Tuesday, February 14, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 17)


By: FUGI
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.

Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).









Nakangiting lumapit si ian sa kinatatayuan namin ni angel, ako naman ay nakatulala lang sa kanya paano kasi nasa likuran niya ang araw ang naging effect tuloy parang may aura ng saiyans ang nananalaytay sa balat niya (haha I Love Anime! I am HERO:]), tapos meron pa siyang napakagandang ngiti na talaga namang nagpapatingkad ng kagandahan ng kaanyuan niya (oa na ba sa papuri? Promise sobrang PU-GI ng hinayupak na iyon.. hehehe)

Naalis na lang ako sa pagkatulala ng kumapit sa akin si angel na parang natatakot (ganyan yan! Takot siya sa mga taong hindi niya madalas makita o yung bago sa paningin niya, lahat naman tayo ganoon noong bata na eventually nawawala na, hahahaha gusto ko yung word na eventually dahil dyan i-che-check ko yan.. hahahaha), tiningnan ko si angel at sa puntong iyon ay nakayapos na sa akin. Ibinaling ko uli ang tingin ko sa dako kung nasaan si ian at nasa harap ko na pala ito

Nakakunot ang noo ni ian at ang kanang hintuturo ay nakaturo sa nakayakap sa akin na si angel na parang nagtatanong kung ano nangyari

Medyo natatakot sayo, ang walang boses kong sabi sa kanya at nakuha naman niya agad

Agad na nga ako gumawa ng paraan para mawala ang kung anumang nararamdam ni angel kay ian

Ako: gey-gey ku-ya i-an yan ma-ba-it na ka-i-bi-gan ng ti-to ni-nong (ang mabagal kong sabi kay angel na may tonong bata para maintindahan sabay hawak sa kanya at harap kay ian)

Para namang banung-bano si ian sa pag-uusap namin ni angel na sinamahan pa ng pagtawa-tawa
Hindi pa rin iniibo ni angel si ian at nakatingin lang sa bagong mukha na nasa harap niya na parang sinusuri nang bigla akong sumingit

Ako: gey-gey si ku-ya i-an ay may pa-sa-lu-bong sa iyo (agad namang humarap sa akin si angel pati si ian ay napaharap na may nagtatanong na itsura)

Ako: di ba ku-ya i-an bi-bil-han mo ng je-lly ace si an-gel (sabay nguso sa malapit na tindahan at nakuha naman agad nito at nagtatakbo doon si angel naman ay nakaharap parin sa akin), gey-gey, bigan yon ng to nong, bait yon ya pat ba-ti yo wa ha! (“angel, kaibigan iyon ng tito ninong, mabait iyon kaya dapat bati kayong dalawa ha!” ang sabi ko sa kanya at mataman naman itong nakikinig)

Hindi naman nagtagal ay nakabalik na si ian sa harap namin kaya iniharap ko si angel sa kanya. Binigyan naman ni ian ng ngiti si angel sabay labas ng binili niyang jelly ace na nakalagay sa plastik labo (mukhang dinamihan ni mokong ah para makuha ang loob ni angel.. hehe), hindi nga ako nagkamali dahil nakita kong sumilay sa mukha ni angel ang isang ngiti (bata palang na susuhulan na, ganyan yan! Hahahaha) at nagkatinginan naman kami ni ian at nagngitian

Iniabot na ni ian ang plastik na may lamang jelly ace kay angel ay mabilis naman nitong kinuha (hala! Hahaha)

Ako: angel ano sa-sa-bi-hin sa ku-ya i-an?

Angel: mat popo (ang nahihiya nitong sabi ay yumakap ulit sa akin)

Ako: salamat daw sabi niya (nakangiti kong paglilinaw sa sinabi ni angel at ngiti lang din ang sinukli ni ian)

Ian: nga pala fugi alis dyan sa bike (ang may awtoridad nitong sabi)

Ako: ba... bakit?? (nabigla kong tanong)

Ian: ako na magdadala ay umangkas ka na lang at ituro ang papunta sa inyo

Ako: a.. ako na lang.. ikaw na lang umangkas

Ian: kaya mo ako? Hindi yan si drey at ang bulingit hindi naman yan magpapahawak agad sa akin parang natatakot pa (ang natatawa nitong paglalahad)

Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siyang gawin ang naisip niya. Pagkababa ko ay siya namang kuha niya sa bisekleta at sa kay pagkatapos ay pinasakay na niya ako sa katawan ng bike yung sa harap (diba dalawa naman ang angkasan isa sa likod at isa doon sa harap ng mismong ng mamaniobra ng bisekleta). Ang naging pwesto namin ay si ian ang driver ako ang nakaangkas sa may harap niya tas nakakalong si angel sa akin

Habang tumatakbo na ang bike ay ako naman ang ngtuturo ng daan. Sa puntong iyon hiniling ko na sana pala malayo na lang ang bahay namin para mahaba ang oras namin sa tayong iyon, para kaming isang pamilya (hahahhahahaha)

Hindi naman nagtagal ay narating na namin ang bahay namin

Ian: ang ganda ng bahy ninyo ah!

Ako: syempre mas maganda at mas malaki yung sa inyo (pagbibiro ko dito sabay baba ko sa pagkakaangkas sa kanya)

Dahil nga buhat buhat ko pa si angel ay ibinigay ko muna ito kay ian at sa awa naman ng ating panginoon at dahil sa isang plastik labong jelly ace ay sumama na ito kay ian (hahaha) at tinungo ko na ang gate namin para buksan, at ng mabuksan na ay kinuha ko na si angel kay ian at si ian na ang nagpasok ng bike at tinuro ko na lang kung saan ipaparada. Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto at pagkababako kay angel ay nagtatakbo ito sa harap ng TV at nagsisigaw ng..

Angel: to nong san TV, TV, TV (buksan daw ang tv)

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si ian at agad agad pumasok sa loob at nagsabing..)

Ian: fugi asan ba yung saksakan ng TV? (ang nakangiting tanong nito, aba aba mukhang kinukuha na ang loob ni angel, hehehehe at itinuro ko ng dito at agad naman nitong naiiayos ang saksak ng TV pati na rin ang bentilador at sabay binuksan ito)

Mataman na naman na nanonod si angel ng TV habang si ian ay lumapit sa akin 

Ian: ang cute naman ng lahi ninyo (bulong nito sa akin)

Halos mawalan ako ng lakas sa papuri niyang iyon at sa kiliting naidot ng pagbulong na yon. Buti na lang at gumagana pa kahit papaano ang utak ko at nautusan ang bibig ko para makapagsalita para maiwas ako sa panghihinang iyon (kasi kasi.. hahaha)

Ako: syempre! Planado kasi (pagbibiro ko sa kanya sabay punta ko sa kusina at uminon ng tubig, wala kasing magic beans... YES! hahaha)

At pagkainom ko ng tubig ay unti unti ng bumabalik ang aking lakas at bumalik na din ang functioning ng ibang bahagi ng aking katawan. Bumalik ako sa sala at nakita kong magkatabing nanonod na si angel at ian (ang cute nilang tingnan). Tumabi na nga ako sa kanila at maya maya ay

Angel: ya nan san (sabi ni angel kay ian at abot ng isang jelly ace na pinabubuksan, nakuha naman agd ni ian ang gusto ipagawa ni angel kaya sinunod niya ito)

Ako: aba close na ah (biro ko kay ian)

Ian: syempre sa pogi kong ito (sabay podi sign niya at kindat pa sa akin..... anak nang teteng naman oh, wag ganon ian bumabawi pa lang ng lakas pinapanghina mo na agad ako.. hahahaha at umiwas na lang ako sa kanya ng tingin at kapit kay angel na ikinataka naman ni ian)

Ian: o bakit?

Ako: ang lakas kasi ng hangin na pumasok sa bahay nagyon-ngayon lang baka mapayid kami ni angel (ang natatawa tawa kong sabi sa kanya, makaiwas lang.. kasi kasi naman.. hahaha)

Bigla namang inilapit ni ian ang mukha niya sa akin yung parang konti nalang maglalapat na ang ilong namin
Ian: bakit hindi bakit hindi ba totoo? (ang medyo seryoso niyang tugon)

(Ako naman ay napatulala na lang sa kanyang ginawa, grabeng lapit na ng mukha namin kaya kitang kita ko kung gaano pinagpala si ian, na kung saan ay nabiyayaan siya ng aking kagwapuhang hindi nakakasawa, ang pangyayaring iyon ay lalong nagpabilis ng andar ng tibok ng aking heart)

Ian: o kahit ikaw napatulala sa aking kapogian (ang natatawang sabi ni ian at tuluyang inalis ang mukha niya sa mukha ko na siyang nagpabalik sa aking nanghihina paring ulirat, kasi kasi naman,,, paorder nga ng magic beans... hehehehe)

Ako: pa.. paano bi..bigla bigla ka na lang sumulpot sa harap ko ka..kaya na..napatulala ako (ang pagdadahilang kong lalong naging dahilan ng pang-aasar niya kasi kasi naman pati dila ko ay humina dahil sa ginawa niya kaya nagkanda utal utal ako)

Ian: palusot... hahahahaha (natatawang sabi nito)

Bigla naman sumingit si angel

Angel: ya nan ace ko (“kuya ian jelly ace ko” sabi nito at napahagalpak na nga kami ni ian, salamat kay angel save by the bell ako doon ah,, hehehe)

Napatingin naman ako sa orasan at malapit nang mag 12nn kaya agad akong tumayo at napansin naman ito ni ian

Ian: saan ka pupunta???

Ako: maghahanda ng kakainin natin ay malapit na magtanghalian (sabay turo ko sa orasan)

Ian: tutulungan nakita

Ako: wag na samahan mo na lang si angel magpapabukas pa yan sa iyo ng jelly ace, ang dami mo kasing binili (ang natatawa kong sabi dito at agd na nga akong nagtungo sa kusina)

Buti at nakapagluto na si mama ng ulam at iiinit ko na lang at meron na din kanin, galing talaga ni mama. 

Naghain na ako, kumuha ng dalawang pinggan (salo na kasi kami ni angel sa iisang plato dahil magkakalat lang kung hahayang magsarili ito), inilagay sa isang malaking mangkok ang nilagang baboy (na puro laman hindi kasi ako at yung buso namin kumakain ng taba mga kuya lang namin at si papa ang mahilig kaya pagwala sila ay purong laman ng baboy ang binibili ni mama, tas nilahokan din ni mama na mga patatas na talaga namang malambot ang pagkakaluto para kay angel, hindi pa kasi niyo gusto ang mga baboy), inilabas ko na din ang kanin at inilagay sa malaking plato, kinuha ko din ang biniling buko at sabaw nito at tinimplang juice kaya may buko juice kami (hahaha nalito ba kayo?? Haha) at kumuha din ako sa ref ng manggang hinog at hiniwa ito na para sa panghimagas (sarap ng lunch namin noh! Hehehehe,, kain na tayo)

Pumunta na nga ako sa sala para tawagin ang dalawa na nagkukulitan na (galing ni ian ah! Nakuha agad ang loob ni angel)

Ako: ian, gey-gey kakainin na muna tayo (at agad namang binuhat ni ian si angel at take note hindi umangal ang aking pamangkin, mukhang close na talaga ang dalawa ah! At agad  na nagtungo sa kusina ako naman at pinatay ko muna ang tv at bentilador bago sumunod sa kanila)

Nang nasa kusina na ako....

Ian: wow! Mukhang mapapadami ako ng kain ah! (masigla nitong sabi na nginitian ko na lang)

Kinuha ko muna kay ian si angel bago kami tuluyang umupo, pagkaupo namin at nagkatinginan kami ni ian

Ako: dasal muna tayo???

Ian: sige, kw na maglead

Ako: sa ngalan ng ama, ng anak, ng diyos espirito santo amen (at inalalayan ko si angel mag-antanda)...........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................Amen!

Ian: kainan na (ang masaya nitong sabi at kumuha na nga ito ng para sa kanya at iniabot sa akin pagkatapos niya)

Habang kumakain ay sinusubuan ko naman si angel

Ian: sobrang maalaga ka talaga, para tuloy gusto ko nang magpaalaga sayo (ang natatawa nitong sabi)

Ang utak ko naman ay mabilis na proseso ang mga sinabing iyon ni ian at nang mainterpret na ay inutusan niya ako na mapatulala, kaya napatulala nga ako (hahahaha, kasi kasi naman kung makahirit ang isang to akala mo ay wala lang sa akin.. hahaha ayieee), buti na lang at nandyan si angel para sagipin ang tito ninong niya sa pagtulala dahil sa mga sinabi ni ian

Angel: mamam, mamam (“iinom” yan ang gusto niyang iparating, buti talaga at kasama namin si angel ngayon kung hindi kanina pa akong wala sa sarili ko.. kasi kasi... hehehe)

At pinainom ko na nga ito. Naging masaya ang lunch namin nayon, syempre ang bibang pamangkin ko ay bumida.. hehehe at pagkatapos ay napansin kong nagliligpit si ian ng pinagkainan namin kaya agad ko itong biniro..

Ako: rich kid ako na bahala dyan (natatawa kong sabi dito)

Ian: kaya ko na ito, para matuto din ako, linisan mo na lang si angel mukhang yagit na at mukhang inaantok na din (ang pagsakay nito sa biro ko at ang pagsasatinig nito ng mga napansin niya sa itsura at gawi ni angel, natuwa naman ako sa inasta nito kaya hinayaan ko na lang ito at ako naman ay inasikaso ko na ang napagod kong bibang pamangkin.. hehehe)

Nang malinisan at mapalitan ko ng damit si angel ay pinagtimpla ko na ito ng gatas dahil inaantok na nga ito at nakita ko naman si ian na naghuhugas na ng mga pinagkainan namin, mapapansin na parang ngayon lang nito ginawa iyon, paano walang patayan ng tubig ito (aksaya hehe pero hinayaan ko first time naman nya iyon.. hehehe) 

Ako: rich kid kaya pa?

Ian: ako pa (mayabang nitong sagot habang nakangiti)

Ako: sabi mo ih!, nga pala doon lang kami ni angel sa kwarto ko sa taas, pagkatapos mo dyan ay umakyat ka na lang doon ok?

Ian: yes sir!

At pumanhik na nga kami ni angel sa kwarto ko para patulugin ito. Mabilis naman ito nakatulog, napagod ih! (hehe) at maya maya ay nakarinig na ako ng yabag  na paakyat, si ian syempre iyon. Agad naman kaming nakita ni ian dahil iniwan kong bukas na pinto ng kwarto ko ng makapasok ito..

Ian: wow ang ganda naman ng kwarto mo, maliit pero namaximize mo naman ang space (ang papuri nito sabay ang paggala ng mga mata niya sa buong kwarto ko, ngiti lang ang itinugon ko dito)

Una nitong napuna ang koleksyon ko ng mga teks (yung uso ng mga bata pa kami yung mga tinatalang, yung  mga zenki, dragon balls, ghost fighter, flame of recca, tas meron din ako nung maliliit na teks yung parang komiks ang style tapos ang likod ay walng drawing, dun sa mga nakaabot noon ay gets ang sinasabi ko.. hehehe, meron din akong mha pogs ng pokemon at kung ano ano pa, na naipon ko dahil noong bata pa ako at dumadayo kami sa ibang lugar pag nalipol na namin ang mga teks ng ibang bata na taga sa amin kaya madami ako ng ganoon na naitago ko naman at ng tumagal at hindi na nauso at idinisplay ko na lang na parang naging koleksyon ko na)

Ian: nung bata ako lagi akong bumibili ng ganyan kayo nagkandawawala na yung lumaki ako at ang dami mo rin mga action figures ah! Hilig mo ba talaga?

Ako: oo, ang ganda kasi nilang tingnan, ayan ay nung bata pa ako ay naitago ko naman ng maigi kaya nong nagkasarili akong kwarto ay iniayos ako dito para design na rin (pagbibigay ko ng impormasyon)

Ian: ah! (at iginala pa nito ang mga mata nito at nakita ang gitara ko), yan ba ang gagamitin mo bukas? (sabay turo nito sa gitara ko), pusta may pangalan din iyan (natatawang dagdag nito)

Ako: syempre kaibigan ko din yan (sabay kuha ng gitara ko), eto nga pala si Giyoy (pagpapakilala ko)

Ian: saan mo ba nakukuha mga pangalan nila? (natatawang tanong nito)

Ako: secret baka pagnalaman mo pumunta ka pa doon at manghagilap ng mga pangalan na napareserba ko na 9ang natatawa ko din namang pagsagot sa kanya)

Ian: praktis ka na at manonood ako sayo

Ako: hindi pwede, di alam mo na gagawin ko bukas, mamaya nalang gabi pag-ako nalang mag-isa, nakapagpraktis ko na rin naman  kagabi

Ian: ang daya kaya nga ako nagpunta para mapanood kita at syempre marinig ulit ang maganda mong boses (ang may himig na pagtatampo nito)

Ako: hindi mo pa ba naririnig? Kanina na pa ako salita ng salita ah! (biro ko dito)

Ian: sige last na banat mo na yan ha! (may himig pa uling pagtatampo at humarap sa dako kung saan nanduduon nakasabit ang aking maliit na bulletin board kung asan may naka-thumb tax ang mga picture naming pamilya at mataman naman niya tinitingnan)

Kahit gusto ko pang iparinig sa kanya ang mga kanta na kakantahin ko bukas ay hindi pwede baka mabisto ako, dedicated pa naman iyon sa kanya, ay ang galing pa naman niyang makatunog kahit sobrang tago ko ng mga shakra na may halong pagmamahal para sa kanya (ayyyieee....Yes! naisingit ko ulit, mabuhay ang anime! Hahahaha)

Kinulbit ko si ian at iginuso ang natutulog na si angel

Ako: baka magising si angel bukas na lang para hindi maexcite ka rin sa gagawin ko (pangungumbinsi ko at buti ay pumayad na si ian)

Ian: sige na nga! Ay ano nang gagawin natin ngayon?

Ako: jammingan na lang natin ang trip ni angel (ang natatawang sagot ko dito at nagkatinginan kami na parang nag-uusap ala Banana’s in Pajamas, naiisip mo ba ang naiisip ko B1, oo naman B2... operation tulog.. hahahaha)

Ian: pwede (ang nakangiting pagsang-ayon nito), yan ako hindi naman tayo kasya sa kama mo dahil andyan na si angel baka mapirat yan pagsumiksik tayo (paano kasi ay pangdalawahan lang ang kama ko ay andun na nakapwesto ang pamangkin ko, at ngayon ko lang napagnanto na kung kanina nagpapasalamat ako at nandyan siya kanina para sagipin ako pag may mga hirit si ian na nagpapahina ng aking mga kalamnan, ngayon parang sana wala siya, sayang kasi magkakatabi kami,,,, hahahahaha biro lang po... Joke lang yun.. hehehe)

Hindi alam ni ian na may twist ang kama (hahaha), Bigla akong pumailalim at may hinila sa ilalim ng kama ko ay iyon ay isang... tantananantanan.. isang single bed na kadugsong ng kama ko (galing noh! Kahit ako humanga nung ipinakita yon sa amin nung pinagbilhan namin nung kama ko, kasi ang sabi ko ay malaki na kama kaso ang problema medyo maliit ang kwarto ko at yan ang sinadyes sa amin oh diba,,hehe)

Ian: galing naman ng kama mo ah (ang natatawa nitong sabi)

Ako: syempre! (nakangiti kong sabi)

Nilatagan ko ng kumot at nilagyan ng unan yung magiging kama niya (yung extension ng kama ko na nakatago sa ilalim) at tabi naman kami ni angel sa pinaka main na kama ko.
Ian: tulog na tayo (at nahiga na si ian sa pwesto niya)

Ako: sandali sasarduhan ko lang gate at yung pinto sa baba (agad ako bumaba at naglock at mabilis din naman akong nakabalik)

Pagkahiga ko biglang sumilip si ian sa kinahihigaan namin ni angel at humalik sa pisngi ni angel (parang goodnight kiss ba!)

Ako: ako wala (natatawa kong biro sa kanya sa paghalik ni ian kay angel)

Nabigla naman ako sa ginawa ni ian ng ilapit niya ang mga labi niya sa akin (s**** bumilis ang paghinga ko at pati ang pagpintig ng puso ko kasi kasi naman may paghirit pa ako buli na lang at may reflex action pa ako at mabilis na gumana ang kanang kamay ko at sinupalpal sa mga labi ni ian ,,, promise malambot ang labi niya, swerte ng kamay ko siya ang nakauna.. hahaha)

Ako: a..ano ga..gawin mo?? (ang nauutal kong tanong)

Ian: di ba sabi mo ikaw din (ang medyo seryoso nitong tugon sa akin)

Ako: b..biro lang naman yon, hindi mo ba alam kung ano ang biro sa hindi? (ang medyo kinakabahan kong sabi pero naramdaman ko nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya)

Ian: ay bakit ka namumula (ang pagpuna nito)

Ako: ay bakit ang seryoso mo sabing Joke lang yon (sabay takip ng unan)

Narinig kong humagalpak ng tawa ang mokong (kasi kasi naman.. hehehe), at binato ko siya  ng unan na pinantakip ko sa aking mukha

Ako: adik! Matulog na tayo (ang kunyari kong naiinis na pananalita)

Ian: opo (at tumatawa itong humiga)

At maya maya ay tahimik na ang paligid

Itutuloy..............



3 comments:

foxriver said...

kaw na Fugi! I hate you for being sooooooooooooooo good! Hahaha, i have 2 fave authors, you and zephiel. Man this chapter is A-W-E-S-O-M-E! I love gey gey. Go team ian. Next next.hehehe

Lawfer said...

sayang naman, kis na nwla pa

fugi said...

hehe,, salamat po:]

Post a Comment