Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Teng teng teng teng ........
Nagising ako
sa tunog ng aking alarm clock (o di ba kakaiba ang tunog? Hahahaha), sinanay ko
muna ang mga mata ko bago ako dahang dahang tumayo (hindi niyo ba napapansin na
kapag biglaan kayong tatayo mula sa mahabang pagkakahiga ay nakakaramdam kayo
ng hilo, ang tawag sa field namin ay ORTHOSTATIC HYPOTENSION, kinakaya pa ba ng
utak ninyo ang mga medical terminoligies na isinisingit ko? Hehehe pasensya na
po may trivia naman. Hahahaha)
********
>ang
TRIVIA: ang ORTHOSTATIC HYPOTENSION o
POSTURAL HYPOTENSION, as the word “POSTURAL” imply, nangyayari ito dahil sa
mabilisang pagpapalit natin ng posisyon mula sa mahaba nating oras na
pagkakatayo sa pinalitang posisyon katulad na mahabang pagkakahiga tapos
biglang uupo o kaya sa magkakaupo tas biglang tatayo na nagiging dahilan ng
makaramdamtayo ng hilo na minsan sinasamahan pa ng panlalabo ng ating mga mata
(siguro naman at one point in your life mga pipz naranasan niyo na ito, at
ngayon siguro alam ninyo na ang tawag dito. Hehehe) Back you Fugi! Hahaha
********
Pagkatayo ko nag-unat unat ako at
pagkatingin ko sa relo 6:30am pala. Maaga pa para sa una kong klase na 8:00am.
Dalawa lang ang subjects ko ngayon pero mahabang oras naman ang nakalaan dito
dahil sa isang beses lamang ito sa loob ng isang linggo pinapasukan.
Bumaba na ako para magbreakfast at
pagkababa ko ng hagdan nakita ko si angel na nanonood ng isa sa mga paborito
nitong palabas na spongebob square pants (na naging paborito ko na din dahil sa
kanya, nagets ko na kasi ang humor ng palabas na yon kaya natatawa ako sa mga
kakaibang ginagawa ni spongebob at syempre sa parang tanga lang na si patrick the
star.. hahaha). Tinabihan ko si angel sa pagkakaupo at kinalabit ko ito, hindi
ako nito pinansin (ganyan yan! Ugali na ni angel ang mangdeadma pag gusto niya
ang pinapanood hehehe)
Hindi ko na siya inistorbo baka magalit
(hahaha natakot ba naman sa bata.. hahaha) narinig ko na lang ang pagtawag sa
akin ni mama
Mama: anak, kain ka na doon nakahain na
(sabi niya habang papalapit sa kinatatayuan namin ni angel na may hawak hawak
na tsupon, breakfast ni angel, hulaan ko lactum yon dahil 100% nourishment, hahahahahahahaha,
grabe namang advertisement ito, hehe)
Ako: sige po ma (at tuluyan na ako
pumunta sa hapag at kumain)
Pagkatapos ko kumain ay pumanhik na ako
sa aking silid para maligo. Pagkatapos magpatuyo isinuot ko na ang aking
sobrang puting uniporme parang nakakatakot madumihan (hehe), humarap ako sa
salamin para tingnan ang itsura ko
Aba bagay ah! Ang sabi ko sa sarili ko pagkakita
ng itsura ko sa salamin
Habang tinitingnan ko ang sarili ko
bigla pumasok sa isip ko sa IAN kaya napawika ako ng
“Sana
matiyempuhan ko siya sa kanto nila para sabay kami” at napangiti nga ako sa naisip ko (hehehe)
Pagkaayos ko sa aking sarili at
pagkahanda ko ng gamit bumaba na ako at bumungad sa akin sila mama na may ngiti
Mama: wow anak sobrang bagay ang uniform
mo sa iyo ah! Gwapong gwapo ah (nagigiting sabi ni mama sa akin)
Ngiti lang din ang isinagot ko sa kanya.
