Thursday, October 25, 2012

The Devil Beside Me Chapter 06



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Waaaa! Sa wakas natapos ko rin ang chapter na ito! Wew! Pasensiya na mga paps kung nahuli na naman ako ng post. Tinamaan kasi ng kamalasan plus sinabayan pa ng bagyo. Hayaan niyo’t sa susunod na chapter ay sisikapin kong maging on time.

Pasasalamatan ko nga pala ang mga taong nag-iwan ng kanilang kumento sa chapter 05 para naman hindi nila isipin na hindi ko binibigyan ng importansya ang kanilang effort. Hihihi

Lexin, Rascal, Jaycee Mejica, Flexible Guys (Pat), AkoSiChristian, Andy, Frostking, -Rom-, Acnologia, --Makki--, Angel Marco Menor, caranchou, Yuan, TheLegazpiCity, Diumar, Franklin Alviola, Edmond, -J, iamronald, at sa isang Anon na hindi nag-iwan ng pangalan – Salamat mga paps sa comment niyo at sana huwag niyong katamaran ulit ang mag-comment sa chapter na ito!

Enjoy reading y’all and keep the comments coming! Great day ahead!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



“Kuya Maki, may phone call ka.” Ang narinig niyang wika ng kanyang kapatid mula sa likod ng pintuan ng kanyang k’warto.


“Sabihin mong tulog pa at hindi na babangon kailanman.” Tugon naman niya sa inaantok pang tinig. Ang totoo, kanina pa siya gising dala ng matinding hang-over. Medyo naparami kasi siya ng inom dala ng sobra niyang pagkaaliw nang masira niya ang mga binabalak ng kanyang magaling na kababata.


“Pang sampong tawag na ito ni kuya Jay. At sabi niya, kapag hindi mo pa raw siya kinausap, ay susugurin ka niya rito at siya mismo ang magbubuhos ng malamig na tubig sa mukha mo.” Hindi nagsusumbong o nag-aalala ang tono ng boses nito kung hindi nanunudyo.


Inaasahan na niya ang gagawing pangdidisturbo sa kanya ng kababata sa araw na iyon. Kagabi, nang makabalik ito sa umpukan nila ay halatang hindi na maganda ang timpla nito. Ni hindi na nga siya nito pinansin pa hanggang sa matapos silang mag-inuman.


Hindi siya nabahala o nagpa-apekto man lang sa hayagang pang-iignora nito sa kanya. Kilala niya ito at alam niyang ito pa mismo ang gagawa ng paraan para makipagtuos sa kanya. Gano’n ka-predictable ang kanyang kababata.


Napilitan siyang bumangon kahit kumikirot pa ang kanyang sintido. Kung hindi niya ito kakausapin ngayon ay nasisiguro niyang tototohanin nito ang mga bantang binitiwan nito. Ngingisi-ngisi pa ang kanyang kapatid nang lumabas siya ng k’warto.


“Ano’ng nginingisi-ngisi mo riyan? Ipagtimpla mo nga ako ng kape nang magkasilbi ka naman sa akin kahit papaano.” Sita niya rito.


“Waking up on the wrong side of bed?” Nang-aasar nitong tugon bago tumalilis sa kusina.


Napapailing na lamang niyang tinungo ang phone stand at bago niya iyon tuluyang idinikit sa kanyang tenga ay nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga.


“Hello?”


“Mabuti naman at gising ka na. Kailangan nating mag-usap.” Ang seryoso at halatang hindi pa rin nakakarecover sa pagka-badtrip na wika ni Jay sa kabilang linya.


“Kung tungkol iyan sa napag-usapan natin kagabi, hindi na magbabago ang desisyon ko. Sabihin mo kay Janssen ang totoo at malaya mong magagawa ang mga gusto mo.”


“Bakit mo ba ito ginagawa Maki? Alam mo bang katakot-takot na paliwanag ang ibinagay ko kay Janssen kagabi nang sabihin ko sa kanya na hindi ko siya p’wedeng masamahan sa pagtuloy doon sa bahay? You’re not helping me tulad ng sinasabi mo. Instead, you’re making things worse.” Mahaba nitong litanya.



“No. You’re the one who complicates your life. Kung isinama mo sana sa katakot-takot mong pagpapaliwanag kagabi ang pagsasabi ng totoo, baka sakaling nagsisimula nang maging madali sa ’yo ang buhay mo ngayon.”



“Akala mo ba madaling gawin iyon? C’mon Maki, pareho nating hindi alam ang p’wedeng magiging resulta kapag nalaman ni Janssen na ang lahat ng pinaggagagawa ko ay paraan ko lamang para makuha ko ang pansin niya.”



Napalingon siya nang may kumalabit sa kanya.



“Heto na po ang kape mo Master Maki.” Nakangising wika ng kanyang kapatid nang malingunan niya ito. Inignora na lamang niya ang pang-aasar nito at kinuha rito ang mainit na tasa ng kape at inilapag ito sa tabi ng telepono saka niya muling ibinalik ang atensyon sa kausap na nasa kabilang linya.



“If he really loves you, tulad ng ipinakita niya sa amin kagabi. Maiintindihan niya ang lahat. Besides, kaya mo naman nagawa ang mga iyon ay dahil sa sobra mong pagkahumaling sa kanya hindi ba?” Muli na naman niyang naramdaman ang kakaibang damdaming hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya mabigyan ng pangalan.


“Hindi gano’n kadali iyon!” Alma nito. “Paano kung hindi niya ako maintindihan? Mababaliwala lamang lahat ng ginawa ko.”



“Hindi ko na problema iyon.” Gusto na niyang tapusin agad ang pag-uusap nila. Pakiramdam kasi niya ay habang humahaba ang diskusyon nila patungkol sa relasyon nito ay lalo lamang sumasama ang kanyang pakiramdam.



“Maki-Maki naman, eh!” Parang bata nitong pagre-reklamo.



“Hindi na magbabago ang desisyon ko, Jay.” Ang napapahawak niya sa sintindong sabi. Literal talagang sakit sa ulo sa kanya itong kababata niya.



“Hindi mo ba talaga ako kayang mapagbigyan?” Ang biglang pagpapalit ng tonong wika nito. Wala ng mababakasang pagkainis doon kung hindi pagpapakumbaba o mas tamang sabihing pagpapa-awa. Mabuti na lamang at hindi niya ito kausap ngayon ng personal dahil paniguradong bibigay siya kapag ganitong tono na ng boses ang ginagamit nito.




Noon pa man ay mahigpit na pagdidisiplina na talaga ang ginagawa niya rito ngunit may mga pagkakataon pa rin na napagbibigyan niya ang mga gusto nito lalo na kapag nakikita niya itong malungkot. Ewan ba niya, kahit anong hatid na sakit ng ulo ang ibinibigay nito sa kanya, hindi pa rin niya ito matiiis.



“Jay ––”



“Wala naman kaming gagawing masama. Gusto ko lang talagang sulitin ang pagkakataon na makasama siya. I have waited years for this to happen, Maki. Siya lang ang tanging taong pinangarap ko ng ganito at ngayong nasa mga kamay ko na siya, gusto kong masulit ang pagkakataon. Please Maki, pagbigyan mo na ako.” Paputol nito sa kanya. Bakas sa boses nito ang pinaghalong pagmamaka-awa at lungkot.


Bakit gano’n? Para saan ang biglaang pamimigat ng kanyang damdamin na animo’y may isang bagay na dumagan sa kanya. At bakit siya nakaramdam ng kirot sa mga narinig mula kay Jay? Nagseselos na nga ba siya? Pero hindi nga ba’t ang mga taong nagseselos ay ang mga taong may kakaibang pagtingin para sa isang tao?


Hindi! Imposible `yon! Naibulalas niya sa kanyang sarili.





Isang napakasarap na hapunan ang inihanda sa kanila ng kanyang ina sa gabing iyon. Iba talaga itong mag-alaga. No wonder na mahal na mahal ito ng kanilang papa. Naparami tuloy ang kanyang kain at ngayon, ay tinatamad na siyang igalaw ang katawan.


Sinubukan niyang tawagan si Nico gamit ang kanyang cellphone subalit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Isinunod naman niya si Lantis pero tulad ng nauna ay hindi rin niya ito makontak. Balak sana niyang magpasundo sa mga ito dahil tinatamad na siyang ilabas pa mula sa garahe ang kanilang sasakyan.


“Pambihira! Ano na naman kaya ang ginagawa ng dalawang magsing-irog na iyon?” Naibulalas niya.


“Iinom na naman ba kayo ngayon?” Pagpansin ng kanyang ina sa kanya.


“Hindi ka pa ba sanay diyan kay kuya, ma? Alam mo namang kapag nakakatakas `yan sa kanyang trabaho ay puro inuman ang ginagawa niyan. Tingnan mo nga’t mukha na siyang tansa ng Redhorse.” Singit naman ng kanyang magaling na kapatid saka ito humagikhik.


Pinukol niya ito ng masamang tingin bago siya bumaling sa kanyang ina.


“Darating kasi ngayon si Dave, ma. Napagkasunduan naming magkakaibigan na lumabas.”


“Bakit hindi na lang kayo rito sa bahay mag-inuman. Mas mainam iyon para maipagluto ko kayo ng pulutan. Tsaka, mag-iisang buwan ko ng hindi sila nakikita. Noon, hindi lilipas ang isang Linggo na hindi dumadalaw ang mga iyon dito.”


Dala ng ilang taong pinagsamahan ay pare-pareho na silang napamahal ng kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang mga pamilya.


“Oo nga kuya, dito na lang kayo mag-inuman nang magkaroon naman ng buhay itong bahay natin.”


Okey sana sa kanya ang ideyang iyon subalit hindi niya maiwasang magdalawang-isip dahil una, natatakot siya na baka kung anu-ano na naman ang masagap ng kanyang kapatid  mula sa kanyang mga kaibigan na lalong naging malala ang mga panunukso sa kanya. Pangalawa, ay ang tungkol kay Janssen Velasco at ang ugnayan nito sa kanyang kababata. Pagdating pa naman kay Jay, nagiging mausisa ang kanyang ina at kapatid.


“Huwag na ma, hindi kayo makakapagpahinga ng mabuti kung dito kami mag-iingay. Alam niyo namang walang sinasanto ang kadaldalan ni Jay.”


“Ayos lang iyon `di ba ma? Mas maganda kung paminsan-minsan ay nagkakaroon naman ng ingay dito sa bahay. Simula ng ma-assign si papa sa ibang lugar ay palagi na lang tayong tahimik dito.” Pagpupumilit pa rin ng kanyang kapatid.


“Oo nga naman anak, sige na dito na lang kayo mag-inuman ngayon. Gusto ko ring makumusta ang mga magigiliw mong kaibigan.”


Napabuntong-hininga siya. Ito ang isa sa mga paraan ng kanyang ina kung ayaw nitong umalis siya ng bahay – ang papuntahin na lang sa kanila ang mga kaibigan niya dahil ang mga ito lang naman ang palagi niyang nakakasama sa mga lakaran.


Siguro naman ay hindi niya ikapapahamak kung doon na lamang sila mag-inuman. Tsaka, bakit nga ba siya masyadong nag-aalala, eh, sanay  na naman ang kanyang pamilya sa kalokohan ng kanyang mga kaibigan. Besides, hindi naman sumasali sa umpukan nila ang kanyang mama.


“Okey, sige ma, sasabihan ko sila.”  Pagsang-ayon niya.


Kita niya kung papaano magliwanag ang mukha nito at ng kanyang kapatid. Minsan tuloy hindi niya maiwasang ma-guilty sa tuwing nagpapakasaya siya sa labas at naiiwan ang mga ito sa tahimik nilang bahay.





Tulad nga ng sabi ng kanyang ina, matapos niyang sang-ayunan ang plano nito ay agad itong tinungo ang kusina para simulang maghanda ng kanilang mga magiging pulutan. Siya naman ay itinext na ang kanyang mga kaibigan patungkol sa naging suhestiyon ng kanyang ina. Alam niyang hindi tatanggi ang mga ito lalo pa’t alam nilang lahat na kapag ang kanyang ina ang naghahanda ng pulutan, lahat ng iyon ay pasok sa kanilang mga panlasa.


Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay nakapag-reply na ang mga ito at wala ni isa man ang kumontra maliban na lamang kay Jay na siyang tanging hindi man lang nag-reply.


“Kuya, ipinapatanong ni mama kung tama na raw ba sa inyo ang calamares at sisig?” Ang nakasilip sa pintuang wika ng kanyang kapatid.


“Sabihin mong dagdagan niya ang sisig. Hindi p’wede si Jay sa calamares.”


Gumuhit na naman dito ang nakakalokong ngisi na agad naman niyang sinita.


“Oh, ano na namang kabalbalan ang tumatakbo riyan sa utak mo?”


“Wala naman kuya. Nakakatuwa lang iyang pagiging maalalahanin mo kay kuya Jay. Para talaga kayong mag-boyfriend.”


“Tigilan mo ako Ely, ha. Natural lang na mag-alala ako dahil ako pa rin naman ang mapi-perwisyo kapag inatake ng allergy ang isang `yon.”


“Sabagay. Pero hindi ka naman inu-obliga ni kuya Jay na mag-alala ‘di ba? Ikaw lang naman itong masyadong praning kapag may mga masasamang nangyayari sa kanya. Honestly kuya, you’re more like lovers than best of friends.” Nakangisi nitong wika.


“Wala akong panahon sa mga kabaliwan mo Ely.” Pagtataboy niya rito. “Saka huwag mong bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Jay.”


“Bakit naman hindi? You’re into a group that is very open to same sex relationship. Paano mo maiiwas sa akin na hindi bigyan ng malisya ang sa inyo ni kuya Jay, to think na kayong dalawa na lang ang single sa grupo niyo.”


Sabagay, may punto ito. Sino nga ba naman ang hindi magdududa na tulad rin siya ng mga kaibigan niya na may mga kakaibang relasyon. Pero wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang mga kaibigan niya ay ang mga kaibigan na hindi dapat ikinahihiya. He has a unique set of friends and they’re one of a kind. Masuwerte pa nga siya at nakilala niya ang mga ito.


Bigla siyang napa-isip. Tulad din kaya ng kanyang kapatid ang iniisip ng kanyang mga magulang? May pagdududa na kaya ang mga ito sa kanya? Come to think of it, ni minsan ay hindi siya kinulit ng kanyang mama at papa na magdala ng girlfriend sa bahay nila.


“Kitams!” Untag sa kanya ng kanyang kapatid. “Pati ikaw ay bigla ring napa-isip. Sige kuya, doon muna ako sa baba at tutulungan ko si mama na maghanda. Ituloy mo lang iyang pag-aarok mo sa katototohanan at baka may bigla kang ma-realize.” Ngingisi-ngisi nitong sabi saka siya iniwanan.


Sa mga nagdaang buwan at araw, hindi niya masyadong binigyan ng pansin ang magiging epekto sa kanya ng pagkakaroon ng kakaibang relasyon ng kanyang mga kaibigan. Para kasing isang normal na bagay na lamang iyon. Maybe because maaga nilang natanggap ang seksuwalidad ng bawat isa at dahil doon, naging normal na lang para sa kanya ang lahat.


Ngunit ano nga ba ngayon ang tumatakbo sa mga isipan ng kanyang mga magulang? Pinagdududahan na rin ba ng mga ito ang pagkakaibigan nila ng kanyang kakabata? Pero bakit hindi pa siya kinu-kumpronta ng mga ito?


Napahawak siya sa kanyang sintido sa dami ng katanungang hindi niya mahanapan ng sagot. Bakit ba ngayon pa siya masyadong naging apektado? Ano na ba itong nangyayari sa kanya?




Makalipas ang ilang minuto ay isa-isang nagsidatingan ang kanyang mga kaibigan. Unang dumating ang magkasintahang Alex at Dave na magiliw na sinalubong ng kanyang kapatid na sa tingin niya ay may pagnanasa sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Hindi naman niya ito masisisi. Renzell Dave Nievara was one of the most promising bachelor sa henerasyon nila at bukod pa roon ay may angkin itong charm na pati ang pinakamailap na tao sa mundo ay nagawa nitong paamuhin at gawing kasintahan. Sumunod naman sa mga ito ang magkasintahang Nico at Lantis. As usual, bitbit na naman ng mga ito ang pusang kung ituring ng mga ito ay isang dyamante.


“Hindi naman siguro mapipilayan iyang si Lantis sa pag-upo lang Nico.” Nakangising sita niya sa ginawang maingat na pag-aalalay ng kaibigan sa kasintahan nito.


“Wala kang pake!” Tugon naman nito bago umupo.


Napahagikhik siya. Kahit kailan ay madali talagang umusok ang ilong nito kapag masyadong pinapansin ang mga kilos nito.


“Alex, naibigay na ba ni Popoy sa ’yo ang monthly report ng coffee shop?” Baling nito sa ngingiti-ngiti rin nilang kaibigan. “Ano ang masasabi mo?”


“Yeah, nakuha ko na.  Well, malaki ang improvement ng income natin kumpara sa nakaraang buwan. Ibig sabihin ay parami na ng parami ang nakakakilala sa coffee shop natin.”


“Do you think handa na tayong magbranch-out?”


“Magandang ideya iyan para ma-maximize natin ang profit at matugunan ang current demands. Pero I don’t think may sapat tayong pera para diyan.”


Minsan ay hindi niya maiwasang mapabilib kapag nagiging seryoso na sa negosyo ang kanyang mga kaibigan. Lumalabas kasi ang mga angking talino ng mga ito.


“P’wede akong humiram ng pera sa parents ko.” Ani ni Nico.


“Or p’wede ring sa akin na lang kayo humiram.” Sabat naman ng kasintahan nitong si Dave.


“Galing na sa ’yo ang kapital na ginamit ko Renzell Dave. Hindi magandang sa ’yo ulit ako aasa.”


“Pera mo rin naman ang pera ko. Anong masama roon?” Pagpupumilit pa rin nito.


Inilapat ni Alex ang hintuturo sa labi ng kasintahan bilang pagsasabi na huwag na itong magpumilit pa. Parang masunuring tuta namang tumango si Dave na siyang ikinangisi niya. Hanggang ngayon pala ay ang hawak pa rin sa leeg ng kaibigan niya ang kasintahan nito.


“So, where were we?”


“Sa pagba-branch out.” Ngingiti-ngiti ring wika ni Lantis.


“May ideya ako. How about kung sumali na lang kami? I mean, instead na manghiram ka pa Nicollo sa parents mo ng gagamiting kapital, bakit hindi niyo na lang kami isali sa partnership niyo? You can use our money and at the same time kikita pa kami.” Suhestiyon naman niya.


Sa totoo lang ay matagal na niyang gustong kausapin ang mga ito patungkol doon. Nakikita naman kasi niya ang magandang improvement ng negosyo ng mga ito at sa tingin niya ay hindi pagsasayang ng pera kung i-invest niya ang perang naipon.


“Gusto ko iyang ideya na `yan.” Nakangiting wika ni Alex. “Parang katulad lang ng mga dati kong mga boss sa seventh bar. What do you think Nico?”


“Papayag iyan.” Nakangiting wika ni Lantis. “He was actually hoping na mag-suggest ng gayan sina Maki at Jay.”


“Bakit kami lang? Ikaw ba hindi intersado?” Takang-tanong naman niya rito. “’Tsaka asan na nga pala ang hunghang na Jay na iyon? Bakit hanggang ngayon ay wala pa siya?”


“Nauna na ako sa inyo. Pero kulang pa rin dahil ayaw ni Nico na gamitin ko lahat ng pera ko.” Ani nito. “Tungkol naman kay Jay, ayon sa text niya magiging abala raw siya ngayon.”


Napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito.


“Magiging abala? Saan?”


“Ask yourself. Ano ang sinabi mo sa kanya kanina para maging dahilan ng pagiging abala niya ngayon?” May bahid ng panunubok nitong sabi.


“Malay ko.”


“Huwag ka nang magmaang-maangan Maki. Kanina pa nakarating sa amin ni Lantis ang balitang binawi mo na ang pagtutol mo sa pagtira ni Jay sa bahay-tambayan natin kasama ang boyfriend niya. Kaya hayon, abala sa paglilipat ngayon ang isang `yon.” Ani ni Nico.


Napabaling sa kanya ang magkasintahang Alex at Dave. Hindi makapaniwala ang tinging ibinigay ng mga ito sa kanya.


“Maka tingin naman kayo parang isang himala ang ginawa ko.” Alma niya sa dalawa.


“Hindi nga ba?” Nang-aasar na wika sa kanya ni Dave.


“Nauntog ka ba kagabi nang malasing ka?” Ani naman ni Alex.


“Pambihira!” Ang napapalatak niyang naibulalas. Mukhang isa ngang milagro ang tingin ng mga ito sa ginawa niya. Sabagay, bihira naman kasi niyang bawiin ang mga nasabi na niya.


“So?” Nagkakaisang wika ng mga ito. Hindi pinansin ang kanyang naging alma.


“Anong so?”


“Hindi mo ba sasabihin sa amin ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang desisyon mo?” Si Alex.


“Wala. Masyado lang akong nakulitan kay Jay kanina kaya hinayaan ko na siyang gawin ang mga gusto niya.” Pagsisinungaling niya dahil ang totoong rason kung bakit biglaang nagbago ang kanyang desisyon ay hindi niya p’wedeng sabihin sa kanyang mga kaibigan.


“Napaka-lousy mo talagang magsinungaling.” Wika ni Nico. “Pero don’t worry hindi ka namin pipiliting magsalita dahil alam naman naming wala kaming makukuhang matinong sagot sa ’yo. Pero may isang tao kaming p’wedeng mapagtanungan. `Di ba, Dave?”


“Yep!” Ngingisi-ngisi nitong tugon.


Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya bigla ng kaba. Ang pagkakaalam niya ay siya lamang ang tanging taong may alam sa tunay na dahilan kung bakit biglang nagbago ang kanyang desisyon.


“S-Sino?” Nautal niyang naitanong.


Nakangising tumayo si Dave mula sa pagkaka-upo.


“Saglit lang, ha. Susunduin ko lang ang taong siyang nakakaalam ng lahat.” Wika nito saka tinungo ang pintuan ng kanilang bahay.


Napakunot-noo siya sa pagtataka pero agad din siyang natilihan nang ma-absorb ng kanyang utak kung sino ang taong tinutukoy nito.


Shit! Piping naibulalas niya.


Tatayo na sana siya para sundan si Dave nang may pumigil sa kanya. Nang bumaling siya para tingnan kung sino iyon ay nakita niyang si Nico pala ang humawak sa kanyang braso.


“Huwag niyong isali ang kapatid ko sa mga kalokohan ninyo, Nicollo.” May diin at bakas ang  pagbabanta niyang sabi. “Fine, sasabihin ko na ang totoo! Nagbago ang desisyon ko dahil may mga nangyayari na sa akin na hindi ko maintindihan! Masaya na kayo?.”






Itutuloy:

24 comments:

rascal said...

hehehehe...pano clos na clos na c maki kay jassen.....nice

jaycee mejica said...

Love it ! Umamin na sa wakas si Maki ! hahaisst gumaganda na ang bawat chapters , hope na mabilis ang kasunod :)

youcancallmeJM said...

sir zild... i hope ok na kau jan at safe :] thank you for this story... very inspiring :]

Frostking said...

Aamin n yan! Haha.

--makki-- said...

natutuwa ako kay ely! bibong-bibo! LOL

nice one poy!

Anonymous said...

ayun oh! umamin na dn sya... hahaha!
can't wait na sa mangyayari sa next chapter.. hahaha


~Dev Nic

Unknown said...

Omg..dami ko tawa..tumatawa mag isa..

Kinikilig ako...love it

Anonymous said...

Papa Z,

Salamat at pinakilig mu nanaman ang maulang huwebes..


Yuan

Unknown said...

hmm.. basa mode.. hehehe.. wow kinilig ako.. hahaha.. next chapter na please. hehehe


marc of K.S.A.

Anonymous said...

Now, the story is starting to pick up. Caught red-handed lang ang peg ni Maki, hehehe!

And one big YAY for Dave's appearance. =D

- Edmond

Strontium38 said...

Ang kulet ng chapter na 'to :D

_Sr38_

Lexin said...

Huli ka balbon!
Ang mahilig mang-ipit ang iniipit ngayon!! hahaha!
Nice chapter zeke...

bon-bon said...

you never failed to make me shiver kuya zild .

YOUR THE BEST ! :))

Anonymous said...

saying the truth sets you free maki maki..

-J

foxriver said...

what made him change his mind? Is he ready to admit that he's jealous? That he fin'lly realized that he's fallen inlove with Jay? All that and much more on the next chapter...update na agad Zildj:)

Flexible Guys said...

Hahaha! Ayan na si Maki ohh... Go go go Maki!
This chapter is so smooth and easy, ang sarap lang basahin :).... Ganda ganda!
Ang kulit lang ni Ely hahaha! Maliwanag na chismosa ang kapatid ni Maki na yon! Haha
Looking forward for the next chapter.
Thanks Zek!

Pat
Tagasubaybay

Anonymous said...

lakas makababae ni lantis at alex. Lol.

Paano kaya gagawin ni maki ngayon?

Thanks sa update zeke. :)

Unknown said...

Ayan na ang pag-amin..!!! 😜

robert_mendoza94@yahoo.com said...

ha ha ha, umamin din sa wakas. kaya lng panu na kaya yan, may kinalolokohan na c jay? hmmmm

Coffee Prince said...

WAHAHAHAH!
putek na yan .. sarap gerahin ng mga kumag .
;haha

TheLegazpiCity said...

ayan na ang hexciting...hehehe

Anonymous said...

sori late comment..ayan umpisa na ng moments ni maki maki..

_iamronald

Acnologia said...

Hahaha ngan na mag sisimula ang laro nila maki maki at jay jay hahaha!!

pero clueless pa din ako kung ano ang mga gagawing manipulative tactics ni maki maki para makuha si jay!!! EXoited na ko!!!

Anonymous said...

uuyyyy,,aamin na siya (maki)!!hahaha..charotdotcom talaga..ang cute!^^

-monty

Post a Comment