by: Justyn Shawn
May bagong aabangan na naman kayong estorya kahit nagpapahinga ako. hihihihi Sana ay suportahan niyo ang gawa ni Justin Bhebhe este Justyn Shawn hahaha at ang pakikibaka nang kanyang mga characters sa kwentong pinamagatan niyang "DREAM ON"
Si
Ramil. Masipag. Masakripisyo. Mabait. Isang batang puno ng pangarap. Pangarap
na umahon ang buhay at matulungan ang pamilya. Pangarap na magkaroon ng
lalaking magmamahal, mag-aalaga at tatanggap sa buo niyang pagkatao.
Kahirapan.
Pangungutya sa kanyang katayuan sa buhay at sa kanyang sekswalidad. Yan ang
masalimuot na kinakaharap ni Ramil araw-araw.
“Alam
kong may mararating ako balang araw. At pagdating ng araw na iyon, ipapamukha
ko sa lahat ng mga taong umalipusta, nanghusga at dumurog sa pagkatao ko na ang
baklang ito ay may mararating din.”pagtangis nya sa kanyang sarili.
Titig
sa mga bituin sa langit na para bang nananalangin at nagsusumamo. Kinakausap
ang mga tala sa langit. “Kay hirap mong abutin.”nasambit na lamang niya. Bakas
sa kanyang mga mata ang pag-asang makakaahon at matanggap ng lipunan. Mahimbing
na siyang nakatulog na dala-dala ang kanyang mga pangarap. Pagkakataon sa buhay
niya na nararamdaman nyang siya ay ligtas, payapa at may kakampi.
Paggising
nya kinabukasan ay may panibagong hamon na namang kakaharapin. Mundong
araw-araw siyang tinutulak, kinukutya at tinatanggalan ng pag-asang lumaban.
Abangan...
8 comments:
HUWOW! ikaw na ang may teaser jojie :)) aabangan ko ang estoryang ito habang namamahinga ako :)) xD xD
Basta isang rule lang ang meron sa ating mga manunulat ng kabalbalan sa mundo. Dapat, kapag nakapag-post ka nang chapter 1 mo siguraduhin mong tatapusin mo ang kwento. Don't leave your readers hanging. AYT?! YEAH BOI!!!
sure.... alam naman namin na maganda din ang story ng dream on... parang isang hamon sa buhay kung pano lumaban at para abutin ang mithiin sa sarili...parang gulong ng palad
ramy from qatar
hardcore drama ba ito ingkong? mamaiyak m kaya aq? isa lng hinihiling q sau...
akin nlang c kitty ^w^
At sana continuos ang posting. Kakainis maghintay ng 3 months bago ang next posting. Tuloy nakakalimutan ang kwento at writer. Parang... Wala lang...
opo..tatapusin ko po..kaso help me..hahaha at di ko din po magiging mabilis ang update nito. you know me naman na tamad ako at walang pumapasok sa kokote ko..hahaha
(mas mauuna ko pang maubos ang 2 kahong redhorse kesa sa makatapos ng isang chapter..hehehe) pero wag po kayong mag alala.ginagawa ko naman po best ko..hehehe
wait lang ha..try try lang din po itong pagsusulat ko at hindi din naman ako writer diba??? kaya sensya kapag delay ang update :)
hahaha sana mameet ko expectation ninyo..hehehe good luck for me :)
ewan ko lang po :)
opo..sana gumana ang utak ko..at di atakihin ng sakit ko :)Sakit ng katamaran..hehehe
Post a Comment