Tuesday, October 16, 2012

The Devil Beside Me Chapter 04




Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:

Pasensiyan na talaga kayo sa pagiging delay nitong Chapter na ito. Medyo busy lang po talaga at napra-praning na rin ako kay Maki at Jay. HAHAHA

Anyway, Gusto kong pasalamatan si Monty sa pagma-marathon niya sa mga estoryang gawa ko. “Hey Monty! Nababasa ko ang mga comment mo! Hihihi Salamat!”

At syempre, gusto ko ring pasalamatan ang mga taong nag-iwan ng comment sa chapter 03 na sina –

Angel Marco Menor, Iamronald, Jaycee Mijaca, Diumar, Russ, --Makki--, Lexin, Foxriver, Jubert, Franklin Alviola, Andy, Flexible Guys (Pat), robert_mendoza94@yahoo.com, AkoSiChristian, Edmond. Maraming thank you guys sa pagbibigay niyo ng panahon na basahin ang k’wento ko.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



“Aray! Dahan-dahan naman!” Ang napapangiwing wika ni Jay nang lapatan niya ng yelong binalot sa bimpo ang pasang nasa gilid ng labi nito.


 Kanina, nang kausapin nito ang dati nitong nakarelasyon ay isang pangyayaring hindi niya inaasahan ang naganap. Nakatikim ito ng malakas na suntok sa kausap at dala ng sobrang bilis ng pagyayari ay hindi na ito nagawa pang maka-iwas.


“Tiisin mo!”Iritado naman niyang naisambit.“Kung hindi ka sana tatanga-tanga, naihanda mo sana ang sarili mo agad at wala ka sanang pasa ngayon.”


“At ako pa talaga ang may kasalanan gano’n? Kung hindi mo sana ako pinilit na lumapit ulit sa mga bitter kong ex, hindi sana ako nagkakapasa!” Alma naman nito.


“Kung hindi mo sana sila pinaglaruan, wala sanang tulad ni Rupert na susuntok sayo dala ng matinding galit kaya sisihin mo ang sarili mo.”


“Hindi! Ikaw ang dapat sisihinkung bakit nangyari ito!”Bakas ang panunumbat nitong sabi. “Ano, masaya kana ngayon sa nangyaring ito sa akin? Hindi lang ako napahiya sa mga taong nakakita sa pagkakasapak sa akin ng gagong Rupert na iyon, nagkapasa pa ako! Ano na lang ngayon ang magiging reakshyon ni Janssen kapag nakita niya itong pasa ko mamaya?”


Sinadya niyang diinan pa ang pagkakalapat ng yelo sa pasa nito.


“Aray!” Muling daing nito.


“May pasa ka na nga, ang lakas mo pa ring dumaldal.P’wedeng tumigil ka muna sa kakadada para magamot natin itong pasa mo?”


“Rinig sa labas ang sigawang ginagawa niyo. Daig niyo pa ang nasa palengke kung magsigawan.  At bakit kayo narito sa opisina ko? Wala  ba kayong mga bahay na p’wede niyong  magamit na battle field?” Biglang sulpot ng isa pa  nilang kaibigang si Nico.  “Anong nangyari diyan?”Ang naitanong pa nito ng mapansin ang pasa ni Jay.


“Nasapak ng naghumirintadong ex niya.”


“Kung gano’n bakit dito mo siya dinala sa coffee shop ko? Anong akala mo rito, clinic?”Nakahakukipkip nitong wika.


“Mas malapit ang coffee shop mo kaysa sa bahay naming dalawa.”Ang tinatamad naman niyang tugon rito. Umaandar na naman kasi ang pagiging walang pakialam nito. Ni hindi man lamang nito binigyan ng katiting na simpatya ang nasapak nilang kaibigan, habang halos hindi siya magkamayaw kanina ng makitang sinapak ito. At kaya mainit ngayon ang ulo niya ay dahil sinusundot siya ng kanyang konsensiya.


Tama naman kasi si Jay. Kung hindi sana niya ipinilit na kausapin at humingi ng tawad ito sa mga taong nasagasaan nito para lamang magkaroon ng katuparan ang plano nito ay hindi sana ito masusuntok. Ngunit nungka siyang aamin sa kanyang kasalanan dahil nasisiguro niyang kapag ginawa niya iyon ay mawawalan siya ng kontrol sa sitwasyon.


“So, hindi ka pa pala tumitigil sa ginagawa mong pagpaparusa sa kanya.”


Nabaling ang tingin niya kay Nico at pinukol niya ito ng masamang tingin.


“Masama ang mamaratang Nico. Lalo na kung wala kang ibedensiya.” May pagbabanta niyang sabi.


Itinuro nito si Jay.


“Hayan ang ibedensiya.Ang pumutok niyang labi at ang pasa niya.”


Sinimangutan siya ni Jay at marahas na inagaw sa kanya ang hawak niyang yelo.


“Kasalanan mo talaga ito Maki!Nakaka-asar ka!”





“Ipaalala niyo nga sa akin ang rason kung bakit tayo nandito at parang tangang naghihintay para sa big comeback ng hambog na Janssen na iyon?”


Matapos ang naganap na gamutang punong-puno ng reklamo at paninisi mula kay Jay ay heto’t nagtagpuan na lamang niya ang kanyang sarili sa bahay tamabayan nila kasama ang  kanyang kaibigang si Nico, habang hinihintay pa ang iba pa nilang kaibigang papunta na raw. Si Jay naman ay kanina pa naka-alis papuntang airport para sunduin ang kinalolokohan nitong lalake.


“At bakit kailangan pa talagang dito mo patirahin iyon Nicollo? Wala bang sariling bahay ang taong iyon?” Pagpapatuloy pa niya sa kanyang litanya.


“Huwag ako ang tanungin mo sa bagay na iyan. Si Jay ang may pakana ng lahat.” Tugon naman sa kanya ni Nico.


Napataas ang kanyang kilay dito.


“Kailan kapa naging sunod-sunuran sa mga gusto ni Jay?Sa pagkaka-alam ko, ang bahay na ito ay para lamang sa ating lima, hindi ba? Bakit ka ngayon magpapatira ng hindi naman natin ka-grupo?”


“Kahit kalian ay hindi ako naging sunod-sunuran sa kahit na sino man sa inyo maliban na lamang kay Lantis.”Ang tila yamot nitong tugon.


“Kung gano’n ano ang dahilan mo para pumayag na dito tumuloy ang Janssen na iyon?”


“Si Jay ang tanungin mo ‘wag ako, Maki.”


“At bakit ako sa kanya magtatanong?” Medyo nakakaramdam na siya ng iritasyon sa uri ng pakikipag-usap sa kanya ni Nico. “Ikaw ang may-ari ng bahay na ito hindi ba?”


Napailing ito na siya namang kanyang ikinakunot-noo.


“What?” Sita niya.


“Why is it that when it comes to that guy palaging nasisira ang composure mo? Ano ba ang problema mo sa lalaking iyon? Kayo ni Jay sa ating lima ang palakaibigan, pero kung umasta ka ngayon, dinaig mo pa kami ni Lantis.”


“Noon pa man hindi ko na siya gusto. At kapag ganito ang nararamdaman ko sa isang tao, ibig sabihin niyon that person is a trouble.” Pagsasabi niya ng totoo. High school pa lamang sila ay hindi na talaga niya gusto si Janssen Velasco. Oo nga’t popular ito sa mga kababaehan at sa mga alanganing kapwa nila estudyante noong high school pero para sa kanya isa lamang itong normal na estudyante. Ni hindi nga niya nagawang hangaan ang galing nito sa larong basketball na kung tutuusin ay siya ring hilig niyang laruin noon.


“Now you’re being judgemental. Hindi mo pa nga nakaka-usap ang tao, sinintensiyahan  mo na. Ano ang nangyari sa pinaniniwalaan mong pagiging-fair? Don’t tell me nakalimutan mo na agad `yon. Hindi nga ba’t iyon ang dahilan mokung bakit mo pinilit si Jay na humingi ng kapatawaran sa mga dati niyang nobyo dahil sa gusto mong praktisin ang tama?”


“Ang kutob ko ang nagsasabi na maglilikha siya ng gulo sa atin.”


“Sa atin o sa inyo ni Jay? Are you sure na kaibigan lang talaga ang tingin mo kay Jay? Kung ako kasi ang tatanungin mo ngayon sa nakikita kong reaksyon mo, para kang boyfriend na pinagseselosan ang bagong kaibigan ng boyfriend mo.” Bakas ang pang-aasar nitong wika.


“Tapos na tayo sa isyu na `yan, Nico. Kaya kung ako sa’yo, ibaon mo na sa limot iyang panunudyo mo sa amin ni Jay dahil wala kang mapapala riyan.”


“We’ll see.” Ngingiti-ngiti nitong turan.


Napatutok siya dito at binigyan ito ng nang-aakusang tingin.


“You’re up to something Nicollo Alegre.” May pagkasigurado niyang sabi.


“Huwag mo akong itulad sa inyo ni Jay, Maki. Kayong dalawa lang ang mahilig magmanipula ng tao.”


Hindi niya tinanggal ang pagkakatitig dito. Gusto niyang makuha mismo sa mga mata nito ang tunay nitong binabalak ngunit wala siyang makapang kahit na ano sa mga mata nito maliban sa kakaibang kinang ng mga ito na nasisiguro niyang dala ng matinding kaligayahan nito sa piling ng isa pa niyang kaibigan.


“Ilang beses na ba kayong nag-sex ni Lantis, Nico?” Sa halip ay biglang naitanong niya.“At hanggang saan na ang ginawa niyo?”


Kita niya kung papaano mapa-upo ng tuwid ang kanyang kaibigan sa biglang naging tanong niya. Kasabay din niyon ng paglaki ng mga mata nito at pamumula ng magkabilang pisngi nito.


Napasingisi siya rito. Mukhang hindi nito napaghandaan ang kanyang tanong o siguro, hindi nito in-expect na sa kanya manggagaling ang gano’ng klaseng katanungan.


“What the hell? Below the belt iyang tanong mo!” Naiwika nito nang makabawi sa pagkabigla ngunit hindi pa rin mawala-wala ang pamumula ng magkabiglang pisngi.


“Literally?  Yes.” Nakangisi niyang pagsang-ayon dito. “So, nakaka-ilang beses kayo nagsi-sex sa isang Linggoand how do you guys do it?”


May paniniwalang pina-uso ang mga matatanda na ang tao raw na tahimik ay nasaloob ang kulo. Kung tama ito, healthy ang sex life ng dalawa niyang kaibigan dahil pareho itong tahimik.


“Shut up, Maki!” Nico shouted with uneasiness on his voice.


Napahagikhik siya sa nakikitang pagkabalisa ng kaibigan. Mukhang bigla niyang nabago ang sitwasyon nila ni Nico. Kung kanina ay siya ang nakakaramdam ng pagkapikon dito ngayon, ay nabaliktad na niya iyon.


“Bakit, ano ang masama sa tanong ko?” Curious talaga siya kung paano ginawa iyon. Hindi naman niya masasabing wala talaga siyang kaalam-alam patungkol sa bagay na iyon dahil minsan na siyang nakatikim niyon kaso nga lang sa isang babae at nangyari iyon noong nasa 2nd year college pa siya. At ang mga kaibigan niya ay parehong lalake kaya hindi niya ma-imagine kung papaano ginawa ng mga ito iyon.


“Anong masama?Napakapersonal kaya ng tanong mo!” Bulyaw nito sa kanya.


“Easy!” Natatawa niyang naiwika. “Gusto ko lang namang malaman kung papaano niyo ginagawa.”


“P’wes, sa pornsite mo hanapan ng kasagutan iyang tanong mo!”


“Okey, okey! Relax kalang! Hindi ako kaaway.”Ang natatawa niyang sabi habang nakataas ang dalawa niyang kamay.


“Huwag kang magkakamaling usisain kay Lantis ang sex life namin, Maki.Huwag mo kaming isali riyan sa lintik na curiosity mo.”


“Anong nangyayari rito?”Ang wika ng nalingunan nilang kasintahan nito.May mga bitbit itong grocery bags.


“Para saan iyan?” Wika niya sabay turo sa mga bitbit nito na agad namang kinuha rito ng kasintahan nito. Sino ang mag-aakalang ang dating walang pakialam na si Nicollo Alegre ay may pagka-gentleman pala at ang kanyang kaibigang si Lantis ang nag-trigger nito.


“Pinakiusapan ako ni Jay na mag-grocery para sa kanila ng boyfriend niya.” Simpleng tugon nito pagkatapos mabigyan ng mabilisang halik ang kasintahan. Hindi na niya pinansin pa ang sweetness ng mga ito dahil sa kanyang narinig.


“Para sa kanila?” Kunot-noo niyang naitanong dito saka niya binalingan si Nico. “Don’t tell me you also allow Jay to stay here with that guy?”


“Bakit hindi? Magkasintahan naman sila at normal lang namang ––”


“No!” Bigla niyang pagputol sa iba pa nitong sasabihin.


Kita niya kung papaano gumuhit ang nagtatanong na mga tingin sa mga mata ng kanyang  dalawang kaibigan pero hindi siya nagpatinag.


“Dito tutuloy ang Janssen na iyon pero si Jay, uuwi siya sa kanila dahil may bahay naman siya.At kung ipagpipilitan niya mamaya ang gusto niya, mapipilitan akong kaladkarin siya pauwi.”


Ngayon ay naiintindihan na niya ang tunay na dahilan kung bakit sa bahay tambayan nila itutuloy ni Jay si Janssen. Gusto ng magaling niyang kaibigan na makasama ito sa iisang bubong para malaya nitong magagawa ang mga gusto nitong mangyari. Perohindi niya iyon papayagan. Hindi niya hahayaang mababoy ang bahay tamabayan nila na naging malaking parte na ng kanilang pagkakaibigan.





Hindi alam ni Maki kung ano ang tumakbo sa isipan ng kanyang dalawang kaibigan matapos ang mariin niyang pagtanggi sa balak ng kababata. Nakapaghanda na sila ng mga pagkain at lahat-lahat ay nanatiling tikom ang mga bibig ng mga ito.



“Kasama ba ni Alex si Dave sa pagluwas niya ngayon?” Pagbasag niya sa nakakabinging katahimikang namayani sa kanilang tatlo.


“Si Alex lang ang lumuwas ngayon pero susunod bukas si Dave para sunduin siya.” Tugon sa kanya ni Lantis.


“Ang s’werte naman ng Janssen na iyon at talagang pinaghandaan pa natin ang pagdating niya.” Muli niyang wika patukoy sa pinagtulungan nila ni Lantis na mga pagkain. “Pati si Alex ay napilitan pang lumuwas.”


Nagpalitan ng makahulugang ngiti ang mga ito saka siya hinarap ni Lantis.


“Walang masama sa ginagawa natin.Sinusuportahan lang natin si Jay. Tungkol naman kay Alex, hindi siya napilitang lumuwas, he will be having a business discussion with Nico.”


“Kaya pati ang planong pagtira nila rito sa bahay na ito ay sinang-ayunan niyang boyfriend mo dahil sinusuportahan niyo sila gano’n?”


“You’re overreacting Maki. Jay only wanted to have quality time with his boyfriend dahil ito ang muli nilang pagkikita matapos ang ilang taon. Bakit mo ipinagkakait iyon sa kanya?”


“Don’t make it sound as if I’m the evil one here,  Lantis. Alam mong ginagawa ko lang ang kung ano ang sa tingin ko ay tama. Obligasyon kong pangalagaan si Jay at siguraduhing wala siyang gagawing makakasira sa kanya sa bandang huli.”


“Kailan mo pa naging obligasyon si Jay?” Singit naman ni Nico.


“Simula noong mangako ako kina Tita Meralda at Tito Arturo na ako ang magbabantay sa anak nilang pasaway.” Patukoy niya sa mga magulang ni Jay.


“Hindi na bata si Jay, Maki. Hindi na niya kailangan ng isang tagapagbantay. What he need is a friend who can support and will guide him. At hindi iyon ang ginagawa mo sa kanya. You’re trying to run his life.” Wika naman ni Lantis.



“At kapag ipinagpatuloy mo ang ginagawa mong iyan, nasisiguro ko sayong malaking gulo ang mangyayari. Kilala nating lahat si Jay, Maki.Once na may isang bagay siyang ginusto, hanggat hindi niya pinagsasawaan o nakukuha iyon ay hindi niya ito bibitawan.” Ani naman ni Nico.


Sasagot pa sana siya nang bigla nilang marinig ang pagdating ng isang pamilyar na sasakyan at ang paghinto nito sa tapat ng bahay tambayan nila.


“Nariyan na sila.” Ani ni Nico.“Sa wakas, makikilala na natin ng personal si Janssen Velasco.”


“Kayo lang ang intersadong makilala siya.” Nakasimangot naman niyang wika.


Agad na tinungo ng magkasintahan ang pintuan para salubungin ang mga bagong dating habang siya naman ay nanatili lamang sa kusina ng buhay at inumpisahang tikman ang lahat ng putahing inihanda nila ni Lantis. Wala siyang balak na magpakita ng kahit na ano mang interes sa bagong bisita nila at lalong wala siyang planong makipagmabutihan dito. Ewan ba niya, hindi talaga maganda ang dating sa kanya ni Janssen Velasco.


Ilang sandali pa ay narinig na niyang ipinakilala ni Jay ang bitbit nitong tao sa kanilang mga kaibigan.


“Nico, Lantis, I want you to meet Janssen Velasco.  Janssen, meet Nico and his partner Lantis. Bago lang silang naging magkasintahan at iyon ay dahil sa tulong naming mga kaibigan nila. Nicollo’s family own this house at ito ang ginawa naming bahay tambayan tulad ng sinabi ko sa’yo. Though nagpupunta lamang kami dito kapag meron kaming mga importanteng pinag-uusapang magkakaibigan o may isang mahalang okasyon kami. ” Ang narinig niyang dumadaldal na namang wika ni Jay,


Pambihira talaga ang kababata niyang iyon. P’wede namang simpleng pagpapakilala lang ang gawin nito bakit kailangan pang ilathala nito lahat pati ang ginawa nilang pagtulong sa dalawang kaibigan.


“Yeah, Nicollo Alegre and Lantis Santiago. It was really nice seeing you together. Kung tama ang pagkaka-alala ko, kayong dalawa iyong palaging nagbabangayan kapag nagkakasabay kayo sa covered walk.”


Ang narinig naman niyang wika ng isang baritonong boses. Medyo nahirapan pa siyang mabosesan ang taong nagsalita dahil naging matured na iyon pero nasisiguro niyang kay Janssen Velasco iyon. Ilang beses na niya itong narinig magsalita noon at iyon ay kapag dumaraan siya sa bench na piniling maging tamabayan ng mga kapwa nito varsity.


“Oo nga.Sino ang mag-aakalang ang dating parang aso’t pusang relasyong ng dalawang `to ay ma-uuwi sa isang romantikong bagay.” Boses iyon ni Jay.


Papansin talaga.Hindi siya ang kinakausap pero siya ang sagot ng sagot.Naibulong niya sa kanyang sarili habang napapa-iling.


“Tara na sa kusina. Nakapaghanda na sina Lantis at Maki ng pagkain para sa ating lahat.” Ani ni Nico. “Akin na iyang mga dala mo at idederetso ko na sa k’warto.”



“Sabi sa’yo, eh.Ayos lang kay Nico na dito ka tumuloy sa bahay niya.” Muling pagsabat ni Jay. “Pagsabihan mo nga ito Nico, kanina pa iyan hindi mapakali sa sasakyan.Baka raw hindi ayos sa’yo ang pagtuloy namin dito.”


“Walang problema sa akin ang pagtuloy mo dito Janssen.Lahat ng espesyal na tao sa aming lima ay maaaring tumuloy sa bahay na ito.” Narinig niyang wika ni Nico. “Pero may problema tayo patungkol sa’yo Jay.”


“Sa akin?Bakit anong problema?”


“Mamaya na natin pag-usapan iyan, dumeretso na muna tayo ng kusina at baka nagugutom na ang bisita natin.” Pagsabat naman ni Lantis.


Ilang sandali pa ay narinig na niya ang papalapit na mga yabang ng mga ito. Para hindi mapansin ng mga ito na nakikinig siya sa naganap na usapan ng ay dali-dali siyang naglagay ng headset sa kanyang magkabilang tenga at nagkunyaring may pinakikinggang kanta. Sinamahan pa niya ito ng paggalaw-galaw ng kanyang ulo para mas lalong kapani-paniwala. Iyon ang naabutan nina Jay, Lantis at Janssen.


“Maki!” Ang may kalakasang pagtawag sa kanya ni Jay sa pag-aakalang malakas ang volume ng kanyang pinapatugtog.


Bumenta! Naibulalas niya sa kanyang isipan.


Tinanggal niya ang pagkakasalampak sa ginamit niyang props na headset. Saka siya bumaling  dito.


“Oh, narito na pala kayo.” Kunyaring nabigla pa niyang wika.Kita niya kung papaano mapataas ang isang kilay ni Lantis sa kanya.


“Maki, si Janssen.”


Doon lamang nabaling ang tingin niya sa lalaking katabi nito. Alam na niya noon pa na matangkad, may ipagmamalaking hitsura at matipuno ang pangangatawan ni Janssen Velasco. Kaya nga maraming nahuhumaling dito noong high school pa lang sila subalit hindi niya inaasahan ang malaking pagbabago rito. Mga pagbabago na ayaw man niyang aminin ay lalo pang nagpadagdag sa angkin nitong tikas.


“Kamusta pare?” Untag nito sa kanya sabay lahad nito ng kamay.


Agad niyang inayos ang sarili at pilit na ibinalik ang kanyang composure saka niya inabot ang nakalahad nitong kamay.


“Ayos lang.”


Bumaling ito sa kanyang mga kababata at nagpakawala ng isang magiliw na ngiti.


“Naniniwala na ako ngayon na hindi mga suplado ang mga kaibigan mo tulad ng inaakala ng lahat noong high school.”


“Sabi ko naman kasi sa’yo, eh. Mababait ang mga iyan tulad ko.”


Napakunot ang kanyang noo sa halatang nagpapa-cute na sagot ni Jay pero hindi siya nagbigay ng komento. Sa halip, binalingan niya si Lantis.


“Hindi ba natin hihintayin si Alex?”


“Hindi na.Sabi niya ay mauna na tayong kumain at hahabol na lamang daw siya.”Tugon naman nito.


“Gano’n ba? Sige, mauna na kayong kumain. Hihintayin ko na lamang si Alex para may makasabay siya mamaya.” Iyon lang at iniwan na niya ang mga ito at tinungo ang sala.


Hindi niya maintindihan ang sarili. Sanay naman siya na makita niya si Jay na nagpapamalas ng kalandian at matinding interes sa ibang tao at wala lamang iyon sa kanya. Subalit ngayon, may kung ano siyang naramdamang kakaiba sa pagpapa-cute ng kanyang kababata. At para saan ang kaninang naramdaman niyang kaba sa nakitang malaking pagbabago sa pisikal na anyo ni Janssen Velasco? Hindi naman siguro siya threatened sa presensiya nito.


