Saturday, May 5, 2012

Part Of Me Chapter 15 & 16 (Finale)






PART OF ME
By: apollo22
CHAPTER 15


Salamat po sa mga sumubaybay at pagtitiyaga sa ka kulitan ko maraming salamat. Hanggang sa muli kung meron pang muli ahahaha ILOVE YOU MY readers at mga readers ni Kuya Z. Apollo22 po at your service.



Kumakatok ako  sa pintuan kung saan nakulong at nagmumukmok si Sedrick, masakit ata ang loob nito sa akin dahil sa nagawa ko naapakan ko na ata ang pride nya na pilit nyang isinasantabi ‘pag ako ang kasama, inilapag ko ang tray na may pagkain sa mesang katabi ng pinto.


“sedrick? Buksan mo ang pinto.” ang nakangiti  kong sabi habang kumakatok,


“masakit ang pakiramdam ko, mamaya na.” ang sabi nito na halatang mayhihinakit sa boses.


“sige na Sedrick oh? Please?” ang paglalambing ko.


“ayoko nga! Umalis ka rito, ayaw muna kitang makita!” biglang pagbabago ng timpla ng kanyang ugali.


Natigilan naman ako at kumirot ang puso, napatitig nalang ako sa pinto at hindi alam kong itutuloy  ang pagkatok dahil nahiya ako sa aking sarili, hindi ko alam kung bakit.


“ah sorry pala sa nasabi ko kanina” ang mahina kong sabi, sapat na para marinig nito.


Umalis kami sa bahay nila Nina nang hindi ko nakikita si Sedrick dahil mukhang hinintay nya pa akong makaalis bago ito lumabas ng kwarto, si Gary na rin ang kumuha ng mga gamit ko sa loob at sya lang ang nakausap nito ng matino, gusto ko na sanang pumilit na pumasok pero pinigilan na ako ni Gary at sinabing hayaan ko na muna daw na mag-isip si Sedrick.


Habang nasa sasakyan at pauwi ay na katabi ko si Carol, ewan ko mukhang sinadya nya akong tabihan


Tahimik kaming nagbibiyahe, nang bigla syang nag salita at seryoso.


“Prince?” ang bahagyang tawag sa akin ni Carol.


“bakit?” ang tugon ko.


“alam mo ba na mahal ka ni Sedrick?” ang sabi ni Carol


Hindi ako nakasagot at napatitig ako sa kanya.


“alam mo? Kaninang umaga excited sya na ipagluto ka ng breakfast, para nga syang baliw na pakanta-kanta at nung itanong ko kung para saan ‘yon ang sabi nya ay para sa pinaka mamahal nyang tao sa mundo. ang break fast na yun at sisiguraduhin nyang magugustuhan mo ito, alam mo na hindi marunong magluto si Sedrick pero ginawa nya para sayo, pero binaliwala mo, mas pinansin mo ang sa kapatid nya, kesa sa luto nya, at alam ko rin na nagseselos ka sa akin, halata ko ‘yon pero hinayaan kita dahil gusto ni Sedrick na magustohan kita kasi bestfriend ko daw sya, pero binabaliwala mo iyon, bagkus ay patuloy ang pagseselos mo sa akin, halata ‘yon Prince kahit hindi mo sabihin” Ang pangangaral nito


Napagisip-isip kong tama sya at medyo nahiya sa aking nagawa.


“bestfriend? Eh bakit n’ong Prom magkaholding hands kayo?” ang malumanay kong tanong.


Napangiti ito at tinitigan ako.


“alam mo? Tama si Sedrick, matalino ka, pero hindi sapat ang talino mo para magtanong, natapilok lang ako n’on at inalalayan nya ko dahil kasalanan nya, binibiro nya ako eh, ayon hinabol ko ito, atsaka diba? Lalaki sya at prom ‘yon, dapat alalayan kaming mga babae.” ang paglilinaw nito.


Nahiya ako sa aking inasta kay Carol dahil para akong tangang pinagseselosan sya, naiinis tuloy ako sa aking sarili dahil wala akong kwentang kaibigan at nagmamahal kay Secdrick.


“sorry ah? ang dami ko na palang kasalanan kay Sedrick, kasi pinangako nya sa akin na maghihintay sya sa akin hanggang maging handa na’ko, akala ko kasi nakalimutan na nya yun kaya sumobra ang galit ko, pero nagkamali pala ako, hindi ako nagtiwala sa kanya at nagduda sa pagmamahal nya, samantalang sya ay patuloy pa rin ang tiwala sa akin sa kabila ng mga lalaki at babaing nakapalibot sa akin, ni wala akong narinig na isinumbat nya sa akin, patawarin mo ako at salamat rin, pinarealize mo sa akin ang lahat” naiiyak kong sabi at tuluyan ko syang niyakap.


“walang ano man iyon, pero hindi ka dapat sa akin humingi nga tawad” ang tugon nito. At tumango nalang ako.


“pero pa’no yon? Ayaw nya naman akong kausapin kanina?” ang malungkot kong tanong


“nako maarte lang yun, dapat do’on pinipilit, teka dapat alam mo yan, ang tagal naging kayo tapos hindi mo alam yon?” ang tanong nito na ikinakamot ko ng ulo.
Nagpasalamat naman ako dito at sinabing sana sa susunod ay maka-bonding ko ito ng walang inis, at nag tawanan naman kami.


Pagdating ko sa bahay ay bigla akong kinabahan ng walang ano-ano kaya agad kong kinontak si Sedrick at pinilit na tawagan ito pero hindi ko ito ma-contact nakapatay ang Cellphone nya, kinakabahan ako bakit kaya?,  kaya naman agad akong nagpunta sa bahay nila James.


Kinakabahan talaga ako habang papunta sa bahay nila James para akong kiti-kiti sa sasakyan.


At nang nasa bahay na ako ni James ay agad naman akong pinagbuksan nito,at kitang kita nya ang kaba sa mukha ako.


“James wala ba si Sedrick d’yan?” ang dali-dali kong sabi.


“hindi ko alam, hindi ko pa sya nakikita tsaka hindi naman yun nakarita dito” ang wika nito.


“alam mo ba kung saan sya nakatira?” ang tanong ko.


“aba? Diba naging kayo ng matagal? Bakit hindi mo alam ang bahay nya?” ang taka nito.


“malihim yun pagdating sa kanila,tsaka bording house lang nya alam ko, sige na turo mo na, kala ko pa naman dito sya nakatira dahil parehas kayo ng nanay” ang sabi ko.


“oo nga pero dun sya sa daddy at step mom nya nakatira, sige tara tuturo ko” ang sabi nito at nagtungo kami sa kanyang kotse upang puntahan si Sedrick sa kanila.


Habang nasa sasakyan kami ay kinakakabahan ako at hindi mapakali, ayaw ko namang isipin na may nangyaring masama kay Sedrick dahil alam kong strong ang personality nito at hindi gagawa ng masama sa sarili.


“Prince?” ang wika nito habang nagdadrive at nakatuon sa daan.


“mmmm?” ako


“mahal kita, pwede bang maging tayo nalang?” ang wika nya na ikinagulat ko sa ikalawang pagkakataon, pero naglakas loob na akong sabihin ang nararamdaman ko.


“James, matalino ka, gwapo, makisig at maabilidad, oo inaamin ko may paghanga ako sa iyo, pero hanggang doon lang iyon at hindi na hihigit pa, may laman na sa puso ko at hindi ko na kailangang sabihin kung sino iyon, dahil alam mo na na sya ang tinitibok ng puso ko” ang wika ko


“ang swerte naman ng kapatid ko at may nagmamahal sa kanya na kagaya mo, sana makahanap rin ako ng isang kagaya mo na magamamahal sa akin ng tunay” ang sabi nito at sumulyap sa akin.


“hindi James mas maswerte ako sa kapatid mo, dahil kung hindi sa kanya ay hindi ko makikilala ang aking sarili, hindi ako magmamahal at mamahalin ng ganito, sya lang ang nagpakilala sa akin ng tunay na pag-ibig kaya ngayon ay pinagsisisihan ko na ang lahat ng aking ginawa na ikinasakit ng loob nya” ang sinsero kong sabi.


At natahimik kami hanggang makaraiting sa bahay nila Sedrick.


“oh nandito na pala tayo” sabay turo sa isang malaking bahay.


“ang ganda pala ng bahay nila” ang sabi ko nang makalabas.


Habang tumatawag ako ay may lumabas na babae, ang ganda nito at mukhang susyal ang itsura, eleganteng-elegante at alam kong maraming lalaki ang mahuhumaling dito kahit medyo nasa 40’s ang edad nito.


“what do you want?” ang tanong nito.


“hinahanap ko po si Sedrick, andyan po ba sya?” ang tanong ko rin.


“ow? You mean my son? Nasa loob ito, ikaw ba si Prince?” ang tanong na ikinagulat ko, dahil kilala pala ako ng mama nya.


“O-opo I’m Prince po” ang gulat kong sabi.


“so ikaw pala ang laging nagpapaiyak sa anak ko?” at nanliit ako sa sinabi nito, syempre hindi ako makasagot sa tanong nya.
“Ayon nasa taas nagmumukmok at hindi makausap, ayaw rin akong pagbuksan ng pinto, puntahan mo na at baka kung ano pa ang gawin n’on doon” ang tugon nito at sinamahan ako nito papuntang pinto ng kwarto nito, habang si James ay nagpaiwan nalang sa kotse.


Gulat na gulat ako ng makita ko sa sala nila ang larawan naming dalawa, nakadisplay kasama ang family picture nila sa mesa, gusto kong maiyak na mahiya, nahihiya dahil, sino ba naman ang hindi mahihiya kung nakadisplay ang mukha mo sa ibang bahay, naiiyak kasi tanggap na pala ako sa pamilya nya kahit sa picture lang ang nakadisplay at sapagdisplay nito ay parang ipinaglalaban nya na rin talaga ako sa buong mundo.


“alam mo habang nanunuod si Sedrick ng t.v? kinakausap nya ang larawan nyo na yan, parang ewan nga eh, paulit-ulit kong naririnig ang salitang “hihintayin kita” sabay halik sa larawan nyo” ang sabi ng step mom nito habang naglalakad papunta sa room ni Sedrick.


ANG LAKI MONG SIRA ULO PRINCE


Bakit mo sya hinayaang magdusa ng ganito katagal at ganito kahirap,  ang nasabi ko nalang sa aking sarili.


Nagsisisi ako dahil hindi ko minadali ang pag-iisip ko at hinayaang kung pang makita ang lahat ng mali ko at mga effort na ibinibigay ni Sedrick para lang mapasaya ako at maisalba ang relasyon namin.


Nang makarating kami sa kwarto nito ay huminga muna ako ng mamalim bago magsalita, kinakabahan kasi ako, ang mom nya naman ay iniwan na ako at maggagardening pa raw.


“Sedrick?.........................................Sedrick?, buksan mo naman tung pinto oh? Mag-usap tayo please?” ang sabi ko habang kumakatok.


Hindi pa rin nya ito binubuksan kaya naiisapan ko ng pihitin ang doornob,hindi naman pala naka sara at pagbukas ko ay laking gulat ko nang akma nanyang isusubo ang maraming gamot sa kanyang kamay at umiiyak ito sa kama.


“Sedrick!” ang sigaw ko.


Patakbo akong pumunta sa kanya at hinawi ang kamay nito na may mga gamot, umiiyak pa rin ito ngunit hindi pa rin nakatingin sa akin.


“hindi ko na kaya Prince, parang hindi mo na ako mahal at talagang kaibigan nalang ang turing mo sa akin, hindi ko kaya ang mapunta ka sa aking kuya, hindi ko rin makakaya na makita ang taong mahal ko at ang kuya ko ay masayang nagsasama habang ako ay wala ng kwenta, Prince ginawa ko naman ang lahat para hintayin ka, ginawa ko naman ang lahat para intindihin ka pero bakit? Bakit?” humagulgol ito habang naka yuko.


Bigla naman itong tumingin sa akin “ikaw ba? ikaw ba ang pinadala ng Diyos para pagbayaran ko ang lahat ng kasalanan ko? Ang lahat na paglalaro ko? Ito ba ang parusang matatanggap ko sa lahat na kalokohan ko? Pwes! Diyos nga sya dahil masakit ang parusang ibinigay nya sa akin, Prince, pinapalaya na kita, siguro ok na ang parusang natanggap ko, at kung si kuya talaga ang gusto mo, sige, hindi ko kayo mapipigilan sa desisyon nyo, masakit man ay kailangan ko itong tanggapin” ang siryosong sabi nito.


Ngumiti lang ako kasama ang namumuong luha, at biglang nagnakaw ng halik sa kanyang malalambot na labi, na pa titig ito at tila nag tatanog kung para saan yon.


“yan ay para sayo, patunay yan na ibinibigay ko na ang sarili ko sayo, wala na akong pakialam kung may Carol ka pa or what basta mula n’ong J.S na-realize ko na mahal talaga kita”


“Pero kai-”


“shhhhhhh oo naipaliwanag na ni Carol sa’kin, Sedrick mahal kita, napaglaruan lang tayo ng pagkakataon kaya medyo hindi tayo nagkaintindihan, mahal na mahal kita! at kahit ako pa ang manligaw sayo ay gagawin ko, masabi mo lang muling mahal mo rin ako” at hinawakan ko ang kamay nya tanda na hinihingi ko ito.


Tinignan nya ako, pero this time maliwanag na ang kanyang mukha at sumaya na ang kanyang mga mata.


“talaga?” ang tanong  nya habang pinupunasan na ang kanyang luha.


“oo Sedrick gagawin ko lahat ng gusto mo, magpapaalipin ako para lang makabawi sa lahat ng paghihirap mo” ang sinsero kong sabi.


Hinawakan nya ang aking pisngi sabay halik.
“alam mo hindi mo na kailangang gawin nyan, ang maging akin ka muli ay malaking bawi na sa lahat ng paghihirap at pagdurusa ko sayo” ang wika nito ng may ngiti na sa labi.


Nagyakapan kaming dalawa ng mahigpit at matagal, ang sarap ng pakiramdam, parang ayaw ko ng bumitaw at kahit habang buhay kaming nasa ganitong posisyon at ok lang.


“Sedrick?” ang malambing kong tawag.


“mmmm?” ang tugon nito


“I love you” ang matamis kong pagsabi


Inalis nya ang pagkakayakap at tinignan ako sa may mata.
“I love you MORE” ang sinsero nitong sabi at niyakap akong muli.


“wag mo nang-uulitin ang magtakang uminom ng gano’n karaming gamot ok?” ang wika ko.


At tumango lang ito na parang bata.


Nagpapasalamat ako at walang ano-ano ay napatawad agad ako ni Sedrick at binigyan pa ang aming pagmamahalan ng isa pang pagkakataon, hindi ko maipaliwanag ang saya ng aking puso, gagawin ko ang lahat para sa pagkakataong ito ako naman ang magiging active sa aming relasyon at gagawin ko rin ang lahat para sya naman ang aking mapasaya.


Hinalikan na ako ng tuluyan ni Sedrick at inihiga ako sa kanyang kama, alam ko na ang gagawin namin at hindi ako magdadalawang isip na ibigay ang lahat muli sa kanya, hinalikan nya ako nang napaka init at napaka tamis ang sarap ng mga labi nya, lalong pinasarap ng panahon, namiss ko ang ganito, sinimulan nya nang pagapangin ang kanyang malilikot na labi sa aking dibdib ang linaro ang mga ito, puro ungol ang mga nabibigay ko sa kanya at tila ‘yon ang gusto nya kaya naman mas lalo nya pang ginagalingan, matapos sa’king nipple ay napunta ito sa tiyan,pababa sa aking sandata, walang dalawang isip nya itong linaro sa pamamagitan ng kanyang dila napapakapit nalang ako sa may ulo nya tuwing isususbo nya ito ng buo at nang matapos ito ay ako naman ang nagpaligaya sa kanyan, masmatagal ang ginawa ko pero parehas lang ang ginawa nya, pero sa kagustuhan kong mapaligaya ito ay tinagalan ko talaga at halata namang nagustuha nya ito, nang matapos kami ay agad na akong linabasan pati rin sya kaya hindi na nya akong nagawang pasukan pa.


Pagkatapos namin ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si James na mauna na dahil dito na muna ako kina Sedrick, tinignan naman ako nito at nanliliit ang mata nito.


“nako nagpa-escort ka pa sa Kuya ko ahh” ang duda nitong sabi.


“aba malay ko bang dito ka nakatira, syempre alam ko na alam nya kung saan ka nakatira, kaya sya agad ang pinuntahan ko”


Tinigtigan nya ako na kunwari’y nagdududa


“hmp kanina halos pinamimigay mo na ako sa kuya mo tapos ngayon ganyan ka makatingin” ang tampo-tampuhan ko.


“joke lang naman” sabay ngiti sa akin


“oo na, alam ko crush ko lang naman si James at si Gary pero ikaw pa rin ang mahal ko” ang pagmamalaki ko.


 Napatayo ito mula sa pagkakahiga at Muli ako nitong tinitigan, napakunot ang nuo.


“crush mo si Gary?”  ang tanong nito


Patay nadulas ako! Ang nasabi ko sa sarili ko.


“ah eh ano kasi ehh…. Oo nanga! Crush ko sya dati pa!” lakas ng loob kong sabi.


“ahh ok, simula ngayon tuwing kasama mo si Kuya at ang barkada dapat and’on din ako hindi ka pwedeng humiwalay sa akin, mahirap na baka masungkit ka pa” ang biro nito.


Nako kung alam mo lang nagpropose na sa’kin ang kuya mo pero tinanggihan ko para sayo ang nasabi ko sa aking sarili.


“Opo” ang nasabi ko nalang para hindi na humaba ang usapan, naka ilang rounds din kami sa pagpapaligayahan sa isat-isa, masaya naman ako at maligaya dahil muli ay naging kami ng aking minamahal.











Chapter 16
The last chapter



Maraming oras, araw at buwan ang lumipas at naging masaya ang pagsasama namin ni Sedrick, syempre hindi mawawala ang tampuhan pero nasusulusyonan namin yo’n dahil ayaw na naming maulit ang nangyari sa amin noon, marahil mababaw palang ang aming pinagdaanan ngayon na alam kong pinagdadaanan rin maraming kabataang sa kasalukuyan, pero ano nga ba ang magagawa natin? Ganyan ang highschool life puro kilig at puro tampuhan, pero mauuwi rin sa suyuan.


“mahal dalian mo mahuhuli na tayo sa graduation” ang ng pinaka mamahal kong si Sedrick


“oo wait lang! nagbibihis pa ako” ang tugon ko naman.


“dali naghihintay na si Kuya at ang barkada sa van, naiinis na raw sila sa kakahintay.”  ang tugon nito.


“wait lang! nagmamadale? Mamaya pa ang graduation ah! ang aga naman natin” ang tugon ko habang pababa sa hagdan at inilalagay na ang belt.


“ang pogi ah?” ang bati nito, nginitian ko lang ito.
“syempre kakain muna daw tayo sa labas bago mag graduate” ang paliwanag nito sabay akbay sa akin.


“ bakit? Ang tatakaw nyo talaga, pwede naman tayong kumain sa bahay! Masarap pa ang luto ni Manang Judith” ang tugon ko.


“ay para maiba, lagi naman tayong kumakain dito simula no’ng magkabati tayo ah?” ang wika nito


“hala sumbong kita kay Manang” ang inis ko sa kanya.


“shhhhh wag kang maingay ang sarap nga ng luto ni Manang! Eh” at linakasan nito parang gustong iparinig kay Manang.


“o tara na” ang tugon nito at sumunod ako sa kanya palabas.


“ My Gosh! Ang tagal nyo ah! naglampungan pa kayo sa loob noh?” ang wika ni Nina na nakaupo sa front passenger seat,


“oo” ang sabi naman ni Sedrick sabay kiss sa pisngi ko.


“o tama na yan sakay na kayo” ang sabi naman ni James na sa ang nagmamaneho.


“opo kuya” sabi ni Sedrick
“wait ako muna ang sasakay, mahirap na” ang sabi Sedrick.


“nako hindi ka talaga gentleman” ang  wika ko.


“ayaw ko lang na magkatabi kayo ni Gary, alam mo naman ito loko-loko baka pati ikaw sulutin ka” ang biro nito.


“pare naman! Hindi ako ganon ah!” ang sabi ni Gary sabay tawanan naming lahat.


“ang popogi naman nitong mga katabi ko! Parang artista parang ayaw ko nang bumaba” ang biro ni Mimi.


“salamat Mimi” ang tugon ko.


“kung bakit pa kasi sa sobrang kapogian ninyo pati kayo ni Sedrick na inlove sa isa’t-isa” ang biro muli nito.


At napakamot kaming dalawa ni Sedrick sa ulo.


Nang makarating kami sa isang sikat na restaurant ay agad kaming kumuha ng table for 6  at umorder na rin sila.


“ang dami naman ng inorder mo!” ang inis ko kay Sedrick.
“tapos ako hindi mo man ako binigyang ng pagkakataong makapag order”  ang dagdag ko pa.


“sorry naman, para na kasi sa ating dalawa yun eh” ang lambing nito.


“eeeeeeeeeeee! Ang cheesy naman” ang wika ni Nina


Kinikilig ako sa loob-loob ko dahil ito ang pinaka gusto ko kay Sedrick napaka defensive pagdating sa akin para bang pati ang lamok ay ay ipa dampi sa akin, ang sarap sa pakiramdam na sa lahat-lahat ng pinagdaanan namin ay hindi pa rin pala nawawala ang pagkasweet nito.


“ok ka lang mahal nakatunganga ka nanaman” ang sabi ni Sedrick.


“hindi ako ok!” ang inis kong sabi.


“bakit? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo lang at itatama ko, alam mo namang minsan hindi ko alam ang ginagawa ko nasasaktan na pala kita” ang paliwanag nito na ikinatawa ko.


“ikaw nanga!” ang sagot ko lang .


“anong ako na?” ang tanong nito.



“ikaw nanga ang taong mamahalin ko habang buhay, magunaw man ang mundo, tumanda man tayo, magkaroon man tayo ng wrinkles, mapilay Kaman at hindi kana makalakad aalagaan kita, basta wag mo lang ako muling lolokohin dahil alam mo na ang mangyayari, lalabas ang tigre” ang mahina kong sabi.


“oo alam ko, at ikaw naman ang mamahalin ko dito sa lupa maging sa langit at kahit sa impyerno pa, ikaw rin ang aking insperasyon sa lahat ng aking ginagawa at para sayo lahat ng iyon, mamamatay ako ‘pag nawala ka at higit sa lahat hindi-hindi kita lolokohin” ang pabulong rin nitong sabi.


“hoy ano ang ngini-ngiti nyo riyan? Ano ang nakakatawa” ang wika ni Gary.


“wala!” ang sabay na tugon naming nito.


At kumain na kami, masaya at kinakabahan ang aking pakiramdam dahil talaga namang excited akong  mag-graduate sa sobrang excite ko ay napakain ako ng marami at tinawanan naman ako ng mga ungas.


Nang matapos kami ay nalaman namin na ang pamilya pala ni Nathan ang may ari ng restaurant o diba susyal? Sabay deretso sa school ng puno ang t’yan namin.


Habang hindihintay namin ang graduation ceremony na magsimula ay nagmuni-muni muna kami sa classroom namin kasama narin si Kuya James.


“hi” ang bati ni Tom at Nathan na nasapintuan.


“wag kayong lalapit kung hindi kakatayin ko kayo” ang wika ni Sedrick
Natawa naman kami sa inasta ni Sedrick.


Lumapit pa rin sila dahil alam naman nila na biro lang ni Sedrick yun, nag shake hands pa ang  dalawa, siguro gano’n talaga magbiruan ang mga astig na lalaki.


“pare congrats ah.” ang tugon ni Tom kay Sedrick.


“oo pare, basta lumayo-layo kalang ng konti sa mahal ko.


“oo pare, wag kanang mag alala” sabay tapik sa balikat.


natigilan si Tom at napatunganga sa isang banda ng classroom.


“huy! Huy! Ok kalang pare” at tumingin kami kung saan ito nakatitig, do’n pala sa banda kung saan si Kuya James at nagtitext ito, napatigil rin ito, napatingin rin sa amin at lumapit.


“oh bkit?” ang tanong ni James nang may pagtataka.


Na starstruck ata si Tom at parang naging tuod, ni hindi ko alam ung humuhinga pa ito or what.


Inilahad ni Tom ang kanyang kamay habang nakatitig pa rin sa gwapong mukha ni James


“I’m Tom” ang pakilala nito.


Mukhang alam naman ni James  ang nangyayari kay Tom kaya nag “hi” na rin ito pero hindi kinamayan.


“hi” sabi muli ni Tom


“I said hi din” sabi naman ni James pero hindi nag abalang tignan si Tom na na starsturck pa rin, natatawa kami na ewan sa mga reaksyon nilang dalawa.


“o tara na, tawag na tayo nong speaker” ang wika ni Nina na nanggaling sa labas.


Habang palabas ay nakatitig pa rin si Tom kay James.
“pare ok kalang” at siniko ito ni Nathan.


“pare inlove na ata ako” at itinuro nito si James.

“pare gutom lang yan, mamaya kain tayo sa restaurant” ang tugon nito at tumango lang si Tom.


Umapaw ang kaligayanhan sa lahat, lalo pa’t 3rd honorable mention ako, si Nina naman ay 2nd honorable mention si  Mimi ay 1st honorable at nakahabol pa naman si Sedrick na nasa 7th honorable mention kahit wala sa amin ang nakasungkit sa pinaka mataas na parangal ay masaya na kami dahil hindi naman namin masyadong ginalingan at mas gusto naming mag-enjoy kesa mag pakalango sa pag-aaral.


Tila naging sabitan naman ng medals si Gary dahil ang dami nitong parangal sa larangan ng sports at sa larangan ng isang mabuting istudyante, tawang-tawa kami dahil pabalik-balik ito sa stage para paulit-ulit na pagtanggap ng parangal, natapos ng araw nang iyon nang magkakasama at hindi nagiiwanan masaya kami sa lahat ng pagkakataon.


Si Tom naman ay hindi mapigil sa pagkulit kay James, ngunit itong si James tila ayaw naman kay Tom, panay ang dikit ni Tom pagkatapos na pagkatapos ng graduation, halata naman na iritang-irita si James sa ginagawa ni Tom kulang nalang at sigawan ito para lumayo, ang cute kaya nilang tignan. Ang dalawang pogi, nagkukulitan.


At yan ang kwento ng highschool life ko, mababaw, magulo pero masaya at nakakainlove, sana nga lang ay wala nang pangit na mangyari sa amin ni Sedrick dahil kontento na ako sa kanya at ganon rin sya sa akin, nagpapasalamat ako sa Diyos na dahil kahit ganito ang napili kong sexualidad ay hindi nya ako pinabayaan at bagkus ay tinulungan nya pa akong maging masaya.






