Posted by: Zephiel
Written by: Dranski
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
Pauna:
Another story to read mga paps. Ito naman ay gawa ni Dranski at sana daw ay makakuha siyang ng feedback sa inyo about sa storya niyang ito.
Sa mga taong makakabasa nito sana ay mag-iwan kayo nang
comment para naman mas lalong ganahan ang author na tapusin ang kwento. Happy
reading nalang guys at sana ma-enjoy
niyo ang estorya na gawa niya!!! :D
Sa author naman nito gusto ko sanang mag-sorry kung ngayon
ko lang na post ang storya mo hehehe medyo na aning ako ngayon :D Sana ay
tapusin mo ang storyang to pramis masarap sa feeling kapag natatapos mo ang
storyang gawa mo.
Tok! Tok! Tok!
Tok! Tok! Tok!
Yan ang
tunog na gumising sa akin at siyang nagpabalikwas sakin sa kama. Pero hindi yon
tumalab at agad akong bumalik sa pagkahiga at nagtakip ng kumot at inipit ko din
ang tenga ko ng unan para hindi mabulabog ng ingay. Pero sa isip ko hindi din iyon magtatagal at biglang...
"Hoy Zach! Wake up time!" sigaw ng boses sakin
sabay dagan sa katawan ko.
"Uhhmm... Mamaya na ang aga aga wala naman tayo pasok sa
office, it's Saturday dude" sagot ko habang nakahiga parin sa kama at di
gumagalaw dahil sa pagkakadagan ng kumag.
"Hey! You promised na sasamahan mo akong mag grocery!
Remember? and you owe me last night?" pangongonsensya nya pa
"15 minutes promise! 15minutes more! 11am palang
oh" pagmamakaawa ko dahil puyat ako dahil sa gimik namin kagabe
"Haaay ikaw ang bahala... Pero next time na malasing ka
wala nang maghahatid sayo" sabi nito ng may halong pananakot
"OK! you got me there... I give up..." sagot ko ng
may halong pagkainis
"Good! Bangon na dyan..." asar naman niya
"Panu ako babangon eah nakadagan ka pa dyan... alis
nga", sabay tulak ko sa kanya sa gilid ng kama at bumangon na nga ako.
Ako nga
pala si Zacharia Sacramento, Zach ang nickname ko, 21, 5'8, lalake at single,
kung looks naman ang pag uusapan hindi naman ako papahuli dahil medyo moreno,
makinis ako sa katawan at mukha ko, medyo singkit na mata, manipis na kilay at
matangos na ilong. Medyo buff din ang katawan ko gawa ng pagsasayaw ko dahil
kasali ako sa Dance Club noong College. Nakatira ako sa isang condo sa Quezon
City na nabili ko dahil sa tulong ng matalik kong kaibigan... Isa akong Head
Chef sa Resto namin ng Best Friend ko dahil magkasosyo kameng dalawa. Ang
"Man's Diners"
"Mag bihis kana mamaya kana maligo... mouth wash ka
nalang muna saka baka makalimutan mo magsuklay", sabi ng kumag
Speaking
of kumag, Stephano Yosuke Go, Sy for short, 22 yrs old, at 5'10 ang height,
maputi. Single din siya. Best friend ko nga pala siya mula First Year High
School at pati College, iisang School ang pinasukan namen kahit mag kaiba kame
ng course na kinuha, Culinary ako at Management naman ang course niya at khit
ngayon ngang may work na kame ay magkasama padin kame.. Siya ang tumatayong Manager ng resto dahil
siya ang expert doon, pero mas malaki ang naipundar niya sa pag papatayo nito
gawa nadin ng pagiging mayaman nila.
Napakachickboy nito palibhasa
sobrang gwapo, blue ang mata nito kaya pag tinitigan ka ay parang nakakalusaw,
makapal ang kilay pantay ang mata, matangos din ang ilong at sumakto ito sa
haba at makinis nyang mukha. perfect kung sabihan siya ng ibang tao.
