Sunday, February 5, 2012

Chances Chapter 18


Story Cover Created By:
Jojimar Lalusin Abarido

by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com


Masasabi kong na drain ni Renzell Dave ang laman ng 2mb kong utak sa chapter na ito mabuti nalang at may isang taong mabait (kuno) na tululong at nagbigay sa akin ng ideya para madugtungan ko ang chapter na ito. Hindi ko na talaga alam kanina ang gagawin ko dahil hindi ko mahanap sa utak ko yung mga salitang gagamitin ko. WEW!!!!


Swiss – Salamat ng marami sa ideya mo ah. Kung hindi dahil sayo hindi ko matatapos ang chapter na ito ngayon. Tenk kyu!!!


Akalain niyong inabot ako nang 6am. Ito na ata ang pinakamatagal na chapter na nagawa ko. Nagsimula akong mag-sulat mula 10pm at ngayon ko lang siya natapos. Wahahaha mukhang dapat na nga ata talaga akong huminto tinanggalan na ata ako ni Lord ng kakayahang mag-sulat o baka dahil lang din sa maligalig na si Renzell Dave. Wahihihihi


Sana ay magustohan niyo ang Chapter na ito at sana rin ang mga Anonymous at Silent Readers ko ay mag-pakilala na bago ko ma-i-post ang last chapter nito. Huling dalawang chapter nalang guys at sa susunod na Chapter niyo na malalaman kung mag-tatagumpay ba si Renzell Dave sa pakikibaka niya kay Alexis o epic fail ang effort niya. Yan ang napapala nang mga taong maraming issues sa buhay haha buti nga sa kanya. :D



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“Dito siya nakatira? Hindi halata ah.” Ang wika ni Brian nang nasa tapat na kami nang bahay na tinutuluyan ni Alex.


Pinukol ko naman ito nang masamang tingin.


“I-zipper mo yang bibig mo kung ayaw mong dumugo yan.” Pagbabanta ko dito na tinugon naman nito nang pag-muwestra nang pag-zipper nang kanyang bibig. Talagang may sayad ang isang to at hindi na naging seryoso sa buhay.


Parang hindi ka katulad niya noh? Like is known by like kaya nga kayo mag-kaibigan at mag-kasundo kasi pareho ang ugali niyo. Kontra agad ng maligalig kong isip. Tama nga naman ito; ang magnanakaw ang tinging makakakilala sa kapwa magnanakaw.


“Katukin mo na para matapos na kalbaryo mo.” Wika nito nang mapansin sigurong medyo nag-aalangan ako. “Dinadaga ka? Aba bago yan ah dinadaga si Renzell Dave Nivera.”


“Wag kang mangasar Brian wala ako sa mood ngayon.” Asar kong wika rito sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga.


Sasabihin kong dinadaga nga ako sa mga oras na iyon. Hindi ko parin kasi alam kung ano ang unang sasabihin ko kay Alex. Marami akong bagay na gustong sabihin at dahil sa sobrang dami ay tila di ko alam saan magsisimula at kung paano ito umpisahan.


I’ve never been so sure in my life until i met Alex. Ang dami kong hang ups, marami akong hindi alam sa mundo dahil sa nakatali ang isip ko sa kambal at papa ko dahil noon ay tanging silang dalawa lang ang tanging pinahahalagahan ko. But when i met Alex marami akong naranasang kakaiba sa akin. Natuto akong matakot, natuto akong mag-alinlangan at higit sa lahat natuto akong mag-mahal. Alex was the person who taught me to take my chances and i want to take it with him kahit mali man iyon sa maraming tao ay gagawin kong tama. Dahil iyon ang alam kong magpapasaya sa akin.


But how can I say all these things I have in mind kung ayaw ako nitong kausapin. Papaano ko magagawang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko if he won’t even give me a chance? Alam kong nasaktan ko siya at handa akong mag-paliwanag sa kanya.


Nabalik lang ako mula sa malalim na pagiisip nang marinig ko ang tatlong sunod-sunod na malalakas na katok ni Brian. Halos mag-kandaugaga akong pigilan ito pero huli na ang lahat dahil bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang mala demonyong anyo nang tiyahin nito. Naka-daster lang ito at nasa buhok na naman nito ang mga kolorete na sa tingin ko ay para pangkulot ng buhok.


Pinukol kami nitong nang tingin mula ulo hanggang paa at nang siguro ay magustohan nito ang nakita ay ngumiti ito sa amin. Ngiting alam mong may ibig sabihin o mas tamang sabihin na ngiting pagkakaperahan. Sadya nga atang mukhang pera ang isang ito taliwas sa mama ni Alex na ubod ng bait.


“Ano ang kailangan niyo mga iho? Narito ba kayo para mag-hanap ng mauupahang bahay? Three thousand ang bawat kwarto. Two months deposit at one month advance.” Agad nitong wika di pa man kami nakakasagot sa unang tanong nito.


Walang duda mukhang pera nga ang isang to.


Nakita kong bahagyang napangiwi si Brian. Sino nga ba ang hindi mapapangiwi sa presyo ng kwarto nito na sa tingin ko maski ang daga ay mahihiyang tumira. The place is a total mess halos isang bagyo nalang ata eh bibigay na ito. Isama mo pa ang lugar na squatters area na kahit ano mang oras ay pwedi i-demolish ang mga bahay na nakatayo doon.


“We’re looking for Alex, dito ba siya nakatira?” Sabi ni Brian alam kong sinadya nitong hindi na mag-paligoy-ligoy pa para makaalis na sa lugar na iyon.


Mula sa pagkakangiti ay gumuhit ang galit sa mukha nang matanda.


“Kaya ba kayo nandito at nang-istorbo sa ganitong oras ng gabi para lang hanapin ang baklitang Alex na yon? Wala na siya dito, wala na rin lang siyang trabaho kaya pinalayas ko na. Masyado nang maraming palamunin sa bahay na ito para dumagdag pa siya.” Mataray nitong wika.


Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nito kaya ako na ang sumagot rito.


“Mabuti naman kung ganun, hindi naman talaga bagay sa isang tao ang tumira sa bahay nyo. Ewan ko nga ba kung bakit may nagpapaloko sa inyong umupa diyan eh.”


“Abat bastos ka ah!” Galit na galit nitong wika at nang akmang mag-sasalita pa sana ito ay muli akong nagsalita.


“Matanong ko lang, may business permit ka ba sa pagpapaupa mo rito? Ingat-ingat lang baka bukas pulis na ang kumatok sa pintuan nyo at hindi mo kayanin ang mga kasong pweding isampa sa inyo ng gobyerno.”


Batid kong tinamaan ito sa mga sinabi ko dahil bumakas ang pagpa-panic sa mukha nito. Hindi ata ito sanay na may mga taong may alam sa mga ganoong bagay. Ikaw ba naman ang maging kambal ng isang napakagaling na abogado kung hindi ka mahawa sa kapraningan nito pagdating sa mga batas at legalidad.


“Naku ale, hindi maganda ang tumatakas sa buwis, tiyak makukulong ka niyan.” Gatong pa ni Brian na sinamahan pa nang isang nakakagagong ngiti. “Tara na pare, wala na pala ang irog mo dito baka bumaho pa mga kamay natin kapag nagtagal pa tayo.”


Umalis nga kami agad sa lugar na iyon. Napagdesisyunan naming puntahan si Red at tanungin kung may alam ito tungkol sa bagong tinutuluyan ni Alex. Hindi naman kasi agad ito uuwi nalang ng basta-basta lalo pa’t alam kung ayaw na ayaw nitong maging pabigat sa mga magulang niya.


“Imbes na sayangin mo ang oras mo sa pag-iisip bakit hindi mo subukang tawagan ulit?” Wika ni Brian. Ito ang nagmaneho nang sasakyan sa mga oras na iyon.


Para naman ako puppet na sumunod dito ngunit sa muling pagkakataon bigo na naman ako nakapatay parin ang cellpohone nito.


