Tuesday, May 1, 2012

Ang Matalik na Magkaibigan Chapter 10



by: dranski08/dranieM




"Talaga? sige bigyan mo kame ng isang order.." sagot ni JM


"Okay, please wait for 15mins, Zach ikaw na magluto." utos ni Sy


Tulala padin ako sa mga oras na iyon. Kaba lamang ang bumabalot sa buong katawan at isip ko. Natatakot ako na baka kung anong gawin ng dalawang ito na maaring maging dahilan ng gulo. Nakatayo lang ako sa harap nila sa parang walang naririnig, hindi ko alam pero nakatitig lang ako sa mukha ni JM, alam kong alam niya ang ibig sabihin ni Sy pero habang nakatingin ako sa mukha niya ay pansin ko dito na hindi nito minasama ang sinabi ni Sy na parang wala man lang siyang narinig. Napatingin din ito sa akin at binigyan lang ako ng isang matamis na ngiti dahilan naman ng pagiwas ng mga mata ko sakanya. Bumalik ang malay ko ng bigla akong hawakan ni Liza sa braso.


"Sy pwede bang dito muna si Sy namiss na kc namin siya." pangungumbinsi ni Liza


"Oo nga Sy pwede mo naman siguro iutos sa ibang Chef ung mga oorderin namin namin diba?" pagsangayon ni Marlo, napatingin naman ako kay sy at hinihintay ang magiging reaksiyon niya.


"Sige, tawagin ko lang ang waiter para kunin order niyo" maikling sagot ni Sy sabay talikod


Ramdam kong napilitan lang si Sy na pumayag dahil sa mga kaibigan ko. Hindi ako komportable na mga oras na yon dahil sa presensiya ni JM pansin ko ang palagi niyang pagtingin sakin na nagiging dahilan ng lagi kong pagyuko. Mabuti na lamang ay nandoon ang tropa para gawin akong abala sa mga kwentuhan at kamustahan. Nalaman ko na si Nario at Liza na pala at mag 2mos na sila sa isang Linggo, si Marlo ay isang Math Teacher sa isang Campus sa aming probinsiya, si Anthony naman ay isang Manager sa isang Call Center at si JM ay may isang taon para magstay dito sa Bansa at naghahanap daw ito ng isang part time job. Niloloko nila ako na dito daw pagtrabahuhin si JM para magkasama kami pero syempre tawa lang ang naiisasagot ko at nagpapalusot na wala pang bakanteng posisyon sa para kanya. Alam ko din namang hindi papayag si Sy at ayoko din dahil ayoko ko siya makasama lalo na sa trabaho.


"Eah Zach musta naman Lovelife mo?" Usisa ni Liza habang nakahawak sa braso ni Nario.


"Ah eh.. bakit ba ako ang tinatanong niyo, dapat kayo ni Nario ang magkwento no!" pagiwas ko sa tanong niya


"Wag mo ibaling samin ang topic Zach, magkwento ka naman!" Pangungulit ni Nario


"Bakit ayaw mo magkwento? Ayaw mo ba ipaalam? may tinatago kaba?" Sunod sunod na tanong ni JM na kinatahimik ko, alam kong may meaning ang mga tanong niyang iyon


"OO nga Zach, siguro madami kang Girlfriend ngayon no? mamigay ka naman!" sabay tawa ni Anthony


Napansin kong parating na si Ralph at dala ang order ng barkada kaya binaling ko na lang ang atensiyon nila sa mga order pero si JM ay nakatingin padin sa akin. Masayang nagkainan ang Grupo dahil sobrang daming order noon, inalok ko sila na libre ko na iyon pero hindi sila pumayag dahil libre daw ito ni JM, hindi na lang ako kumibo ng malama ko iyo. nabawasan ang ingay namin dahil sa pagkain animoy magkakaaway kami dahil sa sobrang tahimik. Grabe talaga itong mga ito kapag pagkain na ang kaharap ay tahimik na, hindi ko tuloy maiwasang tignan sila habang kumakain, naalala ko tuloy ang mga panahong magkakasama pa kaming kumakain noong mga bata pa kami.


Nakita ko ding umakyat si Sy para asikasuhin ang mga bagong dating na customer. Pansin ko ang pagiging seryoso ng kanyang mukha, hindi ko nanaman maiwasan ang pagtitig sa kanya. Napalingon naman siya at nginitian ako ng magtama ang aming mata. Pansin kong pilit ang ngiti niya dahil kitang kita sa mga asul na mata niya ang lungkot marahil ay nagseselos ito. Agad kong dinukot ang cellphone ko at tinext siya.


"Wag ka mlungkot jn. behave aq dto mahal ko. mwah! :*!" text ko sa kanya


"dpt lng kundi lagot k skin! :D" reply nito


"haha ikw lagot skn mya sa bhy! my prusa ka skin!" pilyong sagot ko


"tlga? tra na uwi na tayo! prushn mu nko!" pagsakay naman niya


"wag excited mahal ko mmya na un! :P" nagkatinginan kami doon kita ko na aliwalas ng mukha niya, ramdam kong napagaan ko ang loob niya. Ang sarap sa pakiramdam na simpleng bagay lang ay napapasaya ko si Sy.


"Zach, nakalimutan ko pupunta nga pala tayo ng EK ah walang tatanggi!" paalala ni Liza


"HUH? ah eh naku may lakad kasi kami ni Sy mamaya eh" pagdadahilan ko dahil hindi papayag si Sy dahil nandoon si JM


"Ganon ba sayang naman yung ticket na binili ko, treat ko sana dahil first sweldo ko." malungkot na sabi ni Liza


"sorry talaga Liza." paghingin ko ng paumanhin


"Its okay Zach you can go. sige ka baka magtampo si Liza." Si Sy nasa likod ko narinig niya pala ang usapan


"Talaga Sy? Naku maraming salamat! Kung wala lang ako Boyfriend mahahalikan kita sa tuwa!" pambobolo ni Liza halata sakanya na masaya siya


"Eah kung tong kamao ko humalik sayo?" ang lumabas sa bibig ko nagulat din ako kung bakit ko nasabi yon at napatingin naman sila sakin


"I mean, si Nario dapat halikan mo." palusot ko sabay tawa


Napansin ko na bumaba na muli si Sy dala ang ibang gamit na iniwan ng kakaalis na customer katulong niya dito si Ralph. Nagpaalam naman ako na magccr para kausapin si Sy, baka kasi napilitan lang ito sa sinabi niyang payag siya na sumama ako sa lakad ng grupo. alam kong sa loob nito ay dinadamdam ito.
Dumiretso ako sa Office namin ni Sy para doon kami makapagusap, tanawag ko din si Sy para sumunod na. Pag pasok niya ng Office ay agad agad akong niyakap nito ramdam kong sobrang higpit nito kaya agad akong gumanti ng yakap. Hindi ito kumikibo kaya napansin kong malungkot ito agd kong hinwakan ng ulo nito at nilayo sa katawan ko para makita ng mabuti ang mukha niya, nagulat ako ng makitang nangingilid na ang luha niya. Para naman tinusok ang puso ko sa sakit dahil nakita kong malungkot siya at nasasaktan, kaya agad kong sinunggaban ang labi ni Sy, madiin iyon at napakapusok hindi naman ako nabigo dahil gumanti din siya. Tumagal din ng halos 2 minuto ang halikan namin. Napangiti naman siya ng tumigil kami sa halakan.


"Bumalik ka na sa taas baka hinahanap ka na ng mga yon." paalala ni Sy


"Ayoko pa gusto pa kita yakapin eah." paglalambing ko


"Ikaw talaga baka magtaka na yung mga yon." sagot niya


"Sigurado ka ba na okay lang sayo na sumama ako sa EK?" tanong ko sa kanya habang nkaupo kami sa sofa at magkayakap


"Siyempre hindi dahil nandoon si JM, pero para sayo at mga kaybigan mo ok na din sakin. Isa pa kaylangan mo din sila makasama dahil minsan lang sila magyaya" paliwanag ni Sy


"Pero kung ayaw mo kaya ko naman gumawa ng dahilan." pagpipilit ko


"Sssshhh.. Mahal ko okay lang ako, promise yan." habang hawak ang labi ko, wala naman akong nagawa at kaya tumango na lamang ako


"Pero bakit matigas toh?" sabay hawak ko sa ibaba ni niya


"Ikaw kasi eah." sabay bigay ng pilyong ngiti.


Bumalik na ako sa taas para asikasuhin sila Liza. Nagtanong sila kung bakit ang tagal ko nagdahilan na lang ako na sumama ang tiyan ko kaya natagalan ako sa banyo. Ilang minuto pa nagaya na silang umalis dahil babyahe pa kame papunta ng EK. Bumaba na kami para pumunta ng parking lot. Kinawayan ko na lng si Sy para magpaalam dahil nagaasikaso ito ng customer, tumango naman ito at ngumiti sabay buka ng bibig niya "I LOVE YOU" iyon ang basa ko sa doon, kaya sumagot nadin ako. Pagdating namin ng parking lot ay sasakay na dapat ako sa kotse ni Marlo pero pinigilan ako ni Liza at hinila ako nito at pinasok sa isa pang kotse.


"Dito ka sumakay sa kotse ni JM para may kasama siya." paliwanag ni Liza, hindi na lang ako kumibo para hindi ito magisip ng kung ano.


Umalis na kami nasa harapan namin ang kotse ni Marlo. Tahimik ako habang nasa biyahe. Nagpanggap na lang akong natutulog para maisip niyang wag ako gambalain, pero mukhang hindi uubra dahil nagsalita ito.


"Galit ka padin ba sakin?" tanong niya pero nakapikit padin ako


"Sana dumating yung time na mapatawad mo din ako." dugtong niya pa, ako naman ay nakapikit at walang paki sa mga naririnig ko. Pero mapilit si JM sa sunod na ginawa niya ay di ko mapigilang mapadilat dahil pinatugtog niya ang paborito naming kanta noong mga bata pa kami.


I could hardly believe it
When I heard the news today
I had to come and get it straight from you

They said you were leavin'
Someone's swept your heart away
From the look upon your face, I see it's true

So tell me all about it
Tell me 'bout the plans you're makin'
Tell me one thing more before I go

Tell me how am I suppose to live without you?
Now that I've been lovin' you so long
How am I suppose to live without you?
And how am I suppose to carry on?
When all that I've been livin' for is gone

I didn't come here for cryin'
Didn't come here to break down
It's just a dream of mine is coming to an end

And how can I blame you
When I build my world around
The hope that one day we'd be so much more than friends

And I don't wanna know the price
I'm gonna pay for dreaming
Even now it's more than I can take

Tell me how am I suppose to live without you?
Now that I've been lovin' you so long
How am I suppose to live without you?
And how am I suppose to carry on?
When all that I've been livin' for is gone

And I don't wanna face the price
I'm gonna pay for dreaming
Now that your dream has come true

Tell me how am I suppose to live without you?
Now that I've been lovin' you so long
How am I suppose to live without you?
And how am I suppose to carry on?
When all that I've been livin' for is gone


Sa ginawa  niya ay di ko mapigilang mangilid ang luha dahil parang eksena sa isang pelikulang bumalik ang mga alaala namin noong mga bata pa kami, ang unang pagkikita namin, ang kulitan at asaran lambingan, pati na din ang mga awayan. Gusto kong tumalon at bumaba sa sasakyan niya sa mga sandaling iyon dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam bakit umabot sa ganito ang galit ko sa kanya. Gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko magawa dahil nangingibabaw ang galit sakin.


"Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko." umpisa ulit ni JM


"Para ano? para iwan ulit ako ng WALA man lang paalam? No JM it wont happen again." matigas na sagot ko hindi ko na napigilan ang sarili ko


"Hindi ko ginustong hindi magsabi sayo noon, nasabi kasi ni Iris na masasaktan ka kapag nagpaalam pa ako." paliwanag niya


"Iris nanaman? mula noon laging si Iris ang dahilan mo pag may kasalanan kang nagawa, at sa tingin mo ba tama naging desisyon mong hindi magpaalam?" sumbat ko sa kanya


"Bakit Zach kung nagpaalam ba ko hindi ka masasaktan? kung nagpaalam ba ako mababawasan kahit konti yang sakit sa dibdib mo?" sagot niya at medyo mataas ang boses, natahimik naman ako dahil sa sinabi niya dahil may punto din naman siya


"Lets not talk Jerich walang patutunguhan to" pagputol ko


"Its nice to hear that you're saying my name, After 10yrs narinig ko ulit ang pangalan ko galing sayo." seryosong sagot nito


"Can you please stop! Im not here to talk to yoU! I'm here for Liza!" iritadong sagot ko


"Gusto ko lang naman maging okay tayo... tulad ng... tulad ng dati.." mahinahong sabi ni JM


"Hindi na mangyayari yun, dahil si-"


