Saturday, February 4, 2012

Good Things Never Last



by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com


A very first short story po ito na ginawa ko noon pa hahaha hindi ko lang na post kasi hindi ako confident dito sa short story na ito. Well, gusto ko lang syang i-share sa inyo habang wala pa ang chapter 18 ng Chances hehehehe.. Pero mamayang gabi makakapagpost ng ako nang chapter 18 kaya relax lang mga paps.


Sana ay kahit papaano ma entertain kayo nito.. Happy reading sa inyo guys and good morning na rin. xD



Excited ako ngayon dahil ito ang third year anniversary namin ni Nejie. Sa tatlong taon naming magkasama sa iisang bubong ay tuluyan naming nakilala ang isa’t isa. Nejie was one of my schoolmates way back in college. Sa kanyan ko lang naramdaman ang pagmamahal na hindi ko akalaing maibibigay sa akin ng isang kapwa ko lalaki. Funny how this unexpected relationship of ours started. I was attending a birthday party ng isa kong ka org at doon ko sya nakilala. The moment I laid my eyes on him nasabi ko sa sarili ko na sya na ang gusto kong makasama habang buhay. Bata pa ako alam ko nang kakaiba ako sa ibang normal na lalaki dahil kung sila ay attracted sa babae I was the other way around.


Naging malapit kaming magkaibigan ni Nejie sa tulong na rin ng pinsan nitong ka org ko. Nejie was the type of person na madaling makasundo, kalog kasi itong tao kaya hindi ka mahihirapang mag reach out sa kanya. He was handsome, simple and charismatic, pero ang talagang nagustohan ko sa kanya ay ang pagiging matalino nito. Kuntento na ako noon na kaibigan ko ang crush ko. Kuntento na ako na nakakasama ko sya tuwing vacant period namin at tuwing gigimik kami kasama sya. Ngunit sadya atang mahirap pigilin ang sarili pag-nagmamahal kana. Habang tumatagal kasi at lumalalim ang pagkakaibigan namin ay lalo akong nahuhulog sa kanya. Lalo na nung magsimula na syang magtiwala sa akin at mag open ng mga hinanakit nya sa mundo. Seeing his vulnerability state makes me want him even more. Gusto kong alagaan sya dahil ayaw kong makita syang nasasaktan.


He invited me para gumimik ng maghiwalay sila nang girlfriend nya. Hindi ako tumanggi dahil ikinasasaya ko ang laging damayan sya. Pumunta kami sa isang bar at doon nagpakalunod uminum kahit na may quiz ako kinabukasan dinamayan ko parin sya. He’s more important to me than anything else which turns to be a very good decision I made in my entire life. Nang pareho na kaming lasing ay naging iba na si Nejie nagsimula na itong maging madaldal hanggang sa umabot kami sa isang topic na hindi ko inaasahan.


“Earl, gusto mo ba ako?” Iyon ang tanong na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Biglang nawala ang tama ng alak sa akin at napalitan ng kaba at takot. Takot dahil baka alam na nya ang lihim na pagmamahal ko sa kanya at tuluyan na nya akong layuan.




“Nah, you don’t have to answer that question.” Wika nito maya-maya nang hindi marinig ang pagtugon ko sa tanong nyang yon. Marahil ay dahil na rin sa sobrang kaba at pagkahilo ay hindi ko na namalayan na sinagot ko na pala ang tanong nya.


“Siguro.” Yon ang namutawing salita sa akin. Lalo lang bumilis ang tibok ng aking puso ine-expect ko na sa mga sandaling iyon na sasapakin nya ako o kung hindi man ay iiwan nya ako, pero hindi nangyari iyon. Nakatutok lang ang tingin nya sa akin na para bang sinusuri ang kaloob-looban ng utak ko. Di ko natagalan iyon kaya binawi ko agad sa kanya ang aking tingin.


