Tuesday, May 8, 2012

Make Believe Chapter 19


by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories

Author's Note:

Maraming salamat sa paghihintay at pasensiya na kayo kung na delay itong chapter na ito. Tulad ng lagi kong sinasabi, sana ay magustohan niyo ang chapter na ito. Enjoy reading guys at ingat tayo lagi.


Kristoff Shaun – Pasensiya na talaga kagabi. Medyo wala lang ako sa mood kaya nasabi ko yon. Sana peace na tayo at para sa iyo ang chapter na ito bilang peace offering ko. Hehehehe ^_^V


Sa mga taong nag-e-email naman sa akin. Maraming salamat sa oras niyo guys. Hindi ko man agad narereplayan ang mga email niyo. Rest assured na binabasa ko naman iyon. Sadyang tamad lang ako minsan mag-open ng email at sa sobrang dami ng notifications doon hindi ko agad napapansin ang email niyo.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“Ito po si Lantis ang sinasabi ko sayo Manang Susi na intersado mangupahan sa apartment.”


“Siya ba? Ka gwapong bata naman nitong kaibigan mo iho.” Ang nakangiti nitong sabi.


“Salamat po.” Tugon naman ni Lantis.


Napag-alaman nitong bakante ang isang kwarto sa inu-upahan kong apartment. Kinausap ako nito kung pwedi siyang mangupahan kasama ko. Hindi naman ako nagdalawang isip dahil naging kaibigan ko na rin ito sa nagdaang mga buwan. Suplado, hindi palasalita at minsan lang ngumiti si Lantis pero hindi maikakailang mabait na tao ito tulad ng mga kaibigan niya.


“Malamang nasabi na sa’yo nitong si Ken ang patakaran ng mga nangungupahan sa apartment ko. Ayos lang sa akin na mahuli kayo ng bayad basta abisuhan niyo ako agad para naman magawan ko agad ng paraan.”


Sadyang mabait talagang si Manang Susi. Kahit sa amin no’ng bago palang kaming nangungupahan sa kanya ay mabait na ito. Matagal ng pumanaw ang asawa nito at ang dalawang anak niya ay nasa ibang bansa na at doon nagtra-trabaho. Ang apartment na dati nitong bahay ay iniwan niya nang ipagpatayo siya ng kanyang mga anak ng bagong bahay na mas maganda at malaki sa una.


“Huwag po kayong mag-alala. Babayaran ko na ngayon ang unang tatlong buwan ko rito para wala akong maging problema at hindi rin kayo mamuroblema sa akin.”


Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit biglaan ang paghahanap ng matutuluyan si Lantis. Ang alam ko, tulad nina Nicollo, Jay at Maki ay may kaya rin ang pinagmulan nitong pamilya. Pero dahil sa hindi naman talaga ito palasalita hindi ko nalang ito inusisa pa.


Kinuha nito ang wallet niya mula sa kanyang back pocket. Ini-abot nito kay Manang Susi ang bayad para sa unang tatlong buwang bayad nito. Hindi talaga ito mahilig sa mga paligoy-ligoy na usapan.






“Akala ko hindi na matutuloy ang paglipat mo ngayon.” Bati ko kay Lantis ng mapagbuksan ko ito ng pinto. Matapos nitong makausap ang may-ari ng apartment kahapon ay nagdesisyon itong ngayon na siya agad lilipat. Halatang wala itong gustong sayangin na oras.


“Nagkaproblema lang, hindi ko mahanap si Karupin.” Simpleng tugon nito.


Nginitian ko nalang ito at tinanguan bilang pagtugon kasabay ng pag-abot ko sa isa sa dalawang malalaking bag na bitbit nito.


“Kung hindi mo mamasamain Lantis, bakit biglaan ata ang naging desisyon mong mangupahan? Di ba may sarili naman kayong bahay dito?” Due to my curiousity hindi ko napigilan ang tanungin ito. Well, hindi naman ako nag-eexpect na sagutin nito ang tanong ko ang gusto ko lang maitanong iyon sa kanya na hindi magawa ng mga kaibigan nito marahil ay dahil alam ng mga ito na wala silang makukuhang sagot kay Lantis.


“Because of the unwanted visitor we have.” Bumakas ang galit sa mga mata nito sa di malamang dahilan ng mabanggit nito ang rason kung bakit ito biglaang nag-alsa balutan.


Maski ako ay nakaramdam ng kaunting takot sa nakita kong galit sa mga mata nito. Kung ano man ang dahilan ng galit nito sa tinutukoy niya ay paniguradong malalim ang pinagmulan. Hindi ang tipo ni Lantis ang madaling magpakita ng ekspresyon. At sa nakikita ko ngayon sa kanya hindi makakabuti kong uusisain ko pa ito at baka kami pa ang mag-away.


“Ito ang magiging kwarto mo.” Pag-iiba ko ng usapan. “Ito ang dating kwarto ng kasamahan ko dito noon.”


“Yeah, si Martin.” Wika nito.


Bago ko sagutin si Nhad ay nagawa ko ng maikwento ang nakaraan ko kay Martin at iyon ay kay Lantis. Ito lang kasi ang nakita kong tamang taong pwedi kong mapagkatiwalaan. Hindi naman ako nagkamali ng taong napagkwentuhan dahil kahit papaano natulungan ako nitong tuluyang tanggapin ang lahat at tuluyan ring pakawalan ang nararamdaman ko.


“He’s not worth your pain Ken. Kung hindi ka niya magawang mahalin hindi mo na kasalanan iyon.Naging totoo kalang sa sarili mo at sa nararamdaman mo sa kanya. Besides, siya naman ang dahilan kung bakit lalo kang nahulog sa kanya dahil sa pinagpanggap ka niyang kasintahan niya. It’s not your fault kung naging duwag man siyang tanggapin ang katotohanang minahal siya ng bestfriend niya. Marami pa’ng deserving sa pagmamahal mo, continue living your life.”


That was his words that bring me to my realization. Kung may naging kasalanan man ako noon siguro ay ng mangarap ako na pwedi pang lumalim ang relasyon namin ni Martin bilang magkaibigan. Napagbayaran ko na ang pagkakamali kong iyon sa loob ng ilang buwan kong pagpapasakit sa sarili ko at tama ito, hindi ko kasalanan kung hindi man nito nagawang tanggapin na minahal ko siya.


“Yep.” Kapag kuwan ay wika ko. Medyo nakaramdam ulit ako ng kaunting pangungulila kay Matt. Gano’n lagi ang nangyayari tuwing may bumabanggit o nagpapaalala sa akin rito. Kaya as much as possible ayaw kong pag-usapan ito.


Mataman ako nitong tinitigan dahilan para iiwas ko ang tingin sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa uri ng pagtitig nito sa akin.


“May Nhad kanang nagmamahal sayo Ken, don’t waste his love for you. Ang daming taong gustong mahalin ng tulad ni Nhad. He’s nice, sweet, and he loves you more than you love him. Kung ako sa’yo kalimutan mo na ng tuluyan ang katangahan mo kay Martin. `Di ka na niya babalikan pa.”


“Matagal ko ng kinalimutan ang nararamdaman ko sa kanya Lantis at matagal ko na ring tinanggap na hindi na siya babalik pa.” Matatag kong wika. “Don’t make it sound like I’m using Nhad.”


“Wala na akong sinabi.” Wika nito na sinabayan pa niya ng pagkibit balikat.


Ang sumunod na nangyari ay magkatulong naming inayos ni Lantis ang kwarto nito. Dalawang buwan na rin ng nakakaraan simula ng iwan ni Martin ang kwartong ito. At sa dalawang buwan na iyon ngayon lang ulit ako nakapasok sa kwarto nito. He’s scent still linger inside the room na nagbabalik sa akin ng mga ala-ala no’ng magkasama pa kami.


Maharan akong pumiling pilit iniwaksi ang mga nakaraan. I’m committed at iyon nalang dapat ang binibigyan ko ng pansin. Nakakangiti na ako ngayon, nakakatawa, at unti-unti ng bumabalik sa normal ang lahat and it was all thanks to Nhad.


Pero hanggang ngayon, tuwing maaalala ko ang huling pag-uusap namin ni Martin. Hindi ko mapigilan na isipin na somehow minahal din ako nito.






“I heard na tuluyan ng lumipat si Lantis sa apartment mo.”  Wika ni Nhad habang kumakain kami sa paborito naming restaurant –ang restaurant kung saan kami unang nag-date at kung saan ko rin siya sinagot.


We were having dinner that night dahil pareho kaming walang trabaho. Araw iyon ng sabado, which also happened to be our date day. Ito lang kasi ang araw sa isang lingo na pareho kaming walang commitment sa mga trabaho namin.


“Yeah, actually kanina lang siya lumipat.” Nakangiti ko namang tugon rito.


“Good. Kung hindi lang sa lola ko baka ako na ang umukupa sa bakanteng kwarto na iniwan ng kaibigan mo. Ayaw mo naman kasing doon nalang sa bahay tumuloy. Ayos lang naman kay Lola, maaalagaan pa kita.”


Pinili kong tuluyang itago kay Nhad ang totoong rason kung bakit umalis si Martin sa apartment. Inisip kong wala rin namang magandang maidudulot kung sasabihin ko pa sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko noon sa bestfriend ko. Tutal, nagdesisyon na rin akong kalimutan ang lahat, wala ng dahilan para buksan pa iyon sa bagong yugto ng buhay ko. Sabi nga nila, huwag mong isama ang nakaraan mo sa bagong buhay mo kung gusto mo talagang makalimutan na ng tuluyan ang lahat.


“Ginawa mo naman akong bata. I can well take care of myself Nhad. Tsaka, hindi naman ata maganda na sa puder mo ako tutuloy. Ano nalang ang sasabihin ng lola at mga magulang mo. Ikaw na rin ang nagsabi, hindi pa nila alam ang tungkol sa atin.”


“I’m about to tell them.” Agad nitong tugon.


“You don’t need to kung hindi ka pa handa. I’m not forcing or obliging you to do so. Kontento na ako sa kung ano ang meron tayo ngayon.”


“Kung ikaw contented na ako hindi.” Saka inabot nito ang aking kamay at marahang hinaplos. “I wanted to keep you for good Ken, mahal na mahal kita. Gusto kong sabihin na ang tungkol sa atin sa mga magulang ko because I wanted you to feel how important you are to me.”


“I can already feel that.” Nakangiti kong tugon. Kahit kailan talaga napaka-sweet nitong taong to. He’s almost perfect to me. Ito na ata ang tamang example ng too good to be true. “Hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo Nhad. We still have lots of time ahead of us.”


“I know, pero hindi parin nagbabago ang desisyon ko.”


“Ang kulit mo rin noh?” Natatawa kong wika.


“You bet!” At mibilis nitong ninakawan ng halik ang aking kamay na hawak nito.


I can really feel how much he loves me. Tama nga si Lantis, ang swerte ko na ako ang piniling mahalin ng tulad ni Nhad. Walang araw na hindi nito naiparamdam sa akin kung gaano ako nito ka mahal at ngayon, handa itong gawin ang bagay na matagal na nitong kinakatakutang gawin – ang ipagtapat sa mga magulang nito ang totoo niyang pagkatao para lang sa akin.


Wala na akong hihilingin pa kay Nhad. He already gave me enough love for me to continue living my life happily. Siya ang dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon sa harap niya. The glow in his eyes is telling me all the emotions he had for me.


Ang swerte ko pa pala kahit papaano. With that thought napangiti ulit ako.


“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?”


“Wala. Na-gwagwapuhan lang ako sa’yo.”


Parang hindi ata nito napaghandaan ang sinabi ko dahil pansalamantala itong natigilan. Amusement was now in his eyes. Hanggang ngayon ikinabibigla parin nito ang mga simpleng hirit ko sa kanya na ikinatutuwa ko naman.


“G-Gwapo ako sa paningin mo?” Tila hindi parin mapakaniwala nitong wika.


“Oo, `wag mong sabihin na wala pang nagsasabi sayo na gwapo ka.” Ang may bahid naman ng panunukso kong sabi. How I love making this guy in front of me uncomfortable.


“M-Marami na rin.” At tumikhim ito para tanggalin ang kung anu mang bumabara sa kanyang lalamunan. “Marami na rin.”


“Marami na pala so, bakit parang nabigla ka pa?


“Who wouldn’t? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinuna mo ang kakisigan ko.” Nakaplastar na ang notorious smile nito sa kanyang mukha.


“Talaga?” Ako naman ang parang hindi makapaniwala.


“Yeah, this is the first time na magpakita ka ng interes sa physical appearance ko. Ang lagi mo lang kasing sinasabi ay mabait ako kaya, inisip ko na kaya mo ako minahal dahil sa kabaitan ko though, its not that bad. First time ko kasing maka-encounter ng taong hindi binigyan ng pansin ang hitsura ko at ang taong gusto ko pa iyon. Kaya inakala kong binubola lang ako ng mga dating pumupuna sa akin.”


Napangiwi ako sa sinabi nito. I admire him physically noon pa mang una ko palang itong makilala. Pero siguro, dahil na rin sa sobrang kabaitan at mga naitulong nito sa akin ay hindi ko na iyon napansin. Mas nangibabaw kasi sa akin ang kabaitan nito.


“At least ngayon bumalik na ang confidence ko sa hitsura ko.” Ngingisi-ngisi nitong sabi.


“Gwapo ka Nhad, kaya nga nabaliw pansamantala si Chelsa sayo di ba?”


“Iba parin ang pakiramdam na ang taong mahal ko ang nagsabi sa akin na gwapo ako. Dahil sa totoo lang kahit binubola mo pa ako ngayon paniniwalaan parin kita.” Again, gumuhit na naman ang nakakabighani nitong ngiti. I matched his notorious smile with a grin.






Ilang araw at lingo pa ang lumipas na naging maganda ang pagsasama namin ni Nhad. Naging maganda rin ang takbo ng buhay ko kasama ang mga bagong kaibigan na nakilala ko sa lugar na pinuntahan namin ni Martin ng magbalak kaming lumayo.


Maraming nabago sa akin simula ng humiwalay ako sa puder ng mama ko para makipagsapalaran kasama ang bestfriend ko. Nawala ang pinakamatalik kong kaibigan pero nakilala ko naman ang mga taong gumabay sa akin at binigyan ng importansya ang nararamdaman ko.


Noon, umiikot ang mundo ko sa isang tao. Sa kanya lang nakadependi ang lahat ng magiging desisyon ko sa buhay dahil gusto ko na lagi akong nasa tabi niya and that was the most stupid mistake I ever did. Depending my happiness to someone was a mistake kasi iyon ang dahilan ng muntikang pagkasira ng buhay ko. Kung hindi ko nakilala ang mga taong tumulong sa akin baka hindi na ako nakabangon, baka hanggang ngayon ay nagluluksa parin ako sa pagkawala ng isang taong tanging naging buhay ko. Tinuruan nila akong tumayo mag-isa. Tinuruan din nila ako kung papaano magpakatatag at ipagpatuloy ang buhay. Kaya laking pasasalamat ko sa mga kaibigan ko ngayon.


“Maki, naasar na ako sayo. Kanina mo pa binabara ang mga sinasabi ko.” Ang tila nagtatampong wika ni Jay. Among the five of them si Jay at Maki ang pinaka close sa isa’t isa.


“Hindi kita binabara. Sinasabi ko lang sayo na walang patutunguhan iyang pagiging tamad mo sa trabaho. Akala ko ba gusto mo ng magbago?”


“Hindi ko kasalanan kung bakit tinatamad na ako sa trabaho ko, paulit-ulit nalang kasi. Walang thrill.” Kahit ang boses nito ay wala na ring sigla. Hindi ko naman ito masisisi wala nga namang masyadong magandang naidudulot ang pagiging call center agent aside sa malaking sahod. Stress ka na nga sa mga costumer na puro paninigaw lang ang alam ay wala ka pang matinong tulog.


“Sino ba naman kasi ang nag-utos sayong doon ka mag-apply?” Ani naman ni Nico na salubong na naman ang kilay. Well, lagi namang nagsasalubong ang kilay nito tuwing nasa harapan nito si Lantis.


“You have your family business to take care of Jay. Maybe it’s about time na tanggapin mo na ang responsabilidad mo sa pamilya mo. Itigil mo na ang walang kwentang paglalaro mo sa buhay at iyang trip mong pagpapaka-low profile.” Ani naman ni Lantis.


“Wala pa akong balak i-commit ang sarili ko sa negosyo namin. Besides, hindi ko pa kaya ang magpatakbo ng isang malaking kompanya.”


Jay’s family owned a computer company. Sila rin ang distributor ng mga bagong labas na computer mula sa ibang bansa. Kung tutuusin hindi na nito kailangan pang magtrabaho pero sadyang mapilit ito sa kanyang gusto at dahil na rin spoiled ito ng mga magulang niya for being the only son and the heir of their unimaginable wealth ay laging ito ang nasusunod. Ginusto nitong maging isang normal na employee lang. He’s reason? Gusto lang daw niya ng simpleng buhay.


“Ang sabihin mo takot kalang matali sa negosyo niyo. Masyado ka kasing easy go lucky, hindi ka tumulad kay Alex na kahit may mayaman ng boyfriend, ayon at nagpapaka kuba parin sa trabaho para buhayin ang pamilya niya.”


“We can’t compare Alex to Jay, masyadong magkaiba silang dalawa. May panininindigan si Alex. Hindi niya hahayaan na ibang tao ang bubuhay sa pamilya niya dahil hindi siya marunong manggamit ng tao. Kaya nga tayo bilib na bilib sa kanya di ba?” Ani ni Lantis.


“Nakakasama ka ng loob Lantis.” Ang tila nagtatampong wika ni Jay. “Hindi naman sa wala akong paninindigan sa pamilya ko, natatakot lang ako na baka dahil sa akin mauwi sa lahat ang pinaghirapan ng parents ko. Alam niyo namang madali akong magsawa sa isang bagay.”


“Pati sa relasyon.” Dugtong pa ni Nico.


“`Wag niyo nang idamay ang mga palpak kong relasyon. Nagbabagong buhay na nga ako di ba?”


“Yeah right.” Sarkastikong pangbabara naman ni Maki at binalingan ako nito. “Ikaw Ken, do you think nagbabagong buhay na nga itong si Jay?”


“`Wag niyo akong isali diyan.” Ang nakangiti kong tugon. Ayaw kong makigulo sa kanila dahil bago palang ako. Hindi ko pa masyadong kilala ang bawat isa sa kanila kaya wala akong karapatang magbigay ng komento patungkol kay Jay.


“At bakit naman hindi ka namin isasali? Akala ko ba magkakaibigan na tayo rito?”


“Maki, give Kenneth a break.” Walang ganang wika ni Nico. “`Wag mo siyang isali sa problema niyo ni Jay.”


“Anong problema namin? Baka nakakalimutan niyong kaibigan rin natin iyan. So, problema niyo rin siya. Kayo naman ang magpangaral sa isang `to at nakakalbo na ako sa kanya.”


“You worry too much for him Maki.” Kapag kuwan ay wika ni Nicollo. Napatingin naman ako kay Jay at nakita ko na nagpipigil itong mapangiti.


“Im not.” Maagap nitong tugon.


“Really?” Tila nanunubok namang wika ni Lantis.


“Yes, concerned lang ako sa parents’ niya dahil mabait sa atin sina Tita at Tito.”


“Kina Tita ka concerned.” Tatango-tangong wika ni Nico.


“Drop it Niccolo.” Nagbabanta na ang boses nito. Napikon marahil sa kalokohan ng mga kaibigan nito. Nabaliktad na ata ang sitwasyon. Kung kanina si Jay ang naasar, ngayon ay si Maki na. At ito ang unang pagkakataong makita kong nagsasalubong ang kilay ng pinaka maamo sa kanilang apat.


“What?” Paenosenting wika ni Nico.


Wat-watin kaya kita riyan ng makita mo.” At doon na tuluyang sumilay ang mapanuksong ngiti ni Nico na sinabayan naman ni Lantis.


“Oh, tama na yan naiinis na si Maki-Maki.” Saway ni Jay pero nakaguhit na rin ang nanunuksong ngisi sa mukha nito. Di ko tuloy mapigilang mapangiti na rin.


“Stop calling me Maki-Maki, Jay-Jay.” Tila may nasabi itong hindi nito nagutohan dahil biglang sumimangot ito.


“A fish can only be hooked by its mouth, huh?” Nanunuksong wika ni Nico.


“Pwedi rin sa sa kaliskis.” Sarkatikong tugon ni Maki. “Huwag kang ngingiti-ngiti riyan Kenneth at baka masama ka sa mga iihawin ko mamaya.” Baling naman nito sa akin dahilan para tuluyan ng kaming matawa rito.


Ganito sila kagulo kapag nagkakatipon-tipon silang magkakaibigan. Favorite hobby na talaga nila ang asarin ang isa’t isa.


“Nakalimutan ko, pakakainin ko pa dapat si Kerochan ko. Pasok muna ako sa loob.”


“Paano napunta sayo ang pusa ko?” Ang tila nagtatakang tanong ni Lantis.


“He’s not your cat. Kerochan is mine, ninakaw mo lang siya sa bahay.” Salubong na muli ang kilay na wika ni Niccollo.


“Excuse me, `wag kang mang-aakusa ng ganyan sa akin dahil pusa ko yan. Ako ang unang nakakita riyan kaya akin yan. Kaya pala hindi ko siya mahagilap sa buong bahay namin ikaw pala ang kumidnap sa kanya. Akala ko pa naman tuluyan na siyang nawala.”


“Kumidnap? Baka makulong ka sa mga paratang mo. For your information, si Kerochan ko ang kusang pumunta sa bahay namin. Wanna know why? Because he’s my cat. Ikaw lang itong nag-iinsist na pusa mo siya.”


“Sa akin si Karupin!” Agad itong tumayo at nagpatiuna sa loob ng coffee shop kung saan naroon ang private office ni Nico. Agad namang sumunod si Nico sa kanya.


“Malala na talaga ang problema ng dalawang iyon.” Ang napapailing na wika ni Maki.


“Sino ba kasi ang totoong may-ari ng pusang iyon?” Takang tanong ko naman dito.


“Actually, wala.” Si Jay ang sumagot. “Gala lang talaga ang pusang iyon at naligaw sa bahay nina Nico at Lantis.”


“Magkasama sila sa iisang bahay?”


“Nope, magkaharap lang ang bahay nila.” Ani naman ni Maki.


“So, bakit nila pinag-aawayan ang pusang iyon?”


“Sila lang ang nakakaalam ng rason. They always quarrel sa mga simpleng bagay pero hindi sila mapaghiwalay.” Tugon ni Maki.


“Mabuti pang umuwi na tayo.” Kapag kuwan ay wika ni Jay. “Matatagalan pa `yang mga yan. Hayaan na nating si Nico ang maghatid kay Lantis. For sure kailangan nilang mag-usap. Susunduin ka ba ni Nhad, Ken?”


“Hindi. Duty siya ngayon sa hospital.”


Iniwan na nga namin sina Lantis at Nico. Gusto sana akong ihatid ng mga ito sa apartment namin ni Lantis pero out of the way na iyon sa kanila kaya naman tumanggi ako. Nangako si Nhad na dadaan siya sa apartment pagkatapos ng shift nito sa hospital at doon maghahapunan sa bahay kaya naman naisipan kong dumaan sa grocery store para bumili ng mga pwedi kong gamitin sa lulutuin ko.


Nasa sakayan na ako ng jeep at kanina pa naghihinay ng masasakyan dahil halos puno na lahat ng dumaan nang may bilang pumarang itim na kotse sa harapan ko. Isang taong hindi ko inaasahan ang bumulaga sa akin ng maibaba nito ang tainted na bintana.



“M-Martin?” Ang may bahid ng pagkagulat at hindi makapaniwala kong sabi.






Itutuloy:

39 comments:

Anonymous said...

grabe bumalik na si matt sa pamilya niya?!?! haist..NEXT NA..hehe..

at ako ba talaga yan kuya zeke? si Jay..haha..parang somehow nakita ko talaga sarili ko sa kanya..

nice job kuya zeke.. :)

-Jay

Anonymous said...

Waaaaaaaaa! Next please! :-) thank you for this story talaga! Soooo gand, hEHEE

Ivan d. :-)

Anonymous said...

Wow eto na.. Ang pagbabalik ng prodigal friend. Haha. Can't wait to know what he's up to.. Thanks for the update sir z.


blue fox

Anonymous said...

Aun!!! Martins back!!!!! Takbo kenotzxxx
Tnx sa update. Exciting !!!!
Randy

Anonymous said...

Here's the thing..

zeke, focus more on the main characters.

Nasasapawan na ng ibang charcters ang story, to the point na naechapwera na ang character ni martin, mas less yung appearnce nya and most of the time sa pambitin sya lagi lumalabas, kpg ngstart na yung next chapter pambitin ulit sya, then hindi ko alam kung aware ka, pero mafofocus ulit sa ibang "hindi" main charcters ang buong chapter like this one.

So if ever na si matt at ken ang mgkakatuluyan magkakaroon ng "Bitin Factor".dahil katulad sa ibang story, aalis yung isang Main Cha. Then sa mga pahuling ending sya babalik. Babalik sya na walang naging POV sa previous chaps. At sa mga pahuling chaps kpg bumalik si matt dun pa lng kung baga mgkakaroon ng kilig moment yung dalawa, so mejo bitin kasi last chap na sya.

Mas nkafocus 'to sa lahat ng nararamdaman ni ken, hindi na eexpose si matt, wala syang POV kahit Third person lang.

So minsan may mga nagagalit kay matt kasi walang explaination sa side nya, at magiging isang bagsakan sa isang last one or two chapters.

Naover na sa exposure yung barkadahan nila Lantis. mat right time para sa kanila. :)

--ANDY

Anonymous said...

i mean, nagiging 'Fillers' yung barkadahan nila lantis, Nico, etc. :)

--ANDY :)

Jasper Paulito said...

yes!!!
sabi ko na eh... sila talaga ang dapat.

Jiru said...

Whoa, Matt is back!

For some reason I can't decide whether I like Matt or Nhad better for Ken. *Which is good, this makes the story unpredictable albeit the plot is clichéd. ^^

Keep it coming Boss Zeke. ^^

--makki-- said...

hala! baka natuloy yung arranged marriage ni Matt??.. tsk tsk!

Crazy Sexy Cool Maki.. lol..

Z.. saan yung Lababo Scene? ba't wala? LOL

Anonymous said...

woahhh..nagkita na sila...what will happen after thhis...interesting talaga ang story na to...nice one kuya zildjian..heehheekeep up the good work..

- Nhad

Anonymous said...

Hi author! Buti naman po at may update na... hehe.. sana magkasundo na si matt and ken.. Pansin ko lang po na parang halos buong chapter about sa barkada ni kenotz.. kumbaga po sa anime parang filler lang po yung chapter.. Thanks po sa update at looking forward po ako sa mga susunod.. pasensya na po sa comment ko..

Jay-ar said...

wah! bumalik n si martin!

I never try to depend my life to someone else...Maybe I'm just to cautious? coward? I don't know...I just don't want to be rejected...I'm just so afraid.

Master_lee#027 said...

Sulit na sulit ang paghihintay ko ,namen ehe good job kuya zek.......and thanks for the updates...

Anonymous said...

kuya zeke fan po ako ng mga stories mo. hindi ko na mapigilan mag comment kasi para mabilis na ang update hehehehe...

seriously kuya sobrang galing ng mga story mo. kapag pinuputol mo bitin na bitin ako at daily talaga tinitingnan ko kung may update na.

ayan dumating na ulit si Martin. ano kaya ang mangyari? parang ayw ko na na sila yung maging partner kasi masyado na nasaktan si Ken eh. samantalang kay Nhad puro love and care natatanggap nya. basta bahala kana kuya zeke kung ano pwede mangyari.

wag ka sana magsawa mag share ng mga stories mo kuya zeke..ingats

-jake

James Chill said...

Oh my g!!! Dont tell me tapos na mag isip siatt kaya sya bumalik at dahil dito laya nakipaghiwalay si ken kay nhad? Wooo... Ang ganda na nga gumaganda pa lalo.. Haha

clap clap...

Anonymous said...

anu kyang next nito.. prang wla ako idea, ayoko munang isipin c matt kc sobra akong kinikilig sa kasweetan ni nhad haha




<07>

RGEE said...

ohh my gash...ano to...? excited na ako mabasa ang next chapter...exciting twist talaga to...thanks author..

RGEE said...

ohh my gash...ano to...? excited na ako mabasa ang next chapter...exciting twist talaga to...thanks author..

Zildjian said...

Andy,


Alam mo naman ako hindi ko gawain na bitinin kayo sa mga realization na magaganap. Sinasadya kong wag masyadong i-focus ang character ni Matt para sa nalalapit niyang pagpapakita. ^_^


Beside, this is the base of the series. I also have to focus on the other characters para sa next story hindi ko na masyadong bigyan ng pansin ang mga details sa kanila. Ganun talaga ako magsulat. Pasensiya kana kung na-aasar kana sa akin hahaha..


About naman sa POV ni Matt, nakahanda na yan. I'm well aware kung papaano magalit ang ibang readers sa kanya kaya nga challenge sa akin na pabanguhin ang character niya sa nalalapit na POV to match up with Nhad. Who knows di ba? HAHAHAHA

Zildjian said...

Natawa naman agad ako ng makita ko ang comment mo. Ikaw na talaga ang pinaka-polluted na reader ko makki-san :))

Zildjian said...

Salamat sa oras at sa pag-comment Jake. I'm glad na nagustohan mo ang takbo ng story ko.

Anonymous said...

next chapter agad mr otor. tama lang siguro na bigyang detalye kung pano nag survive si ken at pagkatapos eh kay matt naman ang focus kung ano mga nangyare.

---januard

Anonymous said...

kakasar!

mukhang in love pa rin si ken kay martin

pano na si nhad?

Anonymous said...

Hindi ako naaasar adik! Hindi na sana ako ngbabasa dito kung ganon. Haha!

Ang point ko eh may right time para sa mga sarili nilang story yung ibang characters, nagiging 'Fillers' yung dating nila sa story na 'to. Kung baga mas okay na i-fill mo yung mga infos nila sa sarili nilang story para walang sapawan.

Tsaka para mas balance yung story. :)

--ANDY

Anonymous said...

Oo nga paka zeke, pag-awayin mo pa si Matt at Ken. lol!

--ANDY

Anonymous said...

-_- andun na po eh kaso biglang "itutuloy" hehe super inabangan ko po ito hehe next na po kuya z, mga ilang chap na pa po ito? ^_^
-darwin19<3

kiero143 said...

What the "H"....next na hehehe..can't wait...cguro nga d na nakayanan ni martin ang pagiging pulubi wahahahaha...

Anonymous said...

ano ba 'yan!!!!! hahahaha, kinikilig ako kay lantis at nico, wahahahaha, ewan ko kung bakit.... mmmmmmm, eto nanaman si martin, wiiiiih, excited much, sana magkabalikan na sila, mas bet ko talaga ang tandem ng dalawa kesa kay nhad, no offense meant ky nhad, pero mas feel ko lang talaga si martin, maybe because i believe in the saying na "1st love never die" hahahahha LOL.....


thanks much daddy zeke for this chapter, can't wait sa susunod, sana mamaya na din. hahahha. LOL


-eusethadeus-

Anonymous said...

naawa ako kay nhad parang lumalabas na panakip butas lang sya d2......................................mga pepz gumawa nman kau ng funpage para kay nhad at ken.........................................................ala nmng bayag c mart d b? itlog lng.....................................................ras

russ said...

zil..ako la ako commment kasi alam ko aware kana sa story mo..kasi obra mo ito diba..kaw ang may hawak ng ballpen, lapis, crayons, balahibo o kahit na ano hehehehe at di kami pero sana naman bilis ng update hehehe.. sana tumakbo si kenots para may habulin scene..

Lawfer said...

haaay... <----yan na coment q

cutieboy14 said...

author just wanna tell you na thank you sa mga magaganda mong story, Im one of your avid fun so wag ka sanang magsawang magupdate. Thank you so much! More Power and Godbless!

Unknown said...

ayan na c martin.. :p gv!

Anonymous said...

Waaaaaaaa

LABO LABO na to

#28

Brent_angelo said...

and Hes back!
anu kea itsura ni Matt sa
pagbabalik nya?
Moved on na ba sya on trying
to forget the feelings he has 4
Kenotz or frustrated but
still denying the fact na mahal
nya rin bestfriend nya?

Mabilis ang pacing
but as they say, nawawalan
ng exposure and Main Character
na si Martin.

Pero alam ko, may matindi ka
atake gagawin sa mga eksena
that's y I am really looking
for the next episodes..

Thanks Zildjian ^^

Rairee16/RaeRi16 said...

Hey Kuya Zek long tym no chat haha pero i still read ur stories hehe patago version nga lng aq haha xD looking forward sa stories mo :)

Anonymous said...

bumalik ang kahapon para saan .............................................ras

Anonymous said...

geez.... oh.... no....

Anonymous said...

OMG!anong nakain ni martin at nagparamdam siya ke ken???hhhmmm...

-monty

Post a Comment