Wednesday, October 31, 2012

Nilimot Na Pag-ibig 05







photo by: truthsofme



Kamusta naman po ang lahat?

Gusto ko lang po magpasalamat uli sa mga readers ng Nilimot Na Pag-ibig. Hindi ko akalain na may magbabasa pala ng story ko. And of course sa mga nagcomment maraming salamat binigyan nyo ako ng inspirasyon na ipagpatuloy ang ginagawa ko, hindi ko po kayo bibiguin.

Para di na masyadong humaba pa itong sasabihin ko ito na po ang chapter 5. Hope you like it.

_____

Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.

Next, I would like to thank truthsofme for making the cover photo of my story.

Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.

Thanks.

Disclaimer: 

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome.

You have the freedom to express your feelings.

READ AT YOUR OWN RISK!

Enjoy reading!




"Labs ano yung sasabihin mo kinakabahan ako ha." ang pangungulit at naguguluhan kong wika sa kanya.

"Kasi Mahal, hihintayin kitang makalabas ng work mo at may surprise ako sa yo." ang tila kinikilig nyang wika sa akin.

"Huh bakit di mo sinabi sa akin na pupunta ka!" ang gulat kong untag sa kanya.

"Kaya nga surprise diba!?" ang tila pang-aasar naman nyang sagot sa akin.

Aaminin ko kinilig din ako sa gesture na ginawa nya.

"O sige ha hintayin kita sa labas ng hotel. I love you." ang may diin nyang sabi sa akin sabay baba ng tawag.

At matapos nga ang aking duty ay nakita ko sya sa employees entrance nakatayo na tila may kausap sa telepono kaya agad ko syang nilapitan.

"Hi Labs! Sino ang kausap mo?" ang pagbati ko sa kanya na kanyang ikinagulat.

Binaba nya ang tawag at bumaling sa akin ng nakangiti "Ah yun ba secret! Tara na." ang pag-aaya nya sa akin.

Hindi ko na sya kinulit pa kung sino man ang kausap nya bagkus sumama ako sa kanya ng hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Sumakay kami ng taxi. "My friend Royal Regent Hotel." ang pagbibigay direksyon nya sa taxi driver na ikinagulat ko.

"Labs bakit nag check in ka ba?" ang gulat kong tanong sa kanya.

"Basta Mahal." ang may paglalambing nyang tugon.

Hinayaan ko na lang sya sa kung ano man ang tumatakbo sa isipan nya.

Nang marating namin ang hotel ay agad syang pumunta ng reception area at agad kinausap ang nakaduty na F.O. staff. In short, naka book pala sya sa hotel. Nang matapos na ang registration ay agad nya akong nilapitan at sinabing punta daw muna kami sa bahay upang kumuha ng gamit ko, agad naman naming nilisan ang hotel at tumungo sa bahay.

"Oh jan ka na pala kumain ka na ba?" ang tanong sa akin ni Jane.

"Hindi pa. Aalis din agad kasi ako kasama ko kasi ang friend ko may pupuntahan kami at baka di ako umuwi mamaya don na ako matutulog kaya di tayo sabay makakapasok bukas." ang pagpapaliwanag ko kay Jane.

"San ba ang friend mo bat di pumasok ng bahay?" ang tanong ulit ni Jane.

"Nandyan lang sa labas ng pinto nahihiya kasing pumasok." ang tugon ko.

Kaya nman si Jane ang pumunta sa labas at nagpapasok kay Lee.

"Ano bang ginagawa mo dyan bat di ka pumasok dito." ang istriktang wika ni Jane kay Lee.

Ngumiti lang si Lee at agad din namang pumasok ng bahay.

"Lee sya nga pala si Jane nanay-nanayan ko, Jane sya si Lee FRIEND ko." ang pagpapakilala ko.

Iniwan ko silang nag-uusap sa sala habang ako naman ay nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko.

Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ay agad akong lumabas ng kwarto upang lumapit sa dalawang nag-uusap. Sa tingin ko ay nagkakasundo ang dalawa sapagkat nagkakatawanan na sila sa kanilang pag-uusap kahit pa ngayon lang sila nagkita.

Nang makita ako ni Lee ay agad niya akong nilapitan at kinuha ang bag na dala ko.

Nagpaalam na kami kay Jane at bumalik na kami ng hotel.

_____________

Room 709...

Pag pasok namin ng hotel room ay nagulat ako sa nakita ko sa ibabaw ng bed puting stuffed toy at bouquet of red roses.

Sa sobrang saya ko ay nayakap ko si Lee at nahalikan.

"I love you Labs!" ang wika ko kay Lee.

"I love you more Mahal!" ang pagtugon nya sa akin sabay bigay ng isang mabilis na halik sa aking mga labi.

Pumunta ako ng cabinet upang iayos ang aking gamit ng makita ko na ang daming dalang damit ni Lee na akin namang ipinagtaka.

"Naglayas ka ba sa inyo at ang dami mong dalang damit?" ang tanong ko sa kanya.

"Hindi may seminar kasi ako na iaattend kaya ganyan kadami ang dala kong damit at yan ang surprise ko sa yo. I'll be staying here in Abu Dhabi for 5 days." ang masaya nyang wika sa akin.

Binigyan ko lang sya ng isang matamis na ngiti at pabulong na i love you, agad kong inayos ang kanyang mga gamit kasama ng gamit ko. Pagkatapos kong masalansan ang mga gamit namin ay lumabas kami upang maghapunan.

Naging masaya ang limang araw na aming pagsasama ni Lee sa hotel. Sabay kaming gigising sa umaga para mag breakfast, sabay maliligo at syempre pag naliligo hindi na maiiwasang may mangyari, at sabay kaming aalis ng hotel. Sa hapon nman ay nauuna ako lagi sa kanyang dumating sa hotel kaya naman napagpapasiyahan kong umuwi ng bahay upang magluto ng aming panghapunan na labis namang ikinasisiya ni Lee. Naging maasikaso ako sa kanya. Kung titignan mo nga kaming dalawa para na kaming mag-asawa sa iisang bahay. Huling araw ng pagsasama namin ni Lee sa hotel dahil kinabukasan ay babalik na sya ng Dubai naiwan sya sa hotel at ako naman ay pumasok. Bago pa matapos ang duty ko ay tumawag sya sa akin at sinabing wag na daw akong magluto at sa labas na lang kami kakain.

Palabas na ako ng hotel ng nakita ko syang nakatayo sa staffs entrance.

"Hi Mahal!" ang bungad na bati nya sa akin.

"Hello Labs! Bakit sinundo mo pa ako di mo na lang ako hinintay sa hotel?" ang tanong ko sa kanya.

"Syempre para naman diretso na tayo sa restaurant na kakainan natin gutom na kasi ako." ang paliwanag nya.

"Ah ganon ba? sige tara na. para makakain na at makapag pahinga na tayo." ang tugon ko na pag aya sa kanya.


Nagulat ako sa lugar na pinuntahan namin dahil sa restaurant na yon nagtatrabaho ang tito ko as Assistant Manager. Pagpasok namin ay agad kong nakita ang tito ko agad ko naman itong nilapitan na pinagtaka ni Lee.

"Tito si Lee po FRIEND ko, sya po yung pinuntahan ko noon sa Dubai. Lee si Tito Charles." ang pagpapakilala ko sa dalawa. Ito ang unang pagkakataon na makikilala ng tito ko si Lee.

Naging maganda naman ang pakikitungo ng tito ko kay Lee kaya naman kampante ako. Pagtapos kong maipakilala ang isa't-isa ay pumunta na kami sa mesa upang umorder ng pagkain. Matapos maibigay ang aming order sa waiter ay nag-usap lang kami ni Lee ng kung anu-anong bagay habang hinihintay naming dumating ang aming pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay agad na kinuha ni Lee ang aming chit, syempre may discount anong silbi ng pagiging assistant manager ni tito kung di nya kami bibigyan ng discount, ahahahahaha.

