Monday, May 7, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 11


Matalik na Magkaibigan Chapter 11
by: dranski/dranieM
draniem_08@yahoo.com





Unti unting naglalapit ang mga mukha namin sa isat isa. Nagkatinginan pa ang aming mga mata bago tuluyang maglapat ang aming mga labi. Ang tamis noon hindi ko alam pero nagustuhan ko ang bawat halik na pinagsasaluhan naming dalawa kahit na alam kong mali. Gusto kong tumigil sa sandaling ito dahil alam kong ang laman ng puso ko ay hindi ang taong kadikit ng aking mga labi. Unti unting lumilibot ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Napakainit ng kanyang mga palad ramdam ito ng buong katawan ko, mula sa aking leeg patungo sa aking dibdib a pababa sa aking tiyan, lumibot din ito patungo sa aking likuran. Hindi ko din napigilan ang aking sarili at gumanti na din ako ng paglibot ng kamay, damang dama ko ang hubog ng kanyang matikas na katawan. Wala akong magawa kundi magpaubaya dahil sa aking kalasingan, bumaba ang mga labi nya sa aking katawan napapapikit na lamang ako dahil sa ginagawa niya. Dahan Dahan niya akong hiniga at doon ay patuloy padin ang kanyang paghalik, pilit ko siyang inilalayo sa akin pero wala akong sapat na lakas dahil sa kalasingan. Pinipilit ko syang itulak para itigil ito dahil alam kong hindi ito tama pero mas malakas ito sa akin.


**Sa Rest House**

Alas nuebe ng umaga ng magising ako, bumungad sakin ang sakit ng ulo pati nadin katawan, kasunod ang kumukulong sikmura dahil sa gutom. Habang nakahiga ay tumatakbo sa isip ko kung anong mga nangyari kagabi dahil napakalabo nito sa alaala ko. Agad agad akong bumangon para makapagpahangin kahit papaano. Pagbangon ko sa kama ay napansin kong wala akong kasama pero pansin kong may katabi akong natulog dahil gusot ang unan at kumot sa tabi ko pero ako lang magisa sa kwarto. Lumabas ako ng kwart at habang nasa balkonahe ay may naamoy akong masarap na nagpalala ng aking gutom, amoy tocino ito ang paborito ko noong kabataan ko. Bumaba ako para tignan ang pagkain dahil gutom na talaga ako at hindi ko na matiis ito, pagdating ko ng hapagkainan ay nakahain na sa mesa ang tocino, tortang talong at itlog na pula, ang mga pagkaing paborito ko noong bata pa ako, ito lang kasi ang kaya namin noon dahil hindi naman kami mayaman.


“Kumain kana, hinanda ko paborito mo.” sabi ng boses mula sa likod ko


Paglingon ko ay si JM ito at may dala pang pinggan na may kanin. Hindi ako kumibo at pakiramdam ko ay nawala ang gana kong kumain dahil sa kanya. Niluto pa talaga nya ang pagkaing lagi kong kinakain noong mga bata p kame at lage ko ring baon sa eskwelahan. Aaminin ko na touch ako sa ginawa niyang iyon dahil bumalik ang mga alaala ko ng nakaraan ko na nagbigay ng inspirasyon sakin.


“Salamat, pero hindi pa ako gutom.” pilit akong umiiwas sa mata niya


“Pero kagabi ka pa walang kinakain, baka malipasan ka.” sagot naman ni JM


“Okay lang ako.” maikling sagot ko

Pabalik na sana ako sa kwarto ng biglang dumating si Liza at Nario, sa kabilang kwarto pala sila natulog.


“Wow! Ikaw ba nagluto nito JM?” sigaw ni Liza


“Mukhang masarap yan ah, Zach san kapa pupunta? Kain na tayo dali.” pagaya ni Nario sabay akbay sa akin


“Upo na kayo diyan, tawagin ko lang ni Marlo sa kotse kasi natulog yon.” paalam ni JM


“Wow guys ang sarap ng pagkakaluto ni JM ah, tara na dito.” si Liza


Wala na din akong nagawa kundi umupo sa mesa kasama nila, Ilang minuto pa ay dumating na sila JM at Marlo at nagsimula na silang kumain, hindi sana ako kakain pero nilagyan ni JM ng pagkain ang pinggan sa harap ko. Grabe talaga ang mga taong to parang hindi uminom ng sandamakmak na alak at parang wala lang ang mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi ko na lamang ito pinansin at kumain na lamang ako.


“Ang sarap pala ng luto ng bestfriend mo Zach ah!” kantyaw ni Liza pero ngiti lang ang ginanti ko


“Minaster ko kaya yan nung nasa ibang bansa ako, niluluto ko yan  pag may namimiss ako tapos nun nawawala na yung lungkot ko.” pagyayabang nito, napatingin na lang ako kay JM na abala sa pagkain pansin ko dito ang mga ngiti sa mga labi niya.


“Lasing na lasing ka kagabi Zach ah, okay ka na ba?” Tanong ni Marlo


“Ha?” gulat kong sagot


“Sabi ko okay ka na ba? Sobrang lasing mo kasi kagabi eah, ayaw mo paawat. Buti nandyan si JM at inasikaso ka.” paliwanag ni Marlo, napatingin naman ako kay JM medyo malabo kasi sakin ang mga nangyari kagabi.


“Huh? Di ko maalala eah, pero ok na ko.” palusot ko habang pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi


“Good! Binuhat ka pa nyan kagabi, parang siya lang kasi ang di tinamaan kagabi.” dugtong pa ni Nario


“Sweet nga ng bestfriend mo noh, swerte mo talaga.” dagdag pa ni Liza


“Salamat.” mahinang sabi ko kay JM at isang magandang ngiti lang ang binigay niya sakin


Tinapos ko na agad ang pagkain at nagpaalam pupunta lang sa kwarto para magayos ng gamit. Agad akong umakyat sa kwarto at kinuha ang cellphone ko para tawagan ni Sy dahil baka nagaalala na ito, pero hindi ko siya makontact, mukhang nakapatay yata ang cellphone nito kaya nagtext nalang ako sa kanya.


“Sy k2gcng q lng, mejo npgod kc ako sa EK khpon. Pcnxa na mhl. Uwi na din kme mya mya, I misssss u! Mwah c u later. Di kta mtwgn eah..”


**Sa Resto**


“Sir Sy? Sir Sy?” pagtawag sakin ng isang boses


Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa ramdam ko na wala na ang tama ng alak ngunit nangingibabaw sakin ang sakit ng ulo at katawan. Nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa sobrang antok at pagod. Patuloy padin ang pagtawag sakin ng boses at ramdam kong nasa tabi ko lang ito pero hindi pa din ako kumikibo sa mga tawag niya dahil okupado ang isip ko dahil pilit kong tinatandaan kung anong nangyari kagabi dahil sobrang gulo nito sa isip ko. Nagising ang diwa ko ng bigla akong hawakan ng tao sa tabi ko.


"Okay lang po ba kau Sir?" si Lorie pala ito, nagtaka naman ako dahil ang pagkakaalala ko ay si Ralph ang kasama ko


"Ah oo okay lang ako." maikling sagot ko habang nagsusuot ng polo


"Eto po kape Sir pampatanggal ng hangover, sabi kasi ni Ralph nandito daw kayo sa office at nakainom." pahayag ni Lorie


"Salamat, nasaan pala si Ralph?" tanong ko


"Kakaalis lang po niya Sir, alam ko nga po rest day nya eah" sagot naman niya


"Ah ganun ba, sige salamat Lorie."


Lumabas na si Lorie pagkatapos ng aming usapan. Nanatili akong nakaupo at pilit paring nagiisip. Napansin kong magaalas diyes na ng umaga at bukas na ang resto, nagdesisyon muna akong umuwi para makapag pahinga at naghabilin na lang ako sa supervisor ng resto.


Nang makauwi ako ng bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko at nagcharge ng cellphone dahil lowbat ito. Naligo na din ako para pampagising at maging komportable ako sa pagpapahinga. Kahit sa paliligo ay ramdam ko ang sakit ng aking katawan ko pero ininda ko na lang dahil alam kong mawawala din ito , hindi naman ito ang unang beses na naramdaman ko ito pagkatapos uminom. Pagkatapos maligo ay umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone ko nakatanggap ako ng mga text mula kay Zach, ang huling text ay nagaayos na daw sila pabalik dito sa maynila, naisipan ko namang tawagan ito.


"Oh kakagising mo lang? Di kita matawagan kanina." bungad ni Zach sakin


"Nalobat kasi ako, kakauwi ko lang galing Office-" sagot ko, pero napatigil ako, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na naginom ako sa office ngunit naisip ko na malalaman din niya naman iyon dahil alam ito ng mga crew sa resto


"At bakit? Dun kaba natulog?" usisa niya


"Oo mahal ko, uminom kasi ako ng konte, eah ayun nakatulog nako."


"Ganon ah? Bakit hindi ka nagpaalam??" parang nagtatampo ang boses niya


"Ah mahal alam ko kasi busy ka jan eah, ayoko makaabala." paglalambing ko


"Anong busy! Alam mo namang kahit busy ako ikaw padin uunahin ko." sagot niya


"Salamat mahal, Uwi ka na gusto na kita mayakap eah."


"Oo pauwi na, diyan nako deretso sa inyo wait mu na lang ako. Love you."


"I LOOOOOVE YOU MORE! Bye"


At binaba ko na ang telepono ko para makapagpahinga na.


*Byahe*


Sa kotse ulit ako ni JM pinasakay nila Liza dahil nagpumilit nanaman ang mga ito. Tahimik lang ako sa kotse kasama si JM, nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinatanaw ang kalangitan habang nakalagay sa tenga ko ang earphones at nakikinig ng music. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung anong mga nangyari kagabi, gusto ko man tanungin si JM ay nagaalangan pa din ako.

"Fixing a Broken Heart"

There was nothing say the day you left
I just filled a suitcase full of regrets
I hailed a taxi in the rain
Looking for some place to ease the pain
Pre-Chorus:
Then like an answered prayer
I turned around and found you there

Chorus:
You really know where start
Fixing a broken heart
You really know what to do
Your emotional tools
Can cure any fool
Whose dreams have fallen apart?
Fixing a broken heart

I never could understand
What you're going to through
There must be a plan that led me to you
Coz' all the heart just disappears
Every moment you are near

Pre-Chorus:
Just like an answered prayer
You make the loneliness easy to bear
Repeat Chorus

Bridge:
Soon the rain will stop falling, baby
So let's forget the past
Coz here we are at last

Repeat Chorus


Badtrip naman tong kanta patama ba. Napaisip tuloy ako, should i forget the past dahil nandito na siya ulit? Kaya ko pa ba siyang patawarin? Alam ko mahirap dahil iba na ang taong mahal ko at alam kong hindi sila magkakasundo dahil sakin.


"ZACHARIA!" sigaw niya


"Oh bakit? May kaylangan kaba?" gulat na tanong ko sabay tanggal ng headset


"Kanina pako nagsasalita may nakasalpak pala diyan sa tenga mo."


"Ano ba sabi mo?" iritang tanong ko


"Sabi ko totoo ba yung kagabi?" tanong niya na siya namang kinagulat ko dahil sobrang labo talaga ng alaala ko


"Ha? Wala ako maalala." palusot ko


"Ah ganon ba." maikling sagot niya


Tumahimik muli si Jm at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Hindi ko mabasa ang mukha ni JM ngaunit dahil napaka blangko nito at parang wala man lang reaksyon, pero pabor na sakin yon dahil baka magkasagutan nanaman kami. Magaalas dose na makarating kami sa Maynila.


"Tanghali na din lunch muna tayo?" pagaya ni JM sakin


"Sorry pero hindi na talaga ako pwede.." sagot ko


"Ah magkikita kayo ni Sy?" tanong niya


"Its none of your business. Pakihinto na lang dyan magtataxi nako." paalam ko sa kanya


"Huwag na ihahatid na kita." alok nito


"Hindi na kaya ko na toh" pagtanggi ko


"Please kahit ngayon lang?"


Wala na ko nagawa kundi pumayag, tinuro ko na lang ang daan sa kanya habang nasa byahe kame. Tinext ko na lang si Liza para makapagpaalam na hindi na ako makakasama sa lunch nila. Ilang minuto pa ay nakarating na kame sa Village nila Sy, nagpababa ako sa block bago kila Sy para makaiwas dahil baka makita pa ni Sy na hinatid ako ni JM dahil alam kong ayaw ni Sy yon.


"Hindi ako sigurado kung anong mga nangyari kagabi  pero kung may meron man akong nagawa o nasabi kagabi, gusto ko lang hilingin sayo na kalimutan na natin yon." bungad ko sa kanya bago ako bumaba ng kotse, pero ng akmang bababa na ako ay bigla akong hinawakan ni JM.


"Para mo na rin sinabi sa akin na kalimutan ko na ang pagmamahal ko sayo, which will never happen." seryosong sagot niya


"That's exactly what i want you to do, layuan mo na ko." sabay piglas sa hawak niya at baba sa kotse.


Nagsimula akong maglakad palayo sa sasakyan ni JM pero hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko parang napakabigat at parang masakit. Ramdam ko na hindi pa din umaalis ang sasakyan niya, patuloy lang akong naglalakad palayo habang nakatingin sa kawalan, hindi gumagana ang utak ko sa sandaling iyon. Gulong gulo ako alam kong tama lang ang ginawa ko pero hindi ko mapigilang maawa kay JM, pero awa nga lang ba talaga itong nararamdaman ko para sa kanya?


"Zach? bakit naglalakad ka magisa?" bungad ng boses sakin pero tuloy padin ang lakad ko


"Hoi Zach!" sigaw niya


"Oh ikaw pala yan Glen!" gulat na sabi ko


"Ay hindi po ispiritu lang ako!" bara nya sakin


"Eah kung i-kill na kita ng maging ligaw na espiritu kana talaga?" kontra ko


"Okay lang, para lage kita mumultuhin." pangaasar niya pa, ngiti na lang ang ginanti ko


"Kila Sy ba punta mo?" tanong niya sakin pero tango lang ang responde ko, alam kong ramdam ni Glen na may dinadala ako, pansin ko ding tanong siya ng tanong para kahit papano ma divert ang isip ko pero mukhang hindi epektib


"Ahhh.. eah bakit di kapa nagpahatid dun sa may kotse?" nagulat ko dahil nakita pala ito ni Glen


"Ah eh, wala trip ko lang maglakad." palusot ko


"Youre such a bad liar Zach, si JM yun no?" lalo ako nagtaka dahil kilala niya si JM, napayuko na lang ako dahil nahiya ako


"Dont worry i wont tell Sy." seryosong pahayag niya


Sumama na sakin si Glen sa bahay nila Sy para daw madalaw na din ito pati si Tita Elsie. Nasabi din sakin ni Glen na naikwento daw ni Sy ang lakad namin kahapon, kaya pala alam nitong si JM ang kasama ko. Naikwento ko na din kay Glen ang mga ginawa namin kahapon sa gimik, maging nag inuman ay naikwento ko sa kanya maliban sa mga parte na malabo sa isip ko, nangako naman ito na hindi magkukwento kay Sy ng kahit ano. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila Sy, agad kaming pinagbuksan ng isa sa kanilang katulong. Sobrang ganda talaga ng bahay nila Sy, pangmayaman talaga, naisip ko tuloy kung paano ako nalagaysa ganitong posisyon, parang napaka swerte ko naman ng may pangalawang pamilya akong naituturing.

Nadatnan namin si Tita Elsie na nasa sala at nagbabasa ng libro bumati naman kame agad ni Glen, matapos ang sandaling kwentuhanay  nagpaalam ako na aakyat muna sa kwarto ni Sy kaya iniwan ko miuna si Glen at Tita sa baba. Dumeretso ako sa kwarto ni Sy, nadatnan ko itong mahimbing ang tulog sa kama niya, hindi ko siya agad ginising nakatayo lang ako sa harap ng kama niya at pinagmamasdan ang maamong mukha ng mahal ko, tanging boxers lang ang suot niya sa sandaling iyon. Lumapit ako sa gilid ng kanyang kama, inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha para malapitang matitigan ang mukha ng nobyo ko, haplos sa noo, sa ilong, mata, labi, baba, leeg, at dibdib para akong isang baliw na pinagnanasahan siya pero ganito siguro kapag namiss mo ang taong mahal mo. Gusto ko pa siya patulugin dahil baka kaylangan niya pa ng pahinga, nang tatayo na ako para bumaba ay bigla akong hinawakan ni Sy sa kamay, ang loko nagising na pala kaya binigyan ko ito ng matamis na ngiti.


"Kakadating mo lang aalis ka na agad?" malambing na sabi niya


"Ah mukha kasing pagod ka kaya di na kita ginising." paliwanag ko, sabay upo sa may parteng itaas ng kama malapit sa ulo niya


"Kahapon pa kita, hinihintay eah." sa pahayag niyang yon ay nakaramdam ako ng lungkot, kaya hinaplos ko na lamang ang ulo niya


"Sorry kung pinagalala kita Sy..." malaungkot ang tono ko sandaling iyon


"Ang mahalaga nandito ka na sa tabi ko." at niyakap ako nito sa bewang habang nakahiga siya


"Sayo at sayo lang ako babalik Sy." bulong ko sa kanya


"Diba may promise ka?" paglalambing nito at nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin


"Ah oo, na babawi ako sayo." sabay bigay ng pilyong ngiti


Muli namin pinagsaluhan ang pagkakataong iyon para mapasaya at ipadama ang pagmamahal sa isat isa. Nagsimula kami sa palitan ng matatamis at maiinit na halik, ramdam na ramdam ko ang emosyon ni Sy dahil sa napakapassionate na halik kaya naman gumanti din ako ng halik na sa taong mahal ko lang ibibigay. Nagsimula nang gumapang ang aming mga kamay sa katawan ng bawat isa, ramdam ko ang init ng katawan ni Sy. Napaka ganda talaga ng katawan niya. Pabilis na ng pabilis ang bawat halik namin, bumaba ako sa leeg ni Sy habang nilalaro niya ang aking tenga gamit ang kanyang dila, napakasarap noon para akong mapuputulan ng hininga. Dahan dahang hinubad ni Sy ang damit na suot ko at kasunod noon ay matatamis na halik sa aking katawan pababa, ng makarating siya sa tapat ng aking alaga ay hinubad niya agad ang pantalon at ang suot kong pambaba, matapos niyang laruin ito ay gumanti naman ako sakanya at ganoon din ang ginawa ko. Ramdam ko ang pagdama namin sa bawat galaw ng isat isa, nakikita ko sa mga mata ni Sy ang saya at alam kong ganoon din ako. Halos kalahating oras din ang tinagal ng pagmamahalan naming iyon. Nanatili kami sa kanyang kama na nakahiga habang ang ulo ni Sy ay nasa balikat ko, pero kaming tahimik na para bang naghihintay kung sinong unang magsasalita.


"Kamusta naman ang gimik niyo?" bungad niya


"Ah yun ba okay naman. Masaya." maikling sagot ko


"Dahil kay JM?" sarkastikong sabi ni Sy


"Ha? Pinagsasabi mo diyan?" tanong ko sa naiinis na tono


"Nakita ko kasi dun ka sumakay sa kotse niya." malungkot si Sy


"Hai sorry.. wala ako nagawa si Liza kasi mapilit wala nadaw pwesto sa kotse ni Nario." paliwanag ko, at ang kumag nagtampo at tinalikuran ako


"Nagseselos ka no?"


"Sino ba namang hindi magseselos eah patay na patay sayo yun." sarkastiko ulit ito


"Sabi ko naman kasi sayo di na ko sasama eah" sagot ko


"Zach ang sakit pala talaga kapag alam mong may kasamang iba ang taong mahal mo lalo na kung karibal mo pa." sa pagkakataong ito ay muli kong hinarap si Sy sakin


"Sy ito ang tatandaan mo, kahit ilang tao pa diyan ang maghabol sakin hinding hindi magkakaroon ng karibal sa puso ko.... Dahil ikaw lang ang tinitibok ng puso ko." paglalambing ko sa kanya, sabay bigay ng halik sa kanyang noo


"Ea mahal ko anung ginawa niyo sa resthouse?" tanong ulit ni Sy


"Ah dun ba-"


"Zach? Sy? tapos na ba kayo magkainan? bumaba na daw kayo sabi ni Tita, Lunch is ready... Unless busog na kayo.." boses ito ni Glen


"Sige bababa na!" sagot ko


"Sino yun?" nagtatakang tanong ni Sy


"Ah si Glen, nakasalubong ko siya nong papunta dito kaya sinama ko na." paliwanag ko


Nagbihis na kami para makbaba na at makakain ng lunch, naunang bumaba si Sy dahil sando at boxer lang naman ang sinuot nito, kaya naiwan ako sa kwarto dahil sinuot ko ang damit at pants ko kanina. Palabas na sana ako ng pinto ng bigalang tumunog ang cellphone ni Sy dahil may nagtext. Agad ko naman itong tinignan kon sino.


"Sir, slmt po last nyt. cnxa npo nauna aqng umalis may inackso po kc ako. -ralph"




(Itutuloy)

12 comments:

Anonymous said...

O M G, Revenge of Zacharia :)) lagot raplh! magtago tago kna HAHAHA. - phantom

Anonymous said...

Haalllaaa.... Hahaha neeexxxxtttt!

Ivan d.

Master_lee#027 said...

Yeyyyyyyyyyyyy,hala kala mo sy makakiwas ka ah? Kahit anong tago ng isang tao sa karelasyon nya ,eh hahanap padin ng butas ang sikreto ahahaha...good luck sy at ralph im sure magsisimula na ang drama love affair of zack,sy at ralph with jerico eheh

--makki-- said...

Hala! lagot na!

Anonymous said...

inlove ba talaga sila.???? kasi dali nilang matukso... nalasing lang nakalimot na......

Anonymous said...

Next na please :)

kiero143 said...

what??ang labo...hahaha d ko alam nuh nangyari wahahaah

anyways...nice pa rin naman...heheh

next na mr.author...hwehehehe

Gerald said...

waaahhh lasheng ako wala akong maalala.

Anonymous said...

Feeling ko si zach yung nagtaksil at hindi si sy... hindi kasi malinaw kung sino sa kanila yun eh.. haha...

foxriver said...

omg!!!!this crazy great!!!! Would it be JM and Zach and Sy and Ralph??????possible, the above comment makes sense, if u really love the person u can fight off temptation...but good job author

iRead said...

I think may nangyari kay zach at jm..si sy nakapag pigil pa kasi ganun nya kamahal si zach..omg!!

-riley

russ said...

at ito na ang totoo drama...galing author..salbahe ka ralph..grrrrrrrrrrrrrrr...

Post a Comment