Thursday, May 24, 2012

Make Believe Chapter 25


by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com

Author's Note:

Ito po ang Chapter bago ang finale. Maraming salamat sa suporta at effort sa paghihintay na ma-post ang bawat chapter na ito. Masayang-masaya ako na nagustohan niyo ang unang kwento sa series na ito naway patuloy parin ninyong suportahan ang ibang estoryang gagawin ko.

Hinihiling ko rin sa mga mambabasa ko sa kwentong ito na sana ay mag-iwan kayo ng comment sa chapter na ito dahil ang susunod kong post ay ang aking nakagawiang pagbibigay pasasalamat sa mga taga basa ng kwentong ito. Doon ko po iisa-isahing bangitin ang mga pangalan niyo para pasalamatan kayo sa suportang ibinigay niyo sa kwentong ito.

Mga Anonymous at Silent readers, hinihingi ko po sanang mag-iwan kayo kahit pen name manlang para naman mapasama ko kayo sa mga babatiin ko. Salamat at ingat tayo lagi! _Zildjian

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Habang pinagmamasdan ko si Martin na mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kanina, nang pag-isahin nito ang aming katawan at kaluluwa ay wala akong ibang naramdaman kung hindi ang kaligayahan. The man I longed for the longest time had finaly came and made me feel how much he loved and cared for me.


Sa bawat indayog, sa bawat ulos at sa bawat halik nito ay hindi ko maikakailang ramdam ko ang kung anumang damdamin nito para sa akin. Hindi ko lubos mapaniwalaan ang lahat. Ang taong matagal ko nang pinapangarap ay heto’t katabi ko sa kama. Parang isang panaginip, isang napakagandang panaginip na sa wakas, sa matagal na panahon na paghihintay ay hindi ko lang nakadaupang-palad kundi nakaniig ko na rin ang taong pinakamamahal ko, ng higit pa sa buhay ko.


Hindi ko maikakailang sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin ay siya pa rin ang taong walang sawang minahal ko. Ang nag-iisang taong pinangarap ko. Kay tagal na panahon ko itong hinintay – ang tuluyang maramdaman ko ang pagmamahal nito sa akin.


Pinaglakbay ko ang aking kamay sa napakaamong mukha nito. Pilit pinapaniwala ang sarili na ang nangyari kanina ay totoo. Ramdam ko ang buong katawan nito na nakadikit sa kahubdan ko.


“This is all for real.” Ang pabulong kong wika habang hindi pa rin napapalis ang ngiti sa aking mga labi. “Hindi na ito pagkukunwari at lalong hindi na ito isang ilusyon.”


Muli kong pinaglakbay ang aking kamay sa mukha nito. Ang init na hatid ng balat nito ay nagpapatotoo sa akin na lahat ng nangyari kanina ay totoo, na lahat ng nakikita ko ngayon ay totoo.


Marahil ay naramdaman nito ang ginagawa kong paghaplos sa kanya. Dahan-dahan itong nagmulat at muli ko na namang nakita ang mga mata nitong punong-puno ng pagmamahal. Ang kakaibang ningning ng mga mata nito ang nagsasabi sa tunay nitong nararamdaman sa mga oras na iyon.


“Bakit?” Kapagkuwan ay wika nito na sinamahan pa niya ng isang napakagandang ngiti.


Imbes na sagutin ito ay lalo ko lang isiniksik ang sarili ko sa kanya. Sa puntong iyon ay ayaw ko na lang munang magsalita, mas ginusto kong maramdaman ang presensya nito.


Isinuklay nito ang kanyang kamay sa aking buhok kasabay noon ang pagbigay sa akin nito ng isang napakatamis na halik sa aking labi. Mabilis lang ang halik nito pero hindi ko maikakailang ramdam ko ang pagmamahal sa halik na iyon.


“Nakatulog pala tayo.” Nakangiti nitong wika. “Nagugutom ka na ba?”


Umiling ako at muling isinubsob ang sarili sa kanyang matipunong dibdib. Parang gusto ko na lamang manatili sa tabi nito dahil sa mga bisig niya, nakakaramdam ako na kapanatagan. Kung p’wede lang ay sana ay hindi na kami maghiwalay pa.


“Making love to you was the best thing that ever happened to me.” Wika nito habang binibigyan niya ng mumunting halik ang aking ulo. “Maraming beses na akong nakipagtalik, pero sa ‘yo ko lang naramdaman ang ganitong klaseng kaligayahan na para bang kahit mamatay pa ako ngayon ay malugod kong tatanggapin.”


“Hindi ka pa p’wedeng mamatay Matt, kailangan pa kita.” Usal ko.


“Mas kailangan kita Ken, sobra pa sa pangangailangan mo sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pangangailangan sa isang tao. Ikaw ang kumukumpleto sa akin Kenotz,  ikaw ang bumubuo ng pagkatao ko.” Bakas ang sobrang emosyon sa boses nito.


Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap nito sa akin kasabay noon ang paglapat ng mga labi nito sa aking noo.


“Hindi ko alam kung dapat mo pa ba akong pagkatiwalaan. Ang alam ko lang, kailangan kita hindi lang bilang isang kaibigan kung hindi bilang isang kasintahan. Isinusuko ko na sa ‘yo ngayon ang buhay ko Ken. Sana hindi pa huli ang lahat.”


“Hindi ko alam Matt.” Tugon ko rito. “Masyadong magulo pa sa akin ang lahat. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. I admit, mahal pa rin kita pero hindi ko rin maikakailang dahil sa patuloy na pagmamahal ko sa’yo, may nasaktan akong tao.”


“Aayusin ko ang lahat.” Matatag nitong sabi. “Ako naman ngayon ang kikilos para sa ating dalawa. Ako naman ngayon ang po-protekta sa ‘yo.”


“Matt..”


“Mahal kita Kenotz, mahal ko ang bestfriend ko at handa akong gawin ang lahat maitama ko lang ang mga pagkakamali at mga pagkukulang ko sa ‘yo noon. Ipapakita ko sa ‘yo at ipaparamdam na hindi pagkakamali na minahal mo ako hanggang ngayon.”


Napayakap ako ng mahigpit dito. Masyado na akong kinain ng nararamdaman ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ko napigilang hindi mapaluha. Ang taong matagal ko nang pinangarap na mahalin ako ay nandito na at handang gawin ang lahat para sa akin.


“Huwag kang umiyak.” Punong-puno ng pag-aalalang wika nito.


“Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito Matt.”


“Shhh.... tahan na pangako babawi ako. This time, ako naman ang magbibigay at magpapadama sa ‘yo ng pagmamahal ko.”


Sunod-sunod na malalakas na katok ang gumulantang sa amin ni Martin sa kadramahang ginagawa namin sa loob ng k’warto. Bigla akong nakaramdam ng kaba, pareho kaming walang saplot ni Martin. Nagkalat pa rin ang mga damit namin sa ibaba ng kama.


Hindi pa man ako nakakagalaw dahil sa sobrang pagkataranta nang bumukas ang pintuan kasabay noon ay ang pagliwanag ng buong k’warto.


“Kakain –– Ay hala!” Ang nabigla ring wika ng aking butihing ina. Napatakip pa ito sa kanyang bibig nang makita ang kahubdan namin ni Martin. Mabilisan nitong pinatay muli ang ilaw at nagmamadaling lumabas ng k’warto. “Chester anak, mukhang malapit ka nang maging tito!” Ang narinig pa naming wika nito.


Imbes na makaramdam ng hiya sa pagkakahuli sa amin ng aking ina ay pareho kaming napatawa ng malakas ni Martin. Ibang level talaga ang pagiging kunsentidora nito at laking pasasalamat ko na ito ang naging ina ko.






Tatlong araw pa ang nagdaaan ilang araw na lang at matatapos na ang bakasyong ibinigay sa akin ng kumpanyang pinapasukan ko. Malaking pasasalamat ko na nabigyan ako ng gano’ng kahabang bakasyon dahil sa ilang araw na pananatili sa lugar kung saan ako lumaki ay maraming bagay ang nangyari sa buhay ko.


Biyernes. Ito ang araw na muli akong tatapak sa bahay ng mga Medillo. Matapos ang gabing pinagsaluhan namin ni Martin ay nagsimula ang malaking pagbabago sa aking buhay. Paunti-unti ay nagagawa ko ng palayain ang sarili ko sa nakaraan dahil na rin sa presensya ni Martin kahit pa man may mga gabi pa ring dinadalaw ako ng mga bangungot ko kay Nhad. Pero hindi na tulad noon, na gigising ako sa aking kama na mag-isa, ngayon, palagi nang naroon si Martin na handang umagapay sa akin. Ito ang laging pumapawi ng mga luha ko at takot kapag inaalipin na naman ako ng aking konsensiya.


Minsan, hindi ko mapiligang maitanong sa aking sarili kung hanggang kailan ko ba dadalhin ang lahat ng iyon. Pinilit kong makalimot dahil batid kong hindi lang ako ang nahihirapan sa nangyayari sa akin. Bakas rin sa mga mata ni Martin ang lungkot at awa sa tuwing bigla akong umiiyak sa kalagitnaan ng gabi. Nakikita ko rin sa mga mata nito ang paninisi niya sa kanyang sarili sa pagdurusang nangyayari sa akin.


Dahil na rin sa kagustuhan ng aking ina at kagustuhan na rin ni Martin ay sinamahan ako nitong magpatingin sa isang espesyalista. No’ng una ay tumutol ako, natakot kasi ako sa katotohanang tuluyan na ngang naapektuhan ang utak ko sa lahat ng mga nangyari. Pero sa huli, napagdesisyunan ko na ring subukan. Hindi ko na kasi makayanan ang nakikita kong ibayong pag-aalala sa mga mata ng aking ina at ng taong pinahahalagahan ko ng higit pa sa buhay ko..


PSTD o Post-traumatic stress disorder. Iyon ang naging konklusyon ng tumingin sa aking doctor matapos kong maisiwalat sa kanya ang mga nangyari sa akin sa mga nagdaang araw. Hindi ko raw kinaya ang sobrang emosyon sa mga nangyari sa akin dahilan para magkaroon ako ng isang traumatic experience na tinawag nilang PSTD. Isang sakit na nakukuha ng isang tao kapag may mga pangyayari sa buhay nito na hindi nito nakayanang harapin at tanggapin.


Ang PSTD ay may iba’t ibang stage depende sa kung kailan ito nakuha. Habang tumatagal daw ay lalo itong lumalala na p’wedeng ikabaliw ng isang tao. Sa parte ko, madali raw maaagapan iyon dahil ilang araw pa lang itong nangyari . Ipinak’wento nito sa akin ang lahat bilang parte ng therapy niya para mabawasan kahit papaano ang dinadala ko at ipinayo din niya na subukan kong isa-isang harapin ang mga dahilan ng lahat ng takot ko. Iyon daw ang pinakamabisang lunas para sa akin.


Natural, natakot ako. Alam ko kasing isa sa mga rason ng sakit ko ay si Nhad. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang harapin ito lalo na’t alam ko ang matinding galit nito para sa akin.


“Anak, nasa labas na si Martin.” Ang pagtawag sa akin ng aking ina mula sa labas ng aking k’warto.


Dahil doon, napukaw ako nito mula sa malalim na pag-iisip. Mula sa pagkakaupo sa aking kama ay tumayo ako at humarap sa salamin. Mataman kong pinagmasdan ang aking sariling repleksyon kasabay naman noon ang pagpasok ng aking ina.


“Aba, ang g’wapo ng anak ko, ah.” Inabot nito ang kuwelyo ng aking suot na polo at inayos iyon.


“Ma, natatakot ako.” Ang wala sa sarili kong sabi.


“Kenneth, okey lang ang matakot pamisan-minsan dahil natural lang sa tao iyon. Pero, huwag mong kalilimutan na narito lang kami ng kapatid mo para sa ‘yo. ‘Wag kang mahihiyang humingi ng tulong sa amin kapag hindi mo na kaya. Hindi kahinaan ang paminsan-minsang paghingi ng tulong sa iba anak.”


“Sorry Ma kung naging mahina ako. Sa halip na ako ang nag-aalaga sa ’yo bilang panganay mo ay heto’t ako pa rin itong inaalagaan niyo.”  May bahid ng hiya at paghingi ng tawad kong wika. Alam ko naman kasing kahit anong katatagan ang ipakita sa akin ni mama, ramdam kong apektado rin ito sa mga pinagdaraanan ko ngayon.


Ngumiti ito sa akin ng ubod ng tamis bakas ang pag-intindi sa mga mata nito. How lucky I am to have a mother like her. Isang ina na bukod sa sobrang mapagmahal sa kanyang mga anak ay napakasupportive rin.


“Okey lang sa akin ang alagaan ka basta ba’t next time na may gagawin kayong karumaldumal ni Martin hintayin niyo naman munang tuluyan ka nang magaling para naman makapag-perform ka ng todo.”


“Ma!” Ang malakas kong pagsaway rito.


“Mag-uusap pala, ha.” Panunukso pang lalo nito sa akin. “Iyon na ba ang bagong pauso niyo ni Martin na pag-uusap anak?”


Agad akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking magkabilang pisngi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakakalimutan ang nasaksihan tatlong araw na ang nakakaraan at hanggang ngayon kapag nakakakita ito nang pagkakataon ay tinutukso pa rin ako nito.


“Mabuti na lang at hindi si Chester ang inutusan ko noon na umakyat para gisingin kayo kung nagkataon mababahiran ng kalaswaan ang utak ng bunso ko.” Patuloy pa rin nitong panunukso na sinamahan pa niya ng nakakalokong tawa.


“Mama naman, eh!” Ang natatawa ko na ring sabi sa kalokohan ng magaling kong ina.


Sa muli ay nagawa na naman ng aking inang palisin ang kanina lang na namumuong negatibong emosyon ko. Pakiramdam ko, sinadya niya iyon para mawaksi sa isip ko pansamantala ang mga bagay na bumabagabag sa akin.


Matapos ang panunukso nito sa akin sa loob ng k’warto ko ay magkasabay na kaming bumaba. Tulad nga ng sabi nito ay naroon na nga si Martin sa sala at naghihintay sa akin. Napakaguwapo nito sa suot nitong formal attire.


“Iuwi mo itong dalaga este binata ko ng maaga Martin, ah.” Nakangising banat na naman ni Mama.


“Kuya Martin, sama ako!” Singit naman ng kapatid ko.


“Hindi p’wede.” Baling ni mama rito. “Bawal doon ang mga hindi pa naliligo.”


“Naligo na kaya ako.”


“Kung gano’n bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit. Iyan ang damit mo no’ng isang araw pa, ah.”


Hindi ito nakapagsalita at napakamot na lang sa kanyang batok. Paniguradong masyado na naman itong nawili sa pagco-computer kaya hindi na naman ito nakaligo. Ngingiti-ngiti na lang kami ni Martin habang ito naman ang mapagtripan ni mama na asarin.


“Oh, bakit nandito pa kayo? Humayo na kayo’t ng makarami!” Usal nito ng mapansing naroon pa rin kami.


Napapailing na lang akong nagpatiuna palabas ng bahay namin kasunod ang ngingiti-ngiting si Martin. Mukhang nagustuhan nito ang huling banat ng aking magaling na ina.






“Matt, huwag nalang kaya tayong tumuloy? Uuwi nalang ako.” Ang kabado kong sabi ng huminto ang sasakyan nito sa tapat ng kanilang bahay.


Inabot nito ang aking kamay at marahan iyong pinisil.


“’Wag kang matakot, nandito naman ako hindi kita pababayaan.” May bahid ng paniniguro nitong sabi.


Muli kong ibinaling ang aking tingin sa kabuohan ng bahay nila kung saan pansin kong marami na ang taong nasa loob. Ito ang araw kung saan gaganapin ang birthday ng ina nito at sa loob ng bahay, naroon ngayon ang lahat ng taong importante sa kanilang pamilya para dumalo.


Naalala ko bigla ang huling tapak namin sa bahay nina Martin at iyon ay ang araw kung saan nagpanggap kami bilang magkasintahan na ikinagalit ng husto ng ama nito dahilan para itakwil nito ang kanyang kaisa-isang anak.


“Maraming tao Matt.” Kapagkuwan ay wika ko. “At baka hindi magustohan ng Papa mo na makita ako sa loob ng pamamahay niyo.” Dagdag ko pang wika na punong-puno ng pag-aalala.


Mula sa pagkakahawak niya sa aking kamay ay umakyat ang mga kamay nito papunta sa aking pisngi at marahan akong pinaharap sa kanya. Ngumiti ito sa akin ng ubod ng tamis at binigayan ako ng isang napakatamis na halik. Halik na nagsasabing pagkatiwalaan ko siya.


“I promised you that i will make things right for us, right?”


Tumango ako.


“Dito natin sisimulan ang lahat. Itatama ko ngayon ang mga maling nagawa ko noon paisa-isa para tuluyan ka nang makawala sa mga bangungot mo.”


“Pero Matt ––”


“Nandito lang ako okey? All i need from you is for you to trust me and i will make sure that everything will be okey.” Wika nito at muli akong kinantilan ng halik.


Lahat ng pag-aalinlangan ko ay tuluyan ko ng pinakawalan sa mga oras na iyon at piniling pagkatiwalaan nalang si Martin. Nang makakababa kami ng sasakyan at nasa tapat na ng mataas na gate ng bahay nila hindi ko mapigilang mapahawak sa kanya na para bang sa kanya ako kumukuha ng lakas at tapang.


“Everything will be alright.” Pabulong nitong wika na nilakipan pa niya ng isang ngiti.


Tulad nga ng inaasahan ko, sa malawak palang na bakuran nila ay napakarami ng tao. Nakaramdam ako ng kaba ng lumingon ang ilan sa mga ito sa gawi namin ni Martin. Akmang tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ko sa braso nito ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak nito sa aking kamay as if telling me not to let go of him.


Napayuko nalang ako para maiwasang makasalubong ko ng tingin ang mga taong ngayon ay nasa amin na ang pansin. Ayaw ko kasing makita sa mga mata nila ang pandidiri o pagkadisguto nila para sa amin. Baka hindi ko kayanin ang lahat at biglaan nalang akong tumakbo papalayo.


“Well, well ,well.” Napatigil kami ni Matt ng salubungin kami ng isang pamilyar na boses. May pag-aalinlangan kong iniangat ang aking tingin para makita ang mukha nito at tumambad sa akin ang nakangiting pinsan niya.


“Pinsan.” Bati ni Martin dito. “Kuya Laurence.”


Doon ko lang nabigyan ng pansin ang kasama nitong lalaki. Hindi rin maikakaila na may maipagmamalaki rin ang hitsura nito. Maamo ang mukha at mahinhin ang dating. Iyan agad ang discription ko ng mapagmasdan ko ito.


“You must be Kenneth.” Nakangiting wika nito. “I’m Laurence Cervantes –Samaniego ang dakilang asawa nitong kurimaw na ito.” Inilahad nito sa akin ang kanyang kamay at may pag-aalinlangan ko naman niyong tinanggap.


“Nice to meet you.” Mahina kong usal dala ng hiya.


“Mukhang napagtagupayan mo rin ang isang ito pinsan, ah.” Nakangising wika naman ng pinsan nitong si Claude.


Ngumisi si Matt dito at muling hinigpitan ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.


“Ang sweet.” Usal nito. “Parang tayo lang misis, noh?” Sabay ng paghawak din nito ng kamay ng kanyang asawa.


“Inggetero ka talaga.” Natatawa namang wika ni Laurence. “Mukhang tama nga ang nababalitaan ko mula sa tsismosong asawa ko, ah. So you’ve finally met your match Martin at talagang katulad ko pang mahiyain itong si kenneth. Kayo talagang magpinsan, ang hilig niyo sa mababait.” Wika dito na nilakipan pa niya ng nakakalokong tawa.


Ako man ay napangiti narin sa tinuran nito. Mukhang tama ang naging assesment ko sa isang ito, mabait siya at madaling makagaanan ng loob


“There.” Wika ni Martin. “Ikaw lang pala ang makakapagpangiti sa kanya kuya Lance. Kanina pa kasi kabado itong si Ken ko.”


“Naks, Ken ko agad?” Basag ng pinsan nito. “Kamakailan lang para kang tutang ulol na hahabol-habol diyan, ah.” Ngingisi-ngising dagdag nito.


Nakatanggap ito ng mahinang batok mula sa kanyang asawa.


“Walang basagan ng trip. Ikaw rin naman noon, habol ka ng habol sa akin.”


“Pakipot ka kasi misis.”


Di ko mapigilang mapangiti sa ginagawang batuhan ng lambingan ng dalawa. Napakasaya nilang tingnan na naglalambingan kahit paman maraming tao ang nakatingin sa kanila.


“Tara na sa loob, iwan na natin yang dalawang yan.” Pabulong na wika sa akin ni Martin.


Nilampansan na nga namin ang dalalwang magkapareha na nagkaroon na ng sariling mundo. Hindi na nga napansin ng mga ito ang pag-alis namin. Iyon pala ang nagagawa ng pagmamahal -nakakalimutan mo ang lahat kapag kapiling mo na ang taong pinahahalagahan mo.


Nang makapasok kami sa loob ng bahay nito ay agad naming naagaw ang pansin ng mga taong nasa loob kasama na doon ang mama at papa nito na kausap ang mga business associates ng mga ito. Agad na sumilay ang napakagandang ngiti sa labi ng mama nito at lumapit sa amin.


“Kenneth iho. Mabuti naman at nakapunta ka.” Bati nito sa akin na nilakipan pa niya ng paghalik sa aking pisngi. Sumunod naman dito ang kaninang mga kausap nitong tao. “Ate, ito ang sinasabi ko sa’yong si Kenneth. Kenneth ito ang nag-iisang kapatid kong si Marguerette at ang kanyang asawa, si Samuel.”


“M-Magandang gabi po.” Mahiya-hiya kong bati sa mga ito.


“He’s like Laurence. Mahiyain pero mabait.” Nakangiting wika ng babaeng nagngangalang Marguerette.


“Sila ang mommy at daddy ni Kuya Claude.” Wika ni Matt.


“Nakilala mo na pala ang isa sa mga anak namin.” Nakangiti ring wika ng asawa nito. “Louisa iha, halika rito.” Tawag nito sa isang babaeng nakaupo sa isang tabi at nakasimangot.


Hindi naman nito binigo ang ama at lumapit ito sa amin napakunot noo ako ng mapagmasdan kong maigi ang mukha nito. She looks familiar kaso hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita.


“Louisa iha, this is ––.”


“I know him.” Kapagkuwan ay wika ng babaeng nagngangalang Louisa.


“Magkakilala kayo?” Ang halos hindi makapaniwalang wika ng mga magulang nito.


“Not exactly Deh, coincidence lang. Nakilala ko siya sa isang bar noon.”


Doon ko lang naalala ang tagpo kung saan ko ito nakilala. She was the girl at the bar no’ng birthday ni Chelsa. Siya yung babaeng lasing at naghahanap ng makakasama.


“Small World.” Kapagkuwan ay wika ng Mama ni Martin. “Anyway, Martin anak, samahan mo munang kumain si kenneth baka nagugutom na siya.”


Sa totoo lang nakakapanibago ang kabaitang ipinapakita sa akin ng mama nito. Oo nga’t bago ito umuwi noon, no’ng pansamantala itong makituloy sa apartment namin ni Martin ay nagkapagalayan kami ng loob pero hindi ko akalain na ganito kainit ang gagawin nitong pagtanggap sa akin sa bahay nila.


“Tara, kuha muna tayo ng pagkain.” Wika ni Martin na tinugon ko lang ng isang simpleng tango. Nag-aalangang ngiti ang ibinigay ko sa mga taong nasaharap namin bago namin tinugo ang buffet table. Pinili ko talagang iwasang makasalubong ng tingin ang Papa niya sa takot sa pweding makita ko sa mga mata nito.


Sa kabila ng napakaraming bisita sa loob ng bahay na iyon ay hindi nawala sa tabi ko Martin. Tulad ng ipinangako nito ay nanatili ito sa aking tabi na ipinagpapasalamat ko naman dahil pagka-asiwa at hiya ang nararamdaman ko sa tuwing may mahuhuli akong taong sa amin nakatingin.


Ilang saglit pa ay nilapitan kami ng mama nito. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong batiin ito ng maligayang kaarawan.


“Salamat iho. P’wedi ko bang mahiram sandali itong anak ko? His Tito Samuel and kuya Claude wanted to hear about the idea he has para sa bagong negosyong itatayo namin.”


“Hindi ko p’weding iwan si Kenneth Ma.” Ang pagtutol naman ni Martin dito.


“H-Hindi. Sige na, ayos lang ako rito.” Wika ko naman.


“Sigurado ka?”


Tumango ako rito at binigyan siya ng isang ngiti. May pag-aalangan parin sa mga mata nito habang papalit-palit ng tingin sa amin ng mama niya.


“Don’t worry iho, ako ang bahala rito kay Ken.”


Sa sinabing iyon ng kanyang mama ay napatayo na rin ito. Sumulyap muna ito sa akin bago binalingan ang kanyang ina.


“Make sure to take good care of him Ma. Ken, hindi ako magtatagal, dito kalang okey?” At saka ito mabilisang pinuntahan ang mesa kung saan naroon at mga taong gustong kumausap dito.


“Look at him.” Kapagkuwan ay wika ng mama nito habang sinusundan ng tingin ang anak. “I never imagined that he can be that much protective to someone.” Bumaling ito sa akin at ngumiti.


“I also wanted to take this opportunity to thank you iho. Kung hindi dahil sa’yo, hindi maibabalik ang pagmamahal at respeto sa akin ng anak ko. At ngayon, ikaw na naman ang dahilan sa pagbabati nila ng Papa niya.”


“Ano ho ang ibig niyong sabihin?” Ang ‘di ko maiwasang maitanong.


Umupo ito sa isang upuan parahap sa akin.


“You’re the very reason why our son open his self to us and honestly speaking i’m a bit jealous of you iho. Ikaw lang kasi ang nag-iisang kahinaan ng anak ko. Nang umuwi si Martin dito tatlong buwan na ang nakakaraan iyon ang unang pagkakataong makita ko siya sa kanyang vulnerable state. Martin always act so strong infront of us. Hindi niya ipinapakita sa amin ang kahinaan niya kahit paman no’ng mga panahon na pinipilit namin siyang gawin ang mga bagay na ayaw niya. Nag-aalala ako para sa kanya even his father, pero alam mo naman ang mga lalaki, matataas ang pride. So as a mother, i tried to reach out to my son. Kahit paman p’wedi lang ulit akong itaboy nito.”


Mataman lang akong nakikinig sa kanya. Pilit iniintindi ang lahat ng kanyang sinasabi.


“But i was very happy enough na ginawa ko iyon. Dahil doon ko naramdaman ang pangangailangan sa akin ng anak ko. Ikinuwento niya sa akin ang lahat-lahat ng nangyari sa inyo kasama na doon ang pagpapanggap niyo para lamang matulungan mo siyang makalayo sa pagiging control freak namin. Para makabawi kami sa lahat ng pagkukulang namin bilang magulang ipinadala kami ng papa niya sa California para doon pansamantalang makalimot ang anak namin of course, without Martin knowing that it was his fathers plan. Alam kasi ng Papa niya na galit na galit parin sa kanya si Martin.”



“Hindi ko inaaasahan na ang anak ko pa mismo ang lalapit sa akin sa kabila ng lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya noon.” Biglang pagsulpot ng Papa nito na sa akin nakatingin. Walang galit sa mga mata nito hindi tulad ng huli naming pag-uusap noon. Ngayon, isang napakaamong ama ang nakikita ko.


“Lumapit siya sa akin para humingi ng tawad sa mga kasalanang ako naman ang may gawa. Kinalimutan na niya ang lahat ng galit niya sa akin para lamang sa isang tao at ikaw iyon iho. Kaya maraming-maraming salamat sapagkat dahil sa’yo, nabigyan pa ako ng pagkakataong maitama ang mga bagay-bagay para sa anak ko. Napakalaki ng naitulong mo sa pamilya ko.”


Nabaling ang tingin ko kay Martin na hanggang sa mga oras na iyon ay nakikipag-usap parin sa Tito at pinsan nito. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng aking mga luha sa mga narinig mula mismo sa mga magulang nito. He really did make things right for us.


“Mahal ka niya.” Kapagkuwan ay wika ng ama nito.


“Sobra.” Pagsangayon naman ng mama nito. “At malugod ka naming tatanggapin sa pamilya namin iho, hindi na bilang matalik na kaibigan ng anak namin kung hindi ang taong  piniling mahalin ni Martin.”


Tuluyan ng bumasag ang mga luhang kanina pa namumuo sa aking mga mata. Pero hindi tulad ng laging dahilan ng pagpatak nito na puro pagdurusa ngayon, masasabi kong ang mga luhang iyon ay bunga ng ibayong saya na dala ni Martin sa akin.


“Bakit niyo pinapaiyak si Kenneth Ma, Pa, alam niyo namang hindi makakabuti sa kanya ang umiiyak eh.” Ang biglang sulpot ni Martin. “Ayos kalang ba, inaway ka na naman ba nila?”


Pareho-pareho kaming napangiti ng mga magulang nito habang pinapahid ko ang mga dumadaloy na luha sa aking magkabilang pisngi.


“Umandar na naman ang pagiging over protective mo. Hindi namin inaaway si Kenneth, nagpasalamat lang kami ng Papa mo.”


“Walang duda, sa akin nga siya nagmana.” Ngingiti-ngiting wika naman ng ama nito. Habang iginagaya na palayo ang asawa nito.


“Sabi sayo, eh. Ayaw mo kasing maniwala.” Ani naman ng kanyang ina.


“Sige nalang, birthday mo naman ngayon.”


Nang tuluyan ng makalayo ang mga magulang nito ay hindi ko mapigilang mapayakap kay Martin kahit paman sa kabila ng maraming taong nakatingin sa amin.


“Maraming salamat Matt.” Ang wika ko hindi mapigilan ang mapahikbi.


“Basta’t para sayo Ken, lahat gagawin ko kahit ibaba ko pa ang pride ko maalis ko lang ang lahat ng pangamba diyan sa puso mo.”


“Oi, group hug! Sali kami ni misis ko diyan!” Ang narinig ko pang wika ng pinsan nito pero hindi ko na iyon pinansin sa sobrang kaligayahang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.






Itutuloy:

54 comments:

Anonymous said...

thank you - andrei

kristoff shaun said...

sana totoo na merong ganitong klase ng pagmamahal...

Anonymous said...

great stories...you did a very good job zild...hindi lamang pag-ibig ng mag sing irog ang pinapakita mu sa mg stoirs mu kung hindi pati na rin pagibig sa pamilya...two thumbs up para sa for a job well done..can't wait for the finale, i wonder what will happen to nhad, i hope that he find also he's happiness...congratulates and more power to you..

-iamronald

PENSandPAPERS said...

:)

nakakatuwa..

euelmontalbo@rocketmail.com said...

Nice story po.i really do like happy endings!!!

singledon said...

hahahaha npahagalpak ako sa tawa ng sinabi ng mama ni kenotz na chester malapit ka ng mging tito. wapaaaaaakkkk!!!!!!!!!!!!!

Jasper Paulito said...

sana nga merong ganitong klase ng pagmamahal ng 2 lalaki; pero nangangarap pa rin naman ako.... anyway libre naman yon... hehehe.
ZILD!!!! GALENG GALENG talaga. bow wow wow ako sa yo sa husay mong magsulat. grabe ang imagination mo... hanga talaga ako sa mga katulad mo na naisusulat at naipagdugtong dugtong ang mga naiisip. I really really love the story. at wish ko talaga ang success mo sa larangang ito; it is my prayer that through your works, many people like us will be inspired and will experience the same kind of love that Kennotz experienced. SANA... more stories din from you Zildjian.

Anonymous said...

waahhh super kulit at biba naman ng nanay ni ken..hahahha willing ng magka apo..hahahahaha

this story made me realize that love is a strong feeling na kahit sinung taong makaramdam nito..natututong magbago para sa mas ikakabuti ng samahan nila ng taong mahal niya,,at kahit ano pang mangyari..mas mananaig parin ang pagmamahalan :)

hindi man sila yung tipikal na magkasintahan..pero naipakita ng kwento na hindi hadlang ang kasarian pagdating sa love :)


thanks po sa kwento...

p.s
sana yung kay nhad pong part ee maging ok na din...hahaha

--rhaj

Ian.Knight said...

hay nako.. ganda talaga ng mga stories mo sir!!! ilang beses ko na siguro inulit ulit ang mga storya mo XD sorry kung hindi ako maxado nakakapag comment sir.. nagiging speachless kasi ako pag binabasa ko stories mo eh . . haha chos!

anyways sir! IanDavidKnight here! abangan nyo nalang po kung saan lalabas ang pangalan na iyan XD

-IanDavidKnight-

Anonymous said...

ang galing :D yey :D super happy n sila si nhad n lng :D
-yume

--makki-- said...

HEART WARMING Chapter! Nice one Z!


-- paano na si Nhad? Kamuzta naman xa?

Anonymous said...

waaaahhh!!...

sori kuya Z ngaun Lng ako nkpag.comment...
masyadong busy eh...
hehehe...

at Last, ken finaLLy had wat he wanted...
so happy for him...
but i wonder wat happened to nhad??...
hhhhmmmm.....
prang i get the feeLing nah the next story wiLL be nhad's Love story...
hehehe...

great chapter and amazing story kuya Z...
aLL of your stories are amazing...
nver a duLL moment in aLL ur chapters nd aLL ur stories...
nd aLL ur stories are very inspiring...
even though we Live in a society where ppoL dnt accept this kind of reLationship, ur stories gives us hope... the stories makes us feeL dat der is someone who wiLL Love u for who u are...nd dat nothing is impossibLe wen it comes to Love...

keep up the good work kuya Z!!...
nd KUDOS to u...




- edrich of cebu

Master_lee#027 said...

Here I am again ,
THUMBS UP kuya zek ...galing...palakpakan...kapag ikaw na gumawa lahat ng readers napapatigil sa blog mo para mabsa lang nila ang gawa mo ..your one of the best author here in blogspots...and thanks na din sa story mo til thw last chapter ..mwuah ....

PHILIPAVILA said...

clap clap foy zild galing mo......:)

Anonymous said...

ala pa yung lababo scene makisan...ahaha....

-iamronald

PHILIPAVILA said...

you great zild..really amazing

Anonymous said...

ang ganda ng naging kinahinatnan ng storya ng dalawang taong nagmamahalan, sana may ganito sa totoong buhay! :)

Anonymous said...

next na agad mr author. ganda ng mga istorya mo.

---januard

lei said...

really nice chapter! im really glad things are going well with Matt and Kenotz!

Kudos AUTHOR!
YouInspireMe!
Thank you for this wonderful story!
can't wait for the new story to be posted! :)

Anonymous said...

Hai, another happy ending... Hmmmmm.... How i wish i have one... :| thanks for this chapter daddy zeke...next n agad!!!!

-eusethadeus

Anonymous said...

You did a great job zeke.

Clap!


--ANDY

Unknown said...

Ito ka na naman Zildjian eh. Matutulog pa lang ako pero magiging maganda ang tulog ko ngayon dahil may ngiti sa aking labi. Nag uumapaw ang galak ko sa mga nangyayari sa buhay nila Kenneth at Matt.

Pinagaan mo ang araw ko. Pero gabi pa lang para sa akin kasi matutulog pa lang ako. Parang colcenter lang.

Sorry hindi ako nakakapagkomento busy busihan ulit. Anyway at least naman naayos na rin ni Matt ang buhay niya. At dahil naayos niya ang buhay niya ay natulungan niya rin si Kenneth na mawala yung trauma ng bumabagabag sa kanya.At least masaya ako kasi Kenneth-Matt pa rin ang magkakatuluyan. Subukan mo lang ibahin. Ipapablock ko itong blog. Haha..Joke.

Para kay Nhad makakakita ka rin ng kapalit ni Kenneth. Baka yung si Louisa na iyon. Baka babae talaga ang makakatuluyan niya. Alam ko bibigyan mo na naman kami ng hint kung sino ang next na gagawan mo ng kwento. Kaya aabangan ko yan. At makikita ko na naman yung mga cross over na character mo. Ikaw na ikaw talaga iyon. Hahaha.

O ayan..wala na akong masabi. Nilubos ko na. Antok na ako eh. GoodMornight sa iyo!

Anonymous said...

Ur story ang un ang binabasa q pag gising q.. It's really Inspiring Sana may Matt din aq at Sana may Ganyan din aqng family ktulad ng Kay ken at Matt.. Thank you zild for a very inspiring story... Dahil dito I believe that's there's true love for people like us.....
Randy

Anonymous said...

VERY TOUCHING. :') Sana totoong nangyayari to sa buhay natin para masaya. Pa'no na nga pala si Nhad? Aabangan ko yan. :D

-- Charlette Paul

Irsen said...

sana katulad ng inay niya ang inay ko. katuwa... kakilig yung dalawa...

Irsen said...

sana katulad ng inay niya ang inay ko. katuwa... kakilig yung dalawa...

MARK13 said...

Ganda naman tlaga ng chapter n2. Happy n ang lhat except nhad n mlungkot pdin,how i wish mktagpo xa ng taong magm2hal xa knya ng totoo at wlang pag-aalinlngan. And for ken,mptawad n xana nya xarili nya pra lubuxan n xa mging mxaya xa pling ni martin.

Congratz Mr. Z,u really make us fall inlove again. Great job. =)

MARK13 said...

Ganda tlaga ng chapter n2,ibang klaze k tlaga Mr. Z,u really make us fall inlove again. Everyone is happy now.

---Congratulations =)

Jay-Ar said...

Galing galing ni Zild! Hindi ako nagkamali subaybayan mga kwento mo mula nung una pa. hehehehe Hindi talaga pag-aaksaya ng oras ang paghihintay sa mga estorya mo. =)

Anonymous said...

Thanks for making such a nice story.... You make my imagination wild!

-Raymund of Bacolod

Anonymous said...

a very good story! Galing mu kua zeke, d maikakaila kaabang2x ang bwat st0ryang gnagwa mu... Sa uulitin

Ryge Stan said...

hmmm what I great story talaga!!!
Zeke when will you post the next chapter??? Hehehe can't wait to read it. Pero sana maayos na rin ni Keneotz ung concern ni Nadz and I do hope he find someone who will return the love that he is giving.

Thanks and keep on writing

IAN said...

Idol! sana nakaabot pa ko! hahaha.. ganda grabe! kakilig! sana sa FINALE pakiligin at mapapatawa mo kami! hahaha! i like some comedy parts! :] ! tawang tawa talaga ako nang mahuli sila ng MAMA ni KEnotz! xD. :D!..


(IAN)

Anonymous said...

Reading this makes tears flow from my eyes! Ewan ko ba. Siguro im longing to find someone who will show the same love as what matt showed ken. Haiii life! Hmmmm....

Ivan d. :-)

Lexin said...

this chapter is overwhelming..
And now, for the finale.....
Idol na kita zeke,hehe

Anonymous said...

ito ang m2m version ng disneyland, haha. alam ko meron nito sa totoong buhay at sana maranasan ko ito. emote lang haha. waiting sa great finale! =dereck=

James Chill said...

Sige dyan ka masaya ken! Akin na lang si nhad please! Haha...

As usual maganda pa din!
Thumbs up! :-)

Anonymous said...

teary eyes ako habang binabasa ko to ...


sana lahat ng tao maging ganito ka openminded kagaya ng mga magulang ni matt..

<07>

Anonymous said...

anyway....mganda sa maganda ung chapter nato....but!!!!sa susunod kya gnun din...........wat f mamatay na c ken.............sad to say.............nice!!!!......................................ras

Anonymous said...

ang ganda ganda na.. si nhad nlng ang problema nila.. sana makatagpo din sya ng mmahalin nya.. hehe- sorry kuya Zild nanghihinayang lng po kc ako sa character nya eh, thanks po pl sa story na ito idol po tlg kita-- Jordan Rey

youcancallmeJM said...

indeed from the very first time I read this story I can't help myself but immerse in hours of reading and days of nostalgia in waiting for chapter updates but indeed it's worth it.
another story is nearing its end however new ones are waiting to unravel and i'am eager to read more of your stories that truly touches one's heart.
i have still questions in my mind; however, i'll just wait until you post the next chapter ... Good Job

Brent_Angelo said...

hey Z,
this chapter is intense!

Sana may ganito kwento rin
ang buhay ko. :))

Can't wait for the Grand Finale. :D

russ said...

ang galing galing galing talaga mo Z..

Anonymous said...

weeeee

galing mo tlga bOss~



-KISS-

robert_mendoza94@yahoo.com said...

LOTS OF WOW AGAIN! HE HE HE. NICE! NICE! SO HAPPY SA NANGYAYARI SA LOVE STORY NI MARTIN AT KENOTS. SANA TULOY TULOY NA E2 AT HAPPY ENDING NA ANG MANGYARI. GALENG MO TLAGA ZILD!

Anonymous said...

Kuya Z
pwedi po bng arborin yung nanay ni ken hay
happy for him and sad for jessica este nhad
looking forward for his story!
-darwin19

Drew Francisco said...

The best series after The Right Time! Nakakalungkot na ang kwentong nagpapaiyak sa akin ay magtatapos na. Kudos to the author.

Anonymous said...

sana chapter 26 na happy ending

Anonymous said...

malapit na pala matapos ito. sana okay lang si nhad. sana makahanap din sya ng bago at maging happy ending.

congrats author sa magandang pagtatapos ng story mo

by the way, matagal na akong silent reader simula pa ng mag umpisa itong kwento na to. sorry kung ngayon lang nakapagcomment

-Mike

cutieboy14(jason) said...

sorry author if late nakapagcomment nwala net ko kagabi sa lakas ng ulan. By the way, may matatapos ka nnmang akda. Thank you sa pagiging active mo at pagiging responsable, Idol na rin kita :) Bihira lang ako magcomment ha at talagang ngcocomment lang ako kapg dama ko ung kwento pano medyo nakarelate ako sa kwento mo na to haha :( Galingan mo pa author kahit magaling ka na. Thank you at ingat palagi. Godbless!

Unknown said...

asan na c nhad..?? kawawa naman..

Anonymous said...

grabeh .. kinikilig ako ng bonggang bongga.,!
PASABOG ANG PART NA ITUU!
cant wait for the next episode..

mr,author indii ka tlga nawawalan ng pasabog :)
WINNER NA WINNER ITUU!

I LOVE THIS PART :)
gooooo KENNETH!

... pero nalulungkot ako para kay nhad .. sana lumigaya din sya someday

<----- demure

nino said...

wah... tapos na po ba talaga? :-(

Anonymous said...

nakakaiyak ung last part na nkikipagusap ang parents ni matt ke ken!T_T
Love Moves In Mysterious Ways talaga...

at nakakatawa nmn ang nanay ni ken!hahaha...iiihhhh,,nahuli sila!haha

si nhad na lang ang huling bagay na dapat maayos ni ken para tuluyan na siyang maging malaya...with matt.

-monty

Post a Comment