DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
Tahimik
lang kami sa loob ng sasakyan, iniintay kong tanungin ni Jase kung
sino si Nate at bakit ako hinahawakan nito ng mahigpit at bakit ganun
na lang ako nito kausapin, pero hindi, tahimik lang ito. Marahil
iniintay ko na makitaan ito ng pagseselos. Pero wala, blangko. Siguro
nga wala lang iyon sa kaniya at ang paghila niya sakin at pagaya
pauwi ay tanging pagaalaga niya lang sa akin, sa kaniyang asset,
kaniyang business.
Nagbuntong hininga ako.
“Jase, I want to call it quits.” walang preno kong
sabi dito. Agad nitong itinabi ang sasakyan atsaka humarap sakin.
Wala ni isang emosyon na makikita sa mukha nito. Lalo akong natakot.
Mas gusto kong may galit at lungkot sanang makita para mapaghahandaan
ko kung ano man ang mangyayari at sasabihin nito. Pero hindi, blangko
lang ang mukha nito at mukhang kailangan kong manghula.
“Hindi. Sakin ka lang.” malamig na sabi nito.
“Hindi na ako masaya, para na lang akong gamit para
sayo. Isang business...”
“Yan ang gusto mo diba? Sabi mo ayaw mong tatanggap ng
pera mula sakin para sa pagaaral at sa residency mo kaya pinabayaan
kitang ibenta sarili mo. Di ako nanghihingi ng pursyento sa mga
kinikita mo sa booking pero mapilit ka.” malamig paring sabi nito.
Naluluha na ako.
“Ayaw ko na.” nahikbi ko ng sabi dito.
“Panindigan mo yan! Yan ang problema sayo eh, para
kang bata kapag di ka na kumportable sa isang sitwasyon tatalikod ka
nalang basta, di mo iniisip ang mga kumplikasyon... kung tutuusin
ikaw naman ang pumili niyan, ikaw at ang pride mo.”
“Pero ano bang kumplikasyon?” tanong ko dito.
Natigilan siya.
“Ilang buwan na lang kikita na ako sa pagdodoktor.
Ilang buwan na lang pwede na akong hindi magbooking...” tuloy ko.
“Hindi! Ngayon pang maraming nakapila, maraming
kilalang tao na pwedeng makatulong sayo sa pagmomodel...” balik ni
Jase.
“Pano kung hindi ko na gusto ang magmodel.” at dun
na sa sinabi kong iyon pumutok ang emosyon mula sa puso ni Jase,
hinampas na nito ang manibela.
“Hindi! Tapos! Ayoko ng makikipagtalo ka pa sakin. Buo
na ang desisyon ko. Di tayo magbre-break, di ka titigil sa
pagbu-booking at hindi karin titigil sa pagmomodel. Tapos!” sigaw
nito. Natigilan ako, di ko na itinago ang gulat at pagkadismaya dito.
Tahimik.
“San ka ngayon? Ihahatid pa ba kita sa bahay o daretso
ka na sa ospital.” balik sa pagiging malamig nitong sabi sakin.
“Ikaw bahala, tutal ikaw naman ang nasusunod eh.”
pabulong kong sabi, narinig kong nagbuntong hininga ito.
0000oooo0000
Para akong pilay na dahandahang naglalakad papunta sa
aking tokador sa aking maliit n kwartong inuupahan. Inabot ko ang
aking white coat na gagamitin sa Ospital ilang oras nalang ang
nalalabi. Pero wala sa Ospital, sa mga pasyente at sa aking
pinangarap na trabaho ang aking isip. Iniisip ko parin ang naging
paguusap namin ni Jase kanina sa kwarto. Napaluhod ako, wari bang
naubos ang lakas saking mga tuhod. At sa pagkakaluhod na iyon ay
umiyak ako. Umiyak na parang bata.
“Bilisan mo, i-mi-meet ko pa si Sandra.” sabi ni
Jase sa may pinto ng aking kwarto, marahil ay di niya napansin na
umiiyak ako dahil nakatalikod ako sa kaniya. Tumango lang ako at
pasimpleng pinahiran ang aking mga luha.
Nang sundan ko na si Jase pasakay ulit ng kaniyang
sasakyan ay napansin kong palinga linga ito, parang isang taong
gumawa ng krimen at takot na baka nasundan siya ng mga pulis. Kumunot
na lang ang noo ko sa pagtataka sa mga kinikilos nito.
0000oooo0000
Mukha akong kagalang galang sa aking puting polo at
stethoscope na nakasabit sa aking leeg. Ilang buwan na lang at tapos
na ako sa sa aking residency, masaya ako, masayang masaya pero
kinakabahan din kahit papano, naalala ko ang di pagpayag ni Jase sa
aking desisyon na itigil na ang pagbu-booking.
Kasalukuyan akong naglalakad sa lobby ng ospital at
papunta na sana sa doctors quarters ng biglang may humarang na lalaki
sa aking harapan. Nanlamig ang buo kong katawan.
“Good afternoon, doc.” bati nito sakin, nilagpasan
ko lang ito.
“What? Snob ka na ngayon, kiddo? Akala ko kailangan mo
ng kausap lagi?” Natigilan ako sa sinabi niyang yun.
Para akong binalik sa nakaraan.
“Why
not talk to someone? Alam ko nakaka relieve din ng stress at sama ng
loob once you talk about it to someone.” sabi niya. Tumango ako.
“Yun
nga ang problema ko pa eh. Walang pwedeng sabihan.”
“Busy ako ngayon.” sabi ko na lang atsaka nagpatuloy
sa paglalakad matapos lampasan ito.
“No your not, according to the secretary sa IM
department free ka daw ngayon and all the patients that need IM
residences have been discharged. Kaya alam kong di ka busy ngayon.”
sabi nito sabay lakad kasabay ko.
Natigilan ulit ako.
“I'm going to kill that bitch.” sabi ko sa
sarili ko, pinipertia ang sekretarya sa aming departmento.
“I'm not talking about handling patients. I'm doing
paper works. Abstracts. Medical files.“ palusot ko ulit na hindi
naman kinagat ni Nate.
“Iistorbuhin lang naman kita saglit eh. Gusto lang
kitang makausap.” sabi nito. Ito na ang kinakatakot ko. Ito ang
pinkakinakatakot ko, tulad ng sitwasyon sa lobby ng hotel nung huli
kaming nagkita nito ay malapit na akong bumigay sa gusto nito. Hindi
ko nanaman ito mahindi-an.
“Because
I need someone to talk to.” sabi nito sabay timpla ng mga kulay na
gagamitin nito. Nagdalawang isip ako, kailangan ko na kasing umuwi ng
maaga dahil may aaralin pa akong lesson. Marahil ay nakita nya ang
aking pagaalangan.
“Please.”
bulong nito, di ko alam pero parang may kung anong pumitik sa aking
puso. Parang kahit ano pang gagawin ko sa bahay, babaliwalain ko para
lang pagbigyan ang gusto ni Nate.
Natunaw
ang aking resolba at pumayag na sa gustong mangyari ni Nate.
“Gusto ko sanang humingi ng sorry. Naiintindihan ko
kung bakit nagdalawang isip ka pang kausapin ako. Mali talaga ang
ginawa kong pagiwan sayo noon.” sabi nito.
Di ako sumagot. Pinilit kong hindi sumagot. Di na magawa
pa ng mukha ko ang maglabas ng reaksyon, siguro dahil masyado akong
nasaktan sa ginawa nitong tao na 'to noon at maski galit ay di na
rumehistro sa mukha ko.
“Magsalita ka naman, please. Para ano pang pumayag
kang makipagusap sakin kung di ka naman magsasalita? Murahin mo ako,
suntukin, pagsisipain kung gusto mo. Magkaroon man lang ng saysay
tong pakikipagusap ko sayo.” sabi nito sakin, binigyan ko siya ng
isang tipid na tingin.
“You made it very clear six years ago, wala na tayong
dapat pagusapan.” sabi ko dito, malamig, walang emosyon. Tumango
ito bilang pagsangayon.
“Fair enough.” matipid ding sabi nito. Sabay buntong
hininga.
“Do you really hate me that much na hindi ka manlang
mageffort magstretch ng muscle to bitch slap me or to frown manlang?”
tanong nito sakin, nararamdaman ko na ang lungkot nito sa kaniyang
pananalita.
“Yes. I hate you. I hate you so much that I'm itching
to get away from you already.” walang pusong sabi ko dito. Tumayo
na ako at nagsimula ng maglakad pabalik sa ospital ng tawagin ulit
ako nito.
“Aaron, please.” pabulong ng sabi nito at naririnig
ko na ang paghikbi nito. Ipinasok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng
aking puting coat.
“Masyado mo na akong naaabala. I believe, kaya ka
nandito ay para magsorry? Well, nagawa mo na ang pakay mo, nagsorry
ka na. Ngayon dahil wala naman na akong pakay sayo, pwede bang
pabalikin mo na ako sa tarbaho ko?” sabi ko dito habang nakatalikod
parin sa kaniya. Tama ang desisyon kong ipasok ang aking kamay sa
coat ko dahil ngayon ay nanginginig na ito.
0000oooo0000
Kalmado akong naglakad pabalik sa ospital. Di alintana
ang bawat hakbang, ang tanging nasa isip ko ay makabalik agad sa
ospital at ng masigurado kong wala na ako sa paningin ni Nate, nang
masigurado kong hindi na ako nito makikita sa oras na makapasok ako
sa pinto ng ospital ay lakad takbo akong pumunta sa aming quarters.
“Doc Aaron, ok ka lang?” tanong sakin ng mahaderang
sekretarya ng aming department, tinignan ko lang ito ng masama.
Nanginginig parin akong pumasok sa CR ng aming
quarters, para akong kinukumbulsyon, kulang na lang magpass out ako.
Tumapat ako sa lababo at nagsimulang maghilamos pero nauubos lang ang
tubig sa aking mga palad dahil sa patuloy parin ito sa panginginig.
Napaluhod ako sa sahig at duon napahagulgol. Agad akong
napumigaw. Sumigaw dahil di ako makapaniwalang ganoon parin kasakit
at magiging ganoon parin ang magiging reaksyon ko sa paligid ni Nate.
Di ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko ang pinto. Sa sobrang
inis at galit sa sarili.
“Doc, is everything ok?” tanong ng sekretarya sa
kabilang bahagi ng pinto.
“Sige
saglit.” huminga ito ng malalim.
“MAHAL
NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni Nathan sa tabi ko.
“Mahal
din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang pero sinsero. Ngumiti
si Nate ng marinig ito.
“Sigurado
ka?” tanong nito sakin.
“Siguradong
sigurado!” sabi ko. hinila ako nito sa batok na siya namang
ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya dun at inilublob pa
niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon ako. Nang muli akong
maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa kaniyang board, ngayon
pareho na kaming asa tubig.
“Ngayon
sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.
“Di lang maalat na tubig ang kailangan na
makakapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti
ulit ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya
pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya,
para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.
Di ko alam kung
ilang minuto na akong nakakulong sa loob ng CR na iyon, narinig ko ng
kumatok ang iba pang mga kasamahan kong doktor pero di parin ako
lumabas.
“Ok na Nate, ok na ako sa buhay ko, di man lubusang
masaya pero ok na, bakit bumalik ka pa?” sabi ko sa sarili ko
habang patuloy parin ang pagpatak ng luha ko.
“Doc ok lang po ba kayo? May naghahanap po sainyo.”
tanong ulit sakin ng aming sekretarya sa kabilang panig ng pinto.
Di ko na lang ulit ito pinansin, baka kasi si Nathan
lang din ang naghahanap sakin. Ayaw ko ng madagdagan pa ang drama
ngayong araw na ito kaya naman naisipan kong wag na lang pansinin ang
tawag ng sekretarya sakin sa kabilang panig ng pinto.
Narinig ko ulit itong kumatok. Nagpantig ang tenga ko
sa sobrang inis sa pakielamerang sekretarya, marahas kong binuksan
ang pinto.
S-sorry po Doc.“ paghingi ng pasensya nito ng makitang
luhaan ang aking mukha at tinitignan siya ng matalim.
“Sino ba iyon at mukha naman atang di makapagintay?!”
sigaw ko pabalik dito.
“Doc, Jase daw po ang pangalan.”
Agad akong nagtaka, ito ang unang beses na pinuntahan
ulit ako dito sa ospital ni Jase simula nung magkalabuan kami. Naisip
ko na lang na baka may importanteng sasabihin, agad kong inayos ang
aking sarili at nagpasyang puntahan ito at alamin kung ano naman ang
kailangan nito.
Itutuloy...
______________________________
Against All Odds 4
by: Migs
7 comments:
Salamat sa mga nagbabasa! :-)
Kevinblues: hindi naman masyadong magulo. :-)
RGEE: teleserye talaga? haha! parang di ko ata kakayanin yun. thanks din!
Dark_Nurse: thanks din! Sana hindi kayo magsawa sa pag-basa! :-) though aaminin ko na may mga dry chapters ang kwento na ito, fillers, kumbaga.
Gerald: thanks sa pag-a-advertise.
Lawfer: sana wag mong takbuhan ang kwento ko pagnagkataon. haha!
Lexin: salamat sa papuri. though, di ko sure about sa pagpapabilib sayo. hehe. ginagawa ko lang ang aking makakaya. :-)
Salamat all! :-D
tagos sa puso ang emosyon ng chapter na to. Nakaka iyak.
ay grabe nakaka excite ang mangyayari sa susunod na chpter...sumasakit dibdib ko sa mga emosyon...huhu...keep it up author..the best ang story plot..
Nice)...................... Ras
mr.author MIGS d nman yung story last chapter ang magulo eh...yung comment ko...hehhehehe
anyways nice ang story sa chapter na to...hahaist kainis tlga tong jase na to...kung wala na syang pgmamahal kay aaron..nat d pa nya ito nitawan??
ngseselos sya kay Nate??dapat lang...wala syang kwentang boyfriend hahaha
at ikaw naman nate...go lang ng go..kaya mo ulit makuha si aaron...hahaha...kay mo yan...
at aaron...please pakawalan mo na kasi yan pride mo...yan tuloy d ka binibitawan ni jase hahaha...aist ewan...kaw nman kasi may kasalanan eh..haha kaya ka nanjan sa work na yan...at please sana mgkabalikan kayo ni Nate...heheh
Next chapter na Mr. author...^_^
Mr. Author. Tama si Z. Ang ganda ng kwentong to. Hehe.
Nag-advance reading na kasi ako sa blog mo eh. Di ako nakatiis. And di naman ako nangsisi na ipagpalit ang 3 hours na pagbabasa ko para dito.
this is getting more exciting...
salute..
Post a Comment