Thursday, May 10, 2012

Against All Odds 6

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.

Napatitig ako sa lalaking palapit ng palapit sakin, may nakaplaster na ngiti sa mukha nito at pakawaykaway pa sa aking direksyon. Nun ko lang ulit napagmasdan si Nate, malaki na talaga ang pinagbago nito, wala na ang emo look na noon ay gustong gusto niya, wala na ang mahabang buhok na lagi niyang ipino-ponytail, wala na ang hikaw niya sa may kaliwang kilay na ikinaeeskandalo ng maraming tao, wala na ang punit na pantalon nito.


Iisa lang ang di nagbago, gwapo parin ito. Ang totoo, lalo itong gumwapo. Lalong gumanda ang katawan na siya namang binagayan ng kaniyang bagong gupit at maputing kutis.



May iniintay ka ba?” tanong nito sakin ng sa wakas ay nakalapit na ito sakin, di ko na ito pinansin at itinuon ko ulit ang pansin ko sa aking cellphone na nung panahon naman na iyon ay naghihingalo na sabay namatay dahil dead batt na.



Tumayo na ako at nagsimulang tunguin ang payphone.



Sinong iniintay mo yung boyfriend mo?” pangungulit sakin ni Nate.



Oo! Siya, ang pinakasweet at pinakamabait na boyfriend ko!” sabi ko dito, napatigil naman siya saglit sa aking sinabi, wari ba ay kinikilatis kung nagsasabi ako ng totoo, pero bigla ding ngumiti ito agad.



Naku, baka di ka nun masusundo ngayon.” sabi ni Nate. Nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun, wala ring sunasagot sa cellphone ni Jase kaya't ibinaba ko na lang ang telepono at nagpasyang intayin si Jase sa aking boarding house.



Nagtaka naman ako ng mapansing wala ng sumusunod sakin at nangungulit, lumingon ako at wala na doon si Nate, napabuntong hininga ako, hindi dahil ayaw ko siyang umalis kundi dahil sa wakas ay tinigilan na ako nito.




Doc, taxi?” tanong sakin ng gwardya, tatango na sana ako bilang sagot dito at tatawag na sana ang gwardya ng taxi ng biglang may tumigill na F150 sa aming harapan.



Manong di na kailangan, ihahatid ko na si doc sa boarding house niya.” sabi ng driver ng F150, inabutan nito ang gwardya ng bente pesos saka nginitian.



Manong pang miryenda mo.” sabi nito habang sapilitang kinuwa sa aking kamay ang aking duffel bag.



Di ako sasakay dyan!” sigaw ko kay Nate.



Sige intay tayo dito ng habang buhay.” sabi niya, nagsisimula ng maginit ang ulo ng mga driver ng sasakyan na nasa likod ng sasakyan ni Nate, wala na din akong nagawa at sumakay na agad ako sa kotse.



Sasakay karin pala.” sabi nito sabay hagikgik.



Nang isara ni Nate ang pinto ng sasakyan ay saka ko naamoy ang pabango nito. Kilala ko ang pabangong iyon.



Hugo boss? Mahal nito ah. Di mo na dapat binili ito.” sabi ni Nate nang mabuksan niya ang aking anniversary gift sa kaniya.



Ikaw nga nagrenta ka pa ng resort at bumili ka pa ng bus ticket tas nagrent ka pa ng surfing board eh.” sabi ko dito, lalo siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit.



Dahil galing to sayo, di ko ito gagamitin.” sabi niya sabay spray ng onti sa kaniyang kamay.



Ambango!” sabi nito sabay yakap sakin, napahagikgik ako mayamaya pa ay inilapat nito ang kaniyang labi sa aking mga labi.



Titipirin ko na lang pala.” sabi niya na ikinatawa ko naman.



Di parin pala ubos yang pabango na yan?” wala sa sarili kong tanong dito habang binabagtas niya ang daan palabas ng ospital.



Ubos na, mga mag fo-four years na sigurong ubos yung binigay mo sakin. Yun lang kasi ang bagay na nakapagpapaalala sakin ng tungkol sa isang Aaron Martinez na mahal na mahal ko. kaya di ko natiis na gamitin araw araw. Kasi pag ganun araw araw kitang naaalala.” sabi niya, napatingin ako sa dito, di ko alam kung bakit pero tila ba may gusto akong makita sa mukha nito, di nito iniaalis ang tingin sa lansangan.



Bababa na ako sa kanto. May pupuntahan pa ako.” sabi ko kay Nate na ikinagulat naman nito.



Ang totoo niyan gusto ko ng umuwi sa boarding house ko pero dahil gusto ko ng makaalis sa tabi ni Nate ay nagdahilan na lang ako.



San ka pupunta? Hatid na kita.” alok nito sakin.



Sa boyfriend ko.” sabi ko dito, umaasa na magbago ang isip nito sa pagsama sakin.



Sige, san ba siya ngayon?” tanong nito na ikinagulat ko naman. Nagpanic naman ako.



Totoo niyan may dadaanan pa ako bago pumunta sa opisina ni Jase eh.” sabi ko dito, nangunot naman ang noo nito malamang nahahalata na nitong nagdadahilan lamang ako.



Sige saan? Samahan na kita.” sabi nito sakin, wala na akong nagawa at nagisip nalang ng magandang palusot.



Dadalhan ko ng shawarma si Jase. Paborito niya kasi yun.” sabi ko na lang, totoo, paborito ni Jase ang shawarma pero di iyon kasama sa aking plano.



Tamang tama may alam akong masarap na gawaan ng shawarma pita!” sabi ni Nate sabay magiliw na ngumiti sakin.



Patay na!” bulong ko sa sarili ko nang hindi ko nagawang



0000oooo0000



Gustav's”


Sabi ng isang malaking karatula sa ibabaw ng isang maliit na establisyimento. Mukhang mamahalin dito, mukhang 5 star restaurant pero maraming tao.



Mahal ata dito, Nate.” sabi ko habang palingalinga sa mga nagmamahalang sasakyan na nakaparada sa parking lot.



Saka wala naring parkingan, sa iba na lang kaya.” sabi ko dito, napangiti naman si Nate.



Shhh. Akong bahala.” sabi nito, lalo akong kinabahan.



Pogi, pabukas ng gate.” sabi nito sa gwardya.



Opo boss Nate.” nagulat ako at kilala na pala si kumag dito. Naisip ko na marahil ay suki na ito dito.



Nagkamali ako ng biglang ipasok ni Nate ang sasakyan sa isang garahe na parang ginawa para sa kaniyang F150. Biglang may lumapit na babae.



Sir, the deliveries for next month is already being processed, asa table niyo na po sa may office ang mga papers for signing.” sabi ng isang babae na mukhang nalolosyang na sa sobrang pagka busy.




Ok, I'll read them later, paki handa na lang kami ng table. Kain lang kami ng boyfriend ko.” sabi ni Nate, para akong humarap sa salamin nang makita ang reaksyon ng sekretarya ni Nate. Pareho kaming gulat na gulat, di makapaniwala sa sinabi niyang iyon.



Y-yes S-sir.” bulalas ng sekretarya saka tumakbo papasok ng restaurant.



Hinampas ko sa braso si Nate.



Unang una, di tayo close! Ni hindi ko pa nga nakakalimutan ang ginawa mo sakin tapos ipagsasabi mo na boyfriend mo ako! Ano bang gusto mong palabasin ha?!” sigaw ko kay Nate, natatawa lang ito habang hinihimas parin ang braso na aking hinampas.



Unang una rin! Wala tayong closure! Ni hindi nga malinaw kung anong nangyari sa relasyon natin eh, technically boyfriend parin kita kasi di naman tayo nagbreak! Gets?!” sabi nito sakin sabay nandilat.



Iniwan mo ako! Bigla kang nawala! Di pa ba sapat na closure yun?!” sigaw ko pabalik dito.



Closure na siguro yun para sayo, pero para sakin hindi. Wala pang opisyal na pagbre-break sa pagitan natin.”



Fuck you! Ganun ganun na lang yun?! Iiwan mo ako, mawawala ka ng matagal then babalik ka and claim that you're still my boyfriend?! Di mo naisip yung sakit na dinulot mo sakin?!” sigaw ko pabalik dito, natameme na si Nate.



You want closure! Fine! I'll give you your fucking closure! Break na tayo! Tigilan mo na ako!” sabi ko dito sabay lakad palayo sa kaniya. Natigilan ako nang hindi ko alam kung saang pinto ako lalabas.



Di ka makakalabas diyan. Dun ka sa front door pwedeng lumabas.” sabi ni Nate na halatang pinipigilan ang pag-tawa sa aking pagkapahiya.




Agad akong pumasok sa restaurant at hinanap ang front door para makalabas narin ng restaurant na iyon. Malapit na ako sa pintuan palabas ng biglang humarang ang sekretarya ni Nate.



Hi! I'm Phoebie this way, sir.” sabi nito sakin sabay hila sa akin papunta sa isang booth sabay tulak sakin paupo. Tatayo na sana ulit ako ng biglang sumulpot si Nate at tumabi sakin, ngayon nakorner na ako at wala na akong malalabasan.



Nate, please.” sabi ko dito may himig pagmamakaawa na.



Were just going to wait for the shawarma, then we will go to your boyfriend's office.” sabi nito animo nagmamakaawa din na pagbigyan ko siya, wala na akong nagawa.



Habang nakatunganga ako sa booth na iyon at hinihintay ang shawarma ay nakatingin lang sakin si Nate. Di parin ako makapaniwala na ang huli naming pagkikita ni Nate ay may anim na taon na ang nakararaan at ang mga salitang ito ang huling mga salita ang sinabi niya sakin.