"Dahil si Sy na ang mahal mo.." dugtong niya


"Babawiin kita sa kanya Zach." seryoso nanaman ito


"Wala kang babawiin dahil kahit minsan hindi ako naging sayo." malamig na sagot ko


"Alam kong mahal mo din ako, kaylangan ko lang iparamdam sayo ulit yon." matigas na sagot nito


"Oo inaamin ko minahal kita pero nawala na lahat yon ng umalis ka! Kaya kahit anong gawin mo hindi nababalik yon! Kung gusto mo bumalik yon bumalik ka sa nakaraan ayusin mo ang lahat!" sigaw ko sa kanya


Naging tahimik na ng buong byahe namin, nanatili lang akong nakatingin sa bintana. Pasado ala una na ng makarating kami sa EK. Agad agad akong bumaba pagka park ng sasakyan ni JM at agd tinungo kung nasan sila Liza. Una kong nakita si Marlo kaya lumapit ako agad dito, napansin ko namang napasimangot ito pag lapit ko.


"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?" usisa ko


"Ah eh nakasimangot ka kaya para kang naipit sa naguuntugang bundok, scary ka ah." paliwanag nito


"Ha? pinagsasabi mo? eah kung mukha mo iuntog ko sa mukha ng kumag na yon." asar ko sa kanya


"Sinong kumag?" tanong ni JM, nasa likod na pala namin ito


"Ah sila Liza pala?" pag iwas ko


"Si LIza bumili ng tubig, yung dalawa ang CR muna." paliwanag ni Marlo


"Ah okay puntahan ko muna si Liza" palusot ko


"Wierd non, Anyare dun?" si Marlo


"Ah ewan ko, baka may napanaginipan bagong gising yun eah." si JM


**Sa Man's Diner**


"Sir Sy ayos lang po kayo? Kanina pa kayo tahimik ah." tanong ni ralph habang ako ay nakaupo sa may counter


"Ah wala to Ralph, pagod lang siguro ako." palusot ko sa kanya


"Ganon po ba? pahinga muna po kayo sa Office, nagaalala po ako eah pati nadin po yung iba." paliwanag niya


"Pasensya na kayo, naapektuhan pala kayo, sige pahinga muna ko sa office. Tawagin mu na lang ako pag kaylanag ha" bilin ko


"Opo sir, Gusto niyo Sir dalan ko po kayo ng Juice?." alok ni Ralph


"Sige Raplh, salamat." maikling agot ko sabay pasok sa Office


Hindi ko alam pero nanghihina ang buong katawan ko. Hindi mawala isip ko ang nakita ko kanina. Parang nagsisisi tuloy akong pinayagan ko pa si Zach. Tuloy tuloy akong humiga sa sofa sa Office at tumitig sa kisame. Walang text si Zach, ano kaya ginagawa niya? sana hindi si Jm ang kasama niya, sana naiisip din niya ko, ito ang mga pumapasok lage sa isip ko. pero pinipilit ko na lang magpaka postive para kay Zach alam kong hindi siya gagawa ng ikakagalit ko. Isa pa pumayag ako kaya dapat tiisin ko ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang tawagan para malaman ang kung nasaan na siya pero baka busy siya at maabala ko siya. Agad kong kinuha nag phone ko at dinial ang number niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pero bago pa man ito magring ay pinatay ko na agad ang cellphone.


"Sy dont be so paranoid, hai.... bakit kasi dun kapa pinasakay ni Liza?" tanong ko sa sarili ko


Bigla naman akong napatayo ng biglang may kumatok sa pinto.


"sir Sy, Ralph po ito. eto napo ang Juice niyo." Pakilala nito


"Ah ikaw pala, pasok ka bukas yan." paganyaya ko sa kanya


Ngayon ko lang nakita ng mabuti itong si Ralph Gwapo ito at matipuno pala, moreno ito at ang tangos ng ilong na may medyo malaki at bilugang mata. Ngayon ko lang naapriciate ang itsura nito bad boy image kasi ito. Bumagay din sa kanya ang asul na uniform ni dahil semi fit ito sa kanya sakto pa sa height nya ng 6ft. Hindi ko namalayang napatitig ako sa kanya


"Sir? Ok lang po kayo? Tulala nanaman kayo." pag gising niya


"Ah oo ok lang, pakibaba na lang diyan, salamat Ralph" sagot ko


"Sige po sir, tawagin nyo lang po ako kung may kaylangan kayo." pahayag nito, napansin kong ngumiti ito bago tuluyang lumabas ng office.