Wakas

29 comments:

Anonymous said...

very light, nice one

kimbelnel said...

congrats to you apollo22, kahit nabitin ako.,hehehe
gawa kpa ng story cgurado akong mas gagaling kpa tulad n paren Z.
conggrats again and God bless.

kimbelnel said...

congrats to you apollo22. Nabtitin ako dun ahh.. pero ok lang, cgurado naman akong gagawa kpa ng kwento, at cgurado akong sa muli mung pag likha ng storya eh mas magaling kana at mas alam kung anu ang dapat gawin.
1st tym ko to magpost ng comment dito, magtatampo si pareng Z nito sakin. hahaha
Congrats again and God bless.

Anonymous said...

aw! last part na pala!
i really enjoy reading your story!
hoping na may sequel... Tom James and Natahan,.. ahahah

jm

Anonymous said...

ang ganda ng story mo...napakagaan basahin...keep it up apollo...excited na akong mabasa ang next story mo...hehehe

-bert-

Gerald said...

nice. No heavy drama, no mind boggling twist. Very light.

Anonymous said...

Hala!, bitin, book 2 please =/ college life naman HAHAHA. sobrang bitin, kla ko d pa matatapos, pero ang ganda ha. Goodjob Author :) - Phantom

Mog22 said...

Kainis. Ayaw ko pang matapos to. NOoooo!!. HAHAHA. Mamis2ss ko si Sedrick at Prince. :( HAHAHA

Master_lee#027 said...

Simply but interesting love story ....this story is one of the best story na nabasa ko mwuah....sana gawa kapa ng second story mo ..eheh we miss you,,,,,

Anonymous said...

huhhhuhuuhuhuhuhu.. ehhm soo sad. mamimiss ko ng sobra sina prince at sedrick

-- nakakalungkot dahil tpos na sana may part 2
nakakalokaaa.... PERO ANG GANDAAAAAAAAAAAAA.....!


<---- demure

rascal said...

parang ang bilis nmn yta

rascal said...

“Everything you can imagine is real.”

--makki-- said...

Happy Ending! :D

DownDLine said...

apollo paki sabi kay james..libre kamo ako! ahaha... wag na si tom..kay nathan na lang sya! what a light ending:))

Anonymous said...

wow! NAMI! TOM/JAMES! book 2!

-lei

Anonymous said...

awwww.. tapos na! mamimiss ko si prince and sedie... gawa ka kaya ng sequel si tom and james naman?..para may bago kami aabangan..


-london-

Anonymous said...

Hmmmmm...I guess pwede narin...pero parang bitin? :D

-cnjsaa15-

Anonymous said...

Book two naman,

c james at c tom naman,hehe
#Mj666

Anonymous said...

Wow, awesome ang story..Complete rekados. Maganda po ang kinalabasan. Good work author. I am looking forward to your next coming stories.

Anonymous said...

next story TOM AND JAMES haha

RaeRi16 said...

im so hooked on ur story... wishing for book 2 =]

Anonymous said...

tom and james na!!

--karl26

IAN said...

wow! ganda! improving ang author! sana may book2 ang papa sedrick at mama prince! hehe xD..

go author kaya mo yan! :D! keep it up lang! :D! ..

i will miss this story! :]

(IAN)

Anonymous said...

BOOK TWO: TOM AND JAMES. :))))))

Pwede rin Gary and Prince. hhe

robert_mendoza94@yahoo.com said...

so nice aman ng story mo, meron bng sequel? he he he. congrats and goodluck sa college life.

xheanne said...

dpat tom and james, gary and nathan bgay db

Anonymous said...

ang ganda :)

-R M

Anonymous said...

ang cute naman..haha sana may sequel! si james at tom naman.. hehe samahan na rin ng love story ni gary haha.. nice job sa author! 2 thumbs up! :))))

Anonymous said...

ang haba namang panaginip nito! Magandang panaginip.

Ben

Post a Comment