Tuesday, May 1, 2012

Part Of Me Chapter 11 & 12

By: apollo22


Basta na papasalamat ako sa mga nag-sasabing maganda to… nag papasalamat din ako kung may puna kayo.. marami rin akong natututunan.. salamat salamat. Salamat din kuya Z.





Apat na araw din ako sa ospital at nahirapan rin sa pagrecover ng aking takawan, minsan hindi ako makakilos ng maayos dahil sa aking mga sugat, hindi ko rin magawa ang mga gusto kong gawin dahil nga kumikirot ito at hindi ko mahawakan ang aking sugat,


Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko ginawa ‘yon para sa taong ni wala namang pakialam sa akin at nasasayahan pagnagmumukha akong tanga, pero kahit ganoon ay sinusuportahan ako ng aking mga kaibigan.


Dumadalaw sila bago at pagkatapos ng klase, masaya talaga silang kasama at kung magbiro ang mga ito ay parang wala akong sakit, may time nga na natapik ako ni Nina sa may braso at napa sigaw ako sa sakit, nakalimutan atang may sugat ako.


Si Mimi naman ay laging may dalang cake, kahit anong cake may cassava cake, may black forest cake, may ice cream cake at kung ano-ano pang cake na Makita nya, likas na talaga kay Mimi ang mag dala ng cake pagdadalaw ito sa isang tao.


Si Gary naman ay ang taong nagpapagaan ng loob ko at nagpapaluwag ng nararamdaman ko, nagbibigay ito ng advice at words of wisdom sa akin, minsan din bumabalik ang pagkacrush ko rito na pinipigilan ko dahil ang pagkakaalam ko ay may girlfriend ito na ayaw kong Makita, ikinwento rin nito na humihingi ng tawad sa akin si Sedrick pero sa tuwing babanggitin nya ito ay iniiba ko ang usapan na sa tingin ko ay nahahalata nya yun kasi sumasakay naman ang mokong.


Ngayong nasa bahay na ako at bukas ay ang muli kong pagpasok sa iskwela napaka lakas ng tibok ng puso ko dahil makikita ko ang taong nanloko sa akin, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ‘pag nakita ko sya dahil kahit ngayon ay hindi ko alam kung napatawad ko naba sya sa maikling panahon na ito, ang sabi ko nga ay hindi ako mahirap magpatawad ang mahirap lang siguro ay ang hilumin ang sugat at pighati dulot pa ng iyong minamahal dahil kung ang Diyos nga ay nakakapag patawad ng walang tanong, ako pa kaya na tao lang na nilalang nya at pinababa lang sa lupa.


Marami  akong narealize sa mga nangyari, marami akong bagay na natutunan na kahit sa iskwelahan ay hindi natututunan, minsan kaylangan mong i-let go ang isang tao kahit wala itong sinasabi, kasi masakit kung aasa kapa sa taong pinapaasa kalang at hindi ka naman pala mahal, minsan hindi ka rin dapat agad magtiwala sa pinapakita ng isang tao at wag karing pabubulag sa itsura o sa kung anong maganda sa panlabas na anyo, kasi kahit anong gwapo o ganda nya kung demonyo’t ahas ang kalooban nya, ang ahas ay ahas at wala ng pagbabago do’n.


Lumabas ako upang mag bike, sinubukan akong pigilan ni mama dahil kakagaling ko lang daw sa ospital at medyo maselan pa ang mga sugat ko pero dahil matigas at makulit ako ay pinayagan ako nito, kung sa subdivision lang daw ako, syempre tango lang ako ng tango.


Habang nagbabike ako ay may nakita akong isang lalaki na nakakuha ng aking atensyon sa kadahilanang napaka porma at napaka gwapo kahit nakatalikod ito at malayo palang ay amoy kuna ang pabango nitong lalaking-lalaki at ang gwapo ng amoy.


Tinititigan ko ito habang papalapit ako, parang modelo kung maglakad ang gwapo at ang macho pa, nang maunahan ko ito ay agad akong lumingon at nakita kong si James pala iyon at mukhang may lakad na pupuntahan.


“hey Prince!” ang tawag nito sa akin.


Huminto naman ako at hinintay sya, tumakbo ito papunta sa akin.


“oh ikaw pala James? Ang gwapo ah, san ang lakad natin?” ang tanong ko rito nang makalapit ito saka tinapik ang balikat.


“ah eto ba? naku wala to may pinuntahan lang ako banda d’yan sa may kalapit na subdivision” ang sagot nito at ngumiti ng napaka gwapo.


Napatitig ako rito ng matagal at wari’y na mamangha sa mukhang parang anghel sa kalangitan at pinagkalooban ng napakaperpektong mukha.


“Prince Jade ayus kalang ba? may dumi ba ako sa mukha?” ang tanong nito na tila natatawa sa aking inasal.


“ah eh…. Wala,  kasi may dumi ka sa mukha.” tinuro ito at kunwari’y may pinagpag sa malambot at masarap kuriting pisngi “oh ayan wala na” ang sabi ko na alam ko namang namumula ako sa mga oras na yon.


“ay gano’n ba nakakahiya naman.” ang sabi nito at kinuha ang panyo at pinunasan ang sarili.


“nako wala lang yon, dahon lang hindi naman kung ano.” ang wika ko para hindi ito mag-alala.


Tumango ito at binigyan ako ng isang ngiti.
Aba ano ‘to? Nagpapacute ba ang mokong na’to sa akin o ano? Pero kahit hindi sya ngumiti gwapo pa rin ah. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili.


“ah eh may malapit na bar d’yan gusto mong pumunta?” ang paanyanya nito.


“sige ba, kaso wala akong dalang pera eh, ang balak ko sana magbabike lang ako at magmumuni-muni kung saan eh.” ang wika ko na may pagkadismaya.


“naku yun lang pala eh,ako na magbabayad ng sayo.” ang mayabang nitong sabi.


“ok Mr. mayaman tara na at ilibre mo na ako.” ang sabi ko.
Huminto ito at binigyan ako ng isang nakaklokong ngiti


“libre? Hindi siguro, may kapalit to dude!” sabay kindat sa akin.


“kapalit? Uhhhhhhmmmm?” at nag-sad face ako rito, nagsimula na kaming maglagad patungo sa sinasabi nitong restaurant.


“hindi naman mahirap ang kapalit nito eh, sige na please? and  may utang ka panghindi nababayaran sa akin” ang mayabang nitong sabi.


“aba kuya, este James ang buong akala ko bukal sa loob ang pagtulong mo sa akin, hindi ko alam na utang lahat pala yun” ang pikun-pikunan kong sabi.


“ah basta! Ang utang ay utang, didimanda kita ‘pag hindi mo nabayaran” ang mapilit nitong sabi.


“eh pano kung sabihin kong wala akong perang pambayad?” ang tugon ko rito.


Ngumiti ito at tumingin sa akin “sino bang  nagsabing pera ang kapalit?” sabay bigay sa akin ng nakakalokong ngiti at binilisan ang lakad, syempre sinundan ko pa rin ito dahil gutom narin ako at ok lang kahit magkautang ako kesa mahimatay nanaman ako sa gutom ayaw ko na ‘uling mag-alala ang mama ko sa akin.


Pagpasok namin ay Umupo kami sa may sulok kung saan dumadaan rin ang mga tao.


“waiter!” ang pagtawag nito.
At lumapit ang isang magandang babae para kunin ang order namin.


“ano po yun sir” ang tanong nito at halatang nagpapacute sa amin.


“bigyan mo nga itong kasama ko ng isang steak, salad, ice cream at juice at vodka naman para sa akin” ang sabi nito na parang matagal ng talagang nag-oorder dito.


“ok Sir”Sabay alis ng waitress.


“hulaan ko, sa ibang bansa ka lumaki no?” ang hula ko.


“pano mo naman nalaman? Oo sa italy” ang sagot naman nito.


“kasi common sa ating ibang  Pilipino na isang meal, main course  lang at hindi na kasama ang appetizer at dessert” ang nagmamagaling kong sagot.


“uuuuu, galing ahh? At saang website mo na basa yan?” ang nakaklokong tanong nito.


Aba loko to ah, kala ko mabait, mapang-asar rin pala


“ewan ko pansin ko lang.” ang matipid kong sagot rito.


“mmm? Ganon ba? ok sige convince na ako, about sa utang mo kailan mo ako balak bayaran?” ang tanong nito at lumabas nanaman ang nakakalokong ngiti, o gano’n lang talaga ang ngiti nya patari.


“wala nga akong perang dala diba? Kung gusto mo pumunta ka muna sa bahay at dun nalang kita babayaran.” ang inis kong sagot.


“sino nga ang nagsabing pera ang kapalit?” ang nakakalokong tanong nito.


“eh ano ba ang kapalit?” bigla akong kinabahan sa magiging sagot nya baka kung ano ang hingin nanaman..


“o bakit namamawis ka d’yan?” at bigla itong tumawa ng bahagya.
“gusto ko lang namang magpaturo sayo kung papano mag gitara eh” at tuluyan na itong natawa, marahil napansin nyang kinabahan ako nang sobra.


“pano mo naman alam na marunong akong maggitara?” ang inis kong tanong.


“basta alam ko lang” ang nagmamagaling nya ring sagot.
“basta tuturuan mo ako ok? Araw araw kung hindi dedemanda kita” ang pangiinis nito.


Tinitigan nya ako at hinintay ang aking sagot, tinitigan ko rin ang napaka ganda nyang mga mata at nakaka-akit nitong labi, marahil ang taong ito ang magpapalimot sa akin kay sedrick.


“ok, sige nanga!” ang napipilitan kong sabi, pero sa totoo ay ok lang sa akin.


Sabay nang pagdating ng aking pagkain, mukhang masarap kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na lantakan ang pagkain, samantalang umorder lang si James ng inumin dahil kakagaling nya lang daw kumain sa pinanggalingan nya.


“nakakatuwa ka namang kumain” ang natatawa nitong sabi.


