Wednesday, October 3, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 13




             Kamusta po sa lahat? ^_^

              Una, gusto ko pa rin magpasalamat sa lahat ng walang nagsasawang sumuporta sa akin. Kung di dahil sa inyo ay di ko maisusulat ito. Kaya maraming maraming salamat po.

             Pangalawa, baka mapabilis ko na ang posting nito. Kaya abang abang lang guys sa update :)

             Pangatlo ay gusto ko pasalamatan ang

aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.










              Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

              Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
              Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
              Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED






“Hello? Oh, andito ka na? Ah, osige, basta andito lang kami malapit sa mga.. Hmm.. Basta nakikita ko may mga nagsasayaw na bata. Hah? Oh, sige, bye!”, sabi ni Ryan sa kausap.

“S-sino yun?”, kabang tanong ko.

“Ay, I’m sorry. I hope you don’t mind. Magkikita kasi kami ng kaibigan ko ngayon.”, casual na sagot ni Ryan.

“Sino? Si Karen? Chelsea?”, mas kaba kong tanong.

“There you are.”, sabi ng isang boses. Agad akong napalingon.

“Larc…”

 “Im sorry Andre. May balak kasi kami magkita talaga today, hindi ko naman kasi alam na yayain mo ko lumabas ngayon. Eh.. I already made plans for today kaya…”, nahihiyang sabi ni Ryan.

“Hah.. Ah, eh. Hindi ba pwedeng…”, mahinang pakiusap ko.

“Please, pumayag ka na. We can always go out naman bukas, or the day after. Tsaka si Larc naman kasama ko eh. Please?”, pakikiusap at pamimilit nya.

Tumingin ako sa mga mata ni Ryan. Kitang kita sa mata nya ang kagustuhang umalis. I wish he would stay. Kahit ngayon lang. Ngayong araw na to lang. Ngayong monthsary namin.


Dumaan pa ang mga araw, linggo at panahon na walang pagbabago kay Ryan. Wala pa rin syang natatandaan na kahit ano tungkol sa kanyang nakaraan. At everyday, parang mas lalong lumalayo ang loob nya sakin. Lalo na ngayon na mas close sila ni Larc. Or should I say na nawiwitness ko ang totoong bond nila. Nakakapanghina ng loob dahil alam ko, ngayon, ang naaalala ni Ryan ay ang pagmamahal nya para kay Larc. Paano kung dumating ang panahon na tuluyan nya akong iwan? Hindi ko kaya… Hindi ko kakayanin.




Si Ryan.

Nagkakasala ba ko? Nanloloko ba ako ng tao? Paano kung katulad sakin na committed ako pero hindi ko matandaan ito? Am I still cheating? Mahal ko si Larc. And sooner or later ay dapat malaman ni Andre yun. He deserves someone better. Alam kong hindi ako yun. Dahil kung ako man yun, bat hanggang ngayon ay hindi ko maalala ang kahit anon g tungkol sa amin.

Larc and I grew even stronger. Mas sweet sya ngayon. Alam ko namang ganun sya, pero this time, mas grabe ang sweetness overload nya. Mas lalo tuloy nahuhulog ang loob ko para sakanya. But still, pagpapanggap pa rin. Hindi ko pa rin kayang sabihin na mahal ko sya, and hindi ko na ata masasabi yun.

“Hoy, ang lalim ata ng iniisip mo!!”, biglang sigaw ko kay Larc. Dumalaw kasi ako sakanila.

“Huh. Wala noh!”

“Wala daw eh halos malunod ako sa lalim ng pagiisip mo dyan.”

“Edi sana lumangoy ka! Hahaha!”

“Hindi nga, ano ba yun?”

“Wala nga! Kulit!”

Ahh. Ganon ha. Ayaw mo magsalita ha. Tinitigan ko sya mata sa mata ng walang expresyon sa mukha.

“Tigilan mo nga ako Ryan! Hanggang ngayon ganyan ka pa rin?!”

Walang reaction.

“Wala akong tinatago.”

Wala pa rin akong imik.

“Bahala ka dyan.”

Hindi ako nagpatinag.

“Stop it.”

Hindi ako nagpaapekto.

“Please. Stop.”

Tumitig lang ako at pinilipit na wag paapekto.

“Ryan… Please… Stop…”, malungkot nyang sabi.

Galing sa walang expresyon na mukha ay naconfuse ako.

“Bakit Larc?”

Nagulat na lang ako ng biglang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

“Huy! Bakit ka umiiyak?!”, alala kong tanong.

The next thing really left me awed. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

“Mahal kita Ryan….”




