by: Justyn Shawn
Mukhang nagsimula nang gumawa si Justyn ng chapters niya at ito na ang unang chapter ng syempre una niyang gawa. Sana ay magustohan niyo ang storyang gawa niya at sana ay suportahan niyo rin siya. Remember guys, ang mga comment niyo ang nagbibigay inspirasyon sa aming mga authors niyo para ipag-patuloy ang paggawa ng kwento.
Happy Reading nalang sa lahat! Keep the comments coming para mas ganahan ang mga authors niyo na mag-update agad wag niyong ipagmdamot ang kahit 3 letters lang na comment dahil diyan kumukuha nang inspirasyon ang mga authors niyo. -Zephiel
Dream On Chapter 1
“Ramil!!!!!...”tawag sa akin ng
aking tiyahin na kala mo ay nasusunog na ang bahay. Na halos umabot na ang
boses sa kabilang kalye kung makasigaw.
“Bumangon ka na dyan. Tanghali na
nakahilata ka pa rin. Mag-igib ka na ng tubig at wala na namang laman ang drum.
Pagkatapos mo mag-igib, mag luto ka na at ng may malamon naman tayo at maglinis
ka na rin ng bahay. Tingnan mo oh para ng basurahan itong bahay natin.
Nakakahiya kapag may bisitang dumating. Hindi lang yung puro ka lang tunganga.
Walang silbi. Bilis. Bangon na.” mahabang litanya sa akin ng aking tiyahin.
Nakasanayan ko na rin ito.
Halos-araw araw kasing ang mala-armalite na bunganga ng aking tiyahin ang
nagsilbi kong alarm clock sa aking paggising. Pasok sa kabilang tenga at labas
naman sa kabila ang lahat ng kanyang sinasabi dahil alam ko sa sarili ko na
wala ring patutunguhan kung didibdibin ko ang kanyang mga sinasabi at sasagot
pa dito. Ako lang ang lugi. Kaya ang seste eh sunod na lang at nang hindi
mapagalitan.
“Kung di lang sana….”usal ko.
“Ano kamo?”
“A, wala ho”.
Nag-inat-inat ako ng konti at
kuskos ng aking mutaing mga mata ang una kong ginawa. Naghilamos at pumunta na
sa labas bitbit ang galong kumikintab na sa lumot para makapag-igib.
Matiyaga akong naghihintay sa
mahabang pila sa gripo. Tanging ang barangay lang ata namin ang may gripo ng
masa kung saan mas mabilis pa ang patak ng ihi ko. Pero wala akong choice. Kelangan kong
hintaying matapos ang lahat ng nakapilang nauna sakin sa pag-igib bago makasahod,
dahil kung hindi, tiyak na tatadtarin na naman ako ng bala ng tiyahin ko. Bala
ng kanyang bunganga.
Pagdating ko sa bahay saka ko
palang narinig ang iyakan ng mga alaga ko sa tiyan. Kaya nagmadali na akong
mag-luto at maglinis upang malamnan na ang nag-aalburuto kong alaga sa tiyan at
nang makapapag handa na sa pagpasok sa eskwelahan.
“Sa wakas malalagyan ko na rin ng laman ang
nagmumura kong sikmura” takbo ng isip ko habang minamadali ang ginagawa upang
matapos na ito.
“Natapos din!” singhal ko.
Pumunta ako sa hapag upang makakain
na. Tanging pritong tuyo ang aming ulam na nakahain sa hapag. Minsan, kapag
masarap ang ulam, inaasahan ko ng wala na akong maaabutan. Kung may matira man
sigurado, nakatago na ito. Kaya kapag ganon, kape na lang ang tanging almusal
ko bago pumasok sa eskwela.
Nakakain na ako ng natirang tuyo.
(Buti na lang at may tinira pa.) Pumunta ako sa may lababo upang magsipilyo.
Hanap ko ang bagong bili pa lang na toothpaste ng aking tiya upang
makapagsipilyo. Wala.
“Asa ka pa nga ba ako dun.
Tsk”singhal ng aking utak. Alam ko naman na may tago factor ang aking tiyahin
kaya tiis na lang ako sa asin upang ipangkuskos sa aking ngipin.
Natapos na din akong maghanda
para makapasok ng maaga upang hindi mahuli sa pagpasok. Lakad ko lamang itong
tinungo.
Habang binabaktas ang daan
papuntang eskwelahan, may napansin akong isang matandang himatay sa paglalakad
patawid sa kalsada. Nakakapanglumong makita na sa dami ng dumaraan dito ay wala
man lang ni isang tumulong. Kaya, kahit na nagmamadali ako sa aking pagpasok ay
inalalayan ko ang ale sa pagtayo at upang itawid na rin siya sa daan kung saan
sana tutungo.
