by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa lahat ng taong nagbigay ng kanilang komento sa Chapter 18. Masaya po akong malaman na nagugustohan niyo ang gawa ko hanggang ngayon. Hehehe May mga ilang hindi talaga nagsawang suportahan ang mga estoryang likha ko at may mga bago na rin akong taga-comment. Salamat ng marami guys!!! :D
Raz – Salamat sa email at sa papuring sinabi mo. Hehehe
Welcome aboard! Naway ma-enjoy mo pa ang kwento hanggang sa huling chapter
nito.
Eusethadeus, Rob,
Jayfinpa Maqui (IDOL), Dawrin19, Ivan, Jordan (ng Middle East), Andy, Lance
(you remind me of someone, Gerald, Adam, Burj (From Abu Dhabi UAE), Lexin,
Pangz (Mr. Batibot), Russ, Vinvin, Kristoff Shaun, Lawfer, --Makki--,
Master_Lee#027, Demure, RGEE, Brent_Angelo, Yume, Chris, <07>, Hans, JM,
J, Ras, Jemyro, Silent_Al, Randy, Jay (doppelganger), Ryvis Tan, Edrich, and
Jasper Paulito. – Salamat sa mga
comment niyo guys sa chapter 17. Pati narin sa mga Silent Readers at Anonymous!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Hindi
naman kayo nag-abiso Ma na luluwas pala kayo rito.”
“Nag-aalala na kasi ako sa ‘yo anak. May katagalan na rin nang huli kang magparamdam
sa amin ng kapatid mo. Baka kako kung napa’no ka na.”
“Wala ho kayong dapat ipag-alala sa akin Ma, ayos lang ako
rito. Mabuti na lang at gising pa ako nang tumawag kayo para magpasundo sa
terminal.”
“Sinadya ko talagang sorpresahin ka.” Ani nitong kahit
nakangiti ay mababakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. “Kung hindi pa pala
ako nagdesisyong lumuwas dito, hindi ko pa malalamang wala ka ng kasama rito.”
Hindi ako naka-imik. Sinadya ko talagang hindi ipaalam sa
kanya ang tungkol sa paghihiwalay ng landas namin ni Martin para hindi ito
mag-alala pa sa akin.
“Ano ba ang nangyari sa inyo ni Martin?” Naramdaman ko ang
pag-aalala ng isang ina sa tinig nito. May ideya si mama tungkol sa
nararamdaman ko kay Matt. Ito pa mismo ang nagpayo sa akin noon na huwag
masyadong umasa pero dahil sa katigasan ng ulo ko hindi ako nakinig.
“Matagal na ho iyon Ma, huwag na lang nating pag-usapan.”
Ang paiwas kong wika kasabay ng pagbigay ng isang ngiti para mawala ang
pag-aalala nito.
Saktong dalawang buwan na ang nakakaraan nang maghiwalay
kami ng landas ni Matt – ang nag-iisang taong pinaglaanan ko ng lahat-lahat sa
akin. Gumuho ang mundo ko no’n ngunit dahil na rin sa mga sinabi sa akin ni
Lantis ay pinilit kong magpakatatag. Sinubukan kong isaayos ang buhay ko para
na rin sa mga taong nagmamahal sa akin.
Hindi naging madali iyon. Isang buwan akong umasa na babalik
si Martin at muli naming maibabalik sa ayos ang lahat pero hindi iyon nangyari.
Isang buwan ko ring pinilit na itago sa harap ng mga taong nakakasalamuha ko
ang totoong nararamdaman ko dahil ayaw ko silang mag-aalala para sa akin
hanggang sa tuluyan na lang akong magsawa at bumitiw.
Napabuntong-hininga ito. Bakas pa rin sa mukha ang
pag-aalala. Pero, hindi na rin ito nagpumilit pang ungkatin ang lahat. Marahil
nahalata nitong wala akong balak pang pag-usapan ang nakaraan. Gusto ko nang tuluyang
kalimutan ang lahat at magsimula ng bagong buhay kasama ang mga taong nagmamahal
at nagpapahalaga sa akin. I had to move on with my life even without Martin at
ngayon nga, unti-unti na akong nakakabangon.
“Umuwi ka na lang kaya sa atin? Nami-miss na rin naman kita,
doon ka na lang muna sa akin tutal sakto pa naman ang kita ko para sa inyong
magkapatid.”
“Ma naman. Sayang ang trabahong iiwan ko rito kung sasama
ako sa inyo. ‘Tsaka, gusto kong ring matulungan ka sa mga gastusin sa bahay.”
Alam ko namang nag-aalala lang ito sa kalagayan ko kaya gusto ako nitong
pauwiin. Pero buo na ang desisyon kong ibalik ang pag-aalaga nito sa amin ng
kapatid ko.
“Nag-aalala lang naman ako para sa ‘yo anak. Lalo pa’t
nag-iisa ka na lang dito ngayon.”
Napangiti ako sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging
maalalahanin nitong ina.
“Ayos lang ako rito Ma, hindi ako nag-iisa. May mga kaibigan
akong makukulit na laging nagpapasaya sa akin dito, kaya hindi ka dapat
mag-alala sa akin.”
Mataman ako nitong tinitigan na para bang sinusukat nito
kung totoo lahat ang mga ipinapakita ko sa kanyang kasiglahan. Nang marahil ay
napagtanto nitong totoo lahat ng iyon, ay marahan itong tumango at ngumiti.
“Masaya ako na may mga bagong tao na sa buhay mo Kenneth.”
“Ako rin Ma.” Ang nakangiti kong tugon dito.
Malaki ang utang na loob ko sa mga kaibigan ko ngayon dahil
kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko magagawang ipagpatuloy ulit ang buhay
ko. Isa sila sa mga dahilan kung bakit nagagawa ko na ulit ngumiti ngayon.
Marami akong bagay na natutunan sa buhay sa pagkawala ni Martin. Isa na roon ay
ang makita na may iba pa palang taong nagpapahalaga sa akin. Noon, kay Martin
lang umiikot ang mundo ko dahilan para hindi ko mabigyan ng pansin ang mga
taong ang tanging gusto lang ay mapasaya ako.
Oo, may mga oras na hindi ko maiwasang hindi malungkot
tuwing naalala ko ang matalik kong kaibigan. Normal na siguro iyon, marami rin
kasi kaming pinagsamahan ni Martin at kahit kailan ay nakatatak na iyon sa
aking puso’t isipan. Nami-miss ko siya – ang lahat ng mga alaala naming dalawa
ngunit natutunan ko na ring tanggapin ang lahat. Walang mangyayari sa akin kung
itatali ko pa rin ang sarili ko sa nakaraan – iyon ang sabi ni Lantis kaya
ginawa ko ang lahat para maipagpatuloy ko ang buhay ko.
“Dito muna ako kahit hanggang ngayong araw lang. Na-miss ko
na talaga ang panganay ko. Kahit gustohin ko mang magtagal rito para masamahan
ka ay hindi rin p’wede, baka wala na akong bahay na datnan pag-uwi ko.
Natawa ako sa tinuran nito. Kahit kailan talaga
napakalambing nitong ina. Kung may bagay man akong ipinagpapasalamat sa Maykapal,
iyon ay nang bigyan ako nito ng isang ina na bukod sa pagiging supportive
nito’t maalaga ay hindi rin matatawaran ang pagmamahal nito para sa aming
magkapatid.
“Si Chester kamusta Ma? Nag-aaral ba siya ng mabuti?”
“Isa pang sakit sa ulo ang batang iyon. Wala ng ibang
inatupag kung hindi ang computer na binili mo para sa kanya. Kita mo nga’t
ipinagpalit pa sa computer niya ang pagkakataong madalaw ang kuya niya.”
“Hayaan mo na Ma, para naman lagi kang may kasama sa bahay.”
Iyon naman talaga ang totoong rason kung bakit ko binilhan ng personal computer
si Chester. Para hindi na ito lumabas pa at doon na lang mamalagi sa bahay.
Napag-alaman ko kasing adik ito sa mga online games at halos doon na tumitira
sa computer shop na malapit sa amin.
“At talagang sinuhulan mo pa ang isang iyon para lang may
makasama ako.” Kita ko sa mga mata nito ang ibayong tuwa sa mga narinig. Alam
ko naman na kahit ang wonder woman naming ina ay nangangailangan din ng
pag-aalala at pagmamahal sa kanyang mga anak. Soft-hearted si Mama at very
emotional. Sa mga simpleng bagay na magpapakita sa kanya na importante siya ay
lubos nitong ikinatutuwa.
“Dinagdagan ko lang ang baon niya para pang-load niya.
Nagbibinata na rin kasi si bunso.”
“Salamat anak. Napakas’werte ko talaga na ikaw ang naging
anak ko.”
“Kain na tayo Ma, alam kong hindi ka pa nanananghalian.”
Bago pa ito tuluyang magdrama ay inasikako ko na ang
tanghalian naming dalawa. Maagap naman ako nitong tinulungang ilabas mula sa
ref ang ulam na lulutuin ko para sa amin. Mabuti na lang ay may stock pa ako,
dahil paminsan-misan ay napagtri-tripan ko pa ring magluto kahit mag-isa na lang
ako sa bahay.
Ilang minuto lang ay nakapaghanda na kami ng makakain, at muli
ko na namang naramdaman ang mapagsilbihan ng sarili kong ina. Ito na ang
naglagay tubig sa akin na lagi nitong ginagawa sa amin no’ng mga panahon na
nasa poder pa ako nito. That simple gesture of her never ceased to make me feel
how much she loves me.
Hindi na nito nabanggit pa si Martin habang kumakain kami.
Mas naging interesado ito sa mga bagong kaibigan na binanggit ko sa kanya. Alam
ni Mama ang lahat sa akin at alam ko rin na ayaw na nitong ipaalala pa sa akin
ang lahat. Naging masaya at magana ang tanghalian ko. Hindi ko naramdaman ang
antok na naramdaman ko kanina nang matapos ang shift ko.
Hindi pa man kami tuluyang natatapos ni Mama sa tanghalian
namin dahil sa mga kakulitan nito patungkol sa mga bago kong kaibigan nang may
kumatok sa pintuan ng apartment. Parehong nabaling ang tingin namin sa
nakasarang pintuan at pareho rin ang naging ekspresyon ng mukha namin – pagtataka.
“May inaasahan ka bang bisita?” Ang may pagtatakang tanong
ni mama sa akin.
“Wala naman Ma. Sandali po, baka ang may-ari `yan ng
apartment. Hindi pa kasi siya nagpunta rito para kunin ang buwanang bayad ko.”
Tinungo ko ang pintuan para pagbuksan ang inaakalang ang
may-ari ng inuupahan ko ang kumakatok, pero laking gulat nang hindi ito ang tumambad
sa harapan ko.
“Happy Monthsary!” Ang magiliw nitong bati na sinamahan pa
nito ng isang mabilis na halik. Sa pagkagulat ay hindi na ako nakaiwas pa.
“N-Nhad?”
“Sino pa ba ang inaasahan mo?” Sabay bigay nito ng kanyang
pamatay na ngiti.
“D-Di ba may trabaho ka?”
Biglang nalungkot ang mukha nito.
“Ayaw mo ba na pinuntahan ko muna ang nag-iisang taong laman
ng puso ko para batiin? May dala pa naman akong lunch para sa ating dalawa.”
Imbes na aluin ito ay natawa ako sa naging pagtatampo nito.
He’s kinda cute pouting his lower lip while he’s in his all white uniform.
“Pinagtawanan pa ako. Makaalis na nga.” Akmang tatalikod na
ito nang maagap kong mahawakan ang braso nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin
ito pumapalyang mapangiti ako at mapatawa ng totoo. Isa sa mga rason kung bakit
tuluyan kong ibinigay sa kanya ang sarili ko. Because with Nhad beside me, he can
make me forget about my pains and how I suffered.
“Ito naman. Hindi na ba p’wedeng mabigla ngayon? Ikaw naman
kasi, basta-basta ka na lang sumusulpot para gulatin ako.” Ngingiti-ngiti kong
sabi.
“Nagtatampo pa rin ako.” Ang wika nito.
“Sorry na. Nagulat lang talaga ako sa biglaang pagsulpot
mo.” Pang-aalo ko sa kanya. Ganito ito kapag nagtatampo, parang bata.
“Ayaw ko ng sorry mo.”
“Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo na ako?”
Nakasanayan ko na rin ang mga simpleng hirit at pagpapa-cute nito. Sa nagdaang
buwan ay tuluyan ko pang nakilala ang totoong Nhad at lahat ng natuklasan ko sa
kanya ay mas lalong nagbigay sa akin ng rason na subukan ang buhay kasama ito.
“Kiss. Gusto ko ng kiss para mapatawad kita.” Nakangisi
nitong wika.
Sabi na nga ba’t
nagpapa-cute na naman ito eh.
“Asus! Gusto mo lang palang makaisa sa akin.” Ang wika ko
kasabay ng mabilisang halik sa labi nito na dahilan para matigilan ito
pansamantala at nang makabawi, ay muling gumuhit ang napakagandang ngiti nito
kasabay ng pagningning ng mga mata nito.
“Ang sarap. P’wede na akong ‘di kumain.” Hirit nito.
Muli akong napatawa. Mababaw mang tingnan pero ang mga
simpleng gesture ko at paglalambing sa kanya ay nagbibigay rito ng ibayong
saya. Ramdam ko rin ang tunay na pagmamahal nito para sa akin sa tuwing
tititigan ako nito ng may ningning sa kanyang mga mata, as if he was staring
with the only person who owns his heart.
“Ehem!”
Sa sobrang pagkagiliw ko kay Nhad ay nakalimutan ko nang
naroon pala si Mama. Agad akong nakaramdam ng pamumula. Nakita at narinig
siguro nito ang lahat ng kakornihan namin ni Nhad.
“Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya Kenneth?” Wika ulit
nito nang hindi ako makapagsalita agad. Pati si Nhad ay halatang nabigla rin sa
presensiya nito.
“M-Magandang tanghali po.” Ang nag-aalangang wika ni Nhad.
“Magandang tanghali rin naman sa iyo. Pasok ka.”
“Ah.. eh…” Ang napapakamot nito sa ulong wika. Wala rin
siguro itong maisip na sasabihin sa pagkabigla.
“Nhad, ang mama ko nga pala.” Pagpapakilala ko sa kanila.
“Ma, si Nhad.”
Binigyan ako nito ng nanunuksong ngiti na lalo ko pang
ikinamula.
Bakit ko ba kasi
nakalimutang nasa loob pala si mama. Paninisi ko sa aking sarili.
Nabaling ang tingin nito kay Nhad at binigyan ito ng
mapanuring tingin. Parang imbestigador lang ang hitsura nito na animo’y isang
suspek ang sinisipat nito sa mga oras na iyon. Halatang naging uncomfortable si
Nhad si ginawa ni Mama pero nagawa parin nitong ngumiti. Alanganin nga lang.
“G’wapo rin ang isang ‘to anak ah.” Kapag kuwan ay wika
nito. “Halika iho, pasok ka. Sabayan mo kaming mananghalian nang makilatis ko
naman ang boyfriend ng anak ko.” Sabay baling ulit nito sa akin at muling
sumilay mula rito ang mapanuksong ngiti bago nagpatiunang bumalik sa kusina.
Napapa-iling akong bumaling kay Nhad na halatang hindi na
mapakali.
“Tell me I’m not in big trouble.”
“You are.” Tugon ko rito at nakangiwi itong napakamot muli
sa kanyang batok.
Tinungo namin ang mesa kung saan naghihintay ang magaling
kong ina. Wala itong imik pero halatang gusto na ako nitong tuksuhin base na
rin sa nakikita kong ekspresyon sa mukha nito. Habang si Nhad naman ay tahimik
lang na umupo sa aking tabi. Hinihintay marahil nito ang gagawing pagsasabon sa
kanya ni Mama.
“So, tell me iho, paano kayo nagkakilala nitong anak ko?”
Pagsisimula ni mama ng usapan.
“Ma, hayaan muna nating makakain si Nhad bago mo siya
usisain.” Saway ko rito.
“Okey lang Ken.” Wika ni Nhad. “Sa isang bar po kami
nagkakilala ng anak ninyo.” Baling nito kay mama.
“Nagba-bar na pala ang anak ko.” Ani nito na may himig ng
panunukso at sa akin nakatingin. “Ang buong
akala ko’y, walang kahilig-hilig sa mga gano’ng lugar itong si Kenneth ko.”
“Minsan lang po. No’ng magkayayaan sila ng mga katrabaho’t
kaibigan niya.” Ang tila nagpapaliwanag namang wika ni Nhad. Iniisip siguro
nito na baka ikapahamak ko ang nasabi niya kay mama.
Tumango-tango naman ang aking ina na halatang tuwang-tuwa sa
mga naririnig.
“Ilang buwan na kayong magkasintahan nitong anak ko?” Walang
prenong tanong nito. Halos mapapalatak ako sa pang-uusisang ginagawa nito.
Though, kahit papaano ay natutuwa akong tanggap nito ang pakikipagrelasyon ko
sa isang lalaki.
“Ho?” Nhad’s uneasiness really made him much cuter. Namumula
na kasi ito at halatang nahihiya sa aking ina. Kung alam lang nitong sinasadya
iyon ni mama para mapagtripan kami.
“Narinig ko kanina na kaya ka pumunta rito para batiin ang
anak ko sa espesyal na araw niyo.”
“Ah.. eh.. Isang buwan pa lang po.”
“Ma, huwag niyo namang i-torture si Nhad. Pinagpapawisan na
sa inyo ang tao, oh.” Saway ko sa aking ina, medyo naaawa na natatawa na rin
kasi ako sa hitsura ni Nhad.
“Hindi naman masamang magtanong di ba iho?”
“O-Opo.”
Napapailing na lang na pinagpatuloy ko ang pakikinig sa
ginagawang interrogation ni mama kay Nhad. Habang tumatagal ang kanilang usapan
ay napapansin kong unti-unti na ring nagiging komportable si Nhad rito. Si mama
naman ay halatang nagugustuhan nito ang lahat ng mga nalalaman niya hanggang sa
nagagawa na ni Nhad na ngumiti sa mga pilyang banat ng nanay ko.
Naging maganda naman ang tanghalian naming tatlo. Madaling
napalagay ang loob ni mama kay Nhad, siguro’y dahil nakikita nitong wala naman
talagang masamang intensyon ito sa akin. Ang natural na kabaitan at pagiging
magiliw nito ay ang naging daan para makuha nito ang loob ni mama. Nagagawa
kasi nitong maipakita ng walang pag-aalinlangan ang tunay nitong nararamdaman.
Transparent kung baga, at iyon ang isa sa mga traits nito na nagustuhan ko sa
kanya.
Nang tuluyan ko nang tanggapin sa sarili ko na kailangan ko
ng magsimula ng bagong buhay – ang buhay na hindi na kasama si Matt, ay siya
namang pagbukas ko ng aking puso para kay Nhad. Alam ko, di ko pa tuluyang
nakakalimutan ang nararamdaman ko para kay Martin pero alam ko rin na may
nararamdaman na rin ako kay Nhad. Hindi man kasing-lakas at kasing-tindi ng
naramdaman ko kay Martin alam kong magagawa ko rin itong mahalin ng buo.
Nakita ko ang effort nitong mapasaya ako no’ng mga araw na
nalugmok ako sa ibayong kalungkutan. At ito ang nag-iisang taong laging nasa tabi
ko no’ng mga araw na kailangan ko ng kausap, ng diversion. Bago ko siya
sinagot, sinabi ko sa kanya na hindi ko pa kayang maibigay ang lahat ng ako.
Pero siya na ang nagsabing siya na mismo ang gagawa ng paraan para mahalin ko
siya ng buo. I held on to his word
because I needed to. Not only because I wanted to forget about Martin, but also
I wanted to feel how to kove and be loved. Gusto ko namang maramdaman ang ako’y
mahalin, at iyon ang laging ipinararamdam sa akin ni Nhad.
Bawat araw ay naipaparamdam nito sa akin kung gaano niya ako
ka-mahal. Hindi ako nagsisisi na binigyan ko ito ng pagkakataon na mahalin ako. Nhad is the kind of person na gugustuhin
ng lahat. Material boyfriend sabi nga nila.
Sweet, Kind, seloso, matampuhin, kengkoy, at kung anu-ano pa. Lahat ng
iyon ay palaging dahilan ng paguhit ng mga ngiti sa aking labi.
“Mabait siya. Gusto ko siya.” Wika ni mama nang makaalis na
si Nhad para bumalik sa kanyang trabaho. Sinadya lang nitong dumaan sa bahay
para raw makasabay akong magtanghalian dahil alam naman nitong wala na akong
oras mamaya.
“Hindi halata.” Nakangiti kong tugon.
“At masaya akong malaman na ngayon, may isang tao na kayang
maibalik at suklian ang pagmamahal mo anak.”
Somehow her words hit me. Kay tagal kong itinali ang puso ko
sa isang pagibig na hindi naman pala kayang matumbasan ng taong tinatangi ng
puso ko. Alam kong may ibig sabihin
ang sinabi ni mama, pero pinilit kong hindi iyon bigyan ng pansin. She only
wanted me to be happy and now, I can say that somehow I am.
“Isip-bata nga lang minsan ‘yon Ma.” Gatong ko na lang rito.
“Mukha nga siyang bibo.” Nakangiti nitong wika. “Pero ang g’wapo
niya. Sayang ang lahi niya anak pero okey na rin iyon at least masaya ka.”
“Hindi naman sayang ma. Napapakinabangan naman kahit
papaano.” Pagsakay ko sa biro nito.
“Masarap ba siyang humalik anak?” Nanunuksong tanong nito.
“Ma!”
“Oh, relax lang.” Ang natatawang wika nito. “Tinatanong ko
lang naman.”
“Ma, pumasok ka na nga sa k’warto para makapagpahinga ka na.
Kung anu-ano na kasing tumatakbo sa isip mo.”
“Maya na. Pag-usapan pa natin ang boyfriend mong tsinoy.
Marami pa akong gustong malaman sa kanya mula sa ‘yo.”
“Wala akong balak magk’wento sa ‘yo. Magpahinga ka na,
malapit na rin akong matapos rito.” Tukoy ko sa mga hinuhugasang plato’t baso
na ginamit naming tatlo.
“Anak?” Tawag nito ng aking pansin. Napalingon naman ako
rito at nakita ko na naman ang nanunuksong ngiti nito. “May nangyari na ba sa
inyo ng tsinoy na iyon?”
“Ma!” Di ko maiwasang pamulahan sa tinuran nito. Walastik
talaga ang kakulitan ng nanay kong ‘to, na marahil ay namana ni Chester.
Humagalpak ito ng tawa. Na-miss ko ang ganitong kulitan
namin noon. No’ng mga panahon na mag-isa itong kumakayod para sa amin ng
kapatid ko. Ni minsan ay hindi namin nakitang nagpakita ito ng kapaguran o
nagreklamo ito sa kabila ng halos siya na lang lahat ang kumikilos para sa
amin.
“I miss you Ma.”
Natigilan ito sa kakatawa at sumeryoso ang mukha. Bumakas
ang sari-saring emosyon sa maganda’t maamo nitong mukha.
“Mas na-miss ko ang panganay ko.” Tugon nito sabay ng
kanyang paglapit sa akin at niyakap ako nito ng mahigpit. Sa muli pa’y naramdaman
ko ang init ng yakap ng aking butihing ina – isang mapagmahal na ina.
Itutuloy:
39 comments:
una ako!myk
Hahaha.. Love it! Next please :-) i soo lpve this story, pde iextend hanggang chapter 100? Ahaha joke lang...
Ivan d. :-)
morning!
I love this chapter zeke!!! Mula sa start. Love it na dumating yung mother na.
Yung kilig moment with nhad.
Yung kakulitan ng mama nya.
Sana si Nhad na lng makatuluyan ni ken. Yung tipong akala ni ken mas mahal parin nya si martin, then maghihiwalay sila ni nhad tapos maya lng naging sila na ni matt, dahil narealize ni matt nung maghiwalay sila ni ken na mahal nya ito, etc. Pero nung maging sila na ni ken, maiisip naman ni ken na mas matimbang na si nhad at namimiz na nya ito, ayan tapos may conflict na ulit. Tapos ayun sa huli eh happy ending na si Ken at Nhad. Haha!
Si matt lng walang happy ending. Lol.
--ANDY
ang galing2 pa rin tlaga, muzta n kya c matt ano nang nangyari sa kanya...
as usual next na pls....
shalom
Parang may kulang... di ko alam... parang may malaking butas sa gitna... kulang ang emosyon ng kabanatang ito... oo, naipakita naman ang pagmamahal ng ina sa anak at anak sa ina. May isang bahagi na pilit kong kapain pero wala talaga.
kay martin pa din ako.. :)
Okay, masaya na si Ken dahil kay Nhad. Si Nhat ang nanduon ng iwan sia ni Matt upang mag-isip (sa aking palagay). Ano ang papel ni Nhad sa kanya? To fill the hole that Matt left? What if Matt comes back? In reality, is it that so easy to accept him open arms and left the other person hanging bec you really love the guy no matter what? Ang swerte naman ni Matt kung gayun. Di man lang sia naghirap to win back the person (ken). Maybe Ken is too dumbass having that relationship with Nhad knowing that he still waiting for Matt even just as friends (friends?! Thats a crap!). You cannot easily changed your feelings overnight especially if its deeprooted.
As I've analyzed the flow of the story. Two, three chapters is not enough to end this story. You have to dig more to bring out the real emotions of each characters.We can only feel and reads Ken sides of story. How about Matt and Nhad? Who are they, extra? Wallpaper? Just a thought. And I dont wanna MAKE BELIEVE, I want to feel them.
I love it!!! Thanks Zek!
Kelan kaya ulit papasok sa eksena si Matt?
I'm excited!!!
Tagasubaybay
-Pat
iniimagine ko kung paano ulet susulput si matt sa buhay ni ken..hehe
ang saya naman.
Frontier
You can’t find new love when you are harboring feelings for an old love or when you are longing to be in a relationship. Love can’t be forced at will, it must be found, and that can only happen for real when our hearts and minds are free.
I think Ken keeps rehashing problems from his past feelings within his new relationship with Nhad.. hmmm. this is a clear sign that he haven’t moved on enough... Rebound I guess?
Hmmm ganda po ng chapter especially yung sweetness ni nhad pero inaabangan ko pa rin yung prolouge kung bkit nagkaganon kuya z pede bguhin n lng si nhad na lng kc he can reciprocate ken's love haist or ibigay mo n lng cya kay mr. Bartender at ng mapainum nung doom something hehe
darwin19
Atleast untiunti ng nagmove on si ken kay martin at binuksan ang puso kay nhad..............thumbs up:):):):)
nice chapter..
mabuhay ang mga ina..
God bless.. -- Roan ^^,
wow ganda ng flow ng story.. nakakakilig nman c nhad, sna akin na lng sya, haha
gusto ko din ng boyfriend material weeeehh! :p
nhad and ken ako..
matt bhala ka na sa buhay mo, naiinis ako sau kung ako bestfriend mo di na kita kakausapin forever, di ako makaget over sa ginawa ni matt
<07>
nakakatuwa si inay. hehehehehe
buti na lang parehas kami ng mama ni Ken :) hahahahaha.. kung ganyan ba naman lahat ng magulang edi sana wala malungkot na tulad natin :) support lang ng support ..
nice chapter....malinis ang pagkakasulat...i wish i had a mother like that.
i like this chapter zild. kawawa kasi si ken dun sa mga last chapter! wag n kayang bumalik si martin!?? nyahahahaha
lol maka rebound wagas
-yume whahaha epal lang
si nhad bida ngaun1
kakainggit sila ni kena t mama nya. haha
-yume
Two thumbs up..
Kuya Zilds ang ganda gnda tlg ng mga story mo.. Isa po ako sa mga silent readers nyo.. D po ako natulog madamag dahil nagmarathon po ako sa kbbsa.. Idol na po kita,hehehe.. Thank u so much po for your stories.. I hope for more stories like these!!! - Jordan of Gitnang East
Allan,
Yoh! hehe believe it or not u really got a point there and i am very well aware na hindi ko mailalabas ang lahat ng emotions nila with just 3 chapters more. Kaya nga po ng Poll Question ako kung payag ba kayo na dagdagan ko ang chapter at pumayag naman ang karamihan kaya nga masaya ako.
Dont worry. I will do my very best just to bring the emotion of characters. Alam kong mahihirapan ako but ill take it as a challenge. More conflict, more pain in the ass for me. Buy im enjoying it! HAHAHAHA
sana ganyan din ang mama ko..sana totaly matatanggap na niya ako..huhuhuh
mr. author plsss...sana si nhad na lang ang makatuluyan ni ken...plss
haist...marizhyu tlga hya na istorya hehehe...labi na yna na moment mr.author...the mother and son moment...grabe tlga mama ni Ken...hheheh
next chapter na poh mr.author...hehehe
Ayun buti naman at binigyan nya ng chance
si nhadz....
Ken and nhadz gudluck si inyo i know magbabalik si matt haha
sana me kasunod na mr. Author
#28
boom!!!! happy mother's day ang theme.. :p
parang c ram of LAIB c nhad.. :p
kakakilig super...!
astig tlga mr.author panalo.
HAPPY MOTHERS DAY everyone :)
<------ demure
Ahaha... Cute chapter..
ang cute ng chapter na to... i love his mother ang bubbly...ahaha
super nice chapter kuya zeke..two thumbs up.. :)
-Jay
nung isang araw ko pa nabasa to, kaso nawalan ng wifi dun sa tinatambayan ko, kaya hindi ako nakapagcomment. huhuhu. pero eto na, hihihi...
am starting to like nhad, pero matt-kennotz love team pa din ang bet ko, sana talaga sila ang magkatuluyan. hihihi. I can't wait sa next chapter daddy zeke. thanks dito....
...eusethadeus...
Galing. Ang ganda ng flow ng story. Next na! Hehe
blue fox
Anu n kaya nangyare Kay Martin????? Can't wait for the next chapter....
Randy
Zildjian,,, Sana magkaron ng part is Matt.. Maipaliwanag Kung bakit za nag Inom Nung magdate sina ken at nhads,, Kung bakit za nalilito..? Asan n is Matt???
Randy
.hi.goOd job.
.ngayon lang ulit nakapagcoMment kuya.bc kunuhay ha OJT.heheh.!wohoh.!astig.!walang kupas.!galing galing mo pa rin kuya.
.taga alangalang
shaks!!!sila na ni nhad!!!!!haha..surprising ha!?hehe...well,sa comments plng ng mama ni ken e tututol pba aq?haha...nkakataranta nmn magtanong mama ni ken..hihihi..
Love this chapter!^^
-monty
Post a Comment