Wednesday, October 10, 2012

Ang Rooftop at Ang Larawan Ni Stalker


Ang rooftop at ang larawan ni Stalker

Pauna:


Hi ulit sa lahat :D it’s me Kevin ang tambay sa fb page ng zildjianstories hahahahah. Regards po dun sa isa kong story sorry po hindi ko pa po sya ma uupdate ngayon kasi sobra busy ako ngayon sa school lalo na finals na naming pero promise ko itutuloy ko yung story pag I have enough time na^^ for now I want to share my short story that I made. Actually project naming to sa Filipino, pero naisipan ko ishare din sa blog :D enjoy reading  please post your comment after reading <3>



-              Kevin




DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



dito sa lugar na ito, nagsimula lahat ng ito, ang araw na nagsimula ang lahat ng hindi ko inaasahan mangyari, sa lugar na ito pinagplanuhan ang mga bagay, sabihin na nating mga bagay na dapat hindi ko ginawa, at lugar kung saan, naramdaman ko ang bagay na nagpapasaya, nagpapagaan ng aking pakiramdam, na syang aking napabayaan, napakawalan at nasayang, dahil sa pangingibabaw ng ugali na aking ipinamalas, ang takot sa magiging kahihidatnan nitong damdamin na akin natamasa, at sa mga taong tumataliwas sa ganitong uri ng pagmamahal. Sa lugar na ito, muling inaalala ang mga bagay na ito, habang tinitignan ang larawan na hawak hawak ko, ang larawang nakuha ko sa taong ito, ang taong hindi ko inaasahang makilala, makasama, masaktan at mahalin ako ng lubusan, at sa bandang huli, kung kailan naintindihan ko na ang lahat, ay naglaho ang lahat.
Drey ang pangalan ko, pangalan pa lang pang campus crush na ang dating, sa personalidad ko na ito, gwapo, varsity player, at yung sinasabi nilang "pleasing personality", himdi ko maikakalang sandamakmak na kaibigan meron ako, at ang mga taong humahanga sa akim, lalung lalo na pagdating sa kababaihan, at hindi rin mawawala ang mga palihim na taong pinagmamasdan ka, sa bawat galaw na gagawin ko. At sa ganitong uri ng tao ko pa pala mararamdaman ang mga bagay na hinahanap-hanap ko.



"anung balak niyo tapos ng klase?"


 tanung ng isa sa aking mga kaklase, si irsen, ang bestfriend ko sa buong classroom namin, puro gala na lang lagi ang nasa utak. Minsan nakakasawa din. At tumunog na ang bell, lahat ay naghihintay na tumunog ito, senyales ng kalayaan ng mga estudyante, nakakatuwa man pakinggan pero totoo. Isa-isa na kami lumabas ng room, mas pipiliin ko na lang na tumambay sa lugar na walang makakaabala sa akin.



Habang palakad papalabas ay hindi ko inaasahang may makakabangga sa akin.



"oh tol ayus ka lang?Pasensya na ah, ingat ka sa dinadaanan mo." ang sabi ko sa kanya.



" o-ok lang ako, s-salamat." ang hindi mapakali nitong sagot sabay kuha ng mga nalaglag na gamit dahil sa pagkabunggo nito sakin sabay lakad ng mabilis. Napansin ko na may isang bagay na hindi siya nakuha, siguro na rin sa pagmamadali nito. Isang sobreng puti. May balak sana akong habulin ang taong iyon dahil baka gamitin niya ang bagay na ito, subalit hinarang ako ng mga kabarkada ko at nagkayayaang tumambay.



Dinaanan namin ang daan patungo sa lugar na kung saan kami lang ang nakakatambay, lalu lalo na ako, ang rooftop. Habang kami ay naglalakad ay hindi pa rin mawala wala ang bulung - bulungan, ang pigil pigil na hiyawan ng mga kababaihan, pati na rin ang mga bading , na kulang na lang ay hubaran ka nila dahil sa kakaiba nilang tingin.Walang pagbabago.



"oh bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo? Kakainin ko yan." ang sabi ni irsen.



"ang wala gana kong gana, kahit ubusin mo pa, gusto mo?" ang walang gana kong sagot sabay lapit ng pagkaen ko sa kanya. Mas naisipan ko kunin na lang ang cellphone ko sa bag, pagkabukas ko ng bag ko ay bumungad sa akin ang sobreng nakuha ko sa lalaking nakabangga ko kanina.



"wow mukhang manlilibre ang isa dyan, mukhang masaya to. Gala na tayo!" ang pang aasar ng isang kaibigan ko sa varsity.



 "tigilan niyo nga ako, wala akong pera ngayon." ang sagot ko sa kanya.



 "eh anu ba kasi laman niyan?" ang tanung niya sakin, di na ako nakatugon sa tanong nito sapagkat natuon ang akin pansin sa hawak kong sobre, may nag uudyok sa akin na buksan ang sobreng iyon,ngunit pakiramdam ko ay hindi ako matutuwa sa nakikita ko.



"anu na hinihintay mo pare? Buksan mo na." ang pangungulit nitong sabi sa akin.



Nang mabuksan ko ang sobre, puno ng pagkagulat an naramdaman ko nang makita ko ang nilalaman nito. "mga larawan mo to ah, pinadevelop mo to?" ang tanung ng kaibigan ko ng ilapag ko ang mga larawan.



"parang hindi naman sayo to eh, parang stolen lahat ng kuha mo." ang sagot naman ni Irsen.



"n-nakuha ko to sa taong nakabunggo ko sa tapat ng room natin" ang wala sa sarili kong sagot.



"wow pare, iba ka tlga, kahit kanino matinik ka, siguro lagi kang pinagpapantasyahan nitong may ari ng litrato." ang tatawang sabi ni irsen sa akin. Nakaramdam ako ng pagkahiya sa sarili ko at galit sa taong may ari ng mga larawang ito.



"Anu drey? Upakan na natin? Sabihin mo lang game kami." ang pag aalok ni Irsen sa akin, ngunit imbis na sumagot ako sa tanong nito ay isang ngiti lang ang aking ginawa, isang ngiti ng paghihiganti.



"anu meron sa ngiti mo, so payag ka na?"ang muli nito tanong sakin



"Hindi, pero may mas naisip akong ideya, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang pagkakagusto niya sa akin." ang sabi ko sa kanila, ngumiti ang dalawa sa aking sinabi.
Sumunod na araw, sa eskwelahan, hinanap ko ang taong nagmamay - ari ng mga larawan na iyon, malapit sa principal's office ang room nila, nang makita kong siyang muli, ay bumalik ang aking galit at inis sa taong iyon, ngunit kinontrol ko ang sarili ko para sa plano ko. Nakisuyo ako sa kaklase niya na tawagin ang taong iyon, nang makita ko ang reaksyon nito nang lapitan siya nang kaklase niya, nagulat ito sa sinabi at biglang lumingon sa direksyon ko, halos pagkahiya at pagkagalak ang makikitang ekspresyon sa mukha nito.



"a-anung kelangan mo sa akin?" ang wala sa hulog nitong tanong sa akin.



"nandito ako para humingi ng tawad sa nangyari kahapon." ang pagrarason ko sa kanya.



"hindi mo naman dapat kailangan gawin yan, h-hindi naman sadya yung nangyari eh." ang sagot nito.



" haha ganito talaga ako, tska nagawa ko na eh. Dahil dyan ittreat kita mamayang breaktime, bawal tumaggi." ang sabi ko sa kanya sabay ngiti, namula ang mukha nito sa sinabi ko.



"S-sige malapit na rin breaktime namin, sa canteen na lang tayo magkita, uhm, siya nga pala, gab nga pala." ang nahihiya nitong sagot, sabay lahad ng kamay nito.



 "Drey naman pangalan ko." ang sagot ko sabay nakipagkamay sa kanya at ngumiti, at nagpaalam na ako at naglakad papunta sa canteen.



"Lahat ay umaayon sa plano ko" ang bulong ko sa aking sarili habang naglalakad.
At nagsimula na ang binabalak kong plano sa kanya, nasimulan ko na maging malapit siaya sa akin, kinilala ng husto, ngunit ginagawa ko lang ang mga bagay na iyon para maisatupad ang aking plano. Habang tumatagal ay lalong napapalapit sa akin si Gab, nandyan yung tinutulungan niya ako sa paggawa ng assignments ko , suportahan ako kapag may laro ang team namin at iba pa. ngunit hindi pa rin ito sapat para itigil ko ang balak ko.



"oh, kamunsta drey, anung nangyari sa plano mo, gumagana ba?" ang pagtatanong sa akin ni Irsen.



"oo naman, nagsisimula pa lang ang palabas." ang pagsagot ko sa tanong niya.



"Siguraduhin mo lang, hindi mo dapat patagalin yan. Baka iba pa maging kalabasan niyan." apg pagpapaalala nito sa akin.



"Anung ibig mong sabihin?" ang tanong ko dito.



 "Hayaan mo na yung sinabi ko, sige na puntahan mo na yung taong naghahanap sayo." ang sabi nito sabay turo sa taong nakatayo sa labas ng classroom, si Gab.



"Gagawin ko na ang susunod na plano." Ang sabi ko kay Irsen, isang tango lang ang sagot nito. Habang papalapit ako kay Gab ay napaisip ako sa mga sinabi ni Irsen. ano ang gusto niya iparating sa akin? Nang malapit na ako kay Gab ay isang magiliw na ngiti ang ibinungad nito sa akin.



 "Kakatapos lang ng class namin, dumaan ako dito para yayain ka pumunta sa canteen, gugutom na kasi ako eh, wag ka magalala, ako naman ang taya ngayon." ang masigla nitong alok sa akin.



 "Mamaya na, may gusto akong sabihin sayo, tara sumamaka sa akin." ang sabi ko sa kanya sabay hawak ng kamay niya at hinatak siya papunta sa rooftop.




nagulat siya sa aking ginawa ngunit wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. dito na magsisimula ang matinding pagpapanggap sa plano ko.
Nang makarating kami sa rooftop ay katahimikan ang nangibabaw sa amin.



 "a-anung yung gusto mong sabihin sa akin?" ang pagbasag nito ng katahimikan.



"Gab, hindi nako magpapaligoy ligoy pa, i think...... im fallen for you." ang sabi ko kay Gab, at bigla ko hinawakan ang kamay nito. Nagulat si Gab sa mga sinabi ko, hindi siya mapakali.



"Teka, p-parang ambilis naman ata, baka nabibigla ka lang." ang sabi ni Gab sa akin, hindi ito makatingin ng diretso dahil sa hiya.



"Totoo lahat ng sinasabi ko." ang sabi ko sabay tapat ng kamay nito sa tapat ng puso ko.



"Ngunit hindi naman kelangan ipilit kung ayaw mo pa." balak ko sana bitawan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Gab ngunit ikinagulat ko ang mga sumunod na nangyari, bigla niya ako niyakap, ang mga yakap na iyon, yakap ng pagtanggap sa sinabi ko sa kanya.



 "Hindi nabigla lang ako, dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito, ang bagay na matagal ko kong hinihintay, ng sobrang tagal, na akala ko hinding hindi na na mangyayari, mahal na mahal din kita." ang may sinsero nitong pag amin sa akin habang ito ay nakayakap sa akin. Naramdaman kong tumuloi ang luha niya sa balikat ko, sa tingin ko, luha ng kaligayahan yun. At dito nagsimula ang pagpapanggap ko sa kanya , ang pagpapanggap na mahal ko siya.



Ilang araw, ang lumipas, pagkatapos ng tagpong iyon, nagbago ang naging pakikitungo nya sa akin, mas naging maaalahanin, maalaga, at iba pang mga bagay na alam niyang magpapasaya sa akin, at mga bagay na na naipapakita niya kung ganu niya ako kamahal. At, sa mga dumating na araw, nag iiba na din ang pananaw ko sa kanya, ibang iba siya sa inaasahan ko. Unti-unting nawawala ang galit na naramdaman ko sa kanya, at minsan nga naguguluhan ako sa sarili ko kung itutuloy ko pa ang mga plano ko, at ,at ,at, parang.......... nahuhulog na din ako sa kanya. Hindi! hindi pwede mangyari to ! lalake ako! at hindi ako magkakagusto sa..... sa.... sa kanya......... masaya ako ....... kasama siya.