“You’re hopeless. Ganyan ba talaga ang mga taong nai-in love? Buti hindi pa ako na in love nakakatakot pala. He! He!” Wika nito nang marinig ang buntong hininga ko.


“Mag-drive ka na nga lang diyan!” Asik ko dito. “Bakit ba kasi sinisante pa nang mga kumag na yon si Alex eh.” Paninisi ko sa mga ulupong na dahilan kung bakit hindi ko ngayon mahanap si Alex.


“You can’t blame them. Negosyante ka rin di ba? Alam mong kapag hindi na naging productive ang isang tauhan mo wala kang choice kung hindi sisantehin ito kung ayaw mong maghirap. Hindi biro ang na invest ng mga yon sa seventh bar at hindi rin biro ang posisyon ni Alex doon.”


May point naman ang ugok na to. Ganun na ba talaga ang naging epekto ko kay Alex para masisante ito. Lalo lang tuloy nadadagdagan ang guilt ko sa mga nangyari.


“Lintik namang buhay to!” Ang naiwika ko nalang sa sobrang frustration.






“Ay naku itong batang ito, anong nangyari dito sa kwarto mo?” Wika ni nanay nang makita nito ang nagkalat na bote sa loob ng kwarto ko.


“Pakilinis nalang po nay.” Tinatamad kong wika sabay padapang humiga sa kama.


Mag-iisang linggo na mula nang puntahan namin ni Brian si Alex sa bahay ng tiyahin nito kung saan ito umuupa at hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita. Nang tanungin namin si Red kung alam nito kung saan ang bagong tinutuluyan ni Alex ay hindi rin daw nito alam.


Halos araw-araw ko itong hinanap sa lahat ng pwedi nitong puntahan o pag-apply-an ng trabaho mula sa mga bars sa lugar namin pati na sa mga restaurants. Maski ang mall hindi ko pinalampas pero hindi ko talaga ito mahanap.


Sumadya rin ako sa kanila nagbabakasakaling umuwi ito pero maski ang mga magulang nito ay wala ring alam. Ni hindi nga alam ng mga ito na wala na sa puder ng bayaw ko si Alex kaya para hindi mag-alala ang mga ito ay sinabi ko nalang na galing lang ako sa kalapit na bayan para sa isang meeting at naisipan kong dumaan doon para bisitahin sila. Mabuti nalang at bumenta ang palusot kong iyon.


Sa loob ng isang linggo; pagsisisi, pagaalala at pagkadismaya, ang lagi kong nararamdaman sa tuwing uuwi ako sa bahay na bigo sa paghahanap sa kanya. Napunta lahat ng paninisi ko sa mga ulupong na kaibigan ng pinsan at kambal ko dahil sa kung hindi sana nila tinanggal si Alex hindi sana ako mahihirapan. Dahil doon ay hindi ako nagpakita sa mga ito, pati sa kambal ko ay hindi ako nagpapakita o nakikipag-usap man lang.


Sa mga kaibigan ko naman tanging si Brian ang laging sumasama sa akin kapag wala na itong masyadong ginagawa sa family business na iniwan ng mga magulang nito sa kanya.



Who would have thought na sa simpleng pangasar ko noon sa maldita, arogante at higit sa lahat mataray na Alex na iyon ay hahantong sa ganito. I admit no’ng una hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya. I tried to flirt with him maybe because it is my way of denying the true feelings I have for him. Na-trigger niya ang pagiging protective ko dahil sa nakita ko sa kanya ang kabaliktaran ko. Alex and I were so different in many ways: kung ako ang malakas siya naman ang mahina, kung ako ang mapang-asar siya naman itong ignorante.


Isa pa sigurong dahilan kung bakit pa umabot ang lahat ng ito sa ganitong punto dahil natakot ako noon. I’ve never been so attached to anybody except sa papa ko at sa kambal ko. Natakot ako sa nararamdaman ko to the point na masyado akong naguluhan. Masyadong mabilis ang nangyari sa amin ni Alex at lahat ng iyon ay bago sa akin. Natakot ako na baka hindi ko pa pala siya tuluyang kilala at sa huli ay magkamali ako. It’s so easy to say na handa ka na but once you got the chance to think about the thought of committing yourself, nakakatakot pala.


Pero noong makita ko ulit si Alex doon ko napagtanto na willing akong isugal ang lahat para lang sa kanya. Seeing him talking to his ex made my mind cooperate with my heart. Doon ko napagtanto na mas takot pala akong mawala siya sa akin, but it was already too late. Ngayon hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin, halos nawawalan na ako ng pag-asa.


“Tumayo ka diyan!” Ang naramdaman kong malakas na pagyugyog sa akin.


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako. Ilang gabi na rin na lagi akong kulang sa tulog sa sobrang pag-iisip kay Alex. Ayaw ko mang aminin na karma na ata ito sa mga pinaggagagawa kong kalokohan noon.


Pupungas-pungas kong inaninag ang taong umistorbo sa pagtulog ko and I saw Dorwin giving me a discomforted look.


“Anong nangyayari sayo Renzell Dave? Amoy beer ang buong kwarto mo. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi mo rin daw tinatawagan si papa.”


Imbes na sagutin ito ay muli lang akong dumapa sa kama sabay takip ng unan sa ulo ko. Wala akong balak na kausapin ang kambal ko ganitong inis na inis ako sa ginawa ng asawa nito’t mga kaibigan kay Alex.


“Kausapin mo ako nang matino Renzell Dave. Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo. You’re in such a huge mess.”


Hindi pa rin ako sumagot sa kanya, rinig kong napabuntong hininga na lang ito.


“Galit ka ba sa akin dahil sa tinanggal nila Red si Alex sa bar at hindi ko sila pinigilan? Is this the reason why you are avoiding my calls?” Naramdaman ko nalang ang paggalaw ng kama ko hudyat na umupo ito doon.


“I warned you about this Dave, hindi ganito kadali ang relasyon na pinili mo. Naiintindihan ko kung bakit galit ka sa amin pero sana rin intindihin mo na hindi lang naman dahil sa negosyo ang rason kung bakit tinanggal ni Red si Alex. Alex needs time to think at hindi makakabuti sa kanya kung mananatili pa siya sa bar.”


“So sinasabi mo ngayon na makakabuti ang ginawa niyo?” Bigla kong sabat dito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumagot ako kay Dorwin ng pabalang na walang halong biro. “Alam niyong si Alex lang ang inaasahan ng mga magulang at kapatid niya at alam niyo rin kung gaano kahalaga sa kanya ang trabaho niya. How can you say na you just did what is best for him?”


“Don’t talk like kami ang mali rito Renzell Dave. It is you who messed up his life.” May diin din nitong sagot.


“Mahal ko si Alex! Bakit ba ayaw mong paniwalaan yon?”


“Paano mo kami mapapaniwala kung ikaw mismo hindi ka sigurado sa nararamdaman mo? You were hesitant before Dave. Hindi mo ba naisip na baka iyan ang dahilan kung bakit mo nasaktan si Alex?”


“I broke up with Sonja. Isn’t it enough proof?”


“Hindi porket nakipaghiwalay ka sa girlfriend mo ay na prove mo na, na mahal mo siya. You need to show some effort kung gusto mong paniwalaan namin, ni Alex, yang nararamdaman mo. Hindi kami ang dapat mong i-convince about that Dave, kung hindi si Alex. Ask yourself, ano na ang nagawa mo para kay Alex to make him believe na mahal mo talaga siya?”


I was caught off-guard sa huling sinabi nito. Ano na nga ba ang nagawa ko para mapatunayan ko sa kanya ang nararamdaman ko. We just simply kissed and I promised him na hihintayin ko ang pagbabalik niya. Pero alam kong para sa kanya hindi ko natupad ang pangakong iyon nang makita nito kami ni Sonja na magkasama.


