Wednesday, May 30, 2012

Complicated Cupid (Teaser)


by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com

Author's Note:

Heto na naman ako at sa mga katarantaduhan ko. Ito po ang kasunod na kwento ng series kong Make Believe. Ito naman po ang kwento nina Nicollo at Lantis. Sana ay ma-enjoy niyo ang kwentong ito katulad ng naramdaman niyo sa iba ko pang mga kwentong nagawa.


Gusto ko rin pong sabihin na ang kwentong ito ay maglalaman lamang ng 10 Chapters. Gusto ko kasing subukang gumawa ng isang kwento na hindi gaanong mahaba pero sulit naman. Sana ay magustohan niyo mga paps! Ingat tayo lagi!







Si Niccollo Alegre o mas kilalang Nico ay likas ang pagiging arogante sa lahat ng bagay maliban sa isang pusang minsan lang naligaw sa bahay nila, si Kerochan. Ngunit bukod sa kanya ay may isa pang gustong umari sa galang pusang iyon at iyon ay walang iba kung hindi ang taong nakatira katapat ng bahay nila at isa rin sa apat niyang kaibigan no’ng high school, si Lantis Santiago. Subalit kahit nabibilang sila sa iisang grupo ay hindi sila magkasundo nito. Lantis hates him to the point na kapag nabibigyan sila ng pagkakataong makapag-usap ay laging nauuwi sa iringan.


Lalong lumala ang sitwasyon ng muli silang magkita-kita after college. Kung noon ay nakakaya nilang ignorahin ang existance ng bawat isa kahit paman magkatabi lang sila, biglang nag-iba ang ihip ng hangin after almost 6 years nilang hindi pagkikita. Lalo kasing tumindi ang galit sa kanya ni Lantis na hindi niya alam kung saan nito hinuhugot lalo na ng dumating sa buhay nilang dalawa ang inosenting pusa.


Lantis started to get into his nerves. Nagsimula na siyang mapikon dito sa tuwing susugod ito sa kanya at pararatangan siya ng kung anu-ano kaya lalong tumindi ang bangayan nilang dalawa. He begun to hate Lantis existence, kaya naman umiwas na siya rito. Pero may isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap dahilan para lalo silang pagdikitin ng taong ayaw na sana niyang makita at makausap pa kahit kailan.


Sinubukan niyang ignorahin na lamang ulit ito. Ngunit habang nasa isang lugar sila na malayo sa sibilisasyon, at ipinagsisisiksikan niya ang karapatan sa pusang kung tutuusin ay hindi naman talaga niya pag-aari ay isang damdamin na matagal ng nagkukubli sa puso niya ang nagising. Isang damdamin na hindi niya inaakalang p’wedi niyang maramdaman sa isang kapwa niya lalaki at sa mortal pa niyang kaaway na bukod sa pagiging masungit nito ay palagi pa itong aburido. What will happen if love and hate collide? Anong damdamin ang mananaig? Paano kung ang taong napili ng puso niya ay ang taong kasing laki ng mundo ang galit sa kanya?


Abangan ang kwento ni Nicollo at Lantis ngayon Hunyo 4, 2012. Ang kwentong magpapakita sa atin na walang sino man ang kayang tumakas sa kamandag ni pareng tadhana at pareng kupido!

21 comments:

Anonymous said...

thanks for another story kuya Zild.. Aabangan ko po ito.. Im sure makokompleto n nmn ang gabi gabi ko nito,hehe- Jordan Rey

--makki-- said...

the more you hate the nore you love! trololol! comic love story to malamang! ayiiiiee! :D

I AM CHRIS_LEE#027 said...

Thank you kuya legend ,you are the best talaga ,nagkaroon na agad ng teaser sina nico at lantis love affair ...love you for that .....aabangan ko talaga kung papano ang magiging takbo ng story ng love vs. Hate ehehe kahit lulusubin ko na ang collage life eh walang hadlang yun para magbasa ako noh ahah.....takecare kuya mwuah

Chris said...

Nice intro kuya. Can't wait for the first chapter. Hehe.

Anonymous said...

teaser pa lang interesting na..what more kung stories pa..im sure isa na naman itong obra maestra ni zildjian..eehehehe..good luck zild..

-iamronald

Anonymous said...

Zeke, natawa naman ako sa last name ni Nicollo ha.ha.ha. ALEGRE talaga ha? Nabasa mo ba ang utak ko kay yan ang ginamit mo na apelyido. Nung propose ko sau na gusto ko ako ung panggulo at pinagbigyan mo mo... natuwa naman ako... ngaun mas feel ko talaga itong bago mo story... Apelyido pa lang related na ako....

Anonymous said...

Yes may susunod na story nanaman yahoo.... Ung narcoleptic love affair? Hehehee

KV

Anonymous said...

hmmm... nyc this teaser makes my excitement go wild... tnx boss Z... can't Wait for June 4 this would be a great bday gift for me...
-jow ben

marL said...

yesssss,,,, finally meron na din story c lantis at niccollo.
anu kayang twist ang meron sa story ng dalawang hindi magkasundo...
ito ba ay sa tulong ni kerochan or ni keropin. hehehehe

aabangan ko to, :))

Anonymous said...

hehheeheheheeheheee nice aabangan ko to.............................................ras

russ said...

knock knock.

me: hus there?
Z: si Zildian po ito..
me: ah ikaw pala hali ka tuloy..
Z: salamat poh.
me:ikaw pala si Z ang sumulat s mga kwento 9 mornings, after all, the right time, chances and make believe at now ang bago mo ung complicated cupid.?
Z: hindi po ako yun?
me: eh sino
Z: si vice ganda..!!!

hehe joke lang Z..aabangan ko ito..for sure

Anonymous said...

wee for sure this will be a great hit ulit yehey..goodluck and congratz po :)

-rhaj

iRead said...

Waaaaah!!! Nico and Lantis na!!! Pati si pusa!!!!

--ANDY

Anonymous said...

------>
nice story
cant wait for this one
gondo gondo
------>
what will happen if love and hate collide
pakk na pakk

<------ demure

Anonymous said...

thanks sa wlang sawa mo pagpost ng stories mo mr. author


this is my inspiration..



<07>

Anonymous said...

Wiiiii! Aahha... Cant wait! :-)

Ivan d.

Anonymous said...

ready na ko sa june 4...yeye!!

thanks zildjian:)

bon-bon said...

hello kuya Z .. silent reader po ako and i've finished all your series . im so anticipating this stories . JUNE na po . sorry , cant wait kc . BEST OF LUCK :)

Anonymous said...

start reading bwhahahahaha



-yume

Anonymous said...

Una s mga kwento mong nabasa ko na ay un "9 Mornings", and i really fell inlove with it! kaya excited na akong mabasa itong next story from u, i very sure that this will really worth reading..thanks, ZILDJIAN... more stories to come... :-)

-justin(still_nluv)

Unknown said...

Mygad! Maxado namang yummy c Nicollo. Di ko ini-Expect! Hahaha hahaha! Sana cna Red meron dn picture. Xp mas crush ko kc xa. Hahaha hahaha.

Post a Comment