Sunday, February 26, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 03



Posted by: Zildjian
Written by: Dranski


Pauna:


Pasensya na kay Dranski at na huli ang pagpost ko nitong storya mo. (Nahuli nga ba ako hahaha hindi ako sure.)


Anyway, Ito na ang chapter 3 ng Ang Matalik Na Magkaibigan sana ma-enjoy niyo ang chapter na ginawa ni Dranski at wag sanang kalimutang mag-comment guys. Take care sa ating lahat and ENJOY READING!!!! - Zildjian






Chapter 3


                Pasado alas otso na ng magising ako dahil sa ingay ng katok mula sa pintuan ng kwarto ni Sy, si Aling Medi pala ito at ginising ako para magalmusal kaya agad ko siyang sinagot na bababa na rin ako. Napansin ko agad na wala na sa kwarto ang bestfriend ko na kaagad ko namang ikinabalikwas ng kama. Hinanap ko agad ang cellphone ko para macheck kung nagtxt ba ito pero nakakapagtaka ay wala itong text. Siguro ay naghihintay na to sa baba kaya agad naman akong nagbihis para bumaba at magalmusal dahil pasado alas otso na din at baka malate na kame ni Sy ayoko kasing late kame kahit kame ang boss role model kung baga.

               
Nakaupo nako sa dining table pero hindi ko nakita si Sy doon kaya agad kong tinanong si Manang Medi kung nasan ang alaga niya ang sabi nito ay nauna na daw ito sa resto at nagmamadali pa. Agad naman akong napalunok dahil na rin siguro sa pagaalala sa kanya at dahil wala ding dumadaang taxi sa village nila at malayo pa ang gate sa village kung saan ako pwede sumakay, kaya hindi ko na tinapos ang pagkain ko at agad nagpaalam kay Manang Medi, bago makalabas ay nakasalubong ko si Tita Elsie na pababa ng hagdan kaya't nagpaalam na din ako.


                Tinungo ko ang gate kung saan pwede ako sumakay ng taxi expect kong nakakapagod iyon dahil ilang blocks din ang layo ng gate ng village. Dinukot ko ang phone ko at agad tinext si Sy.


"Dude nasan ka? bakit mo ko iniwan? :(" text ko sa kanya medyo mangiyak ngiyak na ako dahil wala man lang ito reply


                Sa mga oras na naglalakad ako ay madame ang tumatakbo sa isip ko si Iris, si Sy, kung anong meron sa kanila at higit sa lahat ang nagyaring pagkompronta niya sakin kagabi. Sa sobrang pag iisip ko hindi ko tuloy namalayan na halos nasa gitna pala ako ng kalsada. Natauhan  na lang ako ng biglang may bumusina mula sa likod ko, isang pulang sports car ito napaka ganda pa, pero ng makita ko ang nagdadrive ay pamilyar ang mukha nito. Gwapo ito, matipuno at medyo moreno din kagaya ko, matangos ang ilong, ang mata nito ay bilugan at may cleft chin pa, parang nakita ko na siya kung saan pero hindi ko maalala..


"Pre nagpapaiksi ka na ba ng buhay?" tanong niya sakin... nangisi naman ako sa sinabi niya


"Eah kung buhay mo kaya paiksiin ko!" sabi ko sa utak ko


"Ah pasensiya na" maikling sagot ko dahil wala ako sa mood makipag basagan.


"Tara! Hop in sabay kana sakin! medyo malayo pa yung lalakarin mo baka mapagod ka," alok nito sakin at nakangiti


"Ah hindi na kaya ko na toh," pagtanggi ko sa kanya sabay lakad ulit, ramdam ko naman na sumusunod ito sakin, napatingin ako sa kanya at sinenyasan kong mauna na siya


"Come on pre I insist baka magalit pa si Sy pag nalaman niyang nadaanan kita at di kita sinabay" sigaw nito at napaisip naman ako dahil kilala niya si Sy

               
"Teka you know Sy?"


