Monday, October 29, 2012

Nilimot Na Pag-ibig Teaser









Si Ronald Santos ay isang simpleng lalaki na may simpleng pangarap.Sa tulong ng kanyang tiyuhin siya ay nakapangibang bayan upang hanapin ang kanyang swerte.

Sa pamamagitan ng pakikipag chat ay nakilala niya si Lyndon Garces, taga Dubai. Ang taong may malaking magiging epekto sa buhay ni Ronald.

Bago pa man makapag simula si Ronald ng trabaho kinakailangan nyang lumabas ng bansa upang matransfer ang kanyang visit visa status para maging employment visa.

Sa pagpunta niya sa Kish Island, Iraq ay nakasama niya ang apat na personalidad na magiging kaibigan niya sa naturang Isla hanggang sa pagbalik nila ng UAE.

Nang makapag trabaho na si Ronald ay patuloy pa rin ang pagkakamabutihan nilang dalawa ni Lyndon hanggang sa umabot sila sa desisyon na pasukin nila ang isang relasyon.

Isang relasyon na puno ng pangako.

Isang relasyon na binuo at pilit na pinatatag.

Ngunit hanggang saan ba ang tatag ng kanilang pangako sa isa't-isa?

Hanggang saan nga ba?

0 comments:

Post a Comment