“Siguro.” Pag-uulit nya sa aking sinabi. “Kahit naman hindi mo sabihin sa akin alam kong kakaiba ang mga tingin mo everytime na magkikita tayo. Okey lang naman sa akin, you have been a good friend to me. Bihira na ngayong makahanap ng napakasupportive na kaibigan.” Ang alam ko lang ay matalino syang tao, hindi ko inisip na observant din pala sya. Nakaramdam ako nang pagkapahiya marahil dahil siguro guilty ako. Ayaw kong isipin nya na nagtake advantage ako sa friendship namin.


“Thanks sa pag-aalaga mo sa akin Earl.” At nabigla ako sa sunod na ginawa nito. He kissed me! Gusto ko pa nga sanang hambalusin ang ulo ko nang bote nang alak para lang malaman kong panaginip lang ba iyon, pero everything is real. Dama ko ang pag-galaw nang mga labi nya at napapikit nalang ako na tinutugon na ang mga halik nyang iyon. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay na karamdam ulit ako nang hiya. Hindi ko man sinagot ng deretso ang kanyang tanong ay walang duda naman na hindi nagsisinungaling ang mga pagtugon ko sa halik nya. Huli na ako, ipinagkanulo ako mismo nang damdamin ko.


He smiled at me at muli kong nasilayan ang lalaking tanging laman ng pangarap ko. Hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin ng ngiti nyang iyon dahil sobra na ang damdaming bumabalot sa akin. I was happy yet sad at the same time knowing that this will be the last time na makakasama ko sya after aminin ng mga halik ko ang tanong nya kanina. We remained silent for a minute, walang may gustong magsalita. Tanging ang malakas na pagtibok ng aking puso lamang ang aking naririnig sa mga oras na iyon.


Nejie asked me kung pweding makitulog nalang muna sya sa bahay namin. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako, hindi ko kasi alam kong papaano sya haharapin bukas pagising namin. Pero naisip ko rin na pagbigyan ang sarili ko na kahit manlang sa huling pagkakataon ay makasama ko sya bago tuluyan nya akong iwasan.


Dumating kami sa bahay at tulad ng inaasahan ay tulog na ang mga tao. Agad kaming dumeretso ni Nejie sa aking kwarto para makapagpahinga na rin. Pareho rin naman kasi kaming may pasok kinabukasan. Nang makapasok kami at pareho nang magkatabi sa kama ay hindi ko maiwasang mailang. Hanggang sa mga oras na iyon ay isang bagay lamang ang tumatakbo sa aking isip. It was Nejie’s kiss.


Malalalim na paghinga lamang ang tanging maririnig sa loob ng apat na sulok ng kwarto ko. Alam kong hindi pa tulog si Nejie sa tabi ko, pero hindi na ulit ito nagsalita simula nang matapos ako nitong halikan. Para bang may malalim itong iniisip na hindi ko mawari kong anu. Ako, sa kabilang banda ay nagsisimula nang maluha dahil sa nalalapit na paghihiwalay namin ng landas. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong pagtugon sa halik nito sa akin kanina dahil atleast kahit sa huling pagkakataon naramdaman ko ang halik ng taong tinitibok ng puso ko.


“Earl?” Ang mahinang pagtawag nito sa akin. Pareho kaming nakatalikod sa isa’t isa. Naramdaman ko ang pag-galaw nya maharil ay nagpalit ito ng posisyon.


“Gaano mo ako kamahal?” Sa tanong nyang iyon ay napilitan akong bumaling paharap sa kanya. Gusto kong makita ang reaksyon ng kanyang mukha. Kung ang paghihiwalay namin ng landas ang kabayaran ng lahat ng aking sasabihin sa kanya ay tatangapin ko. Ang importante masagot ko ang katanungan nyang iyon dahil gusto kong malaman nya kung gaano sya kahalaga sa akin.
I gathered all my strength. Desidido na akong magtapat sa kanya sa mga oras na iyon. This is the moment I’ve been waiting for and I won’t let this once in a lifetime chance slip away.


“Mahal kita Nejie, kahit ang kapalit ng pag-amin ko sayo nang nararamdaman ko ngayon ay ang tuluyang pagkasira nang pagkakaibigan natin ay gagawin ko parin. Ganun kita ka mahal.” Hindi sya nag salita kaya’t  ipinagpatuloy ko ang naumpisan kong pag-amin.


“Nung una palang kitang makita alam ko nang espesyal na ang naging turing sayo ng puso ko. I know these sounds hilarious to you dahil pareho tayong lalaki, pero iyon ang totoo. Pinilit kong makuntento nalang sa ating pagkakaibigan, but I can’t help myself falling deeper to you. Masyado kang naging mabait sa akin at masyado kang naging open sa akin. Seeing your other side makes me want you even more hindi para sa sarili kong kapakanan kung hindi dahil gusto kitang alagaan. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan at malungkot.” Ang mahaba at sinsero kong pag-amin sa kanya. There’s no point on holding back tutal ay ibinuko na ako nang aking puso wala nang rason para magpigil pa.


Namagitan sa amin ang nakakabinging katahimikan. Gusto ko nang maluha dahil sa wala manlang akong nakuhang sagot sa kanya. Okey lang sa akin na tangihan nya ako o kamuhian nya ako basta’t may marinig lang akong sagot sa kanya. Nag simula nang dumaloy ang masaganang luha sa aking mga mata.


I guess this is it. Hindi na ako aasa pang magiging maayos kami bukas. Atleast na sabi ko ang lahat-lahat sa kanya.


“Paano kung hindi ko masuklian ang pagmamahal mo sa akin?” Maya-maya ay wika nito. Napa tingin ako sa kanya at nakita kong muli ang lalaking tanging itinitibok ng aking puso. Halatang malalim ang iniisip nito nakatingin lang ito sa kesame.


“Hindi mo naman kailangang tumbasan ang pagmamahal ko sayo. Hayaan mo lang akong mahalin ka masaya na ako.” Alam kong isang katangahan ang sinabi ko, pero wala na akong pakialam. Hindi naman siguro masamang humingi nang pagmamahal sa isang taong pinapangarap mo.


Ibinaling nito ang kanyang tingin sa akin at nag salubong ang aming mga mata. Dahan-dahan nitong iginalaw ang kanyang kamay. Napapikit ako at naramdaman ko nalang ang maingat nitong pag punas sa aking pisngi gamit ang kanyang kamay.


“Hindi ko maipapangako sayo ang buong pagmamahal ko Earl, but I can try. I will do my best na masuklian ang nararamdaman mo para sa akin. Let’s try to make this work.” Hindi ko inaasahan na magiging ganun ang kalalabasan ng pag-amin kong yon sa kanya. Pero hindi ko rin maikakailang napakasaya ko nang marinig kong handa nyang subukan at bigyan ng pagkakataon ang nararamdaman ko. Again, muli kong naramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa aking labi.


Napangiti ako sa mga ala-alang iyon. Sinong mag-aakalang aabot kami ni Nejie nang tatlong taon. He did his very best to make our relationship work. At araw-araw ko ring ipinaramdam sa kanya kong gaano ko sya kamahal hanggang sa makapag tapos kaming pareho at magsimulang mag sama.


I was expecting na late darating si Nejie hindi pa kasi kami nag kikita dalawang araw na dahil may seminar ito sa cebu. Buti nalang at nagkataon na ang balik nya ang ay eksaktong araw ng anniversary namin. Bahagya pa akong nabigla nang makita ko syang nakaupo na sa paborito rin naming puwesto sa restaurant na iyon. Iyon lang kasi ang nag-iisang mesa na malayo sa mga tao kaya gustong-gusto namin ang puwesto na iyon para na rin may privacy kami.



“Kanina ka pa ba?” Nakangiti kong bati sa kanya. Lalo lang itong naging makisig sa suot nitong business attire.


“Kadarating ko lang.” Hindi ko alam kong bakit pero may hindi tama sa ngiti nya. “Maupo kana para makapag dinner na tayo.”


Nang matapos nitong maibigay ang order namin sa waiter at maiwan kaming muli ay doon na ako nagsimulang magtanong. Sa tatlong taon namin ni Nejie alam ko na kung may mga bumabagabag sa kanya at ngayon batid kong meron.


“May problema ba? Did something happen while you’re in Cebu?”  Nanatili lang itong nakatingin sa mesa ayaw nitong magsalubong ang aming mga mata. Napatuyan kong may problema nga ito.


“Nag kita kami ni Trish sa Cebu Earl.” Na bigla ako nang muling bangitin nito ang pangalan ng dati nyang kasintahan. Trish was his ex-girlfriend at ito rin ang dahilan kong bakit nauwi kami sa isang relasyon. Nanatili lang akong tahimik.


“Hindi ko alam na doon pala sya na assign.” Tahimik. Para bang may pumipigil sa kanyang ilahad lahat ng nangyari. “I-Im sorry Earl.” Naintindihan ko agad kong anu ang ibig nyang sabihin sa paghingi nya nang tawad na iyon kahit hindi na nya sabihin.


Isa-isang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Masakit oo, pero di ba ito rin naman ang nagsabi sa simula palang na hindi nya kayang ibigay lahat ng kanyang pagmamahal sa akin it’s because half of him ay naiwan kay Trish. Hindi ako pweding magalit sa kanya dahil kahit papaano ay sinubukan nyang mahalin ako sa loob ng tatlong taon.


“Are you breaking up with me?” Mahina at humihikbi kong sabi.


“Ayaw kitang masaktan Earl. Naging mabuti kang partner sa akin.” There it goes. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.


“But you still love her?” Ginawa ko ang lahat para lang masabi nang tuwid ang mga salitang iyon. Pero mas lalo akong nasaktan sa marahang pagtango nito para akong hinihiwa ng paulit-ulit. Napatakip nalang ako sa bibig ko para mapigilang makagawa nang ingay. I guess it’s true some good things never last at kahit anong gawin ko ay wala akong karapatang pigilan si Nejie dahil mahal na mahal ko sya at gusto ko syang mapasaya kahit ang kapalit nito ay ang kaligayahan ko.


“Then go back to her.” Sa sinabi kong iyon ay napangitin ito sa akin ako man ay nakipagtitigan na rin sa kanya. “As I’ve said before I only want you to be happy at kung si Trish ang happiness mo im willing to set you free.” At bago ako tumalikod sa kanya ay binigyan ko sya nang isang ngiti. Ngiting nag sasabi na wag nya akong alalahanin. I can love him selflessly ganyan ko sya kamahal.








Wakas

29 comments:

Anonymous said...

Sad! So sad! Kaparehas ng nararamdaman ni earl ang naramdaman ko before...

Cute story...

-jemyro

Chris said...

nakakaiyak :'(

sometimes i wish na sana hindi na lng magbago kung anoman ang mayroon ngaun, na sana good things will last pero totoo nga na good things never last...

Stringx said...

Ang sakit naman sa mga pangyayari.
Sa tatlong taong pagsasama, nawala lang nang bigla ng dahil lang sa 2-day trip sa Cebu. Kung sabagay, hindi mo naman mapilit ang isang tao na mahalin ka. Pero sakit pa rin ang nangyari kay Earl!

Is this how a same-sex-relationship works? I'm just curious, because I've never been in a relationship before, whether in a boy or a girl. Believe me! I just don't know why. Now, I'm 23 years old and still in no relationship status; SINGLE.

Anonymous said...

walang closure parang dami unanswered question i mean what happened to Earl after. Maganda naman at tama sa ending lang pumangit actually pwede pa siya sundan nang ilang chapters i mean parang prologue lang ito ahahahaha. Kulang din sa emosyon un last part di ko na feel yun pain so probably tanggap ni Earl na magiging ganun talaga sila sa end.

