Mama: mabuti naman at nagustuhan mo pero si fugi trumabaho ng marami dyan (ang nakangiti nitong sabi kay ian sabay tingin sa akin na ikinagiti ko na din)

Naging tahimik ang aming naging pagkain at pagkatapos dahil si john ang nakatoka sa maghuhugas ay umalis na kami nila mama at hinayaan na si john. Nagpahinga na muna kami ni ian sa sala at nanood ng TV at simama naman ay umakyat sa taas para linisan at bihisan pantulog si angel

At nang malapit nang mag 8:30pm ay nagpaalam na si ian na aalis na at gabi na
Ian: tita, una na po ako, marami pong salamat sa mainit na pagtanggap sa akin (nakangiti nitong paglalahad

Mama: wala yon, babalik ka ha! Ingat ikaw (nakangiti din ni mamang sabi) nga pala fugi ihatid mo na si ian (dagdag nito sabay tingin sa akin)

Ako: opo mama kukunin ko lang ang susi ni drey (at pumanhik na ako sa taas at mabilis din naman akong nakabalik)

Ian: sige po tita, mano po (sabay abot ni ian sa kamay ni mama)

Ako: angel a-a-lis na daw ku-ya i-an kiss mu-na (ang sabi ko kay angel at agad namang lumapit si angel kay ian at binuhat naman niya ito at nag mabuhat na ni ian si angel agad namang humalik si angel ng kanyang trademark kiss ang around the face kiss niya at tawa naman ng tawa si ian)

Ian: ang sarap naman niyon angel (ang natatawa nitong sabi), pareng john alis na ako (pagpapaalam nito kay john at nag-appear pa ang dalawa)

John: sige kuya, ingat

At pagkatapos ay kinuha na ni mama si angel sa pagkakabuhat ni ian at pagkatapos ay lumabas na kami. Habang inilalabas ko si drey si ian na ang ngbukas ng gate at nagsara na rin pagkalabas ko. Iniabot ko na ang helmet sa kanya at pagkatapos noon ay sumakay na siya

Nagulat ako ng bigla niya ipinulupot ang malalaki niyang braso sa bewang ko (grabing chiduri ang pumasok sa katawan ko na talaga namang nagpatulala at nagpanginig sa aking buong katawan na napuna naman ni ian.... kasi kasi wag namang nang bibigla naman..pwede naman magpaalam para ready ako hahaha)

Ian: bakit ka nanginginig? Malamig ba? (natatawa nitong puna)

Pero nasa state pa rin ako ng pagkabigla kaya muli siyang umimik

Ian: hoy! (sabay ibo sa akin gamit ang nakayakap pa rin niya mga braso... kakakilig naman iyon ayieeee! Hahaha, na naging dahilan para mapabalik ako sa aking sariling katauhan)
Ako: ba... bakit?? (ang bahagya ko nang maibulalas)

Ian: nawala ka na sa sarili ih! Niyakap lang kita (ang natatawa niyong sabi), bakit ka nga pala naginginig?? (dagdag na tanong niyo na nanduon pa din ang nang-aasar na ngiti)

Ako: ay -----> ay ma........may ki...li..ti ka... si a..ko sa ba..banda diyan  (ang nauutal-utal ko paring pagsasalita)

Lalo naman napatawa si ian sa sinabi ko

Ian: saan? Dito? (sabay ang pagsundot niya sa aking tagiliran na kinakitikiti ko)

Ako: ah.. ta..ma na ian, kasi kasi bakit ka bigla bigla nang-aakap? (para kong batang nagmamaktol na tanong ko sa kanya)

At tumigil naman si ian sa pangingiliti at yumakap uli sa akin at idinikit pa ang kanyang pisngi sa batok ko na talagang lalo kong ikinahina (kasi kasi.... nakakakilig na... kasi kasi... ayieeee! Hehe)

Ian: alam mo ba fugi, sobrang saya ko ngayon, salamat sayo, pinagagaan mo ang loob simula pa lang ng magkakilala tayo, dito ka lang lagi sa tabi ko ha! Magkaibigan na tayo habang buhay

Lubos na kagalakan ang aking naramdaman sa sinabi niyang yon, pero hanggang magkaibigan lang talaga pero ok na siguro iyon basta lagi lang ako sa tabi niya;]

Ako: salamat din sayo kasi binuksan mo ang sarili mo sa akin ang nakangiti kong sabi sa kanya, tama na nga ang drama, umayos ka na po mr. ian 

Ian: pwede bang ganto na lang hanggang maihatid mo ako kung saan mo man ako ihahatid (ang natatawa niyang sabi)

Pabor yan sa akin, ang bulong ko sa sarili ko

Ako: bakit hugable ako no? (pagsakay ko sa biro nito na may bahid na katotohanan)
Ian: hindi nga parang nakayap ako sa buto (natatawang banat nito sabay alis ng pagkakaakap niya..... sayang naman inalis pa! hehehe)

Ako: sinungaling! Kung buto na ako ano nalang si palito? (at nagtawanan lang kami)
Pinaandar ko na nga si drey (mga pipz sayang hindi na nakaakap sa bewang ko yung mga braso niya.. hahaha), hinatid ko siya hanggang sa kanto malapit sa kanilang bahay, doon lang daw kasi siya ibaba.

Ian: salamat ulit fugi, goodluck bukas, galingan mo ha! Ingat sa pagmamaheno ha! Goodnight na din (nakangiti nitong sabi)

Ako: opo boss, goodnight din! (sabi kong nakangiti din)

Nang akmang aalis na ako bila uli siyang nagsalita

Ian: ah! Fugi anong oras ka papasok bukas? 

Ako: mukhang alam ko na sasabihin mo (natatawa kong banat), papadaan ka dito sa kanto nyo para makalibre ka na naman no? sorry po mr. ian, coding ako bukas at dadaan ako ni anthony bukas...

Ian: ni anthony? (ang pagsingit nito sa sasabihin ko)

Itutuloy..................



8 comments:

foxriver said...

another superb and kilig chapter Fugi the Author hehehe. Keep it coming,

MARK13 said...

Nxt chapter n fugi,jejeje,...syang nkaakap n inalis p,tsk,tsk,tsk,.. anyway diz is daRk_aNgeL13, bka nkalimutan q,jejeje
gudluk 2d nxt chapter,hope mpakilig mo uli kami,jajaja

MARK13 said...

Nxt chapter n fugi,jejeje,...syang nkaakap n inalis p,tsk,tsk,tsk,.. anyway diz is daRk_aNgeL13, bka nkalimutan q,jejeje
gudluk 2d nxt chapter,hope mpakilig mo uli kami,jajaja

robert_mendoza94@yahoo.com said...

wow mabait na magalang pa c ian, nice one. he he he. next chapter plzzzz.

Anonymous said...

next chapter please..hehe.

sr143.

fugi said...

salamat po:)

fugi said...

ayan naman ay ang maipapangako ko;; hahah (ang yabang) na- pressure tuloy ako.. hahah

Alfred of T. O. said...

Mas maganda pala ang second reading...Mas naintindihan ang bawat chapter...Thank you Mr Fugi.

Post a Comment