"Yup! magkababata kame I live 2 blocks mula sa bahay nila" paliwanag nito habang nakahinto sa tapat ko


"Eah panu mo nalaman na kilala ko si Sy.." usisa ko sa kanya


"Simple lang nakita kitang lumabas ng gate nila" sabay ngiti


"Stalker ka?" sarkastikong tanong ko sa kanya


"What? NO! I was at Tita Elsie's party last night! nakita ko kagabe super close kayo so I think friends kayo" paliwanag pa niya sa akin, at tango lang ang naisagot ko may itatanong pa sana ako ng bigla siyang magsalita


"Teka! kung may itatanong ka pa dito na sa loob nakaharang tayo sa daan oh?" pilosopong bara niya


"Sino ba kasi nag sabing humarang ka jan?" bulong ko


"So? Pasok na!" sabay bukas nito ng pinto at ang ulo nito ay sumesenyas na pumasok na ako, at wala na nga ako nagawa at pumasok na nga ako, nakakapagod din kayang maglakad.


                Tahimik ako sa loob ng kotse di ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya at palaging sumisingit sa isip ko si Sy pati na rin ang relasyon nito kay Sy tila kasi madami itong alam kay Sy.


"Zach pala" pagbasag ko sa katahimikan hindi ko na inabot ang kamay ko dahil nagmamaneho siya


"How stupid am I! Glenery pre, Glen for short.. Pasensiya kana may pagkaulyanin kase ako eah" sagot nito sabay ngiti sakin, natawa naman ako sa dahilan niya


"I know how it feels Haha" pagsangayon ko sa kanya dahil medyo nakarelate ako


"So we have something in common.  Destiny maybe?" sagot nito na nagpakunot naman ng noo ko samantalang siya nakangiti lang at deretso ang tingin sa daan.


                Ilang sandali pa nakarating na nga kame sa gate ng village kaya nagpasalamat ako sa kanya at akmang bababa na sana ako para makapag abang ng taxi ng pigilan nya ko dahil dadaanan din niya ang restaurant namin, tatanggi pa ba ko sayang din yung pang taxi. Naging masaya naman ang paghatid nito sakin sa resto ang kalog niya kasi. Kung titignan mo si Glen napaka manly niyang tignan, maamo ang mukha at mala modelo ang dating nito, ang mata niya parang lagi nakangiti, parang ang baet pa niya kung titignan mo wag lang magsasalita at mahahalatang may sayad ito sa sobrang kakulitan. Ilang minuto pa nakarating na din kame sa restaurant inalok ko siyang kumain para makabawi pero hindi na ito pumayag dahil may appointment daw ito sinabi ko na lang na pwede siya dumaan anytime at libre ko at pumayag naman ito.


                Pag pasok ko ng restaurant as usual busy si Sy sa pagkausap sa mga customer at mukhang masaya dahil mga babae na naman ang kausap nito at mukhang pumoporma, style kasi niya to para mapabalik ang mga customer, normal scenerio na to sa restaurant kaya hindi ko na siya inabala pa at deretso lang ako sa private office namin ni Sy para makapagbihis ng uniform ko. Kasalukuyan akong nagtatanggal ng pantalon ng biglang kumalabog ang pinto kaya't napalingon ako agad, si Sy yon at sabukot ang mukha.


"Cant you see I'm changing clothes" habang tuloy tuloy ang pagbibihis ko


"Who's that?" tanong nito habang papalapit sakin


"Who's who?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang tanong niya isusuot ko na ang slacks ko na uniform ng pigilan niya ko at hilahin pababa ito

"Yung naghatid sayo?!" tanong nito medyo tumaas na ang boses niya, tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa slacks ko at sinuot ito ng maayos.


