Lumipas ang araw, bwan at taon. Ganun pa rin. Tulad ng dati, tampulan pa rin ako ng tukso, pangungutya at panghuhusga ng mga taong lumilingon lang sa ganda ng pustura.
Habang tumatagal, habang pumipihit ang oras, habang imiikot ang mundo, ramdam kong nanghihina ako. Hindi pisikal kundi emosyonal. Madaming pangyayari sa buhay ko na nakapagpahina ng aking pananalig, ng pag-asa, at ng lakas upang humarap sa hamon ng buhay. Pilit ko itong nilalabanan, ngunit sadya talagang mapaglaro ang kapalaran.
Kolehiyo na ako ngayong pasukan. Si Daryl, kaklase ko na naman sa eskwelahan na pinapasukan. Ang nangyari sa amin ay kay sarap balikan. Mga kaganapan na noon ko lang natikman. Sa aking balintataw, pilit na kinakalimutan. Isang magandang panaghinip na bangungot ang katotohanan.
Binasurang ala-ala, pilit na bumabalik-balik tuwing siya ay nakikita. Sa eskwelahan kung saan minsan pa'y mababangga ko siya. Damdaming umusbong para sa kanya'y pilit na kinakalimutan na. Ang dami kong binigay, sinakripisyo para sa kanya ay pinaubaya. Ngunit hindi pala bukal ang pag-ibig na kanyang pinakita. Kaya naman ngayon, sisi ko ang sarili. Sa mga kaganapan sa akin ay nangyayari.
Magmuni-muni sa isang parke ang laging ginagawa. Pagtangis upang bigat sa damdamin ay mawala. Dito, pakiramdam ko ako’y malaya. Maipalabas ang damdaming inalipin na niya.
Paglipas ng buwan, damdamin para sa kanya’y unti-unti ng lumilisan. Huni ng ibon, sariwang simoy ng hangin, mga halaman sa parke ang aking naging sandalan. Magkrus man kami ng landas, wala na akong pakialam. Taas noo pa ako basta’t walang sinasagasaan.
Sa pagbubukas ng bagong semestre ng aming paaralan, may isang lalaking makulit sa akin daw ay nakukyutan. Hindi ko siya pinapansin sa kanyang mga tinuran. Takot na akong muling umibig baka puso ko na nama’y masaktan.
Simula na ng pasukan. Kaklase ko pala sya, Dyos ko naman! Ang pagiging makulit niya’y nananatili pa rin. Sinusuyo, sinasabayan sa pag-uwi, nangungulit kahit hindi ko siya pansinin.
Minsan pa ako'y nag-iisa, sa parke kung saan lagi ko siyang nakikita. Masuyo siyang tumabi at sa akin ay tumitig sa mata. Maamong mukha sa akin ngayo'y nakabalandra. Bigla siyang ngumiti, aking ikinabilga. Inilabas ang pagkaing kanyang dala. Sa amoy nito'y ako'y nagutom bigla. Ganyan talaga siya, kapag ako ay kasama. Inaalok ng kung anu-anong sa tingin niya'y sa aki'y makapagpapasaya. Ngunit ang kanyang mga ibinibigay ay hindi ko tinatanggap. Dahil baka malaman ko sa huli ito'y isa lamang pagpapanggap. Damdaming nabubuo pilit na isinasawalang bahala. Baka iwan niya akong bigla, iyan ang aking ikinababahala.
Sa kanya ay pilit na lumalayo. Hayaan ko lang sya, iyan kanyang pakisuyo. Titig sa mata, hawak sa 'king kamay, ako'y kanyang nilalambing. "Walang pagpapanggap na mahal kita", sabi niya sa akin. Ako ay biglang tumayo at tumakbo palayo. Dahil "mahal na kita" baka maibulalas ko.
Huling semestre na ng pasukan. Nagkasakit ako nun bago pa man. Taka kong sa bahay siya ay nasumpungan. Hinanap niya ako dahil wala daw siyang makakulitan. Nasa kwarto ko siya at pinahihigop ako ng mainit na sabaw. Bigalang bumungad si Inay sabay sabing, "mabait naman pala iyong manliligaw". Bigla akong nabilaukan at kinabahan. Baka sinabi ni Inay na gusto ko na din sya, wag naman! Bimulis tibok ng aking puso kasabay niyon labi ko ay napaso. Mga titig niya sa akin ay nakapako. Hanggang paningin ko ay naglaho.
Sobrang pagod, puyat at pag-aalala, sabi ng doktor kaya sakit ko at lumala. Nakita ko na naman siya nung ako ay lumingon sa kaliwa. Ngumiti si Inay at sinabing siya sa akin ay ang nag-alaga. Mga hula sa aking mga mata ay biglang tumulo. Dahil sa pinakita niya ang pag-ibig niya at totoo. Nakita niya iyon noong magising siya. Lumapit sa akin at hinalikan mga luha sa mata. "Huwag ka ng iiyak dahil nasasaktan din ako aking mahal". Pagkasabi niya sa akin ay sa bisig niya ako pinasandal. Sa kanyang ginawa dama ko ang kanyang pagmamahal. "Mahal kita" ang sabi kong hinihintay niyang kay tagal.
Nagtapos kami ng kolehiyo ngunit ang pag-ibig niya ay hindi pa rin nagbabago. Ganon pa rin siya mula noong una. Makulit, pasaway, bibo. Nakakatuwa dahil ayaw ko sa kanya noong una ngunit heto ako't masayang minamahal sya. Hawak kamay kaming sumusuong sa laban ng buhay. Pinapadama sa isa't-isa ang pag ibig na walang humpay.
Sa parke kung saan may malungkot na nakaraan, ngayon masasayang bagay na doo'y kanyang pinalitan. Ang atmospera doo'y puno na ng pagmamahalan. Isang bagay doon din sa akin kanya akong tunuruan. "Buksan ang puso sa pangalawa. Kung sawi sa una, subukan ulit at umasa. Dahil hindi mo makikita ang sa iyo'y nakatadhana kung puso mo ay ikukubli mo na."
Siya ang nagpabago ng pananaw ko sa pag-ibig. Ang ngayong parte ng aking buhay. Ang taong tinuruan akong bumangon at umasang muli. Ang dahilan ng matatamis kong mga ngiti. Ang aking inspirasyon. Si ARNOLD.
wakas.
1 comments:
Wow! Natuwa ako dito! :))
Post a Comment