Sunday, May 27, 2012

Make Believe Chapter 26 (Finale)



by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Kung hindi pa sinasabi sa akin ng isa kong chatter kung ilang buwan ang kanyang pinaghintay para lamang matapos mabasa ang kwentong ito ay hindi ko pa mapapansin na umabot pala ito ng tatlong buwan. Ito na ata ang pinakamatagal at pinakamahabang kwento na naisulat ko. Ang adik ko talaga. HAHAHA


Maraming salamat sa suportang ibinigay niyo sa akin hanggang sa huling bahagi ng kwentong ito. Naway ma-satisfy ko kayo sa huling chapter na ito ng Make Believe. Kita kits tayo sa susunod kong kwento! Ingat tayo lagi!!! _Zildjian


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“We’re glad na maganda ang kinalabasan ng forced leave sa’yo Kenneth.”


“Korek!Mukhang marami nga ang nangyari sa isang linggong bakasyon mo.”


“May naghatid sa kanya kanina nakita ko.”


“Sino?” Ang sabay-sabay na wika ng mga kaibigan-cum-katrabaho kong mga tsismoso at tsismosa.


Ngingiti-ngiti lang akong ipinagpatuloy ang pagkain sa paborito naming kainan –ang 24 hours na Mcdo. At hindi pilit ang ngiting iyon dahil muli na naman bumalik ang alaala namin ni Martin sa lugar kung saan ako lumaki. Ang ginawa nitong pakikipag-ayos sa kanyang mga magulang na talaga namang ikinagulat ko. Ang araw-araw nitong pagpunta sa bahay para lamang makipagkulitan upang ma-diver t ang isip ko sa pag-iisip ng kung anu-ano na lalong magiging dahilan ng paglala ng aking dinadalang karamdaman.


Walang araw simula ng bigyan ko siyang muli ng karapatang makalapit sa akin na hindi nito pinaparamdam sa akin ang kanyang pagmamahal. Natutuwa ako s’yempre, taon din ang pinaghintay ko para lamang maramdaman ang lahat ng iyon. Kung tutuusin halos nagawa na namin lahat ng ginagawa ng isang magkasintahan. Ang kumain ng magkasabay, magpalitan ng matatamis na ngiti, maghalikan at higit sa lahat ang magtalik. Pero gayon pa man,hindi ko parin kinukumpirma sa kanya ang relasyon namin. May mga bagay pang gumugulo sa isipan ko kaya minabuti ko nalamang na hindi i-commit ang sarili ko sa kanya hangga’t hindi ko pa natatapos ang kung anumang dapat kong tapusin.


Nang ibaling ko ang aking tingin sa biglang natahimik na mga kaibigan ko ay nagtatanong na mga tingin ang nakaplastar sa mga mukha nito habang nakatingin sa akin. Si Rachalet at Chelsa ay tinaasan pa ako ng kilay.


“Spill it out Kenneth. Ano ang nangyari sa bakasyon mo sa inyo at sino ang naghatid sa’yo kanina?” Wika ni Rachalet.


“Subukan mong ngitian lang ulit kami at ipapalsak ko sa bibig mo itong hamburger ko.” Ani naman ni Chelsa.


“Si Matt.” Pinili kong sabihin nalang sa kanila ang totoo tutal alam ko namang hindi rin magtatagal at malalaman din naman nila iyon. “Siya ang naghatid sa akin kanina.”


Napakunot ang noo nina Jay at Rex habang ang dalawang babae naman ay hindi naniniwalang tingin ang ibinalik sa akin.


“Tingnan mo ang mga to, magtatanong-tanong kayo tapos hindi niyo ako paniniwalaan.” Ngingiti-ngiti kong sabi.


“So, si Matt nga iyon.” Kapagkuwan ay tatango-tangong wika ni Jay. “Sabi sa inyo, eh.”


“Kayo na ba ulit?” Nang-iintrigang tanong ni Chelsa.


“Malamang sila na. Papayag ba siyang ihatid ni Matt kung hindi pa sila. Kilala natin itong si Kenneth, likas sa kanya ang pagiging pa-hard to get.”


“Hindi kami.”


“Ows?”Ang nagkakaisang reaksyon ng mga ito.


“Hindi pa p’wedeng maging kami.”


“Bakit naman?” Takang tanong ni Jay ang lalaking likas ang pagiging tsismoso.


Ngiming ngiti ang ibinalik kong sagot rito. Mukha namang naintindihan nila ang hindi ko pagbibigay ng komento patungkol sa bagay na iyon. Marahil alam na rin ng mga ito kung ano ba talaga ang dahilan ng alinlangan ko.






Natapos ang shiftko sa araw na iyon. Bumalik na ulit ang gana ko sa pagtatrabaho hindi lang dahil kahit papaano ay unti-unti na akong nakakabawi sa mga mapapait na nakaraan, kung hindi dahil na rin sa katotohanang kailangan rin ng pera ng mga taong iniwan ko sa amin. Nangako ako kay mama bago umalis na pag-iigihan ko ang pagtratrabaho para sa kanila ng kapatid ko. Iyon lang ang nakikita kong paraan para maibalik ko kahit papaano ang pagmamahal nito at pag-iintindi sa akin.


“I’ll be waiting here outside your office. I love you.” Napangiti ako ng mabasa ang text na iyon galing kay Matt.


“Aba, may nagpangiti agad sa kanya.” Untag sa akin ni Jay. “Sasabay ka ba sa aming umuwi?Gusto ng dalawang demonyita na dumaan sa coffee shop.”


“N-Nasa labas na si Martin, eh.” Ang may himig ng hiya kong sabi habang napapakamot sa aking ulo.


“Wow! May hatid-sundo ka na pala.”Nanunukso naman nitong balik. “Why don’t you invite him then to join us? Mas marami, mas masaya. Makikilala pa namin siya ng personal.”


Alam kong palakaibigan itong si Jay pero alam kong may ibang ibig sabihin ang ngiti nito. Mukhang kay Martin niya kukunin ang impormasyon na hindi nila nakuha sa akin. Paniguradong masasalang si Martin sa interrogation 101 ng mga ito.


“’Wag kanang mag-attempt na tumanggi Ken, hindi ka makakalusot sa amin alam mo ‘yan. C’mon, we just wanted to personaly meet your special someone. Wala kaming gagawing hindi mo magugustuhan, promise.”Kakaiba talaga ito kapag inataki ng kanyang pagiging makulit. Hindi ito napipigilan ng kahit na sinuman.


Hindi na ako nakatanggi pa rito nang dumating na rin ang iba pa naming kaibigan. Excited ang dalawang demonyita nang sabihin ni Jay sa mga ito ang kanyang plano. Napapailing nalang akong nagpatiuna palabas ng building namin.


Nangyari nga ang group lunch na iyon. Pati si Martin ay walang nagawa sa pagiging mapilit ng mga ito. Dinala kami ni Jay sa isang eat-all-you-can na restaurant. A perfect place parasa gagawin nilang interrogation. Mas maraming pagkain, mas matagal na usapan ang magaganap.


“So, bestfriends kayo nitong si Kenneth mula pa no’ng college?” Ang pagsisimula ng pang-uusisa ni Rachalet kay Martin.


“Yeah, since 1st year college.”


“At sabay kayong pumunta rito sa amin para maghanap ng trabaho?” Dagdag naman ni Jay.


“Partly yes, pero may isa pa kaming dahilan noon kung bakit kami napadpad dito. Pero hindi ko pinagsisisihan na napadpad kami sa lugar na ito ng bestfriend ko, dahil dito ko natutunang mabigyan ng pansin ang taong siya pala’ng hinahanap ng puso ko.” Mahabang tugon ni Martin sa mga ito habang sa akin nakatingin.


Nagpalitan ng makakahulugang tingin at ngiti ang aking mga kaibigan at sabay-sabay pa silang napatango na animo’y may kung anong nakumpirma ang mga ito.


“So, this time hindi mo na siya sasaktan?” Hindi nagtatanong ang tono ng boses ni Rachalet kung hindi nang-aakusa.


“Racha ––” Ang tangkang pagpigil ko sana ngunit maagap akong pinigilan ni Martin sa pamamagitan ng pag-abot nito sa aking kamay.


“I understand whereyou are coming from. I didn’t mean to hurt him. When I found out about my feelings for Ken, the realization shocked the hell out of me, and I admit, it made me confused. I have to give myself a time to thinkkung ano ba talaga sa akin ang bestfriend ko. Gusto ko munang makasigurado sa nararamdaman ko. Offering a confused me would be unfair for Kenneth.”


Parehong napatango si Rex at Jay na para bang nakuntento na ang mga ito sa naging sagot ni Martin subalit ang dalawang babae kong kaibigan naman ay mukhang hindi pa kumbinsido sa mga narinig nila. Naiintindihan ko naman ang pag-aalala ng mga ito para sa akin. Alam ko rin naman kasing hindi lang ako ang naapektuhan sa lahat ng mga nangyari sa akin.


“Tanggap ko ang mga pagkakamali ko noon at handa akong itama ang lahat ng iyon para lang sumaya ang taong lubos kong pinahahalagahan. ” Dagdag pang wika nito na sinamahan pa niya ng mabining pagpisil sa hawak parin nitong kamay ko.


Muli kong naramdaman ang kakaibang pagtibok ng aking puso na para bang umabot doon ang sinseridad ng mga sinabi ni Matt . Ginantihan ko ang ginawang pagpisil nito sa aking kamay na hindi naman nakatakas sa mabibilis na mga mata ng aking mga kaibigan.


“Nakakasama ng loob.” Kapagkuwan ay wika ni Chelsa. “Halos lahat na ng g’wapo sa mundo ay g’wapo na rin ang hanap. Pero masaya ako para sa’yo Ken, promise! And to you handsome, you better take good care of our friend kung hindi, ipapakulam kita.”


“I will.” Nakangiting tugon ni Matt rito na sinamahan pa niya ng pagtaas ng kanyang kamay na para bang nanunumpa.


Nabaling ang tingin naming lahat kay Rachalet na tahimik parin.


“Sweety?” Untag ni Rex dito.


Ngumiti ito sa akin bago binalingan si Matt.


“Just make him happy at magkakasundo tayo.” Sa wakas ay wika nito kay Martin na nilakipan pa niya ng isang matamis na ngiti.


Naging masaya ang mga sumunod na mga pangyayari sa tanghalian naming iyon. Napuno ng tuksuhan at tawanan ang mesa namin sa pangunguna ni Chelsa at ang mga polluted na banat nito. Ikinatuwa ko rin ang madaling pagtanggap ng mga ito kay Martin. Pero may isa akong napapansin kay Rachalet, may kung ano itong iniisip sa likod ng mga tawa nito. Hindi ko nalang muna iyon binigyan ng pansin para na rin hindi ko ma-spoil ang lahat.


Matapos ang lunch na iyon ay sabay-sabay naming tinungo ang pinagparkingan ng mga sasakyan na dala namin. Magpapaalam nalang sana kami sa isa’t isa nang biglang magsalita si Rachalet.


“P’wede ba kitang makausap Martin? I just wanted to have a word with you.” Nakangiting wika nito.


“Sure.”


May pagtataka ko silang sinundan ng tingin habang papalayo sa amin.


“’Wag kang masyadong mag-aalala sa sasabihin ni Rachalet. Isipin mo nalang na ito ang tulong namin para sa inyong dalawa.” Nakangiting wika ni Jay.


“Tulong?Anong tulong?” ‘Di ko maiwasang maitanong. “Bakit pa nila kailangang lumayo?”


“Just trust us, okey?” Wika naman ni Chelsa.


Nang makabalik na ang dalawa ay parang wala namang nagbago. Pareho silang nakangiti pero may kung ano akong nakitang kakaibang takot sa mga mata ni Martin. Nang tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan nito ay sinubukan ko siyang tanungin kung ano ang sinabi sa kanya ni Rachalet. Pinaalalahanan lang daw siya nito subalit malakas ang kutob kong hindi iyon totoo. Pansin ko ang takot na nagkukubli sa mga mata nito na talagang bumagabag sa akin.






Dumating kami sa apartment ni Martin kung saan doon ito pansamantalang tumutuloy. Kinausap nito ang may-ari kung p’wederaw ba siyang mangupahan ulit kasama ko sa isang kwarto dahil kahit nagbakasyon si Lantis sa probinsya ng yaya nito ay ito parin ang umuukupa sa isang kwarto ng apartment kaya hindi na iyon libre. Hindi naman nahirapan si Martin na kumbinsihin ito dahil nadala nito sa pagpapa-cute ang pobreng matanda.


Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ay doon ko ito kinumpronta.


“May inililihim ka ba sa akin Martin?” Sinadya kong salubungin ng tingin ang mga mata nito para hindi na ito makapagsinungaling pa.


“W-Wala.” Tugon nito na agad na umiwas ng tingin. “Magpahinga na tayo. Alam ko inaantok kana.”


“Ano iyon Martin?” I asked demandingly.


“Ken...”


“I know something is bothering you at nasisiguro kong dahil iyon sa sinabi ni Rachalet.”


Muli ko na namang nakita ang takot sa mga mata nito.


“Kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo, ako mismo ang magtatanong kay Rachalet.” Kapagkuwan ay wika ko at akmang lalabas na ako ng k’warto nang pigilan ako nito.


Mahigpit ako nitong niyakap mula sa aking likuran. Dama ko ang malakas na pintig ng puso nito na lalo kong ikinabahala.


“Nasa hospital si Nhad, Ken.” Ang halos pabulong nitong sabi.


Ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko sa mga narinig.


“B-Bakit siya nasa hospital?” Ang kinakapos sa hangin kong naisambit.


Hindi agad ito sumagot sa akin dahilan para tanggalin ko ang mga nakayakap nitong kamay sa akin at hinarap siya.


“Bakit siya nasa hospital Matt?” Pag-uulit ko. “Anong nangyari kay Nhad?”


“N-Naaksidente siya habang nagmamaneho na lasing na lasing.”


Nagulantang ako sa nalaman. Doon na tuluyan kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Lantis na pagwawala ni Nhad at ang pagkaaksidente nito ay marahil dahil sa nangyari sa amin. Muli akong inalipin ng konsensya ko.


“Nhad....”


Maagap akong naalalayan ni Martin nang tuluyan ng bumigay ang aking tuhod. Magkahalong pagod, antok at pagsisisi ang bumalot sa buo kong katawan. Inalalayan ako nito hanggang sa aking kama at doon maingat na iniupo.


“Kaya ayaw kong sabihin muna sa’yo ang lahat ng ito, eh.” Ang tila paninisi nito sa kanyang sarili. “Dahil alam kong hindi makakabuti sayo ang lahat.”


“P-Puntahan natin siya Matt.”


“Ken?”


“Kasalanan ko ang lahat ng ito Matt. Puntahan natin siya.”


“Pero hindi makabubuti para sa ‘yo ang makita siya ngayon, baka lumalala ang sakit mo.” Punong-puno ng pag-aalalang wika nito.


“Nasa hospital si Nhad dahil sa akin. Kaialangan ko siyang makita masiguro lang na okey siya. Please Matt.”




Martin




Habang tinatahak namin ang daan papunta kung saan naka-confine si Nhad ay hindi ko mapigilang hindi mag-alala para kay Kenneth. Matapos nitong mapagpasyahang puntahan ang dati nitong kasintahan ay hindi na ulit ito nagsalita. Tulala lamang itong nakaupo sa may passenger seat.


Sinubukan kong abutin ang kamay nito pero laking pagkadismaya ko nang ilayo lamang niya iyon sa akin. Napilitan akong itabi ang sasakyan.


“Ken, galit ka ba sa akin dahil hindi ko agad sinabi sa ’yo kanina ang lahat?”


Umiling lamang ito kasabay ng pagpatak na naman ng mga luha nito. Pagkahabag ang naramdaman ko habang nakikita itong gano’n at ang masakit pa ay wala akong magawa dahil alam ko, na kung hindi sana dahil sa akin ay hindi ito magdurusa ng ganito. Pero, nangako ako sa kanya na magpapakatatag ako para sa amin at ngayon ko na maipapakita ang katatagang iyon sa pamamagitan ng hindi pagbitiw rito sa ganitong mga sitwasyon.


“Please don’t cry.” Pang-aalo ko rito kasabay ng pagpahid ko sa mga luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi nito.


“Paano kung hindi ko makayanan ang lahat ng p’wede kong makita at marinig?”


“Kung hindi mo kayanin ang lahat, nandito lang ako para alalayan ka. Hindi na ulit kita iiwan tulad noon Ken, pangako.”


Napayakap ito sa akin. Ramdam ko kung gaano kabigat ang dinadala nito ngunit pinili kong huwag magpaapekto. Ngayon ako kailangan ng taong pinahahalagahan at minamahal ko at ngayon, hindi ko na siya bibiguin pa.


“Maraming salamat Matt, sana matapos na ang lahat ng ito. Gusto ko nang tuluyang sumaya.”


Parang piniga ang puso ko sa huling mga sinabi nito. He just wanted to be happy subalit isang bahagi ng nakaraan niya ang hindi pa niya tuluyang napapakawalan at iyon ay si Nhad, habang patuloy siyang inuusig ng kanyang konsensya ay hindi siya magiging masaya.


“Hangga’t hindi napapakawalan ni Kenneth ang sarili niya kay Nhad, hindi mo siya mapapasaya Martin. Alam naming mahihirapan si Ken kung mag-isa niyang haharapin si Nhad but you’re here now. Help him to let go of the past so he can truly be happy with you.”


Iyon ang mga huling salitang binitiwan sa akin ni Rachalet kanina. Aaminin kong ikinatakot ko ang lahat dahil sa karamdaman ni Ken pero mukhang tama siya, hindi ko p’wedeng hilinging kalimutan na lang ni Ken ang lahat.


Nang makalma ito ay muli kong pinaandar ang sasakyan. Siguro, ito na nga ang tamang pagkakataon para tuluyang harapin ni Ken ang bangungot niya. Oo nga’t p’wedeng maging dahilan ito ng paglala ng sitwasyon ni Ken pero nandito na ako ngayon. Anuman ang mangyari, hinding-hindi ko bibitawan at pababayaan ang taong pinakamamahal ko.


Dumating kami sa hospital kung saan naka-confine si Nhad. Agad kong tinungo ang reception area para doon itanong ang mismong room nito. Hindi naman kami nabigo at napag-alaman naming nasa third floor ito.


Habang papalapit kami sa room ni Nhad ay lalong humihigpit ang pagkakahawak ni Kenneth sa akin. Naiintindihan ko ang takot na nararamdaman nito at kaba sa mga oras na iyon kaya naman ipinadama ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.


Huminto kami sa tapat ng room 301 – ang room kung saan naroon si Nhad.


“Tandaan mo, narito lang ako sa tabi mo okey?” Pagpapalakas ko ng loob nito. Marahan naman itong tumango at nagpakawala ng isang buntong-hininga. Akmang kakatok na sana ako nang pigilan ako nito. Bakas na naman ang ibayong kaba at takot sa mga mata nito.


Kinantilan ko siya ng halik.


“Eveything will be okey.” Ang wika ko sa kanya.


Nang makapasok kami ng tuluyan sa silid ni Nhad, ay agad na nahagip ng mga mata ko ang nakaratay nitong katawan. May benda ang ulo nito pati ang kaliwang braso. Hindi rin nakatakas sa akin ang nangingitim na parte sa may noo nito.


Parang nabigla pa ito nang makita kami. Agad na bumakas ang galit sa mga mata nito nang mabaling ang tingin niya sa akin.


“Anong ginagawa mo rito?”


“Nhad..” Ang mahinang sambit ni Ken sa pangalan nito.


“Bakit mo siya sinama rito Ken?Gusto mo ba talaga akong saktan ng husto? Hindi pa ba sapat sa ’yo ang pasakit na ibinigay mo sa akin?” Punong-puno ng panunumbat na wika nito.


“Pare, nagpunta kami rito para dalawin ka at humingi ng tawad sa kung anumang naging atraso namin sa ‘yo.”


Bumitiw si Ken sa pagkakahawak sa akin at agad nitong nilapitan si Nhad.


“Nhad, I am so sorry.”


Gusto kong pumikit na lang sa mga oras na iyon. Hindi ko kayang makita ang taong pinakamamahal ko na umiiyak at bakas ang sobrang pagsisisi. Oo, naawa rin ako sa sinapit ni Nhad, pero tulad nito masyado ring naapektuhan si Ken na halos ikabaliw pa nito.


“Hindi ko sinasadya ang lahat Nhad.Hindi ko sinasadya ang saktan ka.”


“Ken...”


“Aaminin ko, inakala ko noon na handa na akong subukang magmahal ulit ng iba kaya pinagbigyan ko ang sarili kong mahalin mo. Inakala kong kaya ko nang maibigay ng buo ang sarili ko sa ibang tao pero hindi pa pala. Maniwala ka, hindi ko sinasadya ang lahat.”


“Sana hindi mo na lang ako sinagot noon.” Kapagkuwan ay wika nito walang mababakasang emosyon sa mga mata nito. “Sana hindi mo na lang ako pinaasa na minahal mo rin ako.”


“Minahal kita Nhad.”


“Pero hindi sapat para makalimutan mo ng tuluyan ang nakaraan mo kay Martin.” Ramdam ko ang ibayong paninibugho sa boses nito.


“Hindi ko sinasadya. Inakala kong sapat na ang nararamdaman ko sa ’yo noon para makalimot sa nakaraan ko pero mali ako. S-Siya pa rin pala ang mahal ko. Tanging siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko. Patawarin mo sana ko Nhad! Patawad … !”


Batid kong nasaktan ito sa mga huling salitang binitiwan ni Ken. Doon ko napagtanto kung gaano nito minahal ang taong siya ring pinili ng puso kong mahalin. Nakaramdam ako ng awa para rito at galit para sa sarili ko. Dahil sa karuwagan ko noon ay dalawang tao ang nasaktan ko.


“Nhad pare” Pagtawag ko sa pansin nito. Bumaling naman ito sa akin dahilan para tuluyang dumaloy ang luha sa mga mata nito. Luha ng sakit at pagkabigo.


Dahan-dahan akong lumuhod.


“M-Matt, anong ginagawa mo?” Agad na lumapit sa akin si Kenneth.


“Sorry.” Hindi ko nagawang salubungin ito ng tingin, hindi dahil ikinahihiya ko ang ginawa kong pagluhod sa harap nito kung hindi nahihiya ako sa pasakit na ginawa ko sa kanilang dalawa. “Naging selfish ako. Hindi ko inisip na masasaktan pala kita ng husto sa gagawin kong pagbawi kay Kenneth sa ‘yo. Sa kagustuhan kong makabawi at maipadama ang pagmamahal na matagal ko nang dapat ipinagkaloob sa kanya, hindi ko na nabigyan ng pansin ang mga taong p’wede kong masagasaan.”


“Matt, tama na ‘yan.Hindi mo kailangang gawin ‘to.” Sinubukan akong itayo ni Kenneth pero nanatili pa rin ako sa posisyon ko.


Nag-angat ako ng tingin.


“Pare, pinagbayaran na ni Kenneth ang lahat. Nagmamakaawa ako sa ’yo, pakawalan mo na ang galit mo sa kanya. Patawarin mo na siya wala siyang kasalanan.”


Mula sa akin ay nabaling ang tingin nito sa lumuluha pa ring si Ken at sa muli, isang luha ang kumawala at dumaloy sa pisngi nito.


“Mahal kita Ken.”Kapagkuwan ay wika nito. “Pero siguro, kailangan ko na ring bitiwan ang pagmamahal ko sa ’yo para tuluyan na tayong matahimik. Hindi ko gusto ang pahirapan ka, ang gusto ko lang naman ay mahalin mo rin ako pero sa tingin ko hindi na talaga mangyayari pa iyon. Noon, galit ako sa ’yo dahil inakala kong ginamit mo lang ako. Pero tama si Martin, wala kang kasalanan sa mga nangyari sa atin.”


“Tuluyan kong pinaniwalaan ang mga kasinungalingan ko sa sarili ko noon. From the start alam kong hindi lang bilang isang kaibigan at kasama sa apartment ang tingin mo kay Martin. The first night that we had dinner together was also the night I started to deny the truth about how you feel towards him. I made myself believe that the pain I saw then in your eyes at the apartment when we saw Martin and his friends, wasn’t true at all.”


“Nhad...”


“I took advantage on the situation no’ng iwan ka ni Martin. Gano’n ako naging desperadong makuha ka. I wanted you to need me so you can eventually love me, pero nagkamali ako. True, I made you need me, yet I failed big time making you finally love me.”


“I’m sorry Nhad. I really am!” Punong-puno ng emosyong tugon ni Ken.


Pinilit nitong ngumiti.


“Martin pare, alagaan mo siya. Siguraduhin mong lagi siyang kumakain ng tama para hindi siya mangayayat.”


Sa sinabi nitong iyon ay muli siyang nilapitan ni Ken at mahigpit na niyakap kasabay naman noon ang pagbukas ng pintuan at iniluwa ang lalaking punong-puno ng pagtatakang nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi magtataka kung may mabubungaran kang nakaluhod at nag-iiyakan sa loob ng isa sa mga k’warto ng hospital. Agad akong tumayo.


“Anong meron dito? Nagtatakang pag-usisa nito.


“Wala. Anong ginagawa mo rito?” Ang tila asar namang wika ni Nhad.


“Dinadalhan ka ng pagkain para hindi ka tuluyang mamatay sa gutom. Sayang naman kasi ang lahi mo.” May kaangasan ding sabi ng lalaking bagong dating.


Doon na kumawala si Ken sa pagkakayakap kay Nhad at nang makita nito ang lalaking bagong dating ay bumakas ang pagtataka sa mukha nito.


“Di ba ikaw si … ‘yong bartender sa bar? Anong ginagawa mo rito?”


“Ako nga ho sir, kamusta kayo? Wala naman, minalas lang na ako ang nakakita sa aksidenteng kinasangkutan niyang kaibigan niyong suicidal kaya heto, na-obliga pa tuloy akong dalaw-dalawin siya.”


“Hindi ko hiniling sa ’yo na bisitahin mo ako rito.” Asik naman ni Nhad.


“Suicidal ka na nga arogante ka pa.”


Palipat-lipat kami ng tingin sa dalawang nagbabatuhan ng salita. Hindi ko kilala ang lalaking ito pero nasisiguro kong may kung ano sa dalawang ito na pareho nilang ayaw ipakita.


“Heto grapes, pinaghirapan ko pang bilhin ‘yan matahimik lang ang kaluluwa mo kung sakali.”


“Sa ’yo na ‘yang grapes mo!”


“’Di ‘wag! Ako na lang ang kakain nito.”


Nang magsalubong ang aming tingin ni Ken parehong sumilay sa amin ang nakakalokong ngiti. Mukhang naamoy rin nito ang kahihinatnan ng dalawa.


“Ken, sipain mo nga palabas iyang hambog na yan!”


“Kung may dapat sipain dito palabas ikaw iyon, ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong masungit!”


“Ewan ko sa ‘yo!”


“Ewan ko rin sa ‘yo!”


“Teka teka! Awat ni Ken sa mga ito. “Magkaaway ba kayo?”



“Oo!” Magkasabay na wika ng dalawa.






Sabado, apat na araw ang lumipas at nakalabas na rin ng tuluyan si Nhad sa hospital. Tuluyan na itong ini-realease ng doctor na sumusuri sa kalagayan nito nang masiguro na okey na ang lagay nito. Napag-alaman din namin na sa hospital rin palang iyon nagtratrabaho si Nhad bilang Nurse. Kaya naman todo asikaso rito ang mga katrabaho nito.


Natapos rin ang bangungot ni Kenneth sa nakaraan niya. Matapos ang tagpong iyon sa hospital ay tuluyan na ngang napakawalan nito ang bangungot ng nakaraan. Malaki ang naitulong ni Nhad para maibalik ang dating bestfriend ko na ngayon ay opisyal ko nang kasintahan. Yeah, sa wakas ay tinanggap na rin ako nito sa puso niya dalawang araw matapos ang eksena sa hospital. Natapos rin ang mga unos sa buhay namin at nagawa ko ring maibalik sa dati ang masayahin at mapagmahal na si Kenneth.


“Oh, handa na ba ang mga gamit mo?” Nakangiti kong bungad sa kanya. Kasalukuyan itong nag-iimpake ng mga damit na dadalhin niya pauwi sa amin.


Sa tulong ng mga kaibigan nito ay nakahingi ito ng dalawang araw pang extension ng leave of absence sa trabaho, kung paano ginawa iyon ng mga kaibigan niya ay ‘yon ang hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay si Jay ang naka-isip ng ideya para mabigyan kami ni Ken ng sapat na oras na kami lang.


“Ito na, tapos na.”


Agad kong kinuha mula sa kanya ang backpack na pinaglagyan niya ng mga dadalhing damit.


“Ako na ang magdadala nito.” Nakangiti kong wika sabay ng isang nakaw na halik sa labi nito.


“Ginawa mo naman akong baldado. Kaya ko namang dalhin yan.” Ngingiti-ngiti nitong sabi.


“Preserve mo na lang ang energy mo para mamaya pagdating natin sa atin ma-enjoy mo ng husto ang gagawin ko sa ’yo.” Pilyong wika ko sa kanya.


“At ano naman iyon?”


“Secret!”


“Sus, pustahan kahalayan ‘yan.”


“Sure, pupusta ako kahit alam kong talo ako.” Nakangisi kong tugon.


“Sabi na nga ba.” Napapailing nitong sabi subalit hindi pa rin mapalis ang ngiti nito. Ito ang dating Kenneth na kilala ko – ang Kenneth na nakikipagsabayan sa akin ng asaran.


Hinapit ko ito papalapit sa akin at binigyan ito ng masuyong halik. Hindi naman ako nito binigo dahil gumanti ito ng halik sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan na sa isang lalaki ko mararanasan ang pinamasarap na halik sa buong mundo.


“Sarap.” Ang nakangiting wika ko. “I love you.”


“I love you too. Tara na, baka saan na naman mauwi itong pahalik-halik mo sa akin.”


“Yes boss!”


Sa loob ng tatlong oras na biyahe ay hinayaan ko itong matulog. Katatapos lang kasi ng shift nito sa araw na iyon at nasisiguro kong pagod ang katawan nito sa magkahalong antok at stress bunga ng kanyang trabaho. Gusto ko man na magresign na lamang ito at samahan na lang akong i-manage ang itatayo naming negosyo ni kuya Claude ay hinayaan ko na lang siya. Nakikita ko kasi ang dedication niya na suportahan ang kanyang mama at kapatid sa sarili niyang sikap. Tutal, mukha namang na-eenjoy nito ang trabaho kasama ang mga kaibigan niya kaya sinuportahan ko na lang din siya.


Habang panaka-naka ko itong pinagmamasdan sa mahimbing na pagkakatulog ay hindi ko maiwasang mapangiti. Totoo nga ang sabi nila na kapag mahal mo ang isang tao hindi mo pagsasawaan ang pakatitigan ito.


Dumating kami sa lugar kung saan kami parehong lumaki ni Kenneth. Dito sa lugar na ito balak kong simulan ang buhay bilang kasintahan ng dati kong bestfriend at gagamitin ko ang leave na nakuha nito para ma-solo ko siya sa unang apat na araw sa bagong relasyon namin.


“Saan na tayo?” Pupungas-pungas nitong tanong.


“Nasa teritoryo na natin.” Nakangiti kong tugon. “Daan muna tayo sa bahay para kunin ang mga gagamitin natin sa para sa camping. Ipinahanda ko na rin ang tent natin.”


“Ikaw ang bahala, basta nagugutom ako.” Ani nito at muling sumandal sa naka-recline na passenger seat.


“Idlip ka na lang muna boyfie.” Ngingiti-ngiti kong sabi.


Kita kong napadilat ito at napatingin sa akin. Puno ng amusement ang mata nito.


“Si Kuya Claude kasi ang tawag niya kay Kuya Lance ay misis. Naisip ko, hindi naman maganda kung gagaya tayo sa tawagan nila kaya gagawa na lang ako ng sariling atin.” Nakangisi kong wika.


“At boyfie ang naisip mo?” Ang halos nagpipigil nitong matawang sabi.


“Subukan mong tawanan ang tawag ko sa ‘yo at hindi kita pakakainin.”


Tuluyan na nga itong bumingisngis na ikinasimangot ko naman.


“Boyfie.” Pag-uulit nito “Ang cute. Kasing cute mo kapag tulog.” May bahid ng pang-aasar nitong sabi.


“Mukhang ayaw mo naman, eh. Minsan na nga lang akong magpakabaduy binara mo naman agad.”


Mabilisan ako nitong ginawaran ng halik sa pisngi.


“Gusto ko.” Ang malambing nitong wika na nilakipan pa niya ng isang napakatamis na ngiti dahilan para mawala agad ang pagtatampo ko. Ganito na talaga ito dati pa. Madali nitong napapalis ang inis ko kapag napipikon ako sa mga biro niya.


“Kiss mo pa ako para di na ako magtampo.” At muli nga nito akong hinalikan na may kasamang tunog pa. Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang tibok ng aking puso na tanging ito lang ang nakakagawa.


Siya nga ang taong mahal ko. Naisambit ko sa aking isipan dahilan para mapangiti ako. Ngayon, naniniwala na ako na totoong may tamang panahon at oras para sa dalawang pusong nakatakda para sa isa’t isa. At marahil, sinadya ng tadhana na paglapitin kami noon pa man para siguro matutunan ko kung papaano pasasayahin ang taong nakatakda para sa akin.


“Boyfie, gising na.” Untag ko sa kanya. “Narito na tayo.”


Pupungas-pungas itong umayos ng upo.


“Kakain na ba tayo?” Halatang gutom na ito.


“Yep, hinihintay na tayo ni Mama sa loob.”


Nang pareho kaming makababa ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng aking ina. Agad nitong nilapitan si Kenneth at binigyan ng halik sa pisngi bago bumaling sa akin.


“Anak, naipahanda ko na ang mga dadalhin niyo. Kenneth iho, halika sa loob pinagluto ko kayo ng masarap na tanghalian bago man lang kayo pumunta sa balak niyong puntahan.”


“Kanina pa nga iyan nagrereklamo na nagugutom na siya Ma.” Ngingiti-ngiti kong sabi. Ikinatutuwa ko ng lubos ang mainit na pagtanggap ng mga magulang ko kay Ken at syempre sa pagtanggap ng mga ito sa bagong relasyon namin.


Sa hapag, hindi ko mapigilan ang mapangiti habang todo asikaso si Mama sa pagpapakain kay Ken. Talo pa ako nito sa pag-aalaga sa kasintahan ko na halatang hiyang-hiya at pilit inuubos ang mga pagkaing si Mama mismo ang naglagay sa plato nito. Hinayaan ko na lang ito dahil batid kong iyon ang pagpapakita niya ng pagbawi kay Ken sa maling pagtrato nila rito noon.


Matapos naming mananghalian sa bahay ay agad na kaming dumiretso sa lugar kung saan kami magca-camp. Isang lawa sa gitna ng dalawang burol ang pinuntahan namin. Ito ang lugar kung saan noon, lagi naming pinupuntahan nina Ken kapag napagti-tripan naming mag-nature trip. Kinailangan pa naming maglakad para lamang marating ang campsite na iyon na pinasikat ng mga mountaineers.


Bakas ang pagkamangha ni Kenneth sa lugar, sa aming magkakaklase ito ang mahilig sa mga gano’ng klaseng trip.


“Mas lalo ‘atang gumanda ang lugar na ito.” Kapagkuwan ay wika nito habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar.


“May nangangalaga na kasi rito.” Nakangiti kong tugon. “Hindi na basta-basta pinapayagan ang mga taong mag-camp rito hanggat wala silang permiso sa kapitan ng barangay sa baba.”


“Mas maganda nga iyon para hindi mababoy ng husto ang lugar. Yung iba kasi, walang disiplina. Kung saan-saan na lang iniiwan ang mga kalat nila.”


“Bagay sa ‘yo ang mag-apply sa DENR.” Patawa kong sabi.


“Doon ko talaga balak mag-apply.” Pagsakay naman nito at nilakipan pa ng nakakalokong tawa. “Itayo na natin ang tent bago pa tuluyang dumilim.”


Wala kaming sinayang na oras. Matapos naming maitayo ang tent ay agad kaming lumusong sa napakalamig na tubig-lawa. Hindi kami magkamayaw sa kulitan at lambingan habang naliligo. Nang malapit nang kumagat ang dilim ay sinimulan naman naming maghanap ng mga gagamitin namin para sa bonfire. Para lang kaming nasa isang honeymoon sa isang lugar kung saan malaya naming nagagawa ang mga gusto naming gawin ng magkasama.


“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito.” Ang wika nito habang nakaupo ito patalikod sa akin at ako naman ay nakayap mula sa likod nito. Magkasama naming pinagmamasdan mula sa loob ng tent ang bonfire na ginawa namin.


“ Ang alin?”


“Lahat ng ito. Ang pagkakayakap mo ngayon sa akin. Ang pagkakalapit ng mga balat natin. Ang mga halik mo. Ang pag-iisa ng mga katawan natin at ang pagmamahal mo.”


“Totoo ito.” Lalo kong hinigpitan ang pagkakayap ko sa kanya. “Ang mga nangyari kanina ang magpapatunay na hindi panaginip ang lahat ng ito dahil hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bawat haplos at halik na ginawa mo sa akin.”


Sumandal ito sa aking dibdib.


“Salaamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin Matt.” Ramdam ko ang sinseridad sa boses nito.


Pinaharap ko ito sa akin at ginawaran ng isang halik. Isang halik na magpaparamdam sa kanya ng lahat ng nararamdaman ko sa mga oras na iyon.


“Wala iyon. Gusto ko lang na maging masaya ka sa akin hindi lang para mapatunayan ko sa ’yo na hindi pagkakamali na ako ang minahal mo, kung hindi dahil  masaya ako kapag napapasaya kita.”


“Ang baduy mo na ngayon, ah.” Biglang wika nito na nilakipan pa niya ng isang nakakalokong ngisi.


Imbes na magpaapekto sa ginawang pambabara nito ay muli kong inangkin ang labi niya at masuyo iyong hinalikan. Nang gumanti rin ito ng halik sa akin ay muli ko na namang naramdaman ang kakaibang pagpintig ng aking puso making me believe that everything is real and the person I’m kissing right now is the same person who truly owns my heart.


“Lahat ng tinatamaan ng pana ni kupido nagiging baduy, boyfie.” Ang nakangiti kong wika nang maghiwalay ang aming mga labi.


“Saang libro mo naman nabasa iyan?”


“Sa akin na lang iyon.” Ngingiti-ngiti kong sabi.


Napangiti rin ito.


“I love you Matt.”


“I love you too.” At muli naming ipinaramdam ang pagmamahal namin sa isa’t isa.


Tunay ngang marami tayong mga kamaliang nagawa, nagagawa at patuloy na magagawa pa sa hinaharap dala na rin siguro ng sari-saring takot, pagdududa, at sa ating angking kahinaan, subalit bago pa tayo tuluyang magupo at matupok ng ating mga pangamba at mga takot sa buhay, at hayaan itong tuluyang sirain ang kung anumang meron tayo sa ngayon, pag-isipan natin ang bawat bagay na ating gagawin ng maraming beses upang nang sa gano’n ay maiwasan natin na masira nito ang ating mga pangarap at ang magandang kinabukasang naghihintay para sa atin, pati na rin ang ating mga relasyon sa mga taong ating lubos na minamahal at pinahahalagahan.


Hindi nasusukat sa kasarian ang tamang pagmamahal dahil para sa akin walang maling pagmamahal. Hindi kailanman magiging mali ang magmahal. Nasa tao lang iyon kung papaano niya ito panghahawakan at tatanggapin ng bukal sa kanyang puso tulad ko, at ng ibang taong handang gawin ang lahat para sa taong pinili nilang mahalin.






Wakas

68 comments:

Anonymous said...

waahhh super great story.. thanks kuya Z for this one.. hope to read another story just like this :))

congratulations po ulit

-rhaj

Jasper Paulito said...

hay salamat at everything is well na between nhad and ken. "and they live happily ever after" talaga ang kwento nina ken at matt. super kilig ako. i love matt na talaga. hahaha.... hi ken...
kwento naman sana nina nhad at ng barista... pero yong kay jay kya muna... author, please?

Anonymous said...

nice story zild.. =) keep it up..
keep me posted sa next story mo, hintay ko yun =)

-emman =)

Anonymous said...

naiyak ako sa eksena sa ospital ng lumuhod si matt at humingi ng tawad kay nhad... isa nanamang happy ending...=dereck=

Michael Bulatz said...

Next naman yung kay Nhad.Hhahah..:D

-bulatz

Unknown said...

Well what can i say. Wow. Great ending great story line. Ikaw na. Sobrang satisfied. Kaya hindi talaga nakakasawa ang mga kwento mo Zildjian.

Antayin ko ang next story mo about kay Nhad naman.Hehehe..

Thank you for another wonderful masterpiece. Keep it up. God Bless!

Chris said...

I love the ending kuya! Hahaha! Ang galing mo talaga! Marami maraming salamat kuya!

Anonymous said...

Job well done! Congrats! :)))

Lantis and Nicollo are up next!

-Bee John

Anonymous said...

two thumbs up!
-Frontier

Anonymous said...

every person has their own destiny, sabi nga nila, hindi mo makikilala ang taong ito kung hindi pa nakatakda ang oras. Well partly true naman, pero kasi, I still believe na we make our own destiny and we will have the chance to change it whenever we are hurt... hmmmmmmmmm...


thanks daddy zeke, i love the story, pero nabibitter ako sa ending, maybe because i never had a happy ending. 21 na ko, parang gusto ko na maranasan yun. hai.... heheheh, masyadong nagmamadali lang, natatakot kasi akos a taggunaw. malapit na daw ih. hahahhaha.


-eusethadeus-

Jiru said...

Whoa, super.

Now waiting for Lantis and Nico's story. ^^

Anonymous said...

soo sad nman posh na ung kwentoo :S
but ang story PASABOG!

haysss.. ang ganda ganda tlga :)
super nakakakilig.. WINNER tlgaaaa..

gustu ko mabasa ung story ni nhad at nung baristang makulet :)
yiipeeeeeeeehh :)

galing galing mo tlga MR.Author :)

<---- demure

--makki-- said...

Apir tayo jan Z! Ang galing MO! :D

Master_lee#027 - I am Chris_lee027 said...

BRAVO!!!!BRAVO!!!!!!
ANG GALING ,ANG GALING NI THE LEGEND AH .......THIS STORY MAKES US BELIEVE THAT LOVE HAS NO BOUNDARIES, NO LIMITS :):):):) mwuah kuya z your the best talaga ,as in ahah......kung iproduce and gawin pelikula ang mga story mo im sure madami manonood at matotouch na heart sa story mo .....see yah around for the next chapter mwuah.........GOGOGO KUYA Z WE LOVE YOU !!!!!:):):)

Anonymous said...

Speechless
>.<

-mark/nurse_mark.,

iRead said...

4 thumbs up! pati sa feet! haha! ONE OF THE BEST STORIES EVER READ! Nice! really worth the wait! sinubaybayan ko to from the start! Kudos to you author! GALING MO!


-LEI

iRead said...

thank u so much kuya Zild- kwento po pla ito ni Martin hehehe.. ang galing galing.. at aabangan ko kuya si Nhad.. sabi na nga ba may kinalaman si kuya bartender dto eh hehehe.. Idol ko tlg kyo kuyaZild.. continue writing excellent stories.. God bless po!!

kiero143 said...

nice tlga ng story..and nice ending...deserves a two thumbs up heheh..

will be waiting for the next story you'll be posting mr.author...

brent_angelo said...

Congrats Z for a great story! :)


MORE 2 COME!

Anonymous said...

apir Zild! nice story!
CLAP CLAP CLAP
*HANDS DOWN
-yume :D

iRead said...

Jordan Rey po pala ito

Anonymous said...

grabe sobra, hindi mu na naman kami binigo zild...another great stories...more power and good luck.

-iamronald

Anonymous said...

great story!!! More more more!!! Sana mas humaba pa pero ok na din nman.. :) Keep up the good work zild!

-curious19

Anonymous said...

Ang GANDA!!!!!!!!! Ito ang tinatawag ko na walang bitin sa ending!!!!

Very nice zeke. Very nice. Again, congratulations ang THANKS SO MUCH for writing this story. Sa tagal man ng tinakbo nitong kwento, Satisfaction Guaranteed naman. Haha!

We love you zeke!

--ANDY


P.S.
Sana Andy ang name ni Bartender. LOL! Tawa ako ng tawa while typing.

PENSandPAPERS said...

I loved it. :)

Zildjian said...

Makaka-asa ka Andy. Iyon ang gagamitin kong pangalan niya pramis! Salamat din sa pagbabasa :)

PHILIPAVILA said...

ang ganda ng story...this is truly amazing,,,congratulation zild for a job well done..

tumaas vital signs ko dahil dito...hahaha..mas lalo na ang temp..

Lexin said...

"Hindi kailanman magiging mali ang magmahal. Nasa tao lang iyon kung paano nya ito panghahawakan at tatanggapin ng bukal sa kanyang puso"

-nice quote zeke...

you never fail to amuse me with each chapter..
salute for this finale..
may irrequest din sana ako kaso may nakauna na sakin,hahaha
antay ko nalang next story mo..
ka-ciao!!

Ryge Stan said...

a very big "NICE", really love the ending. Its really exceptional.

Again Thanks zeke for this wonderful story. I hope to read your new story soon.

from your no.1 fan always reading and admiring your works of art.

Have great day and keep on writng.....

Jay-Ar said...

Hindi MALI ang magmahal. Thanks Zild! hehehehe mukang may story din for Nhad??? wah kelan kay ang susunod???

Anonymous said...

WOW ANG GANDA NANG ENDING NG STORY... SANA MAY SUSUNOD AGAD story ni nhald...

Anonymous said...

Congratulations Mr. Z!

-Raymund of Bacolod

Anonymous said...

Congratulations and thank you for giving us a great story. A story that will remind us to continue believe in LOVE..

In every single detail of your story you never fail to make us cry, laugh and feel the love..Its one of the best story I ever read..

Please continue writing a good story because you're an inspiration to many..God Bless you..

-Tep-

Gerald said...

Nice story though its a make believe.

iRead said...

^^ apir... align hahaha...

foxriver said...

Super wonderful and Ken made the right choice, it brought him pain in the process but at the end of it all. Bliss. Eternal happiness. Thanks Zildj. Great work. Next one.

hormy said...

just love the story

Anonymous said...

an excellent ending to a superbly written story.
your stories never fail to amuse me.

more powers and I hope you'll come up with more interesting stories soon!

-youcancallmeJM/ JM

russ said...

woooooooooooooooooooooooowwwwwwww...Z..sobrang ganda ng ending napaklaro..at tama na naman ako sa hinala ko na si nhad at waiter nga..
gudluck sa Z sa new story mo..
at saka di ka adik..sobrang adik ka..hehehe

Anonymous said...

wow nice ending... ibig sabihin story naman ni nhad ang next? can't wait to read more of your stories sir Z. thanks :)



blue fox

Anonymous said...

pero kung ang comment ko po ay labag sa ethical standards ng mga blogs po kuya Z ay mamarapatin na po ninyong huwag ng e-publish naiintindihan ko po, ang akin lamang po eh malaman din ng iba pang mambabasa dito ang aking saloobin at may freewill naman tayo, tama po ba ako but if my comment will create a bad impression between blogsites, then sorry po, don't publish nlang po, maraming salamat, naiintindihan ko po...

SALAMAT PO pala sa pagbanggit po sa akin, silent reader lang po ako at few times lang po nagcocomment dahil hindi po ako nagbababad sa internet, sorry po at salamat.

SHALOM

IAN said...

wew! ang ganda ng ending ! galing mo Author ! kaw na! :D!

isang storya nanaman ang hindi ko malilimutan! , :D! ,,
galing GALING MO! :D!

sana si Nhad at saka yung bartender ang next story mo! hehehe :D ...

(IAN)

Anonymous said...

kuya zeke congratulations sa story mong ito..

next na agad..hahaha.. :)


-Jay

Anonymous said...

thank you for this wonderful story.. it made me laugh, cry and most importantly believe that i can be loved someday..

God bless.. -- Roan ^^,

Oel said...

Haisst. I don't know what to say. hehe..

I'm Happy. Congrats Kuya Zeke!

Anonymous said...

GREAT! ito na atah yung pinaka magandang ending na nabasa kooh!! nice nice nice
ganda tlaga ng story na toh!#MakeBelieveBook2

-max z.

Anonymous said...

ending nito ang ganda.w0w. Sulit ang pgbbsa .w3w.

Auth0r sana ung kwnto ni nhad at ung bartendr then c lantis at nicolo. H0pe u wil d0.hehe.

Leleuch

iRead said...

commentless... never the less.. it was another great piece! more to com kuya Z! can't wait for niccolo and lantis turn!

-DownDLine

iRead said...

hmmmmm, f ever na may totoong ganito sa tunay na buhay. its very rare! one in a million ika nga. sa mga mkaramdam ng tunay na pagmamahal, nawa"y magsilbing gabay e2. tnx po sa pag share ng kwentong e2 MR. ZILD. CONGRATZ!

Unknown said...

i love the ending.. :p

congrats mr. author.. :p

sana mei kwento nman c nhad at bartender.. :p

Anonymous said...

haha masasabi kong maganda yung kwento kahit nakakainis. naiinis ako kasi may pagkapareho sa kwento nmin ng mahal ko haha. mahal ko na wala naman sa tabi kon ngayon. sya nagsabi sakin basahin ko daw to. nakakainspire to sobra. so far isa to sa pinaka gusto ko.,, thanks sa inspiring story author. happy birthday sa mahal ko

Anonymous said...

Uu nga pal dba magpinsan si claude at chad? Magpinsan dn ba si martin at chad o ibang side ng parent? Hehehe ala lang namiss q lang bgla cla ace rome and the gang

Zildjian said...

Yep, pero sa side iyon ng papa ni Claude habang sila ni Martin ay sa side naman ng mama niya :)

Anonymous said...

Hehehe sabi na eh exctd n aq sa nxt story mo

KV

Anonymous said...

Nagi-improve kana huh! cgeh lang! keep up the good work! Godbless na lang sa mga bagay na pinanghahawakan mo kuya zild! but in the end of time, the truth will always prevail!! :) masaya ako para sa iyo:)




beucharist....

Jamespottt said...

masyado na ata late comment ko. anyways, so far, sa mga series mo Z, ito pinaka gusto ko.

Anonymous said...

hayyy...atlast ntpos ko dn bsahin hol.series 2hours non-stop!

mrming slamat idol otor.Z i lyk ds kind of stori hapi ending, mskit at mhirap kc kung my mmatay sa lead casts. gaya ng sabi nla MAGALING po kau totoo yan
bakit po ds kind of stories usually magbestfrend???iba na tuloy isip ko ngaun sa mga magbstfrends :)) sbgay i never had bstfrend(totoo po) so malabo din magyari mgkaroon ako ng boyfrend(pangarap lng nmn)just for myself hehe.. well andyan nmn c gf
i will always be ur silent reader idol.Z
guluck po at sa mga susunod mong series
hi sa lahat ng solid followers mu


AtSea :)

Anonymous said...

WOW! Maikukumpara kta kay mikejuha, may sarili kayong estilo at nagustuhan ko pareho. Wew. Kudos at CSAT!

marky9274222098

JR said...

WOW... you never failed to inspire the readers and give us a very wonderful story... typical man ang bestfriend lovestory.. binigyan mo naman ang kwentong ito ng kakaibang approach... nice one... cool..

i'm looking forward to the next story

Unknown said...

Ask ko lng po, ano ung title ng next serrries nito? Pra hndi ako magskip sa kwento. Galing mo kac magconnect ng mga characters. Loves it. Thanks for sharing this. Godbless.

Arvz frm UAE.

Zildjian said...

Hey Arvz :) Mabuti naman at nagustohan mo ang kwentong ito. Uhmmm, tungkol sa tanong mo, ang sunod kong kwento pagkatapos nito ay ang Complicated Cupid :)

Unknown said...

Yeah, gustong gusto ko. Lalo na ung After All. Un kac ung una kong nabasa. Di ko kac alam na series pla un. Anyways, very like ko ung mga kwento mo. May humors dn kac. Thanks again, so panu umpisahan ko na muna ung next nito. Tsalamats!

Arvz frm UAE.

Zildjian said...

Sure no Problem :) Akala ko hindi mo na mababasa ang reply ko. Sige, enjoy reading Complicated Cupid. Ang susunod niyan ay ang Bittersweet naman :) And if you're using PC/Laptop to read my story, makikita mo sa gilid ang pagkakasunod-sunod ng mga kwento ko. :)

Unknown said...

Yeah, nbasa ko reply mo. I'm only using phone lng kac. Wla kac ako net for my lappy. Sa phone lng. Anyways. Thank you tlaga ulit for mabilisang reply. Hahahaha! God bless. :)

Coffee Prince said...

GRATS !!!

#Marathon =)

like an exquisite work of art .

marami sana akong gustong sabihin , but since the keyboard isn't already functioning well, i have to suffer , typing through the 'On-Screen Keyboard'

basta ang galing .
i love ken's mom . :*

Thanks ~

Anonymous said...

yey!!finally napalaya na ni Ken ang sarili niya dahil sa nakukunsesnya siya sa nangyari ke nhad..aun,,masaya na sila ni matt!!ang sarappp sa pakiramdam ng ganun!haist...

natatawa lang ako sa naging ending ni nhad at talagang ung bartender ung other guy ha!??hahaha..nasabi na un nung isang reader eh..galing nmn niya!^^

at infairness,,napakaswerte ni ken sa mga kaibigan niya, sa nanay niya at sa huli sa biyenan niya!^^

really nice story po mr author!:)

-monty

Unknown said...

I might be 2 years too late for a comment but i can't help my self... good job, nope wrong great job on this one, Mr, Author...

Hindi ko pa rin ipagpapalit si Rome and Ace (sobra kasi ang pangkakarelate kokay Rome, which makes me love Ace). I read the start of TRT on Dark Ken's blog which led me to your site but this is definitely one hell of a good read... Kahit talaga kelan gustong gusto ko ng love triangle...


Thank you
-H

Unknown said...

I might be two years too late but i can't help my self. good job on this one, Mr. Author... No wrong great job. :)

Di ko pa rin ipagpapalit si Rome and Supah Ace (Nakakarelate kasi ako kay Rome e which makes me love Supah Ace)... I read the start of TRT sa blog ni Dark Ken, which led me to your site. So far marathon ako as a silent reader pero kinailangan kong mag comment dito...This is one hell of a read... Thank you for the Drama, the Kilig, the tawanan and most of all thank you for bringing us the love of Matt and Kenotz.


thanks
-H

Post a Comment