Tuesday, May 22, 2012

Make Believe Chapter 24


by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com

Author's Note:

Ito na ata ang kauna-unahang pagkakataon na literal akong naubusan ng tagalog at english. HAHAHA At dahil inabot ako ng alas 4:30 ng madaling araw para lamang matapos ang chapter na ito ay ayon, tinulugan ako ng asawa ko na taga proofread ng gawa ko. Kaya naman pagpasensiyahan niyo na muna ang mga typos, mali-maling grammar at kung anu-ano pang kabulastugan sa chapter na ito.

The next chapter will be the chapter before the finale. Tama kayo sa nabasa niyo. Hanggang chapter 26 lang po ang Make Believe. HAHA Pero, wag kayong masyadong mag-alala dahil marami pang kababalaghan ang mangyayari sa chapter 25 at 26 para ma-satisfy ko talaga kayo ng todo LOL. Enjoy reading repapipz!!!

TAKE NOTE: MAHABA ANG CHAPTER NA ITO KAYA BAWAL ANG MABITIN! HAHAHA

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.







Martin




“Kamusta ang kalagayan ng anak ko Doc?” Nag-aalalang tanong ng mama ni Kenneth sa doctor na tumingin dito.


“He will be fine. Kailangan lang niya ng sapat na pahinga para makabawi ang katawan niya sa ibayong pagod at stress. Wala namang naging kumplikasyon ang natamo niyang sugat sa ulo dala ng pagkatumba niya sa sahig.” Tugon ng doctor.


Napatingin ako sa gawi ng natutulog na si Kenneth. Halos paliparin ko ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na hospital kanina nang biglang mawalan ito ng malay at makitang may dumadaloy na dugo sa mula ulo nito.


“Nakapag reseta na ho ako ng vitamins na makakatulong sa kanyang makabawi agad ng lakas. Bukas na bukas maari niyo na ho siyang iuwi.” Dagdag ng doctor. Pagkatapos mapasalamatan ito ay agad na itong lumabas.


Muli kong ibinaling ang aking tingin sa natutulog na si Kenneth.


“Pinagsisisihan ko na minahal kita Matt, dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo hinayaan kitang sirain ang lahat sa akin kasama na roon ang mga plano ko sa buhay. Alam mong hindi ko ginusto ang lahat ng ito, alam mong hindi ito ang buhay na gusto ko pero dahil kailangan mo ako, kailangan mo ang bestfriend mo inisang-tabi ko ang mga pangarap ko para alalayan ka’t suportahan. Akala ko’y sasaya ako kapag natugunan mo ang nararamdaman ko para sa ‘yo pero, mali pala ako sapagkat gulo ang idinulot sa akin ng sinasabi mong pagmamahal mo.”


Aaminin kong nasaktan ako sa mga salitang binitiwan nito sa akin sapagkat lahat ng iyon ay totoo. Masyado akong naging makasarili, hindi inalintana na sa ginagawa kong pagsusumiksik ng sarili ko sa kanya ay lalo ko lang inilayo ang damdamin nito sa akin. Gusto kong makabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya noon, gusto kong maipadama sa kanya ang pagmamahal at pag-aaruga na dapat ay noon ko pa ibinigay sa kanya pero, mali ang naging paraan ko, at ngayon, ako pa ang dahilan ng paghihirap nito.



Puro na lang ba pasakit at gulo ang dala ko sa ‘yo Ken? Simula’t sapul ikaw na lang lagi ang nagbibigay sa ating dalawa. Isa bang pagkakamali ang bumalik ako sa buhay mo? Ang piping tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan itong mahimbing na natutulog. Alam kong hanggang ngayon ay ang sarili pa rin nito ang sinisisi sa mga nangyari sa kanila ni Nhad.


Pasisisi at galit para sa sarili ang naramdaman ko. Hindi sana ito magkakaganito na halos patayin na niya ang sarili sa pagod kung hinayaan ko na lang ito sa piling ng taong nagmamahal sa kanya. Inakala ko na magagawa ng pagmamahal kong pasayahin  siya ngunit habang pinagmamasdan ko ito ngayon na walang malay na nakaratay sa kama ng hospital na iyon doon ko lang tuluyang nakita ang pasakit na hatid ng pagiging makasarili ko.


“Martin.” Pagtawag ng aking pansin ng mama nito. “Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ng anak ko? Bakit galit na galit siya sa ‘yo?” Punong-puno ng pag-aalala ang boses nito.


Sa tinuran nito ay nakaramdam ako ng hiya, hindi lang para rito kung hindi pati na rin sa sarili ko sa mga katarantaduhang nagawa ko.


“Ako po ang may kasalanan ng lahat Tita.” Ang mahina kong tugon. “Kung hindi ko sana ginulo ang buhay ng anak ninyo... ng dating bestfriend ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.”


Inaasahan ko na ang galit at paninisi nito sa akin sa pasakit na ginawa ko sa kanyang anak pero hindi iyon ang nangyari. Inabot nito ang aking kamay at marahan nitong pinisil dahilan para mapaangat ako ng tingin at magsalubong ang aming paningin. Walang galit at paninisi akong nakita, kung hindi ay pag-intindi.


“Maari mo bang ik’wento sa akin ang lahat ng nangyari?”


Walang pag-aalinlangan akong tumango. Alam kong kailangan ko rin ng taong mapagku-k’wentuhan ng mga dinadala ko dahil ako man ay masyado na ring apektado sa mga nangyayari sa amin ni Kenneth.


Sa labas ng k’warto kung saan naka-confine si Kenneth ay ikinuwento ko ang lahat-lahat sa mama nito. Simula ng umalis ako at iwan ito tatlong buwan na ang nakakaraan hanggang sa pagbabalik ko at sa tunay na nararamdaman ko para sa anak nito. Halatang nabigla ito sa lahat ng kanyang narinig mula sa akin pero hindi ito nagbigay ng komento hanggang sa matapos akong isiwalat ang lahat.


“Kung gano’n tama pala ako na may dahilan kung bakit biglaang umuwi rito sa atin si Kenneth.” Kapagkuwan ay wika nito.


“I’m sorry po Tita. Hindi ko po sinasadyang guluhin at pahirapan si Kenneth.”


“Wala kang kasalanan Martin, ginawa mo lang ang dapat mong gawin. Pero may gusto sana akong itanong sayo.”


“Ano po iyon Tita?”


“Sa kabila ba ng masasakit na salitang sinabi sa iyo ng anak ko, handa ka pa rin bang mahalin siya?”


Hindi agad ako nakasagot dito hindi dahil sa nagdalawang-isip na ako sa nararamdaman ko para sa kanya kung hindi natakot ako, natakot ako na baka kapag ipinagpilitan ko pa ang sarili kong mahalin siya ay lalo ko lamang masaktan si Kenneth. Mahal na mahal ko si Kenneth, nalaman ko iyon ng tatlong buwan akong malayo sa kanya at tanging siya lamang ang laman ng isip ko.



Aaaminin ko, no’ng una hindi ko lubos mapaniwalaan na p’wede pala akong makaramdam ng gano’ng klaseng pagmamahal para sa isang tao lalo na’t sa kapwa ko pa lalaki. Kaya nga lagi akong iniiwan noon ng mga naging girlfriends ko dahil hindi ko maibigay sa kanila ang buong atensyon at pagmamahal ko. I was not worth loving according to them. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon, inisip kong siguro nga ay tama ang mga ito, na hindi ako karapatdapat na mahalin.



Pero nag-iba ang lahat ng ipagtapat sa akin ni Kenneth ang nararamdaman niya para sa akin at nang makita ko itong masaya sa piling ng ibang tao. Nakaramdam ako ng sobrang paninibugho, na sobrang ikinagulo ng isip ko hanggang sa mapagtanto na kaya pala hindi ko maibigay ng buo ang sarili ko sa iba ay dahil ang tanging taong nakalaan para mahalin ko ng higit pa sa sarili ko ay ang taong laging umaagapay sa akin kapag pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo at iyon ay ang bestfriend ko.


“Martin?” Untag sa akin ng mama nito.


“Mahal ko po si Kenneth Tita, hinding hindi ko isusuko ang pagmamahal ko sa kanya dahil lang nakapagbitiw ito ang masasakit na salita sa akin. I deserve all those nasty words anyway. Naging duwag ako noon, naging gago, pero ngayon, handa na ako Tita. Handa na akong mahalin siya sa abot ng makakaya ko kahit ipagtabuyan pa niya ako.”


Marahan itong tumango.


“Ngayon ka kailangan ng anak ko Martin. Ipakita mo sa kanya na hindi isang pagkakamali na minahal ka niya. Kilala ko ang anak ko, nasisiguro kong sinisisi niya ngayon ang sarili niya sa mga nangyari sa kanila ni Nhad. Pero ipangako mo sa akin na hindi mo isusuko ang anak ko tulad ng hindi niya pagsuko sa iyo no’ng mga panahon na kinailangan mo siya.”


“Hindi ko po siya isusuko Tita, makakaasa po kayo, ipinapangako ko po.” Matatag kung tugon dito.


Mali man ang naging paraan ko para makuha ulit ang damdamin nito noon. Ngayon, ipinapangako kong itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. Kung totoo mang tuluyan nang nawala ang nararamdaman nito para akin ay gagawin ko ang lahat para lang maibalik iyon. Kung kinakailangan kong mag-umpisa sa una ay gagawin ko. I will undo every mistake I made. I will make him believe that my feelings for him is real.





Kenneth




Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.  Agad kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng hindi pamilyar na silid na iyon, at doon ko lang napagtanto kung nasaan ako.


“Mabuti naman at gising ka na.” Bati sa akin ng kalalabas lang mula sa banyo na si Martin. Agad na nangunot ang noo ko nang makita ito.


“Anong ginagawa mo rito? At bakit nasa hospital ako?” Ipinaramdam ko talaga sa kanya ang disgusto ko sa presensiya niya.


Akmang tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng pagkirot sa aking ulo. Doon ko lang napansin ang bendang naroon. Agad namang lumapit si Martin akin.


“’Wag ka munang tatayo hindi pa gaanong magaling iyang sugat mo.” May pag-aalalang wika nito at inalalayan akong muling mahiga subalit mabilis kong inalis ang nakaalalay nitong mga kamay.


“Kaya ko ang sarili ko.” Malamig kong sabi. “Bakit ba ako nandito? ‘Asan ba si mama?”


“Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala ka namin dito. Si Tita naman ay kanina pa umuwi, wala kasing kasama si Chester sa bahay ninyo. Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ipagbalat kita ng orange? Matamis to, sabi ng pinagbilhan ko kanina sa labas ng hospital.”


“Ang gusto ko, umalis ka na rito. Hindi pa ba malinaw sa’yo ang lahat? Ayaw na kitang makita Martin, dahil sa tuwing nakikita kita pinaaalala mo lang sa akin ang naging kasalanan ko kay Nhad!” Walang pag-aalinlangan kong sabi.


Inakala kong ipagpipilitan pa rin nito ang kanyang sarili gaya ng laging ginagawa nito sa mga nakaraang araw ngunit pagtataka ko nang tunguhin nito ang mesa kung saan nakalagay ang mga pinamili nitong prutas at hilahin iyon palapit sa akin.


“Para hindi ka na tumayo pa kapag nagutom ka. Sa labas na lang muna ako Ken, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka.” Saka ito tumalikod palabas ng kwarto.


Sa ‘di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng disappointment nang tuluyan na itong makalabas ng k’warto kung saan ako naka-confine. Hindi ba’t iyon naman talaga ang gusto ko, ang lumayo na ito ng tuluyan sa akin, kung gano’n bakit tila para akong nanghinayang nang mawala na ito sa aking harapan? Gusto ko ba talagang lumayo ito sa akin o ipinagtatabuyan ko lang ito sa kadahilanang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na siya pa rin talaga ang mahal ko? At dahil doon ay nakasakit ako ng tao.


Pinilit kong iwaksi ang mga katanungang iyon sa aking isipan. Lalo lang sumasakit ang sugat sa noo ko sa pagpupumilit na mahanapan iyon ng mga kasagutan. Isa lang ang alam ko, may nasaktan akong tao at hanggang ngayon ay inuusig pa rin ako ng konsensiya ko.


Unti-unti kong pinakalma ang sarili para makatulog at makabawi ng lakas. Wala akong balak na magtagal sa hospital na ito at lalong wala akong balak na papag-alalahin sina mama at ang kapatid ko. Hindi naman ako nabigo, unti-unti akong nilamon ng antok.


“Nhad hayaan mo akong magpaliwanag.”


“Bullshit Ken! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo.” May diin nitong sabi mabuti na lang at kulang na ng tao ang restaurant sa mga oras na iyon.


“Kailangan Nhad. Kailangan kong maipaintindi sayo na magkakasakitan lang tayo ng husto kung ipipilit pa natin ang relasyon na ito. Nanggaling na mismo sa ‘yo, the damage has been done and we cannot do anything about it.”


“Dahil nga sa ayaw mo akong bigyan ng puwang d’yan sa lintik na puso mong ‘yan. Ginamit mo lang ako! Masaya ka na? Simula’t sapul hindi mo naman talaga ako minahal ng totoo dahil hanggang ngayon nakatali ka pa rin sa Martin na yon!” May bahid ng panunumbat nitong wika. “Unfair ka Ken! Napaka-unfair mo! Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon.” Dagdag pa nitong wika.


Napabalikwas ako ng higa. Muli na naman akong dinalaw ng tagpong iyon sa aking panaginip. Paulit-ulit nitong ipinaalala sa akin ang sakit at pait sa mga mata ng taong nasaktan ko. Naisubsob ko sa aking mga kamay ang aking mukha at impit na umiyak.


“Tama na. Tigilan mo na ako.” Ang paulit-ulit kong sabi sa likod ng paghikbi.


“Ken! Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Punong-puno ng pag-aalalang wika ni Martin.


Dala ng sobrang emosyon ko ay napayakap ako rito.


“Bakit ayaw pa rin niya akong tantanan? Hindi ko naman sinasadyang saktan siya ng gano’n. Sinubukan ko namang mahalin siya. Bakit ganito, bakit pinarurusahan pa rin niya ako hanggang sa pagtulog ko?” Ang nagsusumbong kong wika habang wala pa rin akong patid sa pag-iyak.


“Shhh.. Tahan na, ‘wag ka nang umiyak.” Ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin habang marahan nitong hinahagod ang aking likod.


“Nahihirapan na ako. Hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang mga naging kasalanan ko sa kanya? Hanggang kailan ako uusigin ng konsensiya ko? Ayaw ko na ng ganito, ayaw ko nang maalala ang lahat.”


“Wala kang pagbabayaran dahil wala kang kasalanan Ken, tahan na.”


“Minahal niya ako, pinahalagahan, pero anong ginawa ko, imbes na mahalin siya ay nakuha ko pa siyang saktan. Ang sama-sama ko.”


“Tahan na Ken, dumudugo na ulit ang sugat mo. Teka, tatawag ako ng nurse para matingnan iyan.” Akmang bibitiw na ito sa pagkakayakap sa akin nang mahigpit akong yumakap sa kanya.


“”Wag mo akong iwan.” May bahid ng pagmamakaawa kong sabi sa kanya. Ibayong takot ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Takot para sa sarili ko na baka hindi ko na kayanin ang lahat.


“Ano ba itong nagawa ko sa ‘yo Ken.” Ang mahinang wika nito ngunit sapat na ang sobrang pagkakalapit namin para marinig ko iyon. Bakas ang pagsisisi sa boses nito at awa.


May katagalan rin kami sa gano’ng posisyon – ang magkayakap habang pareho kaming nakaupo sa ibabaw ng kama hanggang sa mapagod na rin ang katawan ko sa kakaiyak at makatulog ako sa gano’ng posisyon. Kahit papaano, nakaramdam ako ng kapanatagan sa mga bisig nito at sa ‘di malamang dahilan sa unang pagkakataon hindi ako dinalaw ng bangungot ng masaramang nakaraan.






Kinabukasan ay tuluyan na akong nakalabas ng hospital. Magaan ang pakiramdam ko sa araw na iyon siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon simula ng mangyari ang paghihiwalay namin ni Nhad ay nakakuha ako ng sapat na tulog. Nang magising ako kanina ay nasa tabi ko parin si Martin. Magdamag itong nagbantay sa akin.


“Martin, salamat sa pagbabantay mo kay Kenneth.” Nakangiting wika ng aking ina habang sabay-sabay kaming nananghalian sa bahay.


“Wala ho iyon Tita.” Wika nito na nilakipan pa niya ng isang ngiti pero hindi ako na kumbinsi sa ngiting iyon batid kong pilit ang ngiting iyon dahil hindi manlang ito umabot sa kanyang mga mata. Kanina ko pa rin napapansin ang pananamlay nito pero hindi ko magawang tanungin ito. Ewan ko ba kung bakit parang nag-aalinlangan ako sa kanya.


“Kenneth anak, pagkatapos nating kumain inumin mo ang mga gamot na inireseta ng doctor sayo at dumeretso ka na muna sa kwarto mo. Kailangan mo raw ng sapat na pahinga para tuluyang makabawi ang katawan mo.” Baling naman ni mama sa akin.


“Opo.” Wala sa sarili kong tugon sapagkat na kay Martin parin ang atensyon ko.


“Ikaw naman Martin, mabuti pang umuwi kanalang muna para naman makapagpahinga ka. Alam kong hindi ka nakatulog sa pagbabantay kay Ken. Baka ikaw naman itong magkasakit.”


“S-Sige po.” Ang tila nag-aalangan nitong wika. “Tita, p’wedi ko po bang makausap si Kenneth bago ako umalis?”


Napatingin ako rito ng may pagtataka. Bakit kailangan ako nitong makausap? At ano itong nahihimigan kong lungkot sa boses nito? Ano ang binabalak niya?


Bumaling naman sa akin si Mama ng tingin na animoy ako ang gusto nitong sumagot sa kung payag ba akong makausap si Martin. Marahan akong tumango, gusto kong malaman kong ano ang mga nasa isip nito.



Pinili kong sa k’warto kong sa k’warto kami mag-usap kung saan no’ng nasa koleheyo palang kami ay lagi naming tambayan ni Matin.. Mas maganda na iyon, para kung ano man ang mga sasabihin nito ay tanging kami lamang dalawa ang makakarinig. Hindi naman ito tumutol.


“Ano ang gusto mong pag-usapan?” Kaswal kong tanong rito nang makaupo ako sa aking kama.


“Gusto ko lang humingi nang tawad sa lahat ng mga pagkakamali ko Ken.” Dama ko ang sensiredad sa tinuran nito. “Nagsisisi ako na iniwan pa kita noon, dahil kung hindi sana ako umalis, hindi mo sasapitin ang lahat ng ito. Wala sanang masasamang panaginip, wala ka sanang Nhad na masasaktan. Mahal kita Ken, pero alam ko kung kailangan ako dapat sumuko. Mali ang naging paraan ko noon, at sa tingin ko hindi ko na maitatama pa ang mga iyon. Nasaktan kita no’ng iwan kitang mag-isa subalit mas nasaktan kita sa pagbabalik ko.”


Tumawa ito ng pagak marahil ay para mapigilan nito ang nalalapit na pagbagsak ng mga luhang pinipigilan nito.


“I kept on telling myself na sasaya ka sa akin, but look what have i done. Ginulo ko ang buhay mo. Sobrang sakit ang naramdaman ko ng makita ko ang pag-iyak mo kagabi.. nang makita ko ang takot sa mga mata mo. I can’t believe i did that to the person whom i promised to protect and love with all my heart.”


“H-Hindi mo kasalanan ang nangyari sa amin ni Nhad.” Hindi ko alam kung papaano ko nasabi ang mga salitang iyon. Di ba nga’t isinisi ko sa kanya ang mga nangyari? Kung gano’n bakit iyon ang nasabi ko? Dahil ba gusto ko lang siyang aluin o dahil iyon naman talaga ang katotohanan na pilit ko lang itinatagi para mabawasan ang konsensiyang nararamdaman ko.


“Kasalanan ko.” Wika nito. “Dahil kung hindi sana ako sumulpot muli sa buhay mo, hindi sana magugulo ang puso’t isip mo. I’m sorry Kenotz, i’m sorry because i have to give up on you.” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito.


Pagkabigla, at pagkalito ang naramdaman ko sa mga sinabi nito. Pagkabigla dahil sa hindi ko inaasahan ang mga huling salitang binitawan nito at pagkalito dahil hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hayaan nalang na lumayo o dapat ko ba siyang pigilan.


“Nangako ako kay Tita na hindi kita isusuko dahil ang akala ko, makakaya ko pang ayusin ang lahat ng nagawa kong pagkakamali.  But when i saw you last night with so much pain and suffering. Hindi ko alam kung makakaya ko pa nga ba.”


“Ngayon ka pa lalayo, ngayon pang alam mong kailangan kita? Iiwan mo na naman ako sa ere tulad ng ginawa mo sa akin noon? Kung gano’n bakit ka pa nagbalik, bakit mo pa kailangang guluhin ang buhay ko kung sa huli ay iiwan mo lang naman din ako? Napaka-selfish mo! Gusto mong ikaw lang palagi ang iniintindi!”


“Hindi ko gustong iwan ka Ken, believe me. Gagawin ko lang ito para tuluyan nang matahimik ang buhay mo.”


“Gago ka Matt! Napakagago mo!” Magkahalong galit at paninibugho kong wika hindi inalintana na pwedi kaming marinig ni Mama sa baba.


Agad itong lumapit sa akin at mahigpit ako nitong yinakap.


“Iiwan mo na naman akong mag-isa. Napakaduwag mo!” Hindi ko na napigilan ang hindi mapaluha sa sobrang pagkapikon. Hindi para kay Martin kung hindi para sa sarili ko, dahil kahit anong pilit kong itanggi, hanggang ngayon siya parin talaga ang mahal ko sa kabila ng mga pinagdaanan kong hirap sa kanya.


“Hindi ko naman talaga gustong iwan ka Ken, ayaw ko lang na nasasaktan ka dahil sa akin.”


“Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan kapag umalis ka?” Humihikbi kong sabi. “’Wag mo akong iwan Matt, i need you.”


Iniharap ako nito sa kanya. Punong-puno ng pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.


“Mas kailangan kita Ken, dahil ikaw lang ang nakakapagbigay sa akin ng tapang. At oo, hindi kita iiwan. Hinding-hindi na kita iiwan. Ngayon, ako naman ang aagapay sayo. Ako naman ang magiging sandalan mo. Pangako, simula ngayon magiging matatag na ako para sayo. Hindi na ako papayag na masaktan ka dahil sa karuwagan ko.”


“Matt..” Ang tanging nasambit ko sapagkat masyado akong naantig sa mga sinabi nito. Hindi magkamayaw ang pagtibok ng aking puso. Lalo na’t nakikita ko sa mga mata nito ang pagmamahal nito para sa akin.


“Shhh..” His forefinger touched my lips to silence me.



Ang sunod ko nalang naramdaman ay ang paglapat ng mga labi nito sa labi ko. Hindi agad ako nakatugon sa halik nito sa sobrang pagkabigla. Banayad at puno ng pagmamahal ang mga halik nito sa akin. Ramdam ng mga labi ko ang malambot na labi nito. I longed for his kiss for so long. Noon akala ko, isang pangarap lang na hindi matutupad ang halik nito.


“Noong mapagtanto ko kung ano ba talaga ang nararadaman ko para sayo sabi ko, pagkakita ko sayo ay ibibigay ko agad ang pinakamasarap na halik ko, na hahayaan ko na ang mga halik ko ang magsabi sa totoong nararamdaman ko para sa’yo.” Wika nito nang maghiwalay ang aming mga labi.


“You did. Ramdam ko.”


Ngumiti ito ng ubod ng tamis and once again, his lips descend to mine and this time nagawa ko nang tugunan ang halik nito. Mas maalab na ang halik nito sa pagkakataong iyon. Pakiramdam ko ay matutunaw na ang katawan ko sa matinding sensasyong dulot ng mga halik nito. Awtomatikong naglakbay ang mga kamay ko sa katawan nito. This is the firt time na naalipin ako ng aking nararamdaman. Nawala ang kontrol na lagi kong ginagawa noon kapag naghahalikan kami ng ganito ni Nhad.


Isinuklay ni Matt ang kanyang mga kamay sa aking buhok. “I never imagine na lalaki ang makakapag bigay sa akin ng gano’n kasarap na halik.”


Nakaramdam ako ng hiya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may pumuri sa halik ko.


A giant wave of passion washed over me as his mouth branded my neck while his hands was trying to remove my t-shirt. Imbes na pigilan ito ay kusa pang umangat ang mga kamay ko para tuluyan nito iyong matanggal. Then he nibbled my nipple. I could feel my own passion consuming me. Tuluyan ng nawala ang kontrol ko sa aking sarili.


Ang sunod na nangyari ay ang kusang paggalaw ng mga kamay ko para tanggalin ang suot nitong damit. Doon tuluyang tumambad sa akin ang kabuohan ng katawan nito. Tulad ng dati, Matt had a well-sculpted muscles, a broad chest na lagi ko nang nakikita noon pa and a flat belly.


Hindi ko pa man napagsasawa ang aking mga mata sa napakagandang view na iyon  ng hapitin ako nito papalapit sa kanya. Muling naglapat ang aming mga labi hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagsayad ng aking likod sa malambot na kama.


“Mas maganda ka palang pagmasdan sa malapitan Matt.” Usal ko. Hindi na mapigilang purihin ang magandang tanawin sa harapan ko.


“May iba pa akong katangian na ngayon ko lang ipapakita sa’yo.” Tugon naman nito na nilakipan pa niya ng isang pilyong ngiti.


Rumagasa ang dugo sa mga ugat ko nang simulang maglakbay ng mga labi nito sa buong katawan ko. Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang epekto nang labi nito sa katawan ko. Then his lips meet mine at muli ko na namang naramdaman ang napakatamis nitong halik.


Dahan-dahan akong gumalaw at pinagpalit ko ang posesyon namin. Ako naman ngayon ang nasa ibabaw nito. Muli kong pinagsawa ang aking mga mata sa kabuohan nito. Then i mimic everything that he did to me.


Impit na ungol ang namumutawi sa bibig nito habang iginagala ko ang aking dila sa buo nitong katawan. It was my first time but i felt the urge of making him want for more. Napatutok ang aking mga mata sa umbok sa sentro ng katawan nito. It was alive and patiently waiting to be noticed. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking kamay patungo sa buhay na buhay nitong ugat at nang dumampi rito ang kamay ko hindi ko mapigilang mag-init. As expected he’s one of those who were born gifted.


“Ken..”


Nakuha ko ang ibig sabihin ng pagtawag nito sa pangalan ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakabotones ng suot nitong saluwal at ng tuluyan ko nang matangal iyon ay agad na tumayo ang humihimlay doon.


“Excited siya.” Wika ni Matt habang nakangisi.


“Pansin ko nga.” Tugon ko naman na nakatitig parin sa gustong kumawalang bagay na nasa loob parin ng boxer nito.


“Are you ready to do this Ken?”


“I can try.” At tuluyan ko nang pinakawalan ito sa kanyag kuluyan.


May pag-aalinlangan ko itong hinawakan. Ito ang unang pagkakataon na may hahawakan akong sensitibong parte ng katawan ng tao maliban syempre sa kasensitibohan ko. Pumipintig ito, buhay na buhay. Muli na namang nagpakawala si Matt ng impit na ungol.


“You can play with it. Hindi naman yan nangangagat.” Kapagkuwan ay nakangising wika ni Matt.


Hindi naman ako gano’n ka inosente. May nalalaman naman ako patungkol sa mga gano’ng klaseng bagay. Muli akong napatingin kay Matt na sa akin rin pala nakatingin. He gave me a reassuring smile as if telling me that everything will be okey. Iyon lang ang hinihintay ko.


I made love to him using my mouth. Kahit na hihirapan ay pinag-igihan ko ang lahat para lamang maibigay ko kay Matt ang satisfaction. Mukhang hindi ko naman ito binigo. Ang mga impit na ungol nito ang naging basihan ko that I was doing great.


May pag-iingat na inilayo ako ni Matt sa pakikipaglaro sa pinakasentrong bahagi ng katawan nito. Iginaya ako nito pabalik sa kanyang mga labi giving me tender kisses.


“Ayaw mo na ba? Hindi ka ba nasarapan?” Ang may pag-aalalang tanong ko rito. Inisip ko kasing hindi nito nagustohan ang ginawa ko sa kanya.


Ngumiti ito ng ubod ng tamis.


“Kung alam mo lang na kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito but i have to stop you baka kasi ‘di na ako makapagpigil.”


“Bakit ka naman magpipigil?” Inosenteng tanong ko rito.


“Because i wanted to try something else.”


Napakunot noo ako sa tinuran nito hanggang sa marealize ko ang ibig nitong sabihin. Bumakas ang takot at pag-aalala sa aking mukha.


“I’ll be gentle Ken, I promise.”


Tinimbang ko muna sa puso ko kung kaya ko bang ibigay ang hinihingi nito. Martin was the person i longed for too long at ibibigay ko ang lahat ng p’wedi kong maibigay mapasaya lamang ito.


“Be gentle.” Kapagkuwan ay wika ko tanda ng pagsangayon.


Sumilay rito ang napakagandang ngiti.


“I will. I love you.” At muling nagsanib ang aming mga labi habang dahan-dahan na nitong ibinababa ang suot kong short at boxer.


Kabado man ay ipinagkatiwala ko kay Martin ang lahat katulad ng pagkatiwala ko sa kanya ng puso ko. Ini-angat nito ang dalawang paa ko at ipinatong ang mga iyon sa matipunong balikat nito.


“I’ll be careful.” Pangako nito nang dahan-dahan nitong pag-isahin ang aming katawan. Ramdam ko ang ginagawang pagkontrol nito sa kanyang sarili marahil ay para hindi ako nito masaktan.


Muli nitong hinaplos ang aking buhok at inangkin ang aking labi. Napasinghap ako. I could feel his lips moving, possesing me. Sa bawat paggalaw nito, ay nararamdaman ko ang lalong paglalapit ng katawan namin. Napadilat ako ng bahagya akong makaramdam ng sakit. But he was so gentle that the pain faded away after a few moment.


“Mahal na mahal kita Kenneth.” Bulong nito sa bawat pag-indayog niya. “At gagawin ko ang lahat mapasaya lamang kita.”


Halik ang ibinalik kong pagtugon sa kanya. Ayaw kong umasa pero ayaw ko rin namang sirain ang kung ano mang magandang pakiramdam na hatid ng pag-iisa namin.


I could hear him cry as his lips pushed down in a pressure at narinig ko nalang ang sarili kong ungol sa sensasyon na hatid nito.


Wala na akong pakialam kung tama ba itong ginagawa namin ang importante nagawa nitong pilisin lahat ng masasamang pakiramdam na meron ako at palitan iyon ng napakasarap na sensasyon.





                                              








Itutuloy:


45 comments:

Jeh said...

ito ang pinaka hihintay kong chapter. salamat naman at nagkatotoo na rin ang mga pinapangarap ko. LOL di ko kinaya si Matt! na speechless tuloy ako, basta kakaiba tong nararamdaman ko. madami kang kailangang ipaliwanag bayaw. hahaha

kaso malapit ng matapos. pede mag request? mga chapter 30 hahahahaha
diba gusto nyo rin lahat habaan pa ung story?? :))

Anonymous said...

awww... i really like this chapter.. :)

mejo naiyak ako ng konti.. hehe..

cant wait for the last 2 chapters (though nakakalungkot matatapos na siya :( )

sana gawan mo din si nico and lantis ng story! hehe..

go na kuya author!! :)


-london-

Anonymous said...

thanks po Kuya Zild the best po tlg kyo.. idol ko n tlg kyo...

Irsen said...

maistress na naman si kenotz niyan! haha kakagaling lang ng ospital yun agad... more more!! :D

Anonymous said...

haha! The best chapter so far! Hahaha!

Thanks a lot zeke! Kumpletos rekados itong chapter na to ah.

Pwedeng ako na lang ang gumanap na mgpapatibok ng puso muli ni Nhad? Hahahaha! Kawawa naman sya! :'(

--ANDY

Anonymous said...

T_T
ang gnda...
two thumbs up, sa wakas tinapakan na dina ng pride.
kung mahal mo wag mo ng pahirapan, face your problems together :D
-yumz

Anonymous said...

thanks zild..you really did well..sobrang ganda..


_iamronald

--makki-- said...

WOOOOWWWW! LABABO SCENE is on! HAPPY LABABO GAMES! LOL

Nice Chapt Z!:D

Gerald said...

Boom! He just lost his virginity to Matt.. Paano kung mabuntis si Ken? Panagutan kaya ito ni Matt? Bwahahaha wala lang LOL

Anonymous said...

Kuya zild sana me pov dn si nhad prang kawawa nman kng bgla mwala si nhad s storya - curious19

Jasper Paulito said...

haaaaayyyyy... sa wakas. at kay matt pa naisuko ang Bataan.
iba talaga ang tunay na pagibig.
nakarelate talaga ako rito sa chapter na ito, zid. ako rin, di ko pa rin naisuko ang sarili ko. kahit na marami rami na rin akong nakasama sa kama pero.... haaaayyyy, di ko magawang isuko talaga ang lahat lahat. meron akong pinaglalaanan.... umaasa ako na isang araw, di lang kami friends. kaya ako boto kay matt dahil gusto ko ang first love pa rin ni kenotz ang makakatuluyan niya. kasi ako ganun din, first love ko siya. at hanggang ngayon sa lang talaga. looking forward to nakakakilig na last chapter.

iamfree said...

It was euphoria...haissstt LOVE nga naman!

diumar said...

As always. An excellent job. But i cant help n maawa kay nhads. I felt n he's been used. Sana may happy ending para sa kanya.

Anonymous said...

ang ganda ganda ng part na tuu.
specially dun sa part na umamin si matt sa mom ni ken
winner tlga..

-- winner sa anu ahh . choock chack chenes ahahhahahhah.

love this. but i felt soo sad to think na matatapos na sya

<----- demure

Migz said...

i like this chapter.. hopefully, tuloy tuloy na ang happiness ni ken at matt... nice one zildjian... the best ka talaga...

Anonymous said...

baaaaammm..!!! yun na talaga..

they're feeling the beat of the summer heat.. hahaha

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

Nice one....
I feel sorry for nhad pero si martin talaga ang gusto ko para kay ken..
thumbs way up for this chapter..

Anonymous said...

I feel sorry for nhad pero si martin talaga ang para kay ken..
this Chapter deserves a two thumbs up..

Anonymous said...

Awwww! Iloveit! Next nkklunkot lng patapos na! Sanang may next book, love story nmn ni nhad or ni nicollo at lantis! More power author!

Ivan d.

Anonymous said...

Haha, ang galing MO talaga pagdating sa mga ganyan! but well, in totality!! it was very nice and i dont know what will happen next to this chapter and i know everyone of your commentators here in your blog "WANTS THE BEST FOR THIS COUPLE".



beucharist.....

Anonymous said...

Truly LOVE could moved anything .. even the most strong mind defense coz what our heart felt always prevails than the command of our mind..

Burj-UAE

foxriver said...

You would give up everything for the one true love. Exellent Zildj

Anonymous said...

This chapter is just so HOT!
Ang sarap naman nung gnwa ni Matt kay Ken! Haiisst!
I'm so excited na for the last two chapters!!!
Great Job Zek!


Pat
Tagasubaybay

Anonymous said...

best best!

-lei

russ said...

Z tanong ko lang..sa buwan na sila ni Nhad ni kenneth wla ba sila lovemaking?

Zildjian said...

Wala po, hindi sila nag-sex. Hanggang kiss lang ang kayang naibigay ni Ken kay Nhad and on the other side naman hindi naman nanghingi si Nhad ng morethan pa sa kiss :)

kiero143 said...

it's just so nice...everything from this chapter...most especially the part where Matt told about everything that happened to Ken's mom...just so brave of him to confess...nice one mr.author...

next chapter for sure will be full of love and very much exciting...

Anonymous said...

Kuya salamat sa paggawa ng chapter, huli na po ako nakapagcomment, I luve your works talaga, kuya pede po ba mag submit sayo ng stories? Mahilig rin po talaga ako gumawa ng stories eh, lalo na kung boy romance ang pag-uusapan, Sana po tulungan nyo po akong ipublish rin ang mga stories ko po, at mas sasaya po ako kung ipublish ito under your name..
Sana rin po may story rin yung dalawng lalaking (pardon nakalimutan ko po ang mga pangalan) pinag-aagawan ang pusa, mopre power to you at sana tanggapin nyu po ako.....
-kajiki_anton

Anonymous said...

hahahah nice, actually very very nice... BE GENTLE.... YEAH I'LL BE GENTLE... HAHAHAHAH ang galing mo talaga mr. author...

actually sa nangyari parang.... wla lang hindi nman tayo si ken or si matt eh... heheheh parang baliw lang jejejejeejj....


shalom

Zildjian said...

Sure! You can send it to me via contact me sa taas. I will be waiting! Good bless!!!

Anonymous said...

wee nakaka excite yung next chapter..kaso matatapos na ee..sana my book 2 :))

iRead said...

this is my first tym to comment sa blogspot mo pero marami na akong nabasa na kwento mo siguro dun ako sa ibang site nakapagcomment sa mga story na gawa mo sana kahit ganun mabanngit mo pa din ako sa susunod na chapter mo dahil sobrang ikatutuwa ko iyon napakaganda nito keep it up po...

"LHG"

luilao said...

Nhad and Jay kaya pwede din kaya yun? hehehehee

Unknown said...

ayan na c matt at ken.. :p kaya lang pano na c nurse nhad..??

ram0468 said...

wow ok ah... kaya lang saan kaya si nhads... ok ka author... pinainit mo ako habang binabasa ko ang love moments nito...ganda talaga. thanks

Anonymous said...

Ang landi ni kenotz!!!! Hahahha Kung ung previous chap was full of hatred and agony,, eto naman rated spg,, and full Of love and revelations,,
U did it well zilds.. Galling mong makapag bago ng feelings ng mga readers...

Randy

Anonymous said...

gosh! may nangyari na sa kanila, hihi!

sana happy lahat sa ending..



<07>

Anonymous said...

Sheeeeeeetttttttt nadala ako.......

Bitin ako kagabi with my doki

pero pagkabasa ko nito ayun nawala ang bitin hahahaha

nice one author parang ang sarap sarap ;)

#28

Anonymous said...

Huwaw.. Haha sa wakas naka-iskor din si Martin! Haha. Iba talaga pag may tiyaga... may nilaga. hehe.

Galing talaga ni sir Z. Sana maka-move on na din si Nhad para maging lubos ang kaligayahan nina Ken at Matt.

Thanks for a very heart-warming chapter sir Z. Hope to read the follow-up soon.



blue fox

Anonymous said...

finally gumanda na ang relasyon nila. ano nang nangyari kay nhad?=dereck=

slushe.love said...

Super gusto ko tong lines na toh. Nakakaiyak.

--"Hanggang sa mapagtanto na kaya pala hindi ko maibigay ng buo ang sarili ko sa iba ay dahil ang tanging taong nakalaan para mahalin ko ng higit pa sa sarili ko ay ang taong laging umaagapay saken kapag pakiramadam ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo at iyon ang bestfriend ko."--

this one breaks my heart: "I kept on telling myself na sasaya ka sa akin, but look what have i done. Ginulo ko ang buhay mo. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ng makita ko ang pag-yak mo kagabi, nang makita ko ang takot sa mga mata mo. I can't believe I did that to the person whom I promised to pretect and love with all my heart"

grabeh! hayst! super ko tong chapter na toh kasi nagkaayos na sila.

I can't wait na talaga sa next chapter :D :D

Anonymous said...

pakshet!!!! eto na!!!! hahahahaha, nagkabalikan na sila!!! if ever your in my arms again! this time, i'll love you much better!!! wiwit!!!!! hahahaha, ganda!!!! tang'na, tinablan ako!!! LOL!!!!!


How i wish ganyan din ako ngayon, para tuloy gusto kong mabarog ulit, tapos pupunta siya sa ospital [(ulol! hindi pupunta 'yon! asa ka pa!) Sabi ng utak ko!] hahahhahahha, kontra agad ih!!! kakainis!!!!


-eusethadeus-

robert_mendoza94@yahoo.com said...

wow! so nice aman ng chapter na e2!true love waits tlaga. excellent work ZILD! CONGRATZ AND GOODLUCK !

Anonymous said...

shaks!ang ganda-ganda ng chapter neto!nakakaiyak ung confrontation part nina ken at matt...buti na lang nagpakatotoo na sa wakas c ken!at aun,,akala q talaga isusuko na sya ni matt e.

Natawa lang aq sa kapilyuhan ni matt!haha..

Ano na kayang nangyari ke nhad??hhmm..i kinda like him dn kc eh..

-monty

Anonymous said...

punyetang Ken masyadong sizzy!!!!

Post a Comment