by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
At sa wakas ay natapos ko rin ang chapter na ito! Inabot na
naman ako nang madaling araw! HAHAHAHA Ang adik ko talaga kahit kailan. Anyway,
anywho, enjoy this chapter guys. Naway hindi niyo ako isumpa sa mga mababasa
niyo rito. HAHA ^_^
Salamat sa lahat ng taong nagbigay ng kanilang komento sa
Chapter 19. Napakasarap magpuyat at magpakahirap gumawa ng isang kwento kapag
merong mga taong um-appreciate sa iyo. Hihihi Thank you so mats guys!!!!!!!!!!!!!!
Andy – Gaya ng
hiling mo heto na si Matt ang simula ng kanyang pakikibaka. Let’s see kung kaya
ba niyang paibigin kayong lahat sa kanyang charm LOL. :D
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Hindi parin natitinag si Martin sa kadadaldal habang
minamaneho nito ang kanyang bagong sasakyan papunta sa apartment na tinutuluyan
ko. Sa sobrang pagkabigla ng biglaang pagsulpot nito mula nang umalis ito at
magpakalayo-layo mahigit tatlong buwan na, ay natagpuan ko na lang ang sarili
na nasa loob na ng sasakyan nito nang pasakayin niya ako kanina.
Oo, pansamantalang nakaramdam ako ng pagka-miss dito. I
longed for my bestfriend na matagal ko ng gustong makita pero, agad naman din
iyon napalitan ng pagkainis habang kinakausap ako nito na parang wala lang nangyaring
hiwalayan sa amin. It’s as if he didn’t left me at all, at iyon ang
ikinaaasaran ko. Pakiramdam ko kasi ay parang wala lang sa kanya ang matagal
naming hindi pagkikita habang ako ay halos isang buwang nagluksa.
“Kenotz, nakikinig ka ba sa akin?” Pukaw nito sa pananahimik
ko.
“Oo.” Hindi na ako nag-abalang lingunin man lang ito dahil
sa inis na nararamdaman ko. How could he act like this, habang ako ay heto’t
hindi magkamayaw ang pagtibok ng aking puso?
Na miss ko lang siguro
ang taong ito kaya ganito na lang ulit ang pagwawala ng puso ko. With that
thought, huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili sa magkahalong
inis at pangungulila rito.
“Hindi ka ba masaya na bumalik na ako?” Ang may bahid ng
pagtatampo nitong wika. Hindi ko nga lang alam kung tama ba ang nahimigan kong
iyon dahil nasa labas ng bintana ang tingin ko.
Hindi na ako sumagot pa. Di ba dapat masaya ako ngayon na
tuluyan nang nagbalik ang matalik kong kaibigan? Di ba iyon naman ang gusto
kong mangyari para maibalik namin sa dati ang samahang nasira dahil sa pagiging
makasarili ko noon? Yeah, naging makasarili ako sapagkat inisip ko lang ang
pansariling kaligahan ko, hindi inalintana na p’wede kong masira ang samahan
namin.
“I missed you Ken.”
Sa sinabi nitong iyon ay hindi ko na naiwasang lingunin ito.
Handsome as he always is, mas lalo pa nga ‘atang gum’wapo ito. Tatlong buwan
lang kaming hindi nito nagkita, pero ang laki nang ipinagbago nito. Maaliwalas
na ang mukha nito hindi katulad nang huli kaming makapag-usap. Ang kakaibang
ningning sa mga mata nito ay nagsasabi kung gaano ito kasaya.
What’s your problem about
him being happy with his life? Hindi ba’t masaya ka na rin naman ngayon? Ani
ng isang bahagi ng utak ko.
“Na-miss din kita.
Ang tagal mong nawala Matt. Saan ka ba naglagi?” Pinilit kong iwaksi ang
mga namamahay na agam-agam sa aking isipan. I should be happy that he’s back
now. Iyon naman talaga ang tanging bagay na hinihiling ko – ang magbalik ito.
Ipinangako ko noon na kapag bumalik ito ay gagawin ko ng tama ang lahat sa
amin. May Nhad na ako na mahal ako.
“Tama nga ako, hindi ka nga nakikinig sa akin.” Tila may
bahid ng tampo nitong wika. “Kanina mo pa naitanong iyan at ang haba na ng
isinagot ko wala ka palang naintindihan.”
“Pasens’ya na, medyo nagulat lang talaga ako na narito ka na
ulit ngayon.”
Panandalian muna nitong ibinaling ang tingin sa akin mula sa
kalsada, giving me his very handsome smile.
“Sinorpresa talaga kita. Anyway, uulitin ko na lang ang
sinabi ko tutal malakas ka naman sa akin. Sinama ako ni mama sa California to
give a visit to her only sister. Para na rin daw makilala ko ang mga pinsan ko
na naninirahan doon.”
“Nasa ibang bansa ka pala.” Tatango-tango kong sabi. “I’m
glad na okey na kayo ng parents mo.”
“Okey na kami ni mama, kami ni papa casual lang. Simula nang
umuwi ako sa bahay ay hindi pa kami nag-uusap ng matino. Ini-expect ko na nga
no’n na susumbatan niya ako pag-uwi ko but he didn’t. Wala na talaga siyang
pakialam sa akin.”
“I don’t think so.” Kontra ko naman. “Kailangan lang
sigurong isa sa inyo ang lumapit at magsimula ng usapan para magkalinawan
kayo.”
“You think so?”
Nakakapanibago na hindi ito kumontra sa sinabi ko. I know
how much he hated his father at noon kapag may bagay akong sinasabi para
mapag-ayos ang mga ito ay lagi itong kumukontra. He did change for the better.
At masaya ako na handa na siyang ayusin ang problema niya sa pamilya niya.
“Matagal ka ring nawala pare, saan ka ba nagpunta?”
“Nagbakasyon lang para makapag-isip.”
Dahil na rin sa matagal kaming hindi nagkita ni Martin ay
inanyayahan ko itong doon na lang sa apartment namin maghapunan kasama si Nhad.
Si Lantis naman ay sinabing hindi niya daw kami masasamahang mag-dinner sa di
malamang dahilan. Siguro, hindi pa tapos ang pag-uusap nila ni Nico.
Habang inihahanda ang pagkain ay hindi ko mapigilan ang
hindi mapatingin sa dalawang lalaki na nakaupo na sa mesa. Martin is wearing a plain
red shirt paired with a dark blue denim jeans and Nhad wearing his all white
uniform. They both look dashingly handsome.
Maliit lang ang mesa namin sa loob ng apartment para hindi
nito masyadong maukupa ang space. Magkaharap na nakaupo sina Nhad at Martin
habang ako naman ay sa gitna. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang biglang
pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Matt. Ang kaninang kislap na nasa mga mata
nito ay naglaho bigla at napalitan ito ng blankong ekspresyon.
“Here.” Wika ni Nhad at ito na ang naglagay ng kanin sa
aking plato. “So, pare babalik ka ba ulit sa pagtratrabaho rito sa amin?”
Iyon din dapat ang itatanong ko sa kanya kanina. Hindi lang
ako makasingit dahil hanggang sa loob ng bahay ay ito pa rin ang dumadaldal.
Kung hindi lang dumating si Nhad ay hindi ito titigil. Pakiramdam ko tuloy ay
na-miss talaga ako nito.
“Hindi na.” Tila wala sa sarili nitong sabi, habang ang
tingin ay nasa ginagawang paglalagay ni Nhad ng kung anu-ano sa plato ko.
Nakaramdam ako ng disappointment sa naging sagot nito. Kung
gano’n, pansamantala lang pala ang pagkikita namin. Inakala ko kasing dito na
ulit siya magtratrabaho at makakasama ko ulit siya katulad noon. Pero okey na
iyon, ang importante ay nagbalik na ito. May chance na akong maibalik ang dating pagkakaibigan namin.
“Are you here for business?”
“No, I’m here to claim what is rightfully mine.” Matatag
nitong sabi. Habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Nhad.
Sa di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng tensyon sa loob
ng apartment na iyon. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito nang sabihin
nito na kaya ito napadpad ulit sa lugar naming to claim something. Hindi ko na lang
iyon binigyan ng pansin.
“Kumain na tayo.” Pagsingit ko para kahit papaano ay maagaw
ang pansin ng mga ito. “How long will you be staying here Matt?”
“Pinapaalis mo na ba ako?”
“Sira, tinatanong ko lang. Hindi na kasi bakante ang k’wartong
iniwan mo kaya kung magtatagal ka rito wala kang matutuluyan.”
“P’wede naman akong maki-share ng k’warto sa ‘yo ‘di ba?”
Sa tinuran nito ay bigla na namang nagrigudon ang puso ko. I
know, dapat hindi na ako nakakaramdam ng gano’n. Kinalimutan ko na ang
nararamdaman ko kay Martin besides, I already have Nhad. Agad kong pinakalma
ang puso ko pero bago pa man ako makasagot, naunahan na ako ni Nhad.
“I don’t think that’s possible pare, medyo may kasikipan ang
k’warto ni Ken. But I can help you find a place to stay kung talagang kailangan
mo ng matutuluyan.”
“Ayos lang, sanay naman kaming magkatabing mahiga. `Di ba
Kenotz?”
Agad akong nakaramdam ng pagkabalisa nang bigyan ako ni Nhad
ng makahulugang tingin.
“Hindi ba niya alam Kenotz?” Tila inosenting tanong naman ni
Matt.
“Nagtatabi kayong matulog? Hindi ba dalawa ang k’warto
dito?” Sunod-sunod nitong tanong. Bakas ang pagtataka sa mga mata nito.
“M-minsan lang iyon no’ng pumunta rito ang mama niya at dito
sa amin tumuloy.” Maagap ko namang pagpapaliwanag. Ewan ko pero medyo
nakaramdam ako ng inis sa ginagawa ni Martin. Para kasing nananadya ito na ‘di
ko mawari.
“Hindi ka p’wedeng dito tumuloy Matt. Hindi na pinapayagan
ni Manang Susi na may ibang taong tutuloy sa apartment bukod sa mga
nangungupahan.”
Ang totoo, wala namang gano’ng sinabi ang pobreng may-ari ng
apartment namin. Nakaramdam lang ako ng inis sa ginagawa nitong pananadya na
para bang may gusto itong patunayan na hindi ko maintindihan.
“Gano’n ba? Sige, hahanap na lang ako ng ibang matitir’han
habang narito ako.”
Natapos ang dinner na iyon na hindi na masyadong kumikibo si
Martin, ako naman ay nakipagk’wentuhan kay Nhad. Mabuti na lang at hindi na ito
nag-usisa pa patungkol sa mga nalaman nito, marahil ay nakuntento na ito sa
naging paliwanag ko.
Nang parehong makaalis ang dalawa ay nabigyan ako ng
pagkakataong makapag-isip sa mga naging reaksyon ko kanina. Masyado nga yata
akong nangulila sa presensiya ni Matt para mag-react ako ng gano’n. Pero may
kung anong bumabagabag sa akin na hindi ko matukoy. Parang may kung anong dapat
akong paghandaan sa pagbabalik nito.
“Diretso ka na ba sa inyo Ken?”
Kasalukuyan kong
kinukuha ang mga gamit ko sa locker. Katatapos lang ng shift namin sa araw na iyon.
Napilitan kaming mag-overtime ng dalawang kasamahan dahil sa marami ang tawag
sa araw na iyon.
“Oo, medyo inaantok na ako eh.”
“Sumama ka na lang kaya muna sa aming mag-lunch. Masarap
matulog ng may laman ang tiyan.”
“Kayo na lang siguro Jay, wala na akong lakas kumain. Gusto
ko na lang sumampa sa higaan ko at matulog.”
“Ang sabihin mo, si Nhad ang kasabay mo.” Wika naman ng
kadarating lang na si Rachalet. Kasama ang boyfriend nito at si Chelsa.
“Nakakahalata na kami sa ‘yo Kenneth, ha. Mula nang maging opisyal ang relasyon
niyo ni Nhad in-itsap’wera mo na kami.”
“Hindi mo siya masisisi girl. Ako man, kung kasing wafu ni
Nhad ang magiging fafa ko ay sa kanya
na ako laging didikit.” Singit naman ni Chelsa.
“Hindi naman sa gano’n.” Pagdepensa ko naman sa sarili ko.
“Nasapawan na talaga ng antok ang appetite ko.”
Ang totoo lagi naman kaming magkakasama ng mga ito. Simula
ng mawala si Matt ay lagi na akong dumidikit sa kanila kasama si Nhad. Kapag
sila kasi ang kasama ko natatabunan ng mga kalokohan nila ang bigat ng dinadala
ko.
“Huwag niyo nang pilitin si Ken, pinagod siguro siya ni Nhad
kagabi kaya wala na siyang energy ngayon.” Ang gatong naman ni Rex. Bagay na
bagay talaga itong mapareha kay Rachalet. Likas din kasi ang pagiging polluted
ng utak nito.
Inulan ako ng tukso galing sa mga ito na sinagot ko lang
nang pangiti-ngiti at pag-iling. Walang k’wenta kung magpapaliwanag pa ako sa
kanila. Aaksayahin ko lang ang laway ko dahil tiyak naming lalo lang akong tutuksuhin
ng mga ito.
Magkakasama kaming lumabas ng opisina. Habang abala ang mga
itong pag-usapan kung saan sila kakain ay abala naman akong basahin ang mga txt
messages ko galing kay Nhad. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang
mabasa ko ang huling mensahe nito.
Morning Ken ko! Tapos
na ang shift ko. I’ll take a rest first then I will be at your place before
dinner. Na-miss na agad kasi kita and I want us to have a dinner together bago
tayo pumasok sa mga trabaho natin mamaya. Ingat ka sa pag-uwi! I love you.
“Earth calling Kenneth!” Ang may kalakasang wika ni Chelsa.
“Hah? Bakit?” Takang tanong ko naman dito.
“Hay naku! Basta talaga si Nhad, nawawala ka sa katinuan.
Sabi ko, isama mo si Nhad sa Friday.”
“Bakit, ano ang meron sa Friday?”
“Ihampas ko kaya itong bag ko sa iyo nang maalala mo?” Tila
asar nitong wika. “Birthday ko sa Friday at nagkasundo na tayong mag-bar.”
Oo nga pala, kaarawan pala ng demonyitang ito sa biyernes
kaya nga napilit ako nitong um-absent sa araw na iyon.
“Nakalimutan ko. Sige sasabihan ko siya.” Ang napapakamot ko
sa ulong wika. Sadya nga ‘atang hindi na umaandar ng tama ang utak ko sa
sobrang antok.
Magpapaalam na sana ako sa mga ito nang marating namin ang
pinag-pa-park-ingan ng sasakyan ni Jay at Rex nang biglang sumulpot galing sa
kung saan si Matt.
“Mabuti naman at lumabas ka na. Kanina pa ako naghihintay dito.”
Sa pagkagulat ay hindi agad ako nakapag-react, ni hindi ko
nga alam kung saan ako nagulat. Kung sa biglang pagsulpot ba nito o sa hitsura
nito ngayon. He’s wearing a green polo shirt na hapit sa katawan nito and gray walking
short paired with also gray gazelle of shoes. Pati ang mga kasama ko ay
pansamantalang natigilan nang makita ito.
“M-Matt? Anong ginagawa mo rito?
“Sinusundo ka, so we can have lunch together. Hindi tayo
nakapag-usap ng matino kagabi kasi may asungot na dumating.”
“Pero ––”
“C’mon, I drove my ass here for almost 3 hours just to have
lunch with you.”
“Ano? Ibig sabihin ––”
“Yeah, galing pa ako sa atin. Let’s go?”
“Teka teka.” Ang biglang sabat ni Chelsa. “Who are you
handsome?”
“I’m Martin.” Simpleng sagot nito.
“Martin? I thought your name is Matt?” Walastik talaga ang
kakulitan ni Chelsa.
“Only Ken can call me Matt.” Wala naman sa boses nito ang
pagsusuplado pero halata ring wala itong panahong makipagkulitan kay Chelsa.
Naalarma ako nang balingan ako ng mga katrabaho ko ng
tingin. Bakas sa mga mata nito ang pagtataka. Parang biglang akong nakaramdam
na kailangan kong magpaliwanag.
“Bestfriend ko siya.” Agad kong wika. “Matt na ang
nakasanayang tawag ko sa kanya.”
“`Yong dating kasama mong nangungupahan sa apartment?” Si
Jay.
“Oo, siya nga `yon.”
“Ang gwapo niya.” Wala sa sariling wika ni Chelsa na
nakaangat ang tinging nakatitig kay Martin na para bang nakakita ng isang
artista. Well, pang artista naman talaga ang dating ni kolokoy lalo na’t
matangkad ito at maganda ang pangangatawan. “P’wede ba kitang halikan?”
Sa sinabing iyon ni Chelsa ay doon na ito hinila ni
Rachalet. Alam na siguro nitong nag-activate na naman ang kagagahan ng
kaibigan-cum-katrabaho namin.
“Totoo bang galing ka pa sa atin?” `Di makapaniwalang tanong
ko rito.
Nasa isang restaurant kami at kasalukuyang linalantakan ang
in-order nitong mga pagkain na halos lahat ay paborito naming dalawa. Nawala
bigla ang antok ko sa pagkagulat sa biglaang pagsulpot nito sa labas ng opisina
namin kanina kaya naman sumama ako sa kanya, isama mo pa ang ginawang
pagmamaneho nito ng mahigit tatlong oras para lang yayain akong mag-lunch ay
hindi ko na ito magawang tanggihan pa. Gusto ko rin naman na kahit papaano ay
magkaroon kami ng oras makapag-usap, medyo may katagalan din kaming hindi
nagkita at talagang na-miss ko ito.
“Mukha ba akong nagbibiro?” Ang nakangiti nitong tugon.
“Akala ko ba maghahanap ka ng matutuluyan kagabi?” Na-guilty
naman ako kung bakit hindi ko pa ito sa apartment na lang pinatulog. Napilitan
pa tuloy itong magmaneho pauwi.
“Kulang ang dala kong damit. Mukha kasing matatagalan pa ako
rito kaya kinailangan kong umuwi para kumuha ulit.”
“Ang lakas talaga ng sayad mo. Ano ba talaga ang rason at
nandito ka?”
“Itinanong na sa akin iyan ng kolokoy na `yon kagabi. I’m
here to claim what is rightfully mine.”
“His name is Nhad.” Pagtatama ko. “At ano naman ––”
“Ano ang relasyon mo sa kanya?” Biglang putol nito sa iba ko
pa sanang sasabihin.
Hindi ko alam kong papaano ko sasabihin sa kanya ang tungkol
sa amin ni Nhad. Alam nga ni Martin ang tunay kong pagkatao pero hindi ko naman
alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman niyang boyfriend ko na si
Nhad. Baka mailang ito sa akin dahil alam ko namang hindi ito sanay na may
nakikita siyang lalaking may relasyon sa kapwa lalaki.
“Ah.. Eh.. Kumain na lang kaya muna tayo?” Pag-iiba ko ng
usapan pero hindi nito kinagat iyon. Mataman lang akong tinitigan nito at ng
salubungin ko ang mga mata nito ay muling bumilis ang tibok ng puso ko. He had
a pair of chocolate brown eyes na sigurado akong namana nito sa kanyang ina at
habang nakatitig ako sa mga mata nito hindi ko magawang umiwas.
“Babawiin kita mula sa kanya.”
His declaration really shocked the hell out of me. Ni hindi
ko nga alam kung tama ba ang narinig ko mula rito o isang imahinasyon lang.
“Nagpapatawa ka na naman Matt. Mabait si Nhad, kung
kikilalanin mo lang siya baka magkasundo rin kayo.”
“Seryoso ako Kenotz.” Pati ang mga mata nito ay hindi
mababakasan ng anumang bahid ng pagbibiro. Ang uri ng tingin nito sa akin ay
nagbigay ng kilabot sa buo kong katawan.
“No you’re not.” Nakaramdam na ako ng pagkaasar. Ayaw na
ayaw ko ang pinaglalaruan ang damdamin ko.
“I will claim back what’s rightfully mine, at ikaw iyon
Kenneth Jeh Quijano. Kaya ako nagbalik dito dahil tapos na akong makapag-isip.”
Natawa ako ng pagak. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari
at lalong hindi ko alam kung ano ang binabalak nito. Naguguluhan ako, tila masyadong
mabilis ang lahat. Kung kelan nakapagdesisyon na ako na tuluyang kalimutan ang
nararamdaman ko sa kanya ay heto naman siya at magde-deklara ng kung anu-ano.
Laro lang ba talaga ang lahat sa kanya?
“This is crazy. Kung kaya ka lang bumalik dito ay para
guluhin ulit ang tahimik kong buhay mas mabuti pa ngang hindi na tayo magkita
pa ulit. Tinanggap ko nang hindi na p’wedeng maging tayo, `wag mo namang
paglaruan ang damdamin ko.”
“Hindi ako nagpunta rito para guluhin ang buhay mo. Nagpunta
ako rito para ayusin ang lahat ng hindi ko nagawang ayusin noon dala ng
kalituhan ko ng mga panahong iyon. At hindi kita pinaglalaruan Ken, this time,
kaya ko ng suklian ang nararamdaman mo.”
Tuluyan ng umapaw ang galit sa akin. Kahit anong pilit ko
hindi ko magawang ikatuwa ang mga naririnig sa kanya. Pakiramdam ko kasi para
lang akong isang sangkap na kukunin tinambak sa isang tabi at gagamitin lang
kapag kailangan na. At ano ang gusto nitong palabasin, na hanggang ngayon ay
pareho pa rin ang nararamdaman ko sa kanya? Na hanggang ngayon ay ako pa rin
ang Kenneth na naghihintay na mahalin niya? Gano’n ba kababaw ang tingin nito
sa akin?
Huminga ako ng malalim, pilit pinakalma ang sarili. Ayaw
kong makahakot ng audience at napapansin kong nagsisimula nang mabaling ang mga
pansin ng mga kumakain sa naturang restaurant na iyon sa gawi namin.
“Ano ba talaga ang balak mo Matt?”
“Ang agawin ka kung kinakailangan mula sa Nhad na yon.”
“Mahal ko siya.”
“Minahal mo rin ako.”
“Mahal niya ako.”
“Mas mahal kita. At di hamak naming mas mahaba ang pinagsamahan
natin.”
“Tang-ina naman Matt!” Hindi ko na napigilan ang sumabog.
Magkahalong pagod, antok, at pagkalito ang biglang sumakop sa buo kong katawan.
“Alam kong marami akong naging pagkakamali sa ‘yo noon, at
handa akong itama ang mga pagkakamaling iyon. Alam ko rin na p’wedeng nagbago na
nga ang nararamdaman mo sa akin pero handa akong gawin ang lahat para maibalik
lang iyon. Call me selfish Ken, but no one, nobody can take away my happiness
from me. Again, I’m here to claim you back, by hook or by crook, come high or
low waters.”
Itutuloy:
62 comments:
lumabas na din sa lungga ang alaga ko! hhahaahhaah.. Go Matt!!!
Really love this.... this is really it Mr. Z...
At ako pa ang unang nkpag comment ah!
Great job!.. sana sana sana maging sila nga..
Fr. ur # 1 reader;Burj of Abu Dhabi
Nku Matt ecplain well!!!! Matagal aqng nagluksa!!!! Hnd pwd ng bsta k n LNG susulpot.... I hate you!!!!! I don't love you anymore!!!!
Cge kenitzzz nag walkout k n!!!!
Randy
Ngek. Haha. Sige it's your turn na manuyo. Pero ngayon pa lang naaawa na ko kay Nhad kasi halata namang si Matt pa din ang mas matimbang kay Kenotz.. This chapter's worth the wait. Thanks sir z :-)
blue fox
I dont know how to react! Tsk. I think i like nhad better para kay ken! Matt is a selfish brat! Though natuwa ako na handa na siya ipaglaban si ken. Alam naman natin ang kakalabasan base sa prolouge na hihiwalayan niya si nhad which obviously states that this story is for matt and ken talaga! Sana lang magturn around! Ahaha.. Pero sige na nga. Cute naman ang matt-ken together. Sige na lang!
Ivan d.
Buti na lang hindi agad bumigay si Ken. Feeling naman si Matt masyado, matapos mong iwan si Ken, ngayon babalik ka na parang wala lang? How dare you! :p
hindi mo sya pag-aari Matt!!
Ken wag ka magpakamartir. Nandyan na si Nhad para sayo.
zeke, pagawayin mo pa si matt at ken para masaya. Sana wag agad bumigay si ken. :p
thanks sa update.
--ANDY
go MATT!
.-frontier
THE RETURN OF THE COMEBACK! GO MATT! claim what is Rightfully yours! ayiiieee! yow Z, sa next chapt na ba yung lababo scene? LOL
ang adik ni martin.. lol haha
antok pa ko haha.
-emman
hahahahahaaha...grabe si matt..palaban. para siyang sundalo na inalam mo na ang lahat ng strategy bago pumasok sa laban,,tama kasi gyera ito pagnagkataon..happy talaga ako..go matt and kenots..bye nhad...
hahaha balimbing tlaga ako kahit kailan..galing Z..super galing..sulit na sulit ung araw ko nito sa trabaho..
Grabe naman...sobrang kilig naman ang pagdating ni Matt...sobrang galing mu po kua Z..idol, nagawa mu na po yung request ni andy na ilabas ni matt yung tunay na siya..keep up the good work.
-iamronald
Nice as in very, very, very nice. Its worth the wait. Come high or low waters... Sige matt kidnapin ang salawhang kenots na yan. Si nhad, di ba mabait sya? Maiintindihan nia yan at tsaka nandyan naman si Chelsea hahaha.
weee.... Dyan na c matt...
Kahit nung cmula pa man.... Kenotz at matt n tlga c aketch!! Jajajajaj....
"matotz" forever!!!
Lhub u author... Galing mu tlga.... Jajajaj...
-lance
waaahhh.. this is it..
love it..
God bless.. -- Roan ^^,
hong gondo. na-eexcite tuloy ako. XD
Uuuuwwwwowwww..after moving on eto nagbalik ang tao na naging dahilan ng lahat.....goodluck matt and very goodluck ken ,make a wise decision....nakasalalay ang magiging kapalaran mo dito and for nhad and matt let's the battle begin ahaha and ,may the best win.......:):):):)
Ayan n nmn si Ken! haizt si Matt talaga! Kung hindi k lng duwag nuon! Sabagay mas magandang pag-isipan muna ang mga bagay bagay kesa magpadalus-dalos at least ngayon buo na si Matt. Go Matt! hehehehe dati go Nhad????bleh!=P...pero pano nga nmn ang mga taong masasakatan????Pano kung huli n nga ang lahat???isip Matt, baka magkasakitan uli kau.
Nhad over Matt. Enough said.
go Matt! hahahahaha dati go Nhad! This time sigurado n si Matt. Kung di ka lng naging duwag nuon! haizt pero mabuti n ang sigurado. sana hindi p huli ang lahat!
Ako din i'll go for nhad para kaya ken. Though mahal pa din ni ken si matt but still may pagtingin na din sya kay nhad. Hindi naman laruan o pagkain si ken na kung kailan napag isipan na ni matt ng gusto na nya eh saka sya babalikan. Remember ken suffers from matt's selfishness. Ganun lang ba yun after mo saktan eh saka mo aaluin. Sabi nga aahin pa ang pulis kung ok na ang sorry. If I were Ken i weigh ko kung sino ba talaga yung mag i stay sa akin through thick and thin and not what he feels kasi base sa kwento may pagtingin na din sya kay nhad and sooner or later eh mas mahihigitan pa nito yung kay matt kung bibigyan lang nya ng chances kasi nhad's personality is lovable naman talaga. It would be better kung magiging best friend na lang sla ni Matt.
Any ways kuya zeke kaw po author kaw bahala hehehehe basta i love your work po....
----Jake
pre z. tnx
nhad nlng. mahirap kalimutan ang mga nangyari,
hans
waahh super gandanman po ng chapter na to.. i hope wala lng magkasakitan physically sa gagawing pagbabawi ni MATT kay KENOTZ niya :))) weee hope to have another update tonight or tom..haha
kudos to sir zildjian :)
tama magdusa ka naman matt... pero ok ka pa rin para kay ken., sana chapter 21 na
i like Matt! Go! Matt!
I need matts side... Woohhh... Exciting...
sabi nga nila first love never die..kaya you can't blame kenotz if he chose matt..ahhahah
-iamronald
its getting more and more interesting.... i'm waiting on how nhad will react on this and how the 3 characters will clash!
-jm
yes!!!! natauhan na rin si matt sa feelings nya kay ken. i hope di na masyadong mahirapan si matt sa na udlot nilang love story nila sa mga naka raang chapter. and this time sana si ken wag naman maging hard to get, even if kasalanan ni matt, atleast pag isipan nyang mabuti kung saan at kanino sya lubos na sasaya, kay nhad ba na jowa nya ngayon or kay matt na mahal nya simula pa lang nung una at kahit hanggang ngayon na meron pa ring 65% si matt sa kanya. :))
ayan na. haha. kakabasa ko lang ng story and i like it! part pa din pala ng series to. di pa din nawawala si nico at lantis na pusa pinagaawayan.
next chap na! :D
*basa muna bago ituloy ang sariling story*
wala pa ding kupas! part din pala to nung naunang tatlong series. di pa din nawawala yung pagtatalo nung dalawa dahil sa pusa.
next na!
dapat ibayong efforts ang gawin ni matt ke kenotz. ramdam ko ang feeling ni ken.
*basa muna bago magtype ng sariling story*
ang GONDOOOO!
super exciting tlga..
--- MAKE BELIEVE na kenotz
kaso unfair kasi si MATT ee.
true nga ung sabi ni kenots na para lang syang kasangkapan na itatabi sa sulok at kukunin kung kelan nlang nya gagamitin..
how about nhad nman super nagmamahal sya :'(
<---- demure
wow this is it.
dpat maging handa si Kenotz sa mga consequences na magaganap if he needs to choose between Matt and Nadz. Cgurado magulo yan.
Anyways tnx for this great chapter. teecee and god speed
HAHAHA! Hanggang ngayon ba Makki-san di mo pa rin nakakalimutan ang scene na yon LOL. BWAHAHAA ANG HALAY MO!
OMG! how dare you matt! bigla ka na lng babalik pagkatapos ng lahat.
unfair nman un kay ken at nhad. :(
<07>
yan na nga sabi ko kung kailan meron ng nhad c ken......hahahbol hbol nmn tong s matt ...oh ano ka ngyon mattt........yan kc..................................................ras
"No, I'm here to claim what is rightfully mine"
LOL. Very well said. Pero bakit kea d masyado maramdaman
ang sincerity ni Matt? Sana majustify lahat ng actions
na ginawa ni Matt kay Kenotz para mas realistic
and dating. It needs a lil flashback sa mga
bitin na eksena sa previous chapters. Martin
can't take Kenneth back just like that.
More exciting scenes to come Z! thanks
"i'm here to cLaim what is rightfuLLy mine"
matt, you can cLaim me anytime...
hahaha!!...
and now the battLe begins...
haba ng hair ni ken...
umabot hanggang dito sah cebu...
hehehe...
great chapter kuya Z...
you did it again...
- edrich
Anu ba naman naman! Shet! Nkkagulantang naman si Matt! Sobrang inaliw ako ng chapter na ito. Ah ah!
Salamat Zek!
Tagasubaybay
Adolfo Enrique Aguillar
Aka PAT
ayan na!!! wiwit!! go matt!!! hihihih, bawiin mo na! Kennots is rightfully yours, kaya walang sino man ang may karapatang humadlang sa inyo!!! hihihihi, PAKIPOT LANG TALAGA MASYADO YANG SI KENNETH JEH QUIJANO NA YAN PERO BIBIGAY DIN YAN!!!! HAHAHAHHAHAHAHAHA
THANKS DADDY ZEKE FOR THIS CHAPTER, KINILIG AKO!!! WAHAHAHAHHA!!!!
-EUSETHADEUS-
hahaist...anu ka ba naman Matt...tapos mong ewan si Ken...ngayon..bigla bigla kang susulpot at aagawin mo pa si Ken kay Nhad...WT...anu ba problema mo Matt...hahaha pero go go go lang Matt...kaya mo yan...wahahaha
next na hehehe
yun na!!! pati puso ko nagririgudon sa mga sinasabi ni matt.
SIYA na lang, kenotz.
WHAT MATT SAID WAS BREATHTAKING..I WAS AT AWE AND SAW MYSELF SMILING AND LAUGHING WHILE I PICTURE OUT THOSE SCENES..
GOOD JOB KUYA ZEKE..TWO THUMBS UP!
-Jay
"i am here to claim what is rightfully mine.."
--award!!!
Huuuuuwaaaaaattttttttt
get lost matt... I swear papasalvage kita
tsk tsk
#28
mahalay daw oh! di naman.. kinahihiligan lng... lol... ayaw lng magpahalata! LOL ayun oh! gusto din nya yung lababo scene.. yung tubo ng gripo wag kalimutan! bwahahaha :P
KENHAD parin ako
“No, I’m here to claim what is rightfully mine.” This is BC!!!! Hahaha, i mean c'mon Matt you shut Ken out of your life, you broke his heart a gazillion pieces and besides there was never a "relationship" between u and Ken, u and him are mere roommates. Then you barged into his life and planning to ruin it. You left him devastated while you do ur "sorting out" whatever. I understand why Ken reacted that way to ur declaration of u coming back and claiming whatever back. Hehehe sorry author i was so into the chapter and I just have to post what I would say to Matt, but this is chapter is really really good......next
matt pa rin ako...kuya sana magkaroon ng live story si jay at brayan kasi bagay sila parehong madaldal
jubert co
napansin ko lang po,, nung sinabi ni Matt na" Mahal kita" bkt parang walang reaction si Kenotz??
randy
At ang sabi ng utak ko, AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
kilig.. sana may next na.. haha.. First time mag-comment. ;)
^_^
Nhad prin ako!!
-darwin19
kuya zildjian.. next chapter na poh plsssssssssss...
i cant focus on my review..
ahahahhahah..
kakaabang sa next chapter nito..
_team nhad ako..
:)
wew! nakahabol din.. di ako natulog just to finish all the chapters of this story..
i'm actually torn between matt and nhad..
i'll just let kenotz decide.. hehe.. :)
galing mo talaga kuya author.. fan na talaga ako ng mga stories mo..
-london-
OHA!!! Go Matt! Kunin mo na si Ken kay Nhad!! :D
-Charlette Paul
I think Nhad deserves Ken because he loved him at his worst. Pero we can't force someone to love another someone.. kung pede lang yun eh di sana kami pa rin ng ex ko. :)
Mr. Author next na pleasE? Im ssooo cant concentrate! :-)
Ivan d.
hmmm... next na po... can't wait na super excited for the next chapter...
by the way silent reader mo for so long n nagcomment na din sa wakas... hahah... super like your blog and even more your stories...
jOw BeN
Been silently reading stories here, pero di ko mapigilan hindi magcomment. Napaiyak ako ng series na ito. Keep up the good work!
-Drew
Kuya Zekiel!! and ganda ng tagpuan dito ah!! nakakawala ng antok ngayong dis oras ng gabi!! pero nakaka nosebleed ang sinabi ni Martin sa kanyang huling pahayag huh!! palaban! hahaha
beucharist!
shaks!!nawindang talaga aq ke matt!!haha...susme,,nakakatulala siya ha!?haha..pero goooOOooO matt!may the best man win!hihihi...
Haba ng hair ni ken!:D
-monty
ang galing!!
Sangay, mas gusto ko parin si Matt, sana sila magkatuluyan di naman kasi bakla si Matt and knowing ones self doesn't take a day of realization, kaya kong mahal mo ipaglaban mo... It would be up to Ken to decide kong saan sya magiging masaya... hahahaha...
-Jake din-
Post a Comment