by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Gusto kong humingi ng paumanhin sa mga taong naghintay sa
chapter na ito. Hindi ko sinasadyang sobrang i-delay ang posting nito sadya
lamang na marami akong inaatupag at hindi ako makapag-focus sa pagsusulat kaya
hayon at inulit ko ang buong chapter 21.
Naway ma enjoy niyo ang Chapter at sana worth it ang
paghihintay niyo rito. Salamat nga pala sa mga taong nagbigay ng kanilang
komento sa chapter 20. Ang sarap basahin paulit-ulit ng mga comments niyo.
Ingat tayo lagi!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Okey
ka lang ba Ken?” Simpleng katanungan lamang iyon pero hindi ko mabigyan ng
kasagutan dahil sa iba’t ibang pakiramdam na bumabalot sa buo kong katauhan.
Matapos ang deklarasyon na nangyari kaninang tanghali nang paunlakan
ko si Martin sa imbitasyon nito, ay hindi ko na alam kung anu ang p’wede kong
maramdaman o mas tamang sabihing hindi ko na alam kung ano ba talaga ang
nararamdaman ko, o dapat kong maramdaman.
Sa lahat ng mga nakakabigla ay ang deklarasyon na ‘ata
kanina ni Martin ang pinakanakakabigla sa lahat. Hanggang ngayon ay tumatakbo
pa rin sa isip ko ang lahat ng mga sinabi nito na kahit anong pilit kong iwaksi
ay hindi ko magawa. Umaalingawngaw pa rin ang mga huling salitang binitawan
nito.
“Alam kong marami
akong naging pagkakamali sa ‘yo noon, at handa akong itama ang mga
pagkakamaling iyon. Alam ko rin na p’wedeng nagbago na nga ang nararamdaman mo
sa akin pero handa akong gawin ang lahat para maibalik lang iyon. Call me
selfish Ken, but no one, nobody can take away my happiness from me. Again, I’m
here to claim you back, by hook or by crook, come high or low waters.”
“May problema ba Ken?” Untag ulit sa akin ni Nhad. Doon lang
tuluyang naagaw nito ang atensyon ko mula sa malalim na pag-iisip. Nang maibaling
ko ang atensyon ko sa kanya ay nakita ko ang pagtataka at pag-aalala sa mga
mata nito.
“Y-Yeah, okey lang ako.” Agad kong binawi ang aking
composure.
Lalo namang bumakas ang pagtataka sa mga mata nito. I can’t
believe myself. Bakit sobra akong apektado sa mga sinabi sa akin ni Martin
kanina? Hindi ba dapat ay baliwalain ko na lang ang mga iyon. I have Nhad, siya
na lang dapat ang binibigyan ko ng pansin pero heto’t kaharap ko na siya kung
saan-saan pa tumatakbo ang isip ko.
“You don’t seem to look okey to me.” Kapagkuwan ay wika nito
sa seryosong tinig at seryosong mukha. “You look bothered. May problema ba?
Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo.”
“Ayos lang ako Nhad.” May bahid ko ng pangungumbinsi na
sinamahan ko pa ng isang matamis na ngiti. Hindi ko hahayaang masira ng tuluyan
ni Martin ang kung anumang meron sa amin ni Nhad. Hindi ko siya hahayaang
magtagumpay sa kung anumang kalokohang binabalak niya.
“Sure ka?”
“Mukha ba akong hindi sigurado?” May bahid ng pagbibiro kong
sabi.
Sa wakas ay nagawa na rin nitong ngumiti – ang ngiting
gustong-gusto ko sa kanya. Nhad loves me at siya ang tanging taong nagtiyaga sa
akin. Siya rin ang tanging nagturo sa akin kung papaano ngumiti ulit. Hindi ko
hahayaan ang kahit na sinuman na sirain ang relasyon naming, kahit ang taong
dati ko pang minahal. Masaya na ako kay Nhad, at nakikita ko ring masaya ito sa
akin.
“Basta, kung kailangan mo ng kausap handa pa rin akong making,
okey? Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikita kang nalulungkot. I promised
you na pasasayahin kita at iyon ang lagi kong gagawin.”
Naantig ako sa mga sinabi nito. He never failed to remind
and show me how much he loves me. Walang araw na hindi nito ipinapakita at ipinaparamdam
sa akin iyon. Napakas’werte ko na ako pa talaga ang napili nitong mahalin kaya
dapat lang na sa kanya ko na lang ibigay ang lahat ng atensyon ko.
Isang napakatamis na ngiti ang isinukli ko sa mga sinabi
nito. Siniguro kong sa ngiting iyon maipararamdam ko sa kanya ang tunay na
nararamdaman ko.
“Siyanga pala Nhad, sa Friday imbitado tayo ni Chelsa.” Ang
wika ko ng maalala ko ang imbitasyon ni Chelsa.
“Yeah, natanggap ko ang text niya. Pinagbantaan pa nga niya
ako, eh. Sabi niya hindi niya raw ako mapapatawad kapag hindi ako sumama.”
Natawa naman ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ito sanay sa
mga kalokohan ni Chelsa. At minsan, nabibigla pa rin ito kapag nagpapakita ng
kabaliwan ang isang iyon.
“`Wag mong masayadong bibigyan ng pansin ang mga pagbabanta
niya. Ugali na talaga ng demonyitang iyon ang manakot ng mga tao sa piligid
niya.” Pareho kaming napahagikhik sa
tinuran ko. Ito ang gusting-gusto ko tuwing kasama ko si Nhad. P`wede kaming
makapagk’wentuhan na para bang magkaibigan lang kami. Yung tipong hindi naming
kailangang maging sweet palagi. Kontento na kami na may napag-uusapan kami
kahit pa man madalas ay puro kalokohan lang ang mga iyon.
“Pero kailangan natin siyang pagbigyan. Malaki rin ang utang
na loob ko sa makukulit mong katrabahong iyon. Kung hindi dahil sa mga panunudyo
nila sa’yo hindi mo ako sasagutin.”
“Sinagot kita hindi dahil sa mga panunudyo nila kung hindi
dahil sa effort mo.” Pagtatama ko naman dito.
“At pagiging mabait at gwapo ko rin.” Dagdag naman nito na
muling naging dahilan ng tawanan namin.
“Ang sweet niyo naman.” Biglang nawala ang nakaguhit na
ngiti sa mukha ko ng makita ko ang taong nagsalita. Marahil sa sa sobrang
pagkawili ko sa kulitan namin ni Nhad ay hindi ko napansin ang paglapit nito.
“M-Matt?”
“Having dinner together? How sweet.” Hindi ko alam pero may natunugan
akong sarcasm sa boses nito, isama mo pa ang nakakunot nitong mukha habang sa
akin nakatingin.
Siguro, tulad ko ay nabigla rin si Nhad, hindi rin kasi ito
nakapagsalita agad.
“Narito ka lang pala. I told you to wait for me inside my ––
oh, kaya pala.” Ang wika ng isang lalaking lumapit din sa mesa namin.
Panandalian lang itong sinulyapan ni Martin at muli ako nitong hinarap.
“Enjoying your date?”
“Ah..” C’mon Ken, ito
na ang pagkakataon mong ipakita sa kanya na hindi ka apektado sa mga sinabi
niya kanina. “Yeah, very much.” Ipinagpapasalamat ko na lang na
nakipag-cooperate naman sa akin ang boses ko.
Bumaling ito kay Nhad at tinanguan niya ito marahil ay iyon
ang paraan niya ng pagbati. Tinugon naman iyon ni Nhad ng isa ring tango at nang
ibaling nito sa akin ang kanyang atensyon ay nakaguhit na ang ngiti sa mukha
nito pero hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang mga mata. Halatang pilit
lang itong nagpapakapormal.
Tumango-tango ito at binalingan ang lalaking lumapit din sa
amin.
“Pinsan, meet Kenneth, siya ang sinasabi ko sa iyo. Ken,
this is my cousin Claude Samaneigo he owns this restaurant.”
Pormal na nakipag-kamay sa akin ang taong nagngangalan
palang Claude. Doon ko lang nabigyan ng pansin ang mukha nito at masasabi kong
marami silang pagkakapareho ni Martin, isa na roon ay ang kanilang Chocolate
brown na mata. But unlike Martin, Claude’s eyes were glowing with happiness
habang si Martin ay kahit nakangiti walang kinang ang mga mata nito. Halatang pilit
iyon.
“Finally we’ve met.” Masayang wika nito. “Pero gusto kong
itama ang sinabi ng pinsan ko. I don’t own this humble restaurant. Isa lamang
akong hamak na sugo rito ng magaling kong asawa dahil busy siya ngayon sa
kanyang new found hobby.”
Bumaling ito kay Nhad na mataman lang na nakamasid.
“Small world huh? Kamusta na Leonard?”
“Magkakilala kayo?” Ang magkasabay na wika namin ni Martin
na punong-puno ng pagtataka. Ang pinsan na mismo nito ang sumagot sa katanungan
namin.
“Pinsan niya ang bestfriend ng asawa ko.” He said, extending
his hand to Nhad.
Kinamayan naman ito ni Nhad na nakangiti.
“Kuya Claude.”
Muli nitong binigyan ng sulyap si Matt bago bumaling sa akin
na may ngiting punong-puno ng ibig sabihin.
“Masaya ito.” Makahulugan nitong wika habang hindi pa rin
nawawala ang ngiti nito. “Anyway, mukhang naaabala na namin kayo. Enjoy your
dinner na lang. Tara na pinsan marami pa tayong pag-uusapan.” Saka inakbayan
nito si Martin at iginiya papalayo sa amin.
“Small world.” Sa sinabi nito ay napatingin ako kay Nhad na
sinundan pala ng tingin ang magpinsan. “Who would have thought na ang
bestfriend mo at ang lalaking dahilan ng pagiging heartbroken ng dalawang
pinsan ko ay magpinsan.”
“Mapaglaro talaga ang tadhana.” Pagsang-ayon ko naman pero
wala na roon ang isip ko kung hindi na kay Matt at ang huling tinging ibinigay
nito bago tuluyang umalis kanina na kung tama ang hinala ko ay panghihinayang.
Ipinagpatuloy namin ni Nhad ang dinner namin. Mabuti na lang
at hindi na nito muli pang napansin ang panaka-naka kong pananahimik. Nang
matapos kami, ay nagpaalam muna akong pupunta ng restroom, nagbabakasakaling sa
pamamagitan ng paghihilamos ay mawawala ang lahat ng bumabagabag sa akin.
Kanina lang ay nasabi kong kaya kong baliwalain lahat ng mga sinabi sa akin ni
Martin pero nang makita ko ang panghihinayang sa mga mata nito kanina, ay hindi
ko mapigilang hindi mabagabag.
Alam kong hindi na tama na ibang tao ang umuukupa sa aking isipan,
dahil may Nhad na ako. Ayaw kong paniwalaan ang lahat hindi dahil sa ayaw ko,
kung hindi dahil hindi na dapat. Ayaw kong makasakit dahil alam ko kung ano ang
pakiramdam ng nasasaktan. Sadya nga ‘atang pinaglalaruan ako ng tadhana, kung
kailan ayos na ang lahat ay heto’t may bago na naman siyang paraan para guluhin
ang mundo ko at gawing komplikado ito.
“Hindi ko inaasahan na kilala pala ng pinsan ko ang Nhad na ‘yon.”
Halos mapatalon ako sa sobrang pagkabigla ng malingunan ko si Martin na
nakahalukipkip sa may pintuan ng comfort room ng naturang restaurant. “But that
doesn’t change my plan. Hindi mababago ng pagkakaibigan nila ni kuya Claude ang
plano kong agawin ka sa kanya.”
Dahil sa muli na naman nitong ipinaalala ang plano nito ay
muli na namang uminit ang ulo ko. Tuluyan na akong nilamon ng inis. Oo naiinis
ako dahil pakiramdam ko ay laro lang ang lahat sa kanya at baliwala sa kanya kung
masasaktan niya ako basta makuha lang niya ang gusto niya.
“Bakit mo ba ginagawa ito?”
“Wala pa akong ginagawa Kenotz.” Pagtatama nito. Oo nga
naman, wala pa siyang ginagawa pero nagulo na niya ang utak ko. Ano pa kaya
kung kumilos na ito. Kaya siguro ganito na lang ang inis na nararamdaman ko
ngayon dahil hindi ko matanggap na sa simpleng pagpapakita nito sa akin ay
magugulo na ang lahat.
“Look Matt, hindi ko alam kung ano ang plano mo pero hindi
na ako natutuwa samga pinaggagagawa mo.”
“I already told you about my plan at hindi na rin ako
natutuwa sa ginagawa mong pakikipaglandian sa Nhad na ‘yon.”
“Landian? Hindi ako nakikipaglandian kay Nhad, boyfriend ko
siya at normal lang sa relasyon namin ang kumain sa labas. Teka, bakit ba ako
nagpapaliwanag sa ‘yo? Ano ba kasi ang gusto mo? Bumalik ka lang ba rito para
guluhin ako?”
“Ikaw ang gusto ko at hindi ako bumalik para guluhin ka. As
I’ve said, I’m here to take back what truly belongs to me.”
Ngali-ngaling ibinato ko sa kanya ang panyong ginamit kong
pamunas sa mukha ko. How could he act so cool and irritate me this much, habang
ako ay heto’t gusto ng maiyak sa sobrang pagkapikon. Pero hindi, hindi ko siya
hahayaang manalo sa kung anumang trip niya.
“Hindi na kita gusto.” Matatag kong sabi. “Si Nhad na ang
gusto ko at masaya na ako sa kanya.”
Mukha namang tinamaan ito sa sinabi ko dahil natigilan ito
at biglang nangunot ang noo. Pansamantalang nawala ang pagiging kalmante nito,
pero agad rin nitong naibalik sa dating composure ang sarili at ngumiti ng
nakakaloko.
“Not a problem. Kung no’ng wala pa akong ginagawa ay
napaibig na kita. Ano pa kaya kung may gawin na ako di ba? Besides, alam kong
mas sasaya ka sa akin.” Akmang lalabas na ito ng CR nang tumigil ito at
bumaling ulit sa akin.
“Siyanga pala Kenotz, bago ko makalimutan. This will be the
last time na papayagan kong dumikit sa ‘yo ang lalaking iyon. Good night.” At
tuluyan na itong lumabas ng CR. Naiwan
akong napatanga at natulala sa mga sinabi nito.
Martin
“I can’t
believe you misis! Nakakatampo ka na, akala ko ba tatlong araw ka lang diyan sa
Italy para pag-aralan ang mga luto nila.” Ang narinig kong sentimyento ng
pinsan ko. Marahil ay kausap nito ang asawa sa telepono.
“Eh, sino ba
naman kasi ang hindi magtatampo, iniwan mo ako rito. Kung alam ko lang na
magtatagal ka ng halos isang linggo eh sana pala sumama na lang ako. Nami-miss
na kaya kita.”
Hindi ko
sukat akalain na ang tigasin kong pinsan ay mapapalambot ng isang Laurence
Cervantes. Tama, isang lalaki ang inibig nito at piniling maging katuwang sa
buhay. Noong biglaang tipunin nito ang angkan naming, high school pa lang ako
n’yon, para sabihin na may taong nagpapatibok na ng puso nito at iyon ay isang
lalaki ay talagang nabigla kami. Natural, hindi makapaniwala ang mga magulang
ko sa piniling taong mahalin nito, pero wala rin naman silang nagawa dahil
sinuportahan iyon ng mga magulang ni Kuya Claude.
Pero hindi na
natuloy ang pagpapakilala nito sa amin sa taong minahal niya dahil sa isang insidente.
May kumalat na scandal patungkol kay Laurence na naging dahilan ng pag-alis ng
bansa ni Kuya Claude. Ngunit nang bumalik ito ng bansa ay nagkabalikan sila at
ngayon nga ay mag-asawa na.
“Sus! Gusto
mo lang ‘atang tumakas sa akin eh. Hindi mo na ba ako love?”
“Promise? I
love you too misis. Umuwi ka na ha, miss na miss na kasi kita.”
Gusto kong
matawa sa ka-kornihan ng pinsan ko, ngunit hindi ko naman ito masisisi. Alam
kong normal lang sa mga taong tinamaan ni kupido ang maging corny at sa
kasamaang-palad, mukhang mapapabilang na ako sa kanila. Nakakatawang isipin na
tulad ng pinsan ko ay pinili ko na ring magmahal ng kapwa ko lalaki at ang
masama pa ay ang taong minahal ko ay pinapahirapan ako ngayon.
“Kenneth” Ang pangalang dahilan ng palaging
pagbilis ng tibok ng puso ko. No’ng huli kaming mag-usap tatlong araw na ang
nakakaraan ay alam kong kulang na lang ay isumpa ako nito. Masakit mang aminin
pero talaga nga ‘atang nawala na ang pagmamahal nito sa akin. I can’t blame
him, kung sana ay nagawa kong matugunan agad ang nararamdaman nito sa akin noon,
hindi na sana kami aabot sa puntong ito. Pero tulad ng sabi ng pinsan ko, hindi
ko p’wedeng sisihin ang sarili ko. Kenneth was my bestfriend since college.
Nasanay ako na magkaibigan lang kami at noong inamin niya sa akin ang damdamin
niya ay nabigla ako, nalito at nagalit sa sarili ko for letting him fall for
me.
Ayaw kong
masira ang pagkakaibigan namin. Siya lang ang tanging taong umintindi sa akin
no’ng mga panahon na may problema ako sa mga magulang ko. Siya ang naging
sandigan at takbuhan ko no’ng mga panahon na pakiramdam ko ay nag-iisa ako.
Natakot ako, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kanya na baka masaktan
ko lang siya.
But
everything’s changed no’ng dumating si Nhad. Doon gumulo ang tamihik na mundo
namin ng bestfriend ko, the moment na nakita ko sila ni Kenneth na masayang
kumakain sa restaurant na pag-aari ng pinsan ko ay doon tuluyang umusbong ang kakaibang
damdamin sa akin. Nagselos ako, pakiramdam ko ay ginago ako ng mundo.
Ikinatakot ko ang lahat, I was under confusion sa tunay kong nararamdaman kung
dahil lang ba sa nasanay ako na ako lang ang tanging taong nakakapagpasaya kay
Ken o dahil may iba na akong nararamdaman sa kanya. At dahil doon ay nasaktan
ko ang taong pinakaimportante sa buhay ko.
Nakita ko
kung papaano gumuhit ang sakit sa mga mata ni Ken no’ng maabutan niya kaming
nagkakasayahan ng mga katrabaho ko sa apartment, and worst nang makita niya ang
babaeng ikinama ko. When I realized I was jealous seeing Ken happy with another
guy hindi ko maiwasang pagdudahan ang sexual preference ko dahilan para
makagawa ako ng isang bagay na makakasakit sa kanya.
Kinain ako ng
guilt, selos at confusion ko at dahil doon nagdesisyon akong lumayo para
maiwasan ko siyang masaktan, hindi para tuluyang takasan ang problema naming
dalawa. Because I know, I have to weigh things out. Kailangan ko munang malaman
kung ano ba talaga sa akin si Kenneth; a friend or a lover.
