Wednesday, October 3, 2012

Rules

by: Zildjian

Unang-una sa lahat, ginawa ko ito hindi para takutin o itulak palayo ang mga bumibisita at nakikisali sa chatbox ko. Kaya ko gustong ipatupad ang mga rules na ginawa ko ay dahil gusto kong protektahan ang mga readers at mga chatters ko, at syempre na rin pati ang blog ko na isang taon kong pinaghirapan.


These rules should be followed without fail. I won’t give any second chances to those who will violate  the said rules. Pasensiya na kung medyo magiging mahigpit ako ngayon, I have learned my lesson and I think this is the only way para mapanatili ko ang blog ko na buhay para sa mga darating pang readers ko at sa mga dati ko pang readers.




Blog Rules FOR STRICT COMPLIANCE


*Bawal ang makipag-away o gumawa ng gulo.

-Napapansin ko kasi na uso sa mga blogsites especially iyong may mga chatbox ang awayan. Ang nangyaayari ay ang blog ang na-aapektuhan.

*Racist, at kung anu-ano pang pambabatos sa karapatan ng isang tao ay hindi rin p’wede.

-Para sa akin, bawat isa sa atin ay may karapatang paniwalan ang gusto nilang paniwalaan. Gusto kong  irespeto iyon ng bawat isa para mapanatili ang katiwasayan sa blog na ito.


*Bawal pilitin ang kahit na sinuman na magbigay ng kahit na anumang impormasyon na para sa kanya ay confidential. Kasama na roon ang picture, number, email address, Skype, YM, At Facebook.

-Sa virtual world, intindihin sana natin na may mga taong pinipiling itago ang tunay nilang pagkatao sapagkat gusto nilang protektahan ang mga sarili nila. Respetuhin sana natin iyon.


*Ipinagbabawal ko na rin ang palitan ng number sa main chat. Kung gusto niyong magbigay o humingi ng number sa taong ka-chat niyo, p’wede niyong idaan iyon sa pm at hindi sa main chatroom.

-Ito ay para maiwasan natin ang mga unwanted text-mate. At para na rin ang taong gusto mo lang at nasasabayan ang klase ng “trip” mo sa buhay ang magte-text sa ‘yo. May reklamo kasi akong natatanggap patungkol sa bagay na ito.


*Iwasan din natin ang walang pakundangang pagbibiro lalo na sa mga hindi mo pa gaanong kakilala. Tandaan, hindi lahat ng tao ay makukuha na biro lang para sa ’yo ang mga sinasabi mo. Maging responsable sana tayo sa mga bibitiwan nating salita at maging sensitibo sa maaaring maramdaman ng bawat isa.

-Imbes kasi na ma-engganyo ang iba na sumali sa chat ay hindi nangyayari sapagkat may ilang mga chatters na kung makapagbitiw ng biro ay medyo below the belt na.  ilan din sa mga bagong dating ay na i-intimidate na magchat ulit dahil hindi pa man din nila kilala ang mga kausap nila ay binabanatan na sila ng kung anu-ano. Oo nga at para sa atin ay biro lamang iyon o isang katuwaan pero sana naman isipin na hindi niyo pa masyadong kilala ang taong kausap niyo at hindi niya agad masasabayan ang trip mo.


*Bawal na rin ang kahit na anong kabastusan. Lalo na ang mga naghahanap ng ka-SOP at panandaliang aliw. Ang laman ng aking blog ay mga biromance story hindi mga k’wentong patungkol sa kalibugan at kabastusan.

- Alam kong sa mga rules ko ay ang isang ito ang mahirap sundin lalo pa’t medyo nasanay kayo sa akin at sa mga kabaliwan ko. Kaya naman may exemption ito. Hanggat indirect ang kapilyuhan mo, hindi ka mapapahamak. Pero kapag nakita kong intentional na ang ginagawa mo at hindi na biro ang dating, ibang usapan na iyon.


*Lastly, behave yourself accordingly. You must know how to respect every individual na makakasalamuha mo.

-Pantay-pantay tayo sa chatbox. Pero sana rin matuto tayong ilugar ang mga sarili natin para maiwasan natin ang makagawa ng gulo at kaaway. Everyone has his  right to talk and be listened to, ngunit huwag iyong gawing excuse.


Sa taong lalabag sa mga rules ko ay hindi na muli pang makakatapak sa blogsite ko. Permanent ban ang magiging hatol ko at hindi ko iyon babawiin. Ginagawa ko ito hindi lamang para sa akin kung hindi para rin sa inyo kaya sana naman magtulungan tayo.



THIS IS MY BLOG! THE ABOVE RULES APPLY TO ALL. EVERYONE IS FREE TO STAY, MAKE FRIENDS, AND ENJOY THEIR STAY. FRATERNAL CORRECTION IS HIGHLY APPRECIATED. BUT ANY FORM OF BULLYING AND/OR HARASSMENT WILL NOT BE TOLERATED.

~I will start posting the Chapters of
The Devil Beside Me this Friday. Ingat tayong lahat.~

2 comments:

russ said...

agree Z..

rascal said...

yeah tama ka kuya z

Post a Comment