Nakita ko naman si angel sa likod ni mama na parang nagtatago (alam ko nang
kung bakit, ganyan yan! Takot sa nakaputi dahil minsan siyang madala sa
hospital at syempre nai-injection-an siya kaya parang natrauma, lahat naman
siguro tayo nung bata tayo. Hehehe)
Ako: gey-gey kit go ka kod lowla, lis na
to nong, kiss na kin (sabi ko habang papalapit ako kay angel, ang translation
nga pala ng sinabi ko ay “bakit ka nagtatago sa likod ni lola, aalis na tito
ninong, ang kiss ko” hehe)
Nakita kong lalo siyang sumiksik sa
likod ni mama na ikinatawa naming dalawa
Mama: angel! Ang ninong mo iyan (sabay
alis niya kay angel sa likod niya at hinarap sa akin, KJ si mama no hindi
ngbi-baby talk.. hahahaha)
Ako: gey-gey ang to nong to, ano usto mo
bo bong? (“ang tito ninong ito, ano gusto mo pasalubong” ang sabi ko at agad
nga itong lumapit sa akin at yumakap sa tuhod ko, sabi ko na suhol lang ang
kailangan hahahaha, kinarga ko agad si angel at hinalikan naman ako nito ng
around the face niyang kiss)
Tawa ako ng tawa sa ginawa niya iyon
hanggang sa umimik si mama
Mama: o anak akina si angel at umalis
kana ba ka malate ka na niyan (sabay kuha ni mama kay angel sa akin)
Ibinigay ko naman ng maingat si angel
kay mama at nagpaalam na sabay halik sa kanya at kay angel
Mama: anak ha ingat sa pagmomotor (ang
paalaala niya)
Ako: opo ma, hindi rin naman ako
papabayaan ni drey ih! (sabay gawad ng ngiti sa kanya)
Lumabas na nga ako ng bahay at binuksan
ang gate pagkatapos ay pumunta ako kay drey (sa motor ko) para mailabas na ito.
Pagkalabas itinabi ko ito sa gilid at sinarhan ang gate. Pagkasara ng gate
isinuot ko na ang helmet, sumakay kay drey, inistart ang makina, hinayaang
uminit ang makina saka pinaandar (syempre mabagal ng konti para safe at hindi
naman ako nagmamadali)
Sa aking paglalakbay papunta sa school
naisip ko na naman ang naisip ko na “Sana matiyempuhan ko siya sa kanto nila para sabay
kami”
Habang iniisip ko iyon ay hindi ko
mapigilang hindi mapangiti.
Sana talaga, sabi ko sa aking sarili
Pagkalabas ko ng baranggay namin ay San
Pascual na tapos Santa Rita na kaya naman patuloy parin ako sa pag-iisip na
sana, sana talaga makita ko siya sa kanto nila. Pagkalabas ko ng San Pascual,
medyo binagalan ko ng konti para ma-time-mingan ko siya sa kanto nila, sana na
(hehehehe)
Madali lang naman ako niyang mapapansin
kung saka sakali dahil ang helmet na ginagamit ko at yung parang sa
construction worker na hanggang noo lang kaso mas may art lang yung helmet na
gamit ko at mas maliit ng konti (hehe). Kaya ganoon dahil ng eye glass ko
Parang gantong style ang helmet na suot ko nakulay
puti ngalang libre kasi iyon noong binili ang motor at may isa pa na helmet
kulay black naman na nasuot na ni ian (hehe).Nagpabili ako ng isa pa dahil alam ko na may mga
aangkas pag dala ko ito, for safety purposes ba.
Parang ganito naman ang itsura ni DREY kulay black nga lang na may kontingshades of white.
Nang medyo malapit na ang malapit na ako
sa kanto nila ian ay may natatanaw ako na parang nakawhite uniform (bumilis ang
tibok ng puso ko dahil baka si ian iyon), hindi ko naman masyado maaninag ang
mukha dahil kahit nakasalamin ako hindi parin ganoong kadetalye ang makikita ko
hindi katulad sa normal na vision ng isang tao na 20/20.
Pero sa isip ko ay sana siya iyon....
**************
-------------->
si IAN (naman! Hehe)
Maghapon lamang akong nasa bahay kahapon
kahit gusto ko sanang lumabas at yayain sana si fugi para mas lalo ko pa siyang
makilala dahil alam ko magiging isang napakabuti niyang kaibigan sa atin (mga kaibigan, KAIBIGAN lang po ang tingin
sa akin ni ian, pero OK na siguro yon basta nasa tabi niya ako at mapasaya ko
siya, hehe sige hahayaan ko na nga si ian sa pagnanarate niya kaya naman back
to you ian.. hahaha)
Bakit ba naman kasi buong araw ko siyang
kasama noong Monday ay hindi ko man lang nakuha number niya, tsk tsk
Kaya naman wala akong ginawa maghapon
kung hindi ang tumulog, bumaba ng silid ko para kumain, mag-online games at
matulog uli
Kinabukasan, 6:00am ako nagising, hindi
naman agad ako nagmadaling gumayak para pumasok dahil 8:00am pa naman ang klase
ko sa araw na iyon.