Pero mukhang
hindi magiging madali ang lahat, may Nhad na sa buhay nito at base sa mga
nakalap kong impormasyon, mabait na nobyo si Nhad at mahal na mahal nito si
Kenneth. Ngunit alam kong may nararamdaman pa rin sa akin si ken, at iyon ang
panghahawakan ko. Nangako ako bago bumalik na hinding-hindi ako susuko. Na
ipaglalaban ko ngayon ang isang bagay na hindi ko nagawang ipaglabaan noon, at
iyon ay ang pagmamahal ko para sa kanya.
“Oh pinsan,
kanina ka pa ba riyan?” Basag ni Kuya Claude sa akin. Tapos na siguro itong
makipaglampungan sa misis niya.
“Medyo.”
“Masama na
naman ang timpla mo ah, iniwasan ka na naman ba ulit ng irog mo?”
Ngingisi-ngisi nitong wika.
Ang huling
pag-uusap namin ni Ken ay no’ng magdinner ito kasama ang Nhad na iyon sa
restaurant ng pinsan ko tatlong araw na ang nakalilipas. At simula noon ay
pilit na akong iniiwasan ni Kenneth. Ni hindi ako nito binibigyan ng
pagkakataong makalapit sa kanya.
“Masyado na
akong pinapahirapan ng isang iyon.” Nakasimangot kong wika.
“Ikaw naman
kasi, imbes na suyuin mo ang tao ay pinaiiral mo ang kaangasan mo. Believe me,
hindi mo makukuha ulit ang loob ng isang iyon kung ganyang istilo ang gagamitin
mo, been there and done that, at
muntik na akong ipabarang ni Lance noon dahil sa istilong ‘yan. ”
Ako man ay
hindi ko maintindihan kung bakit imbes na suyuin si Ken ay kabaliktaran pa ang
ginagawa ko. Hindi ko kasi maiwasang hindi kabahan kapag kaharap ko ito kaya
automatic na umaandar ang pagiging sira-ulo ko.
Napabuntong-hindinga
na lang ako sa sobrang frustration. Hindi ko alam na ganito pala kahirap manuyo
ng lalaking ubod ng tayog ang depensa. Yeah, alam kong denidepensahan ni Ken
ang sarili niya sa akin marahil dahil ayaw na nitong masaktan ulit, isama mo pa
ang Nhad na iyon na laging nakabuntot sa kanya.
“You’re
hopeless.” Kapagkuwan ay wika ng pinsan ko. “Kailan ka ba kasi matatauhan na
wala ka ng babalikan sa Kenneth na iyon. He already have Nhad, at nakikita kong
mahal siya nito. Why can’t you just be happy for him?”
“I can’t
because I love him and I know he can be much happier with me.”
“Malala ka
na nga.” Napapailing na wika nito. “Hindi
porket dahil minahal ka niya noon ay mahal ka pa rin niya hanggang ngayon
Martin, your missed your chance, kaya kung ako sa ‘yo itigil mo na ‘yan dahil
nagsasayang ka lang ng oras.”
“Matatanggap
ko pa kung sasabihin mong baliw na ako, pero hindi ko matatanggap na sasabihin
mong wala na akong pag-asa. Alam kong natutulog lang sa puso ni Ken ang
nararamdaman niya sa akin at gagawin ko ang lahat para muling buhayin iyon.”
“Paano si
Nhad? Kaya mo bang sirain ang relasyon nila para lang sa pansarili mong
kaligayahan?”
Napag-isipan
ko na rin ang tungkol kay Nhad, wala akong galit na nararamdaman sa kanya kung
hindi selos, sa katunayan dapat ko pa ngang ipagpasalamat na binantayan niya si
Ken no’ng mga panahon na wala ako.
“Mahal na
mahal ko si Kenneth pinsan, nasisiguro ko iyon nang tatlong buwan ko siyang
hindi nakita. Gagawin ko ang lahat para maibalik ang pagmamahal niya sa akin.
Kung kinakailangan kong lumuhod kay Nhad gagawin ko.”
Napabuntong-hininga
ito.
“Mas malala
ka pa pala kesa sa akin.”
Itutuloy:
38 comments:
hehehe ang saya naman. sige lang Matt laban lang ng laban. nagpapakipot lang yang isang yan. :)
I love Matt's character. Kudos to the author. :)
SULIT!!!!
Kuya Z your the best haist kahit ilang araw akong naghintay okay lng...~_^
hehe namiss ko sila claude and happy ksi khit tapos na ang knilang kabnata may mga cameo prin sila
anyways 50-50 na po ako now that we heard(or read) matt pov medyo may linaw though i somehow pity nhad kc bka sapitan nya ang sinapit ng mga pinsan sa may happy s ending nya ^_^ keep it up kuya ang galing mo talaga and your stories are entertaining and inspiring can't w8 for the ending of this story...<3<3
-darwin19
bitin na naman?!!!!
hehehe. ako yata ang unang nagcomment.
grabe, halos oras oras kong inaabangan tong chapter 21 na to, tapos nabitin ako. oh no!!!
pero okay lang... hayaan lang.basta kay martin ako.
sila lang...salamat author.
sunod na!!!
Kawawang matt. Haha!
Go ken, pahirapan mo si Matt! Haha!
Nice one zeke.
--ANDY
I missed you Matt hehehe.. Thanks for keeping Matt alive !!!!!
Omg! I dont know what to feel towards matt! Tsk! Gondo keep it up! :-)
hmmm... kakabitin nnman... huhu... pero worth the wait...
-like q the character of Matt go lang ng go gagawin lahat for his love...
-pero naaawa nman ako kay Nhad he had Ken at his worst... palagi siyang nandiyan for Ken para pasayahin niya ito at para makalimutan niya narin si Matt... pero anu ito? aagawin ni Matt si Ken kay Nhad... haixt... huhu...
next na po...
jOw BeN
dinaig pa ako s pakipot effect!
wahbahahahaha adik! lang sabong n eto :D
Matt show what u've got :D
magugulo na naman utak ni Kenotz.. pero go pa din ako may Martin!!
SULIT.COM........thumbs up kuya zild.
SA WAKAS!!! kaya lang bitin.. hahhahahah! :)
ngaun pa lng naaawa na ako kay nhad..
more twist pa author..
<07>
great matt keep on ganyan lang bawal ang sumuko. Everything will fall to its right place soon basta don't lose hope.
tnx for this nice story. keep on writing....
Ayiiieeee epal ka mart..... Panira ka..
Sana antayin mo na lang na magbreak ung dalawa.. Tsk tsk pathetic mo hehe
nice author... Galing galing
sana me kasunod na
#28
nice...ksao bitin.....hehhehehehehehe ngayon pangpagulo na c martin...kina ken at nhad....haiissst................................ras
Ano ka ngayon Matt????hehehehe the best ka talaga Zild! Thanks thanks!
Sige matt paligayahin mu si nhad, luuhhoooddd.....d! Hahaha naloka ako sa huling hirit ni matt luhuran daw ba c nhad. Hayz carried away lang:-)
-pepzi
tamang tama lang lang na ma feel ni matt yun tsk2 pero team matt parin ako...i remember how dave sinuyo si alex sana ganun rin si matt hahah...by the way mr author sana may love story din jay at brayan na magka tandem sila tsk2 sana lang
jco
wee super ayos ung pag aantay sa chapter na to..hahaha ang galing
go go go matt....kaya mo yan..
super wait aco sa chapter na tuuh.
and hindii nasayang ang pagaantay koo
palaging may nakakakilig na twist ang mga stories
love itt soo much
lalo na ung character ni MATT
goo goo goo FIGHT for your love !
kaloka si claude kala ko nman dii sya katulad ng pinsan nya
pero may point sya because ,, kung mahal mo ang isang tao
wag kang maging sellfish for him. support nlang kung san sya masaya..
---- demure
TWO THUMBS UP SIR ZILDJ :)
Lala~la~lala!
Nalito ako pero, nice poh xa BOss!
(prang oblige 2loy ako mgcomment d2 heheh)
-the boy who hates to kiss-
-KISS-
This the part of the story i like,hearing the side of Matt,keep up the good work,and more update Sir.
Realization is painful, but it's hell when you did not put your realization into action. You will forever regret what could've. Ken still love Matt, that's certain. What's giving him the courge to say that he don't is the fact that he owe something to Nhad, not love but the save he made to Ken when he's drowning from the pain that Matt gave him.. The deepest of Ken's heart lies the love he have for Matt, which is stronger than what he have for Nhad. It's just painful to see Nhad getting hurt. Now the biggest challenge for Ken is: Will he take back the love that once almost killed him,but subconciously he knows he only live for, or the love he have now that saved him and may kill it in the process, eliminate PITY, what will Ken do?
Still nhad pa dib dapat... Matt had his chance.. Nakukulangan ako sa reasons nya... Nhad pa dib.. Haha pero maganda pa din...
ay author...i hate matt...mas gusto ko si nhad...author pls si nhad na lang...thanks pala for posting the updated chapter..you really inspire me with this story..
ayyayyyaayyy! mukhang matatagalan pa yata yung LABABO SCENE! LOL
Go CRAZY MATT! lol
alam mo kung anong malala martin? nung iniwan mo si Kennots na nag-iisa at walang ibang makapitan. Nakita nya si Nhad at ito ang nagpasaya sa kanya, kaya maging masaya ka nalang for him. Pero in spite that fact, mas gusto ko ang love team nyo, kaya go, push the button by mommy dionisia!!!! pumunta ka na kay kennots ngayon at lumuhod sa harap nito!!! naku naku, you've missed your first chance, don't make the second worst! kaya go na! lalambot din ang puso ng isang yan!!! hahahahha
thanks daddy zeke for this chapter... excited much na ako sa susunod. haahhahaha
-eusethadeus-
di ba tama ako na nakita nga ni Martin si nhad at kenots sa restaurant hehehe..mukhang si madam auring number 2 na ako Z...hehehe..ummmm hopless na nga ba talga si martin? sana nga..hehehe
wahahaha.,.,gnda ng story,.,.magkakadikit prin ung mga story,.,nndun prin ung nsa 9 mornings, pti sina dave at alex,.,hahaha,.,, sana next story nman ay kna nicco at lantis,.,tpos jay at mico.,.hahahaha,.,grabe,., lahat na ata sila lalake nrin ang gus2,.,hahaha
ganda! go lang ng go Matt! parang alamm ko na ang susunod na story ni kuya Zild..... About kay Nhad! haha just guessing! :) GB Author!
Yahooo.. very nice chapter Z!
Martin's previous actions
were justified..
Sana maibalik yun mga
kilig scene sa previous
chapter Z, yun real affection
ni Matt towards Kenotz..
Next na! LOL
Nice one. At least sa chapter na ito nakita natin ang side ni Matt!! Go Matt-Kenotz!
Not sure why but na-imagine ko ng kamukha ni Michael Trevino si Nhad. Lalo tuloy ako kinikilig. :)
-Skipper
go go fighting...martin - kenneth still...moduda nuhl saranghae
I'm worried Kay nhads,, he's too good for ken... Sana Hindi matuloy ung prologue.... Hehehe,,
Sana may mamilla to. Aqng tulad ni nhads...
Randy
I was trying not to post a comment but I can't help it. It find it really nice to have a little glimpse of what is happening to some of the characters from the other stories. :) I TOTALLY LOVE IT!
aunoh!nagsalita nrn sa wakas c matt...tingin q magiging mahirap ke matt ang pagbawi ke ken pero cguro sila prn sa huli..dko lang maisip pa kung panong twist ang ggwin ng author..hehe
-monty
Post a Comment