Pansamantala ko ding akong natigil sa pagiisip kay Zach, pero hindi yun nagtagal  dahil namiss ko kaagad ang asawa ko. Lumipas ang ilang oras ay nanatili lang ako sa office at nagpahinga, lumalabas  lang ako para minsan minsan ay kamustahin ang mga customer at mga empleyado. Alas sais ng gabi ng makatanggap ako ng tawag mula kay Zach at hindi daw ito uuwi dahil magstay daw sila sa bahay nila Anthony dahil may rest house sila malapit don, napapayag naman ako dahil kinausap din ako ni Liza. Napgdesisyunan kong magsara ng maaga, kaya naman ininform ko ang mga empleyado na alast order is 10pm para 12 ay wala ng tao, dito na din ako mag stay sa resto para makapagsolo at makainom.



**Sa EK**


"Oh ayan ok na guys, payag na si Sy siya na daw bahala sa resto at sa lakad niyo.." si Liza sabay abot sakin ng phone


"Sy im really sorry, ang kulit ni Liza eah, sure ka na okay lang?" tanong ko sa kanya, nahiya tuloy ako  kay sy dahil naabuso ko na ang pagiging mapgbigay niya


"Salamat mahal ko, promise babawi ako pag balik ko."


"Ingat ka pag uwi ah, magpahinga mabuti, wag ka magalala behave ako."


"I LOVE YOU TOO."


"Tara na daw!" tawag ng boses sa likod ko, si JM ito nagulat ako dahil akala ko ay ibang tao


Alas Otso ng umalis kami ng Ek, at pumunta sa rest house nila Anthony. Si Marlo na ang pinasakay ko sa kotse ni JM nagdahilan na lang akong may paguusappan kami ni Liza. Maganda naman iyon may mga puno at may maliit na pool din. Pag dating doon ay agad akong dumeretso ng kwarto para kahit papaano ay makapagpahinga. Gigisingin na lang daw nila ako kapag luto na ang pagkain.




10:00pm





11:00pm





12:00am




"Zach gising na kain na tayo." Gising sakin ni Anthony


"Ok sige salamat, susunod na ako." matamlay na sagot ko dahil inaantok pa ako.


Naupo muna ko sa gili ng kama pag labas ni Anthony, nakapikit pa ako habang nakaupo ng naramdaman kong biglang bumukas ng pinto.


"Sige na susunod na ako" sabay tayo ko at mulat ng mata


Napasimangot ako ng makita kong sarado ang pinto, Paglingon ko sa kaliwa ay nagulat ako sa makita ko ang pinto pala sa banyo ang bumukas at si JM ang nakatayo sa harap ng bpinto at naka tapis lang ng twalya. Kinabahan naman ako, ramdam kong namula ang mukha ko, sobrang lakas ng tibok ng dib dib ko sa kaba. Nakatitig lang sakin si JM na parang nagaakit, napakaganda din ng katawan nito tila ay isang modelo.


"Kakain na daw, sumunod ka na sa baba." paalala k osa kanya sabay labas ng kwarto, daig ko pa ng nakakita ng multo sa paglalakd ko. Habol hininga ako pagupo ko sa hapag kainan


"Nyare sayo? para kang nakakita ng malaking multo?" usisa ni Liza


"OO malaki nga! este hindi, nanaginip lang ako.." palusot ko


"Kain kana at maya maya ay iinom na tayo hinahanda na ni Anthony ung pulutan at alak" si Marlo


"Huh kala ko ba walang inuman? Naku Ayoko!" pagtanggi ko


"Hindi pwede!" sabay na sabi ni Liza at Marlo


"Iinom ka sa ayaw at sa gusto mo!" si Nario wala na ko nagawa kundi mapahinga ng malalim



**Resto**


"sir Una napo kami" paalam ng mga staff at crew ko sa resto


"Sir Sigurado kayong okay lang kayo? mukhang lasing na kayo ah" si Ralph


"OO naman akO pa" pagyayabang ko


"Gusto niyo po samahan ko muna po kayo? rest day ko naman po bukas?" pagalok niya


"Haha wag na, sige na umuwi kana din at magpahinga." sagot ko


"Ah sige po sir. Una na po ako." sabay talikod niya


"Ralphel Legarda!" tawag ko sa kanya


"Sir?" sagot niya


"Actually hindi ako Ok, can you accompany me for a while?"