"Drey ok ka lang ba, masama ba pakiramdam mo? may problema ba?" ang tanong sa akin ni Gab, habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa rooftop,.



 "Wala naman Gab, may iniisip lang ako." ang sabi ko sa kanya sabay ngiti. Napansin kong may hinahanap siya sa bag niya.



 "Oh may nawawala ba sa gamit mo?" ang tanong ko sa kanya.



 "Ah, oo eh, ipapakita ko nga sana yun sayo, di bale larawan lang naman yun." ang pagpapaliwanag nito sa akin, naalala ko ulit yung mga larawan na nakuha ko sa kanya.



"Anung meron sa mga larawan na yon?" ang pagkukunwari kong tanong sa kanya. Matagal siya bago siya sumagot, humugot siya ng isang buntong hininga bagmagsalita.



 "Mayroon kasi kaming proyekto sa club namin na magsasaagawa daw kami ng isang pahayagan tungkkol sa mga sikat na tao dito sa eskwelahan, at ikaw ang napili ko, kelangan ko magkaroon ng kuha ng mga litrato mo para sa gagawin ko, kaso nahihiya akong lapitan sa bagay nato, k-kasi gusto kita, kaya palihim na lang akong kumuha ng ng litrato mo, papakita ko sana sayo eh kaso hindi ko na sya makita" ang mahabang pagpapaliwanag ni Gab sa akin. Napanganga naman ako sa mga sinabi nito sa akin, sobrang mali ang mga akala ko sa kanya, masyado ako naging mapanghusga, naghihiganti ako sa maling rason. napansin niyang natahimik ako.



"Drey, bakit natahimik ka? may nasabi ba akong mali?" ang pagtatanong ni Gab sa akin, dama ko ang lungkot sa boses nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, ang damdamin ko, nagulat si Gab sa mga sumunod na kilos ko, mabilis ang nangyari, ang pagdampi ng labi ko, sa labi niya, ang halik na iyon, ibang iba, kahit na marami na ako nahalikan, iba ang pakiramdam pagdating sa kanya, at ginusto ko gawin ang bagay na yun, na wwalang halong pagkukunwari, kung hindi tunay na damdamin lang. kaagad din akong bumitaw sa pagkakahalik sa kanya.



"Wala, masaya lang ako ." ang sabi ko sabay bigay ng isang matamis na ngiti. NIyakap ako ni Gab.



 "Salamat sa lahat Drey, salamat sa pagmamahal mo." ang magiliw nitong sabi sa akin. Sobrang kaligayahan ang naramdaman ko nung araw na iyon. napagdesisyunan ko nang ihinto ang balak kong masaaaama kay Gab.



 "gab kelangan ko muna umalis, magkita na lang tayo mamaya." ang pagpapaalam ko sa kanya. pumayag namn ito sabay ngiti. Kaagad kong hinanap si Irsen, para kausapin sya. Nakita ko siya sa may lobby ng eskwelahan.




"Oh, Brad, kamusta na? anu tutuloy pa ba natin yung balak mong pagpapanggap mo kay Gab? nakaayos na ang lahat, nakahanap nako ng mga chix na pwede tumulong satin, pati nga din yung ex mo na patay na patay sayo hanggang ngayon . " ang pagtatanung ni Irsen sa akin.



"Wag natin pag usapan ang bagay na to dito, sumunod ka sa akin." ang utos ko sa kanya. Sumunod naman ito sa akin.



"Ano!? yan na nga ba sinasabi ko Drey eh." ang medyo mataas na tono ni Irsen.



"Nalaman ko na lahat ng totoong dahilan kung bakit may larawan siya na ganun, at wawla nang saysay pa na ituloy pa tong balak ko sa kanya makakasakit lang ako ng damdamin." ang pagpapaliwanag ko sa kanya.



"O sige sabihin na natin ititigil mo yung balak mo, eh pano yang pagpapanggap mo?" ang tanong ni Irsen sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang totoo.



"Mahal mo na rin ba sya?" ang pambabasag nito ng katahimikan ko. tumango lang ako. nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. inaasahan ko naman na ganun ang magiging reaksyon niya. tumahimik ng ilang segundo ang paligid.



"Ipagpatuloy mo lang brad, sundin mo ang gusto mo mangyari, susuportahan kita." ang alok ni Irsen sabay tapik sa likod ko. isang masiglang ngiti ang iginanti ko sa alok niya.



"Salamat brad." ang sabi ko sa kanya. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat, pero hindi pala.
pagkatapos ng paguusap namin ni Irsen, ay dumiretso na kami sa klase. Nang matapos ang klase ay pupunta sana ako kay Gab sa room niya nang biglang salubungin ako ng kaklase niya.



 "Drey, pinabibigay sayo ni Gab yung cellphone mo, naiwan mo daw kasi, tapos pinapasabi niya na mauna na daw siya umuwi, may gagawin pa siya." ang pagpapaliwanag ng kaklase ni Gab.


Bigla ako nagtaka sa ikinilos ni Gab, lagi naman kami sabay lumabas ng eskwelahan, at kapag may naiiwan ako bagay, ay kaagad niya dinadala ito sa akin. Napagdesisyunan ko na lang na umuwi. Sinubukan ko siyang itext, tawagan, ngunit walang sumasagot.



pagpasok ko sa eskwelahan, kaagad kong pinuntahan ang room niya, para makita siya. Ibang iba ang kinikilos niya.



 "Gab!" ang pagtawag ko sa kanya ngumiti ito ngunit halata kong pilit lang iyon.



"Tara Gab sumama ka sa akin." ang sabi ko sa kanya.




"Anu paguusapan natin?" sana doon na lang tayo nag usap." ang sabi ni Gab.



"ang aga mo naman umuwi kahapon, hindi mo man lang ako hinintay." ang pagkukuwanri kong tampo sa kanya.



"ah, pasensya na madami ako gagawin kaya umuwi nako." ang walang ganan nitong ssabi sa akin.



"May problema ba ? pwede mo naman sabihin sa akin." Ang seryoso kong tanong sa kanya.



 "Wala naman. Okay lang ako, baka ikaw may gusto ka bang sabihin sa akin?." ang tanong nito sa akin.



"w-wala naman ako sasabihin, nandito na ung hinahanap kong tao, kausap ko ngaun, namimiss ko kasi eh." ang sabi ko sa kanya, at isang pilit na ngiti ulit ang ibinigay nito sa akin. Ang tagpong iyon ang pinakahuling pagkakataon na nakita ko ulit si Gab. ang taong dapat mamahalin ko.



Lumipas ang ilang araw, hindi na pumasok si Gab, nagtanong ako sa mga kaklase niya, at mga malalapit na tao sa kanya, ngunit wala silang alam kung anong nangyari sa kanya o nagbigay ng detalye kung bakit napapadalas ang pagliban niya sa klase.




" Brad okay ka lang ba? mukhang may dinaramdam ka ah, anu ba yung pinoproblema mo?
 napapabayaan mo na sarili mo." ang sabi ni Irsen sa akin, tama nga siya napabayaan ko sarili ko, simula nung hindi na pumasok si Gab sa campus, wala din saysay kung magtatanong pako sa mga taong nakakakilala sa kanya, puro mga walang alam! naging kaklase pa sila ni Gab! ginagago ba nila ako!?!?! Nagkaroon din ako ng inis kay gab ni isang text galing sa kanya o magparamdam man lang ng presensya niya, wala! nawalan ako ng focus sa mga bagay ng ginagawa ko.



" Wala ka nang pakealam dito Irsen. tutal wala naman makakasagot ng tanong ko ih." ang galit kong sagot sa tanong niya. Napapailing na lang si Irsen sa mga sinabi ko. Maya maya ay napansin ko ang dalawang estudyante na dumaan sa harap ko.



 "Uy nabalitaan mo ba, lilipat na daw si Gabriel Sarien, yung cute." sabi nung isang estudyante.