No, malabo iyon. Piping naisambit niya.






Itutuloy:

22 comments:

Unknown said...

Ayan na ang karibal ng taon ni Maki Maki hahaha!exciting na talaga to! :D

TheLegazpiCity said...

wow...

back to kabaliwan mode ang write-ups...

Unknown said...

wah.. galing.. nakabasa din.. hehehe.. next chapter please.. bitin mode po. sorry..

Anonymous said...

akala ko magtatampo si maki dahil di na "maki maki" ang tawag ni Jay sa kanya..

-J

Unknown said...

Selos epek si maki....ayaw pa aminin na may gusto sya kay jay..

Ayun super selos sya..go go go author

Anonymous said...

ewan ko lang ha.. pero sana talaga magkagusto si janssen kay maki tapos si jay naman ang magselos... haha.. :) silent_al

russ said...

threatened ang lolo nyo..hahahaha..go Z. next nextt

Anonymous said...

Insecure si Maki Maki kay janssen..ahaahahaa, iba talaga ang mga banat mu Poy, magsisimula na ang umaatikabong awayan...sa pula sa puti..ahahaha


_iamronald

--makki-- said...

bwahahaha natawa ako sa biglang pag-papaliko ng topic ni Maki! biruin mo yun napapunta nya sa SEX ang usapan! astig! bwahahaha ang ang ng topak ah! hahahaha "THE HEADSET BLUFFING!" bwahahaha gawain ko rin yun poy! bwahahaah kaya dami kong tawa talaga! thnx sa update poy! you made my day! (first LOL of the Morning! bwahahaha) Goodmorning! ^__^

--makki-- said...

ay w8 lng! hahaha kasabwat ba si Janssen sa PLANO? may naamoy akong karumaldumal na krimen eh! bwahahaha

MARK13 said...

this is it!!! mukhang simula ng kumpitensya,hahaha :)


-- nice kuya zild,thanks for the update... :))

Anonymous said...

haha selos si Maki!!

At si Jay, nag-iba talaga yung character nya, naninibago ako. Lol.

Thanks sa update zeke.

Lexin said...

hehehe,paktay na maki maki....
di daw threatened oh!!
ayos to!! kaabang abang ang susunod na kabanata, ^_^
thumbs up zeke!!!

jaycee mejica said...

Tsk Tsk ganda ng reverse something ni Makki ! hahaha I try it nga by the way ganda ng chapter na ito :)

Anonymous said...

Thumbs up papa Z,

Sana nxt chapter na :))

yuan

Anonymous said...

tama ka jan pot..hidi kaya pinagseselos lang nila si maki maki at yun talaga ang plano ni jay...ahahhaha

_iamronald

Anonymous said...

talaga lang ha.. hindi ka threatened.?? hehehe

nice one..

God bless.. -- Roan ^^,

Flexible Guys said...

Nice One! Ang arte ni Makki ha! Hehe...
Thanks again Zek...
Next na! :)

Pat
Tagasubaybay

Anonymous said...

Mukhang utakan talaga ang tema ng kwentong 'to. Ibang level hahaha!

And looking forward to see both Dave and Alex in the subsequent chapters/

- Edmond

Coffee Prince said...

ngayon lang nakapagcomment ..
mobile mode kc nung minarathon ko to . XD

#great start
the love story of maki-maki & jay-jay

is it really for his protection or it's just a MERE jealousy =) watch out XD

robert_mendoza94@yahoo.com said...

ha ha ha, ayaw aminin sa sarili pero un na ang nararamdaman nya kay jay. . . pag ibig na nkakabaliw.

Anonymous said...

ang charot ni maki ha..denial king!haha...

Oww, i saw my name sa intro ng chap neto!! Aq ba talaga un mr author??haha..echuserow lang!:p

-monty

Post a Comment