"Can you let me finish first?" inis kong sagot sa kanya, natahimik ito at hinayaan akong matapos sa pagbibihis at siya naman ay umupo sa sofa


"So you're done? answer my question NOW!" sarkastikong umpisa nito


"Teka nga Stephano Yosuke pagkatapos mo kong iwan sa inyo ng wala man lang paalam tatanungin mo ngayon sino ang naghatid sakin? why are you concern all of a sudden?" sarkastiko kong balik sa kanya


"Hoi! Zacharia hindi yan ang issue dito! ang issue dito kung sino ang naghatid sayo? Si Jerich Miguel ba yan?" lalo pang malakas na boses ang pinakawalan  niya


"Ayun! so lumabas din sa bibig mo ang pinaghihimutok mo dyan! dahil ba sa kanya kaya mo ko iniwan?" natameme naman ang loko at mukhang tama ako at di na nagsalita


"Ang labo mo kasi kagabi tinatanong kita ng maayos kagabi pero ikaw ayun buong magdamag tahimik at tinulugan ako," buong lambing naman niyang paliwanag at ako naman ang natahimik

                At iyon nga ginamit na niya ang pamatay niya dahil sa sandaling yon napaka amo ng mukha niya parang batang inosente di ko tuloy mapigilang mawala ang inis sa kanya, kahit anong inis ko kasi kay Sy isang lambing paawa effect lang niya nawawala na ang galit ko, kahit anong pikon at kaasar ko kasi ay natitiis ako ni Sy kaya siguro naging mag bestfriend kame at kaya din siguro walang tumatagal na babae sa akin.


"So? ano na? tititigan mo na lang ba ako?" dugtong niya


"Ok fine! sasabihin ko na" pagsuko ko sa kanya at binigyan naman niya ko ng space sa sofa para makaupo ako


"Si JM ang una kong bestfriend noong elementary pa lang ako.. He promise me so many things tulad ng di niya ko iiwan at same school kame mag aaral kapag high school at college na kame.. hindi niya tinupad yon..  sabay pa kame nagentrance exam for high school, at pag labas ng result ay pumunta ako sa kanila para ibalita na pasado kame pero wala na siya ang sabi lang sakin ng kapitbahay nila na wala na sila doon na nagmigrite na sila sa Australia after ng graduation namin. Ni hindi man lang niya nakuhang magpaalam" malungkot kong kwento maiyak iyak ako


"That's it? yun na yun?" tanong ni Sy at mukhang di pa nakuntento, pero tango lang ang sagot ko sa kanya dahil ayoko ng magtanong pa siya.  Tulad ng inaasahan di naman niya ito napigilan


"Eah bkit umiwas ka nung  tinanong ko kagabi?"


"Alam mo namang ayoko sa mga taong sumisira ng pangako, yun lang kasi ang pwede kong panghawakan. Kaya ayoko na siya maalala" sabay tingin ng makahulugan


"Opo.. Alam ko po! Dont worry di ko sisirain ang mga pangako ko sayo." pagsangayon naman nito


                Inilapit ni Sy ang kaliwang kamao niya sakin at tinaas ang hinliliit niya alam ko na ang ibig sabihin ni Sy ito kasi ang ginagawa namin pag nagpopromise sa isa't isa kaya inabot ko naman ito ng hinliliit ko sa kaliwang kamay.


"Leave the rest cause Bestfriend First" sabi namin ng sabay at nagdikit ang aming hinlalaki habang magkahawak ang hinliliit namin sabay halik sa sarili naming hinlalaki


"Copy and Paste to our Hearts" dugtong pa namin


"Teka sinu nga yung naghatid sayo?" biglang tanong nito


"Hai ang dame mo nang tanong masyado na yan sa isang araw! Tayo na diyan time to work..." sagot ko sa kanya sabay tayo.


"Any name?" pangungulit nito.


"Kulit! Si Glen, friend mo daw siya doon din siya sa village niyo nakatira" sagot ko sabay labas ng office at deretso sa kusina para magluto.


                Napansin ko ding lumabas ng kwarto si Sy pero iba na naman ang aura niya hindi ko maintindihan kaya hinayaan ko na lang ito at nagpatuloy sa trabaho sa kusina ang normal na araw ko sa restaurant ay hindi nawawala ang pangungulit ni Sy pero sa araw na yun ay hindi siya nangungulit kung hindi kausap ang customer ay nasa office at nagchecheck ng mga papeles. Kahit pagdaan ng lunch ay hindi parin ito kumikibo kadalasan sa office kaming dalawa kumakain pero this time naisipan nito sabayan namin ang ibang waiter at cook sa paglulunch bonding na din daw. Umabot ang oras ng pag uwi namin ni Sy, hinintay ko siya sa labas ng resto habang kinakausap niya ang isa sa manager namin sa resto para sa mga reports na kailangan. Tahimik lang akong nakikinig ng music sa cellphone ko habang nakaheadset ng biglang may kumalabit mula sa likod ko ng lingunin ko ito ay nakilala ko agad..


"Ui Bro buti nakadaan ka?" tanong ko


"Napa aga ang tapos ng trabaho sa office so naisipan kong iclaim yung free meal ko" sagot naman nito sakin sabay tawa


"Haha ganun ba? sige bro tara sa loob order ka kahit ano ako bahala sayo" pagyayabang ko naman


"Ayos mukang mapapadame kaen ko ah, iba talaga pag ikaw ang owner ng restaurant" sarkastikong pagtugon niya sa sakin


"FYI! its CO-owner" sabat ni Sy mula sa pinto ng resto narinig pala nito ang usapan namin


"Oh Sy nandyan kana pala si Glen remember?" masayang sabi ko pero seryoso ito at nakatingin kay Glen


"I'll never forget him... lets go baka gabihin tayo sa daan" malamig na sagot nito.  Dinaanan lang ni Sy si Glen na parang wala ito nakita sabay hawak sa braso ko at hinila ako papunta sa sasakyan


"Sy! Ano na naman to?" pabulong kong tanong sa kanya para hindi marinig ni Glen


"Why did you invite him to eat here?" tanong nito


"Im just returning the favor Sy, hinatid niya ko diba? saka ano bang problema mo kay Glen mukha namang mabait yung tao",  pabulong kong sagot


"Hindi mo alam kung anong klaseng tao si Glen..." sagot nito sabay ngisi


"Ano bang sinasabi mo?" puno ng pagtataka kong tanong


"Nevermind.  Just get inside...  Please", mahinang sabi ni Sy sabay bukas ng pinto


"Guys sorry to bother you but I think I'll just leave mukhang nakaabala lang ako", si Glen lumapit na pala ito


"Yeah I think you should!" walang emosyong sagot ni Sy, paalis na sana si Glen ng


"Hey Glen! just dont go near my Bestfriend okay?" sabi nito na nakakaloko, napahinto si Glen pero hindi ito lumingon at napansin kong umiiling ito at tuluyan na nga itong umalis


                Pagkapasok namin ng sasakyan ay agad na nagmaneho si Sy para ihatid ako sa condo ko pero ang buong byahe ay puno na naman ng katahimikan, Sinindihan pa nito ng malakas ang audio ng radio nya mukhang namang wala siyang gusto pakinggan mula sakin kaya hindi nako nag salita pa. Nakarating na kame sa tapat ng building namin tahimik lang si Sy habang nakahinto ang kotse.


"Were here pwede kanang bumaba." malamig nitong sabi habang nakadukmo sa manibela


"what's your problem Stephano bakit mo binastos si Glen? he's your friend!" tanong ko sa kanya hindi ko naman maiwasang tumaas ang boses


"He WAS my friend!" pagtatama nito sakin


"I dont want to talk about this I'm tired.."  dugtong pa nito boses malungkot talaga siya


"Stephano Yosuke you're too much! Can you please kahit minsan lang grow up!" sigaw ko sa kanya pero masamang tingin lang ang tugon niya sakin


"Dont think na ginagawa ko to para sa sarili ko! I just did that dahil ayokong mawala ka sakin! Ayokong maagaw ka sakin ni Glen tulad ng mga ginawa niya sa mga importante sakin!" sigaw niya na puno ng galit pero ramdam ko din ang lungkot at takot


"You're unbelievable!" maikling tugon ko


                Pero sa oras na iyon ang tanging naramdam ko ay kalituhan sobrang kalituhan dahil sa mga binitiwan niyang salita! Naramdaman ko na lang ang kamay ko na binuksan ang pinto at naglakad ng mabilis papunta sa building, nang nasa entrance na ko ay narinig ko na lang na umalis ang sasakyan ni Sy kaya dumiretso nako sa elevator at hindi lumingon pa. Buong gabi kong iniisip si Sy dahil wala man lang itong text kaya naisipan kong tumawag sa bahay nila dahil busy ang phone nito si Manang Medi ang nakasagot ng telepono agad kong tinanong si Sy. Nasa Roof top daw ito sa Jacuzzi at nagpadala pa daw ng alak doon, may kausap pa daw na babae sa telepono at mukhang seryoso daw ang usapan nila, naisip ko naman malamang si Iris ang kausap niya. Binaba ko na ang telepono pinilit kong matulog dahil mukhang ayos naman si Sy at nagkakaigihan na yata sila ni Iris kahit papano ay masaya ako para kay Sy pero at the same time natatakot akong masaktan siya lalo na at pareho silang malapit sa puso ko ni Iris.


                Martes alas siyete pagkagising ko, same routine ako bago pumasok ng trabaho ay naligo, nagbihis at nagalmusal ang nagbago lang wala akong sundo dahil sa nangyari kagabi kaya pumasok akong nakataxi. Pagdating ko ng restaurant ay wala pa doon si Sy kaya agad akong nagbihis para makapagluto na agad ng mga pending orders dahil madame na agad tao. Late na dumating si Sy buong araw wala kameng pansinan maging sa lunch ay umiiwas ito kapag nakita niyang tapos nako ay dun lang siya kumakain hindi ko na ito pinansin dahil ayoko palalain ang sitwasyon papalamigin ko muna siya at kausapin ito bago umuwi. Hindi tuloy maiwasan magtanong ng mga tauhan namin.


"Sir Zach mukang may problema si Sir Sy oh mukhang heart broken kanina pa tahimik, kausapin mo kaya?" pahayag ni Lorie isa sa waitress sa resto


"Oo nga sir, eah kayo sir tahimik din muka kayung nakalunok ng isang buong kalabasa?" pilosopong tanong naman ni Louis isa naman ito sa waiter


"Eah kung ipalunok ko sayo tong hawak kong kutsilyo? para ikaw ang matahimik?" bawi ko sa kanya


"Hayaan niyo na lang baka may pinagdadaanan lang" seryosong sagot ko sabay tingin kay Sy na kasalukuyang nagyoyosi sa labas ng resto


                Sasabayan ko sana si Sy umuwi para makausap pero pag labas ko sa office ay hinanap ko agad si Sy pero wala ito napansin ko din na wala na ang kanyang kotse kaya tinatong ko ang isang waiter kung nasaan ni Sy, sabi nito ay maaga daw umuwi at may iniiwasan itong traffic dahil may susunduin ito pero sa tingin ko naman malamang ako ang iniiwasan nito. kaya nagpasya na lang ako na umuwi. Dumaan ang ilang araw.....


                Miyerkules....
               

                Huwebes...


                Biyernes....


                Laging ganoon ang nangyayari sa resto iwasan ng iwasan pero hindi ko hinahayang maapektuhan ang trabaho ko, inubos ko ang sabado at linggo ko para mag enjoy magdamag akong online at naglalaro ng online game at natutulog ni walang paramdam mula kay Sy... Desidido nako pag pasok sa trabaho sa Lunes ay agad ko itong kakausapin para matigil na ito.


                Dumating ang araw ng Lunes nagmadali akong magayos para sa trabaho at agad agad kong tinungo ang restaurant namin. Inagahan ko talaga ang pasok ko alas sais pa lamang ay nandoon na ako pero pagbukas ko ng pinto ng opisina ay di ko inaasahan ang aking nakita. Si Iris at Sy magkasama sa loob ng opisina sweet sila, ang ulo ni Iris nakapatong sa dibdib ni Sy habang ang kamay niya ay nakapatong sa hita ni Sy. Si Sy naman hinihimas ang ulo ni Iris habang nakahawak ang isang kamay sa beywang nito. Gusto ko sana lumabas ng pinto pero huli na nakita na nila ako. Alam kong nagulat sila dahil umayos sila agad ng upo.

                
               Sa sandaling iyon hindi ko maintindihan ang sarili ko nasasaktan ba ako?? Bakit? parang gusto ko tumakbo pero ang mga tingin ni Sy ang pumako sa pagkakatayo ko.








(Itutuloy)

21 comments:

Chris said...

ouch! just face it dude. may gusto ka sa kanya :)) nice one po! can't wait sa update! kuya, ikaw ba po may gawa nito?

Master_lee#027 said...

Oh my.........ang gulo lang ni sy...siguro pinagseselos lang niya si zach para maconfirm niyang may gusto din siya sa kanya or baka talagang may rekasyon na si iris at zach ?ay ang gulo ahah pero maganda ang flow ng story ah..perfect looking forward for the next chapter:).......takecare...

Lastly ung new character eh di panggulo wahaha joke lang peace:):)

Anonymous said...

Waaah!!! Ang ganda kaso bitin... natutuwa ako kasi may bagong story na naman akong aabangan.. keep up the good work author.. sana mas mabilis update... :) silent_al

Anonymous said...

awts :( nu b yan. bwisit n sy.
Dranskii ang ganda ng flow :) hehe pero nabbwiset aq s chars n yan..
c zach haba ng buhok haha
-Yume

Anonymous said...

ayun! kaya pala hindi ako makatulog! tinatawag ako ng storyang ito XD

wahahaha ganda talaga nito thankyou po author!!!

-carlo8-

ramy from qatar said...

naku zach..... may pagtingin ka kay sy,,,,, aminin mo na .... selos ka lang.... hayaan mo na lang sy sa mga ginagawa nya.... kausapin mo sya tungkol sa kanila ni iris para maliwanagan,,,, nan jan naman ang ne frend mo si glen...dapat ipagluto mo na lang silang dalawa ng specialty mo... sayang mag bestfren pa naman kayo....

ramy from qatar

Lawfer said...

who’s glen? o.o
sarap nla batukang dalawa xD

Yume said...

c dranski po may gawa nito :)

j20green said...

ang ganda grbe. sna mas maging close pa c glen n zach. nexr chap na pplllsssssss. i love it..... {=

jan kurt said...

ouch sakit naman ayaw p kasing umamin tong dalawang to sa feelings nila sa isat isa.

Anonymous said...

sana dumaan uli si glen at sunduin si zach..
arte kasi ni sy.. hahaha para bumalik sa kanya kaartehan nya


pangz

Anonymous said...

Feeling ko nothing is happening between the two of them.. tinutulungan lang niya si sy para makapagtapat kay zach...

Anonymous said...

hmmmm...hihi..kakatuwa talga... next chapter po ulet...hihi

cham-

--makki-- said...

ang OA ni Sy ano?! ( ganyan siguro pag mahal na mahal mo ang tao, lalo na't nagseslos ito. )

Karibal ba ni Sy itong si Glen sa dati niyang nakarelasyun? at ngayon yata eh magiging karibal na naman niya eto ulit kay Zach...

mukhang nagseselos din si Zach huh..

hmmm.. sounds interesting huh! nice story.. :)

Anonymous said...

awts!haha

sr143.

russ said...

galing galing adik na kao nito..isa itong marijuana..hahha

luther said...

WOW! FANTASTIC!Hehehe..next chapter please!!!!!

Anonymous said...

ang ganda ng kwento at ang bilis ng update, kudos author looking forward for more twist and turns...

Anonymous said...

AMAZIIING..!!!

ano naman kaya papel ni Glen sa buhay nilang dalawa.. ??

haayy.. can't wait sa next part of this story..

God bless.. -- Roan ^^,

James Chill said...

Ayan na! Gulo na ito! Hehe...

Infairness naman, kaabang abang ang mga gawa niyong stories... Nakakaexcite! Pwede next na... Haha..

Demanding much..
Haha...

Galing niyo po. Mr. Author!

Anonymous said...

Sakit naman non :(

cant wait sa chapter 4 :(

>Jekjec<

Post a Comment