"Hoi! Panu ka pala nakapasok dito?" tanong ko sa
kanya habang naghahanap ng masusuot
"Mr. Ulayanin binigyan mo po ako ng duplicate ng susi
mo diba? Besides tumulong naman ako para makuha mo ito ah" pilosopong
sagot niya sakin at nakahiga padin sa siya kama ko
"Aw! oo nga pla haha, anyway pwede ka nabang tumalikod
at magbibihis ako" sabi ko habang akmang maghuhubad na
"At sakin kapa nahiya? Nakita ko na yan."
Pangaasar niya
"Nageenjoy ka sigurong makita akong hubad?" Asar
ko sabay kindat
"Asa! naku bilisan mo hintayin nalang kita sa
labas" inis nitong sabi sabay labas ng pinto
"Hala pikon?" tanong ko sa sarili.. nakita kong
humiga siya sa may sofa habang sinasara ko ang pinto at mukang medyo nainis ata
ang loko
Pagkatapos ng 30 minutes ay natapos
nadin akong magbihis. Kahit sinabi niyang wag ako maligo ay nag shower padin
ako hindi kase ako sanay lumabas ng hindi naliligo. Lumabas na ako ng kwarto
tahimik ang sala kaya lumapit ako sa sofa para tignan si Sy at ayun nakatulog
na pala.. Grabe ang gwapo ng bestfriend kong ito kahit sa pag tulog parang
nakangiti parin ang mata nya.. Kaya nga siya lage ang nakikihalubilo sa mga
customer namin sa resto dahil mata palang ang tignan mo nakangiti na agad mala
anghel ang dating.. Yung bang pag may hiniling siya at nagkataong nakatitig ka
sa mata nya ay di mo magagawang tanggihan ito, yung para kang hinihypnotize.
Ganyan kalakas ang appeal nya sa babae, "chick magnet" kung tawagin
at kahit pati mga bading ay nabobola nito, pati ang mga tunay na lalake
nakakasundo nito dahil maraming lalake ang gustong malaman bakit ganun kaganda
ang katawan nya. Di tulad ko lage nakakulong, kung hindi sa kusina ng resto at
nagluluto ay nasa office ako at nagchecheck ng mga documents, though gwapo din
naman ako "head turner" nga sabi ni Sy, hindi rin ako masyado focus
sa mga babae kahit maraming nagkakagusto yung tipong kahit sila pa yung magaaya
ng date, pero di ko pinapatulan. May mga indecent proposal na din akong
natanggap nung college palang ako, 2yrs na din akong single.. Mas focus kase ako
sa pagaaral noon at ngayon sa trabaho naman gawa nadin ng lumake akong mahirap
at sinusoportahan ko din ang kapatid ko at Tatay sa probinsiya..
"Zach baka matunaw ako niyan" bungad nya sakin ng
magising siya hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya
"Ahm.. lets go?" pag aya ko sa kanya kaya tumayo
na siya at tinungo na nga namen ang elevator at sumakay, nasa 8th floor kasi ang
unit ko at #2 ito
"Sy what's the occasion at bakit tayo magogrocery?
hindi mo naman ginagawa yan ah?" tanong ko kay Sy
"Haha as expected nakalimutan mo nanaman, birthday ni
Mom bukas." sagot naman nito habang natatawa dahil sa pagkaulyanin ko
"Crap! Oo nga pala! eah Si Aling Medi bakit di siya ang
namili?" tanong ko habang napakamot sa ulo
"She's with Mom sa Cebu they'll be home by tommorrow at
nagplano ako ng surprise party para sa kanya" masayang sabi nito.
"Surprise party? ang dame ata bisita ah"
"Actually hindi naman masyado, mga malapit na kamaganak
at kaibigan lang ni Mom ang inimbita ko syempre ikaw din kase magiging busy
ka" sabi nto at may ngiting nakakaloko
"Huh? anong magiging busy ako?" ang nagugulahan
kong tanong
"Ulyanin ka talaga man, You promised her last year na
ikaw ang magluluto para sa Bday niya this year diba? at lulutuin mo ang mga
favorite dish nya" sagot ni Sy sakin halatang medyo naiinis na, ewan ko
nga ba kung bakit napakaulyanin ko.
"Sus! Yun lang naman pala ako na bahala jan, siguradong
busog lahat ng bisita ni Tita Elsie" Pagmamayabang ko na nagpangiti naman
kay Sy, at bumakas na ang elevator diretso kame sa labas para magpara ng taxi
dahil hindi dinala ni Sy ang kotse niya mas hilig kase nito nag commute maliban
nalang pag malayuang byahe
Nakarating
na nga kame sa mall pero bago kame mamili ng mga kailangan para sa Party ni
Tita Elsie ay nagaya muna kumain si Sy dahil past 12pm nadin kase at medyo
gutom na rin ako. Nagaya siya sa isang Italian Resto dahil paborito kasi ni Sy
ang Italian Food lalo na ang mga pasta. Umupo na kame sa may bandang likod ng
resto para medyo tago alam ko kase magiging agaw atensiyon kame lalo natong si
Sy...
"Teka bakit kase dito pa tayo kumaen eah sa resto pwede
ako magluto at libre pa?" tanong ko sa kanya
"Maiba lng.." Maikling sagot nito habang
tinitignan ang menu
"And besides eating in your own restaurant is not a
good marketing strategy. Mas mabilis kang malulugi pag ganun.." dugtong
pa niya
"Edi magbayad tayo." kontra ko naman sa kanya
"Dont you think its a little awkward paying even though
your the owner, at isa pa you can get some ideas kung kakain ka sa ibang resto,
malalaman mo kung panu sila mag handle ng customer, anu ang servcie nila, kung
gano kasarap ang pagkaen nila at madame pa. Marami kang pwedeng malaman just by
observing them" pagpapaliwanag ni Sy sakin
"I know." pagsangayon ko naman, may point nga
naman si Sy
"Tama ka nga tutal 1yr and 6mos palang ang resto pwede
pa natin tong iimprove." dugtong ko pa
"Haha See? so order na tayo?" alok nya habang
nakangiti
At
umorder na nga kame ng pagkaen Shrimp Marinara at Chocolate Shake ang inorder
ni Sy at Pesto naman sakin at Chocolate Shake din. Tulad ng date kulitan,
kwentuhan, asaran at agawan ng pagkain ang nangyari sa lunch namen. masarap
kasama si Sy dahil hindi ito nauubusan ng kwento, kahit mga simpleng bagay
nagagawan nito ng kalokohan lalo na pag dating sa babae hilig kase niya ung pag
rate ng 1-10 ng mga babaeng nakakasalubong namen o dumadaan sa harap namen,
bihira nga sa kanya ang umaabot ng 10. Naalala ko pa ang huling nirate niya ng
10 ay nilapitan niya at kinuha ang number at ayun hindi nag tagal naging sila
pero di naman sila nagtagal noon, ang mga narerate nya ng 8 o 9 kadalasan pag
kinukuha nya ang number at sakin ibabato sasabihin niya pinapakuha ko kadalasan
naman sa mga babaeng nakakasama ko puro 1 night stand ayoko na kase ng
commitment, nadala nako at siyempre hindi ko maramdaman yung love. Swerte ka na
pag na rate ka ng 5 o 6 ni Sy.
Pagkatapos
kumain ay dumeretso na kame sa grocery para mamili ng sa kakailanganin. Hangang
doon ay hindi kame tumigil sa pagrerate ng mga babae. Hanggang umabot kame sa
vegetable section.
"Sy tignan mo yung chicks 12 o'clock" utos ko sa kanya at lumingon nga siya sa dereksyon na
tinuturo ko na babaeng sexy matangkad mala modelo ang dating
"Nope, 4" pagsalungat ni Sy ang taas talaga ng
standards nya
"4? Dude! halos kamukha na niya yung last gf mu nung college" kontra ko naman
"Hindi no, tignan mo ung likod niya masyado malaki
hindi proportion sa katawan at yung harap-"
"Ok! I get it di mo siya type" pag putol ko
sa kanya, at minuwestra pa ng kamay niya yung hubog ng katawan ng babae at alam
ko sa iba na naman pupunta ang sinasabi niya.
"Eto Sy yung girl sa cashier number 6" turo ko
ulit
"Oh shit Dude! Ang galing mo nakadiscover ka ng taong
HIPON" lait nito sa babae
"Grabe ka talaga! mukha ngang nagigym yun eah"
kontra ko ulit
"Oo nga noh, bakit kaya di niya workout yung mukha nya
baka mag improve haha" pangaasar nya pa. Pero bigla siyang tumahimik.
"Zach 9 o'clock, red shirt, black purse.." turo
niya sakin at lumingon nga ako
"I think i found the perfect 10" dugtong pa nito.
nagulat ako ng makita ko ang babaeng tinutukoy niya, ngayon lang ulit nag bigay
ng 10 itong bestfriend ko kaya mukhang tinamaan agad ito. Agad ko namang
pinuntahan yung babaeng tinutukoy ni Sy.
"Hoy Zach wag mo lapitan! Hoy!" mahina niyang
sigaw, pero hindi ko iyon pinakinggan.
Kinausap
ko yung babae at sinabi na type siya ng kasama ko at kung pwede makipagkilala
sabay turo ko sa dereksiyon ni Sy at kumaway naman ito nang makitang nakatingin
kame sa kanya. Pumayag naman itong babae, dahan dahan kameng naglalakad
papalapit kay Sy halatang kinakabahan ito kahit ang ngiti ay abot tenga..
"Sy this is Iris, Iris this is Sy.." Pakilala ko
sa dalawa at nagkamayan naman ito
"Hi nice to meet you" bati ni Iris
"Same here.. pasensiya kana mukhang naabala ka ata
nitong bestfriend ko" pa gentleman
pa ang loko
"Wala yun isa pa malakas sakin tong si Zach eah"
dahilan naman nitong si Iris
"Wait panung malakas?
mag kakilala ba kayo?" tanong ni Sy halatang medyo naguguluhan
"Ahm what can you say, it's a small world, yup
magkakilala kame ni Iris" sabat ko naman sabay akbay kay Iris, napansin ko
naman na kumunot ang noo ni Sy.. Di ko alam kung dahil gusto niyang siya ang
umakbay o dahil inakbayan ko si Iris di kasi siya sanay na inaakbayan ko ang
babae maliban na lang kung jowa ko ito. Kaya agad ko din inalis ang
pagkakaakbay ko
"Panu nangyare? mag jowa ba kayo?" tanong nito na
halatang naghihintay ng sagot
"Zach hindi mo ba sinabe?" tanong sakin ni Iris
habang natatawa at nagkatinginan nga kame na lalo namang kinalake ng mga mata
ng bestfriend ko
"Ah hindi pa eah ikaw na magsabe." sagot na medyo
natatawa na din dahil sa reaksyon ni Sy.
"So.. anu nga? pabitin paba?" atat na sabat ni Sy
"No hindi kame mag partner or something, technically
not now hehe.." pilyang sagot ni Iris pero mukhang lalong naguluhan si Sy
"Huh? I dont get it.. anung Technically?" gulong
sabi ni Sy
"Sige na ako magexplain, Iris and I are childhood
friends and sweethearts way back elementary pero hanggang dun lang yun kase
lumipat nako ng high school dito sa Maynila at dun nga kita nakilala. Friends
nalang kame hangang ngaun." pagexplain ko kay Sy at halata namang
lumiwanag ang mukha sa narinig
Dun na
nga nagsimula ang bonding, nagkakwentuhan kameng tatlo habang naggogrocery,
minsan tawanan sila ng tawanan habang ako abala sa pamimili ng mga sangkap.
Maraming nalaman si Sy tungkol kay Iris, Isa na pala itong gym instructor at
part time model. Nagkapalitan nadin sila ng number. Nalaman di niyang
kakahiwalay lang ni Iris sa bf nya last month. Mukha ngang close na sila kahit
ilang minuto palang silang magkakilala. Natapos kameng maggrocery ng 4pm.
"So san kayo nyan Zach?" tanong ni Iris habang
naglalakad kame palabas ng grocery store
"Siguro uuwi na di na makakagala sa dame ng pinamili
namen" sagot ko
"No Zach pwede pa tayo manuod ng sine or magkape"
singit ni Sy sabay siko sa tagiliran ko at nagets ko naman na gusto pa niya
makasama si Iris. Pero nadismaya si Sy sa sagot ni Iris
"Ganun ba? Ako mauuna na guys maaga pa ang call time sa
agency bukas may show kase kame you can come if you want" sabi ni Iris
"Ah ganun ba sayang naman.. san ba ung show nyo bukas
try namen pumunta?" tanong ni Sy
"Sy its your Mom's bday tommorrow remember? kaya nga
tayo naggrocery?" paalala ko kay Sy at halatang lalo itong nalungkot
"Sayang nga.. well its okay may next time pa naman..
Happy Birthday nalang sa mom mo Sy" sagot ni Iris
"Yeah next time. Diba Sy?" pagsangayon ko kay Iris
sabay akbay kay Sy
"Ah oo naman next time, text ka lang kung kelan next
Show" nakangiting sagot ni Sy
"Sure! it's nice meeting you Sy and nice to see you again
Zach" paalam ni Iris sabay sakay sa taxi pero biglang bumukas ang bintana
at naguluhan ako sa sinabi ni Iris
"Nga pala Zach sensya na may mga nakwento ako kay Sy
na hindi dapat, Bye ulit." pahabol nito sabay kindat at alis ng taxi.
nagtaka naman ako nun, naalala ko tuloy bigla ang mga kalokohan namen nong bata
pa kame. Naiwan kame ni Sy at ako naman ay nakatingin parin sa papalayong taxi
ni Iris at medyo tulala
"Zach samin ka pala matutulog ngayong gabi ah, tutal
maaga ang preparation para sa party, wala din ako kasama sa bahay."
mahinahon na sabi ni Sy. Napatingin nalang ako sa kanya napansin ko nalang na
nakatingin siya sakin at nakangiti ito.
"Ok" yan na lamang ang nasagot ko at umuwi na nga
kami. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
(Itutuloy)
11 comments:
hahaha, interesting, next agad oh!
-eusethadeus-
ayus!
Dranski! writer ka pala! :)
excited n aq s next part! :)
-yume
Interesting!!......
Aabangan ko to.....
Keep it up
hahaha ganda..next agad,.
fresh ang story... ano kaya ang sinabi ni iris kay sY???
ramy from qatar
Hmmm Nu kayang Sekreto ni Zach?
next chapter pls :)
-Jekjec-
parang nbsa q na tong part na to somewhere o.O
my sarili kbng blog author?
neeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeext! ahaha nagdudumali lang!
bakit ganun?? maggrocery iniwan ang kotse tapos madami pa bibilhin.. hmmm
nku eto ang istoryang ngbibigay ngiti s aking mga labing uhaw at pusong nangungulila, kilig-kiligan lng! hihihi
thanks s pgshare ng story m dranski. kip it up kiddo! hihihi
-akosidrew_mahalnimakatiboi- hihihi
hahaha ..... gansa ng story good job po sa author
sana true story to kc na aalala ko ung mga sandali na mag kasama kami ng best friend ko ...
sana may mga makilala po ako na bgong mga kaibigan jay po pla ..
txt nio po ako kung gusto nio po makipag kaibigan 09359303468 pakilala po kyo ha
asahan ko po kyo .... i want to find new friends ;-)
Post a Comment