Friday, February 10, 2012

Chances Chapter 20 (Finale)


Story Cover Created By:
Jojimar Lalusin Abarido

by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com


Waaa!!!!!!!!!!! Natapos rin ang pakikibaka ko sa chapter na ito hahahaha! Inubos ni Alex at Renzell Dave ang laman ng 2mb kong utak. Ito na po ang huling chapter ng Chances at hinabaan ko na talaga ito para hindi kayo mabitin.


Gusto ko rin pasalamatan kayong lahat na mga readers ko sa suportang ibinigay niyo sa lahat ng estorya ko. Ito ang pang-apat na estoryang gawa ko at sobrang saya ko na nagustohan niyo rin ito.


Mag-papahinga muna ako guys ng mga ilang araw at lingo para naman ma refresh ang 2mb kong utak dahil sa gagawa ako muli nang panibagong series. Yep, series na naman sila hahaha. Mag-sisimula ang series ko sa Make believe  hangang sa estorya nang mga kaibigan ni Alex na sina Lantis, Niccollo, Jay, at Maki. Abangan niyo kung papaano magiging konektado sa kanila ang unang libro ko. Bye bye na muna mga paps at Happy reading sa inyong lahat! Keep the comments coming!!! Ingat!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.







Alexis




“So, kamusta ang ibigin ng isa sa mga kambal Alex?” Ang nakangiting wika ni Laurence. Nasa welcome party kami ngayon ng papa ni Dave at sir Dorwin.


“Kung gaano ka-ligalig ang isang yon siya namang tino nito pagdating sa ‘yo.” Nakangising wika ni Francis. Ito ang partner ng isa sa mga kaibigan ni Dave na si Niel. Pinaluwas pa talaga ito mula sa Manila nang kanyang kasintahan dahil daw sa isa itong espesyal na araw para best friend nito at dati naring kasintahan na si Dorwin.


“Hindi naman. Mabait naman si Renzell Dave, sadyang may sayad lang talaga siya.” Balik kong sagot sa mga ito.


“Sa dalawang kambal na iyon kay Dave lang nawawala ang katinuan ko.” Wika ni Laurence na sinamahan pa nito nang pagtaas ng kilay habang nakaupo kami sa lamesang inihanda sa amin ng aming mga maliligalig na partner. Busy ang magkakaibigan sa pakikipag-usap sa mga business partners nila habang kami namang mga baguhan ay nakaupo lang at masaya silang pinanunuod.


“Sakit sa ulo iyang si Dave sabi pa nga ni Niel ko. Kaya nga iniiwasan ko lagi yan kapag nabibisita ako dito sa lugar nila. Mas baliw pa siya kesa kay Brian at mas brutal.” Si Francis habang umiiling.


Napangiti nalang ako nang pilit sa mga ito. Alam ko naman may pinaghuhugutan ang mga komento nila dahil ako man ay nakaranas din ng sayad ng kumag na Dave na ito. Nakakatawa nga lang isipin na mahuhulog ako sa taong lubos kong kinaiinisan noon.


“At least ngayon may pagkakaabalahan na siya. Nabawasan na tayo ng sakit ng ulo, sumaya pa si Alex.” Nakangiting wika ni Laurence.


Kung tutuusin, dapat nakakarelate sa akin si Laurence dahil tulad ni Dave mahirap ding espelengin ang ugali ni Claude, ang mayaman nitong asawa.


“Tama!” Natatawang wika ni Francis. “Mabuti na lang at nakinig ka sa mga payo ko sayo.” Baling nito sa akin.


“Oo nga eh. Kung hindi mo sinabing umuwi ako dito at subukang bigyan ng pagkakataon ang ugok na ‘yon walang mangyayari sa love life ko.” Nakangisi kong wika.


Ilang lingo na ang nakakaraan nang maging kami ni Renzell Dave at napagtanto kong tama ang desisyon kung sumugal kasama nito dahil ngayon ramdam ko na talaga na may taong nagmamahal sa akin at kayang ibalik ang pagmamahal ko. Kahit may sayad pa ito.


Masaya ako sobra, dahil nakikita kong tanging ako lamang ang binigyan ng pagkakataon ni Dave na makapasok ng tuluyan sa buhay nito. Sa loob ng ilang lingo ay nakita ko ang mapagmahal na Renzell Dave na hindi nakikita nang mga kaibigan nito. Call me crazy but I find it sweet knowing na tanging sa akin lang nailalabas nito ang totoong siya.


“Malakas talaga ang tama mo sa isang yon noh?” Nakangising wika ni Laurence na agad namang sinangayunan ni Francis sa pamamagitan ng paghagikhik.


“Huh? Anong pinagsasabi niyo?” Maang-maangan kong sagot kahit paman nakaguhit na sa mukha ko ang ebidensiya.


“Wag mong masyadong titigan yan at baka maumay ka.” Nangaasar na wika ni Laurence.


Hindi ko pweding i-deny sa sarili ko ang saya lalo pa’t ngayong nakikita ko ang taong mahal ko na masayang nakikipagkwentuhan sa mga bisita’t mga pinsan nito. Napakasarap sa pakiramdam na kahit sa malayo ay naipaparamdam pa rin nito sa akin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng panaka-nakang pagsulyap sa akin at pagkindat.


“Nakakatuwa talagang tingnan ang mga kurimaw na yan. Parang walang mga sayad lang ngayon kung makipag-usap sa mga kleyente nila. Noong unang makilala ko ang mga yan hindi ko magawang mapaniwalaan na mga seryoso sa buhay ang mga yan. Mga isip bata kasi.” Nangingiti ring wika ni Francis.


“Sinabi mo pa. Mga ka-klase ko dati ang iba sa kanila at ako man ay nabigla no’ng muli kaming magkita-kita. Sobrang laki na kasi nang ipinagbago nila mula sa pagiging mga kingkoy at bully naging makatao at makabansa na ang mga ugok at mga negosyante pa.”


“Nakita ko silang nagsimula hanggang sa magkapamilya na ang iba sa kanila. Nakita ko rin kung papaano sila nasaktan, umibig, masiraan ng bait at higit sa lahat nakita ko kung papaano nila sama-samang hinarap ang lahat ng problema. One of a kind ang barkadahan ng mga yan.” Nakangiti ko ring wika sa mga ito.


Kung may bagay man akong natutunan sa mga dati kong amo ay iyon ay ang harapin ang problema nang walang takot. Totoo, may mga problemang hindi mo kayang lampasan na mag-isa lang kaya kailangan mo nang mga kaibigan na handang damayan ka sa lahat ng bagay.