Pagkababa ko nakita ko si mama sa kusina
nagluluto ata ng pangbreakfast namin, dumeretso naman ako sa sala para manood
ng TV. Pagkalipas ng dalawampong minuto o mahigit ay tinawag na ako ni mama
para kumain
Agad naman akong nagtungo sa mesa at
sabay kami nagbreakfast ni mama. Kami lang ni mama ang kumain dahil ang kuya ko
ay pihado tulog pa dahil wala naman itong klase ngayon at ang aking ama naman
wala dahil nagtatrabaho (kapitan siya ng barko kaya minsanan lang kung umuwi)
Pagkatapos kumain, pumanhik na ako sa
kwarto ko para gumayak, naligo, nagbihis inayos ang mga gamit na dadalhin para
sa araw n iyon at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.
Pagkababa, agad na akong nagpaalam kay
mama at umalis ng bahay. Kahit may sariling sasakyan naman ako hindi ko ito
dinala, pag kelangan lang pag-umuulan o pagmale-late o kung ano mang emergency
ko lang ginagamit. Mas gusto ko kasi maexperience ang ibang mga bagay.
Pagkatingin ko sa relo ko 7:10am pala at
sakto lang ito at hindi ako malelate. Pagkadating ko sa kanto ay agad akong
nag-abang ng dyip at pagsulyap ko sa kalsada kung saan dadaan ang dyip na
sasakyan ko ay may napansin akong naka-all white uniform na katulad sa akin at
nasabi ko nalang na..
Parang pamilyar yung motor, sabi ko sa
sarili ko
At ng makalapit ng konti ay nakilala ko
kung sino ang sakay nito.
Si Fugi, ang may ngiti kong sabi sa isip
ko
Bumagay talaga ang uniform namin sa
kanya, maputi kasi siya tapos ang amo pa ng mukha niya para tuloy siyang isang ANGHEL (mga pipz nabasa nyo ba yon ANGHEL daw. Hehehe pasensya na hindi ko
mapigilang hindi sumingit. Hahaha)
Hindi ko na namalayang nakatitig na pala
ako sa kanya at nangingiti, bumalik lang ako sa aking ulirat ng bumusina ito ng
makalapit sa akin.
*****************
---------->
it’s FUGI’s term (hehehe)
Nang makalapit nga ako ng mas maigi ay
si ian nga ang lalaking nakaputing nakita ko. Agad na bumilis ang tibok ng
aking puso at paghinga (iba talaga ang hatak niya sa akin)
Tama nga sila na, MAKIKITA mo ang TAONG
lagi mong INIISIP at MATUTUPAD ang ating mga HILING basta wag tayong mawawalan
LOOB (kitams nagkakatotoo, nakita ko si ian. Hehehe, kaya kung may gusto kang
makita isipin mo lang siya at pag hindi mo siya nakikita, kulang pa ang
pag-iisip ko kaya ibuhos mo na ang lahat ng iyong shakra para magkatotoo ang
gusto mo mangyari. Hehehe)
Nang malapit na ako sa harap niya ay
buusina ako at nang mapatapat na ako sa
harap niya ay nakita kong nakatingin ito sa atin at nakangiti (lalo siyang
gumwapo sa lagay na iyon.. ayieee naman)
Agad ko namang niyaya siya na sumabay
(syempre pagkakataon ko na. hehehehe biro lang)
Ako: sabay na (ang medyo bibo kung aya
sa kanya at sabay abot ng isang helmet)
Agad naman nitong kinuha at isinuot ang
helmet at sumakay na. bigla nitong inilapit ang mukha iya sa gilid ko at
bumulong ng......
Good morning Fugi, bulong ni ian
(medyo nakiliti ako sa ginawa niya, kasi
kasi.. hahahaha. Sobrang very good ang morning na ito dahil ikaw ang bumungad
sa akin.. ayiiee)
Go..good.... good morning din, ang
nauutal utal ko bati sa kanya
Ayos ka na ba? Tanong ko sa kanya
Oo, tara na, magiliw na sabi nito sa
akin
Nangingiti naman kung pinaandar si drey.
Mabilis naman kaming nakarating sa
campus kasi smooth ang daloy ng mga sasakyan. Hindi ko naman naipasok sa loob
ng campus si drey dahil wala pa ako sticker kaya sa labas kung asan may inilaan
na parking lot para sa mga motor ko ipinark si drey.
Pagkababa namin bigla nagsalita si
ian...
Ian: ahm fugi ano kasi (ang medyo nahihiya niyang sabi)
Ako: hmmmm?
Ian: kukunin ko sa na number ko, ok lang
ba?
(dahil nga wala ako cell phone ay
napaisip tuloy ako na gusto ko na ulit magkaroon, dahil siguro sa kanya..
hehhehe)
Ako: ah eh ian (ang medyo mahina kong
sambit) wala.. wala kasi ako cell phone
Ian: joke ba yon? (ang medyo may
pagkakunot nitong tanong na ikinangiti ko, gwapo parin kasi siya kahit ganoon
itsura niya.. hehehe)
Ako: oo nga (ang nangingiti kong
pagkumbinsi sa kanya)
Ian: so paano kita makokontak?
(mga
pipz narinig nyo ay nabasa pala yung tanong niya??? “paano KITA makokontak?”
ayiee naman. Haha)
Ako: sa telepono, yun meron kami sa
bahay (ang medyo pabiro ko para hindi mahalata ang kilig, kung kilig man ang
nararamdaman ko, siguro nga. Hehe)
Natawa naman si ian sa sinabi ko (grabe
lalo siyang gumagwapo, promise.. ayiiee)
Ian: sige kukunin ko tel number nyo
(sabi niya habang kinukuha ang phone niya sabay abot sa akin para isave ko dun
ang number ko)
Pagkasave ko ng number ko sa phone niya
ay agad kong kinuha ang maliit na notebook na pinagsisilidan ko ng mga numero
ng kaibigan, kamag-anak at kapamilya ko para incase of emergency kahit nasan
man ako matatawagan ko sila, yun lang yung way ko para makontak sila kahit
nasan man akong lugar dahil nga wala akong cell phone
Ako: ian (pagtawag ko sa kanya at labas
ng notebook), tandaradan may handy dandy notebook (ang pag-iintro ko sa
notebookna parang bata, hehehe)
Natawa naman sa akin si ian (ang cute
ah, bulong ni ian sa sarili niya sa inasal ko) at nagtanong nang.....
Ian: para saan yan? (ang natatawa niyang
tanong sabay turo sa notebook)
Ako: save mo din dito ang number mo,
para makontak din KITA (ang sabi kong may halong pagbibiro para hindi niya
mapansin ang may diin kung sabi sa salitang “KITA” ayiee)
Tatawa tawa naman si ian na kinuha ang
notebook sa akin at sinabayan ko nadin ng pag-abot ng ballpen. Pagkatapos niya
ilagay ang number niya ay ibinalik na niya ang notebook at ballpen sa akin ng
makita ko ang sinulat niya,, aba maganda ang hand writing ni mokong ah! (ang
sabi ko sa aking sarili)
Ang weirdo mo talaga, ang biglang nasabi
ni ian sa akin habang tumatawa
Ngiti nalang ang naging tugon ko sa
kanya at nagyaya na nga akong pumunta na sa klase namin
Ang first subject namin ay Nat Sci o ang
Biological Science with Human Biology, room 210, shl bldg., kaya agad kaming
nagtungo doon.
Pagkatapat namin sa pinto na kung saan
pagbinuksan ay ang bubungad ay yung likuran agad (ayaw kasi namin yung isang
pintuan nakung saan pagpumasok kami kita agad kami ng mga kaklase namin, agaw
eksena lang) ay pinagbuksan ako nito (wow gentleman, nangiti nga akong palihim
sa ginawa niya), Nang makapasok ako agad may lumapit sa akin at ng makita ko
ito si anthony pala at nakangiti ito sa akin
Anthony: good morning fugi (nakangiti pa
rin ito)
Ako: good morning Anthony (at gumanti
din ako ng ngiti)
Tapos bigla siyang lumapit sa akin at
itinapat ang bibig niya sa aking tenga at bumulong
Anthony: ang cute mo sa uniform natin
ah! Bagay na bagay sayo
Nabigla naman ako sa binulong niya at
napatulala, nakabawi lang ako ng ulirat ng magsara ang pinto sa likod ko at ng
humarap ako nakita ko si ian na nakakunot noo nakatingin sa amin ni anthony
Itutuloy......
4 comments:
i love ur story Fugi.it' s super kilig. I was LOL everytime u put ur baby talk with gey gey( hehe naki gey gey na rin) i can understand na rin yung talk nyo. And thanks for the medical terms hehehe. Super cute ang story mo and kilig. I'm a fan.
ayihhh..gumaganda na ung kwento...
update agad..colleague..:))
_niccolo'25_
@foxriver, salamat mo sa pag-intindi at salamat at nagustuhan mo
@nicclo'25, nurse ka rin?? cge dahil colleagues kita update na ako (hahah)
Kaloka!!! Nahihilo aku sa pagbabasa... Lalo pang nagpagulo ang baby talk nyo ni angel... But still a very good story...
Post a Comment