Wednesday, May 2, 2012

Part Of Me Chapter 13 & 14


PART OF ME
By: apollo22
CHAPTER 13

Salamat po Shin, Emman at Rex at kuya Z syempre salamat sa iyong pang-unawa sa akin… salamat at salamat sa lahat ng sumusuporta at sa mga taong pinagchachagaan akong kachat mamats =D




Naging  magkaibigan nga kami ni Sedrick at paminsan-minsan ay nagbibiruan kami at naglalambingan na parang magkasintahan, pero may limitasyon kami sa isat-isa, naging masaya ang aming pagkakaibigan at nakumpleto ang highschool ko sa kanya.


Minsan ng ay sa bahay na ulit ito natutulog tulad ng dati, panay parin ang lambing nya na nakakgigil sa kanya, yung tipong ang sarap nyang kagatin amoy-amoyin at pisil-pisilin(parang aso lang), pero yun nga ay pinipigilan ko, kumakain na rin kami sa labas at namamasyal kung saan-saan, malaki ang progress ng relasyon namin kahit hindi kami na napaka sarap sa pakiramdam.


J.S prom na namin ngayon at excited ang lahat sa pagpasok sa bulwagan kung saan gaganapin ang J.S namin, masaya ang lahat dahil masusuot na nila ang damit nila sa J.S na matalagal na nila inireserba December pa.


Pati ako’y excited na dahil ngayon na nasa kotse ako at GGSS (gwapung-gwapo sa sarili) sa suot na Aqua Blue na tuxedo at humahalimuyak na pabango na aking katawan, excited din ako na Makita ang mga kaibigan ko. Kung ano ang suot nila at kung ano ang kanilang itsura, alam ko naman na gwapo at magaganda ang mga ito.


Pagpasok ko ay nakita ko ang aking mga kaibigan sa isang table, nakatitig naman lahat ng babae sa akin at halatang kinikilig, alam ko yun kahit hindi nila sabihin, sinalubong naman ko ni Sedrick na nakasuot ng pure white na tuxedo at shoes, ang gwapo! Ngumiti ito at inakbayan ako habang papunta sa table kung saan sila nakaupo.


“wow! ang gwapo mo ngayon ahh?” ang bati nito.


“ang gwapo mo rin ahh…” ang sabi ko rito at ngumiti.


Nang makalapit na kami sa upuan ay may nakareserba palang upuan sa akin.


“O.M.G ang gagwapo ninyo, sarap nyong titigan”  ang tili ni Nina


“oo nga Prince ang gwapo mo sa damit mo pati ikaw Sedrick at ikaw rin Gary para kang prinsipe sa pure black at may kumikinang na something d’yan sa dibdib mo” ang papuri ni Mimi.


“nako gurl! Design nyan ang pogi nila no? at ikaw din mukha kang donya sa blue mong gown at mukha naman ako Reyna sa royal red kong Gown diba ang bongga gurl.” ang lakas na loob na sabi ni Nina


“oo nga ang gaganda nyo girls.” ang dagdag pa ni Gary.


Halos pagtitigan na kami ng mga babae tuwing lalakad kami sa harap nila, hindi confident naman kami dahil talaga naman kailangan magwapohan ka sa sarili mo lalo pa’t J.S.


Si Sedrick ang napiling King of the night at si Nina naman sa Queen of the night ang saya nga nung napili sila, no doubt naman na ang gwapo ni Sedrick sa damit nya at tindig nya, hindi ko namang inaasahang ako ang mapipiling Star of the night at isang babae na hindi ko kilala, si Gary naman ang nag-award sa akin dahil sya ang nanalong Mr. St. Mark Univ. at si Mimi naman ang napiling Best dress sa mga babae at si Tom naman ang sa lalake.


Ang saya nitong gabing ito, parang ayaw ko nang matapos ang kaligayahang  kasama ang aking mga kaibigan.


Nang matapos ang awardings ay nagsalita ang speaker.


“ok be ready love birds, this song is for you” ang sabi ng speaker.


Tumugtog ang kantang Thank God I Found you, nakakakilig ang kantang ito at nakakadala ng emosyon, wala naman akong alam na isayaw kung hindi sina Mimi at
Nina at  nakapag kwentuhan pa kami habang sumasayaw, after ko silang isayaw ay sila Gary at Sedrick ang nagsayaw sa kanila, masaya ang lahat dahil nakasayaw nila ang kanilang mahal.


Ako naman ay medyo naiinis dahil ni hindi man ako inalok isayaw ni Sedrick hanggang matapos ang ilang kanta. ih! Kainis. Ang nasabi ko nalang at nagmaktol nalang sa may upuan habang kumakain ng finger foods na inihatid nung waiter.


“ok be ready naman para sa may mga crush d’yan, isayaw nyo na ang mga crush nyo habang may pagkakataon pa!” ang muling sabi ng speaker.


Tumugtog naman ang kantang Please Be Mine ng Jonas Brothers sakto ang meaning, at nakakainlove naman ang mga boses nila, wala naman akong crush talaga kung hindi si Gary at si James syempre iba si Sedrick kahit magkaibigan muna kami ay unti-unti muling bumabalik ang pagkagusto ko sa kanya pero kahit gano’n gusto ko paring isayaw nya ako sa kahit anong kanta, wala naman ako pakialam sa sasabihin ng iba eh.


 Nagulat ako nang yayain ako ni Tom para sumayaw, hindi naman ako tumanggi kahit nakatingin ang iba ay hindi ko na pinansin, medyo natutuwa nga daw sila dahil ang cute daw naming tignan ayon sa bulong nila na naririnig ko naman. Yung iba inggit dahil sinasayaw daw ako ng crush nila, wala naman kaming napag-uusapang mahalaga habang sumasayaw nagkakahiyaan siguro pero nagkumustahan rin kami at nagbiruan ng kaunti.


Mga isang minuto rin ‘yon at nang ibabalik na nya ako sa upuan ko ay bigla akong hinila ng marahan ni Gary, ikinagulat ko naman ‘yon. Bakit naman ako isasayaw nito? para sa may crush lang ito. Nagseryoso ang mukha nito at pumikit.


“hayaang mong isayaw kita hanggang matapos ang kanta.” ang banayad nitong sabi.


Mataman na nakatitig si Sedrick sa amin at wari’y nakikiramdam habang
Nagngitngit naman ang mga babaing may mga crush kay Gary, ang sama ng tingin nila sa akin, lalo na no’ng kabigin ako ni Gary sa baywang hanggang sa sobrang magdikit na kami, hindi ko alam ang nangyayari at parang nawala ang mga tao sa paligid.


“masaya ako para saiyo” ang wika nito habang sumasaw kami


“ah? para saan?” ang tanong ko naman.


“para sa inyo ni Sedrick”  at ngumiti ito.


Nako salamat ah, ayun ang kaibigan mo ni hindi man lang sya nag-aksaya ng panahon na yayain akong sumayaw, bwisit! Ang nasabi ko sa sarili


“salamat, at salamat din dahil hindi ka umalis sa tabi ko ahh, nuong magkasakit ako” ang paglilinaw ko.


“wala yun para saan pa at naging magkaibigan tayo” ang wika nito sabay tapos ng kanta at napalitan sa pangmasayang kanta at nagdisco ang lahat.


Sayaw nang sayaw ang lahat at sobrang indayog sa bawat beat ng kanta, maski ako ay niyaya nilang magsayaw, para kaming ewan sa sobrang kaadikan, may nagdodogie at may nag susuperbass dance step ni Viceganda. At sa bawat pagtama ng ilaw sa aming katawan ay syang ganda ng aming kapaligiran.


Mahigit sa limang kantang pangdisco ang pinatugtog at siguro napansin ng speaker at D.J na pagod na ang lahat.


“ok guys kanina pang magkasintahan at pangcrush ngayon naman, para sa mga may EX gf at bf d’yan” ang wika ng speaker.


At tumugtog nga ang kantang “You Lost Me” by Christina Aguilera, nakakaiyak na kanta at nakakawala ng kasiyahan, marami-rami rin ang nagpunta at nag-‘aya sa gitna ‘kala ko kasi konti lang baka kasi bitter pa yung iba, pero nice! ang daming game na game at sports pa.


 Binabawi ko na ang sinabi ko kanina,dito sa kantang to ayaw ko na isayaw ako ni Sedrick kasi kahit hindi na kami,  ay complicated pa rin ang lagay namin at magbabalikan rin kami ‘pagkalaunan. Sana.


Ngunit nagkamali ako, ako ang unang tao na pinuntahan nya at inalok ang kamay ko, nasasaktan ako kasi hindi kotanggap na ex na nya muna ako kahit ako mismo ang nagsabing hindi pa pwedeng maging kami, nakaka-inis sya dahil gusto ko sanang sa kantang sweet nya ako isayaw at hindi sa kantang halos maluha-luha ako pagnaririnig.

“masaya kaba?” ang tanong nya habang sumasayaw kami.


“oo” ang masungit kong sabi


“oh bakit ata ang taray mo d‘yan?” ang tanong nito ng nakangiti.


“ay ewan ko sayo!” ang tugon ko lang.


“galit kaba?” ang malambing nitong sabi.


“hindi! Bakit naman ako magagalit” ang sagot ko.


“weh? ‘Di nga? Halos kainin mo na ako sa mga tingin mo eh” malambing pa rin ito.


Tumalikod ako sa kanya at umalis, gusto kong maluha dahil naiisip ko na hindi kami ni Sedrick, pumunta ako sa banyo at humarap sa salamin after maghugas ng kamay.


Siguro nga nakapag-isip na ako, si Sedrick nga ang gusto kong makasama habang buhay, sya ang lalaking nagpapatibog na puso ko ngayon at kailan man, kaya ako na mismo ang magkikipag balikan sa kanya. Ang buong lakas ng loob na sinabi ko sa sarili.


Dali-dali akong bumalik sa kinauupuan namin, nakita ko silang nakalupong.


“o bakit hindi kayo sumasayaw doon?” ang tanong ko sa kanilang lahat habang hinahagilap ko si Sedrick.


“may sasabihin daw si Sedrick eh” ang sabi ni Mimi


“oh ayan na pala sya” ang sabi ni Gary


“sino ang kasama nya?” ang tanong ni Nina sa amin.


“hindi ko alam” ang sabi ko naman.


Nang makalapit sa amin ng may ngiti sa labi.


“guys, may papakilala ako sainyo, si Carol kaibigan  ko” ang anunsyo nito sa aming lahat


Kaibigan? May kaibigan bang magkaholding hands? Ang sabi ko sa isip ko at naiinis ako ng todo.


“pare ‘kaibigan’ mo ba talaga o ka-i-bigan” ang biro ni Gary na ikinainis ko.


“pare naman wala namang ganyanan, nakakahiya sa kanya, sya pala yung kinukwento ko sainyo na bestfriend ko sa text na taga rito rin pala nag-aaral” ang tugon nito.


Nag taka ako, bestfriend? Ano raw? Bakit hindi ko alam to? Bakit sa akin hindi nya ikinukwento, akala ko ba mag kaibigan kami? Sabay tingin kay Nina para magtanong kung ano ito.


“guys wait lang ahh, kukuha lang ako ng drinks natin” ang wika ni Nina. At sabay hablot sa akin habang papalayo.


“ang cute nila noh?” pang-iinis nya.
Napakunot ang nuo ko at tinignan ko ito


“joke lang, alam ko namang gusto mo talaga sya eh, kaso pakipot ka pa kasi, may nalalaman kapang pag-iisip eh pwede namang kayo habang nagiisip ka” ang pangdidikdik na sabi nito sa akin.


“iba parin ‘pag hindi kayo at Malaya kang nakakapag isip noh” ang tugon ko naman habang kumukuha kami ng juice at palingon-lingon sa sa table namin, mukha silang masaya. Grr nakakainis!


“hindi ka pa ba tapos mag-isip?” ang wika ni Nina

“alam mo kanina no’ng pumasok ako sa banyo? Narealize ko na mahal ko na ulit si Sedrick at n’ong paglabas ko ay gusto ko nang makipag balikan sa kanya” ang malungkot kong sabi.


“ay bakit hindi ka nakipagbalikan” ang sabi nito.


“nako,tignan mo naman ilang linggo palang ang nakakalipas ay napalitan na nya ako” ang tampo kong sabi.


“bingi kaba? Ang sabi bestfriend sa text” ang paglilinaw nya.


“bestfriend? Eh naka holding hands?” sabay turo sa kanila.


“ay nako ‘yan ang hindi ko alam” sabay taas ng dalawang balikat.


At bumalik na kami sa table, masungit pa rin ako kay Sedrick kahit tinitignan nya ako at pangiti-ngiti.


“sya nga pala Carol I need to introduce you to my other bestfriend, Carol si Prince, Prince si Carol” ang kaswal na pagpapakilala nya sa amin.


“hi Prince” pagkumusta ni Carol.


“hi” ang sabi ko nalang sabay ang ngiting aso.


Siniko ako ni Mimi sa tagiliran at napalingon ako sa kanya, “obvious ka” ang wika nito.
“ nako hindi naman” ang sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.


Masakit na nakikita ko silang dalawa na naglalampungan sa harap ko actually nagtatawanan lang sila pero ayoko pa rin yung makita.


Natapos ang J.S namin ng hati ang nararamdaman ko, kalahati masaya kasi masaya talaga kasama ang mga barkada ko, nagtawanan kami na parang wala ng bukas, kalahati naiinis na naiiyak kasi nakikipag-usap na sa iba si Sedrick ngayon, mabubuhay nalang ba lagi ako nang iiyak ng dahil kay Sedrick. Wala na bang katapusan ang pagluha ko sa kanya.


After ng party sa sobrang sama ng loob ko ay tinawagan ko si James at nagpasundo, dapat nga ay mag-i-sleep over kami kina Nina kaso nasakit talaga ang puso ko at nagbago ang isip ko.


4am na ng madaling araw at  inaabangan ko si James sa labas. Nang may humila sa braso ko.


“sumama ka sa amin ok?” ang wika Sedrick.


“hindi ayaw ko” sinabi ko ito na hindi nakatingin sa kanya.


“bakit ba anong problema mo?! Kanina mo pa ako hindi kinakausap?” ang tanong nito.


“wala” simple kong sabi.


“yung totoo?” ang pagpipilit nito


“pano kasi-!”naputol ang sasabihin ko nang may bumusina sa gilid ko, kotse pala ni James at bigla syang lumabas ka kotse.


“James!” Masaya kong sabi.


“Kuya?” ang takang sabi ni Sedrick.












Chapter 14



Nag taka naman ako sa sinabi ni Sedrick, kuya?, mag kuya ang dalawang kolokoy na ito? Kaya pala! Kaya pala medyo magkaugali sila, parehas silang maloko at sira ulo.


Lumapit sa amin si James at nagtitigan sila ni Sedrick, parang gulat na gulat sila sa nakita.


“ano? Magkapatid kayo?” ang tanong ko at gulat na gulat din.


“oo magkapatid kami sa ina” ang wika ni James nang maka recover sa pagkagulat marahil nagulat ito dahil magkasama kami ni Sedrick.


“K-kuya anong ginagawa mo rito?” ang sabi ni Sedrick.


“ah eh.. sinusundo ko si Prince” ang tugon naman nito.


Tinignan ako ni Sedrick ng may magtataka.


“paano kayo nagkakilala ni Kuya?” ang tanong nito
“mahabang istorya” ang tugon ko


“tara na?” ang ‘aya ko kay James.


“kuya sama ka nalang sa amin, matutulog kami sa kaibigan ko” ang wika ni Sedrick


“hindi aalis na kami” ang wika ko pero parang hindi ako pinapansin ng dalawa siguro may pinag-uusapan ang magkapatid na hindi ko alam kahit sa tingin lang, may patawa tawa pa kasi silang nalalaman.


“sige, sama ako d’yan” ang sangaayon nito.


“uy diba nagpapasundo ako? Tara hatid mo na ako” ang inis kong sabi dahil lowbat na ako at nakauwi na ang iba naming mga kaklase, wala na akong mahiraman ng cellphone para magpasundo kina mama, ayaw naman akong pahiram ng mga sira ulo kong mga kaibigan dahil dapat daw sumama ako sa kanila, pero ano ang gagawin ko? Nasasaktan na ako tuwing nakikita ko si Sedrick.


“ano sasama ka ba sa amin o maiiwan ka rito?” ang malokong sabi ni Sedrick.


“sige maiwan nalang ako dito, maghihintay nalang ako ng taxi o kung ano mang pwedeng masakyan” ang masungit kong sabi.


“ahhh ok, nako kuya alam mo ba? maraming mamamatay tao rito, at tinatadtad ito habang buhay pa hanggang mamatay” ang sabi ni Sedrick sa kuya nya habang papalayo sa akin.


“ah eh WAIT!” ang sigaw ko dahil natakot naman ako sa mga sinabi ni Sedrick.


“sige sasama na ko sainyo” ang dagdag ko.


“oh sasama ka rin pala, kailangan ka pang takotin nitong kolokoy kong kapatid” ang maloko nitong sabi.


“ako takot? Haha! Hindi ahh!” ang maang ko.
At nagtawanan ang lokong magkapatid.


Sa sasakyan ay tumabi ako kay James sa passenger seat dahil ayaw kong katabi si Sedrick pero tumabi pa rin sa akin ito so si James sa kaliwa ko at sya naman ang sa kanan ko.


“Tol sya ba?” ang pagbasag nang katahimikan ni James, siryoso ang mukha nito.


“oo Sya lang at walang nang katulad” ang pagmamalaki ni Sedrick, napabuntong hininga naman si James.


 Ilang sandali lang at liningon ako ni Sedrick “uy galit ka ba sa akin?” ang bulong ni Sedrick sa’kin.


“hindi nga! Ang kulit mo!” ang nakukulitan kong sabi.


“nagseselos lang yan!” ang pambubuking ni Nina


“nagseselos? Kanino?” ang ikinagulat ni Sedrick.


“kay Carol! Kanino pa ba?” sabi ni Nina


“hoy! hindi ah! ako? nagseselos?” ang maang kong sabi na nakatingin sa ibang direksyon at alam ko ring namumula ako.


“hmmmmm? Sabi ko na magseselos ka eh” ang malakong sabi nito.


“hindi nga!” ang sabi ko at hindi na muli itong kinausap.


Patuloy pa rin ito sa pangungulit sa akin pero hindi ko ito kinakausap dahil nagseselos ako, masakit talaga iyon kahit paulit-ulit kong isipin na “magkaibigan” lang daw sila ay maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan, kung ngang ang crush mo makita mong may kausap sa iba ay nagngingitngit kana eh pano pa kaya yung taong mahal mo.


Pagdating namin sa bahay nila Nina ay agad naming inihanda ang aming mga gamit at nagpalit ng damit.


“James tabi tayo ok?” ang wika ko kay James na nasa harap ko at pinagtutulungan naming ayusin ang kama.


“oo nga tabi-tabi tayo!” ang Sabat ni Sedrick at tumulong sa pag-aayos sa guest room nila Nina.


“kami lang hindi ka kasama!” sabay belat na parang bata.


Nakita kong nalungkot talaga nang husto si Sedrick at mag wowalk out na sana nang hilain ko dahil kahit inis ako ay ayokong nakikitang nakasimangot ito.


“joke lang ikaw naman” sabay bigay ng matamis na ngiti at ngumiti rin ito.


“teka, mabalik tayo sa usapan ninyo, magkapatid talaga kayo?” ang pagtatanong sabay linga sa kanilang dalawa.


“oo nga ang kulit mo?” ang tugon ni James.


“talaga? Medyo halata nga eh, magkaugali kayo” ang pang-asar ko.


Nako halatang magkapatid sila magkaparehas ng kalokohan, magkahawig, magkasing gwapo at lahat na nang magkasing ay nasa kanila, kahit nga ang magkasing talino ay pwede rin eh,  hindi papahuli si Sedrick dahil simula n’ong sinabi kong wag na munang magbarkada at mag-aral muna ito ng mabuti ay nakita kong napaka talino nito at daig pa kami, halos ma perfect nya ang lahat ng quiz, exam at kung ano-ano pa, naobserbahan kong matalino ito at minsa’y tamad lang, hindi rin sya grade minded, yung bang tipong pati points titignan nya pa. yan ang narealize ko sa aking sarili at hindi na pinahaba pa ang usapan, medyo ang hirap kasi eh, mahal mo, tapos crush mo, magkapatid tapos parehas pang mabait sayo ewan ko lang kay Sedrick.


Tapos namin mag-ayos ay sabay-sabay na kaming humiga dahil gabi na este mag uumaga na, at hindi na namin mapigil ang antok, naka gitna na naman ako, si Sedrick sa kanan, at si James sa kaliwa, hindi ko maipaliwanag ang feeling dahil katabi ko ang taong mahal ko at ang taong crush ko, pero mas nananaig ang crush kasi inis pa ako kay Sedrick, si Gary ay nasa sahig.


Tahimik na ang lahat at kaming apat lang sa kwarto dahil si Mimi, Nina at Carol ay nasa kabila. N’ong maalala ko si Carol ay bigla na naman akong nainis, ewan ko ba! bakit sumama y’ong babaing yon.


“kuya ayos ba?” ang pagbasag ni Sedrick sa katahimikan, napamulat pa ako sa sinabi nya at nagtaka.


“ayos ang alin?” ang takang sabi naman ni James.


“ayos ba ang taong katabi mo ay ang taong mahal na mahal ko?” ang matamis na sabi ni Sedrick sa kanyang kuya.


“Sedrick, alagaan mo sya ah? kasi ang tong mahal na mahal mo ay ang taong gusto ko sanang mahalin” ang sagot naman ni James.


Para akong namamanhid sa aking higaan at hindi alam ang gagawin, pero masaya ang puso ko sa naririnig kay Sedrick.


Napaangat si Sedrick sa kanyang higaan at tumingin nang may pagtataka kay James.


“ano kuya? Gusto mo si Prince ko?” ang tanong ni Sedrick


“oo eh, gusto ko si Prince at hindi ko alam kung bakit, marahil gusto ko nang palitan ang taong nanakit sa kanya at magsasama na kami habang buhay” ang malokong sabi ni James na kahit madilim ay naaaninag ko pa rin dahil sa  maliwanag na buwan.


“teka teka, kung pag-usapan nyo ako parang wala ako rito ah! mga sira! itulog nyo na yan at antok lang yan, bukas nyo nalang pag-usapan ang mga yan pwede? Nakakailang, at pwede bukas pag-usapan nyo ng WALA ako ok” ang inis kong sabi.


Kinaumagahan ay ginising ako ng isang matamis na halik galing kay Sedrick at may dala pa itong tray na naglalaman ng pagkain, ang sarap ng amoy! May pandesal, juice at hotdog, ang sarap ng itsura pero inis pa rin ako sa kanya kaya tinignan ko ang pagkain at tiniis na hindi kainin.


“ayaw ni Prince ng ganyan, gusto siguro  nya nakakalanghap ng hangin habang kumakain” ang wika ni James at inalalayan ako patayo at dinala sa may Garden habang papaalis ay nakita ko ang pagkadismaya ni Sedrick.


“wow, ang dami!” ang nasabi ko nalang nang makita ko ang mesa sa garden na may Beacon, Hotdog ,salad, steak itlog at juice.

“ang DAMI lunch na ba natin ‘to? Pang isang daang tao ata ko” ang eksahirasyon kong sabi.


“bago ka gumising ay naki-usap ako na magluto sa bahay nila Nina at babayaran ko nalang ang mga magagastos” ang tuwang sabi ni James.


“talaga? Salamat ahh?” ang masuyu kong sabi.


“wala yon! Para sayo talaga yan” sabay akbay sa akin.


Sabay dating nila Nina, Mimi, Gary at ang babaitang si Carol at inaya ko silang kumain dahil napaka rami talaga ng pagkain at hindi ko kayang ubusin, hindi na rin sila tumanggi halatang nasarapan sa itsura.


Habang nakaupo at kumukuha ng pagkain.


“tawagin nyo na si Sedrick sa loob” ang sabi ko.


“wait tawagin ko” ang sabat ni Carol


Kainis epal nanaman tong babaing to ang nasabi ko nalang sa aking sarili.
At umalis nga ito para tawagin si Sedrick, pagbalik nya ay nakasimangot ito.


“nako ayaw nya daw kumain” ang sabi ni Carol


“bakit daw?” ang tanong ni Gary


“masama daw ang pakiramdam nya” ang wika nito at umiiling pa ang babaing ‘to.


Kainis talaga sarap sipain!


Hinayaan ko nalang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.


After kumain ay nagpresinta ako na maghugas ng plato para naman makaganti sa ginawa ni James, nakakahiya naman kung kakain ka lang at magpapahinga diba.


“Guys ako na ang maghuhugas ok?” paalam ko


“ako na!” ang biglang sabi ni James


“hindi! Ako nalang” ang tugon naman ni Sedrick at kinuha ang mga linigpitan kong plato.


Inagaw naman ni James ang mga iyon “ako na! may sakit ka diba”


Nang inagaw muli ni Sedrick ang mga plato ay nabitiwan nya ito at nabasag ang lahat.


“ano ba Sedrick!! Sabi na kasing ako nalang! Ang kulit mo kasi! Para kang bata! Nakakainis! Diba hindi ka sumabay sa amin kanina kasi may sakit ka?! Tapos ngayon bigla kang maghuhugas ng plato then babasagin mo lang! tumabi ka nga dyan!” ang wika ko at itinulak sya nga bahagya.


Ngayon ko lang ito nasigawan ng ganoon kaya napatitig ito at halatang nalungkot,maski ang mga kaibigan ko ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin, hindi ko na kasi mapigilang ilabas ang galit at inis ko sa kanya, una nagdala sya ng “kaibigan” nya, tapos hindi sya sumabay kumain sa amin kanina and sinama nya pa talaga ang babaing yan sa sleep over namin.


Lumayo sya ng may pagkadismaya at yumuko nalang ito papalayo, nang makapagisip-isip do’n ko naisip na mali ang ginawa kong sigawan sya at ipahiya, gusto lang naman nyang tumulong eh.


Habang pinupunasan ang mga nahugasan kung plato at inilalagay sa may cabinet, naiisip ko ang ginawa ko kay Sedrick, maling-mali iyon.


Ano kaya ang gagawin ko para mawala ang tampo nya? Ipagtimpla ko kaya ito ng juice, o kaya pakainin ko nalang ito at subuan? Ang gumugulo sa aking isipan habang nagpupunas.






Itutuloy:

18 comments:

kevinblues said...

hahaha...yan kasi Prince...pa kipot ka pa...wahaha..pero sige si james nalang piliin mo wahaha may carol na kasi si sedrick eh...wahahaha

nice chapter mr.author...hahaist next chapter na poh...heheh

Anonymous said...

pinag aagawan...lupet ..magkapatid pa...

Anonymous said...

Galing tlga!!

Marami ng conflicts ..

May james na may carol pa.. Hahah

Nice nice..

Vinvin

erick vladd said...

i have this gut feeling na makikita nya si Sedric at si carol na nagyayakapan, the SELOS to the MAX nanaman siya.. OMG..


AUTHOR!! OMG. BRAVO!! KUDOS i so <3 your story...

more power.. XD

Master_lee#027 said...

Nice story:):) keep it up..

Anonymous said...

hell yeah, first comment! after 45 years haha..gondo ng chapters author.
-Kyle

Anonymous said...

Weird nung kay Gary. :), sinasabi ko na nga ba eh, Love triangle ito :) HAHAHAHA!. - Phantom

Anonymous said...

Tama. Gawan mo siya ng food. Or better yet...ikaw nalang kainin niya.xD hihih.


Ok seryoso...pakainin mo siya tas kausapin mo na kasi. Un nga lang. Wag ka muna makipagbalikan. Try mo muna si kuya.xD pero kung ayaw mo. Pwedeng akin nalang?xD



Haist. Nakakainggit. Kahit hindi totoo.xD


-cnjsaa15-

Ganda talaga nito. :) next please. ^^

philipavila said...

patayin si carol...

--makki-- said...

Sa Pula o sa Puti? Taya na! Logro Diez! Walo-Anim! Onse! Tres! Sampu-Anim! Doblado!

Go Sedrick! Llamadista yata to LOL!!

Anonymous said...

grabe si prince..

-Jay

Jamespottt said...

ang haba ng hair mo Prince!

Anonymous said...

gondo! sna marami pang kilig moments.. ang haba tlga ng hair ni prince, may tom at gary pa ngaun ah, hehe

sna madami ding selos moment un ang mga nagpapakilig sken eh..haha

thank you mr. author, slamat sa mahabang update :)

<07>

Lawfer said...

sabungero!

Anonymous said...

salamat po sa mga magagandang comments nyo maraming maraming salamt

last two chaps nalang po tignan natin kung ano mangyayari...

apollo22 po at your service..

Anonymous said...

magkakahiwalay din cla nyan............hindi cla para sa isat isa

Anonymous said...

last 2 chapters nalang? awww... mamimiss ko si sedrick.... :(


-London-

robert_mendoza94@yahoo.com said...

waaaah, habaaaaaaaaaaaa ng hair ha?

Post a Comment