Tinignan ko ito at na conscious naman sa inasal kong pagsunggap sa pagkain, nginuya ko muna ang pagkain na sobra-sobra sa aking bibig at linunok ang nakabara sa aking lalamunan bago magsalita.


“ay pasensya na, gutom na gutom na kasi ako eh” at napakamot pa ng ulo.


“ayus lang yan, parang pagtinignan lang kita busog na busog na ako” ang nakakatuwa nitong sabi.


Natuwa ako kasi, imbis na bawalan ako sa inasal ko ay natuwa pa ang mokong.


“punta ka sa bahay namin?” ang bigla kong sinabi na hindi ko naman alam kung bakit ko sya nayaya.


“ngayon naba?” ang tanong nito na natuwa naman.


“oo ngayon na” sagot ko.


“ok, sige ubusin mo muna ang kinakain mo bago tayo pumunta sainyo” ang sabi naman nito na tila na excite.


Ganon parin ang paraan ko ng pagkain mabilis at halos subo, lunok lang ang ginawa ko habang si James naman ay kwento ng kwento tungkol sa school nya yung mga magaganda at pangit na nangyari sa buhay, nya naging palagay na rin ata kami sa isat-isa kasi kahit private life nya ay kinukwento nya, about sa mga naging girlfriends nya at kung ano ang ginagawa nya sa mga ito, matagal-tagal rin ang kwentuhan namin hanggang sa matapos akong kumain, at dumaretso na sa bahay.


Nadiskubre kong sa likod ng malamatalinong mukha ni James ay pilyo at mahilig rin si ito, mahilig ito sa mga babae at mahilig rin manuod ng kababalaghan sa internet, ok lang naman yun kasi natural naman na minsan ay mag explore ka sa buhay.


Nakarating kami sa bahay at nakita kong maraming tao rito, mukhang may house party si Papa sa mga kasamahan nya sa trabaho, agad ko itong pinuntahan kasama si James.


“pa anong meron?” ang tanong ko rito ng pabulong.


“celebration namin anak, kasi na close ko yung isang deal sa isang malaking company, ok kana ba?” ang masayang sabi ni Papa.


“opo ok na pa, pa si James, remember him?” sabay tingin kay James


“pano ko naman makakalimutan ang taong nagligtas sa aking gwapong anak?” ang tugon naman ni papa sabay tingin nito kay James,dahil sumunod pala ito sa pag-sundo sa akin sa Andonov family, nauna lang si Mama.


“goodevening po tito” ang bati naman ni James sa aking papa


“goodevening rin ” sabi ni papa
“Anak you should join our celebration dahil magaling kana” sabay baling ang tingin nito sa akin.


“wag na pa, ayaw ko muna mag party kayo nalang, dun na muna kami na James sa kwarto ko” ang sabi ko.


“ok anak, mas mabuti panga anak para mapagaling ni James yang puso mo, este yang sugat mo” ang panloloko sa akin ni papa.


Inismiran ko lang si dad at umakyat na kami sa kwarto ko, hindi ko alam kung bakit nasabi ni dad ang ganong biro, alam na kaya nya ang tunay kong damdamin, marahil alam nanga nya pero kung alam na nya, alam kong pilit nya akong iniintindi para narin sa aking kapakanan at para sa aming pamilya.


Nauuna akong pumasok sa kwarto ko at kasunod ko naman si James.


“eto ang kwarto ko, konti nalang ang gamit, kasi yung iba pinaalis ko, sa mga katulong habang nasa uspital ako, mga bagay kasi yun na may magpapaalala sa akin” ang malungkot kong sabi


Narinig kong sumara at nag lock ang pinto, ang lungkot ko ay biglang napalitan ng kaba, alam kong  si James ang naglock ng pinto ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano  ngunit pagharap ko kita ko ang mukha nito na may pakagat-kagat pa ng labi at nangaakit na mga mata, hinawakan nya ang kanyang sandata, dahan-dahang itong lumalapit sa akin, sa bawat paglapit nya ay sya ring aking pag atras, hindi ko alam ang aking gagawin at aking iisipin, natataranta na ako hanggang sa makarating kami sa may kama, tinulak nya ako para mahiga, gusto ko mang umalis ay dinaganan nya ako at hinarang ang dalawang kamay.


Pumikit ako simbulo na pinapaubaya ko na ang aking sarili sa kanya dahil alam ko na ang mangyayari.


“huy anong ginagawa mo?” ang tanong sa akin ni James sabay ng aking pagmulat.


“sige ok lang” ang matipid kong sabi.


“ok ang alin? Tatanong ko lang naman kung saan ang banyo dito eh, naiihi na kasi ako” ang sabi nito at pinipigilan ang pagtawa.


Hindi ko muli alam kung ano ang gagawin, Nahiya ako sa aking inasal, hindi ko akalaing nagbibiro lang pala ito at walang ano-ano ay binibigay ko ang aking sarili sa taong hindi ko pa masyadong kilala.


Prince ang gago mo, parang wala kang natutunan sa ginawa sayo ng gagong si Sedrick ang nasabi ko nalang sa aking sarili.


Tinulak ko ito at tinuro ang banyo sa aking kwarto, alam kong para akong kamatis na pulang-pula sa sobrang hiya at wala nalang akong nagawa kung hindi yumuko.


Pagpasok na pagpasok palang nito sa banyo at umalingasaw ang malakas nitong tawa, tawa ng tagumpay sa pang-aalaska sa akin.




Chapter 12




Hindi pa rin ito tumigil sa kakatawa, sa halip ay linakasan pa ng linakasan.


Aba loko to ahh! Kala ko mabait yun pala sira ulo rin , iba talaga kapag matalino iba ang ugali minsan mabait minsan parang sira ulo,


Dalawang minuto na ang nakakalipas at hindi parin ito lumalabas at tumatawa sa loob ng banyo.


Nakakapikon na ‘to ahh! Ang pikon kong nasabi sa sarili


Sa sobrang inis ko ay hindi ako nagdalawang isip na sugurin ito sa banyo, patakbo akong pumasok para batukan, pero laking gulat ko nang Makita kong umiihi pa ito sa banyo nakita ko ang kanyang jr. dahil nakatagilid ito sa may inudoro, parang alam na alam nya na papasok ako, nakatingin ito sa akin habang nakangiti at kumindat.


Hindi ko alam ang gagawin dahil nakita ko ang kanyang alaga,kaya agad-agad akong lumabas.


Nakakahiya sana hinintay ko nalang na lumabas ito ng banyo at hindi sumugod, pero parang alam nya na papasok ako ah, ahhhh!! Nakaka-inis talaga! Babatukan ko ‘to pag labas. ang inis kong sabi sa sarili.


Naisip kong loko talaga tong si James, pero atleast kahit sandaling panahon ay nakakalimutan ko ang sakit na aking nararamdaman, parang ngang sinasadya nyang gumawa ng kalokohan para libangin ako at “pasayahin” kahit nakakapikon naman ang ginagawa nya, ok na rin ‘yon kesa magmukmok ako at mag emo-emo.


Paglabas nito ay agad ko itong inabangan sa labas ng pinto,at binatukan ng bahagya.


“aray!” ang sabi nito sabay hawak sa ulo.


“ayan! Ang pilyo mo kasi” ang pang-aasar ko.


“sorry pogi lang mapang-asar talaga” ang pagmamayabang nito.


“oo na pogi kana” ang sabi ko rito.


“sabi ko sayo eh, hmmmff?? Meron kabang movie d’yan? Nuod tayo?” ang sabi naman nito sabay tingin sa may shelves ko na puno ng mga original DVD’s.


“uy! Elm street! Eto nalang!” ang wika pa nito.


“ay ayoko yan, pangit lang yan” ang sabi ko rito


“eto nalang Final Destination 4” ang anyaya nito.


“ayoko rin yan, pangit rin” ang wika ko ulit.


“hmmfff?? Mukhang may naamoy akong matatakutin dito ahh” sabay tingin sa akin at may patango-tango pa.


Patay na bisto ata ako. ang nag-aalala kong sabi


Hindi kasi ako mahilig sa mga horror nagkaroon lang ako ng mga ganoong klasing bala ng movie  dahil sa pinsan ko na mahilig manoud ng mga nakakadiri at nakakagulat na palabas, hinding-hindi pa ako nanunuod ng horror films ng walang kasama,  hindi nakatakip ng unan o kaya natutulog, matatakutin ako pagdating sa mga ganyan.


“ako? Matatakutin? Haha! Ako pa! brave warrior ata to, demigod ata ang kausap mo!” ang pagmamayabang ko rito.


“ok ‘Mr. Persy Jackson’, naniniwala na ako, eto nalang, “insidious” tutal “brave” ka naman” ang pang-aalaska nito.


At talagang yang nakakatakot pa ang pinili nya, nakakainis, ang sabi ng pinsan ko ‘yan ang pinaka nakakatakot na movie na napanuod nya, so yung mga ibang nakakatakot na napanuod nya ay wala pa kumpara dito.


Kahit ayaw ay napilitan akong i-play ang movie na nakakatakot, halos ayaw kong tignan ang monitor kahit mga trailer palang ng ibang movies. At nung na play at naayos kong ang mga kable-kable ay mabilis pa ako sa alaskwatrong bumalik sa higaanan ko katabi si James, magkatabi kaming nakaharap sa t.v sa may dulo ng kama ko, nagkumot rin ako at nakikumot rin ang mokong.


Habang nanunuod kami ng mga nakakasindak na eksena at napapakapit ako kay James ng hindi sinasadya at talaga namang takot na takot ako, halos mahubad na ang damit nito sa kakahila ko, pero kahit gano’n ay hinayaan nya lang ako, sabihin na ng iba na O.A ako, pero natatakot talaga ako sa mga ganyang pinikula at minsan ay napapaniginpan ko pa, sa sobrang takot at nagmumuka akong daga na sumusuot sa likuran ni James.


Lihim namang natatawa si James sa inaasta ko.


“manunuod kaba o mamamahay sa likuran ko?” ang pang-iinis nito.


Agad naman akong nag-ayos at humuwalay sa kanya.


“ah eh.. sorry naman nakakatakot eh” ang tugon ko.


“oh ano patayin na natin, para hindi kana matakot?” ang malambing nitong sabi.


“wag na sige tapusin mo na yan, sayang naman naumpisahan mo na eh” ang wika ko rito.


“ok sige, ikaw ang bahala” ang wika naman nito.


After ng movie parang dinaanan ng bagyo ang kama ko, ang gulo-gulo ni hindi mo masasabing kama pala iyon, magkatulong naman namin inayos ni James ang kama ko, sya sa cover ng mga unan, ak naman  sa beding, ang cute nya ngang tignan lalaking-lalaki parin kahit nagtatrabaho ng gano’n.


Mahaba ang gabi pero parang pinaikli ni James, dahil sa mga kweto nyang nakakatawa talaga at mga pang-iinis nya na nakakapikon  pero kahit ganon ay agad nya naman akong linalambing na lihim kong ikinatutuwa, sa bahay na rin sya nag dinner, kaming dalawa lang, kasi kumain na sina mama at papa habang nagvivictory party sa success ng malaking deal at paggaling ko, kahit kumakain ito ay napakagwapo pa rin nito hindi ito kagaya ko na subo lang ng subo kahit gutom, andon parin ang finest nito sa pagkain, halatang mayaman.


10:30 ay umuwi na ito sa kanila at may gagawin pa daw na assignment at mga project na ikinagalak ko naman dahil kahit busy ito ay hindi nagmadali sa pag-uwi at patuloy akong linibang.


Ngayon mag-isa nalang ako sa aking kwarto at nakahiga, madilim at naririnig ang boses ni Sedrick  dahil d’yan ay alam ko na babalik ang sakit ng nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang kanyang masayang mukha ang kanyang mga lambing, ang kanyang amoy na parang droga sa king katawan, ang makinis at madulas nyang balat  na pagdumampi sa akin ay kakaibang sensasyon ang aking nadarama ngunit isang alaala nalamang ito sa aking isipan na gustong-gusto ko nang burahin ngunit hindi magawa ng puso’t ko,


patuloy ang pagtulo ng aking mga luha sa aking unan, tanging ang Diyos ang saksi sa aking mga paghikbi tuwing gabi at dalangin ko na sana maibalik ang panahon na hindi ko pa ito nakikilala.


At bukas ang panahon na muli kaming magkikita at  sisiguraduhing kong hindi na ako ang dating Prince na nagmahal sa kanya ng tunay, hindi na ako ang Prince na magpapauto sa kanyang mabulaklak na mga wika, at nakatulog ako ng may mga luha sa aking mga mata.


Kinaumagahan ay ginising na ako ng aking Mommy upang maghanda sa muling pagpasok ko ng sa aking school, mix emosions ang nararamdaman ko sa pagpasok, masaya dahil sa wakas ay hindi na ako mahuhuli sa mga lessons pero malungkot, kinakabahan at hindi alam ang gagawin dahil makikita kong muli si Sedrick, ni hindi ko alam ang kung ngiti ba o galit ang ipapakita ko sa kanya subalit isa lang sinisigurado ko hindi na ako papaapekto sa lahat ng sinasabi ng maraming tao, dahil alam kong alam na ng buong school ang nangyare.


habang papasok ako sa school ay may mga taong sumusulyap at nagbubulungan sa aking pagdaan halatang ako ang pinag-uusapan pero gaya ng sinabi ko ay hindi ako papaepekto sa mga ito at imbis na magalit ay dumare-daresto lang ako sa aking paglakad hanggang sa makarating sa aming silid.


Nagdugo muli ang aking puso ng Makita ko si Sedrick nakaupo sa tabi ng upuan ko at dahil medyo late ako ay ukupado na ang lahat ng upuan, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nawala ang mga bakanteng upuan doon sa likuran na balak ko sanang duon umupo.


Hindi ako nagbigay ng reaksyon sa pag-upo bagkus  inintindi ko ang pagkumusta sa akin ng aking mga kaklase, na-touch naman ako dahil talagang halos lahat sila ay tinanong kung ano ang nangyari sa akin at kung ok na daw ako syempre iba ang sasagot ko maski nga ang guro ko ay nagtanong na rin sa aking kalagayan.


Alam kong nakatitig sa akin si Sedrick ng may awa at guilt habang naglelecture ang aking guro pero ni hindi ko ito liningon at baka mahalin ko muli ito ng sobra, nagpanggap akong masaya at hindi naapektuhan sa mga nangyari, dahil sa tagal-tagal ko rin nawala ay parang nagretreat ako sa kakaisip.


“ayos ka na ba?” ang bukod tanging boses na hindi ko kayang sagutin


Tumango ako at hindi tumingin, hindi ko matiis na magmatigas kung alam ko sa puso ko na mahal ko ang isang tao.


“pwede na ba tayong mag-usap?” ang tanong nito na hindi pa rin maalis alis ang tingin sa akin.


Ngunit hindi ko ito kinibo bagkus ay nagpanggap ako na nagsusulat.


Natapos ang klase na may guilt sa mukha ni Sedrick at mukhang nagsisisi na sa kanyang ginawa, ngunit hindi ako nagpadala sa paawa nya at baka mahulog nanaman ako sa kanyang bitag.


Recess nang ayain ako ni Nina, Mimi at Gary na kumain sa canteen at ililibre daw nila ako dahil unang pasok ko raw, ewan ko kung ano ang connect noon pero pumayag narin ako dahil libre naman.


Sa pagpunta namin sa canteen ay naramdaman kong mayhumila sa aking braso pagtingin ko ay si Sedrick pala ito halatang siryoso ang mukha, nagpumiglas ako upang makawala sa pagkakawahak nya ngunit wala itong balak nabitawan ako bagkus ay kinaladkad ako sa may banyo.


Pagpasok sa banyo ay itinulak nya akong bahagya sa may cubicle at isinara ang pinto.


“hindi mo naba ako kakausapin?! ” ang tugon nito.
 “Ako mo ba ako bibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag? Sa tingin mo kung hindi kita mahal hahabulin pa kita ng ganito? Bakit hindi nalang kita hayaan kung pinaglalaruan lang kita, bakit hindi kita iniwan noon pa, pero hindi ko ginawa yon! kasi hindi ko kaya, kasi mahal kita! OO! Alam ko kakaiba ang pagmamahal ko sayo! pero wala akong pakialam! Basta alam ko mahal kita, MAHAL KITA PRINCE! hindi mo ba Makita ‘yon ah?” ang madiin nitong sabi sa akin habang may masakit na luhang umaagos sa kanyang pisngi.


Naaawa akong nakikita si Sedrick ng ganyan dahil ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang umiyak ng ganyang kasakit at ganyan kabigat, madiin ang lahat ng kanyang sinabi at parang kulang nalang ay martilyo nya sa utak ko ang kanyang sinambit para ipaintindi sa akin.


Akmang magsasalita ako upang sabihin kung gaano ako nasaktan sa ginawa nyang iyon nang may narinig akong kaluskos at ungol sa may  isa cubicle, nagtaka ako dahil ang alam kong kaming dalawa lang ang naroon kaya dahan-dahan ko itong binukas at laking gulat ko ng Makita ang bugbog saradong si Tom at si Nathan, nanlaki ang mga mata at agad kong inobserba ang kanilang kalagayan.


Agad akong bumaling sa kinaroroonan ni Sedrick at tinignan ito na matalim.


“ikaw ba!? ikaw ba ang may kagagawan nito?” at tumayo ako para harapin sya.


“eh bagay lang sa kanila yan!” anya sa akin.


“talaga bang hindi ka magbabago Sedrick? Idadaan mo nalang ba lahat sa dahas at sa kamao mo?! Ganyan ba ka kitid ang utak mo? Hindi kana nagbago!” nadidismayang sabi ko.


“alam mong nagbago na’ko, pero sinasadya lang ng pagkakataon na ibalik iyon kahit ayaw ko?”  ang paliwanag nito


“at ganyan! Ganyan ang gagawin mo sa akin ‘pag binalikan kitang muli?!” ang wika ko kahit parang imposible nya namang gawin. Dahil kahit masama ang ugali nito ay ni isang  bahagyang sutok ay hindi nya pa ginawa.


“alam mong hindi ko magagawa yan!” ang dipensa nito.


Hindi ko na pinansin ang pagpagpapaliwanag nya dahil gusto ko nang madala sina Tom at Nathan sa clinic, at pinuntahan ko si Tom para akayin at alalayan.


“ano ba! tutunganga ka lang ba d’yan? Bakit hindi mo ako tulungan?” ang naiinis na tugon ko rito.


At lumapit sya at tinulungan si Nathan, kahit sya mismo ang nambugbog sa dalawa, wala naman syang magawa dahil inis na inis ako sa ginawa nya, parang nag-adrenaline rush ako dahil nabuhat ko ang tila na nag jigym na si tom, pero kahit bugbog ito ay gwapo parin palibhasay may lahing kano.


Mabilis kaming nakarating sa clinic at inassist kami ng doctor at nurse.


“anong nangyari sa kanila?” ang tanong ng Doctor?


“ah eh kasi po-..” ang sabi ko at sumabat bigla si tom


“kasi po naglolokohan kami nitong kaibigan ko sa may hagdan, ayun naghulog po kami” ang pagtatakip ni Tom.


“eh bakit may mga pasa at bugbog kayo sa may tiyan at braso?” ang pag tataka ng doctor habang sinusuri ang mga pasa.


“kasi po sabay po kaming nahulog at nadaganan po namin ang isat-isa” ang palusot muli ng gwapong si Nathan.


Linagyan ng gamot ng doctor silang dalawa at pinagpahinga sa may dalawang kama ng biglang may pumasok na estudyante at sinabing may nahimatay na istudyante sa may room ng section C, dali-dali namang pumunta ang Doctor sa may room.


“oh ikaw muna ang maglagay ng gamot sa mukha nitong dalawa pupuntahan ko lang yung nahimatay doon” at ibinigay sa akin ng doctor ang bulak at gamot.


Habang linalagyan ko ng cream ang mukha ni Tom at napansin kong nakatitig ito sa akin at nakangiti.


“salamat sa pagtatakip mo kay Sedrick, pero kahit dapat lang isumbog ang ganyang mga tao.” Ang pag paparinig ko sa kanya.


“ayos lang ‘yon kasalanan ko rin naman” ang wika nito.


Nakatutuk ang mukha naming dalawa at alam kong siryoso sya sa kanyang sinasabi.


“anong kasalanan?” ang tanong ko kahit alam ko na ang dahilan.


“kasi narinig mo kaming nag-uusap  sa banyo ni Nathan” ang  wika nito.


“buti nga at narinig ko kung hindi ang tagal ko na palang nagmumukhang tanga” ang wika ko.


“alam mo? Sa totoo lang alam ko na asa banyo ka noon” ang malungkot na tugon ni Tom.


“aba! Loko to ah!” sabay sugod ni Sedrick pero hinarang ko ito.


Laking gulat ko ng halikan ako ni Tom sa may labi, hindi ko alam ang gagawin ko sa pagkabigla at parang na istatwa ako sa aking ginagawa, doon, tuluyan nang nasuntok ni Sedrick si Tom pero inawat ito ni Nathan.


“eh gago ka pala eh! Kaya mo ba ipinaalam ang pustahan natin dati kay Prince ay dahil gusto mo sya!?” ang pasigaw nitong sabi habang nagpupumiglas sa pagkaka hawak ni Nathan, bumaling naman ito agad sa akin“maniwala ka sa akin Prince mahal kita higit sa kanino man, higit pa sa buhay ko, please maniwala ka sa akin, oo totoo yung pustahan pero, may gusto na talaga ako noon pa sayo, ginawa ko lang excuse yung pustahan para maging tayo, dahil noon ayaw kong may sabihin ang ibang tao sa akin, pero ngayon tanggap kuna kung ano ang nararamdaman ko at wala na akong pakiaalam sa sasabihin ng iba” mahula-luhang pagpapaliwanag ni Sedrick sa akin.


Hindi ako nakakibo sa lahat nangyayari at patuloy pa rin ang pagtatansa sa mga nangyayari.


“dahil sa paghanga ko sayo ay nagawa kitang saktan, kaya tinanggap ko lahat ng suntok at tadyak ni Sedrick at noong mabalitaan ko ang nangyari sayo ay niyakap ako ng guilt dahil hindi mo pa alam ang buong kwento sinubukan kitang kausapin noon sa ospital pero ayaw akong papasukin ng Mama mo dahil ang sabi mo raw ay ayaw mong may Makita kang iba at ang mga closefriends mo lang ang pwedeng dumalaw”


“buong kwento?” ang pagtataka kong sabi


“ang ikinwento ko kay Nathan ay noong 3rd year lang, sinasadya ko ‘yon dahil alam kong nasa banyo ka, pero hindi ko naikwento ay noong naging kayo ni Sedrick ay ikaw nalang ang bukang bibig nito sa barkada, ikaw ang lagi nyang kinukwento sa lahat ng bagay, at totoo nanalo nga sya sa pustahan pero hindi nya kinuha ang perang napag-usapan namin kasi mahal na mahal ka na daw nya higit sa buhay nya.


“binugbog ba kayo ni Sedrick para sabihin yan?” ang sabi ko na hindi parin makapaniwala?


“hindi, binugbog kami nitong syota mo dahil ang dakdak daw namin at yun nga medyo hindi kasi nakumpleto ni Tom yung kwento nya sa banyo” ang sabat ni Nathan


“at sinong nagsabing syota ko yan? Break na kami nyan” ang sabi ko pero natutuwa na sa loob-loob


“babe? Naman” ang malungkot na mukha ni Sedrick at kumawala sa pagkakahawak ni Nathan


“babe?, tandaan mo masakit ang nalaman ko, hindi ko pa kayang patawarin ka!” ang wika ko.


“sorry na kasi?” ang nagmamakaawa nitong pakiusap.


“ano yon? Tampuhan lang? tapos magpapasorry ka? Hindi mo alam ang pinaagdaanan ko habang iniisip na mawawala kana sa akin,halos mamatay ako sa kakaiyak at kaka-isip sa ginawa mo, siguro naging O.A ako pero gano’n talaga ako magmahal” ang madiin kong sabi dito.


“talaga? Iniiyakan mo ako?” ang maloko nitong sabi.


“alam mo Sedrick kung kaya mo pangmakipagbiruan sa sitwasyon na ‘to pwes! Ako hinde! Kaya wag mo na muna akong kausapin” sabay balik kay Tom at ginagamot ang kanyang mga sugat.


“sorry na kasi? Siryoso naman ako eh” biglang malungkot namang sabi nito.


Lumapit ito sa akin at lumuhod, hinawakan nya ang kamay ko at lumuluha.


“patawarin mo na ako, hindi ko kayang mawala ka sa akin, ikakamatay ko iyon, binigyan kita ng oras para kamuhian ako at para makapag isip-isip dahil alam kong malaki rin ang naging kasalanan ko sayo, pero sa bawat oras na nawawalay ka at nasasaktan ka ng dahil sa akin, nasasaktan rin ako pero tinitiis ko dahil para sa akin yan ang parusang ipinagkakaloob sa akin ng Diyos, sa araw-araw na ginawa ng Diyos wala akong hiniling kung hindi makapagpaliwanag,ngunit tinatabuy mo ako at ayaw mo akong Makita” ang mangiyak-ngiyak nitong sabi..


Naiiyak ako at naawa sa kanya, ganoon din pala ang kanyang pinagdaanan, malalim din ang sakit na kanyang pinaghuhugutan kaya humantong ako sa isang desisyon.


“oo masakit ang ginawa mong pagsisinungaling sa akin, tama nga ang sinabi nila, masmasakit kung manggagaling pa sa ibang tao ang masasakit na katotohanan, pero wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari at hindi kuna maibabalik pa, sana ang paghingi mo ng tawad ay hindi nyo na isang pustahan at totoo na sa iyong puso” ang banayad kong sabi.


“pero it takes time, to bring back my trust and faith to you, I love you but not now, you are a part of me that I can’t take away, but I know, someday I don’t have to do that but now friends will do to our relationship, I need to know the other part of me before loving you again” ang bukal puso kong sabi.


Naiyak ako at pati rin sya, nalungkot naman sina Tom at Nathan sa aking nasabi, at mukhang naiintindihan na nila ang aking ibig sabihin, mahirap pakawalan ang isang tao na ayaw namang kumawala, alam kong tama ang aking desisyon na maging magkaibigan muna kami ni Sedrick.


“hindi, alam kong mahal mo ako at ayaw mong mangyari ito, please Prince, wag mong gawin sa akin ang bagay na ito ayaw kong maging magkaibigan lang tayo” ang nagmamakaawa at lumuluhang sabi ni Sedrick.


“someday hindi nalang tayo magkaibigan darating ang panahon na babalik ako sayo, kung ako ay tatanggapin mo pa” ang lumuluha kong sabi.


“oo mahal, tatanggapin kita, nandito lamang ako at patuloy na maghihintay sa oras na marealize mo na mahal kita at mahal mo rin ako, hihintayin kita hanggang sa huli ng aking kamatayan, gagawin ko ang lahat para maibalik ka sa aking piling, kahit anong ipagawa mo ay gagawin ko para sayo” ang sinsero nitong sabi


Niyakap ko ito ng mahigpit dahil alam kong matagal-tagal ko rin na hindi sya mahahagkan.





Itutuloy:

16 comments:

Anonymous said...

Pede bang umiyak? Ramdam ko ung story grabe. Goodjob Author sa magandang story na ito :D. Ito na ang simula ng love triangle Between Sedrick, Prince and James :P

Anonymous said...

Nakakalungkot naman! :( Pero okay lang,congrats author! :D Update na agad

Mog22 said...

Hands down apollo. :)) Ganda. :)

Anonymous said...

Aww next! Anu kayang susunod na srtruggles? Si james kaya ang dahilan ng mga upcoming problems ng dalawa? Sedrick and prince pa din. Ehehe :-)

Ivan d.

Lawfer said...

i’m not convinced

Anonymous said...

:O i want more. :O

Sa next nalang ako magcomment ng uber.xD

-cnjsaa15-

Aewen said...

super like. burst of emotion. kuya zildjian nararamdaman ko yung tuwa at sakit nadulot ng pagmamahal habang binabasa to.
tsine-check ko ang site na to everyday for updates kasi ganda ng takbo ng story. keep it up kuya. tnx

Anonymous said...

maghihiganti si prince..

vp

Master_lee#027 said...

Parang pAng teleserye lang ang peg ng story mo apollo ehe,thumbs up for you .....galing,pero parang alanganin pa rin ung panghingi ng tawad ni sedrick uh?

--makki-- said...

We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly. naks!

Anonymous said...

kuya lawfer naman eh =D ahaha

kevinblues said...

aysus...totoo ba yan sedrick??baka nman pakolo nyo na naman ulit yan ng mga kaibigan mo...hahaist...anyways...go james...hahaha kay james ka nalang prince...kung mag.confees man sya sayo about sa feelings nya para sayo...hahahaha

Pink 5ive said...

Cute story. Naaappreciate ko na siya ng sobra :-)

DownDLine said...

pwede bang isa-telebisyon ito? pang telenovela!

Lloydie :) said...

hahaha haba namn ng bohok nyang taong yan.

Anonymous said...

ang haba nman ng hair ni princess este prince pla ..


more twist pa author gusto ko ung magulong-magulo..



<07>

Post a Comment