Pagkatapos ko siyang itawid sa
kalsada ay binigyan ko siya nang makakain galing sa konti kong ipon sa
pagtitinda. Magiliw naman niyang tinanggap ang ibinigay ko sa kanya. Pansin ko ilang
araw na itong walang kain dahil halos mabilaukan na siya sa sabay-sabay na
pagsubo ng pansit at tinapay na aking binili. Napag-alaman ko rin na ang ale
ang ilang araw ng hindi kumakain at ni hindi man lang mapupuntahan. May
hinahanap daw ang ale. At hindi na rin ako nag-atubiling usisain pa ang kanyang
hinahanap dahil sobrang late na ako sa klase ko. Kaya nag-apura na akong
magpaalam sa kanya at sinabihang mag-iingat.
Takbo-lakad-takbo kong tinungo ang aming
eskwelahan. Di naman ito masyadong malayo sa aking tinutuluyan kung saan ako
pumapasok at wala din naman akong pamasahe upang sumakay pa ng padyak sa
ganitong panahon na nagmamadali ako.
“Mr. Matienzo! Anong petsa na? Ano
na namang nangyari sayo? Himala atang late ka ngayon?” usal sa akin ng aking
guro.
“At ikaw din Mr. Berjuega! Buti
naman at naisipan mo pang pumasok?” Di ko namalayan na may tao pala sa aking
likuran ng mga panahong iyon dahil sa pagkataranta ko kung ano ang aking
gagawin at hinahabol ko pa ang aking hininga dahil sa pagmamadali ko kanina.
Ha? Mr. Berjuega? Nasa likuran ko?isip ko lang. Nadagdagan ang
aking kaba nang malaman na ang hinahangaan ng lahat dahil sa katalinuhan,
angking kagwapuhan at tikas ng katawan, dagdagan pa ng isa itong varsity player
ngunit suplado at tinagurian ding bugoy ng eskwelahan ay nasa likuran ko lang.
Ewan ko ba sa mga panahong iyon
kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ko rin alam. Para akong estatwang tuod
at nakatayo lamang at hindi gumagalaw.
“Di dahil pinapayagan ko kayong umabsent at
wala nga sa grading system ko ang attendance, hindi nangangahulugan yun na lagi
na lang kayong wala sa klase ko. Buti na lang kamo at magagaling kayong dalwa
sa klase ko, kung hindi. Naku! Ibabagsak ko talaga kayo!” saad sa amin ng aming
guro.
Sanay na si Rolly sa pagtanggap
ng mga guro nito sa kanya sa tuwing siya ay papasok dahil lagi nga itong late o
kung minsan ay talagang absent pa. Pero kahit na ganun ay may lakas ng loob pa
rin siyang lumiban o tumakas sa klase dahil may katalinuhan din naman itong
taglay. Nakita ko na lang siyang lumampas sa akin at walang kaabas-abas na
tinungo ang kanyang silya at umupo ng nakadekwatro.
“O anong tinatayo tayo mo pa
dyan?”
“P-pasensya na po sir. Di na po
mauulit.” Paumanhin ko naman habang kamot ang aking ulo na kala mo’y
binabalakubak. Buti na lang kamo sadyang mabait ang aking guro kung hindi panigurado
akong maaapektuhan ang grades ko pati na ang pinaghirapan kong scholarship.
“Class. This is my grading system. 10% recitation, 40% exams at 50% sa
quizzes. Wala akong pakialam sa attendance ninyo at hindi din ako nagchecheck
ng notebooks at nagpapagawa ng assignments at project gaya ng ibang mga guro
dahil hindi iyon ang aking sukatan kung may natutunan ka sa klase ko o wala.
Kaya siguraduhin ninyo na papasa kayo sa lahat ng quizzes at exams na ibibigay
ko dahil iyon lang ang tanging batayan ko sa pag compute ng grades. At dahil
ito lang ang batayan ko, asahan ninyong hindi magiging madali lahat ng
pagsusulit na ibibigay ko sa inyo.” Alala kong sabi niya noong unang klase.
Noong una natakot ako sa kanya
dahil sa tingin ko terror siya gaya ng mga matatandang guro sa aming
eskwelahan. Pero sadyang iba lang talaga ang gamit niyang strategy sa
pagtuturo. Isa pa, walang masyadong gastusin dahil wala itong projects na
ibinibigay. Tanging recitation, quizzes at exam lang talaga ang batayan nya sa
kanyang pagkocompute ng grades. At ito naman ang nagustuhan ko. Dahil kung
nagkataon, mahihirapan na naman ako kung saan ko hahagilapin ang ipanggagastos
ko sa aking project.