 " Oo , nandito nga siya ngayon eh aayusin ata yung paglilipat niya ng ibang school, nakita siya nung bestfriend ko kanina ih, sayang naman." ang sagot naman ng kasama niya. Bigla akong nabuhayan sa sinabi ng mga to. Si gab! nandito. kaagad akong lumapit sa kanila.



 "Saan?! Saan niyo nakita si Gab!? nandito pa rin ba siya?" ang pagmamadali kong tanong sa kanila.



" ah , eh, s-sabi nila nasa principal's office siya kanina " ang nauutal nitong sagot sa akin. Kaagad kong tinungo ang principals office. sabik na sabik na ulit akong makita siya. kahit na sobrang sama ng loob ko dahil sa hindi niya pagsabi sa akin ng dahilan ng pagliban niya, mas nangibabaw pa din ang pagkamiss ko sa kanya. Ngunit nabigo ako sa nakita ko, wala ako nakitang Gabriel Sarien.



“Ma'am totoo po bang nandito si Gabriel kanina?" ang pagtatanong ko sa isa sa mga teacher dun sa office.



" ahh oo nandito siya kasama ang magulang niya inaayos ang mga papeles niya dito , lilipat na kasi siya ng school." ang pagpapaliwanag nito sa akin. Nanlumo ako sa mga narinig ko. Bakit? bakit niya kailangan niya gawin to?!?! anung dahilan niya?! . Nang makalabas ako ng ng Principal’s office ay nakita ko ang driver ni Gab. Kilala ako nito sapagkat nakikita niya akong hinahatid si Gab papunta sa kanya.



"Oh iho nandito ka pala." ang pagbati sa akin ni manong Kute. "manong nasan si Gab?" ang mabilis kong tanong sa kanya.



 "eh hinahanap ko nga sya ih, pinapahanap siya sa akin ng mama niya. hindi mo ba alam kung nasan siya?" ang pagtatanong ni manong sa akin. Isang lugar lang ang alam kong maaari niyang puntahan, ang lugar na iyon, sana hindi ako magkamali. hindi ko na nakuha pang magpaalam kay manong Kute at kaagad akong tumakbo sa lugar na iyon.



 "Hintayin mo ako Gab! Parating nako!" ang sigaw ko habang tinatakbo ang lugar na iyon.
Nang makarating ako sa rooftop akala ko, si Gab ang bubungad sa akin , ngunit wala ako nakitang anino niya o di kaya ng bakas niya. Ngunit may napansin akong isang bagay na naiwan dito sa lugar na ito. nang lapitan ko ang bagay na iyon ay nakita ko ang isang larawan na nakataaob. May nakita akong nakasulat sa likod nito.



"Salamat sa lahat, Goodbye, Drey" . bigla ako nakaramdam ng hindi maganda sa nakikita ko. Nang kinuha ko ang larawan upang tignan ito, hindi ko napigilan mapaluhod sa nakita ko, hindi ko rin napigilan ang emosyon ko, sobrang naiyak ako sa nakita ko, sobrang hinagpis ang naramdaman ko . sana sinabi ko agad ang totoo sa kanya, sana nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabhin ang katotohanan! ang tanga ko! hindi ko kinaya ang pagpapaalam sa akin ni Gab,



 " GAB! MAHAL NA MAHAL KITA! BAKIT MO KELANGAN GAWIN TO! " ang sigaw to habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha sa aking mata.





at simula nun hindi na muling nagparamdam pa si Gab sa akin, ngunit unti unti ko din natatanggap na talagang kasalanan ko ang nangyari, ngunit umaasa pa rin akong bumalik sya sa akin. Kahit na malabo na mangyari yon.



 "Hay, pahamak ka talagang larawan ka" ang paninisi ko sa hawak hawak kong larawan, ang larawan na kung saan makikita, ang pag uusap namin ni Irsen. Isang ngiti na lang ang naibigay ko habang tinitignan iyon.




” Sorry Gab...........”







WAKAS….






3 comments:

Irsen said...

oooooh.. interesting... :)

Unknown said...

Nice..

Frostking said...

Sana may part 2. Sana magkatuluyan sila. :)

Post a Comment