“Hindi mo sinadya pero nasaktan mo siya. Pina-asa mo si Alex, pinangakuan, at lahat ng iyon ay pinaniwalaan niya … the very reason why he got hurt. He felt betrayed.”


“Pero mahal ko siya Dorbs.” Sa mga reyalisasyong iyon nakita ko ang pagkakamali ko. I was the person to blame sa lahat ng nangyari. Hindi ko dapat isinisi sa kanila ang mga kamalian ko.


Oo, hindi ko pa nasabi kay Alex ang tunay kong nararamdaman sa kanya at iyon ang malaking pagkakamali ko. Ang lakas ng apog kong sabihin sa sarili ko na mahal ko siya kahit noong hindi ko pa talaga alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay hindi lang dahil sa gusto mo ang isang tao o may nararamdaman kang kakaiba sa kanya. Kailangan mo ring matutunan na ipaglaban ang pagmamahal na iyon. You have to learn how to overcome your fears, take the risk and to take chances. Kapag natutunan mo na ang lahat ng iyon that’s the time na pwedi mo nang sabihin na nagmamahal ka. Being in love is not just enjoying the feeling and notion of being in love but being with the other, having the responsibility and the sense of accountability for the other because you love the person.


Mataman akong tiningnan ni Dorwin as if he was reading what’s on my mind. Nang sumilay ang ngiti sa mga mata nito alam ko nang naniniwala na ito sa mga sinabi ko.


“Kung sigurado ka na talaga diyan prove it to him.” Wika nito sabay tayo at tuluyan ng lumabas ng kwarto.


Naiwan naman akong napatunganga.


How am I going to prove it kung hindi ko siya mahanap? Sa naisip, ay doon lang nagsink-in sa akin ang lahat.


Agad akong napatayo sa kama at patakbong lumabas ng kwarto. Alam kong alam nila Dorwin at ng ibang ulupong kong nasaan si Alex.


Naabutan ko si Dorwin na patungong kusina nang makalapit ako dito ay agad ko itong yinakap nang mahigpit, isang gawain ko tuwing may hihingin akong pabor sa kanya.


“Dorbs, sabihin mo sa akin kung nasaan si Alex, kailangan ko siyang makausap.” May bahid ng pasusumamo kong sinabi.


“Hindi ko maalala kong nasaan siya eh.” Alam kong hindi ito nagsasabi ng totoo base narin sa ngisi nito sa mga oras na iyon. “Pero kung kakain ka baka sakaling maalala ko.”


Sa sinabi nito ay napangisi na rin ako’t napatango at magkasabay kaming pumunta sa kusina. Lalo naman akong napangiti nang makitang adobo ang nakahandang pagkain sa lamesa. Doon ko napagtanto kung gaano ako kamahal ng kambal ko kahit pa man lagi itong asar-talo sa akin.


“Hindi porket ipinagluto mo ako nang paborito ko ay palalampasin ko na ang ginawa niyong pagtago kay Alex sa akin. Hindi biro ang ubusin ko ang lahat ng bar at restaurant sa lugar natin para lang mahanap siya.” Tampu-tampuhan kong sabi.


“Nasabi nga sa akin ni Laurence at Claude na dumaan ka raw sa Yolandas at hinanap si Alex doon.” Nakangisi nitong sabi.


“Remind me to kill those two along with your husband and his friends kapag naging okey na kami ni Alex.”


“Not because you’re a black belter ay di ka kakayanin ni Red ko.” Nangaasar naman nitong wika. “And how sure are you na patatawarin ka pa ni Alex?” May bahid ng panunubok nitong sinabi.


“Honestly, I’m not that sure but I will do everything just to win him over. Kung kinakailangan kong ligawan ulit ang malditang yon ay gagawin ko.”


“What if nauntog na siya?”


“Eh di i-uuntog ko ulit siya para mabalik ang pagmamahal niya sa akin.” Nakangisi kong tugon rito.


“How about Sonja, natapos mo na ba ang issue mo sa kanya? I don’t like the attitude of that girl mabuti naman at natauhan ka sa isang ‘yon.”


“Tinapos ko na ang lahat ng meron kami sa Manila pa. There’s no need for me to explain myself over and over. Alam na niyang hindi ko na siya mahal.”


“But I can see that she still wants you.”


“Yes, she wants me but she doesn’t love me.”


“How about Alex?”


“He’s attracted to me physically.”


“And?”


“But he’s different.” Nakangiti kong wika. Naalala ko kasi ang tagpo sa kwarto niya no’ng nasa baryo nila ako. “He can’t seem to control his attraction to my gifted body.” Sabay tawa ko nang malakas.


“Mas sabog ka pa yata kay Red.” Napapailing nitong sabi. “Darating sa Airport si Alex ngayong hapon galing Manila.”


“Anong ginawa niya sa Manila?” Kaya pala hindi ko ito mahagilap dahil sa Manila pala ito tinago nang mga kulugo.


“Siya ang pinaharap ni Red at Claude doon para sa bagong negosyo nang dalawa.”


“So hindi niyo tinanggal talaga si Alex?”


“Basically tinanggal na siya ni Red sa seventh bar at kung hindi mo siya mapapaamo, he will be transferred in Manila para hawakan ang bagong negosyo nila.”


“Walang hiya talaga ‘yang asawa mo, gusto talaga akong pahirapan.”


“Gumaganti lang si Red sa ginawa mo sa kanya noong palabasin mong nakipagtanan ako kay Niel.” Sabay tawa nito na para bang nangaasar lang. “Maligo kana Renzell Dave kung ayaw mong maunahan ka ni Red sa airport.”


“What the hell? Sabihin mong ako ang susundo kay Alex. Teka anong oras ba?”


“No, hindi ko sasabihin kay Red dahil magagalit yon na sinabi ko sayo ang totoo. And another no, hindi ko sasabihin kung anong oras darating ang eroplano ni Alex para mahirapan ka. Bagay lang yan sa ‘yo. Ha! Ha! Ha!”


Anak nang tupa! Kambal ko ba talaga ito?


















Itutuloy:

39 comments:

Anonymous said...

zild next na :) pigain ko ulit utak mo haha.

joke nice one. keep it up.

-kokey

FAYENG said...

waaaaaaaaaaaaaaaaa kakilig naman tong chapter.... hide and seek game palaro nila kay Renzell Dave... lol....... KUDOS!

do tanig ^^ said...

eee super galing mo talaga mr. author .. anu kaya magiging reaction ni Alex pag nakita niyang si Dave ang sumundo sa kanya? can't wait for the next chapter :) Sana Mr. Author hindi ito ung last story mo .. lahat kasi ng mga gawa mo eh nakakaadik sa sobrang ganda xD isa kang malaking kawalan sa mga baklitang mambabasa kapag nag-stop ka sa paggawa ng mga magagandang kwento xD

duncan052003 said...

Sobrang ganda bitin pa pero masaya nko ngayong araw hahah..

Almondz said...

MAGDUSA KA NGAYON DAVE, HAHAHA

RJ said...

akala ko sa probinsya tumuloy si Alex..may ginawa lang pala sa Manila..ano kayang mangyayari sa airport haha

nakakaawa naman si Dave sa chapter na to..parang balewala effort niya sa paghahanap kasi wala naman pala talaga dun yung hinahanap niya..saka parang napansin ko rin na most of the characters are hard on him.

sana maayos na sila.

Jamespottt said...

Haha. Naku, tagu-taguan ang drama nila Dave and Alexis.
Sana wag ito ang maging last story mo Z.

Anonymous said...

next na mr. author. wag ka tumigil sa pagsulat. take a rest but do not stop writing stories.

---januard

Gerald said...

Pls upgrade naman kahit 16mb na lang para hindi lang enjoy kundi super enjoy ang pagbasa sa kakulitan ni Dave.

ZROM60 said...

wow! so nice aman, he he he he. parang part 2 nung lovestory ng kambal nya, iba nga lng ang situation. keep up the good story . next chapter na plez!

Migz said...

ang cute ng flow ng story... very nice author...

kristoff shaun said...

happy sunday sa lahat morning!!

Anonymous said...

konting piga pa kuya zeke..konting konting konting pa..

maganda yung chapter although paulit ulit si renzell dave..and parang medyo nakulangan ako..pero maganda naman siya..may hinahanap lang ako parang kulang..there's something missing..

maganda rin yung confrontation with dorwin..although i would have loved to see siguro na magkaron siya ng magandang point this time around and not making him feel that he always makes mistakes..specially by his brother na parang lagi nalang tama ang pinagsasabi..pero sabagay kailangan ng outlet na magtitrigger kay renzell dave into realization..and his twin is the perfect one to do the job..i just think na sana dorwin said it without him (dorwin) realizing that he helped renzell dave..yung tipong sinasabi niya yun hindi dahil gusto ka niyang tulungan..sometimes we should realize things by ourselves..and it only take some words to make an epiphany to the protagonist..he's (renzell dave) a mess na back then..and we don't want to see him a mess now..magandang isipin na yung pagmamahal niya kay alexis brought good things to him..kahit konti..yun yung reason kung bakit may mga taong dumarating sa buhay natin..to inspire us and make a difference just for once..and for that you love that person..just my opinion lang naman..don't take it seriously..gusto ko pa rin tong chapter na 'to..it's your story after all.. :P

next na POV ni alex..we still don't know the part na pinapunta pala siya ng manila..

excited na ako on how will this end..

good job kuya zeke..

-Jay

Anonymous said...

sh*t naman alex magpakita ka na!!!

Zild, baka may ilang bytes pa yung utak mo, itodo mo na. Haha!

--ANDY

luther said...

wow! ito ang pinakamagandang chapter ng chances! haha..update please...please!

your_prince said...

hahaha ayun! lapit na! hahaha XD good one!

Anonymous said...

ihhh ganda ng flow ng kwento...kakakilig..

->isa aq sa mga silent readers mo..try ko mgcomment..hihi

ngaun mdyo panget gising ko..then check ko kung my update kna..un napangiti na aq..kaka buo ng araw..yihhhhh..:))

_niccolo'25

russ said...

hahahahhahaha...kaka kaka kaka kiligggggggggggggggggggg...yehey at mukhang maging ok na sila..sana pakipot muna si alex hehehehe..

author..from 10 pm to 6 am? so kung tama ang math ko eh ginawa mo ito for 8 hours? wow... sana 8 hours din sana kami bumabasa hehehe...

Anonymous said...

wew! Galing galing mr. Z, tlgang pinagpuyatan..cnt w8 n sa sunod n chapter, eihhh..Magsulat kapa po ah kc nakakainspire po mga story mu. -chamcham.

--makki-- said...

awww! sweet chapter! kakainggit ang attachment ng magkakambal..

go Dave! hindi ako naniniwala na magiging Epic Fail ang pagsusuyong muli ni Dave kay Alex.. i feel deeper love in it!

magpaka HARD to get ka Alex ha..para mas nakakakilig ang magiging eksena.. <3 it..

Mr. Z wag ganyan.. pahinga lang kailangan mo.. wag naman ganyan.. wag mong iwan ang nasimulan mo na lalo na't makabuluhan ang iyong mga likha.. wag mo kaming tanggalan ng kasiyahang mabasa ang mga ito.. di ka ba nasisiyahan na maibahagi mo ang talent mo sa amin? :)

singledon said...

klap klap klap, sarap tlgang mgmahal. may kikiligan ka,hehehe

Anonymous said...

dave yan ang napala mo... ang sabi nga ng iba... take your own medications.... ha ha ha .... yan pakana pala ni red.... tingnan mo para kang baliw sa kahahanap kay alex the maldita.... hala punta ka ng airport para sunduin si alex....

ramy from qatar

JAN KURT AQUINO said...

wahhhhhhhhhh bitin naman. je je je but i love the twist go gog go zild

ezr0ck said...

mag-kikita nah bah ulit si malditang Alex and Renzell Dave ..? super bitin .. anoh bah nman yan kuya zek .. di kah nah bah tlga mapipigilan dyan kuya zek ..? kung ganun eh lahat ng readers moh ay susuportahan ang iyong desisyon .. ^^ we just want you to be happy .. :-) pero kuya pwede bilis-bilisan ang next chapter nito ..? hehehe

ingat poh always ..
Live long and prosper (Star Trek) ..

