photo by: truthsofme
Bago po ang lahat nais ko lang pong mapasalamat sa lahat ng bumabasa ng aking kwento, sa mga nagfollow po sa blogsite ko, sa mga nagkocomment, at higit sa lahat sa Labs ko na syang inspirasyon ko ngayon. I love you po.
Hindi ko na po patatagalin pa at ito na po ang chapter 7.
_____
Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.
Next, I would like to thank truthsofme for making the cover photo of my story.
Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.
Thanks.
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
READ AT YOUR OWN RISK!
Enjoy reading!
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" ang tanong nito sa akin.
"Tito kung pwede po sa kwarto tayo?" ang pag-anyaya ko dito.
Agad naman kaming nagpunta ni tito kasama si Lee sa kwarto.
"Tito since alam naman na po nila mama ito gusto ko na rin ipaalam sa inyo." ang pauna kong wika na nasundan ng sandaling katahimikan, kinuha ko ang kamay ni Lee at...
"Tito BOYFRIEND ko po si Lee." ang sabi ko sabay tingin kay Lee, nginitian lang nya ako na tila nagsasabing kahit anong mangyari nandito ako sabay marahang pisil sa aking kamay.
"Kaylan pa naging kayo? Anong naisip mo at pumasok ka sa ganitong klaseng relasyon?" ang malumanay namang tanong nito sa akin.
"Tito kung natatandaan nyo po nung nagpunta ako sa Dubai si Lee po ang pinuntahan ko doon at kami na po nung time na yun." ang pagpapaliwanag ko dito.
"Ikaw Lee kaya mo bang pangatawanan ang pinasok nyong relasyon ng pamangkin ko?" ang tanong ni tito kay Lee.
Ang lakas nman maka babae ng tanong ni tito. ahahahaha...
"Opo kaya ko pong harapin lahat ng problema na maari pong dumating sa aming relasyon." ang siguradong sagot ni Lee.
"Siguraduhin mong hindi masasaktan ang pamangkin ko." ang paniniguro ni tito.
"Opo wag po kayong mag-alala." ang maiksing tugon ni Lee.
Matapos ang aming usapan ay gumaan na ang aking pakiramdam sa kadahilanang hindi ko na kaylangan pang magtago ng sikreto sa tito ko. Si tito lang nman ang nag-iisa kong kamag-anak dito sa Abu Dhabi kahit na paminsan-minsan ay nangingialam ito sa buhay ko. Alam kong para din nman sa ikabubuti ko ang ginagawa nyang pangingialam pero minsan feeling ko mas higit pa sya sa mga magulang ko kaya nman madalas magkasagutan kami. Si tito kasi ang tipo ng tao na pag naisip nya na sya ang tama yun na yun di na pwede pang baluktunin kahit pa wala sya sa katwiran, in short, kung ano ang gusto nya yun ang masusunod.
Bumalik kami ni Lee sa umpukan at balik tagay at kwentuhan kasama si tito.
Halos maghahating gabi na rin ng matapos ang celebration kaya naman napagpasyahan na rin namin na umalis na ni Lee.
"Jane, una na kami ni Lee bukas ko na lang ayusin yung matitirang kalat." ang pagpapaalam ko dito.
"Ok sige, Ligpitin ko na lang yung iba dito ikaw na ang magtuloy bukas. Happy Birthday ulit." ang wika nito sa akin.
Agad naman kaming umalis ni Lee upang tumungo na nga sa hotel.
_____
"I have a reservation under the name of Lyndon Garces." ang bungad ni Lee sa receptionist.
"May I have your ID Sir." ang tugon nito.
Agad na ibinigay ni Lee ang hinihingi ng receptionist. Maya-maya pa ay iniabot na kay Lee ang registration form upang pirmahan nya at ng matapos makapirma ay iniabot na ang key card sa amin.
"Here's your key Sir. Enjoy your stay!" ang magiliw na wika ng receptionist.
Pagdating sa kwarto ay iniayos na namin ni Lee ang aming gamit at tinungo ang banyo upang magshower.
Pagkatapos makapag freshen up ay tinungo na namin ang bed upang makapag pahinga. For sure tinatanong nyo ngayon kung may nangyari habang sabay kaming nagshower ni Lee. OO yan ang sagot ko sa inyo.
Nang nakahiga na kami ay.
"Mahal, salamat ha." ang wika ni Lee sa akin.
"Salamat para saan?" ang tanong ko.
"Para sa lahat, sa pagmamahal mo sa akin and taking care of me." ang sagot nito sa akin.
"Labs you don't have to thank me. Ginagawa ko ang lahat ng iyon kasi yun ang dapat and as your partner i should make you feel how important you are to me and how much love i have for you." ang pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Minsan Mahal tinatanong ko sa sarili ko. Deserving ba ako para sa love na ipinapakita at ipinapadama mo sa akin." ang madrama nyang wika.
"Labs ano ba yang mga pinagsasabi mo di nman masyadong marami ang ininom mo bakit parang ang drama mo?" ang tanong ko sa kanya.
"Mahal di ako nagdadrama I just want to tell you how I feel and I am very happy having you in my life." ang sinsero nitong tugon sa akin.
"Labs ginagawa ko ang lahat ng ito dahil mahal kita. Tara na tulog na tayo mejo napagod ako. Halos ako kasi ang nagluto ng lahat ng putahe kanina." ang pag-aaya ko sa kanya.
Binigyan ako ni Lee ng isang matamis na halik sa aking mga labi, niyakap at sabay na kaming natulog.
"I love you Mahal." ang bulong ni Lee sa akin.
"I love you more Labs." ang tugon ko dito.
Katulad ng nakagawian naming posisyon ng pagtulog magkadikit ang labi at magkayakap. Nakasanayan na naming dalawa yan.
_____
Lumipas ang ilang linggo ay nagresign ako sa aking pinapasukan sa kadahilanang pinag-iinitan ako ng aming manager simula ng magkasagutan kami. Kasi nman halos doon na ako tumira sa hotel. 12 to 16 hrs akong nagduduty. Ano toh? wala na ba akong ibang buhay? Kaya naman kahit wala pa akong nakikitang trabaho ay umalis pa rin ako.
Tinawagan ko si Lee ng matapos akong pumirma ng cancellation papers ko.
"Labs nagresign na nga pala ako." ang wika ko dito.
"Huh! Bakit anong problema mo at nagresign ka?" ang tanong nito sa akin.
"Diba nakwento ko na sa yo yun. Impakto kasi yung ungas kong amo. Ako na nga tong sobrang pagod sa trabaho sabihan pa ako ng wala akong ginagawa kung hindi ba naman nuknukan ng kaungasan yun." ang galit kong pagpapaliwanag dito.
"So paano yan ngayon Mahal need mo ulit mag change visa." ang may pag-aalala nyang tinig.
"Ano pa nga ba, ganon na nga ang mangyayari." ang tugon ko dito.
"Sige Mahal ako na ang bahala sa visa mo, at habang wala ka pang work ako na rin muna bahala sa bayad mo sa house." ang paniniguro nito sa akin.
"Salamat Labs. I love you po." ang tanging naitugon ko sa kanya.
"I love you more Mahal. Sya nga pala punta ka dito sa Friday gala tayo ako na bahala sa pamasahe mo." ang pag-aanyaya nito sa akin.
"Sige Labs punta ako dyan tutal wala nman na akong pasok at saka Labs ok lang meron pa nman akong pera next time mo na lang ako bigyan pag kinapos na ako." ang pagtanggi ko sa alok niya.
"Sige na Mahal baka maubusan ka pa ng load ako na lang ang tatawag sa yo. I love you" ang pagpapaalala nya sya akin sabay baba ng tawag.
_____
Araw ng Biyernes maaga akong lumuwas papuntang Dubai syempre para maaga kaming makapamasyal at makarami ng pupuntahan.
Pasado 9:00 am ng makarating ako ng bahay nila Lee at agad akong nagdoorbell maya maya pa ay may nagbukas na ng pinto.
"Mahal pasok ka." ang papatuloy nito sa akin.
Agad nman akong pumasok at tumuloy sa sofa upang maupo at maghintay kay Lee.
Ilang sandali pa ay lumabas na ito upang magpunta na sa mga lugar na papasyalan namin.
MALL OF THE EMIRATES
SKI DUBAI
Katulad ng naipangako sa akin ni Lee talagang tinupad nito ang pagtreat sa akin na makapasok sa loob ng Ski Dubai. Para kaming mga bata na naglalaro sa man made snow. Masarap ang pakiramdam tila wala akong problema na kaylangan kong lumayo pansamantala sa kanya upang mag change visa. Hinayaan lang namin ang aming mga sarili na maging masaya ng mga sandaling ito.
Naging masaya ang araw na ito para sa aming dalawa. Bumalik ako ng Abu Dhabi ng may malawak na ngiti. Kung gaano kalawak di ko masukat ito, lol.
_____
Makalipas ang isang linggo ay tinawagan ako ng aming secretary at ipinaalala na kaylangan ko ng lumabas ng UAE upang makapag change visa na ako dahil kung hindi ay baka mag over stay ako at magpenalty pa ako. Kaya naman ipinag paalam ko agad ito kay Lee.
Sa sobrang pagmamadali ko upang makalabas agad ako ng UAE ay napilitan akong mag exit sa Qeshm Island, isa rin itong isla ng Iran. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito, hindi ko rin alam kung hanggang kaylan ako maghihintay upang makakuha ng visit visa si Lee pero nagkasubuan na dapat ng panindigan ito. Ayaw kong umuwi ng Pilipinas kaya mas minarapat ko na lang na mag exit na lang sa Qeshm Island Iran kahit hindi ko alam ang kapalarang maaabutan ko dito.
"Labs dito na ako sa terminal kasama ko yung driver namin hinatid ako alas sais pa ang flight papuntang Qeshm."
"Ok sige Mahal basta alam mo na ang gagawin mo ha photocopy mo agad ang exit stamp and yung cancellation pagse sa passport mo then fax mo sa binigay kong number sa yo para ako mismo ang makareceive. Ingat ka po don ha. I will miss you. I love you." ang mahabang pag papaalala nito sakin.
"Opo Labs. Tatawag tawag din ako sa yo para sa update or mag oopen na lang ako ng messanger para makapag usap nman tayo kahit minsan. I love you more."
Matapos ang ilang proseso nakapasok na ako sa boarding area. Agad kong inasikaso yung mga bilin ni Lee sa akin agad akong nagpa photocopy ng mga kailangan nya at ipinadala agad sa fax number na binigay nya. Nang matapos ay naghanap ako ng mauupuan.
"Hi! papunta ka rin ba ng Qeshm?" ang tinig na nakapukaw ng aking atensyon...
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment