photo by: truthsofme
Kamusta naman po ang lahat? Sana po ay okay lang kayo.
Naririto na nman ako sa pagpapatuloy ng kwento ng buhay ni Ron. Sa lahat na nakakabasa nito sana po ay magustuhan ninyo ang chapter na to.
Nagpapasalamat nga pala ako sa mga bumabasa at sumusubaybay ng kwentong ito lalo na po yung mga nagbibigay ng comment nila.
Shout out lang ako sa mga naging kakilala ko na dahil sa pagbibigay nila ng comment. ericka, knight in a shining armor, kay demure na anak ko, kay online via ginno at kay Lexin. At syempre sa mga silent anonymous readers na wish ko lang ay mapakinggan ko nman ang kanilang mga saloobin minsan.
Enough na sa mga paunang salita ito na po ang chapter 6 ng Nilimot Na Pag-ibig.
_____
Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.
Next, I would like to thank truthsofme for making the cover photo of my story.
Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.
Thanks.
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
READ AT YOUR OWN RISK!
Enjoy reading!
Ito ang aking naisatinig sa kanya.
"Labs handa na ako na ibigay sa iyo ang buo kong pagkatao." ang sigurado kong wika sa kanya. Oo, tama ang nababasa nyo kay Lee ko unang ibinigay ang aking buong pagkatao.
Labis na tuwa ang nakita ko sa kanyang mga mata na tinugunan ko lang ng matamis na ngiti at mapanuksong mga tingin.
Sa puntong ito ay bumalik ako sa pagkakahiga ay si Lee naman ay pumuwesto na upang isakatuparan ang bagay na matagal na nyang hinihingi sa akin.
"Labs be gentle." ang pagpapaalala ko sa kanya.
"I will, just relax." sabay bigay ng matamis na ngiti.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko ng mga sandaling iyon pero bahala na ang tanging naging sabi ko na lang sa aking sarili.
Pumwesto na si Lee upang gawin na ang matagal nya ng hinihiling sa akin. Hindi ako mapenetrate ni Lee dahil na rin siguro sa kaba na aking nararamdaman.
"Mahal ok ka lang ba? Relax ka lang wag mong labanan baka masaktan ka lang, alam mo nmang ayaw kong nasasaktan ka." ang wika nya sa akin.
"Oo Labs ok lang ako." ang mahina kong tugon sa kanya na bakas naman sa aking mukha ang takot.
Sa pangalawang pagtatangka ni Lee ay naipasok nya ang halos kalahati, hinyaan nya muna ito ng mga ilang sandali upang ako ay masanay at ng maramdaman nyang relax na ako ay unti-unti na nyang itinuloy ang pagpasok sa akin. May kaunting sakit akong naramdaman ngunit hindi nagtagal ay nasanay na ako. Naging marahan at may pagkalinga ang ginawa sa akin ni Lee. Ibayong sakit at sarap naman ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon. At ng matapos kami ay hinalikan ako ni Lee ng marahan.
"Salamat Mahal sa pagtitiwalang ibinigay mo sa akin." ang mahina nyang bulong sa akin.
"Mahal kita Labs kaya ko naibigay sa yo ang buo kong pagkatao." ang tanging naisagot ko sa kanya.
Matapos ang ilang sandali ng pag-uusap ay naglinis kami ng katawan at natulog ng magkayakap habang magkadikit ang mga labi na nakasanayan na naming gawin tuwing magkasama kami. Di ko alam pero parang safe ako sa ganong posisyon ng pagtulog.
Kinabukasan pagkatapos naming mag almusal ay tumawag ako sa amin sa pinas upang mangumusta at ipaalam na sa pamilya ko ang tunay kong pagkatao.
"Hello Ma, musta na kayo dyan?" ang panguna kong wika habang nakatingin kay Lee.
"Ok naman kami dito nak, ikaw kamusta ka na dyan baka nman may kinakasama ka na dyan ha at bihira ka ng makatawag sa amin dito." ang may bahid na pagtatampo sa boses ng aking ina.
"Ayun na nga Ma kaya ako tumawag kasi para ipaalam sa inyo na may karelasyon na ako dito, pero sana wag kayong mabibigla." ang may kaba kong wika sa aking ina.
"Ano anak nakabuntis ka ba? Dyos ko baka mapaano ka dyan. Diba bawal dyan ang makabuntis ng hindi kasal. Baka makulong ka." ang may pag-aalalang tinig.
"Hindi Ma, wala kayong dapat ipag-alala kasi di naman sya mabubuntis o hindi nman ako mabubuntis." ang sagot ko.
"Huh? Hindi kita maintindihan sa mga pinagsasabi mo nak. Linawin mo nga." ang naguguluhang tinig na aking narinig.
"Kasi Ma lalaki rin ang karelasyon ko ngayon at masaya ako sa piling nya. Sana ay wag kayong magalit ni Papa sa akin." ang wika ko ng may pangamba na baka hindi nila ako matanggap.
"Nak anong nangyari sa yo?" ang tangi nyang naisagot.
Wala akong masabi ng mga sandaling iyon. Nakita ni Lee sa aking mga mata ang lungkot, agad nyang ginagap ang aking mga kamay hinawakan ito sabay tingin sa aking mga mata na tila nagsasabing. Ok lang yan Mahal matanggap ka man o hindi nandito lang ako para sa yo. Nagbigay lang ako sa kanya ng pilit na ngiti.
"Wala naman na kaming magagawa ng Papa mo kundi tanggapin ka kung ano ka anak pero sana hindi ka naman magladlad ng katulad ng mga nakikita ko dito. Ayaw kong mabastos ka anak. Dahil higit sa lahat kami ng Papa mo ang unang masasaktan. Mahal ka namin at kaya ka naming tanggapin kung sino ka man." ang mahabang litanya ng aking ina.
Sa sandaling iyon ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na matagal ng nakatarak. Hindi ko na kaylangan pang magkubli sa isang katauhang hindi naman tunay na ako.
"Maraming salamat Ma sa pagtanggap sa akin." ang mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.
"Basta nak tandaan mo iwan ka man ng kung sino mang lalaking yan nandito lang kami para suportahan ka." ang tinig na may paniniguro.
Tumingin ako uli kay Lee at sa puntong ito ay isang maaliwalas na mukha ang nakita nya sa akin na tinugunan nya ng matamis na ngiti sabay halik sa aking pisngi. Ibinigay ko kay Lee ang telepono at agad nya itong kinuha.
"Hello po tita si Lee po ito boyfriend po ni Ron." ang mahina nyang wika.
"Hi hijo ikaw pala ang boyfriend ng anak ko, magkasama pala kayo ngayon." ang gulat na wika ng aking ina.
"Opo tita." ang maiksing wika ni Lee.
"Hijo isa lang ang mahihiling ko sa yo, sana ay wag mong sasaktan ang anak ko dahil mahal na mahal namin yang aming panganay. Makakaasa ba ako?" ang pag-papaalala ng aking ina.
"Opo tita pinapangako ko po." ang tila siguradong sagot ni Lee.
"O sya sige na medyo mahaba na itong tawag na ito. Basta mag-iingat kayo palagi mga anak ha. Ingatan at mahalin nyo ang isa't-isa. Ibababa ko na itong tawag at pakisabi na lang kay Ron na mahal namin sya." ang pamamaalam ng aking ina kay Lee.
Naging masaya ako sa kinahinatnan ng aming usapan ng aking ina. At ang lalo kong ikinasaya ay ang pagtanggap nila sa relasyon namin ni Lee.
Pagktapos kong maipaalam sa pamilya ko sa pinas ang tungkol sa relasyon namin ni Lee ay ipinaalam ko rin ito sa mga kasama ko sa bahay. At maluwag din nman nilang tinanggap ang tungkol sa amin ni Lee. Lalong naging malapit si Lee sa lahat ng tao sa bahay na tila kabilang na sa aming bahay. Naging malaya na ang pagkilos nya sa bahay hindi tulad ng dati na tila de numero ang kanyang kilos, na parang robot na kung hindi mo sususian ay di gagalaw.
Ito na yata ang pinaka masayang araw ng aking buhay ang matanggap ako ng mga taong mahal ko sa buhay at mga taong naging parte na ng aking buhay.
Isa na lang ang di ko pa napagsasabihan ito ay ang aking tiyuhin. Dahil sa totoo lang simula ng lumipat sya ng bahay ay hindi kami gaanong nakakapag usap maliban kung may narinig syang balita tungkol sa akin na hindi nya nagustuhan. Sabagay lahat naman yata ng balita basta tungkol sa akin mabuti man o hindi parang masama pa rin ang dating sa kanya. Kaya naman hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa kanya ito. Napagdesisyunan ko na lang na hindi na lang sabihin sa kanya at sinabi ko na rin sa mga kasama ko sa bahay na wag na munang sabihin kay tito ang tungkol sa amin ni Lee.
Ilang buwan muli ang lumipas at lalong lumalalim at tumitibay ang pagsasamahan namin ni Lee at as usal lagi pa rin akong may regalong stuffed toys galing sa kanya. Paminsan-minsan ay may mga tampuhan ngunit hindi namin pinapalampas ang isang araw na hindi namin naayos ito. Naging ugali na namin na pag-usapan ang anumang bagay na aming hindi pinagkasunduan. Ayaw kasi namin ng matutulog kami ng may sama ng loob sa bawat isa.
Sumapit ang buwan ng August.
"Wow lapit na birthday ko!" ang sabi ko sa aking sarili.
Biglang nag ring ang aking telepono.
"Hello Labs." ang magiliw kong sagot.
"Hi Mahal. Tumawag lang ako para sabihin sa yong dyan ako magcecelebrate ng birthday mo. At syempre don ulit tayo sa hotel." ang wika nito sa akin.
"Ay ganon ba Labs. Balak ko kasing maghanda kahit konti lang sa bahay. Pwede ba yun? Pagtapos na lang ng handaan tayo pumunta ng hotel." ang tanong ko sa kanya.
"Ok sige walang problema. Basta kaylangan magkasama tayo ng buong araw ng birthday mo ha." ang may paglalambing nyang tinig.
"Syempre naman Labs." ang paniniguro ko sa kanya.
"I love you Mahal. Sige na tawa na lang ulit ako sa yo mamaya." ang wika nito sa akin.
"I love you more Labs. Antayin ko na lang po ang tawag mo mamaya. Ingat ka po." ang tugon ko dito.
Bigla akong napaisip. Pupunta nga pala si tito sa birthday ko hindi pwedeng iwan ko sila tapos kami ni Lee aalis magtataka yun. Kaya naman napag pasyahan kong sabihin kay tito ang lahat sa araw ng aking kaarawan. Takot man ako sa maaari kong marinig pero dapat kong tanggapin kung ano man ang aking maririnig mula dito.
Hindi nga nagtagal at dumating na ang araw na aking hinihintay, ang birthday ko. Bumili ako ng maluluto para sa espesyal na araw ko. Bumili ako ng pang Spaghetti, Pansit Bihon, Beef with Brocolli, Menudo, Calamares, Fruit Salad, at syempre alak. Bumili ako ng dalawang case ng red horse at 4 na bote ng fundador, mga tomador kasi mga ka room mate ko kahit mga babae malakas uminom.
Luto dito, luto doon ang ginawa ko. Tinawagan ko na rin ang iba kong mga kaibigan at sinabihang pumunta sa bahay dahil may konting salu-salo. Tinawagan ko na rin ang tito ko upang ipaalala sa kanya ang birthday ko.
Matapos ang aking pagluluto ay nagpahinga ako ng sandali upang makaligo at makapag ayos ng sarili. Syempre big day ko dapat presentable ako gaya ng pagkapresentable ko sa trabaho, lol. Pero syempre hindi naman ako mag poformal dress yung tipong casual lang.
Natapos akong maligo at mag-ayos, inayos ko na rin ang mga pagkain sa lamesa. Ilang sandali pa ay nagdatingan na rin ang aking mga kaibigan na inimbita.
Tumawag na rin si Lee na on the way na sya papunta ng Abu Dhabi.
Nag-umpisa na kaming kumain at mag-inuman, kwentuhan. Paisa-isa pa ring dumarating ang mga inimbitahan ko. Madami na rin akong bisita sa loob si Jane ang katulong kong mag estima dahil na rin sya na rin ang pinaka malapit kong kaibigan, bestfriend ba.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Lee na agad kong sinalubong at kinuha ang gamit.
"Iwan ko muna kayo sandali ha." ang wika ko sa mga bisita ko.
"Sige lang Ron ako muna ang bahala dito asikasuhin mo muna si Lee." ang wika ni Jane sa akin.
Pagpasok sa kwarto agad akong hinalikan ni Lee sa labi.
"Happy birthday Mahal. I love you!" ang pagbati nya sa akin.
May kinuha si Lee galing sa kanyang bulsa. Maliit na box ito, iniabot nya sa akin.
"Buksan mo na." ang utos nya sa akin.
Dali-dali kong binuksan ito. Nakita ko ang isang pares ng singsing agad nyang kinuha yung medyo maliit na singsing at kinuha ang aking kaliwang kamay at inilagay sa palasingsingan ang bond ring namin, kinuha nya muli ang isa pang singsing at iniabot sa akin sabay bigay nman ng kanyang kanang kamay at isinuot ko ang bond ring sa kanyang palasingsingan. Matapos maisuot ang mga singsing ay muling naglapat ang aming mga labi upang pagtibayin pa ang aming mga bond ring.
"I love you!" halos sabay naming bigkas.
"Tara na Labs kain ka na." ang pag-aya ko sa kanya sa labas.
Nagkukwentuhan kami ng mga kaibigan ko habang si Lee ay nakaupo sa tabi ko at kumakain. Yung iba naman sa mga kaibigan ko ay nagvivideoke sa loob ng kwarto ni Jane.
Nang matapos kumain si Lee ay nagpahinga ng konti at sumabay na sa tagay namin.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng may nag doorbell. Si tito pala ito at iniabot sa akin ang dala nyang alak at binati ako.
"Tito tuloy po. Kain po muna kayo. Ano pong gusto nyo?" ang pag eestima ko dito.
Matapos kong mabigyan ng pagkain si tito ay bumalik ulit ako sa tabi ni Lee at nakipag inuman muli.
Si tito nman habang kumakain ay nararamdaman kong paminsan-minsan ay tumitingin sa direksyon namin ni Lee.
Nang matapos kumain si tito ay pinagpahinga ko muna ito ng konti.
Kumukuha ako ng tyempo upang kausapin sya.
Nang makakuha ako ng lakas ng loob at tamang sitwasyon.
"Ahm, tito pwede po ba namin kayong makausap ni Lee?" ang tanong ko dito.
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment