The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
Di
magandang ideya na humarap kay Jase na may bahid pa ng luha ang aking
mga pisngi, baka isipin nito na ang sitwasyon namin ang aking
iniiyakan, ayaw ko rin naman magtanong ito at baka maamin ko rin sa
kaniya ang tungkol kay Nate. Hinarap ko si Jase, nanlaki ang mga mata
ko ng makita ito, nakangiti ito sakin. Para bang masayang masaya siya
na nakita ulit ako.
“Gurl,
isali mo naman itong kaibigan kong si Aaron diyan sa fashion show
mo.” sabi ng isang matandang lalaki na aking naging customer sa isa
nitong kaibigang event coordinator.
“May
experience na ba yan?” tanong ng event coordinator.
“Wala
pa, pero ikaw nang bahalang magpakilala sa kaniya sa mga kakilala
mong pwedeng magturo sa kaniya. Sayang naman kasi ang isang to kung
puro booking na lang.” sabi ng matanda.
Tunog
concern man sakin ang matandang iyon ay alam ko namang pakitang tao
niya lang yun para magkaroon ako ng utang na loob sa kaniya at mahiya
nang makipaghiwalay sa kaniya. Gusto niya lang makalibre sakin.
“Sige,
akong bahala.” sabi ng event coordinator, marahil ay nagiba ang
desisyon nito ng marinig sa matandang nagpapabooking ako. Kabisado ko
na ang mga sikmura ng mga matatandang bakla lalong lalo na ang
magkakakaibigan.
“I
will not refer him if he doesn't fuck good.” ika nga nila sa
kanilang circle of friends. Hinila ako nito papunta sa mga grupo ng
modelo na mukhang abala sa pagmimeeting.
“Jase,
pwede ka bang makausap saglit?” tanong ng event coordinator sa
isang lalaki.
0000oooo0000
“Ipinapakilala
ko sayo si Aaron. Pinakiusap siya sakin ng kaibigan ko.”
pagpapakilala sakin ng event coordinator sa lalaking nagngangalang
Jase.
“Pare,
lapit ka dito sa may spotlight.” tawag sakin ni Jase, lumapit ako
at tumapat sa ilaw.
Di
ako kumportable lalo na at napakainit sa pakiramdam ng spot light na
iyon, kita ko rin ang ibang modelo na tinitignan ako at kinikilatis
din, pero ang pinagtaka ko ay ang tingin na ibinibigay sakin ngayon
ni Jase.
Parang
nagulat siya sa pagkakakita sakin ng maayos sa ilalim ng spotlight,
parang matagal na niya akong kilala pero matagal na panahon ding
hindi nakita. Ganon ang reaksyon na nababasa ko sa kaniyang mukha.
Binawi nito ang kaniyang reaksyon at nagsimula ng umikot mula sa
aking kinatatayuan.
Pinaiikutan
ako nito, parang asong pinaiikutan ang isang buto. Kinikilatis bawat
sulok ng mukha at katawan ko, tinitignan ang aking bawat reaksyon at
tindig. Paminsan minsan itong hahawak sa kaniyang baba at hihimasin
iyon.
“May
potential diba?” tanong ng event coordinator sa lalaking pumapaikot
sakin. Ngumiti ito.
0000oooo0000
“Kape?”
tanong ng lalaking kanina lang ay kumikilatis sakin. Umiling lang
ako.
“Aaron
ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Jase, I manage models, ilang
taon narin ako sa business na to and being a former model kaya alam
ko na ang kalakaran dito. Unfortunatelty di nagsu-survive sa mga
business na to ang tatahitahimik at mahiyain.” napaisip ako sa
sinabi niyang yun at lalo akong kinabahan.
“Kape?”
ulit nito sa naunang tanong niya sakin, tinanggap ko na ang alok nito
atsaka marahang ngumiti. Gumanti lang din ito ng ngiti.
0000oooo0000
“Bakit ka andito?” tanong ko kay Jase ng makalabas
na ako ng banyo.
“Dinalhan kita ng lunch.” sabi nito, agad na kumunot
ang noo ko, madalas niyang gawin ito sakin noong nagsisimula palang
kami sa aming relasyon pero nung maglaon, nang magtagal ay parang
nanawa din ito at nawalan ng gana.
“Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Bawal na ba? Dati
naman na kita dinadalhan ng lunch ah.” sabi nito saka ngumiti. Lalo
akong naguluhan.
“Nginitian ulit ako ni Jase, may ilang taon narin
siyang di ngumingiti ng ganito. Ano kayang nangyayari?” tanong
ko sa sarili ko. Natutuwa ako, siyempre, pero di ko maiwasang
maghinala, maguluhan at kabahan, sa makatuwid, alam kong may mali.
Pakiramdam ko ay para itong de sarsa na ulam na matagal
na inimbak sa ref at pagkatapos ay inilabas saka ininit sa microwave
oven, muling uminit ang ulam pero alam mong may mali na. Malabsak na
ang sarsa.
“Tititigan mo na lang ba ako o kakainin na natin 'tong
napakasarap na adobo na niluto ko para sayo.” tanong nito sakin
sabay hagikgik.
“Para saan lahat ng to? Kung dahil 'to sa kagustuhan
kong makipaghiwalay sayo, di na magbabago yun. Gusto ko paring
makipaghiwalay sayo, pero ang mas ipinagtataka ko, Jase ay sinabi
mong di ka papayag at alam mong wala na akong magagawa doon. Kaya ang
tanong ko sayo para saan ang lahat ng ito?” sunod sunod kong tanong
dito. Nagbuntong hininga lang si Jase.
“You
did a great, Aaron! Napapansin ka na ng ilang designers. I'm sure
they're going to book you on the next fashion week.” sabi ni Jase
na talaga namang ikinatuwa ko, ibig sabihin kasi nito ay kahit papano
ay mababawasan ko na ang pagbubooking ko sa mga matatandang bakla.
“Salamat,
Jase!” sigaw ko at wala sa sarili ko itong niyakap. Naramdaman ko
ang matipuno nitong dibdib na nakalapat sa aking sariling dibdib.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahan dahan ako nitong
inilayo sa kaniya, tinignan ako ng daretso sa mga mata at miya miya
pa ay naglapat na ang aming mga labi.
0000oooo0000
“Hon,
guess what.” sabi ni Jase sa aking likod habang nagbibihis.
“Hon
ka diyan.” sabi ko dito sabay ngiti.
“Gusto
ko hon.” sabi niya sabay simangot, parang batang nagtatampo.
“O
sige, HON ano yun?” sabi ko dito sabay lambing.
“Nagluto
ako ng favorite adobo mo for our first monthsary!” sabi nito na
talaga namang parang bata na ipinapakita ang kaniyang mataas na grade
sa kaniyang mga magulang.
“Wow!
Asan na?” tanong ko dito sabay tingin sa lamesa na nasa loob ng
dressing room at ng ibaling ko pabalik sa kaniya ang aking tingin ay
nakanguso na ito.
“Kiss
muna.” sabi niya. Tumalikod ako.
“Hay
naku Jason Perea! Tigilan mo ako! Sabi ko na nga ba di totoo yang
adobo drama mo eh. Gusto mo lang talaga maka-kiss!” sabi ko dito,
pilit na itinatago ang ngiti sa aking mga labi.
Pumuwesto
ito sa aking likod at iniyakap ang kaniyang kaliwang kamay sa aking
dibdib, nagkatinginan kami sa malaking salamin sa aking unahan. Sa
kanang kamay ay isang tupperware na may lamang ulam. Amoy adobo ito.
“Asan
na kiss ko?” tanong niya sabay ngisi. Humarap ako dito at mariin
siyang hinalikan sa labi.
“Napagusapan na natin yan, Aaron.” may kung anong
malamig sa pagkakasabi niya sabay hila sakin papunta sa dining area
ng quarters.
“From now on, I promise to make things right.” sabi
nito, ramdam ko na sinsero ito sa mga sinabi niya.
“You of all people should know that things are easier
said than done.” sabi ko dito, tumingin ito sakin sabay buntong
hininga ulit.
