Tatlong
chapter na po ito, hindi ko kasi maputol masyadong gumadana kasi ang mga brain
cells ko at syempre para hindi mawala ang MOMENTUM (hahaha), happy reading po!
Una po sa lahat nais ko pong HUMINGI
ng PASENSYA sa mga NALILITO, NAGUGULUHAN at NAIINIS sa PARAAN ng PAGSUSULAT
ko.. SORRY PO!
At SYEMPRE SALAMAT DIN PO sa
PAG-INTINDI:]
Sa mga NAG-IIWAN ng KOMMENTO: Foxriver
(salamat sa magagandang komento:]), JayAR (salamat po:]), Rue (salamat sa
pag-intindi), SR143 (salamat salamat nababasa ko lahat ng comment po at
natutuwa ako dahil hinahanap po pa talaga sa ibang blog.. salamat salamat:]), sa
ANNONYMOUS na nagcomment ng (sorry..alam ko magulo si kuya zeke pagdating sa sentence
construction at dami niya typos..pero yung sayo..parang sadyang magulo..sinulat
mo lang talaga..sorry..,, pasensya na po
talaga anonymous!), sa isa pang ANONYMOUS na nagsabi ng (ang ganda naman...
:))) hintay2x na sa mga susunod.. salamat
anonymous:]) at kay Niccolo'25 (
mas ahead po kayo ng basta, nito nito lang ako (pero hindi naman bago.. wala
nga po ako ngayong trabaho........ may
alam ga po kayong mapapasukan ko na hospital???)
Sa 236 na tumingin/nagbasa sa chapter
1, 135 sa chapter 2, 110 sa chapter 3, 120 sa chapter 4, 156 sa chapter 5, 114
chapter 6, 109 sa chapter 7, 199 sa chapter 8, 71 sa chapter 9, 82 sa chapter
10 at 99 sa chapter 11,,, SALAMAT PO SA PAGBIGAY NG ORAS SA GAWA KO!!!!
at syempre.....
Maraming maraming salamat kay IDOL ZEPHIEL
sa pagpapahintulot na maipost ko ang kwento ko sa blog niya , THANKS KUYA
IDOL!!!! (PASENSYA NA RIN KUNG HINDI KO NASUSUNOD YUNG FORMAT NA IBINIGAY MO,
hirap mag-edit,, sorry!)
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha
Nabigla naman ako sa binulong niya at
napatulala, nakabawi lang ako ng ulirat ng magsara ang pinto sa likod ko at ng
humarap ako nakita ko si ian na nakakunot noo nakatingin sa amin ni anthony
****************
----------->
ANTHONY’s world
Naging napakasaya
ko at sa hindi inaasahang pagkakataon at nakasama at nakilala ko si fugi, sana
ay magtuloy tuloy na dahil gustong gusto kong mapalapit na sa kanya dahil alam
ko na sa sarili ko na may nararamdaman akong espesyal sa kanya
Gusto ko pa
sana ihatid siya sa kanila para malaman ko na kung saan ito nakatira pero
tumanggi ito dahil siguro nahihiya ito. Magkaganoon man ay alam ko na kung saan
ko ang daan papunta sa kanila
Dahil nga sa
wala itong phone (kakaiba talaga siya. Hehe) nahihiya naman akong tumawag sa
landline nila kaya ipinagpaliban ko na lang muna ang pagtawag sa kanya (marami
pang pagkakataon)
Dahil sa
excited na akong pumasok kinabukasan para makita ko na uli ang maamong mukha ni
fugi ay maaga akong natulog nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga din akong
nagising at dali dali naghanda baka maabutan ko si fugi sa kanto nila.
Quarter to
seven ay umalis na ako sa bahay at mabilis kong
pinaandar ang sasakyan para sana ay abangan ko ito sa kanto nila.
Mabilis naman akong nakataring doon at ipinarada ang aking sasakyan malapit sa
kanto nila. Halos magsasampung minuto na akong naghihintay ay wala pa ring fugi
akong natatanaw
Five more
minutes pa sabi ko sa sarili ko
5..................4....................3........................2.......................1................0
minute
Baka maagang
pumasok si fugi, sabi ko ulit sa sarili ko
Kaya agad ko
pinaandar na ang aking sasakyan at tinungo na ang daan papuntang school
Nang malapit
na ako sa campus ay hindi ko naman maitago ang ngiti ko pag naiisip kong
magkikita na uli kami ni fugi. Nang makapasok na na ako sa campus agad na
ipinark ko ang aking kotse at mabilis tinungo ang aming room para sa first
subject namin.
Pagkapasok
ko, dismayadong walang fugi’ng mahagilap ang mata ko (kainis ang bilis ko
kasing sumuko, kung naghintay pa siguro anko ng konti sa kanto nila di sana
magkasabay kami, sayang ah! At napabuntong hininga na lang ako)
Umupo nalang
ako sa may bandang likod dahil base noong lunes ay lagi si fugi doon
pumipwesto. At lumipas nga ang labing limang minuto ay nakita kong bumukas ang
pinto sa likod at pagtingin ko doon ay iniluwa nito ang kanina ko pang
pinanabikang makita.... si Fugi
Napatulala
ako sandali ng makita ko ito sa aming uniform, bagay na bagay sa kanya para
tuloy siyang anghel, anghel na bumaba sa lupa para pasiyahin ako (hehe)
Nang
makabawi sa pagkapatulala ay agad ko itong sinalubong ng may magandang ngiti
sabay bati ng Goodmorning! At tumugon naman ito at nagpakawala ng napakagandang
ngiti na aking ikinatuwa.
Lumapit ako dito at bumulong ng “ang
cute mo sa uniform natin ah! Bagay na bagay sayo” (hindi ko na kasi mapigilan),
nakita ko naman sa mukha ni fugi ang pagkabigla
Nasa ganoon kaming posisyon ng marehas
makuha ang atensyon namin ni fugi ng sumara ang pinto at nakita namin si ian na
nakakunot noo at nakatingin sa amin dalawa ni fugi
*************
**************
----------->
si IAN (daw ulit, hahaha)
Naging mabilis lang naman ang byahe
namin ni fugi sakay sa motor niya na pinangalanan niya ng drey. Sa tahimik
namin na byahe na yon, sobrang gaan ng nararamdaman ko, kaiba sa mga nakalipas
na mga araw ng simula ng umalis si sarah (girlfriend ko), siguro dahil sa aura
ni fugi na masiyahin at maaliwalas. Nakakatuwa at naipapasa niya ito sa akin na
nagiging dahilan naman para makalimutan ko ang aking kalungkutang nadarama
Pagkarating sa campus ay agad naman niya
naipark ang motor niya sa parking space sa labas ng school provided para sa mga
motor. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para hingiin ang number ni fugi na
nakalimutan kong kunin nung magkasama kami noong nakaraan
Nagulat ako ng sabihin niyang wala siya
cell phone, kakaiba talaga siya, parang basta hindi ko maintindihan. Pero isa
sa mga nagustuhan ko sa kanya ay kayang kaya niya akong mapatawa, tawa na totoo
dahil masaya ako at hindi para lang may maitugon ako sa kanya at isa siya sa
kakaunting tao nakakagawa niyon sa akin
Dahil wala nga siyang phone ay yung
landline nalang nila ang ibinigay niya, ok na rin para ma-contact ko siya
Isa pa ang napansin ko dito ay ang
pagiging isip bata nito (na lalo kong ikinatutuwa sa kanya dahil kumo-cute siya
sa ganitong asta), may pa “Handy Dandy Notebook pa itong nalalaman” (natalaga
namang ikinatawa ko), sa maliit na notebook na yon ipinasulat ni fugi sa akin
ang aking number, isinulat ko naman ang mobile number ko pati landline sa bahay
para sure na makokontak namin ang isat isa
Pagkatapos ng kakaiba ko na naman
nalaman kay fugi, ay dumiretso na kami sa loob ng campus at pumunta na sa unang
klase sa araw na iyon, nang mapatapat kami sa room namin ay pinili namin yung
pangalawang pinto na sa likuran agad ang matutumbok namin para iwas pansin din
Dahil nauna ako sa kanya ay pinagbukasan
ko siya ng pinto ay mabilis naman siyang pumasok. Pagkapasok ni fugi ay may
nakita akong papalapit sa kanya na sa tingin ko ay kaklase namin. Nakangiti
itong papalapit kay fugi at nang makalapit ay parang nag-usap ng konti at maya
maya ay biglang lumapit ito lalo kay fugi at bumulong, hindi ko alam pero para
may kung ako sa akin na ayaw sa ginagawa niya, feeling close ah! Nasabi ko sa
sarili ko, at dahil sa nakita kong iyon ay hindi ko nga naalalayan ang
papasarang pinto na nagdulot ng konting ingay na sapat na para makuha ang
atensyon nilang dalawa at mapaharap sa akin.
*****************
************
----------->
It’s me FUGI again! :]
Nang makita ko ang nakakunot noong si
ian (siguro dahil nagtataka ito kung bakit kami parang close agad ni anthony)
ay agad akong umisod ng konti palayo kay anthony at biglang nagsalita....
Ako: ah eh ian si anthony pala kaklase
ko, anthony si ian, kaklase ko din (ang medyo pabiro kong pagpapakilala sa
dalawa)
Hindi naman napansin nung dalawa ang
pagbibiro ko bagkus ay nagkatinginan naman ang dalawa na parang sinusuri ang
isat isa at nagkamayan ng mabilis at humarap sa akin si ian at nagwika ng....
Ian: so magkakilala pala kayo? (ang
parang maypagkasarkastiko nitong tanong sa akin)
Ako: ah... eh kahapon lang (ang iilang
ko naman sabi dito na lalong ikinakunot nito ng noo, na para lalong naguluhan
sa sinabi ko)
Ako: ah eh umupo na muna tayo baka
maubusan tayo ng mauupuan (ang pagbibiro ko muna para maiba ang mood, hehehe)
Agad nga kaming umupo sa likuran na mga
upuan, pagkaupo ko tumabi si anthony sa kanan ko at si ian sa kaliwa ko. Sa
pagkaupo naming iyon ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang
babae na nasa late twenties na ka-all
white din na uniform na kaiba sa mga uniform ng mga babae naming kaklase na
kulay gray, kaya nasip ko na iyon na ang prof namin, agad naman kaming
natahimik at pinagmasdan siya patungo sa table sa harap at nagsalita
Good morning, I just want to inform you
that I am Rowena Pasia (hindi ko tanda ang first name ni ma’am nakalimutan ko
kaya imbento na lang pero yung last name totoo yon,, hehehe), your adviser for
your freshman year, ang nakangiti nitong pagpapakilala sa amin
Sabay sabay naman kaming nag good
morning sa kanya
I’m also here to tell you that our
department is organizing a welcome party for you, which will be held at freedom
hall, here in this bldg, fourth floor on Friday 8:00am. Since it is your party,
I ask anyone of you who have talents, singing or dancing to do an ice breaker,
anyone?? (pagbibigay impormasyon ni ma’am at pagtatanong na rin kung sino ang
gustong magtalent)
Bigla namang sumabat ang dalawang
ulupong sa sides ko
Ma’am si fugi po, ang sabay na sigaw
nina ian at anthony sabay turo nila sa akin (na iginagulat ko naman at
ikinaharap ng mga kaklase ko sa akin)
Sa pagkakasabi nina ian at anthony noon
ay nagkatinginan sila na parang nabigla at sabay pa sila ng sinabi (jinx lang.
hehehe), naputol ang titigan ng umimik si ma’am Pasia
So we have one now (nangingiting sabi ni
ma’am pasia), ok mr. fugi please be prepared on Friday because any time during
the duration of the program you will be called to perform Ok! Dagdag na sabi ni
ma’am na sinagot naman ni anthony..
Yes ma’am, nagingiting sabi nito sabay
tapik sa balikat ko
Ako naman ay natulala na lang sa
ginawang kapahamakan sa akin ng dalawang mokong na ito
Is there any other volunteer to do an
ice breaker? (tanong pa ulit ni ma’am at wala na nga umimik pa bigla ulit
umimik si ma’am pasia...)