Anonymous said...

salamat naman at may update na... two days ago pa ako nag.aantay... buti nalang. kaya lang, bitin pa rin.. haist... next chapter na po..

Elija

Anonymous said...

salamat sa update... haha kelan kaya dadating yung dave ng buhay ko. lol

Anonymous said...

galing!.
sobrang inspiring naman!..true love nga!hahaha..
keep it up,z!

sr143.

Coffee Prince said...

anSARAP pagkakaltukan ng mga KUMAGGGGGG!!!!!

kakaasar .. mas lamang inis ko kesa sa tawa kay Dave ee ..

bwisittttttt! .. sabi na nga ba ee .. di tinanggal si Alex .. inilipat lang siya sa ibang business ..

kakairita si Red .. hayyyy!

pero they have all the reasons naman .. it's just that .. i can feel the same way how Dave's heart aches .. ahahahaha!

Thanks kuya ZJ ~
;)

Anonymous said...

napatawa ako sa huling bahagi ng chapter na ito ah! sabi ko na nga ba eh!! haha


Beucharist....

master_lee#27 said...

ang ganda naman oh.....................!!!!!!
sarap maghintay sa next chapter nito:):) keep it up takecare:))))))))))))
sensya ngayon lang ulit ako nkapagcomment eh kasi mobile palagi ang gamit ko tsaka bc din minsan :D

TheLegazpiCity said...

go lng ng go Dave yan ang mantra ng lyf...i just borrow the lines from deniesse of PBB

Anonymous said...

i really hate renzell dave.. go alex

makatiboy

Unknown said...

And there it goes..DAVE ito na ang pagkakataon mo. Wag mong sayangin. Ngayon narealize na niyang mahal niya talaga si Malditang Alex kelangan niya lang talagang kunin ang trust para makapagsimula na ulit siya. Hindi ganun kadali pero kung ito ang makakabuti para sa relasyon niyo eh di wala kang choice kundi gawin lahat ng paraan. As in LAHAT LAHAT.

Next na..can't wait na.

-ShalnarK- said...

Hahaha. Ang kulet ng chapter n to. Go dave find alex na dali!

Almondz said...

may pakiramdam ako nuong una pa na pakana ng barkada ang pagkawala ni Alex sa eksena na siyang dahilan ng paghihirap ni dave, tama pala ang pakiramdam ko hehe (parang dorwin and red...)

Anonymous said...

waahh... kiligness...

go Dave!! go Dave..!!!!

I also don't believe na magiging epic fail ang effort ni Dave.. hihihihi

Mr. Author wag namang tumigil sa pagsusulat.. it's not that im demanding.. hehe ) tamang pahinga lang.. basta ako looking pa rin sa mga obra mo.. hehehe

i'll pray harder para bigyan ka ni God ng more wisdom..

God bless.. -- Roan ^^,

Unknown said...

andaming word na "chances", malapit na tlga matapos.. wag naman sana epic fail.. pls.. :p

Anonymous said...

Grabe! nakakainggit talaga ang magkapatid na yun! sana may kambal din ako katulad ni dorwin! XD

hello po! Carlo po!

-Carlo08-

Anonymous said...

hahahaha..nkakatawa talaga tong kambal neto!ang kulit-kulit!!^^
para dn akong nagbabasa ng After All!! Love na Love q un!hehe...buti nlng kambal ni dorwin para nababanggit dn sila d2 ni red.:)

Go dave!!!!hihi

-monty

Post a Comment