by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa paghihintay. Narito na po ang chapter 23
ng Make believe. Malapit na pong magtapos ang estoryang ito at sana hanggang sa
huli ay suportahan niyo parin ito.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Ilang
araw na ang lumipas matapos na makita ni Nhad ang pag-uusap namin ni Martin, at
sa bawat araw na iyon ay sinubukan kong kausapin ito, subalit hindi niya ako
binibigyan ng pagkakataon. Tuluyan na itong nilamon ng galit niya sa akin.
Hindi ko naman siya masisisi, kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kung hindi
sana ako naging mahina, hindi kami aabot sa gano’ng punto.
Sa mga nagdaang araw, walang araw na hindi ko sinisisi ang
sarili ko sa mga nangyari. Sa tuwing makikita ko ang galit at pighati sa mga
mata ni Nhad ay hindi ko maiwasang hindi ma-guilty. Papaano ko nagawang saktan
ang isang taong ang tanging ginawa lamang ay mahalin ako ng totoo. Sa tuwing
bumabalik sa akin ang mga paratang ni Nhad, lalo lamang tumitindi ang
nararamdaman kong guilt dahil alam ko na sa kabila ng masasakit at maaanghang
nitong panunumbat ay nakapaloob ang di matatawarang katotohanan sa bawat
salitang binibitawan nito.
Sinubukan ko lahat ng paraan para lamang pakinggan ako nito,
pero sa tuwing haharapin niya ako at sinusumbatan sa mga pagkakamali ko,
unti-unting nawawala ang tapang kong magpaliwanag. Pilit kong iwinawaksi ang katotohanang
ginamit ko lang si Nhad pero habang dumadaan ang mga araw at sa tuwing bumabalik
sa akin ang mga panunumbat niya, tuluyan kong napagtanto na tama nga ito sa mga tinuran nya , ginamit ko lang siya at
dahil doon natakot na akong lumapit pa sa kanya.
Oo, natakot ako. Natakot ako sa katotohanang naging
manggagamit ako. Lalo tuloy akong kinakain ng konsensiya ko. Naduwag na akong
harapin siya, dahil sa tuwing makikita ko ang sakit sa mga mata niya, lalong
nadaragdagan ang bigat at paninisi ko sa
sarili ko.
Sa mga nagdaang araw hindi nawala sa tabi ko si Martin kahit
pa man lagi ko siyang itinataboy. Alam kong gusto lamang ako nitong damayan
pero hindi ko magawang tanggapin ito dahil isa siya sa mga rason kung bakit
tuluyang nagulo ang lahat.
Alam kong hindi nakatakas sa mga kaibigan ko ang malaking
pagbabago na nangyari sa akin lalo na kay Lantis na kasama kong nangungupahan
sa apartment. Pansin ko ang pag-aalala sa akin ng mga ito subalit, wala sa
kanila ang nagtanong sa kung anumang problema ang dinadala ko. Kahit ang
pinakamadaldal na si Chelsa at Rachalet ay piniling manahimik. Kahit papaano ay
ipinagpasalamat ko ang pananahimik ng mga ito sapagkat nabigyan ako ng
pagkakataong makapag-isa at makapag-isip.
Dumaan pa ang mga araw, napag-alaman ko mula kay Lantis ang
ginagawang pagwawala ni Nhad. Palagi raw itong laman ng mga bars at kung sinu-sino
raw ang kasama nito. Hindi ko alam kung papaano nito nalaman ang lahat ng
impormasyon na iyon, subalit wala na akong lakas na magtanong sapagkat lalo
lamang akong nalulugmok sa mga nalalalaman kong nangyayari sa kanya. Hindi ko
magawang magalit sa mga pinaggagawa ni Nhad, kasi alam ko namang ako ang
nagtulak sa kanyang gawin ang mga iyon.
Sinubukan akong kumbinsihin ni Lantis na kausapin si Nhad
para siguro maitama ko ang lahat pero naduduwag ako, natatakot, hindi ko kayang
makitang sinisira ni Nhad ang sarili niya dahil sa akin at lalong higit, hindi
ko na kayang marinig pa ang bawat panunumbat nito. Inisip ko noon na hayaan na lang
ang lahat pero hindi tumigil si Lantis, pilit nitong ipinaintindi sa akin na
dapat hindi ko takasan ang responsibilidad ko kay Nhad.
“Ken, nakikinig ka ba?” Untag sa akin ni Jay.
“Hah? Ah… Pasensiya na medyo inaantok lang siguro ako.”
“Natutulog ka pa ba Kenneth?” Ani naman ni Rachalet. “You
look dead… more like walking dead. Ang itim-itim at laki-laki na kaya ng
eyebags mo, para kang emo na hindi ko maintindihan.”
“O-Oo naman.” Depensa ko agad sa sarili ko. “Ano nga ulit
ang pinag-uusapan niyo?” Biglang pagbabalik ko ng kanilang atensyon sa aming
paksa para makaiwas sa kanilang mga pang-uusisa.
“You’re terrible.” Napapailing na wika ni Rachalet.
“Sweety.” Ang may himig ng pagsaway na wika ni Rex.
“No, sobra na ito. Hindi ko na kayang ipagwalang-bahala na lang
ang lahat. Look at him, ni hindi na nga ‘ata natutulog ang taong iyan. Laging
wala sa sarili at worse, muntik nang matanggal sa trabaho. How am I supposed to
ignore all of these?” Baling nito sa kanyang fiancé.
Bumaling sa akin si Rex. Ito ang pinakamatagal na sa
kompanyang pinagtatrabahuan namin at balita ko ay malapit na itong ma-promote.
“Since na alam ni TL na isa ako sa malalapit mong kaibigan
ay kinausap niya ako kanina para tanungin kung ano ang dahilan ng
pag-deteriorate ng performance mo sa floor. Ayaw ko sanang manghimasok Ken, dahil
ayaw kong pangunahan ka pero, tatanggalin ka nila kung hindi ko sila mabigyan
ng tamang dahilan.”
“Mabuti na lang at naintindihan ni TL ang pinagdadaanan mo
ngayon.” Sabat ni Chelsa. “Imbes na ipatanggal ka, napagdesisyanan na lang
nilang papagpahingahin ka muna for one week. Natakot siguro sila, `di hamak
naman kasi na isa ka sa magagaling na agents sa account na hinahawakan natin.”
“Ah gano’n ba?” Ang walang gana kong tugon sa kanila.
Kita kong halos mapasabunot si Rachalet sa sobrang
pangungunsumisyon. Tanggap ko naman na malaking epekto sa trabaho ko ang mga
problemang dumating sa akin nitong mga nagdaang araw. Kahit na tanggalin nila
ako ay hindi ako tututol.
“What’s wrong with you Ken, hanggang kailan mo ba balak
sisisihin ang sarili mo sa mga nangyari?”
“Hindi ko alam.”
“Ken, it was not your fault na hindi mo nagawang mahalin si
Nhad ng totoo. Hindi lang naman ikaw sa mundong ito ang nakakagawa ng gano’ng
pagkakamali. Inakala mong mahal mo si Nhad because he was always there when you
were suffering. Pero hindi mo naman sinasadyang saktan siya, patawarin mo na
ang sarili mo.”
Alam na rin ng mga ito ang ginawang pakikipaghiwalay ko kay
Nhad. Sa kanila ako tumakbo matapos kong hiwalayan at saktan ang nag-iisang
taong nagmahal at nagpahalaga sa akin. Hanggang ngayon pilit pa ring
nagsusumiksik sa aking isipan ang mga salitang
binitiwan ni Nhad bago ko siya iwan sa paborito naming restaurant.
“I-I can undo things
for us Ken. Aayusin ko ang relasyon natin dahil mahal na mahal kita. Just give
me another chance.”
Lalong nanikip ang puso ko. Para akong sinasakal sa tuwing maaalala
ko ang mga salitang iyon lalo na ang mukha nitong punong-puno ng sakit at
pagmamakaawa. Hindi ko alam kung papaano ko nagawang saktan siya ng gano’n.
“Hindi gano’n kadaling kalimutan ang naging kasalanan ko sa
kanya.” Wala sa sarili kong tinuran.
“Alam namin.” Sabat ni Jay. “Hindi nga madaling gawin iyon
lalo na kung ikaw mismo hindi mo magawang tanggapin sa sarili mo na hindi mo
kasalanan ang mga nangyari, na tulad ni Nhad biktima ka rin ng sitwasyon.”
“Nasaktan ko siya ng husto. Kung sana… kung sana nakita niyo
ang sakit sa mga mata niya, maiintindihan ninyo ako ngayon. Alam ko ang
pakiramdam ng nasasaktan, alam ko ang pakiramdam na hindi ka minahal ng taong
mahal mo dahil … dahil lahat ng iyon ay naranasan ko na.” Sa puntong iyon ay
hindi ko na nagawa pang pigilan ang pag-apaw ng emosyon na ilang araw ko ring pilit
na itago.
“Ken…” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Rachalet.
“Naging mahina ako, kung sana kinalimutan ko na lang ang
damdamin ko para kay Martin, hindi ko sana masasaktan si Nhad at masaya sana
kami ngayon.”
“Hindi mo kayang turuan ang puso mo sa kung kanino ito
titibok Ken.” Usal ni Rex.
Pinili ko na lang manahimik, alam ko naman kasing tama si
Rex. Masyado ko nang sinanay ang puso ko na si Martin lamang ang mamahalin nito dahilan para hindi ko na
magawang magmahal pa ng iba. Oo, tama sila, inakala kong pagmamahal ang
naramdaman ko kay Nhad noon. Dahil ito lamang ang tanging taong umagapay at
nakapagpangiti sa akin sa kabila ng mga dinadala kong problema noon pero mali
pala ako. Pagmamahal nga iyon ngunit hindi iyon ang klase ng pagmamahal na
inakala ko.
“Hayaan na lang muna natin si Kenneth.” Kapagkuwan ay wika
ni Chelsa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sineryoso nito ang kahit na
anumang usapan. “Ang konsensiya ni Ken ang kalaban niya ngayon, at wala tayong
magagawa roon. All we can do is to support him and to make sure na hindi niya
pababayaan ang sarili niya.”
“I will agree with Chelsa.” Wika naman ni Maki na kanina pa
tahimik lang na nakikinig. “Ang problema ngayon ni Ken ay ang klase ng problema
na tanging siya lamang ang makakaayos. Mahirap man, pero magtiwala tayong
malalampasan niya ang lahat ng ito.”
Malaking pasasalamat ko na may mga kaibigan akong tulad nila
na handa akong intindihin sa mga ganitong pagkakataon ng buhay ko.
“Siyanga pala, asan sina Nico at Lantis?” Pag-iiba ng usapan
ni Rex.
“Nagtanan. Hayaan niyo na lang din muna ang dalawang iyon,
kayo rin ang mahihirapan kung pilit niyo silang iintindihin.” Kaswal na sagot
ni Maki.
“Nagtanan?” Si Jay na halatang walang alam sa whereabouts ng
dalawang kaibigan. Kahapon pa umalis si Lantis patungong probinsiya ng yaya
nito para dalawin. Hindi ko alam na kasama pala nito si Nicollo.
“Nagtanan.” Ulit ni Maki sa sinabi nito.
“Astig!” Ang tila excited namang wika ni Jay.
Katatapos lang ng shift ko sa araw na iyon at naghahanda na
akong umuwi dahil kailangan ko pang mag-impake. Effective na ngayong araw ang
isang lingong pahinga na ibinigay sa akin ng kumpanya namin at napagdesisyunan
kong gamitin iyon para dalawin sina mama at ang kapatid ko.
“Ready ka na ba para sa one week leave mo?” Bungad sa akin
ni Rachalet habang nasa locker ako.
“Forced leave.” Pagtatama ko sa sinabi nito.
“Mas mabuti na iyon kesa naman matanggal ka sa trabaho.”
Kibit-balikat na lamang ang naging sagot ko sa kanya dahil
ang totoo, tuluyan na akong nawalan ng gana sa lahat maski sa trabaho ko.
“Ken?”
Dahil sa pagtawag nito sa akin ay napalingon ako sa kanya.
Ibang Rachalet ang nalingunan ko, wala na ang masayahing aura nito at napalitan
ng pag-aalala at pagmamalasakit.
“Sana pagbalik mo ay maging okey na ang lahat. Because
honestly, I don’t want to see you suffer this much. You’re a good person Ken,
and a good friend kaya siguro..” Tila nag-alinlangan pa ito kung ipagpapatuloy
niya ang kanyang sasabihin o hindi but in the end she opted to continue. “Kaya
siguro minahal ka rin ni Matt.”
Hindi ko inaasahang manggagaling ang mga salitang iyon kay
Rachalet. Alam kong lahat sila ay botong-boto kay Nhad.
“Pare-pareho lang kayong biktima ng nakaraan mo Ken.”
“Ayaw ko siyang pag-usapan Rachalet.” Ang may diin kong
sabi.
Galit ako kay Matt, dahil kung hindi na sana ito nagbalik
pa, hindi sana magiging ganito ka kumplikado ang buhay ko. Hindi ko tuloy
maiwasang isipin kung totoo bang lahat ang mga sinabi nito o kung isa na naman
iyong pagkukunwari. Dahil kung totoong mahal niya ako, hindi niya ako hahayaang
mahirapan ng ganito.
“Ken ––”
“Magkita na lang tayo pagkatapos ng isang lingo. Salamat sa
concern Rachalet.” Pagputol ko sa iba pa nitong balak sabihin at mabilisan na
akong umalis sa lugar na iyon.
Dumating ako sa apartment. Agad akong nag-impake para
mahabol ko ang bus na paalis sa oras na iyon. Kahapon pa ako nakapagpaalam sa
may-ari ng apartment na isang lingo akong mawawala para bisitahin ang mama ko.
Paalis na lang ako nang biglang dumating ang taong pilit
kong iniiwasan na makaharap sa mga nagdaang araw. Bakas sa mukha ni Martin ang
pagkalito nang marahil ay makita nito ang dala kong bag.
“Saan ka pupunta?”
Imbes na sagutin ito ay diretso kong binagtas ang daan
papunta sa sakayan ng jeep. Masyadong malalim ang galit ko sa kanya. Oo, isa
siya sa mga sinisisi ko kung bakit nakasakit ako ng tao.
Maagap nitong nahawakan ang aking mga kamay.
“Saan ka pupunta?” Muling tanong nito.
“Wala kang pakialam.” May diin kung wika rito.
“Pag-usapan naman natin to Ken.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa Matt. Nagkaliwanagan na
tayo no’ng gabing sinira mo ang lahat sa buhay ko. I hate you Matt, I hate you
for ruining my life up until now and I hate you for allowing myself to be
deceived by you, again and again.”
“Ken.” Bakas ang pagkabigla nito sa mga narinig niya.
“Pinagsisisihan ko na minahal kita Matt, dahil sa pagmamahal
ko sa ‘yo hinayaan kitang sirain ang lahat sa akin kasama na roon ang mga plano
ko sa buhay. Alam mong hindi ko ginusto ang lahat ng ito, alam mong hindi ito
ang buhay na gusto ko pero dahil kailangan mo ako, kailangan mo ang bestfriend
mo inisang-tabi ko ang mga pangarap ko para alalayan ka’t suportahan. Akala ko’y
sasaya ako kapag natugunan mo ang nararamdaman ko para sa ‘yo pero, mali pala
ako sapagkat gulo ang idinulot sa akin ng sinasabi mong pagmamahal mo.”
Hindi ko alam kung dala lang ba ng sobrang galit ko sa kanya
ang nag-udyok sa akin para sabihin ang lahat ng iyon. Alam kong nasaktan ito,
sa mga narinig niya dahil bakas iyon sa mukha nito pero imbes na bawiin ko ang
mga sinabi ko ay tuluyan ko na siyang tinalikuran.
Dumating ako sa lugar kung saan ako lumaki pasado alas-4 na
ng hapon. Hindi ko naabutan ang bus na sasakyan ko sana kanina kaya kinailangan
ko pang maghintay sa terminal ng dalawang oras para sa susunod na alis ng bus.
Walang nagbago sa lugar namin. Tulad noon, tahimik pa rin
ito kahit na paunti-unti na ring dumarami ang mga sasakyan at kabahayan doon.
Dumaan ang sinasakyan kong jeep sa tapat ng eskwelahan kung saan kami sabay na
nagtapos ni Martin. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang naging tagpo namin
kanina. Alam kong nasaktan ko ito at alam ko rin na may kabigatan ang mga
salitang binitiwan ko kanina sa kanya pero siguro mas mabuti na rin iyon, para
tuluyan na talaga itong lumayo sa akin.
Nang sa wakas ay marating ko ang bahay naming, medyo
nakaramdam ako ng kapanatagan sa aking puso. Siguro, dahil alam kong sa wakas pakiramdam
ko’y secured na ulit ako. Binayaran ko ang tricycle at pansamantalang
pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. Napakatahimik, taliwas sa syudad na
pinanggalingan ko. Mukhang tama nga ang
naging desisyon ko, na dito ko igugol ang isang lingong bakasyon na
ibinigay sa akin.
“Kenneth?” Ang halos hindi makapaniwalang pagtawag sa akin
ni mama nang makita ako nito. “Anak, ikaw ba talaga yan?”
“Ako nga po Ma.”
“Anong ginagawa mo rito anak? Di ba may trabaho ka?”
“Pakiramdam ko ayaw mong narito ako.” May bahid ng
pagtatampo kong wika.
“Ikaw nga ‘yan anak.” Ang wika nito na parang doon lang
napagtanto na ako talaga ang nakikita niya.
“Oh, bakit parang hindi ka makapaniwala na umuwi ako? Hindi
na ba ako welcome rito?” Biro ko sa kanya.
“Nabigla lang talaga ako. Tara sa loob anak nang
makapagmeryenda ka.”
Tinungo nga namin ang loob ng bahay. Wala ring nagbago roon
bukod sa mga bagong appliances.
“Mukhang ang dami na nating gamit Ma, ah.”
“Iyan ang mga bunga ng mga paghihirap mo.” Nakangiti nitong
sabi. “Ibinili ko ng mga bagong gamit ang sobrang perang ipinapadala mo sa amin
para kako pagbalik mo makikita mo ang pinaghirapan mo.”
True enough dahil nang malaman kong ang perang pinaghirapan
ko pala ang ginamit ni mama para ipambili sa mga bagong appliances namin ay
nakaramdam ako ng pagkaproud sa sarili ko. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng
silbi sa mama ko.
Habang ipinaghahanda ako nito ng meryenda ay panay ang
pangungumusta nito sa akin at kay Nhad pero inilihim ko ang totoo sa kanya.
Ayaw kong masyado itong mag-alala sa akin. Masyado nang maraming alalahanin si
mama para dumagdag pa ako.
“Kenneth, may problema ba?” Biglang tanong nito sa akin sa
kasagsagan ng pagkukwento ko tungkol sa trabaho ko.
“Problema? Wala naman Ma bakit?” Ayaw ko mang magsinungaling
sa kanya ay kinailangan kong gawin.
“Kanina ka pa nagkukwento sa akin pero may isang bagay kang
hindi binabanggit.” Kapagkuwan ay wika nito.
“Ha?” Maang-mangan kong wika.
“Anak, kilala kita alam kong may dahilan kung bakit ka
biglaang umuwi rito.”
“Wala Ma, na-miss ko lang talaga kayo ni bunso.”
“Ken ––”
“Kuya!” Ang biglaang pagsulpot ni Chester. Kadarating lang
nito mula sa eskwelahang pinapasukan niya.
“Aba, ayaw mo talagang nababanggit ka noh? Kamusta na
bunso?”
“ Heto, sa awa ng Diyos kuya gwapo pa rin.” Nakangisi nitong
tugon.
“Aba’t hindi lang pala ang tangkad mo ang nagbago sayo, lalo
ka rin palang yumabang.”
Habang nagbibiruan kami ng kapatid ko ay mataman lang na
nakamasid si mama sa akin. Malakas nga siguro ang pakiramdam ng isang ina at
nakaya nitong mahulaan ang tunay na saloobin ko. Mabuti na lang at makulit ang
kapatid ko kaya nakaiwas ako sa pang-uusisa nito pansamantala.
Katatapos lang ng bonding naming magkapatid. Inabot na kami
ng alas-diyes ng gabi sa sobrang dami ng naikwento nito sa akin. Tulad ng
inaasahan ko, ganap na ngang nagbibinata ang kapatid ko. Naik’wento nito sa
akin ang tungkol sa girlfriend niya na halos isang taon daw niyang niligawan.
“Mukhang nag-enjoy kayong magk’wentuhang magkapatid ah.”
Bungad sa akin ni mama nang makalabas ako sa k’warto ni Chester.
“Ibinida niya kasi sa akin ang girlfriend niya.” Nakangiti
kong wika.
“Ikaw, kelan mo naman ibibida sa akin ang tungkol sa tunay
na nangyari sa’yo Kenneth?” May paghamon nitong sabi.
“Si Mama talaga, makulit ka pa rin hanggang ngayon.”
“Hindi kita pipilitin Kenneth kung hindi ka pa handang
magk’wento sa akin pero anak, sana bago ka umalis, magawa mong sabihin iyon sa
akin.”
“Matutulog na ako Ma, ikaw din magpahinga ka na, alam kong
pagod po kayo sa buong maghapon.” Pasimpleng pag-iwas ko sa kanya.
“Kenneth, anak.” Muling pagtawag nito sa akin bago ako
tuluyang makapasok sa k’warto ko. “Hindi masamang aminin sa sarili natin na may
mga bagay tayong hindi kayang gawing mag-isa. Kung anuman ang problema mo anak,
tandaan mong narito lang ako para tulungan ka.”
“Salamat Ma.”
“Binigay ko naman ang
lahat di ba? Minahal naman kita di ba? Isn’t it enough para mahalin mo rin ako?
Ano ba ang meron kay Martin na wala sa akin? Ano ba ang kaya niyang ibigay na
di ko kayang ibigay sayo?”
Napabalikwas ako ng gising habang basa ng luha ang aking
magkabilang pisngi. Muli na namang bumalik ang eksena kung saan huli kaming
nag-usap ni Nhad at iyon ay no’ng pinili kong makipaghiwalay sa kanya. Sariwa
pa rin sa aking alaala ang pait at sakit sa mga mata nito at hanggang ngayon
hindi ko pa rin maiwasang hindi paulit-ulit na marinig ang pagtawag nito sa
aking pangalan habang palabas ako ng naturang restaurant na iyon.
“Sorry Nhad.” Ang mahina kong sambit, kasabay ng pagpatak ng
mga luha ko. Hanggang sa panaginip ay inuusig pa rin ako ng konsensiya ko sa
pasakit na ginawa ko sa kanya. Simula ng gabing makipaghiwalay ako sa kanya ay
laging laman na ng panaginip ko ang eksenang iyon dahilan para hindi ako
makatulog ng mahimbing.
Agad akong lumabas ng k’warto at dali-daling tinungo ang
lababo para makapaghilamos.
Hanggang kailan ko
dadalhin ito? Ang di ko maiwasang maitanong sa aking isipan. Ito ba ang kabayaran ko sa mga ginawa ko sa
‘yo Nhad?
“Kenneth?” Kasabay ng pagtawag na iyon sa akin ni mama ay
ang pagbukas ng ilaw sa kusina. “Anak, masyado ka naman ‘atang maagang
nagising? Hindi ba’t kaya ka narito para magpahinga?”
“N-Naninibago lang siguro ako Ma.” Ang agad kong
pagdadahilan dito. “Mas maganda nga po ito Ma, para matulungan ko kayong
maglinis ng buong bahay.”
“Hindi, ako na ang maglilinis, magpapahinga ka Kenneth,
napapansin kong nangangayayat kana.”
“Tutulong ako Ma, ‘wag kayong masyadong mag-alala sa akin.”
Mataman ako nitong tinitigan hanggang sa mapatango na lang
ito.
Matapos makapag-almusal ay sinimulan ko nang magbunot sa
buong bahay. Gusto kong tuluyang pagurin ang sarili ko, nagbabakasakaling
makakatulong ang kapaguran ko para makatulog ng mahimbig sa gabi. Lahat ng
gawaing bahay ay ipinilit kong ako ang gumawa maliban sa paglalaba na
nakagawian na ni mama na araw-araw gawin.
Bandang hapon matapos makapagpahinga ng konti, ay naisipan
kong bumaba mula sa aking k’warto. Hindi ko inaasahan ang taong mabubungaran na
masinsinang nakikipag-usap kay mama.
“Anong ginagawa mo rito?” Ang agad kong sabi para kunin ang
atensyon nito.
“Ken ––”
“Hanggang dito ba naman Martin guguluhin mo ang pananahimik
ko? Wala ka na ba talagang ibang magawa sa buhay mo?” Pagputol ko sa kanyang
sasabihin.
“Kenneth, hindi iyan ang tamang pagtrato sa bisita mo at sa
matalik mo pang kaibigan.”
“Hindi ko siya itinuturing na bisita. Paalisin niyo na
siya.” Pagkasabi noon ay agad akong pumanhik paakyat sa k’warto ko. Narinig ko
pa ang pagtawag sa akin ni mama pero hindi ko na sila muli pang nilingon
hanggang sa biglaan na lang akong nahilo at
nawalan ng lakas ang mga paa ko kasabay noon ang pagbaksak ko sa malamig
na sahig.
“Kenneth!”
Itutuloy:
32 comments:
ngayon ko lang naramdaman na para si Nhad na lang ang gusto kong makatuluyan ni Ken. hahahahaha
kung kelan patapos na tsaka naman mas lalong umiinit ang nangyayari. more chapters please wahahah
hinintay k talaga to.. bitin na naman.. haha
next chapter na ulit author.. :)
ja
ang bilis!
Over fatigue na sya. Kaya mo yan ken. Ang hirap ng sitwasyon mo, kung ako ikaw bka ganyan din ginagawa ko.
--ANDY
gusto q din si nhad n lng. Pero palagay ko mkakatuluyan nya yung bartender sa bar na pinuntahan nila ni ken nung time na naguwi ng katrabaho si matt sa apartment nila.
--ANDY
Ayan tuluyan ng nilamon ng sobrang depression si Kennots.... Sana ay maibangon na nya ang kanyang sarili... Come on Ken...go for the best!
Burj
sana bigyan naman ni ken ng pagkakataon yung sarili niya na mahalin din siya ng taong matagala niyang nang inaasam...ito na yun e...hindi yung patuloy niyang ididinay at babalewalain si martin...galing zild...
iamronald
.speechless!
Antayin k n lng ang susunod.
-nurse_mark.,
Mamahalin muli ni Ken si Matt.
hayan sayo ken sobra mong pinagod ang sarili mo..di mu naman pala kaya..di ka naman si wonderwoman diba..hahaist nako
GO MATT!!!
Kuya! Sori ngaun lng ulit nakacomment. Naging busy eh pero nababasa Ko nmn sya.
Ang Ganda talaga Kuya! Can't wait for the next one!
love causes all of these...
no ken...dont fall for matt again please...si nhad talaga ang taong para sayo...huhuhu...author thnks sa update...
Bitin na naman ako.. haha.. :D
cguro magkakasakit na c ken at ska mamatay then c nhad at martin na ung magkakatuluya n 4 the the sake of ken...........................ras
sana marealize din ni ken na naging mahirap din sa part ni martin ang lumayo just to find his true self too and how he feels towards him.. sana it is a happy ending for kenneth and martin..
hopefully ken eventually realizes that martin sacrificed a lot too and went through a difficult time just for him to find his true self and how he truly feels for ken.. sana lang they end in each others arms...
Damn! Ang hirap usigin ng konsensya! Galing galing...
hehe! give him Time martin! Godbless and Goodluck! :)_
Beucharist!
kung kau na lang ni nhad jeh..tutal di ba single ka naman and ready to mingle...para masaya lahat...peace..ahaahahah, the ken-matt pa din forever..
-iamronald
whut happen??? kay kennots!!!! waaaaaaaah!!!! dahil sa mga nangyari sa kanya, napabayaan na niya masyado ang sarili nya! sad fact for all who are stupid when it comes to love!!!! sobra kasi tayong magmahal, kaya kapag nasaktan tayo, we tend to make ourselves busy ignoring what our body needs! kaya nagkakasakit ang mga KATULAD KONG tanga sa pag-ibig!!!
ganda ng part na 'to daddy zeke, nice job... hehhehe, kelan ba sila magkakabalikan muli!!! hmmmmmmmm.... basta ako, kennots-martin love team pa din ako!!!! wiiwiiit!!!!
-eusethadeus-
Dalawang beses kung binasa ang kwentong to,Cguro ang susunod na kwento is ang pagdalaw ni Nhad at magkaliwangan sila ni Kenots din si Mat naman ang mawala,kasi he will think to give space sa dalawa,and sxa naman ang hanap-hanapin ni kenots,nice story! keep up the good works and update always.
Kuya inspire ka po talaga sa mga kagaya ko po, Ako po kasi yung taong di pa alam kung ano talga ang preference, Mahirap po magpanggap at itago ang totoong ako sa harap ng family ko at lalo na sa society, mga stories nyu lang po ang nagpapaalala sa akin na ito po ang landas na gusto kong tahakin, Minsan po kasi dahil sa ginawa kong maskara para sa sarili ko ay nakakalimutan ko na po kung sino talaga ako.... Keep it up at tyaka sana si Mat at Ken parin sa huli...
next chapter please..!
kung kelan nman matatapos na eung chapter
mas gustu ko nlang na si nhad ang makatuluyan ni kenneth
-- pero kung si MATT tlga ee, wala na kong magagawa lols :)
nuuh kea nangyari keii kenotz bka may malala syang sakit
tss,
<--- demure
oh em.. nasobrahan sa pagbubunot.. hehe
love you Ken..
God bless.. -- Roan ^^,
I go for nhad and ken. Ganon b talaga un. Pakakawalan mo isang taong nagmahal sa yo kase bumalik ung una. Hindi ako makarelate. Naawa nmn ako kay nhad. He seems perfect and yet he didnt win ken's heart. Nkkatakot nmn mainlove ng totoo..
Well.. for me I think Kenneth should follow his heart. Anyway nagawa naman na niya ang dapat niyang gawin, that is, to let go of Nhad which I think is the right decision kasi mahirap magpatali sa isang relasyon dahil lang sa utang na loob. Magiging unfair lang din siya kay Nhad at hindi ito magkakaroon ng opportunity na makita ang taong makapagbibigay sa kanya ng love that he truly deserves at walang kahati.
Wala akong nakitang ginawang mali si Martin. He just want to make sure of what he really feels about Ken. Paano kung pinaasa niya ito at pagbalik niya hindi pala love ang nararamdaman niya para dito? di ba mas magiging masakit yun para kay Ken?
So all I can say...
Let go Nhad. stop hurting yourself in hoping for a love that will never be yours... Makikita mo din ang taong para sa iyo. Malay mo sa next series na iyon ni sir Z. hehe
Hang on Martin... Don't loose hope. Just bear in mind na pinagdadaanan lang din ni Ken ang pinagdaanan mo noon. He is just confused on how he is going to deal with his feelings. So don't let go of your happiness.. "Come high or low waters"... haha
And lastly, be true to yourself Kenneth. Kahit ano naman ang gawin mong desisyon may masasaktan. So doon ka na lang sa alam mong magiging fair ka sa mas nakakarami. And that I think is choosing Matt. By doing so, malaya mo nang magagawang mahalin ang taong noon pa man ay tunay na itinitibok ng puso mo. Magiging fair ka din kay Matt kasi you will be able to reciprocate his love for you na ipinaglalaban niya at magiging fair ka din kay Nhad kasi you will allow him to find true love in happiness na di mo maibibigay sa kanya.
So there you go. Haha. I know that hindi lahat ng readers mag-a-agree sa aking POV pero I just want to share it anyway.
Thanks sir Z for another emotional chapter. pati tuloy ako nadala kaya nakapag-comment ako ng sobrang haba. Sana ma-post agad yung follow-up chap. Kudos!
blue fpox
forgiveness and acceptance ang dapat d ba? next chapter po!
Siguro kaya nahihirapan si Ken na mag let go or to forgive himself kasi alam nya ung feeling ng pinagdadanan ni Nhad. I feel bad for Nhad but why hold on to something that doesn't meant for you.
Sabi nga sa ANGELITO: Ang Batang AMA:
---- Kahit ibigay mo pa ang buong buhay mo sa taong mahal mo kung hindi naman ikaw ang kelangan nya. Kahit kelan hindi magiging sapat ang sobra.---- LOL CHAROUGHT!! :))
-----
I hope that you'll make a story about Nicolo and Lantis. Jay & Maki. :)
I wanna know about their Pussy Cat. LOL
I SUPER LOVE THE STORY BTW> :D
Sa last chapter pa ba lalabas ung nasa prologue? :)
mahirap talagang kalaban ang sarili mong kunsensya...alam q npkahirap at npakasakit talaga sa part nii nhad ung sitwasyon pero sana lang magkaroon ng pagkakataon na maipaliwanag ni ken ke nhad na minahal dn talaga siya neto...isa kc un sa bagay na makakapagpamove-on kay ken...pra after nmn nun maharap na niya c matt...
-Monty
tama kayo nalng ni Leonard, ikaw naman may gusto sa kanya.. Hmfpt.. mas gusto ko si Ken-Matt bleehhh
-Jake-
Post a Comment