Makipagusap ka sakin kapag lumipas na ang pandidiri ko sayo at kapag wala na yang lintik na pride dyan sa kukote mo!”




Muling bumalik sakin ang sakit, ang dahilan ng pagiging miserable ko at ang epekto nito sa buhay ko. Daretso akong nakatingin kay Nate, pilit pinaparamdam lahat ng sakit na naramdaman ko noon sa pamamagitan ng pagtingin ng masama sa kaniya. Habang ginagawa ito ay tila naman hinila ako ng panahon pabalik kung saan asa harapan ako ng gate ng bahay nila Nate.



Manang, please, alam kong andyan siya. Kakausapin ko lang siya saglit.” pagmamakaawa ko sa kasambahay nila Nate.



Di pa raw siya handang makipagusap sayo eh.” sabi nito sakin.



Manang, please.” pagmamakaawa ko ulit.



Pasensya na Aaron. Ayaw ka talaga niyang makausap pa eh.” sabi nito. Agad naman akong pinalabas ng guwardya sa kanilang compound.



Manang pakisabi kung hindi pa siya hanadang makipagusap sakin, sabihin mo andito lang ako, magiintay.” sigaw ko dito sa pagitan ng mga magagandang bakal na bumubuo ng gate nila Nate.



Di ko na napansin ang oras, pero maliwanag pa nung makausap ko si Manang, marahil ilang oras narin akong nakababad sa ulanan dahil magdidilim na at nagsisimula narin akong manginig. Buo na ang aking pasya, di ako aalis sa unahan ng gate nila Nate hangga't di siya nakikipagusap sakin.


Biglang may tumigil na itim na kotse sa harapan ng gate. Di ko kilala kung kanino iyon pero ni hindi nito ibinaba ang kaniyang bintana para tignan ako o tanungin kung ano ang kailangan ko, tinted ag sasakyan kaya't di ko naman makita kung sino ang nagmamaneho. Binuksan ng gwardya ang gate at pinapasok ito.



Ilang oras pa ang lumipas at walang Nate na lumabas ng gate. Nagsisimula na akong mapaiyak, naramdaman kong tuluyan ng nandiri sakin si Nate. Napaupo ako sa driveway at napasandal na sa gate. Maya maya ay naramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng malay.



Nang nagkaroon ulit ako ng lakas para dumilat ay napansin kong nasa loob na ako ng isang sasakyan, tinignan ko kung sino ang nagmamaneho nito pero masyado akong nanghihina para lumingon sa puwesto nito, muli ko na lang sinara ang aking mga mata.



He's going to be ok, he needs rest and dry clothes.” sabi ng isang lalaki na nakaputi.



Ganon ba doc, can he spend the night here? Ako nang bahala sa payments for admission.” sabi ng isang lalaki sa lalaking nakaputi, masyado pa akong nanghihina at di ko mai-focus ang aking mga mata.




Nagising na lang ako na nakahiga sa isang malambot na kama at isang nurse na tsine-tsek ang aking vital signs. Tinanong ko ito sa mga nangyari, sinabi niyang may nagrequest daw na dito muna ako magpalipas ng gabi at bayad na daw lahat. Pagkatapos daw nun ay pwede na akong umuwi, inabot nito sakin ang aking mga gamit.



Pasimple kong pinahiran ang aking mga luha, ayaw kong mapansin ni Nate ito at baka mangulit kung bakit ako umiiyak. Ayokong malaman niya ang katangahan na ginawa ko sa dati. Ayaw kong malaman niya ang ginawa kong paghahabol sa kaniya na parang isang babae na humahabol sa kaniyang idolong k-pop star.



I will not give him that pleasure.” sabi ko sa sarili ko nang umiral nanaman sakin ang aking pride.



Putanginang shawarma yan?! Isang oras ba yan iluto?!” singhal ko sa sekretarya ni Nate na halatang pinapanood ang aking pag-e-emote. Napatayo ito bigla at pumuntang kusina.



Ibinaling ko ang tingin ko kay Nate at masuyo itong nakatingin sakin. Parang nagmamakaawa. Parang may gusto siyang malaman sakin.




Itutuloy...



_______________________________________
Against All Odds 6
by: Migs

1 comments:

Migs said...

Salamat sa may ari ng blog na ito na si Zekie. :-) Pasensya na sa ibang author dito sa blog na ito kung medyo nagsusumiksik ako dito, hehe. Kulit kasi ni Zekie eh! haha!


Kiero143: Salamat sa pagbabasa kahit madaling araw na. :-)


RAZ: sensya na kung pabitin ang mga chaps. hehe!

Lexin: Thanks! :-)

RGEE: haha! madami nang nag-away dati tungkol dyan kung sino ang makakatuluyan ni Aaron. :-) Thanks sa pagbabasa.


Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa! :-)

Post a Comment