- Anonymous

Anonymous said...

made me cry, :)

Lyron said...

Parang medyo nabitin ako dahil wala ng conclusion yung dulo. Pero, ang ganda ng short story mo pinakita nito ang pure and selfless love. Tanggap niya kung hindi siya ang nararapat, bihira lang kasi sa tao ang maglet-go dahil na din sa pag-ibig at panghihinayang.

Cheers!

--makki-- said...

Ouch!

that's the deal eh! biruin mo umabot pa ng 3 yrs. ang pagsasama nila, and that's good enough.

napabilib ako ni Earl! kahit masakit man sa iyo nagawa mong ibigay sa akanya ang kasiyahan na marahil di niya natamasa sa piling mo..

<3 it!

Anonymous said...

kakaiyak.. huhuhuuhuhuhuhuhuh

Anonymous said...

BITIN! Kalungkot... :(

Anonymous said...

maganda :)

Anonymous said...

ouchness nman!!...
never xperienced dat kind of situation but i stiLL feeL earL's pain...
nd i admire earL's Love for nejie...
seLfLess nd unconditionaL ung binigay nyang Love...

@stringx - weLL, i guess it works for aLL nman... nd don't wori, hindi kah ng.iisa... hehehe... :)

kuya Z, it's a good decision nah pinost moh ung short story moh... it's reaLLy good nd heartbreaking... hehehe... :)


- edrich

Anonymous said...

Some good things last... Some relationships do last... Kailangan mo ipakita na mahal mo siya...

Super similar sa namin yun story, college friends, nagkagusto siya sa akin. Nun una ayokong maging kami, kaibigan lang talaga siya. Pero sabi nya na open ko lang daw yun possibility at hayaan mahalin niya ako.

After college na nun naging nagdecide kami na maging kami. Now, we'll celebrate our 10th anniv in June. He may not be the man of my dream, but he is definitely the only man in my heart, and in my life.

Bong - Dubai

Anonymous said...

haist..dat's life..dat's reality..and dat's wen you truly love someone..u can set him free and let him be hapi even at your own expense..haist kya minsan mas ok pa nga yung status like friends or bestfriends wer u know u'll last kesa take a risk and lose each other..haist

gnda po kuya..sori silent mode aq lately..cp mode eh kya gnun..looking 4ward mmyng gbi for chnces :))

-john el-

foxriver said...

that's painful. The story is typical, but you made it beautiful. Nothings permanent. Nothing will last, even the good ones. I will do exactly what Earl did. Thank you giving me the chance to read your stories. They are all beautiful., though Chances will be the last, all of us will wait for your next story. Goodluck to whatever you'll do. God bless. You have an unlimited gigabytes of mind,not just 2mb. You're great. Until then.

JAN KURT AQUINO said...

wah sad naman but so pure and iyong pagmamahal

Anonymous said...

been waiting for this story to get posted...heheheh

RJ said...

Wow.

Yun lang. Wow.

Saka pala BOW.

Speechless ako Z haha wow!

Anonymous said...

Ang ganda. Kakaiyak.

StringX, bka kc may mali sayo? Like hnd ganun ka-okay ang hitsura mo? That's why hirap ka magkaroon ng relationship? Ahaha joke lang

-Jetrixx

Gerald said...