Si Andre.

Pagod galing sa trabaho ay agad akong umuwi. Naabutan ko si Ryan na nakaupo sa lamesa sa kusina. Amoy na amoy ang kapeng iniinum nya. He looked troubled.

“Im home.”, casual na pagbati ko. Tiningnan nya ako at bahagyang nginitian. Sa panahon na nakasama ko sya, alam kong may gusto syang sabihin, kaya naman ako na ang nagpauna.

Umupo ako sa harap nya at kumuha din ng kape. Tiningnan ko sya mata sa mata, ngunit hindi ito makatingin sa akin ng maayos.

“May problema ba…?”, malungkot at alala kong tanong.

“Andre…”, malungkot na tugon nito.

“Yes?”

“Sana making kang mabuti sa sasabihin ko…”, malungkot nyang tugon muli. Kinabahan ako. Mukhang alam ko na kung saan pupunta ang usapan na ito.

Tumango lang ako.

“Naging napakabuti mo sa akin nitong mga panahong ito. Pilit mong inintindi ang sitwasyon kahit pa… kahit pa alam kong nasasaktan na kita…”

Nakita kong nagbigay ng malalim na buntong na hininga si Ryan bago pa muling nagsalita.

“You are a wonderful person. I don’t need to remember that para malaman yun. Kaya nga siguro nainlove ako sayo noon…”, nakita kong pumatak ang ilang luha sa mga mata nya.

Ayaw ko marinig ang sasabihin nya. Ayoko. Hindi pa ako handa. Naramdaman ko ang mga luha ko na agad namuo.

“Noon…?”, malungkot kong tugon.

“I’m sorry Andre. Gusto ko sana.. Gusto ko munang tapusin kung anong meron ta-..”, pero agad kong pinutol.

“Please. Huwag… Huwag muna Ryan. Nagmamakaawa ako. Bigyan mo pa ko ng panahon.”, sabay hawak sa mga kamay nya. Bumuhos na rin ang luha mula saking mga mata.

“Andre…”, sabay tanggal nya ng kamay nya.

“Mahirap din para sakin. Sana intindihin mo. Gusto kong maaalala ang lahat ng maganda sating dalawa. Pero paano ko gagawin yun kung sa t’wing iniisip ko ang salitang “pagmamahal”, si Larc ang nasa isip ko.”, pilit nyang lakas ng loob na sabi.

“Paano ako?”

“Paano din ako Andre? Paano din yung nararamdaman ko..?”

Tahimik. Puro hikbi lang ang tanging naririnig ko.

I’ve never felt so tired in my entire life.



Si Ryan.

Rinig na rinig ko ang mga hikbing ayaw pakawalan ng lubusan ni Andre. Hindi ko alam but for some reason, tumatagos yun sa kaluluwa ko. I want to give him a hug. Pero not because mahal ko sya, pero naawa ako sa kalagayan nya. Bakit ba hindi ko sya magawang mahalin? If once ko syang minahal, bat hindi ko magawang maaalala ang pakiramdam na yun? 

“Ryan…”, lumuluhang tawag ni Andre sa pangalan ko. Tumingin ako sakanya. Kitang kita sa mga mata nya ang bakas ng pagkasawi at kalungkutan.

“Yes?”

“Could I give you my one last kiss?”, pagmamakaawa nito.

Ayaw ko sana. How can I let someone kiss me kung hindi ko naman ito mahal? But then nagulat na lang ako sa mga salitang naimutawi ng aking bibig.

“Kiss me then..”

Agad kong naramdaman ang labi ni Andre na humalik sa aking mga labi. It felt very passionate yet, malungkot. I can feel sa mga halik nya ang pagmamahal at ang sakit ng kanyang nadarama. Halong laway at luha ang lasa. Suprisingly, I found myself kissing back. It felt strange. It was as if I didn’t want it to stop. Why?

Kumalas na lang bigla sa pagkakahalik si Andre then he turned his back. For some reason, I feel betrayed. Why? Ako tong mangiiwan diba? Bakit parang ako yung mas nasasaktan sa ginagawa ko? Is this guilt? No, it is something else. Pero ano? Tama ba ang ginagawa ko?

Andre started walking away. Dahan dahan nyang tinahak ang daan papunta sa pinto ng kwarto nya. I know tears are now gushing out from his eyes. Kita ko yun sa paghikbi ng kanyang balikat. He was crying intensely yet he didn’t want to show me. Nakita kong humawak ito sa knob ng pinto. But bago pa nito tuluyang pinihit ay nagsalita ito.

“If one day, maalala mo na ang lahat sa atin, I’ll still be waiting. Just like I promised you before the accident. Hihintayin kita.. Hihintayin kita mahal ko…”, ang huling sinabi nya bago nya tuluyang pinihit ang pinto at pumasok.

“Hintayin…”, kusang lumabas sa bibig ko. Right then and there, bumuhos ang luha sa mga mata ko. I visualized na parang may bagyo sa loob ko. It was a very disastrous storm. Parang may nagsisiliparang yero na humihiwa sa puso ko.

“Hintayin…”, bakit sa t’wing naririnig ko ang mga salita na  yun ay may parte ng kaluluwa ko ang  umiiyak. Parang may isang parte ko na sumisigaw na kumawala. Parang isang taong pilit humihingi ng saklolo mula sa isang kulungan. Isang taong walang kasalanan at nagmamakaawa lumabas.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo at nakatitig sa pintuan ni Andre habang umiiyak. May nagsasabi sa loob ko na habulin sya. Pero the damage has been done. Ito ang ginusto ko.

I found myself walking out of the house. Soon enough, I found myself in a cab. Heading for Larc’s condo.

“Manong, sa tabi na lang po.”, bigla kong nasabi sa taxi. Wala pa ako kila Larc, but then parang automatic na sabi ng utak ko na bumaba. My instinct I guess..

The place seemed awfully familiar. It was that one place na I found comfort. A very nostalgic place for me. Ang park.

Tulala akong naglakad sa park. Somehow, pakiramdam ko ay niyayakap at cinocomfort ako ng buong parke. I felt very safe. 

Nadaan nanaman ako sa spot kung saan for some reason ay napakabigat ng pakiramdam nay un. Ang puno. What is it about this tree? Bat ang lungkot ng dating nito sakin? Napatingin ako sa langit. Naglalaban na ang liwanag at dilim. The sun was setting and it made the sky drenched in its orange color. It was a beautiful scene to see, but somehow, ang naalala ko ay ang mga halik ni Andre.

Paglingon ko, nakita ko si Manong fishball. Hindi ako gutom, pero somehow, sabi ng utak ko na bumili at kumain. Parang automatic nanaman. Agad akong naglakad papunta sa direksyon ni Manong Fishball.

“Oh, Sir. Nagbalik kayo. Hindi nyo ata kasama si Sir? At teka, wala pang alas kwatro ngayon ha?”, nakangiting bungad ni Manong Fishball.

“Hah, hindi ko sya kasama ngayon. Busy sya eh. Ah, 20 pesos na fishball nga po. Yung usual tamis anghang at may konting suka pa din pong sauce.”, nasagot ko kay Manong.

“Usual tamis-anghang na may suka? Usual? Bat ko nasabi yun?”, takang sabi ko sa sarili.

“At gulaman!”, dagdag ni Manong.

“Po?”

“Sabi mo yung usual mong order, diba? Eh lagi ka ding kumukuha ng gulaman dito.”

“Po?”

“Ikaw talaga suki. Dalawang taon mahigit ko na kayong customer kaya alam ko na order mo. Diba nagpupunta kayo dito ng boyfriend mo tuwing alas kwatro kasi…”, pagpapaliwanag ni Manong Fishball ngunit naputol ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

“Ryan? Ryan Pabalan…?”, tawag ng isang tinig. Napalingon akong bigla. It was a guy. Hindi ko alam ang pangalan nya, pero I know, I know na nagmeet na kami before.

“Kilala kita, right?”, paninigurado ko habang nakatingin sa lalake.

“Yeah? I guess you can say that.”

“I’m sorry. Pero nagka amnesi-…”itutuloy ko sanag sagot ng biglang may nagflash sa utak ko.

I was sitting in a room full of people. I can see Larc sa tabi ko. May mga katabi syang matatangkad na tao. I guess friends nya yun. Napatingin ako sa isang banda. I saw a guy looking at me. Pasulyap sulyap. Flash.

Nasa canteen ako, kumakain katabi si Larc. For some reason, lumingon ako at nakita ko ang same guy na sumusulyap sakin. Flash.

“Youre that guy!!!”, biglang naisigaw ko sa lalake. Mukhang nabigla din ito.

“What guy?!”, parang taka din ng lalake.

“Ikaw yung nakikita kong lageng nakatingin!”, excited kong sagot.

“Yeah. We were schoolmates nung college, remember? At classmate din kita sa ibang subject.”, casual pero medyong litong sagot ng lalake.

“We were?”, pagtataka ko. If schoolmates kami, bat natatandaan ko sya? Or atleast ang mukha nya?!

“Oo. Ok ka lang?”, medyo na awkwardan sagot ng lalake.

“So I guess we were friends, right?”, pagtatanong ko.

“Hmmm. Well.. Not really.”, sagot ng lalake.

“Huh? Bakit?”, gulat kong tanong.

“Are you ok? Bat parang biglang limot ka dyan? Anyway, mahiyain kasi ako kaya we never had the chance to actually introduce ourselves…”, nahihiyang sabi ng lalake.

Na bigla ako sa narinig. How can someone na hindi ko naman pala kilala eh naaalala ko? Bakit sya lang ang naaalala ko?

Niyaya ako ng lalake na umupo sa isa sa mga benches.

“Okay ka lang ba? Bat parang di mo matandaan?”, pagtatanong ng lalake.

Gusto ko sabihin na nagka amnesia ako. Pero I decided not to. Since hindi naman pala kami tuluyang magkakilala.

“Ah, marami kasi akong iniisip recently. Pagpasensyahan mo na.”

“Ah, narinig ko nga may sarili na kayong business ng bf mo. Kamusta pala si Andre?”

“Ah, yung coffee shop..”, nasagot ko.

“Yeah, balita ko magiging resto na yun ah. Since nagboom talaga ang shop nyo na yun. Anyway, where are my manners. Since, di ako nakapagpakilala noon, magpapakilala na ako ngayon. Ako nga pala si Jason. Jason Santos.”, sabay abot nya ng kamay nya sakin. Agad akong nakipagkamay.

“Ryan. Ryan Pabalan.”, sagot ko.

“Of course. Sino ba naman hindi makakakilala sayo. You were quite the famous one ng college, diba?”, biro nito.

“Teka, I was? But how can that be?”, sabi ko sa loob ko.

“Hindi naman.”, pagkukunwaring alam ko ang sinasabi nya.

“Hmmm.. Pwede magtanong? Kung okay lang.”, nahihiya kong sabi kay Jason.

“Nagtanong ka na nga eh.”, sabay bigay ng tawa.

“Ha. ha. ha. Palabiro ka pala, ha. Ang korny mo hah!”, pagbiro ko din.

“Korny”, biglang nastuck sa utak ko. Bat parang ang importante ng salitang yun sakin? Naramdaman kong nagtaasan ang balahibo ko.

“Hahaha!! Sige na, magtanong ka na.”

“Ah, eh. Naaalala ko kasi lagi kang nakatingin sakin noon. Bakit? Sorry ha, ang forward ko masyado.”

Nakita kong medyo namula si Jason.

“Yun ba. Ah, kasi hmmm. Wala naman masyadong rason talaga. Everytime I look at you kasi, there was this sadness na nakikita ko sa mga mata mo. I can’t help but wonder what it is about you and those eyes.”sagot nito sabay bigay sakin ng isang what seemed like a sketch pad.

“Ano to?”, tanong ko.

“Buksan mo.”

Agad kong binuksan. There were a lot of drawings. Mga taong halatang random. May mga drawing kasi ng isang pulubi na nasa tabi ng kalsada, may police na nag gagabay ng traffic, may batang naglalaro sa buhangin, may aso din na nagkakamot ng ulo, then there it was. A picture of me. Nakaupo at nakatitig. Napahanga ako dahil akala mo computerized ang drawing sa sobrang galing ng details ng drawing. Akala mo isang computer program kung saan ginawang sketch ang picture ko.

Napukaw naman ang tingin ko sa mga mata ko sa drawing. True enough, my eyes were mysteriously sad. It had this glare na talagang mapapatingin ka. Napakagaling ng pagkakaguhit.

“Wow. Youre really good.”, nasagot k okay Jason.

“Thanks. Passion ko na kasi ang pag guhit. Dyan ko nailalabas ang mga emosyon ko. Or atleast, naihuhugot ko din ang emosyon ng subject ko.”, sagot nito.

“No, you’re really good. Pero teka, kung classmate kita, eh bakit ang course mo ay…”, nahihiya kong sagot.

“Dahil sa parents ko. Pero ngayon, bumalik ako sa college. Binigay ko lang ang gusto ng parents ko. Sabay kumuha na ng course na gusto ko talaga.”, nakangiting sabi nito.

“I see. Mabuti naman. Sayang. Napaka laki kasi ng talent mo talaga sa pagddrawing. Buhay na buhay ang mga drawing mo.”

“Oo nga daw. Kaya nga naconvince ko din ang parents ko. Ang niregalo ko kasi sakanila nung wedding anniversary nila ay ang ginawa kong portrait nila nung wedding day nila. Napaluha sila sa nakita at doon somehow, naramdaman nila ang passion ko sa pagddrawing. Kaya hinayaan na nila ako sa gusto kong kurso.”

“Wow. Ang ganda naman ng story ng buhay mo. Parang fairy tale. Ay teka! Kain ako ng kain, di man lang kita niyaya! Tara! My treat!”, pag ngiti ko.

Bumili kami ng fishball ulit. Pinagmalaki ko pa kay Jason na masarap talaga ang fishball doon. At pinatry ko pa ang sauce na talagang paborito ko.

Pabalik na sana kami sa bench ng niyakap nya ako sa floor ng umupo. Mas sanay daw kasi sya kasi mas maganda daw ang view. Artist view ika nga daw. Pumayag naman ako.

Sa lahat naman ng pwede naming upuan ay umupo kami sa puno kung saan nadedepress talaga ako sa twing makikita ko ito.

Agad na naupo si Jason at sumubo ng fishball nya.

“Hmmm. Masarap nga tong pinagmamayabang mo. Pero teka, uupo ka ba o ano?”, medyo taka nito.

Dahan dahan akong umupo. Napaka uncomfortable dahil ang tatalas ng damo sa inupuan ko. Agad akong tumayo at naghanap ng ibang spot. Hanggang sa nakahanap ako ng magandang spot kung saan hindi matalas ang mga damo. Sa ilalim ng puno. Agad kong sinandal ang ulo ko sa puno at napatingin sa kagandahan ng puno. Bigla akong nakaramdam na parang gusto ko umiyak.

Parang nagbigay sakin ng masakit at malungkot na pakiramdam ang puno. Hindi ko maipaliwanag pero as I looked at the branches, twigs and leaves of the tree, parang dinadala ako nito sa isang lugar kung saan naglalakad ako sa isang napakalungkot na lugar. Yet, alam ko at the end of the road is isang refuge.

“Wow.”, biglang sabi ni Jason. Bigla naman akong parang nagising at napatingin sakanya.

“Bakit?”

“Wala naman. Sorry. The way you looked at this tree kasi. Parang may connection talaga kayo ng puno.”, casual na sagot nya.

“Ganun ba…”, medyo malungkot kong tono.

“Alam mo bang trees holds many memories? Naging saksi kasi ito sa mga bagay na nasa paligid nito. It holds a lot of memories and stories to tell.. Ang ganda tuloy ng naisip ko para sa susunod kong iddrawing. Gawin kita ulit subject ha!”, sabay ngiti nito.

“Sure!”, pagpayag ko naman agad.

“Memories…”, naibulong ko sa puno habang muling hiniga ang ulo ko sa puno.

“What memories do you have for me?”, sabi ko sa sarili habang nakatingin sa puno.

“Salamat ha.”, biglang sabi ko kay Jason.

“Huh?! Saan naman?”

“Basta.”

Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Jason. Though hindi ko sya kilala. Siguro din kasi, isa sya sa past ko na for some reason ay natatandaan ko.

Nagmomoment pa ako ng biglang nagring ang phone ko. Agad ko itong sinagot. Si Larc.

“Hello?”

“Oh, asan ka na? Nag aalala na ko ah.”, alalang sabi ni Larc.

“Sorry, may dinaanan lang kasi ako. Papunta na ko dyan.”, pagsisigurado ako. Napangiti ako ng bahagya. Lalo na ramdam ko sa boses ni Larc ang pagaalala.

“Ganun ba, o sige ha. Mag iingat ka po ha.”, mas malambing na sabi ni Larc.

“Opo.”, mas lalo akong napangiti.

Napansin ko naman na nakatingin si Jason sakin at nakangiti.

“Hinahanap ka na ata ni Andre.”, nakangiting sabi ni Jason.

“Huh?”, medyo gulat kong sabi.

“Naku, nagkunwari pa. Eh alam naman ng lahat na boyfriend mo si Andre noon pa, diba? At..”, biglang alinlangan na sabi ni Jason.

“At…?”, tanong ko.

“I’m sorry pala sa nangyari sa inyo ng bestfriend mong si Larc…”, medyo mahina at alinlangang sabi nito.

Nagulat ako sa sinagot ni Jason. He's sorry for what happened samin ni Larc? Ano bang nangyari? May alam ba sya? Teka, naguguluhan ako!

“Nangyari..?”



1 comments:

Ryge Stan said...

wow this is totaly amazing ang ganda ng flow ng story hehehe.

Have a nice day and keep on writing....

Post a Comment