“Sige kung gusto mong tumigil sa pagbu-booking. Sige,
payag na ako. Ikaw lang naman ang iniisip ko. Ikaw at yang pride mo.”
sabi ni Jase sakin pero malumanay ang pagkakasabi nito.
“Sabi ko sayo noon itigil mo na yang pagbu-booking at
ako nang bahala sa medschool mo pati sa residency after, pero ayaw
mo, ramdam kong ayaw mong umasa sakin kahit na boyfriend mo na ako,
ramdam ko na importante sayo ang pride mo at dahil diyan sa pride mo
inapakan mo ang ego ko.” sabi niya habang nakatingin parin sa aking
mga mata. Bakas ang sinseridad sa bawat salitang sinabi niya.
Sinseridad at sakit. Nagulat ako dahil di ko inaasahang ganun pala
ang naging epekto nito sa kaniya.
“Sino
yung baklang yun?!” pasigaw na sabi sakin ni Jase. Dare-daretso
lang ako sa paglalakad palayo sa kaniya.
“Putangina
naman, Aaron! Pati ba naman ikaw nandyan sa pagbubooking na yan?!”
galit na habol nito sakin, bigla akong humarap dito na ikinagulat
naman niya.
“Mahina
ang modeling ngayon Jase. Di kaya ng modeling lang ang med-school and
pagnaglaon pati na ang residency.” naiiyak ko ng sabi dito.
“Akong
bahala sa medschool and residency mo, itigil mo lang yan.” umiling
ako sa sinabi niyang yun.
“Kilala
mo ako Jase, di ako humihingi ng tulong lalo na kung kaya ko naman.
Ayaw kong makita ako ng mga magulang ko na naghihirap at naasa sa iba
para lang maipamukha nila sakin na mali ang desisyon kong maging
bakla!” sabi ko dito, nagulat siya sa sinabi ko. Tumalikod siya at
naglakad palayo sakin.
Dun
na nagsimula na nanlamig sakin si Jase. Nanlamig sakin at pati saming
relasyon.
“Di mo alam kung pano ako naapektuhan, habang nakikita
ko ang mismong boyfriend ko ay nahihirapan at nasasaktan at wala
akong magawa para matulungan ka kasi ayaw mong tulungan kita.”
mahinang sabi nito, unti unti nang namumuo ang luha sa aking mga
mata.
“Kaya nung sinabi mong titigil ka na sa pagbu-booking
di ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil alam kong di mo kaya kung
sa modeling ka lang aasa, at ayokong makita ka na nahihirapan ulit
tulad ng dati tapos wala nanaman akong maitutulong. Pero kung yun
talaga ang desisyon mo, kung gusto mo talagang tumigil na, sige.”
sabi nito saka ako binigyan ng malungkot na ngiti.
May kung anong kumurot sa aking puso sa mga sinabi
niyang yun.
0000oooo0000
Lumipas pa ang ilang araw at napansin kong bumabalik na
ang dating Jase. Ang Jase na minahal ko. Natutuwa ako dahil kahit
papano ay lalo kaming pinatatag ng lahat ng nangyari at laking
pasasalamat ko at hindi ako agad binitawan ni Jase nang hilingin kong
maghiwalay na kami.
“Bukas Adobo ulit?” tanong sakin ni Jase habang
inililigpit ko ang pinagkainan namin sa loob ng quarters.
“Ulit?” tanong ko dito, bahagya namang sumimangot si
loko at nagtamputampuhan nanaman.
“Sige, basta luto ng honey ko kahit forever adobo ang
ulam kakainin ko.” sabi ko dito, biglang nagbago ang tabas ng mukha
nito at marahan akong hinalikan sa labi.
“Hon...?” tanong nito sakin pagkahiwalay na
pagkahiwalay ng labi namin. Tinignan ko lang ito, pinabayaang ituloy
ang kaniyang nais sabihin.
“...Uwi ka na bukas ah?” sabi nito sakin. Kumunot
ang noo sa pagtataka. Ang lakilaki niyang bulas pero kung magbaby
talk...
“Off na ako bukas, hon. Uuwi na talaga ako.” sabi ko
dito sabay tingin sa kaniyang mga mata, iniisip kung anong ibig
sabihin nito.
“Ibig kong sabihin sa apartment ko na ikaw umuwi bukas
ha?” tanong nito sakin, sabay gawad ulit ng smack sakin. Napangiti
naman ako.
“Bakit? Akala ko ba ayaw mo ako sa apartment mo
umuwi?” makahulugan kong tanong dito.
“Tagal na kasi nating hindi nakakapag...” sabi nito
pero isinupalpal ko na ang scotch bright na may sabon sa kaniyang
labi para hindi na niya maituloy ang kaniyang sasabihin.
“Namimiss ko na ito oh.” sabi niya sabay hawak sa
aking puwet. Pinandilatan ko ito ng mata.
“Ayown! Yun lang pala ang namimiss mo eh!” sabi ko
dito sabay simangot.
“Syempre namimiss ko yun, lalaki lang ako may
pangangailangan din. Pero siyempre gusto ko may makakasama na ako sa
apartment ko. Gusto ko andun ka paggising ko sa umaga. Gusto ko
nayayakap at nahahalikan kita lagi saka antagal na nating
magboyfriend wala pa tayong, baby.” sabi nito, di ko na napigilan
ang sarili ko at nabatukan ko na ito.
“Sige sige scratch mo na yung huli kong sinabi.
Namimiss na kita, andami ko ng panahong sinayang nung nanlamig tayo
sa isa't isa. Saka nagpromise din akong aayusin ko na ang kung ano
mang meron satin, diba?” sabi nito, seryoso na si Jase. Alam ko na
ang tingin na binibigay niya sakin. Napangiti na lang ako.
0000oooo0000
Isang araw bago ako lumabas ng ospital ay nagtext sakin
si Jase. Hindi na ito numero ng kwarto at kung ano pa man na
konektado sa booking.
“Mamya na ang paglipat ng hon ko!” sabi nito sa
text. Bahagya naman akong napangiti at kinilig. Di pa lumilipas ang
ilang oras at nagtext nanaman ito.
“Hon, intayin mo ako mamya ha? Sa lobby na ng ospital
tayo magkita.” sunod na text nito.
Halos hatakin ko na ang oras para makalabas agad ako ng
ospital.
0000oooo0000
Isang oras na akong nagiintay sa may lobby, nagsisimula
na akong magalala kay Jase at kung dadating pa ba ito. Nagsisimula na
akong magisip ng di magagandang bagay tulad ng...
“Pinagtripan lang kaya ako ni, Jase? Baka ipinapamukha
niya lang sakin na patay na patay parin ako sa kaniya at di ko talaga
gusto ang makipaghiwalay sa kaniya.” nasa ganito akong pagiisip ng
biglang may nagtext. Si Jase. Sisimulan ko na sanang basahin ang text
nito ng biglang may tumawag sa pangalan ko, napalingon ako.
“Nate?”
Itutuloy...
_____________________________
Against All Odds 5
by: Migs
6 comments:
Thanks kay Zekie! :-)
Pasensya na sa matagal na post, medyo busy eh.
J: thanks sa pagbabasa! :) Daya mo! edi hindi ka na magco-comment niyan sa mga susunod na chap? :(
RGEE: relax ka lang, pang limang chapter pa lang yan hehe. madami pang mangyayari.
Ras: thanks!
kevinblues: hindi naman ako naguluhan sa comment mo. medyo lang. Salamat din sa pagababasa!
Lexin: thanks! sana di ka ma-bore sa mga susunod na chap.
SALAMAT SA LAHAT pati narin sa mga silent readers kung meron man. :)
wew...totoo na ba yun??heheh si jase??namimiss si aaron??WTH was happening...seryoso??tlaga??weh??d nga??....baka naman ayaw nya lang mapunta si aaron muli kay nate...kasi selos sya...wahahah
next na mr.author...hehehehe
time check: 4:20 in the morning...wahahah 2log na ako...
bitin!!! next na agad! hehehe
Each chapter keeps getting better and better..
Two thumbs up for this one..
hmmn...seems like mas gusto ko na si jase...thnks author sa update!!!
hay grabe like ko na si jase...hmmn...keep it up author..thnks sa updates
Post a Comment