It's three in the morning
You're nowhere in sight
And all that I wanted was
To be with you tonight
I've watched love get closer
And then fade away I've seen you believe in me
I've seen you try to stay But what good is holdin' on
When you know that all you
Can think about is letting go
They say if you love someone Then set them free
If they come back again
Then in the end it was meant
to be
I thought we were lovers
I thought we were friends I guess when reality steps in [ From: http://
www.metrolyrics.com/some-good-
things-never-last-lyrics-martin-
nievera.html ] The dreaming ends
We live for the future
We learn from the past
No matter how hard we try
Some good things never last
And all you can think about is letting go
Be true to yourself my love
That's all I ever wanted you to
be
Just don't forget to smile
When you think of me I reached for the stars
I have got them in sight
There's someone who really
needs me
Out there in the night
We live for the future We will learn from the past
No matter how hard we try
Some good things never last
Why can't they last?

juan rolando santos said...

buti hindi nagpakamatay ang bida, alam naman na meron nagpakamatay dito sa SM Pampanga,, hehehehe... galing talaga neto sana hindi manyari saakin ito..

russ said...

all relationship is not perfect...

Anonymous said...

ang sakit talaga nun... totoo naman na d natin hawak at madiktahan ang puso ng isang tao.... kaya ang sabi nila na follow what your heart said...kaya un siguro ang sinasabi ng puso ni niejie after makita nya ulit ang girlfriend nya sa cebu....kahit masakit tinanggap na lang ni earl ang katotohanan na d para sila ni earl sa isat isa...kaya na tama na lang ang disisyun ni earl na palayain na lang si niejie...sana may karugtong ang kwento nila...

ramy from qatar

Anonymous said...

Natutunan ko na hindi natin kailangang magalit kung iwan ka ng taong minamahal mo, tama man o mali ang kanyang dahilan, dahil mas mabuti ng maiwan, kaysa makipagsiksikan marahil ang dahilan ng katapusan ay hindi ang katotohanan na may panibagong aasahan kundi ang realidad na lahat ng bagay matibay man o hindi ay may hangganan."


Beucharist.......

Anonymous said...

its sad and yet inspiring. marami sa atin na kapag nagmahal na ay nagiging selfish..its so nice na theres someone like Earl na kayang magparaya para sa taong mahal niya.

singledon said...

kakaiyak nmn. marami sa atin ang gagawa ng opposite sa ginawa ni earl dahil tao lng. hirap nmn kung igive up lng ang taong mahal natin ng ganun kadali lng. hanggan kaya pa ipaglaban ko tlga. pero sa ngayon ng wowonder ako kng tama ba ginawa ko sa pakikipaglaban sa aking pg ibig ko sa kanya....:( ang hirap

Anonymous said...

Kawawa naman si Earl...

Kung ako sa kanya, before sila magbreak-up, pumunta sila ng SM...

Tapos yun...suicide silang dalawa...haha..joke lang po:)

ZROM60 said...

ganun dapat ang tunay na nagmamahal and believe din ako sa bf nya, kc naging matapat sya.sana ganun ang mga magpartners pag dumating na sa point ng ganitong situation para walang gulo. tnx for sharing this educational love story. marami sanang natutu.

IamRaven said...

@Anonymous Yeah I agree. Sana may karugtong pa. Pwede po ba? Ang ganda. Binabasa ko pa lang naiiyak na ko. Sana maging happy ang ending kasi sa mga gay themed stories halos na lang luhaan ang mga sisterette natin. Please po Mr. Author, sana madugtingan... Thanks much!! :)

Anonymous said...

@anonymous... ang ganda ng story..
talagang nangyayari ito sa atin...

As a member ng ikatlong lahi talagang natamaan ako nito...
it happened to me at talagang tagos sa kaluiluwa ko ang istorya..
i know we had to sacrifice something for love... at ang mahirap nga lng ang nararamdaman natin ang ating isasantabi para lang sa ating minamahal...malungkot man sa huli pero at least lumigaya nmn tayo kahit papaano... at alam naman natin na tayo ang palaging masasaktan...pero at least kahit gaano man kasakit ang ginawa ng Love sa atin patuloy pa din tayo magmahal...at magmahal muli.....
thnks sa anonymous author.. dahil sa kuwento mo i realized then i must be brade to love again and brave enough to face its consequences.....
...

it meh.. jonrey312 of qc

Post a Comment