“Masyado yata kayong seryoso diyan.” Ang nakangiting wika ni Claude. “Misis, sabi nang mama ni Red masarap daw ang mga luto mo. Sabi ko naman sa ‘yong hindi pagsasayang ng pera ‘yong mag-aral ka ng culinary eh.” Baling nito sa kanyang asawa na siyang kinuha ni Attorney Dorwin na magcater sa welcome party na iyon.


“Oo na, kunwari naniniwala ako sa pambobola mo.” Nakangiting tugon naman ni Laurence dito na tinugon naman ni Claude ng isang halik.


“Sweet naman!” Singit naman ni Niel. “Kain na tayo babes nagugutom na si ako.” Halatang gumaganti ito nang pangiingit na ginagawa nang dalawa.


“Hindi pa nga nagsisimula ang kainan uunahan mo na ang mga bisita.” Ngingisi-ngising balik naman ni Francis dito.


“Ginutom mo kasi ako kanina.” Sabay nakaw  nito nang halik sa kanyang kasintahan. “Alex, asan ang parents mo? Hindi niyo ba sila inimbitahan ni Dave?” Balik nito sa akin.


“On the way na raw sila, ipinasundo na ni Renzell Dave sa driver nila.” Tugon ko naman dito.


“Mukhang magiging masaya ngayong gabi ah. Di ba pareng Claude?” Nakangising wika nito.


“Exciting pare!” Tugon naman ni Claude sabay high five ng dalawa.


“Ano na namang kabulastugan ang nasaisip niyo?” Si Laurence.


“Wala naman, may kaabang-abang lang na magaganap mamaya.” Nakangiting wika nito na sa akin nakatingin.


“Layuan niyo si Alex kung ayaw niyong lasunin ko kayong dalawa.” Biglang singiti ni Dave.


“Naks! Knight in shining armor ang banat mo ngayon?” Pangaasar ni Claude dito na tinawanan naman ni Niel.


Hindi nito pinansin ang pang-aasar sa kanya ng mga kaibigan.


“Alex, nasa labas na sina nanay at tatay, halika salubungin natin sila.” May bahid ng paglalambing nitong wika.


“Yes! Magsisimula na rin ang kainan.” Singit ni Niel.


Dave can be an asshole to his friends pero pagdating sa akin sobrang sweet nito. Isang bagay na gustong gusto ko sa kanya dahil pakiramdam ko tunay nga ang pagpapahalaga sa akin nitong ipinapakita n’ya sa iba’t ibang pamamaraan.


Ilang lingo na mula nang maging kami at paunti-unting nakikilala ko na nang tuluyan ang ugali nito. Hindi naman siya mahirap intindihin tulad ng laging puna sa kanya ng mga kaibigan at mga pinsan niya. Sadyang ayaw lang nitong ipakita ang ibang bahagi ng pagkatao niya sa ibang tao.


Lumabas nga kami ni Dave para salubungin ang aking mga magulang na talagang pinasundo pa nito sa probinsya dahil gusto raw itong makilala ng kanyang papa. Naikwento daw niya rito kung ang magandang pagtanggap ng mga magulang ko sa kanya no’ng magkasama kaming pumunta sa bayo at manatili siya doon hanggang sa pista.


Gusto man ni Dave na sa kanila ako tumuloy mula nang maging kami ay hindi ako pumayag. Nahihiya ako sa sasabihin ng papa nito at ng kanyang kambal. Kaya napagdesisyunan naming dalawa na habang hindi pa ako nakikilala nang kanyang papa at hindi pa nabibigyan ng basbas ang relasyon namin nito ay hindi kami titira sa iisang bubong. Respeto ko na rin sa kanyang magulang at kapatid.


Ngayong gabi ang nakapagkasunduan naming araw para maipakilala ako sa papa nito at kanina pa kumakabog ang puso ko sa sobrang kaba. Sino ba ang hindi kakabahan kung ipapakilala kana sa magulang ng taong mahal mo.


“Mabuti naman at nakarating kayo nay, tay.” Nakangiting bati nito sa mga magulang ko na sinamahan pa nito nang pagmano.


Bakas sa mukha ng mga magulang ko ang hiya. Hindi ko nga alam kong papaano napilit ni Dave ang mga ito na mapapunta sa party na iyon. Huli ko na ngang nalaman na may inutusan na itong driver para sunduin ang mga ito.


“Masyado atang maraming tao anak.” May bahid ng hiya at pag-aalangan na wika ni nanay dito na ang tingin ay nasa loob ng gate ng bahay ng mga Nivera.


“Kung hindi lang sa sinabi mo hindi talaga ako sasama rito anak nakakahiya.” Wika naman ni tatay.


“Naku tay huwag kayong mahiya sa mga yan wala silang panama sa inyo.” Nakangiting biro nito na kinagat naman ni tatay dahil sa napangiti rin ito. Masasabi kong magkasundo talaga ang dalawa.


“Anak, ano ba naman iyang suot mo bakit na gusot yan.” Wika ni nanay sa akin saka marahang inayos ang nagusot kong ¾ na polo.


“Nagpapanic po yan kanina pa kaya iyan ang kinalabasan.” Nakangising wika ni Dave na tinugon ko naman ng pagtaas ng kilay dito. “Tara na sa loob at kanina pa kayo hinihintay ni papa at mga tita ko.” Wika nito at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.






Ang buong akala ko ay kami lang nina nanay at tatay ang mag-sasama-sama sa isang mesa ngunit sadya atang gusto talaga akong i-torture ng mokong na ito. Kasama namin ngayon sa mesa ang papa nito, mama ni sir Red, at syempre ang kambal niya at ang partner nito.


“Kayo pala ang magulang nitong si Alex, nabalitaan ko kay Dorwin na sa inyo daw napadpad ang isa sa kambal ko, mabuti at hindi naging pasaway sa inyo si Dave.” Pagsisimula nang usapan ng papa nito.


“Papa naman.” Angal naman ni Dave dito na animoy nahiya pa.


“H-Hindi naman sir. Sa katunayan napakabait na bata nitong si Dave.” Ang mahiya-hiyang tugon ni nanay dito.


“Masyado naman ata tayong pormal.” Nakangiting wika nang papa nito. “Ruben nalang, ipinasadya ko talaga kayong ipinasundo para makilala ko kayo nang personal. Sabi nitong anak ko malugod niyo raw siyang tinanggap sa bahay niyo at nagpapasalamat ako ng lubos sa inyo.”


“Walang ano man.” Tugon naman ni tatay dito. “Hindi mahirap na bisita ang anak mo, sa katunayan ay tumutulong pa ito sa amin.”


Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng papa ni Dave animoy hindi ito naniniwala sa kanyang mga narinig. May pagtatanong itong napatingin kay Dave na tinugon naman nito nang pagkamot sa ulo na parang nahihiya.


“Tulad ng ano Tonio? Hindi ko alam na matulungin pala itong si Dave ko. Ang alam ko magaling sa pagrereklamo ang isang ito.” Nakangising wika nito na ang tingin ay nasa kay Dave halatang sinasadya nitong biruin ang anak.


Nakita kong lihim na humagikhik ang kambal nito at si sir Red. Mukhang tuwang-tuwa ang dalawa sa nangyayari pero agad itong tumigil nang pukulin sila nang masamang tingin ni Dave.


“Masyado mo naman akong pinapahiya sa kanila papa nakakatampo ka na.” Tampu-tampuhan nitong wika na dahilan para tuluyang humagalpak ng tawa si attorney Dorwin.


“Papa, wag mong masyadong asarin si Dave sensitive yan ngayon.” Wika ng kambal nito.


“Binibiro lang kita anak ito naman.” Ngingiti-ngiting wika nang papa nito.


Napangiti kami sa nangyayaring kulitan ng tatlo makikita mo talaga na mahal na mahal ng mga ito ang ama nila. Kahit ang mama ni sir Red ay napapangiti sa mga nangyayari. Walang mag-aakalang may ganitong side ang matinik na abogado at maangas na enhenyerong ito.


“So, ready to tell me the big secret anak?”


Doon muling kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa muli ko na namang naramdaman ang sobrang kaba. Nabaling ang tingin sa akin nina sir Red at attorney Dorwin nakangiti sa akin ang mga ito na sinuklian ko naman ng isang kabadong ngiti.


“About that pa, hmmmm..” Wika nito at saka inabot ang kamay ko sa ibabaw nang mesa. Ang mainit na palad ni Dave ang pinagkuhanan ko ng lakas ng loob sa mga oras na iyon. “Nakita ko na ang taong mamahalin ko at aalagaan ko.”


Kita kong napatingin ito sa magkahugpong naming mga kamay bago pabaling-baling na tumingin sa amin ni Dave. Pagkalito at pagkabigla ang nakikita kong reaskyon sa mga mata nito.


“I know this is not what you dreamed for me pero di ba ikaw din ang nagsabi sa akin na kung saan ako masaya doon ako? Alex is my happiness pa, maraming mga nangyaring kakaiba sa akin no’ng umalis ka para magpagamot at isa sa mga iyon ay ang magmahal ako nang tulad ni Dorwin.” Walang ka abug-abog na pagtatapat nito sa kanyang ama.


“Dorwin?” Ang tila paghingi nang paliwanag ng papa nito sa kanyang kambal.


“Hindi ko sinabi ang tungkol sa bagay na ito sayo pa dahil sa tingin ko si Dave ang dapat magsabi nito sa iyo.”


Muling napatingin ito sa amin na animoy sinusuri ang lahat ng pwedi nitong makuha. I can tell na masyado itong nabigla sa nabalitaan at naiintindihan ko naman ito. Kahit naman kasi sinong ama ay mabibigla kong ang inaasahan mong anak na magbibigay sayo nang apo ay heto’t lalaki na rin ang nagustuhan.


Hindi ko magawang makipagtitigan dito gawa ng hiya. Nahihiya ako dahil ako ang dahilan ng pagkasira nang mga pangarap nito sa kanya anak.


“Alex iho?” Pagtawag nito sa akin. Napilitan akong harapin ito mata sa mata. “Renzell Dave is not the typical guy na pwedi mong makasalamuha araw-araw. May ugali ang anak kong ito na hindi kayang intindihin ng ibang tao.” Seryoso nitong wika sa akin.


Naintindihan ko naman ang sinabi nito. Alam kong hindi ganun kadaling intindihan ang ugali ni Dave ang hindi ko lang makuha ay kung saan papunta ang mga sasabihin nito.


“I made a mistake once.” Bakas sa mukha nito ang lungkot. “And I don’t make the same mistake again dahil matanda na ako.”


Wala akong makitang emosyon sa mga mata nito kung hindi ang pag-aalala  at sigurado ako kung para kanino ang pag-aalalang iyon. Para sa kanyang anak.


“N-Naiintindihan ko po kayo sir.” Kabadong sagot ko.


“Tulad ng mga magulang mo, mahal ko ang mga anak ko. Ang tanging bagay lang naman na gusto naming mga magulang niyo ay ang masigurong kapag wala na kami ay may taong mag-aalaga sa inyo. Rezell Dave can be as hard headed as he wants to be. Sobrang matigas ang ulo niyang anak ko. Hindi mo pweding ipilit sa kanya ang mga bagay na ayaw niya.”


Rinig kong napahagikhik si attorney Dorwin sa tinuran ng ama nito.


“Wag kang tumawa Dorwin dahil isa karing matigas ang ulo.” Saway ng ama nito. Para silang mga batang pinapangaralan ng kanilang ama sa hitsura nilang dalawa sa mga oras na iyon. Walang dudang tanging ito at ang mga taong pinayagan lamang nilang makapasok sa buhay nila ang taong pweding mag-control sa kanilang dalawa.


“Alam ko pong mahirap paniwalaan ang sasabihin ko at naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong iyon para mag-salita.  I also have to do my part. Hindi lang puro si Dave ang laging sasalo sa akin sa mga sitwasyon na tulad nito. Partners kami we have to work together to make this all work.


Agad namang napako ang tingin ng mga ito sa akin. Maski ang mga magulang ko ay napatingin na rin sa gawi ko. Kita ko sa mukha nila ang encouragement na ipaglaban ko ang gusto ko at iyon ay si Dave.


“Matigas ang ulo ni Dave alam ko po yon pero sapat na po ang pagmamahal ko sa kanya para intindihin siya. Hindi ko babaguhin ang kinagawian niya dahil doon siya komportable. Ang tanging magagawa ko lang ay bawasan ito.”


“I love Alex pa, to the point na kaya kong baguhin ang mga nakasanayan kong ugali para lang maiwasan ang masaktan siya. I want to proctect him just like what you always do to us. I want him to be happy… with me.”


Tila parang musika sa aking pandinig ang mga sinabi nito. Renzell Dave is really is sweet in his own way kaya siguro nahulog ako sa mayabang, mapangaasar at higit sa lahat mapagmahal niyang ugali.


Napabuntong hininga ito sa mga narinig at natahimik na tila ba malalim ang iniisip.


“Papayagan ko ang relasyon niyo sa isang kondesyon.” Maya-maya’y wika nito. “Dito kayo sa akin maninirahan at hindi kayo bubukod ng bahay hanggang sa mamatay ako.”


Agad na gumuhit ang ngiti mukha nang mag-kambal. Pati si nanay at tatay ay napangiti na rin.


“Ayaw mo lang palang magpaiwan dito pinahirapan mo pa ako.” Wika ni Dave. Bakas sa mukha nito ang saya.


“Wala akong balak mag-isa sa bahay na ito. Ngayon, kung hindi niyo ako mapagbibigayan eh di kalimutan niyo na ang basbas ko.”


“Hindi ka parin talaga nagbabago Ruben.” Wika ng mama ni sir Red na nakangiti. “Iyang ugali mo ang nagustuhan sayo ng mama nila.”


“Marta, Tonio, huwag sana kayong magalit sa kondisyon ko sa dalawa. Gusto ko lang sulitin ang natitirang buhay ko sa mga anak ko. Huwag kayong mag-alala itra-trato ko si Alex bilang isa na rin sa mga anak ko.”




Renzell Dave




“Himala! Nagsawa kana ba kakabuntot kay Alex at naisipan mong mag-paramdam?” Nakangising bati ni Brian sa akin.


“Hindi ko pagsasawaan ang isang yon kaya wag kanang umasa pa.” Tugon ko naman dito.


“Ang akala namin magiging maganda ang matali kana dahil makakapagpahinga na kami sa sayad mo pero mukhang nakakamiss karin pala pare.” Wika naman ni Chuckie.


“Hindi ko kayo na-miss.” Tugon ko naman dito na tinawanan lang nito.


“So, what brings you here? Akala ko ba nasa Manila ka?” Si Brian.


“Kadarating ko lang.” Walang gana kong tugon dito.


“Si Alex asan?”


“Pauwi palang galing probinsya nila.”


Kanina pa ako asar dahil sa hindi manlang ako nito tinext simula kahapon. Kung hindi ko pa ito tinatawagan hindi ko malalaman na umuwi pala ito nang probinsiya. Ang masama pa, hindi ito nagpaalam sa akin na luluwas siya sa baryo nila.



Kadarating ko lang galing Manila ako ang inutusan ni papa na makipag meeting sa mga bagong kleyente namin doon at ngayon dahil sa asar ako naisipan kong sa mga barkada ko mag-palamig imbes na mag-pahinga sa bahay.


Ika-pitong buwan na nang relasyon namin ni Alex at sa loob ng pitong buwan na iyon ay naging masaya ako sa piling nito. Ngayon lang ako naasar dito dahil sa hindi nito pag-papaalam sa akin na hindi naman nito gawain.


“May LQ?” Nangaasar na wika ni Niel.


“Huwag niyo akong asarin at baka sa inyo ko ibuhos ang galit ko.” May bahid ng pagbabanta kong sabi.


“Saan galing ang galit mo? Share mo naman sa amin.” Malokong wika ni Brian.


“Hindi ko naman siya pinagbabawalang bisitahin ang mga magulang niya sa probinsya. Ang sa akin lang naman sana mag-paalam siya sa akin. Kung hindi pa ako tumatawag di ko pa malalaman na wala pala akong Alex na madadatnan paguwi ko.” Tila pagsusumbong ko sa mga ito.


“Tinanong mo ba siya kung ano ang rason at bakit di siya nakapag-paalam sayo?” Si Chukie.


“Yes, at ang rason niya ay mamaya ko pa raw malalaman pagdating niya.” Walang gana kong tugon dito.


“Ayon naman pala eh. Hintayin mong mag-paliwanag ang tao bago ka umusok sa galit diyan. Im sure Alex has his reason kung bakit siya di nakapagpaalam sayo.” Si Niel.


“Bakit kailangan ko pang mag-hintay kong pwedi naman niyang sabihin sa akin over the phone?” May bahid ng pagkaasar kong wika.


“Stupid.” Wika ni Chuckie. “Mas madaling mag-paliwanag kapag kaharap mo ang taong pagpapaliwanagan mo. Alam ni Alex na hindi uubra sayo ang paliwanagan gamit ang telepono dahil matigas ang ulo mo. Kaya para maisalba niya ang sarili niya na ulitin ang mag-paliwanag sayo pinili nalang niyang hintayin mo siya so he can personaly explain to you.”


“Tumpak ka pareng Chuckie!” Wika naman ni Brian. “Kung ako sayo umuwi kana at doon mo hintayin ang irog mo sa kwarto niyo.” Nakangising baling nito sa akin.


Sakto naman sa sinabi ni Brian ng makatanggap ako nang text galing kay Alex at nasa bahay na raw ito. Dali-dali na akong umalis para makausap ito. Sa totoo lang na miss ko ang pagiging maldita at malambing nito. Limang araw ko rin itong hindi nakita, nayakap at nakatabing matulog dahil sa lintik na mga meetings ko sa mga kleyente namin. Gusto ko mang isama si Alex sa akin ay hindi pwedi dahil sa may trabaho rin itong kailangang tapusin.


Halos paliparin ko ang sasakyan mula sa bahay nila Brian pauwi. Naiinis ako kay Alex dahil sa hindi nito pagpapaalam sa akin pero mas lalo namang nangingibabaw ang pagka-miss ko sa kanya.


Nang dumating ako sa bahay ay hindi na ako nagabala pang ipasok sa garahe ang sasakyan masyado na akong sabik na makita ito para mag-sayang pa nang oras. Naabutan ko ito sa sala na nakaupo marahil ay hinihintay ako.


Humalukipkip lang ako sa may main door na animoy hinihintay itong mag-paliwanag. Kunyari galit ako sa kanya kahit paman sa loob ko gusto ko na itong yakapin at halikan.


Inilabas nito sa bag niya ang laptop na ibinigay ko sa kanya bilang regalo sa nagdaang birthday nito.  Gusto ko sanang mag-tanong kong ano ang gagawin niya pero pinili kong hintayin ang susunod nitong hakbang.


Ilang sandali lang ay tumayo na ito bitbit ang laptop niya at lumapit sa akin sabay iniharap sa akin ang screen ng laptop.


“Nag-sent ako sayo nang message sa facebook mo dahil hindi kita ma-contact kahapon siguro nasa meeting ka at dead spot ang kinalalagyan mo. I-login mo ang facebook mo para makita mo ang message ko.”


KInuha ko sa kamay nito ang laptop pero hindi na ako nagabala pang mag-login. Alam ko namang nagsasabi ito nang totoo.


“You could have atleast try again to call me. Alam mo namang minsan lang ako mag-open ng fb kapag nasa travel ako di ba?”


“I did, been calling you couple of times kaso out of coverage ang phone mo hanggang sa mag-empty nalang ang phone ko.”


“Bakit hindi mo ako tinext manlang ng makarating ka sa baryo?” May bahid ng pagtatampo kong sabi.


“Blackout doon hanggang kaninang hapon kaya ngayon lang ako nakapagcharge. I was about to call you pero naunahan mo ako.”


“Sana hinintay mo nalang akong makauwi para sabay tayong bumisita kina nanay at tatay. Hindi kana sana nag-bus papunta doon.”


“Weekend, na bored ako dito sa bahay kaya naisipan kong dalawin nalang muna sila habang nasa Manila kapa. Sorry na.” May bahid ng paglalambing nitong sabi.


“Ayaw ko nang sorry mo.” Wika ko sabay bigay dito nang isang pilyong ngiti. Hindi ko talaga kayang magalit dito.


Napatawa narin ito sa kolokahan ko.


“Mahalay ka talagang tao ka. Mamaya na yang mga binabalak mo paghahanda muna kita nang pagkain dahil paniguradong hindi kapa kumakain.”


“Iyan ang na miss ko sayo habang nasa Manila ako.” Malambing kong wika dito sabay nang pagkabig ng batok nito para bigyan siya nang halik. “Maliligo nalang muna ako habang naghahanda ka nang pagkain para ready na ako mamaya.” Dagdag ko pang wika nang mag-hiwalay ang aming labi.


Hindi ako nagsisisi sa taong pinili nang puso kong mahalin dahil ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin. Maldita siya minsan oo, pero dahil din sa pagiging maldita niyang iyon ay nagulo niya ang isip ko na humantong sa pagmamahal ko sa kanya.


Wala na akong hihilingin pa. Nasa akin na ang lahat ng bagay na hihilingin ng lahat ng tao. Kontento na ako sa buhay ko kasama ang mga taong mahal ko. It was the right choice taking my chances with Alex hindi lang ako nito pinapasaya araw-araw, nakuha rin nitong gawing kompleto ang buhay ko.


“Tulad ng promise ko sayo mag-babakasyon tayo next weekend para ma-i-celebrate natin ang monthsary nating dalawa.” Malambing ko wika dito na sanamahan ko pa nang mga damping halik sa labi nito.


“Saan naman tayo pupunta ngayon?” Tugon naman nito sa akin.


“Saan mo ba gusto?”


“Hmmmm… hindi ko alam eh. Wala akong maisip.”


“Saka na natin isipin yan marami pa naman tayong oras. Sa ngayon makiki-round two muna ako.” Nakangisi kong wika na ikinahagikhik naman nito.


“Kahit hanggang round five game ako ngayon. Na miss kasi kitang pilyo ka.”


“Ows? Walang bawian yan ah. Tara simulan na natin at baka abutan tayo nang sikat ng araw.” Wika ko at muling naghinang an gaming mga labi.


Mula sa banayad na halik ay naging mapusok, mapangangkin ang mga halik ko sa kanya dahil na rin siguro sa sobrang pagkamiss ko rito. Hindi naman ako nito binigo at tinumbasan naman niya ang mga halik kong iyon. Nagsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa aking likod at sa bawat haplos nito sa akin ay nagbibigay ng kakaibang kiliti sa aking buong katawan.


Halos mawalan ako nang bait ng magsimulang mag-lakbay ang dila nito pababa. Bagay na kahit na sinong babae ay hindi pa nagagawa ang ganitong pagpapasarap sa akin lalo na nang maabot nito ang maselang parte ng katawan ko.


Hindi ko maiwasang mapasabunot sa kanya at mapaungol sa ginagawa nitong pakikipaglaro sa alaga ko. Alex never fails to give me the pleasure that will satisfy me. Muli ko siyang iginaya para muling mag-lapat ang aming mga labi.


“Hindi mo talaga ako binibigo kahit kailan.” Nakangisi kong wika dito nang mag-hiwalay ang aming mga labi.


“I have to satisfy you para hindi kana mag-hanap ng iba.”


“Kahit kailan hindi kita ipagpapalit sa iba kasi mahal kita.”


“Bolero ka talaga.” Basag nito sa paglalambing ko.


“Ready na ikaw baby maldita?” Pilyo kong sabi.


“Always naman akong ready basta ikaw ang partner ko.” Ganting panunukso nito sa akin.


“Good!” Wika ko at sa isang iglap ako na ang nakaibabaw sa kanya.


Ibayong saya ang naramdaman ko nang malaman na ako ang unang naka angkin sa kanya. Sa akin lamang niya ipinagkatiwala ang buong katawan niya. Wala naman sa akin kung may nakauna na sa kanya dahil hindi iyon mababago ang pagmamahal ko kay Alex pero tuwa ang naramdaman ko na ako pala ang una nito.


Dahan-dahan walang pagmamadali ang aming mga galaw. Alam kong nahihirapan parin itong tanggapin ang kabuuhan ko pero lagi kong sinisigurado na hindi lang ako ang maliligayahan sa bawat pagtatalik namin. Ipinadadama ko sa kanya na sa bawat galaw ko ay naroon ang pagiingat at pagmamahal dahil alam kong iyon ang bagay na matagal na niyang inaasam at ako ang taong nakatakdang mag-bigay ng mga iyon sa kanya.


“I love you baby Maldita.” Masuyo kong wika.


“I love you more kumag.” Tugon naman nito sa akin at pareho kaming napahagikhik.


Maraming tao sa mundo ang takot sumugal sa pagibig, dahil takot tayong masaktan at makipagsapalaran. Ako man ay natakot rin noon pero kung nagpaalipin ako sa takot ko hindi ko makukuha ang taong mahal ko. We have to learn to take some risk dahil kung hindi tayo susubok hindi natin makukuha ang gusto natin. Huwag tayong matakot na masaktan dahil doon tayo natututo. Wag tayong matakot na sumugal kung sa tingin mo worth it ang taong iyan to take chances with.










Wakas

94 comments:

Almondz said...

very very nice! gusto ko yung last paragraph nito zep...kasi kahit ako man sumugal rin.

ill be waiting for your next story :)

Jeh said...

TA****A! hahahahahah

Lupet mo talaga kuya Z.

10/10 :D

Kung pede nga lang icompile lahat ng stories mo ginawa ko na kaso baka makasuhan ako hahaha..

Bilisan mo pagpapahinga ha para sa susunod na book. :)

Anonymous said...

whoa 3rd ba?hahaha

sr143.

--makki-- said...

that's was a SWEET ENDING! ( pinaganda mo talaga ang gising ko)

Congratulations! TWO THUMBS UP!

;)

Anonymous said...

waaaaahhhh, tapos na.


taga_cebu

Anonymous said...

wow galing!..
magaling din pala c alex dun?hmm..hehe..
Go0d job author Z..
aabangan ko tlga ang susun0d m0ng mga series...;)

sr143.

Jamespottt said...

Kakagising ko lang kanina at pagbukas ko sa account ko ito agad ang nakita ko at hindi ako nabigo kasi sobrang ganda ng ending.

Congratulations! :]

Duncan052003 said...

Solve...Ganda na naman buong araw ko nyan

Gerald said...

If you want a feel good story and less heavy drama and twist but more of kilig. I highly recommend this blogsite.

Thanks again for this story.

Chris said...

ganda ng ending talaga! sobra akong nakarelate dun sa last paragraph. tamang-tama talag ang sinabi mo kuya. hindi natin makukuha ang gusto natin pag hindi natin sinubukan. salamat po!! hihintayin namin ang pagbabalik nyo :)

ZROM60 said...

what a marvelous story. tama ung mga iniwang salit ni dave. dapat pag nagmahal ka na ng totoo, alam at ramdam mo na ganun din sya sau, gawin mo lahat para sa mahal mo. tnx and goodluck sa bakasyon. yngat po lage.

Anonymous said...

great as usual :) thanks

singledon said...

ayieeeeeeeeeeeeeeeee mabuhay ang dalawang taong ngmamahalan..... sarap sa pkiramdam. kaya ko pa bang isugal ang pusong nasusugatan? haysssss

Zildjian said...

Wahihihihi! salamat naman at nagustohan mo ang kalokohan ko dito Almondz... yey!!!

Zildjian said...

Hahahah! Pwedi naman kasing humingi muna bago makasuhan di ba? :))

Zildjian said...

Hahahaha! Wala lang akong maisip na ibang sasabihin kaya ayon ang pumasok sa kokote ko :D salamat naman at nakarelate ka :))

Anonymous said...

wahahaa!!!!! ang tweet naman! heheh sana makahanap din ako ng renzl dave!! heheh

Kl Jan

Zildjian said...

Salamat po hehehehe xD xD masyado na pong na drain na utak ko sa haba ng chapter na to kaya iyon ang pumasok sa kokote ko :))

Anonymous said...

thanks sa story na ito mr. otor. bilisan ang pagpahinga sa pagsulat para maipost na rin agad ang bagong soty.hehehehehe

---januard

Anonymous said...

ayeee maganda maganda ahahahaha wala ako masabi kung maganda. Enough said.

- Anonymousy

Anonymous said...

Hahaha ang saya ng gisahan 101 kay dave at alex hahaha

KV

Jasper Paulito said...

Salamat dahil I took may chances sa story mo... gusto ko ito from chapter 1 till end. I love the ending as well. galing mo zeph magsulat.
wish to read more your work. congrats!

Anonymous said...

congrats nice story!!!



_theo_ ^_^

JayAr said...

hehehe ending na kaya need to say thanks to the author. just want you to know that i have read all of your stories from after all up to this. its just that every ending lang ako nagcocomment. Anyway, this is another great story, while reading, you can't help but think and hope that this is really happening. But it doesn't matter, the good thing about these stories are make us realize different views in life. hahahaha just want to give credit to the author for this wonderful story...can't wait for the next. hehehehe hope nakabawi ako.

JayAr said...

hehehehe pahabol...mula The Right Time p pla=)

Unknown said...

Ang ganda ng ending..Nice one..mukhang aabot sa isang libro ang akda mo. Lahat sila mula umpisa hanggang dulo magkakakonek sa isa't isa. Galing galing..

May point ka sa sinabi ko na we have to take chances if this will make things worth. Pero ewan ko hindi ko talaga nakikita ang sarili ko sa ganito.Hahaha...

Goodluck and ENjoy your vacation..

Anonymous said...

woohh.. hooray for this part..hehe

kiligness till the end..

don't be afraid to take some chances, ayt?? defnitely gonna keep that in mind.. hehehe

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

wow sir zef..galing..nyz ending..kilig much..alex is really swerte..hayyy/.sna may dave dn aq..^_^

wait ko next series mo..:))

_niccolo'25_

Anonymous said...

ma miss ko talaga si dave ang mga pangaasaran nila sa isat isa.... .... wahhhhh talagang ipinag laban ni dave ang pag mamahal nya kay alex the maldita sa papa nya.... at may basbas pa,,,,,,nakakainggit naman....wahhhh kelan kaya ako makahanap ng ganun.....wish ko lang....

ramy from qatar

pitfck said...

awesome! (applause)

kristoff shaun said...

ahm i expect more sa ending haha pero ok na rin hay ikaw ba naman magantay at sa sobrang antay eh naka tulog na haahha!!

Anonymous said...

Congratulations Mr. Z,ang ganda ng ending ng love story nila dave at alex. Sulit n sulit ang aking pagba2xa s mga stories mu,ull always satisfied me,ill wait 4 ur nxt story,i hope ndi k mtagalan s pagp2hinga mu,jejeje...
More power and have a go0d health,gudluk as always^^;


-daRkaNgeL13

Anonymous said...

Congratz Mr.Z!!!
very,very,very nice and kakilig ng ending,wla k tlagang kupas,ang galing...
Whoooaaa!! la aqng msabi s ganda ng story mo,great job...

-daRkaNgeL13

russ said...

ang sarap isipin na kahit nasa third sex tau ay makakahanap pa din tau ng katuwang sa buhay..God never fail us basta tau ay marunong magdasal at maghintay..

although this story is purely fictional alam ko na isa sa mga fans mo o sa buong mundo ay nakakaranas din ng tunay na pagmamahal tulad nila alex at renzel and the rest of the seveth barkadas..

zep..thanks a lot for giving us another inspiration..at dahil dito yahoo mamahalin ko pa ng tunay ang MINE KO..

love always..

russ...

Anonymous said...

kilig to the bones... congwattuuulaysionss, zephiel!

rest well and i'll fuckin' wait for ur next installment. tatah!

Ramm

JAN KURT AQUINO said...

waahhhhhhhhhhh tapus na hu hu hu. i like it zephhhhhhhh more more more stories to come. thanks sa mga kwento

-ShalnarK- said...

Salamat sa story na to mr author dami kong lessons na natututunan sau hehe. Congrats!

foxriver said...

FREAKING LOVE IT!!!!!!!! I LOVE THE LAST THING U SAID.

Anonymous said...

Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeee! Sobrng kilig! Hihihi

Clap! Clap! Clap! Congrats Super Z! Lab u! Hihi

Sarap bsahin at namnamin ng word 4 word ang chapter nto!

Rest and recharge k muna super Z. Date k muna araw2, gbi2 since love month nmn. D2 lng kmi lgi tmbay s chatrm m. Hhintayin nming mrefresh ang 2mb mng utak pra s bgo mng obra! Cgrado pg ndiligan k ng pgmamahal ng labs m ay gagana uli ang utak m. Hihihi

God bless you always!

Happy Valentines Day Everyone! HVD Mojacko! ILY! : ))
-akosidrew-

Anonymous said...

Bacause of your works I am now a fan of bisexual stories... You inspired me to take the risks to another chance with the person i'd learned to love. Good luck Z.... I will be waiting for your next masterpiece...

Best Regards,

Raymund of Bacolod City

Anonymous said...

ang ganda naman talaga ng kwento..this is the first story na inabangan at tinapos ko sa tagal ko na nagbabasa ng bol..sana ganyan din ang ending namin ng kaisa isang taong minahal ko hanggang ngayon,,sana matutunan din niya ako mahalin..hindi ako susuko at handa ako sumugal para sa kanya..dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang buhay ko at nagpasaya sa akin ng ganito,,,ill take every chances dahil alam ko hindi pa huli ang lahat..sana lang..

nice story,,excellent writer..thumbs up!cheers..

>potchie :)

TheLegazpiCity said...

" We have to learn to take some risk dahil kung hindi tayo susubok
hindi natin makukuha ang gusto natin. Wag tayong matakot na sumugal
kung sa tingin natin worth it ang taong iyan to take chances with"

Very true kaso mukhang mali ung napili kong tao na pag-alayan ng ganitong risk..

Thanks Kuya Zild..This is really an artwork

Zildjian said...

Hahaha! Hindi pa nga po nakakapagsimulang mag-pahinga bilisan agad xD Dont worry pagbalik ko kasama ko na ang ilang chapter ng Make Believe. xD

Zildjian said...

Thank you Jasper xD im glad na nagustohan mo ang naging daloy ng storyang ito.. hahaha kahit pa man pinadugo ni Renzell Dave ang utak ko. :P

Zildjian said...

Uhoy! xD your welcome po and yep it doesn't matter kong nangyayari nga ba ito. Ang importante lang naman ay may matutunan tayo sa pamamagitan ng storya nila.. :D

Zildjian said...

IDOL!!! hahaha long time no see XD uu nga eh sa apat kung nagawa puro konektado sa isa't isa. Subukan ko namang gumawa nang new series bagong characters at bagong kalokohan :D

Zildjian said...

hello daRkaNgeL13 nice to have you here at glad na nagustuhan mo ang stories ko. hihihi APIR!

Zildjian said...

Dapat lang Russ :)) maging faithful ka sa Mine mo dahil what u give is what u get :D

Zildjian said...

Think possitive lang po potchie ^_^

Zildjian said...

Wag kang malungkot kung nagkamali ka. Tandaan mo lahat ng pagkakamaling nagagawa natin ang kapalit nun ay natututo tayo.. :)

Anonymous said...

nice story zildjian ang ganda... thanks..

rstjr029

Anonymous said...

I LOVE IT!!! Ang ganda talaga!!!!

Hehe kung hindi ko lang nababasa yung mga names sa unang part ng chapter na ito, iisipin ko mga babae sila Alex. Haha!

CONGRATULATIONS ZEPHIEL!!!

Excited for Lantis, Nicollo ang Karupin's story!! Haha

karupin nga ba yung name ng pusa!

I really like their duo, they're so cute and funny!

--ANDY

Anonymous said...

Wow grabe Kuya Zeph ganda ng story!!!

Kakilig talaga ng dalawa. Bagay talaga pagsamahin ang makulit at maldita. Haha

-Jake of Cebu-

Anonymous said...

haist... tnx a lot... another story worth reading.

will do take risks in love na.. tnx to you.

elija

ps, will be waiting for your next installment.. take care.

FAYENG said...

wow............. ganda......... exciting ang happenings... Kudos again!

Sana ay karugtong pa ang kwento nina Alex d' maldita at ni Renzell Dave d' kumag... lols...

Anonymous said...

wew.. at last!!! kakakilig!! thanks mr. z. ur such a good writer.. in life, we always take a risk to achieve something, and it doesn't mean you always succeed, u need to experience failure to appreciate success. Kaya si alex minsan ng nadapa, pero sumugal pa din at ngayon nilalasap ang sarap ng tunay na pagmamahal.. aabangan ko next series mo po..sana di na magtatagal..hihihi

chamcham

Anonymous said...

ang ganda ng POV ni renzell dave..hahaha..

CONGRATULATIONS KUYA ZEKE..

til next series..hahaha..

-Jay

Anonymous said...

galing mo talaga zeke, sobra, hindi ko pa man nababasa ng buo ang story mo, pero dito pa lang, sabrang naeexcite na ako basahin ng buo, zeke, pwede favor? hehehe, i want to read all your story, if my soft copy ka po? pakisend naman sa email ko, if okay lang naman. hehehe. eusethadeus@gmail.com, thanks zeke. sobrang dami. love lots from san pablo city. hahaha.


-eusethadeus-

Anonymous said...

hmmhm..,
speechless ako. . :o
although parang napadali ung pagbabalikan,*cguro nadrain na ang utak mu*
the story went well..

Halos lahat ng quotable quote mu author, ang ganda. Applicable. Quote na nga lng ng cover, patok na!

Kelangan mu lng mg unwind at inspiration author.,
kaya mu yan..

Kudos!

-mark.

Lyron said...

Wow such sweet ending!!! taking chances, gamble for love! And win it all! nakaka-excite tuloy yung next series mo!

Cheers!:)

Unknown said...

IDOL ka diyan..ikaw kaya idol ko..hahaha..

saka ok nga yung magkakakonek sila sa isa't isa. The more the merrier..hahaha at least unique ka..hehehe..abangan ko next story..

God Bless!!

Coffee Prince said...

ngayon lang ulet nagkanet sa bahay ..

wooooooooooooohhhh! very smooth ng ending ..
no more hassle and stressful scenes .. hehe :)

kakainggit sila .. sana ako rin .. haha .. [iyak] T_T
Rome & Ace
Red and Dorwin
Dave & Alex ..

i hope that i will learn someday how to risk for the one i love .. i will have the courage to face acceptance as well as rejection .. i will have someone to treasure for the rest of my life ..

Thanks kuya ZJ ~
YOU DID A GREAT JOB ~

Anonymous said...

at natapos din, salamat sa kwentong ito, dahil kahit papano ay may natutunan ako, haha!! Ganun lang talaga siguro ang buhay kung sino pa ang ayaw na ayaw mo, ay sya pa ang inilalapit sa iyo ng tadhana, Goodluck and Godbless!!


Beucharist...

Almondz said...

wow ako pala ang una sa Finale hehe...

alam ko may aabangan pa kami, like yung story ni Nico at Lantis and others hehe. but for now, take some rest...unwind and breath.

Unknown said...

finally.. :p

sana pag-gising ko, mei makilala na rin akong dave.. :p

Zildjian said...

Dapat lang dahil ikaw ang dahilan kong bakit ko ginawa ang storya ni Dave.. HAHAHAH ikaw ang nag-request sa akin nito di ba? :D

Zildjian said...

Mabuti naman at nagustohan mo ang storya Prince :)) im glad na na please ko na naman kayo sa storyang ito.. Ingat lagi

Zildjian said...

Aasahan ko yan IDOL. :)) Kita-kits tayo sa bagong series na gagawin ko. Ingat kaw lagi!

Zildjian said...

Yep ang storya ng apat na barkada ni Alex ay mag-sisimula sa storya ng Make believe. Abangan kong paano sila lalabas sa storya ni Ken at ni Martin :) wahihihihihi

Chris said...

ilang beses kong binasa itong ending mo kuya kac sobrang ganda :) can't wait sa nxt mo!! :)

Ross Magno said...

Galing galing talaga...

Ross Magno said...

lahat ng tauhan ata sa mga story mo gagawan mo ng kwento...galing talaga...

Almondz said...

aabangan ko yan zephie hehehe

RJ said...

tapos na siya :)

abangan ko yung next mo ulit hehe..simula The Right Time pa lang naging parte na talaga ng araw ko ang tingnan kung may update na mga kwento mo Z. :)

ingat :) keep it up!

Anonymous said...

Salamat sa isa na namang magandang kwento na natapos. kudos author anD god bless..『dereck』

Anonymous said...

got to Love a happy ending story...
rest kah muna kuya Z...
u deserve it...
nd we wiLL wait for your next story...
i know it wiLL be great, just Lyk aLL ur stories...

sana may epiLogue din pra masaya...
hehehe...


- ur #1 fan in cebu, EDRICH

lilee said...

congratulations baby bear! ang ganda ng story na to....keep it up....at aabangan ko ang bagong story na bubuohin mo....all the best

master_lee#27 said...

what a nice happy ending kuya z:D
napakanda ,kakakilig ahah ikaw na kuya da best ka pagdating sa love story.............good job....one thing lang SANA may EPILOGUE ehe para happy lahat kuyaz..........salamat sa magandang story ,,,,at aabangan ko ang next story mo .......:D:D:D ingat lagi!!!!!

Zildjian said...

Thank you mommy bear!!! i miss you so much na! sana mag-paramdam ka ulit sa chatbox ko.

Anonymous said...

good story telling... nicely done... kudos to you zep..!

Anonymous said...

kuya z you really are the best hihintayin ko po ang mga bago nyong storya cge po magpahinga po kayo pero wag nyong taglan hehehehe ty po sa great stories
Again congrats po sa inyo and sana po marefresh ang 2mb nyong utak(sabi nyo) para madami pa po kayong storya maisulat para madami din pu mga tao ang mainspire at ngumiti =)

-darwin19

ezr0ck said...

whew!!! tagal koh nang di naka-bisita sa blog moh kuya zek .. hehehe sorry for that .. Got caught up lang with a few things .. Love the ending of the story ... kudos!!!

lab yah kuya zek .. keep on writing poh hah ..

Anonymous said...

tnx for giving us a very wonderful and inspiring story..

Ryge Stan said...

wew tnx for the wonderful story hehehe.

Pesensya kung ngun lang me ng comment masyado kasi ko na attached sa story kaya gusto ko tuloy tuloy ung pagbabasa ko ng story.

Congratulation for job well done.

Take Care and keep on writing.......

Unknown said...

wala ako masabi. ang ganda ng stories mo! binasa ko mula The Right Time>After All>9 Mornings>Chances di ako pinatulog nito. haha. nagka insomnia na ata ako. kudos to you author! my fav story would've to be After All, mas malakas ang naiwang impression sa akin ng story ni Red at Dorbs. You have an awesome gift on writing. great job!

JR said...

Wooh.. sa bawat pagbasa ko ng mga story mo zild nangangarap ako ng sarili kong happy ending... na balang araw mahahanap ko din ang partner ko.. Tulad na lang ni alex na minahal ng isang renzell dave... nabigo man siya sa una nyang relasyon. higit pa ang nakuha nya sa sunod dahil mahal na mahal talaga siya. what a lovely story, thanx for this

Anonymous said...

yey!!finally sila na!!si kumag at si maldita.haha..nkktuwa tlaga story nila.^^

i can't help but to wish na sana dumating na ung pra sakin!?hahaha...

Wla nbng nxt book pra sa The Right Time sir?:)

-monty

archerangel said...

this is just too adorable :)) ive been enjoying your series (TRT and AA) na na basa ko sa site ni Dark Ken :) i like your work sir Author and napakaheartwarming ng mga kwento nyo because of the sweetness and kakulitan ng mga characters nyo.... i shall continue to read the rest na..... yay.. 3

Anonymous said...

very nice work! keep it u!

Anonymous said...

hayssss... ang sarap ulit ulitin ng story na to... naka dalawa na ko... ang ganda tlga! best story ko to

Anonymous said...

supah crush!! sobrang galing mo!! :)
jjj

Zildjian said...

HAHA! salamat sa pagkawili sa k'wentong ito!

Anonymous said...

natapos din basahin ang buong istorya. pwede na akong matulog. thanks.

rhon

Anonymous said...

Diko.na alam pang ilang basa ko.na nito. Ito talaga fave kong story mo author. Kahit ilang ulit pa, kinikilig at natutuwa parin sa.mga moments nila. Ang ganda tlaga sir

Post a Comment