That silence means theres no more
volunteer ah! (nangingiting puna nito), one more thing, had already elected
your officers, tanong uli ni ma’am pasia
Hindi pa po ma’am, sabay sabay uli
naming sagot
Ah! Ok we will do it after the welcome
party on Friday, since you don’t have class on the morning to give way to the
said party, the class will reassume at the afternoon so be at your respective
class is that clear? Paglilinaw ni ma’am at sabay sabay naman kaming umugon ng
pagsang-ayon sa kanya
Ok! Thats all, see you
on Friday and Mr. fugi gudluck (pamamaalam ni ma’am at tuluyan nga itong
lumabas ng room namin)
Pagkalabas ni ma’am
Pasia ay agad ko namang sinapo ang sides ng mukha ko ng mga kamay ko at
pinakawalan ang nanlulumong itsura (oo kumakanta ako pero hindi sa harap ng
napakaraming tao), pagkatapos ay ipinakita ko sa dalawang mokong na nanlaglag
sa akin ang itsura ko pabalik balik sa kanila para malaman nila na hindi ko
gusto ang ginawa nila pero mali dahil tinawanan lang nila akong dalawa
Bigla namang pinisil
ni anthony ang pisngi ko nang humarap ako sa kanya ng ganoong itsura
Ang cute ah!, natatawa
paring sabi nito, hindi ko na naman pinansin pa ang sinabi nito dahil sa
nararamdaman ko nang kaba at ang nagawa ko na lang sa kanya ay sinuntok siya ng
mahina sa kanyang balikat sabay sabing
Ako: galing nyo
magturo ah! (ang para bata kong usal kay anthony sabay nguso ko dito)
Anthony: kasi may
tiwala ako sayo at magaling ka dami kaya pumalakpak sayo kahapon sa mall
(kasabay ang pagpisil na nito sa dalawa ko nang pisngi habang natatawa dahil sa
itsura ko), pacute ka talaga ng pacute kung wala tao mahahalikan na kita
(bulong naman ni anthony sa sarili niya)
Ako: hindi ko naman
kasi alam na may nanonood na sa akin kahapon bukod sa inyo ni kuya, nakapikit
po kaya ako (ang pagtatanggol ko sa sarili ko)
Anthony: di pumikit ka
na lang ulit (birong sabi nito na na ngingiti sa akin), tapos sa pagpikit mo
ako ang isipin mo (dagdag bulong nito sa sarili niya at napangiti uli siya sa
naisip niya)
Ako: kasi kasi naman
eh! (pagmamaktok ko pa rin habang nakatingin na sa harapan
Sa kabilang banda pala
ay mataimtim (parang dasal lang ah! Hehehe) na nakikinig ng usapan namin si IAN
at paminsan-minsan na sumusulyap sa amin ni anthony
Ganoon na agad sila
kaclose? At kahapon sa mall? Ibig bang sabihin magkasama sila kahapon? May
pagpisil pa ng pisngi ni fugi at pa cute cute pa nalalaman itong anthony na ito
ah! (ang mga naglalaro sa isip ni ian)
Napansin ko naman si
ian na parang malalim ang iniisip kaya pinitik ko ito ng mahina sa tenga at ng
sabi ditong
Ako: ikaw ikaw ha mr.
ian seth sandoval tatahi-tahimik ka dyan ha kala mo makakalusot ka na sa ginawa
mong panlalaglag sa akin,,, uhm! (ang tampu-tampuhan kong wika dito)
Tumingin ito sa akin,
ngumiti at nagwika ng...
Ian: sabi po kasi ni
ma’am yung may talent daw, eh di ba napahanga mo pa nga kami ni kuya ely (ang
pambawi nito at lumapit ito sa tenga ko), kantahin mo ulit yung kinanta mo nung
nasa lyric tayo yung kanta mo sa akin, yung FIX YOU, para maayos na ako (ang
bulong nito na may halong pagbibiro)
Nakaramdam na naman
ako ng kiliti sa ginawa nitong pagbulong at napayuko na lang ako bigla dahil
parang nag-init ang pisngi ko. Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata ni ian
kaya bumulong uli ito....
Ian: o bakit ka
namumula? (nangingiting bulong nito)
Inipon ko lahat ng NEN
ko katulad ng ginagawa ni Gon at
nag-focus para mawala ang pamumula ko (hahaha dyan dyararan YES! naisingit ko
ang paborito kong hunter X hunter. Hahaha). At nang maramdaman kong kalamado na
ako humarap ako kay ian at nagwika ng....
Ako: pano kung anu-ano
sinasabi mo (sabi kong parang bata sabay siko ng marahan sa balikat nito at
sabi ng...) KUKO ni BAD-JU-LA (tanda nyo ba mga pipz kung saan anime yan??)
Napatawa naman si ian
sa ginawa ko at inilagay ang kamay niya sa ulo ko at gulo ng buhok ko sabay
sabi ng “adik ka talaga”
Ako: walang guluhan ng
buhok (ang parang bata kong saway sa kanya pero sa loob loob ko natutuwa ako sa
ginawa niya)
Tuwa lang uli siya at
ako naman ang lumapit sa kanya at bumulong
Ako: masaya ako at tumatawa ka na, sana tuloy tuloy
na yan (marahan at mahina kong sabi na sapat na para marinig niya at inilayo ko
na ang ulo ko sa tenga niya at humarap na ako sa white board)
Thru my peripheral
vision (hala makainglish lang. hehehe, mga pipz alam nyo na naman siguro ang
peripheral vision kaya hindi ko na yan ititrivia ha! Hahaha), nakita kong
lumapit ang ulo niya sa aking tenga at bumulong uli.....
Ian: dahil kasi sayo,
baliw ka kasi, kaya salamat (marahan din nitong sabi sabay layo nito sa akin)
Hindi na naman
nakaligtas sa utak ko ang sinabi ni ian na “dahil kasi sayo” at “kaya salamat”
at yun nga nagpaikot ikot na naman ang mga salitang iyon sa utak ko kasama ang
ang CEREBROSPINAL FLUID (kelangan ba ng trivia para sa medical term na ito??
Hahahaha sige na nga), at sa puntong iyon hindi ko na napigilang mapangiti,
ngiting siya lang ang nakakapagdulot.
~~~~~~~~~~~
Ang Trivia, bow
(hehe): ang Cerebrospinal fluid ay likidong dumadaloy at umiikot sa brain at
spinal cord natin. Ito ay nagsisilbing lubricant para hindi sumayad ang utak
natin sa bungo natin at ito din ang nagsisilbing pananggalang para hindi
mapasok ng infection ang utak natin.
Sana po ay
naintindihan ninyo, hehe
~~~~~~~~~~~~
At sa kabila pa uling
banda hindi rin naman nakaligtas ang ginawa naming pagbubulungan ni ian sa mga
paningin ni anthony......
May pabulong bulong pa
nalalaman yang ian na yan ah! Asungot talaga, medyo naiinis na sabi ni anthony
sa sarili niya.
Agad naman ako humarap
ulit kay anthony nang maalala ko na may hihingin akong pabor dito
Ako: anthony pwede
humingi ng pabor?
Anthony: sure! Ano ba
iyon (magiliw naman nitong pagpayag na may kasama pang ngiti)
Ako: pwede mo ba akong
samahan dun sa bilihan ng sticker yung sa mga sasakyan, para makapasok sa loob
ng campus si drey
Anthony: oo naman,
sasamahan kita (nakangiti uli nitong sagot sa akin), teka nga pala sinong drey?
(dagdag na tanong nito)
Ako: salamat (sabat
ngiti ko din sa kanya), mamaya ipapakilala kita kay drey (dagdag na sabi ko
dito)
Ian: pasama na rin bili
na rin ako (biglang sabat sa usapan nito sa usapan namin ni anthony
Anthony: oo ba
(nakangiti na ewan ni anthony kay iyan) asungot talaga (bulong naman nito sa
sarili niya)
Maya maya ay dumating
na ang prof namin sa nat sci, dahil nga once in a week ay hindi gaya noong
Monday na dini-dismiss agad kami pagkatapos makapagpasa ng 1/8 index card,
nadiscuss ang grade computations at nasabi ang mga rules and regulations nila,
naging iba ngayon parang start na ang regular class sa subject na ito, paano
kasi mabaha nga naman ang nakalaan na oras sa subject na ito, sayang din. Kaya
naman meron nang seating arrangement
Magkakahiwalay na
tuloy kaming tatlo, sa bandang likuran parin si ian dahil sa S nagstart apelido
niya, ako naman ay sa ikalawang row mula sa una at si anthony at sa likod
namin.
Sa puntong iyon ay
madali ko namang nakagaan ng loob ang katabi ko dahil mabait ito dahil nung
makaupo na ako ay bigla ako nitong kinausap
Hi! Ikaw si fugi di
ba? Good luck sa Friday! Ako nga pala si Maria Janine Castillo, pagpapakilala
nito sabay lahad ng kamay nito
Salamat! Oo ako nga,
Fugi Chio, nice to meet you janine, sabay ngiti dito at kuha ng kamay nito
Naging instant
magkaibigan kami agad dahil sobra magaan siya kausap at mabait talaga pero
higit sa lahat ay kwela din ito kaya nagkakatawanan kami nito pero mahina lang,
may klase ih hehe
(Ang clue ay siya ang
pinakamalapit ko na kaibigang babae... yan ha may clue na... hahaha)
Pagkalipas ng halos
tatlumpong minuto pabibigay ng background ng prof namin tungkol sa subject na
iyon ay pinagbreak niya kami para ng 30minutes para narin makabili ng book na
pinabibili niya [ara masimulan na ang lecture proper ay bigla akong nilapitan
ni anthony at ian
Anthony: ano ngayon na ba tayo pupunta sa OSA para bumili ng sticker mo o mamaya na lang?
Anthony: ano ngayon na ba tayo pupunta sa OSA para bumili ng sticker mo o mamaya na lang?
Ako: ay oo nga pala
(kaya naman nakiusap nalang ako kay janine na padamay sa pagbili niya ng libro
sa nat sci at pumayag naman ito)
Ako: Janine si ian at
anthony nga pala kaklase ko, ian at anthony si janine kaklase ko din (biro kung
pagpapakilala sa kanila na ikinatawa na man nila)
Nagpakilala naman sila
sa isat isa
Ako: janine pabor
naman pwede padamay sa pagbili mo ng book may aasikasuhin lang ako (sabi ko kay
janine na nahihiya at biglang nagsisabatan sina anthony at ian)
Anthony: ako din
padamay
Ian: ako din po
(pakiusap ng mga ito na agad namang tinugunan ni janine)
Janine: oo naman basta
kayo taya sa lunch ko mamaya (biro nito na ikinatawa naming lahat)
Pagkapayag ni janine
ay pareparehas kaming tatlo nagsilabasan ng wallet para kumuha ng pambayad at
sa pag labas naming tatlo ng pera ay tumambad sa amin ay malaking halagang buo
na pera, hindi tuloy alam ni janine kong alin ang kukunin pero mas maagap si
anthony kesa sa amin dalawa ni ian kaya yung sa kanya muna ang iniabot niya na
kinuha naman ni janine
Agad naman kaming
nagpasalamat kay janine at pagkalabas ng room ay naghiwalay na kami ng landas
si janine sa bookstore kami sa OSA (Office of Student Affairs). Agad naman na
nakabili kami ng sticker at pagkatapos ay inaya ko agad ang dalawa na pumunta
sa bookstore para puntahan si janine at tulungan ito. At naabutan nga namin
itong nasa counter na at binabayaran ang nabiling libro. Agad kaminglumapit
dito at nang akmang bibitbitin ko ang mga libro bigla namang lumabas ang tig-isang
kamay nila ian at anthony sa ibabaw ng mga libro
Ian: ako na ang mga
bibitbit
Anthony: hindi tol ako
na
Bigla naman ako
sumingit sa nagbabayad gitgitan ng dalawa (hehehe joke)
Ako: hala! Mag-aagawan
pa kunin nyo na lang yung mga libro ninyo, kanya kanya bitbit ok! (ang natatawa
kong sabi sa dalawa at sumunod naman ang dalawa)
Pagkatapos magbayad ni
janine at nag-aya ako pumunta sa cafeteria para magmerienda at ako na nga ang
nagbitbit ng book namin ni janine. Pagkahanap namin ng table ay agad kaming
tumungo doon. Pagkaupo....
Ako: janine anong sayo
libre ka namin (nakangiti kung sabi sa kanya habang nakaharap sa kanya na
inayunan naman ng dalawa)
Oo nga janine, sabay
na sabi ni ian at anthony
Janine: biro lang yon
(natatwang sabi naman nito)
Ako: y sya last mo
nang joke yun ha (at natawa naman si janine sa paggatong ko sa sinabi niya),
wag ka na mahiya dahil hindi ka mananalo sa aming tatlo (nangingiting dagdag
sabi ko sa kanya at wala na nga itong nagawa)
Pagkakuha ko ng order
ni janine ay tumayo na nga ako at sumunod si ian na susundan sana ni anthony ng
pigilan ni ian si anthony....
Ian: tol kami na lang
ni fugi, kami na bahala may utang kami sa syo hindi ba (at wala na ngang nagawa
si anthony)
Panira talaga ng
diskarte ah!, bulong uli ni anthony sa sarili niya
Pumili na nga kami ni
ian sa counter
Ian: ano sayo?
Ako: same na lang din
nung kay janine
Ian: ako na lang
magbabayad ha pwera lang yung kay anthony (biro nito)
Ako: sira, yaman
talaga ah! (biro ko dito), teka nga lang hindi nyo ba gusto ang isat-isa ni
anthony, mabait naman siya ah (pahabol kung sabi)
Ian: teka nga lang din
hindi mo pa nakikwento paano kayo naging close agad ng anthony na yan, matagal
na ba kayong magkaibigan (may kakaibang tono ng pagtatanong niya) (ayiie...
hehehe.)
Ako: paano kasi.....
(hindi ko pa nasisimulan ang sasabihin ko ng umimik ang nasa counter at
kinukuha ang order namin, kami na pa.. hehehehehe)
Hindi ko na nga
naikwento pa kay ian ang tungkol sa pagkakakilala namin ni anthony. Nang
mailagay na sa dalawang tray namin ang order namin at makabayad, nang akmang
kukuhanin ko na ang isang tray ay pinigilang ako ni ian
Ian: fugi wag mong
hahawakan yan tray (seryosong sabi nito na ikinagulat ko naman at kinakunot ng
noo ko)
Humarap si ian kay ate
sa counter at nagwika
Ian: miss pa-assist
naman, pakisunod noong isang tray sa amin, hindi pa kasi pwedeng ibuin masyado
at magbuhat ng medyo may kabigatan itong kasama ko at nasa healing process
palang yung injury niya sa braso (ang seryoso nitong sabi at sumang-ayon naman
si ate at tumawag ng crew)
Nagulat ako sa sinabi
ni ian pero nang i-analyze ko ang mga pangyayari, siguro ayaw niya lang akong
pagbuhatin (wow sweet ah! Ayieee... hahahahaha, galing ko mag-analyze noh!
Hehe) at nangiti na nga lang ako sa naisip ko:]
Nanghumarap sa akin si
ian ay tumatawa ito imbes na makitawa ako ay sinalubong ko kunyari ng
nagtatanong na itsura agad namang tumalikod sa akin si ian dala ang isang tray
at sumunod din ako dito. Nang makalapit ako dito ay bumulong ako...
Ako: may nalalaman ka
pang injury ha, may pa healing healing process pa na bawal magbuhat ng
mabibigat, imbento ka rin ano, lakas mo din mang trip (ang pangbubuyo ko sa
kanya na ikinatawa ko)
Ian: ikaw na nga itong
tinulungan para hindi na magbuhat, mukhang weak kasi (natatawang biro naman
nito sa akin)
Nagkakatawanan kami ni
ian ng makalapit kami sa table namin na napansin agad ni anthony
Anthony: ang saya nyo
ata (sa may himig na sarcasm na puna nito)
Ako: paano ang galing
pala umarte ni ian, actor ni the making (ang natatawa kong sagot sa kanya)
Janine: bakit ano ba
ginawa ni ian? (interesadong tanong nito na at inilahad ko nga sa kanila ang
ginawang kalokohan ni ian at nag tawanan nga kami pwera lang kay anthony na
pilit ngumiti)
Anthony: pasikat ah!
(bulong nito sa kanyang sarili)
Pagkatapos ay tahimik
na kaming kumain at pagkatapos ay bumalik na sa room.
Nagkaroon na ng formal
lecture si ma’am at nang 30minutes na lang bago matapos ang klase ay ibinigay
na ang irereport naming lahat sa buong sem na iyon (ganoon kasi yon kami ang hahayaan
niyang magdiscuss tas mag-iinject na lang ang prof namin ng ibang notes na
hindi namin nasabi sa report namin tas yun na din ang magsisilbing recitation
namin), by two’s ang ginawa ni ma’am kami na daw ang bahala pumili ng partners at
pagnakapili na daw kami ay pumunta kami ng partner ay lumapit na lang kami sa
prof namin para maibigay ang report namin at pagkatapos noon at pwede na kaming
lumabas
Nang nag-aayos na ako
ng gamit ko agad naman palang lumapit sina ian at anthony sa aking kinatatayuan
Fugi partner tayo,
sabay na sabi nung dalawa at pagkatapos ay nagkatinginan naman silang dalawa
(parang lagi na lang silang nagkakasabay noh! Hehehe)
Nagulat naman ako sa
dalawa, gusto kung makaparner si ian eh ayaw ko namang i reject si anthony,
nang tumingin ako sa kanilang dalawa at nagtititigan ang dalawa kaya mabilis
ako nag-isip nang sasabihin at napansin ko nga si janine na nag-aayos ng sarili
niya habang nakaupo parin sa upuan niya
Ako: si janine na ang
partner ko, nakapag-usap na kami (ang sabi ko sa kanila at humarap agad ang
dalawa sa akin at sunod ay humarap kaming tatlo kay janine, agad ko namang
sinenyasan si janine at nakuha naman agad niya)
Janine: ah.. oo nga
nagkasundo na kami kanina (mabilis na sagot nito at nagkatinginan nga kami ni
janine at nagkangitian)
Bagsak mukha naman ang
dalawa nghumarap ako sa kanila kaya naman agad akong humingi ng tawad (kahit
ako naman gustong gusto kong kapartner si ian diba ipinangako ko sa sarili ko
na lagi ako sa tabi niya ang kaso sabay kasi sila ni anthony na nagsabi ayaw ko
rin naman na humindi sa kanya, kaya para walang tampuhang mangyari si janine na
lang ang pinili ko)
Ako: sorry (mahina
kong sabi sa kanila at tumango na lang sila sa akin), bakit hindi na lang ako
ang magpartner? (dagdag ko)
Janine: oo nga
At nagkatinginan nga
ulit sila agad naman akong pumunta sa gitna nila at umakbay
Ako: oo kayo na nga
lang ang magpartner, promise tutulong ako sa paggawa ninyo ng report, ok ba
yun?
Ian: sige ok lang sa
akin basta sasama ka sa amin fugi paggumawa na kami ng reports
Anthony: oo nga
(paniniguro nilang dalawa na tinanguhan ko naman)
Agad na nga kaming
lumapit kay ma’am para kunin ang irereport namin, kami muna ni janine ang kumuha
ng report namin at pang apat kami sa magrereport at next week na agad kami ni
janine at sumunod naman sina ian na lumapit kay ma’am para kumuha ng report.
Lumabas na kami ni
janine at doon na nga namin balak antayin sina ian at anthony
Janine: close ka na
agad sa dalawang iyon ah (puna nito)
Ako: mabait kasi sila katulad
mo kaya kay close na din tayo diba? (nakangiti kong sabi)
Janine: galing sumagot
ah! Sige sabi mo ih! (natatawa nitong sabi)
Makaraan ang wala pang
limang minuto ay lumabas na ang dalawa at good news naman dahil hindi
magkasabay ang schedule namin ng report a week after pa namin silang dalawa
kaya matutulungan ko ang mga ulupong.
Pumunta na uli kami sa
cafeteria para maglunch. Pagkahanap ng pwesto at pagkalapag ng mga gamit namin
ay pumila na nga kami, ang pagkakasunod-sunod namin sa pila ay,,,, si Janine,
anthony, ako at si ian, kukuha na sana ako ng tray ng bigla ako inawat ni
anthony
Anthony: wag kana
kumuha ng tray fugi dito mo na lang din sa tray ko ilagay ang bibilhin mo di ba
may injury ka at nasa healing process pa yan kaya bawal ka pa magbuhat ng medyo
may kabigatan, tama ako ian di ba? (ang nangingiti nitong sabi sa akin sabay
tingin kay ian ngiting hindi mo naman maintindihan ang itinugon ni ian)
(Natawa naman ako sa
sinabi ni anthony na iyon)
Ako: ay oo nga pala
(hahahaha), sige salamat anthony masakit pa nga medyo kumikirot kirot pa (pagsakay
ko sa biro nito)
One point, bulong ni
anthony sa sarili niya at ngumiti ito, ngiting parang nagtagumpay
Pagkatapos mailagay
nung crew iyong inorder ko sa tray ni anthony ay sabay na nga kaming umalis at
pumunta sa table namin at naiwan si ian na omu-order
Galing mang-inis ang
anthony na ito ah! Bulong naman ni ian sa sarili niya at pagkatapos ay dala ang
lunch nito at tinungo na nito ang lugar kung san kami nanduduon.
Nang mailapag nni ian
ang pag tray nito ay napansin kong 2pcs pork chop, dalawang rice at mineral
water lang (ay may gulay naman sa menu may ulam naman na may sabaw doon, ang
tuyo naman ng kakainin ito), nang kakain na kami ay inalok ko ito ng binili ko
Ako: o gulay (sabay lagay
ko sa gilid nang kinakainan niya)
Ian: hindi ako medyo
kumakain ng gulay pili lang (pagbibigay impormasyon nito)
Ako: ito hipon gusto
mo pati sabaw medyo tuyo kasi yang kinakain mo (pagpuna ko dito lumapit naman
ito sa akin at bumulong)
Ian: ano kasi.. hindi
ako pwede kumakain niya ngayon (mahinang sabi nito na sapat na para marinig ko)
Ako: bakit? Allergy
ka? (bulong na tanong ko dito)
Ian: parang, pwede
naman kaso wala akong dalang gamot (antihistamine) ngayon
Ako: ah ibigsabihin
nakakakain kalang ng mga iyan pag may ready na gamot para pag inatake ka ng
allergic attack mo (paglilinaw ko na tinanguhan naman niya), Yaman talaga
(dagdag biro ko dito na ikinangiti nito)
Ako: sandali lang
(sabi ko kay ian sabay pigil sa kanya sa paglalagay ng ketsup sa porkchop na
ulam niya)
Agad ako nagtungo sa
counter at humingi ng kalamansi sili at maliit na lalagyan para sa sauce at
sabaw na din para mambalance sa kakainin ni ian (masyado bang caring??
Hehehehe paano yon ang pumasok sa isip
ko agad ih! Defensive ba? Hahahaha), at pagkabigay nito sa akin ay agad akong
tumulak sa aming table
Ako: o yan (sabay abot
ko ng sabaw na hiningi)
Ian: baka iyan yan
yung sabaw ng hipon ah (nag-aalang sabi nito)
Ako: hindi, sabaw yan
ng tinola kaya wag kang mag-alala (paninigurado ko dito)
Agad ko namang piniga
ang kalamansi sa maliit na lalagyan at nilagyan ng toyo pagkatapos ay tinatong
ko siya kung may allergy din sya sa sili
Ako: sa sili may
allergy ka din ba
Ian: hindi, hindi
naman (sa sinabi niyang iyon ay inilagay ko ang sili sa ginawa kong sauce para
sa ulam niya at hiniwa ito ng isang bese lamang para hindi masyado mahalang)
Ako: o yan sawsawan
(sabay abot ko nito sa kanya na ikinangiti naman nito)
Bigla namang sumingit
si janine
Janine: ang sweet ah!
(nangingiting sabi nito patungkol sa ginawa ko)
Ako: hindi paano may
allergy siya sa hipon at hindi daw po si masyado kumakain ng gulay at napansin
kong tuyong tuyo naman ng kakainin ni ian kaya naisip ko iyan (paglilinaw ko sa
ginawa ko........ wala naman akong ginawang kakaiba diba mga pipz??? Hehehe)
Janine: aaaaahhhhhhh!
(ang nangingiti paring sabi nito sa akin at hindi ko na lang ito pinansin)
Tahimik namang
nagmamasid si anthony sa kinauupuan niya
Masyadong paimportante
ah! Bulong nito sa sarili na patama kay ian
Nang magsimula na
kaming kumain ay katahimikan na ang namayani sa pagitan namin, nang makatapos
na kaming kumain lahat ay tatayo sana ako para kumuha ng tubig sa fountain ng
mapuna ako ni ian
Ian: oh saan ka
pupunta?
Ako: dun (sabay turo
sa fountain) kukuha ng tubig
Ian: ako na lang
pambawi sa sauce na ginawa mo (nangingiting wika ito)
At agad nga itong
nagtungo doon, nangiti naman ako ng palihim sa ginawa nito. Agad din naman
itong nakabalik at pagkainom ko ay nagkayayaan na pumuna na sa susunod naming
subject dahil malapit na rin magtime
Next subject namin ay
General & Inorganic Chemistry – Laboratory from 1pm-5pm, Mabini bldg., room
304
Pagkadating namin sa
tapat ng room namin ay sakto namang dating ng prof namin kasama ang guard na
magbubukas ng room namin na yon (nakalock kasi mga laboratory rooms dahil may
mga mahahalagang gamit ang nanduon). Nang makapasok na at nang makaupo na lahat
at ayos na ay katulad ng dati pinagpasa kami ng 1/8 index card na may personal
information namin tapos non ay inarrange na nakami alphabetically (kaya
magkakahiwalay kami nila anthony at ian), then nagdiscuss si ma’am ng hatian ng
grades ng lecture at laboratory tas rules ang regulations ng paggamit ng lab
room then pinakita niya ang module na gagamitin namin na naglalaman ng mga
experiments na gagawin namin tapos nangolek siya para sa mambili ng mga modules
para sabay sabay na at nang matapos ay nagsama siya ng dalawa naming kaklaseng
lalaki at bumili na. Pagkabalik nila at diretso na agad sa klase.
Nang pumatak ang
3:30pm at pinagbreak kami ni ma’am for 15minutes (na nagiging 30minutes,
filipino time ba! Hehehe), at biglang lumapit sa akin si anthony at niyaya ako
Anthony: fugi tara
meryienda tayo
Ako: sige ba (at
tumingin ako sa dako ni ian na nakatingin pala sa amin, kaya senenyasan ko siya
nung nakatikom ang mga daliri na parang may hawak na kanin, yung pagkumakain
pag nagkakamay at iniibo-ibo ito malapit sa aking bibig habang umiimik ng “kain
tayo” pero walang tunog at tumango naman si ian bilang pagpayag sabay tayo at
lakad papunta sa kinaroroonan namin)
Habang papalapit si
ian ay nagsalita uli si anthony
Anthony: sa labas
naman tayo nakakasawa na sa canteen (pagyayaya nito na nakatingin sa akin at
nakangiti)
Ako: sige ba, janine
sa labas daw
Janine: hindi na ako sasama kayo na lang
Janine: hindi na ako sasama kayo na lang
Ako: may gusto ka ba
ipabili
Janine: candy lang
siguro
Ako: sige libre ko na
yon sayo (natatawa kong sabi dito)
Janine: wag na
nakakahiya naman sayo, masyado yung mahal (pagbibiro nito)
At nang makalapit na
si ian
Ako: ian sa labas daw
tayo (tumango na lang si ian at naglakad na kami papalabas ng room)
Habang naglalakad ay
bigla naman akong inakbayan ni anthony na ikinagulat ko din pero hindi ko na
lang pinahalata, normal lang (mabango si mokong ah, hehehe)
Anthony: yun fishball
tayo (masigla nitong sabi habang nakaakbay ito sa akin sabay turo doon sa cart
nung magpi-fishball)
Ako: sige ba
Sa kabilang banda
naman ay ian ay nakatingin lang sa amin ni anthony, nasa medyo likuran namin
siya, ang bilis kasi maglakad ni anthony na kelangan ko sabayan kaya nauuna
kami ni anthony
Nang makalapit na kami
sa fishbolan at bumulong sa akin si anthony habang nakaakbay pa rin na hindi
naman nakaligtas sa paningin ni ian
Anthony: pwede magyosi
muna
Ako: nagyoyosi ka?
(ang medyo nabigla ko na tanong kasi hindi halata sa kanya, ang bango niya tas
mapupulang mga labi at mapuputing mga ngipin, kasi talagang malaki ang epekto
ng sigarilyo doon sa tatlo na iyon, na kumakapit ang amoy ng yosi sa katawan
lalo na pag sobrang tagal na, tas nagiiba ang kulay ng labi pati ngipin, di ba
diba?? Kaya ganoon ang naging reaksyon ko nung sabihin niyang nagyoyosi siya)
Anthony: oo (sabay
tango at nawala ang ngiti sa mukha niya)
Ako: ah! Sige antayin
ka na lang namin dito ni ian, hindi kasi ako nakatagal sa amay ng sigarilyo
parang aasthma-hin ako (pagbibigay impormasyon ko sa kanya)
Anthony: sige hindi na
lang pala ako magyoyosi
Ako: hindi ok lang
antayin ka namin dito (sabay alis ko ng medyo may kalakihan niyang braso sa
balikat ko)
Anthony: hindi na,
tara na magfishball na tayo (sabay akbay uli nito sa akin)
Inialis na naman ni
anthony ang pagkakaakbay niya sa akin, kumuha na kami ng tig-isang stick ni
anthony at tumusok na din ng lutong fishball at kikiam sabay kain nang mapansin
kong nakaingin lang si ian sa amin
Ako: oh ian kuha na
ikaw, stick o (sabay abot sa kanya)
Bigla naman itong
lumapit sa akin at bumulong ulit
Ian: hindi ako nakain
ata niyan, hindi pa kasi ako nakakakain ng ganyan (ang medyo nahihiya nitong
sabi)
Ako: wala ka naman
allergy dito? 9bulong na tanong ko dito)
Ian: sa hipon at crab
lang pa naman ang alam ko
Ako: rich kid talaga
(birong bulong ko dito). Tikman mo lang (at tumusok ako ng kikiam sinawsaw sa
matamis then sa mahalang sabay tapat sa bibig niya)
Ako: nganga (parang
magulang na nagpapakain ng anak ang lagay namin sa puntong iyon)
Nakita ko namang
nag-aalang si ian kaya naman
Ako: tikman mo lang
para ma-experience po, dali nganga na (pakukumbinsi ko sa kanya)
Pero hindi nag-aalanga
parin siya at bigla na lang pumasok sa eksena si anthony ay sinunggaban ang
kikiam na isusubo ko dapat kay ian
Anthony: ang sarap!
(ang bibo nitong sabi)
Natawa naman ako sa
inastang iyon ni anthony kaya
Ako: good boy anthony,
kitams ian masarap sabi kaya try mo lang (pagbibiro ko sa dalawa at tumusok
ulit ako ng kikiam at isinawsaw ko uli sa matamis at mahalang tapos hipi ng
kaunti dahil medyo nausok pa halatang maini- init pa iyon sabay sapat sa bibig
ni ian at sabing “nganga”)
Binuksan naman ni ian
ang bibig niya at dahan dahan isinubo sa kikiam sa kanya. Habang nginunguya
niya ito at nakatutuk ako sa mukha niya dahil tinitingnan ko ang magiging
itsura, sasabihin at kung may allergic reaksyon na mangyayari sa kanya
Ian: masarap nga! (ang
nakangiti nitong sabi sa akin pero mataman ko parin siyang tinitingnan)
Ian: bakit ka ganyang
makatingin (sabi nito sa akin sabay lapit at bumulong uli), Gwapo no! (natatawang
sabi nito)
Ako: adik, tinitingnan
ko lang kung may mamgyayari sayo, baka may allergy ka din pala dyan (sabay
baling ko sa lutuan ng mga fishball at kikiam dahil parang namula ako sa sinabi
niya.. hehehehhe)
Pagkatapos
magmeryienda ay bumalik na kami. Mabilis na lang naman ang naging klase at
hindi nain namalayan na uwian na. Hinintay muna naming makalabas ang mga
kaklase namin bago kami lumabas
Ako: saan ka pala
umuuwi?
Janine: sa Alangilan
Ako: ah! Malapit lang
pala dito
At lumapit na nga ang
dalawang mokong sa amin ni janine
Tara na! aya ni
anthony
At naglakad na nga
kami palabas, humiwalay naman sa amin si janine dahil may dadaanan pa ito nang
kami na lang tatlo
Anthony: sabay ka sa akin fugi, ikaw ian saan ba uwi mo? Sabay ka na rin
Anthony: sabay ka sa akin fugi, ikaw ian saan ba uwi mo? Sabay ka na rin
Ako: ah! Anthony dala
ko kasi si Drey
Anthony: sinong drey
(ang medyo nagtataka nitong tanong)
Ako: ay oo nga pala
hindi ko pa naipapakilala sa iyo, motor ko iyon (natatawa ko sabi sa kanya)
Ian: kay fugi na lang
tol ako sasabay, salamat sa alok (pagsabat ni ian sa usapan)
Anthony: ah! Kaya pala
noong hinihintay kita sa kanto nyo kanina ay hindi kita matyempuhan nakamotor
ka pala
Ako: inabangan mo ako
sa kanto namin kanina?
Anthony: oo, nagbaka
sakali na makikita kita para sabay na tayo papasok
Ako: ah! So anthony
puntahan na namin si drey, ba-bye (sabay kaway bigla lumappit at bumulong ulit
sa akin si anthony)
Anthony: ingat sa
pagmomotor ha, see you tomorrow (nakiliti naman ako sa ginawa niya)
Ngumiti na lang ako sa
kanya at tuluyan na nga kaming naghiwalay. Pumunta na kami ni ian kay drey,
habang naglalakad ay bigla naman akong inakbayan ni ian na talaga namang
IKINAGULAT, IKINAKABA, IKINABILIS ng aking PAGHINGA at pagPINTIG ng aking PUSO.
Ang INIT sa loob ng BISIG niya na parang PROTEKTADO ako pag-andoon lang ako na
lagi akong nasa MABUTING LAGAY na WALANG MAKAKAPANAKIT sa akin at higit sa
lahat ay ang FEELING og COMFORT (at
sobrang bango niya promise.. ayiiieeeee), bigla naman itong bumulong sa akin na
ikinakiliti ko din
Ian: masyado naman
agad kayong close ni anthony ha! At magkasama pa pala kayo kahapon sa mall at
alam na rin niya kung saan ka nakatira (at sunod- sunod niyang bulong sa akin
na may bahid pag-iimbestiga) (selos ba yan? SANA! Asumero hahahahaha pero
nakakakilig naman di ba di ba?? Hehe)
Itutuloy..........
16 comments:
ganda ng flow ng story...team IAN aq..hihi
Kuko ni BADJULA sa ZENKI yan db..?!
bowt sa work..di mo tinry mgapply sa RNheals project..dun kc aq..pero endo na dis feb..kya kuha sila new batch..
Hahaha kakatawa si Fugi.
Ian pa din ako.
Pero pwede din kay janine. Hahahaha
nice author. Next agad
from City of Malolos, Bulacan.
ala Kahit medyo magulo, maganda naman ang kwento kakakilig :) hintayin ko next chapter neto promise
nice Fugi. Another cute and kilig chapter.love it. Love the medical terms i'm reading them out loud.hhahahaha. Di lang ako makarelate sa mga anime terms hehe, si naruto lang alam ko. Waiting for ur next update
wow galing sa zenki nga un.. mali nga kuko ni DIBA ata yun.. heheh
nagpasa ako for BATCH 3 sana matawagan.. heheh pano ba ang process ng pagcontact nila?? salamat:]
hehe, salamat po baka po bukas ako makapag-update:]
wow! salamat po sa pag-intindi at salamat at nagustohan mo po ang gawa ko:]
salamat po sori po kung hindi ka makarelate sa ibang anime na nabanggit, siguro ay nakalimutan mo lang (heheh)
grabe, mas maganda na ang pagkakasulat mo sa pahina na ito kumpara sa mga nakaraang chapters... mas maganda ang format na kaya di na xa mahirap basahin... ang galing2x... mas nakaka-enjoy na xa basahin... pero as usual nakakakilig at maganda pa rin ang takbo ng story... nice!!!... hintay2x na ulit ako sa mga susunod na chapters...
pwd ba idol na tawag ko sau author FUGI?..galing eh..hehe..(advance ata ang update sa BOL,tma ba?,hehe)pero binabasa ko parin dito ulit..d kasi nkakaswa eh..kylan pala yung kasunud,idol?hehd..excited lang..team FUGIAN AKO!;)
sr143.
salamat po:]
opo advance nga po dun dahil dun ako una nagsubmit ay nito lang ang hirap na makapasok kaya natatagalan ang update ko.. salamat sa mga komento mo.. nababasa ko po talaga kahit ung asa BOL.. salamat salamat:]
bsta alam ko zenki un..hehe
ahmmm nung kmi may txt message for interview..gudluck sana mka IN ka..dto kc tarlac wla dn blita kung kelan start new batch..bsta kmi dis feb end nmin...
gudluck sau..:))
_niccolo'25_
nice story fugi,keep it up,hope mging successful ang story mu,jejeje...
-daRkaNgeL13
hehe,, salamat po for the info!.. :]
salamat,, ok lang naman kahit hindi maging successful,, basta lagi mulang basahin itong gawa ko.. hehhe salamat salamt
Post a Comment