Nagtuloy na sa pagtuturo ang
aming guro.
Habang papalapit ako sa aking
silya ay kinakabahan na naman ako dahil dadaanan ko kung saan si Rolly nakaupo.
Yumuko na lang ako habang tinutungo ang aking pupuntahan. Hanggang sa natabig
ko ang kanyang paa na nakadekwatro.
“S-sorry.”kinakabahan kong turan
sa kanya.
Hindi sya umimik o nagalit sa
tagpong iyon. At yun naman ang laking pinagtakhan ko. Suplado kasi ito at hindi
mo makakausap ng matino kung walang konekta sa laro o babae ang pag-uusapan.
Galit din ito sa bakla. Kaya laking kaba ko ng masagi ko ang kanyang paa dahil
baka paglabas ko ng aming silid aralan ay balikan ako nito.
“Sorry ulit” sabi ko na halata
ang kaba sa aking boses.
Wala man lang akong nakitang
reaksyon sa kanyang mga mata. Hindi sya sumagot. Nananatili sa kanyang mukha
ang blangkong ekspresyon habang nakikinig sa pagtuturo ng aming guro. At iyon
ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ng sobra.
May nabalitaan kasi akong
binalikan nila ang isang estudyante noong mapagtripan nila itong bugbugin dahil
lang sa natabig siya nito. Binugbog nila ng barkada nya ang nasabing estudyante
at pinagbantaan. Napagalaman ko din na ang estudyanteng iyon ay lumipat na ng
eskwelahan dahil na rin sa nangyari. Kaya naman labis labis ang kaba ko sa
nangyari.
Umupo na ako sa aking silya kung
saan nasa harapan ko lamang siya. Nakinig na ako sa kung ano man ang aming
leksyon sa araw na iyon. Pero walang pumapasok sa kokote ko dahil ang tanging
nasaisip ko kung ano ang mangyayari sa akin paglabas ko sa silid na iyon.
Kinakabahan ako.
Maya-maya pa ay lumingon sa akin
si Rolly.
“Mag-usap tayo mamaya”
Itutuloy…
19 comments:
lagoooot kaa!
mgtago kna dhl mggng chop chop gaydy kna mmia :o
peo d rn cguro, bka iligtas ka nung mtanda knina na isa plang ermitanyo at bibigyan ka nia ng mahwagang bato na pg nilunok m mbibilaukan ka’t ikamamatay m, atleast buo pa ktawan m :)
naku... ano kaya ang gagawin ni rolly sa u.... malamang masapak k nya.... ihanda mo sarili mo after ng class nyu....wahhhhh
ramy from qatar
malamang Ma-bromansang pag-uusap yan LOL
hmmm.. kaabang-abang!
Nice Start!
Nawiwindang ako sa mga koments. hahaha parang nakakatuwa ang bida.
kakaexcited naman ng stor.... lagot ka after class...ehehe
shonempire027
ano n nmn kaya next n gagawin? aber
-yume :)
the opening scene is very typical and read it before, but i like the initial plot, i will wait for the next chapters. Still good job Mr. Author.
may bago ako susubaybayan..
next na po :))
katuwa naman mga comments dito hahaha... pero mukhang kaabang abang ang wento na to... hmmm next chapter
glenn
lagot ka lola mo..hehehe next na agad
hmmmm... nice start..cguro makikipagkaibigan lang..
-cham-
natawa ako sa kwento pero mas natawa ako sa comment sa taas haha next na agad...『dereck』
naku po.. lagot ka kay Rolly.. hehehe..
excited much sa mga upcoming chapters..
God bless.. -- Roan ^^,
grabe naman masyado kahirapan yung nangyari parang yung sa play lang namen sa school..hahaha
anyways kaabangan pa na naman..dapat mas diniscribe yung hitsura ng bida..kasi hindi nagtotoothpaste baka bungal bungal..hahaha
ha ha ha kakatuwaaman mga comments, but looks nice at kaabang abang e2ng story mo. nice!
wahhhhhhh bitin ako heeh
hala lagot! paktay kng bata k! hehehe
nice start mr. justyn! kip it up! ;))
-ASD-
wahahaha kakatawa ang storya.. ! anu yun ? habang nagpapaliwanag ang teacher nakatayo pa rin sya at kung kailan tapos na ang paliwanag eh saka sya uupo pa lng?? hahahhaha xD..at nakakatawa ung comment sa itaas! xD,,, lolz... nice story.. :)
ill give you 80% sa chapter na toh ! :)
(IAN)
Haahaha ... paktay ka.... syonga kasi ehw
Post a Comment