"Sige po Sir, wala pong problema."


"Call me Sy, hindi na working hours ngayon." kontra ko


"Pero-"


"Wag na makulit, oh tagay ka" sabay abot ng alak sa kanya



(Itutuloy)

18 comments:

Anonymous said...

O M G, I smell something fishy sa mangyayari sa next chapter :O. Sy and Raplh and Zach and JM! oh noes.

anyway, Hindi ako nabigo sa paghihintay ng chapter 10 :D. napakaganda pa din, Goodjob Dranz :D. can't wait sa next chapter :D - Phantom

kevinblues said...

hahaist...si sy nakahanap na ng Ralph...tapos si Zach nman..pinagtritripan pa ng mga kaibigan nya...pag may mangyari lang tlga kina Zach at Jm mga kaibigan nya sisihin ko..at ok lang sakin kung magalit si Zach sa mga kaibigan nya...sila nman may kasalanan...hahahah...ikaw Sy ha..behave ka jan...magagalit si Zach sayo...hahaist dami tempt...

sa tagal ng update na miss ko tuloy ang story na to..next chapter na poh mr.author...heheh ^^

KaizaH said...

Hi dranski,

Thank God at meron na ulit bagong chapter and "AMNM". hehehe.. grabe pinaghintay mo kami dun ah, pero okay lang. Update na lang po agad for the next chapter!! :)

Anyway, I have to admit na gusto ko ang flow ng story mo. Siguro more on proofreading muna bago mo po i-post yung mga chapters kasi marami pong typos.. :|

Be careful na rin po and double checking na rin po sa paggamit ng name ng Characters, minsan po kasi nadodoble kaya medyo nakakalito.

More power to the Author! Keep it up.. :D

Pink 5ive said...

Sulit ang holiday dahil sa pagkakapost nito! :-) Thanks author. Sana lagi ka mag-update :-)

Anonymous said...

hay salamat at nakapagbasa ulit ako.. kasi naman yung training na yun.. hahaha

anyway, sana behave lang tong si Sy pati na rin tong kumag na si Ralph.. kundi tadyak sa gums ang aabutin mo kay Zach... hahaha..

God bless.. -- Roan ^^,

jumpin rooftops said...

finally, ive been waiting for this for so long! thanks!

Master_lee#027 said...

Sulit ang paghihinintay dito nakakaexcite ang susunod na mangyayari.......

--makki-- said...

Hala! Resbakan? mukhang may mangyayaring "ano-anohan" ah! lagot na!

Jamespottt said...

nananalig akong magiging smooth lang ang inuman nila. Sana! *Crossed-fingers*

russ said...

sana la naman kasi bad...yan sa relasyon..sana labanan nila ang tukso..ralph out sa eksena pati na si JM..GO TO SOMEWHERE..

Anonymous said...

Nabadtrip ako sa barkada ni zach.. feeling ko kakontsaba lang sila ni jm eh... hindi talaga ako natutuwa sa kanila... hahaha.. galit na galit eh...

Sana naman walang gawing masama si sy... Haha.. sana magbehave sya, idea naman nya na sumama si zach sa mga epal nyang barkada eh..

Anonymous said...

sana wala mangyari kababalaghan kina sy and ralphy kasi si zach kahit kasama nya si jm eh hindi nya kayang gumawa ng mali sa relasyon nila ni sy kaya sana ay walang mangyari. please please please mr author sana maging faithful si sy. maraming nagsasabi oh na sana walang mangyari kila sy and ralph hehehehe

-Mike

Irsen said...

sana walang mangyaring kababalaghan on both parties. giyera na yan pag nagkataon..

Anonymous said...

ReZ

Kuya author sundan mo agad to ha

Trchnically maganda ang story mahit gamit na gamit na to eh interesting prin

Maganda smg flow, light xa at madaling intindihin

Keep
Up the good work

Zach-Sy parin ako

Raz said...

..................

Mr. Author.... pwede post ka na ng kasunod? torture na eh. hehehe...

please??? =) thank you!

---------

JD Javra said...

mag ju-june na,.,wala prin ksunod,.,hahaha,., next chapter na kgad,.,excited na aq,.,hahaha,.,

Anonymous said...

August na wla parin. T_T

Unknown said...

Asan n puh yun kasunod?

Post a Comment