by: Lemwel Paa
NOTE: Eto po ay isang short story na nagawa ko ON THE SPOT. While i was listening to this certain song, an idea came to me. So I decided to go for it. Sayang din yun. Ehehe. :) ito po ay kathang-isip lamang at hindi makatotohanan. Produkto lang po ito ng aking biglaang pagspark ng ideya. :)
kung gusto niyo malaman kung ano yung kanta, search niyo sa youtube "outsider - acquaintance". yan yung kanta na nagsimula ng story na to.
Pangalan ko? Ako si Emil. Emil Ortega. Isang Third Year BS Nursing student sa isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila. Matangkad, matipuno ang katawan, maputi, may maipagmamalaki pagdating sa itsura, pero lahat ng iyon ay nagtatago sa isang malaking salamin, kaya napagkakamalan akong nerd o geeky type.
Oo hindi ako ang isang tipikal na lalake na inaakala niyo. Oo, isa akong silahis. Tanggap naman ako ng pamilya ko, tanging ang payo lang nila ay wag akong magpakaladlad. Kilos lalake pa din, pormang lalake pa din.
Ngayon, nag iisa na lang ako dito sa amin. Ang parents ko ay nasa ibang bansa na, at only child lang ako. Dito ako ngayon sa aking tita na walang ginawa kundi magsugal ng magsugal.
__________
Nagsimula akong mainlove noon pang High School ako. Nung una, puro sa babae pero hanggang sa dumating yung point na nagkakagusto na din ako sa kapwa ko lalake. Hindi ko ito niresist at tinanggap ko na din to unti-unti.
Ngayon ay nasa isang relasyon ako sa aking kababatang nangngangalang Anton. Nagsimula ito noon unang taon ko sa kolehiyo. Pareho kasi kaming aloof at loner. Hindi palaimik.
Hanggang..
"Anton." at inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nakita ko sa kanya ang isang napakatamis na ngiti. Ginatihan ko din naman siya ng isang ngiti pero hindi talaga ako palaimik. Unapproachable kung baga.
"Emil." usal ko, at tinanggap ko ang kamay niya.
Katunayan nga wala sa plano ko talaga ang makipagkaibigan. Natrauma na kasi ako sa mga dati kong nakilala. Nandiyan sila sa tabi mo pag may kailangan, pero pag wala ka namang kailangan, wala din sila. Mga user friendly ampotek. Bukod pa dun, hindi din ako palakaibigan dahil sa lahat ng nangakong nandiyan sila sa panahong kailangan po, ay iniwan din lang ako.
Doon nagsimula ang lahat. Magkasama kaming dalawa palagi. Bonding dito, bonding doon. Puro kulitan na lang ang nagagawa namin pag magkasama kami. Hindi namin alintana ang mga matang naninita sa amin sa tuwing magkasama kami. Kung tutuusin, para kaming magkasintahan kapag magkasama kami, dahil sa tuwing magkasama kami, nakikita nilang concerned na concerned siya sa akin, palagi siyang nakaakbay sa akin.
Hindi ko alam na may namumuo na pala akong damdamin para sa kanya sa ginagawa niyang iyon. Napaisip ako nang makarating ako sa bahay.
"Mahal ko na ata si Anton. Pero hindi ito maaari. Hindi niya alam ang tunay kong katauhan. Hindi niya alam na silahis ako." bulong ko sa sarili ko habang nakahiga at nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
Lumipas ang mga araw, at buwan, pinipigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya.
Hanggang dumating ang araw na nagpasaya ng tuluyan sa akin. Inaya niya ako sa Mall of Asia para kumain. Agad naman akong tumalima para sumama sa kanya.
Habang nasa mall kami, panay ang sulyap niya sa akin, akala niya hindi ko nakikita. Sumisimple din siya ng ngiti sa tuwing sinusulyapan niya ako.
Kumain kami sa isang kainang puro pagkaing Italyano ang hinahain. Habang kumakain...
"Emil, alam mo ba." seryosong wika niya.
"Na?" tugon ko.
"Na.." napalunok siya. "Na mahal kita."
Natigilan ako. Napaisip. Pero sa kaloob-looban ko, napakasaya ko.
"Mahal din naman kita... Noon pa." naibulalas ko sa kanya.
Pareho kaming napangiti habang kumakain. Ngayon alam na namin ang nararamdaman namin para sa isa't isa.
"So ano na tayo nito? Isang taon din naman na tayong magkasama sa skwela, kulitan dito, bonding doon, para ngang tayo na eh." tanong niya.
"Edi tayo na." sinagot ko ng buong galak ko.
Simula noon, namuhay kaming dalawa bilang isang pares. Akala ko masaya ang magiging kalalabasan....
__________
Isang taon na ang lumipas mula nang maging kami. Magkasama na kami sa isang bubong. And kwarto namin ay puno ng mga litrato namin at kung anu-ano pang makakapagpaalala sa isang taong pag-iibigan namin. Isang taon man kami, pero merong something sa kanya na hindi ko mawari. Palagi na lang siyang umaalis ng walang paalam. Iniintindi ko naman siya. Hanggang sa lumala ng lumala.
Kinumpronta ko na ito nang ilang beses pero wala siyang matinong sagot. Kesyo gala daw ng barkada niya, o kaya naman ay case report niya at kasama niya ang mga kaduty niya.
Hindi ko na lang ito pinansin, pero may isang pangyayaring hindi ko inaasahan.
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan ko ang mensahe. Galing ito sa kanya pero hindi iyon ang inaasahan kong mensahe na dapat kong mabasa.
"I love you Andrei."
Iyan ang laman ng text niya. Isang malaking sapak sa akin ang makatanggap ng ganitong mensahe. Siya pa lang ang nagiging seryoso kong katipan pero ano ito, may iba siyang mahal.
Agad kong pumunta sa bahay ng isa kong kaklase kung saan dapat ginagawa ni Anton ang case report kasama ng mga kagrupo, pero napag alaman ko sa kanya na lumabas pala sila ni Andrei para bumili ng makakain.
Lumabas ako ng bahay at naglakad nang may mapansin akong may kakaibang nangyayari sa eskinita. Dalawang lalakeng magkaakbay, mukhang sweet pa sila sa isa't isa. Agad kong sinundan ang dalawang lalaking iyon para matukoy kung tama nga ang hinala ko. Hindi nga ako nagkamali, si Andrei nga at si Anton ang dalawang lalaking magka-akbay.
Lalo akong nanlumo nang makita kong bigla silang tumigil at naghalikan sa eskinitang iyon. Ang sakit. Sobrang sakit. Inaakala kong ang taong makapagpapasaya sa akin ay si Anton, pero hindi pala. Agad akong lumapit sa kanila at binigyan ko ng isang malakas na sapak si Anton.
"Traydor!" sigaw ko kay Anton. Nang muling makabangon si Anton ay binigyan ko ulit ito ng isa pang mas malakas na sapak. Di ako nakuntento, nang masapak ko na at mapahiga si Anton, umupo ako sa dibdib niya at pinagsusuntok. Kung di lang siguro ako inawat ni Andrei ay baka napatay ko na si Anton.
"Ano?! Tapos ka na!?" galit na tugon ni Anton.
"Putragis naman Anton, minahal kita tapos eto lang igaganti mo sa akin?" sagot ko.
Tuluyan na akong nalungkot sa sumunod na sinabi ni Anton.
"Hindi talaga kita minahal. Pinaglaruan lang kita. Hindi ikaw ang totoong mahal ko. Si Andrei ang talagang mahal ko."
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na napigilang umiyak. Ginatungan pa ng pesteng Andrei na iyon.
"Wala ka nang magagawa, ako talaga mahal niya eh. Kahit isang taon pa kayong mag-on."
Wala na akong nagawa kundi ang mapaluha na lang. Luhaan akong umuwi sa bahay at doon tuluyan nang nagbreakdown. Sa bawat sulok ng kwarto ko nakapaligid ang lahat ng nakapagpapaalala sa akin ng relasyon namin ni Andrei. Binato ko lahat ng gamit na binigay niya sa akin, pinunit ang lahat ng mga litrato. Lahat, nilagay ko sa isang itim na trash bag at itinapon.
Wala na akong magawa. Wala na kami ni Anton. Bakit kailangan pang ganito ang maging wakas ng relasyon namin? Nakatulog akong umiiyak sa kama ko.
Dumaan ang ilang araw. Oo magkaklase kami ni Anton pero hindi na kami nagpapansinan. Ang mas masakit pa, araw araw kong nakikita si Andrei at Anton na magkasama at sweet sa isa't isa.
Hindi ko maatim na ganun-ganun na lang ang mangyayari sa amin matapos ang isang taon. Sinubukan kong kausapin si Anton pero siya na ang umiiwas. Mukhang wala ata talagang pagmamahal na natitira sa kanya. Hanggang sa hindi ko na nakayanan ang sakit na nararamdaman ko.
__________
Huling araw ko na ngayon. Ang sakit sakit. Sobra. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong matakbuhang kaibigan sa skwelahan. Dito sa bahay? Wala din. Tita ko, walang pakialam sa akin. Parents ko, walang inatupag kundi trabaho. Ako lang talaga ang maaasahan ko. Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ako makamove on.
Pinili ko na lang wakasan ang buhay ko. Yun na lang siguro ang option ko. Walang nagmamahal sa akin.
Naalala kong may baril ang tita ko. Pasimple akong pumunta sa kwarto niya at kinuha ang .45 na baril niya.
"Ayoko na. Ang sakit. Hindi ko na kaya." bulong ko sa sarili ko habang itinututok ang baril sa aking sentido.
Ipinikit ko ang mata ko. Di ko namamalayang umiiyak na ako sa sobrang lungkot. Unti unti kong hinawakan ang gatilyo.
"Paalam." ang huling salitang binitawan ko.
Isang malakas na putok ng baril na lang ang tanging narinig sa kwartong iyon....
4 comments:
Kung ano man yang dinadala mo. Isa lng ang gusto kong ipaalala sayo.
Mas mabuti pa din ang masaktan habang lumalaban kaysa mamatay sa walang kwentang dahilan.
You deserve better, at naniniwala ako na someday you'll find all the happiness that you deserve. Pero pano mo mahahanap yun kung sumuko kna? Kung patay kna?
ayay... bakit ganun? bitter?
sayang ang life.... ^_^
pero buhay pa sya sigurado, nakapagkwento pa eh..hehe..
Suicidal. Tsk tsk.
:( .. live life to the fullest.. di lang siya ang nag-iisang tao sa mundo.. baka di siya ang nakatadhana para sayo..
Post a Comment