Namasyal muna kami ni Lee bago bumalik ng hotel dumaan na rin kami ng bahay para imangamusta kanila Jane.

Pagdating namin ng hotel ay nagpahinga muna kami. Makalipas ang ilang sandali ay nag-umpisa na naman si Lee na mangulit. Kiliti dito kiliti doon, tawanan dito tawanan doon. At ng mapagod ay binuksan ang t.v. at nanood. Sa puntong ito ay bigla ko syang tinanong.

"Labs..." ang pagpukaw ko sa kanyang atensyon.

"Hmm..." ang simple nyang tugon.

"Mahal mo ba ako?" ang paglalambing kong tanong sa kanya.

"Mahal di mo na kaylangan pang itanong yan dahil ang sagot ko dyan ay OO." ang kanyang sagot na ikinakilig ko. Sa totoo lang ang sarap talaga ng pakiramdam na marinig mo mula sa bibig ng taong mahal mo na mahal ka nila.

"Labs may pangalan na ako para dito sa teddy bear na binigay mo. Ang pangalan nya ay Mac-mac." ang pagbibigay ko ng pangalan sa stuffed toy na binigay nya habang parang batang nilalaro laro ko ito. Binigyan lang niya ako ng isang matamis na ngiti.

Halos maghahating gabi na ng mapagpasyahan na naming matulog.

Sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay nakadama ako ng pamimigat ng aking katawan, nang imulat ko ang aking mga mata nakita ko si Lee nakaibabaw sa akin at nakangisi. Isang matamis na ngiti lang ang aking ibinalik sa kanya. Katulad ng mga naunang nangyari sa amin naging marahan at mapagkalinga sya sa kama ngunit sa puntong ito ay bigla sya may ibinulong sa akin.

"Mahal, pwede ba kitang pasukin." ang may paglalambing na tinig.

"Labs not now. Hindi pa ako ready." ang pagsusumamo kong sagot sa kanya na hindi naman nya tinutulan.

Natapos ang sandaling iyon ng may ngiti sa aming mga labi kahit na pa hindi ko sya napagbigyan sa kanyang kahilingan.

_____

Lumipas ang mga araw lalong lumalim ang pagsasamahan namin ni Lee. Hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagbisita sa akin sa Abu Dhabi. Naging hobby na nya ang bumisita sa akin isang beses sa isang linggo. At every monthsary namin ay hindi sya pumapalya na magbigay ng stuffed toys, at lahat ng binigay nya sa akin ay binibigyan ko ng pangalan.

It was first week of the month of May ng magbakasyon sila Jane at si Roger sa Pinas at ibinilin nila ang kwarto nila sa akin. Nagkataon din nman na katatapos lang din ng monthsary namin, four months na kami ni Lee.

Dumating si Lee sa bahay, naabutan nya akong nasa loob ng kwarto nila Jane nanonood ng t.v.

"Hi Mahal." ang tawag nya sa akin.

"Oh Labs sino ang nagbukas ng pinto sa yo?" ang tanong ko sa kanya.

"Si Virgie may kausap sya sa labas baka yung bf nya." ang pagpapaliwanag nya sa akin.

"Bat di ka man lang nagsabi na pupunta ka?" ang tanong ko ulit.

"Para surprise. Ayaw mo nun lagi na lang kitang sinu surprise." sabay bigay ng pilyong ngiti at abot ng bago kong stuffed toy.

As usual, nagkwentuhan at nagkulitan kami ni Lee na para bang bago lang kaming pumasok sa isang relasyon. Nang magsawa sa kulitan ay nagpahinga kami ng konti at naglinis ng katawan upang maghanda sa pagtulog.

Nakahiga kami sa kama ng bigla nya akong siilin ng halik. Katulad ng dati may nangyari sa amin ngunit sa pagkakataong ito ako naman ang may ibinulong sa kanya...




Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment