Monday, May 7, 2012

Against All Odds 5

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Di magandang ideya na humarap kay Jase na may bahid pa ng luha ang aking mga pisngi, baka isipin nito na ang sitwasyon namin ang aking iniiyakan, ayaw ko rin naman magtanong ito at baka maamin ko rin sa kaniya ang tungkol kay Nate. Hinarap ko si Jase, nanlaki ang mga mata ko ng makita ito, nakangiti ito sakin. Para bang masayang masaya siya na nakita ulit ako.


Gurl, isali mo naman itong kaibigan kong si Aaron diyan sa fashion show mo.” sabi ng isang matandang lalaki na aking naging customer sa isa nitong kaibigang event coordinator.


May experience na ba yan?” tanong ng event coordinator.


Wala pa, pero ikaw nang bahalang magpakilala sa kaniya sa mga kakilala mong pwedeng magturo sa kaniya. Sayang naman kasi ang isang to kung puro booking na lang.” sabi ng matanda.



Tunog concern man sakin ang matandang iyon ay alam ko namang pakitang tao niya lang yun para magkaroon ako ng utang na loob sa kaniya at mahiya nang makipaghiwalay sa kaniya. Gusto niya lang makalibre sakin.



Sige, akong bahala.” sabi ng event coordinator, marahil ay nagiba ang desisyon nito ng marinig sa matandang nagpapabooking ako. Kabisado ko na ang mga sikmura ng mga matatandang bakla lalong lalo na ang magkakakaibigan.


I will not refer him if he doesn't fuck good.” ika nga nila sa kanilang circle of friends. Hinila ako nito papunta sa mga grupo ng modelo na mukhang abala sa pagmimeeting.


Jase, pwede ka bang makausap saglit?” tanong ng event coordinator sa isang lalaki.



0000oooo0000



Ipinapakilala ko sayo si Aaron. Pinakiusap siya sakin ng kaibigan ko.” pagpapakilala sakin ng event coordinator sa lalaking nagngangalang Jase.


Pare, lapit ka dito sa may spotlight.” tawag sakin ni Jase, lumapit ako at tumapat sa ilaw.



Di ako kumportable lalo na at napakainit sa pakiramdam ng spot light na iyon, kita ko rin ang ibang modelo na tinitignan ako at kinikilatis din, pero ang pinagtaka ko ay ang tingin na ibinibigay sakin ngayon ni Jase.



Parang nagulat siya sa pagkakakita sakin ng maayos sa ilalim ng spotlight, parang matagal na niya akong kilala pero matagal na panahon ding hindi nakita. Ganon ang reaksyon na nababasa ko sa kaniyang mukha. Binawi nito ang kaniyang reaksyon at nagsimula ng umikot mula sa aking kinatatayuan.



Pinaiikutan ako nito, parang asong pinaiikutan ang isang buto. Kinikilatis bawat sulok ng mukha at katawan ko, tinitignan ang aking bawat reaksyon at tindig. Paminsan minsan itong hahawak sa kaniyang baba at hihimasin iyon.



May potential diba?” tanong ng event coordinator sa lalaking pumapaikot sakin. Ngumiti ito.



0000oooo0000


Kape?” tanong ng lalaking kanina lang ay kumikilatis sakin. Umiling lang ako.


Aaron ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Jase, I manage models, ilang taon narin ako sa business na to and being a former model kaya alam ko na ang kalakaran dito. Unfortunatelty di nagsu-survive sa mga business na to ang tatahitahimik at mahiyain.” napaisip ako sa sinabi niyang yun at lalo akong kinabahan.


Kape?” ulit nito sa naunang tanong niya sakin, tinanggap ko na ang alok nito atsaka marahang ngumiti. Gumanti lang din ito ng ngiti.



0000oooo0000



Bakit ka andito?” tanong ko kay Jase ng makalabas na ako ng banyo.


Dinalhan kita ng lunch.” sabi nito, agad na kumunot ang noo ko, madalas niyang gawin ito sakin noong nagsisimula palang kami sa aming relasyon pero nung maglaon, nang magtagal ay parang nanawa din ito at nawalan ng gana.


Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Bawal na ba? Dati naman na kita dinadalhan ng lunch ah.” sabi nito saka ngumiti. Lalo akong naguluhan.


Nginitian ulit ako ni Jase, may ilang taon narin siyang di ngumingiti ng ganito. Ano kayang nangyayari?” tanong ko sa sarili ko. Natutuwa ako, siyempre, pero di ko maiwasang maghinala, maguluhan at kabahan, sa makatuwid, alam kong may mali.



Pakiramdam ko ay para itong de sarsa na ulam na matagal na inimbak sa ref at pagkatapos ay inilabas saka ininit sa microwave oven, muling uminit ang ulam pero alam mong may mali na. Malabsak na ang sarsa.


Tititigan mo na lang ba ako o kakainin na natin 'tong napakasarap na adobo na niluto ko para sayo.” tanong nito sakin sabay hagikgik.


Para saan lahat ng to? Kung dahil 'to sa kagustuhan kong makipaghiwalay sayo, di na magbabago yun. Gusto ko paring makipaghiwalay sayo, pero ang mas ipinagtataka ko, Jase ay sinabi mong di ka papayag at alam mong wala na akong magagawa doon. Kaya ang tanong ko sayo para saan ang lahat ng ito?” sunod sunod kong tanong dito. Nagbuntong hininga lang si Jase.




You did a great, Aaron! Napapansin ka na ng ilang designers. I'm sure they're going to book you on the next fashion week.” sabi ni Jase na talaga namang ikinatuwa ko, ibig sabihin kasi nito ay kahit papano ay mababawasan ko na ang pagbubooking ko sa mga matatandang bakla.


Salamat, Jase!” sigaw ko at wala sa sarili ko itong niyakap. Naramdaman ko ang matipuno nitong dibdib na nakalapat sa aking sariling dibdib. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahan dahan ako nitong inilayo sa kaniya, tinignan ako ng daretso sa mga mata at miya miya pa ay naglapat na ang aming mga labi.



0000oooo0000



Hon, guess what.” sabi ni Jase sa aking likod habang nagbibihis.


Hon ka diyan.” sabi ko dito sabay ngiti.


Gusto ko hon.” sabi niya sabay simangot, parang batang nagtatampo.


O sige, HON ano yun?” sabi ko dito sabay lambing.


Nagluto ako ng favorite adobo mo for our first monthsary!” sabi nito na talaga namang parang bata na ipinapakita ang kaniyang mataas na grade sa kaniyang mga magulang.


Wow! Asan na?” tanong ko dito sabay tingin sa lamesa na nasa loob ng dressing room at ng ibaling ko pabalik sa kaniya ang aking tingin ay nakanguso na ito.


Kiss muna.” sabi niya. Tumalikod ako.


Hay naku Jason Perea! Tigilan mo ako! Sabi ko na nga ba di totoo yang adobo drama mo eh. Gusto mo lang talaga maka-kiss!” sabi ko dito, pilit na itinatago ang ngiti sa aking mga labi.



Pumuwesto ito sa aking likod at iniyakap ang kaniyang kaliwang kamay sa aking dibdib, nagkatinginan kami sa malaking salamin sa aking unahan. Sa kanang kamay ay isang tupperware na may lamang ulam. Amoy adobo ito.



Asan na kiss ko?” tanong niya sabay ngisi. Humarap ako dito at mariin siyang hinalikan sa labi.


Napagusapan na natin yan, Aaron.” may kung anong malamig sa pagkakasabi niya sabay hila sakin papunta sa dining area ng quarters.


From now on, I promise to make things right.” sabi nito, ramdam ko na sinsero ito sa mga sinabi niya.


You of all people should know that things are easier said than done.” sabi ko dito, tumingin ito sakin sabay buntong hininga ulit.


Sige kung gusto mong tumigil sa pagbu-booking. Sige, payag na ako. Ikaw lang naman ang iniisip ko. Ikaw at yang pride mo.” sabi ni Jase sakin pero malumanay ang pagkakasabi nito.



Sabi ko sayo noon itigil mo na yang pagbu-booking at ako nang bahala sa medschool mo pati sa residency after, pero ayaw mo, ramdam kong ayaw mong umasa sakin kahit na boyfriend mo na ako, ramdam ko na importante sayo ang pride mo at dahil diyan sa pride mo inapakan mo ang ego ko.” sabi niya habang nakatingin parin sa aking mga mata. Bakas ang sinseridad sa bawat salitang sinabi niya. Sinseridad at sakit. Nagulat ako dahil di ko inaasahang ganun pala ang naging epekto nito sa kaniya.




Sino yung baklang yun?!” pasigaw na sabi sakin ni Jase. Dare-daretso lang ako sa paglalakad palayo sa kaniya.


Putangina naman, Aaron! Pati ba naman ikaw nandyan sa pagbubooking na yan?!” galit na habol nito sakin, bigla akong humarap dito na ikinagulat naman niya.


Mahina ang modeling ngayon Jase. Di kaya ng modeling lang ang med-school and pagnaglaon pati na ang residency.” naiiyak ko ng sabi dito.


Akong bahala sa medschool and residency mo, itigil mo lang yan.” umiling ako sa sinabi niyang yun.


Kilala mo ako Jase, di ako humihingi ng tulong lalo na kung kaya ko naman. Ayaw kong makita ako ng mga magulang ko na naghihirap at naasa sa iba para lang maipamukha nila sakin na mali ang desisyon kong maging bakla!” sabi ko dito, nagulat siya sa sinabi ko. Tumalikod siya at naglakad palayo sakin.



Dun na nagsimula na nanlamig sakin si Jase. Nanlamig sakin at pati saming relasyon.



Di mo alam kung pano ako naapektuhan, habang nakikita ko ang mismong boyfriend ko ay nahihirapan at nasasaktan at wala akong magawa para matulungan ka kasi ayaw mong tulungan kita.” mahinang sabi nito, unti unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata.


Kaya nung sinabi mong titigil ka na sa pagbu-booking di ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil alam kong di mo kaya kung sa modeling ka lang aasa, at ayokong makita ka na nahihirapan ulit tulad ng dati tapos wala nanaman akong maitutulong. Pero kung yun talaga ang desisyon mo, kung gusto mo talagang tumigil na, sige.” sabi nito saka ako binigyan ng malungkot na ngiti.


May kung anong kumurot sa aking puso sa mga sinabi niyang yun.


0000oooo0000



Lumipas pa ang ilang araw at napansin kong bumabalik na ang dating Jase. Ang Jase na minahal ko. Natutuwa ako dahil kahit papano ay lalo kaming pinatatag ng lahat ng nangyari at laking pasasalamat ko at hindi ako agad binitawan ni Jase nang hilingin kong maghiwalay na kami.


Bukas Adobo ulit?” tanong sakin ni Jase habang inililigpit ko ang pinagkainan namin sa loob ng quarters.


Ulit?” tanong ko dito, bahagya namang sumimangot si loko at nagtamputampuhan nanaman.



Sige, basta luto ng honey ko kahit forever adobo ang ulam kakainin ko.” sabi ko dito, biglang nagbago ang tabas ng mukha nito at marahan akong hinalikan sa labi.


Hon...?” tanong nito sakin pagkahiwalay na pagkahiwalay ng labi namin. Tinignan ko lang ito, pinabayaang ituloy ang kaniyang nais sabihin.


...Uwi ka na bukas ah?” sabi nito sakin. Kumunot ang noo sa pagtataka. Ang lakilaki niyang bulas pero kung magbaby talk...


Off na ako bukas, hon. Uuwi na talaga ako.” sabi ko dito sabay tingin sa kaniyang mga mata, iniisip kung anong ibig sabihin nito.


Ibig kong sabihin sa apartment ko na ikaw umuwi bukas ha?” tanong nito sakin, sabay gawad ulit ng smack sakin. Napangiti naman ako.



Bakit? Akala ko ba ayaw mo ako sa apartment mo umuwi?” makahulugan kong tanong dito.



Tagal na kasi nating hindi nakakapag...” sabi nito pero isinupalpal ko na ang scotch bright na may sabon sa kaniyang labi para hindi na niya maituloy ang kaniyang sasabihin.



Namimiss ko na ito oh.” sabi niya sabay hawak sa aking puwet. Pinandilatan ko ito ng mata.



Ayown! Yun lang pala ang namimiss mo eh!” sabi ko dito sabay simangot.



Syempre namimiss ko yun, lalaki lang ako may pangangailangan din. Pero siyempre gusto ko may makakasama na ako sa apartment ko. Gusto ko andun ka paggising ko sa umaga. Gusto ko nayayakap at nahahalikan kita lagi saka antagal na nating magboyfriend wala pa tayong, baby.” sabi nito, di ko na napigilan ang sarili ko at nabatukan ko na ito.



Sige sige scratch mo na yung huli kong sinabi. Namimiss na kita, andami ko ng panahong sinayang nung nanlamig tayo sa isa't isa. Saka nagpromise din akong aayusin ko na ang kung ano mang meron satin, diba?” sabi nito, seryoso na si Jase. Alam ko na ang tingin na binibigay niya sakin. Napangiti na lang ako.



0000oooo0000



Isang araw bago ako lumabas ng ospital ay nagtext sakin si Jase. Hindi na ito numero ng kwarto at kung ano pa man na konektado sa booking.



Mamya na ang paglipat ng hon ko!” sabi nito sa text. Bahagya naman akong napangiti at kinilig. Di pa lumilipas ang ilang oras at nagtext nanaman ito.



Hon, intayin mo ako mamya ha? Sa lobby na ng ospital tayo magkita.” sunod na text nito.



Halos hatakin ko na ang oras para makalabas agad ako ng ospital.



0000oooo0000



Isang oras na akong nagiintay sa may lobby, nagsisimula na akong magalala kay Jase at kung dadating pa ba ito. Nagsisimula na akong magisip ng di magagandang bagay tulad ng...



Pinagtripan lang kaya ako ni, Jase? Baka ipinapamukha niya lang sakin na patay na patay parin ako sa kaniya at di ko talaga gusto ang makipaghiwalay sa kaniya.” nasa ganito akong pagiisip ng biglang may nagtext. Si Jase. Sisimulan ko na sanang basahin ang text nito ng biglang may tumawag sa pangalan ko, napalingon ako.



Nate?”


Itutuloy...



_____________________________
Against All Odds 5
by: Migs

6 comments:

Migs said...

Thanks kay Zekie! :-)


Pasensya na sa matagal na post, medyo busy eh.


J: thanks sa pagbabasa! :) Daya mo! edi hindi ka na magco-comment niyan sa mga susunod na chap? :(

RGEE: relax ka lang, pang limang chapter pa lang yan hehe. madami pang mangyayari.

Ras: thanks!

kevinblues: hindi naman ako naguluhan sa comment mo. medyo lang. Salamat din sa pagababasa!

Lexin: thanks! sana di ka ma-bore sa mga susunod na chap.

SALAMAT SA LAHAT pati narin sa mga silent readers kung meron man. :)

kiero143 said...

wew...totoo na ba yun??heheh si jase??namimiss si aaron??WTH was happening...seryoso??tlaga??weh??d nga??....baka naman ayaw nya lang mapunta si aaron muli kay nate...kasi selos sya...wahahah

next na mr.author...hehehehe

time check: 4:20 in the morning...wahahah 2log na ako...

RAZ said...

bitin!!! next na agad! hehehe

Lexin said...

Each chapter keeps getting better and better..
Two thumbs up for this one..

RGEE said...

hmmn...seems like mas gusto ko na si jase...thnks author sa update!!!

RGEE said...

hay grabe like ko na si jase...hmmn...keep it up author..thnks sa updates

Post a Comment